2.03.2011

Layag at Katig

Sobrang sorry mga badidap! Shugality kong nawala sa eksena... Naglayag lang ang BM sa isla ni Lapu-lapu sa Cebu, at dumerecho naman-chi sa Bangkokak... Dahil jan, pinili kong i-post ang aking travelogue blog para mang-inggit at mandaot ng mahihirap ahahaha! Ayan ha, hinabaan ko na ng bonggacious para di nyo naman sabihin na tamad ako! Bilang ganti, post naman kayo jan ng comments at paki-like na rin iteywang FB Page kez. Ahihihi! Wala namang kumpetisyon, bet ko lang talaga na maging masaya sa bawat kuda ninyo. <3

Heniwei, Bilang isang dutiful citizen ng Iskwater, tungkulin ng aming asosasyon na bigyan kami ng mga incentives at benefits para di kami umalis sa eskinita. Travel voucher nga lang minsan, non transferable, not convertible to cash, each item sold separately, to any point of Luzon. 2010 talaga ang pinaka-bonggang yearlaloo sa lifesung ketch, kasi eto din yung pinakamarami kong gala ever. Lumevel-up talaga ako. From BM to BG: as in Baklang Gala!

Boracay
Ditey ang unang plane ride kez ever. Kasama ang mga tropa ni Ka-te nung hayskul, gumora kami sa paraiso ng mga shala. Sa bora ko na-meet si Patrick Star ng layfsung kez. Kung sha ang Patrick ko, willing akong maging Chenelyn Mercado poreber! Memorable ang bora escapade kasi bonggadera ang mga fudang namenchi. Si friendship kasi na from US at si friendship uli na from SG, mega buy lagi ng mga fudtrip para sa tropa. Shempre libre-librehan kaming lahat davah?! Winerva sa fud ang bora, ultimo isaw pwedeng pang-export ahahaha! Dance-dance din kami sa bar at sa buhangin. Ang nakakaloka, all throughout the trip akala nung isang friendship ni Ka-te, kaklase rin nila ako ng hayskul ahehehe.

Iloilo
Wit ko ganu na-feel ang exposure ni Iloilo kasi waley naman kaming ginawa ditembang kundi kumain ng lomi. Paglapag namin sa paliparan, direcho kami sa isang shala-shalahang kainan for dinner. Ning naloka ako, ang meal nila winnie cordero sa presyo! Ispageti meal--23.75, fried chicken--32.50, iced tea--16.25, cake--345 ung malaki. Panalo din sa lasa! Love ko ang Iloilo dahil sa mura ng fudang. Ginawa lang naming port of disembarkation ang Jilo-Jilo kasi from there kami tumawid sa kung saan saang probinsya pa ng Pinas. Unang stopover, Guimaras, then Bacolod at huli yung Roxas.

Guimaras
Guimaras, hindi ka kagila-gilalas! Hay naku neng, Guimaras: Boredom Capital of the World at World Record Holder on Disappointment! Swear! Dumating kami dun ng umagang-umaga. Tanghali na kami nakacheck in sa accomodation kemerot kasi nililinis pa raw. Pagkakita namin sa accomodation susko gusto kong lamunin na lang ako ng lupa. Parang lumang kapilya na kulungan ng sisiw! Ang ilaw, mga nakasabit na malalaking bumbilya. Ang mga bintana, parang bintana ng Kalantyaw Elemnentary School -- kahoy na jalousie! Sa unahan pa nung kapilya, may stage! Pwedeng pwede kaming maglaro ng Ms. Gay Lotto! Walang pintuan ning, gate na bakal lang at pag aalis kami, lalagyan ng kadena at padlock. Kaloka!

Bacolod
Mejo bumawi naman ang Bacolod. Mega Miley Cyrus kami ng bundokelya na may pitong falls kemerot -- its the climb, beybe! Impernes, ang taas at ang layo ng falls! Yung falls number 1-3 parang waley lang. Yung falls number 4, pwede kang mag-dive slash cliff jumping chararat. Ayun, si BM tumalon ng walang sabi sabi. Ang sarap talaga ma-fall. Yung falls number 5 and 6, ayun, falls naman, may tubig pa rin. Yung falls number 7 na pinakamalayo, pwede ng mag-swim swim at mag-picturakka. Naalala ko yung eksena ni Shaider na nawalan sha ng powers at kelangan nyang "hatiin" yung lagaslas ng tubig sa tulong ng laser blaster. Ginaya ko yun, hinati ko yung talon -- ayun lawit na tinggil ko di pa rin hati yung tubig. Nung pabalik na kami sa kabihasnan, grabe! Magnifico! Nasa bundok na pala talaga kami, at ilang bundok yung tinawid namin uli para makababa. At dahil loves ako ni Lord, hindi ako hinika.

Roxas
From Bacolod, balik kami ng Iloilo, at direcho Roxas. Umarkila ng van yung organizer namin na me sapak. Ayun, tumirik ang van, naayos naman kaso mejo madilim na kami nakaalis. Eh madadaanan pala namin yung isang bayan dun na sabi nila eh bayan ng aswang. Tawagin natin itong Buenas. Habang nagtatakutan kami sa van, biglang namatay ang makina ng sasakyan, sabay brownout sa kalye. Syet ang dilim ng kalsada! Yung buong kahabaan ng hiway, mga alitaptap lang ang makikita. Malapit na kaming mag-iyakan ng biglang buhayin uli ng driver yung engine. Potang yun, tinakot lang ata kami. Pinahinga daw nya yung makina kasi mahina ang battery. Tse! Pero c Manong consistent, kasi nagbyahe kami ng walang headlights. Kala ko magiging alay na ko ni Ana Roces sa mga kamag-anak nya. Hay naku, pagpapalitin ko ang mga tsaa namin! Hihihi... Hmmm, I wonder who my Aljon Jimenez would be. Anyway, back to Roxas. Sulit na sulit ang takot at tilian namin sa van. Ang mura ng seafood grabe! Halos iduldul na nila sa mukha mo yung mga sugpo at alimango. Nakabili pa kami ng lobster, 150 each. As in! At di na kami natulog sa lumang kapilya, resort na yey!

Bohol
Kasal ng isa sa mga baby ko sa Dumaguete, pero sinabay na namin yung trip sa Bohol. Typical na eksena, me city tour, me lunch sa Loboc River habang nakasakay sa floating resto, me bisita sa tarsier sanctuary, me piktyur-piktyur sa Chocolate Hills. Ang kasama ko naman ditey eh mga friendship ko sa youth org. Ang pinaka-bet kong eksena eh yung roomaloo. Ang kama, me apat na poste, at may kulambo na parang silk ata o satin, like yung suot ni Priscilla sa Sutla. Feeling Prinsesa ng Kumintang ang bakla habang natutulog. Eto din yung unang trip ko na in-attempt kong mag-puke shorts.

Dumaguete
From Bohol eh direcho kami sa Dumaguete. Impernes, Cutie Capital of the South! Ang daming kyut kyutan na pwedeng karirin. Pagdating palang dun eh bar na agad inatupag namen. Keber na sa beauty rest, kelangang magparty-party sa Dumaguete! Pak na pak ang party scene! Andaming hombre kalurki! Pero dahil youth org ang mga kasama ko, walang landi na naganap, wholesome na inuman itu. Kaya rumampa ako mag-isa nung madaling araw na. Nahuli nga lang nila ko, kaya kunwari friendship ko sha na matagal na. Walang naniwala ahahaha! Kinabukasan, kasalan na! Inuwi namin yung lechon, pulutan sa hotel. Wala ganong moments ditey, except sa kasal kasi un naman ang ipinunta namin.

Apo Island
Kinabukasan, after ng kasal kami lumamyerda. Gora kami sa APO Island, marine sanctuary na pagkaganda-ganda ng marine life. Yung isla mismo d kagandahan. Walang mga bar, di puti ang buhangin, mabato ang beach, isang hapon lang ang turista. Pero na-inspire ako ni hapon. Jetsetter ang lolo mo, city to city ang drama. Nag-ipon sa work at nagliwaliw ng bonggadera. 5 yrs na shang gumagala sa mundo! Bak to APO: nagpaluto kami ng binili naming giant isda kila manang. Sila na ang nagprepare ng lahat lahat, pay na lang kami per head. Katuwa ang buhay ditey, bumibili pa sila ng gasolina sa bayan para sa kuryente nila na 2hrs a day lang kung gumana! Kaya TV Patrol at yung "nakaraan" ng Noah lang ang napapanood nila. Pero mas naloka ako, kasi irereto daw nila ako sa babae para magka-asawa na ko! Ay wit! Bet na bet ko kasing makipagchikahan sa mga manang kung saan saan. Sila yung marami talagang kwento. Tapos swim swim na kami uli. Winner naman pala talaga ang sanctuary. Bawal mag-uwi kahit isang butil ng buhangin para ma-preserve daw. Maya maya lumipat ako sa kabilang pampang, andun daw ang mga pagong. Habang lumalangoy, naispatan ko yung isa na medo maliit around 2.5 feet cguro. Hinabol ko ang hitad kasi akala ko mabagal pa rin sila eh mabilis na pala lumangoy ang mga pagong hehehe. Nagsumbong ata sa mudak nya! Biglang lumapit dun sa teeny pagong yung isa. Potah, kulang na lang chako at tela sa mata, ning Ninja Turtle na! Cowabungga!

Cebu
Mejo sosyal ako sa trip na to, di dahil mapera ako, kundi dahil libre lahat ng ginastos ko ahehehe. Bumisita sa Pinas yung dati kong student na korean, at mega treat ang lola mo sa kin sa Cebu. Unang umaga, island hop muna kami. Hop lang talaga kasi isang island lang pinuntahan namin! 1500 per head pa yun! Nagimbal ako sa presyo! (Gimbal talaga ning!) Nag-stay kami sa Plantation Bay Resort, na mas nakakaloka sa presyo. Ang manmade pools nila, panalo! Saltwater kemerot, at shala ng facilities. Nag-dinner kami sa sutokil, parang dampa ditey sa manila. Pipili ka ng seafood, papaluto mo, at lalamon ka ng bonggang-bongga. Na-try namin yung rock lobster na parang hipon din ang lasa. Tsaka yung malaking kuhol na iba ang itsura. Kahit di ako nakapaglibot gano ditey sa Cebu, enjoy na enjoy kasi libre ahehehe. Negative 2k pa kamo ang gastos ko, kasi paguwi ko kinabukasan, nag-deposit ang lola mo ng anda sa western unionez! Oportunistang BM!

Palawan
Dahil nag-enjoy ako sa pagiging sirena, gora naman kami sa Puerto Princesa. Dun kami nakitulog kila Lola Itang. The usual na aktibidades, snorkling at island hopping. What's remarkable ditey sa mga isla na pinag-hop-hop namen, syet ang mga isda talagang kasabay mo lumangoy! Umiikot ikot nga ako, ang mga swordfish umiikot din sa kin! Kaloka! Enjoy na enjoy ako sa panghihingi sa ibang tao ng tinapay at talaga namang kumpulan ang mga isda sa paligid ko. Birhen na birhen ang kalikasan sa Palawan! Ang shala ni 04 aka Hagedorn! Nagkape kami sa Itoy's ba yun? Nanginain -- di lang basta kumain, nanginain -- kami ng lechon sa kalsada, at naglaro ng in-between sa kwarto. Ditey ipinanganak ang mga makabagong mandirigma: Si Bea Biyakera, Patty Pamintuan, Diana Kadiri, Kardo Kalso, at si Lady Gagaita (ahem!).

Hong Kong
Shempre itinodo ko na ang paglalayag. Umi-international na rin ako! HK is my first trip outside Pinas kaya nai-blog ko na itu dati. Naalala ko pa kung pano ko mag-panic kasi nawawala mga luggage ko, un pala sasakay ka pa muna ng train para makarating ka sa mismong airport. Ang shala davah?! Shunga pa ko nito eh, kaya mega shopping pa ko ng pasalubong. Di ko naisip na mas mura pa rin sa Divisoria. At dahil alone in JK ang drama ko, na-enjoy ko ng winner na winner ang sarili ko. Naloka nga lang ako kaka-compute sa mga presyo. Hehehe!

Singapore
This time, me kasama na ko: si Fernandez, si Alcober at si Dumdum na nung time na yun eh nakikipagsapalaran na makahanap ng work. Gora kaming apat sa Universal Studieos at nakapulot pa si Fernandez ng perlas ng silangan na breslet. Masasaya ang mga rides, pero mejo bitin kasi yung pinaka-shalang roller coaster, pak! Sira! Kaurat! Pagoda Lotion talaga kaming lahat kasi paulit-ulit kami sa Mummy Returns. Kinabukasan, gora kami sa JB, Malaysia para magpatatak ng passport ehehehe. Nung last day namin, na-meet ko naman si Altoveros at sinamahan nya kami mamili ng gadgets, lens at kemerlou ng SLR. Katuwa ditey ang mga tren, as in kabit kabit talaga kamo lahat. Kaliit nga lang kasi ng bansa nila kaya keri ng budget na magpagawa ng sanlaksang MRT. What I loved in this country is the kalinisan at kaayusan ng lahat. Walang mga kendi wrapper sa kalye, walang nagje-jaywalking at wala ring mga dura-dura at babel gam sa kalsada. Kung magwo-work ako after graduation, ditey ako unang maga-apply. Tsaka andito rin kasi si Number Fifteen (na nagpapa-miss sa dami ng exams nya ahihihi.) Sa sobrang ka-at home namin sa SG, muntik pa kamo kaming maiwan ng plane. Tumakbo na kami sa Gate 10 ng Budget Terminal, at naputol pa ang takong ni Alcober. Since sanay na kong shumakbo, tawa ako ng tawa. Pero si Ate sigaw ng sigaw: "Eto ba gusto nyo?! Eto ba?!"

Johor Baru
Waley lang to, matatakan lang si pasaporte kaya kami gumora. Eh pano, 30 minutes lang ng bus nakatawid ka na sa Malaysia. Mega palit pa kamo kami ng Ringgit, wala naman kaming binili. Nagstay lang kami sa JB Sentral, isang mall na keri na rin paglibutan. Kumain ng lunch na di ganong delicious, at bumili ng dragon fruit shake na wala palang lasa! Kainis! Nagkawalaan pa kaming tatlo kasi ba naman, yung dalawa bumaba sa sakayan ng bus pabalik ng SG, hindi sa immigration ng Malaysia. Ayun nung bumalik kami sa SG para lang kaming nagpunta sa Cubao. Walang arrive.

Kuala Lumpur
Ibang level din naman ditey sa KL. Ditey, hindi ako si BM. Ako si Zulay. Zulay Man. Kasama ko si Sime. Sime Kho. Kaming dalawa lang at nagwala kami ng nagwala sa Jalan Kembular. Bawat kanto, nag-e-MTV kami ng telephone ni Ateng Sunshine Corazon at Rachel Berry. Yung napuntahan pa naming hotel, kaya pala super murayray, super waley din pala! Buti na lang borlogs lang kami dun! Shopping-shopping si Sime, ako naman compute compute. Ang baon kong 5k, paguwi ko 3500 pa ang natira ahahaha. Andami ko pang pasalubong na keychain, me sandals at bagelya pa kong bago. Maduga si bakla. Dance dance kami sa Blue Boy sa Bukit Bintang. Shala! Gay bar yun, as in club na pang beki. Lahat ng parokyano, beki din. Pero san ka pa, ako lang ang nakapuke shorts at habang sumasayaw, tinataas ko pa! Ikaw na BM! Ikaw na talaga ang hitad na hurindat! Kahit balbon ang hita at binti ko, at kahit kalbo ako, keber! Puke shorts talaga! Zulay and Sime conquered KL bigtime!

Bangkok
My last trip for the meantime. Kasi study muna uli si beki. Kasama ko uli si Sime, at join force sa min si Lotlot at ang kanyang irog, plus ang aming long lost sister, si Rica "Abs" Rebullar. Pero ditey ibang persona kami uli. College days kasi, ako si Prue, si Lotlot si Piper, si Sime si Phoebe, at si Eskey si Paige. Si Rica ibang palabas yun: Daisy Siete (sha si Jopay!) Si Phoebe at si Paige yung kasama ko 2 yrs ago sa Puerto Gaylera -- sina Sailor Mars at Sailor Pluto. Ditey, Charmed ang drama namin nina Piper at Pb, plus bowa and Rica na may bago ng namesung: Papaya Pokpok. Ang haba ng intro sa trip na to! Hihihi. Ditey sa Bangkokak, mejo swerte kami dahil sa pagka-shunga ni Pipat the hotel manager. November pa lang mega reserve na kamenchi ng roomaloo. Two rooms, two nights. Pag-arrive namen sa Myhotel, pak! Waley ng rooms! Winarla namin si Pipat, kudaan ba naman sha ng 2 beki, 2 babaylan at isang otoko, maloloka talaga sha! Ang ending, inilipat kami sa mas shalang hotel na nasa sentro ng kalakalan, at mas maharlika. At yung two nights namin, naging four nights. Plangak!

Di kami nakadalaw sa mga buddha, tsaka dun sa parang star city. Kasi si Papaya Pokpok, lahat ng planong gawin, ilegal! Punta daw kami sa buddha, pero bawal magsalita para kunwari Thai kami, libre entrance. Naglibot na lang kami sakay ng tuk-tuk at nag-pose sa lahat ata ng kanto ng Bangkokak. Nabanggit ko na senyo ang misyon kez davah? Kundi ko makita si Mario Maurer, kailangan maka-quota ako ng picture ng mga boylet na pwedeng karirin. Minsan napapansin nila na ninanakawan ko sila ng moment, napapangiti yung iba. Yung iba nagpo-pose din, at me isa pang nag-flying kiss! Me concert kaming naabutan sa isang mall, kahit nagho-host na si Kuya, nasa stage pa rin ako at mega pose ng japan-japan sa tabi nya. Nagpunta din kami sa gaybar, ning literal! Kung beki lahat ng customers, mas beki pa yung mga dancer kabuset! Shempre in-expect namin na mga yuming-yummy ang mga anacondang paparada sa harap namin, waley! Mas lalaki pa kamo si BM kahit naka-puke shorts ako! Pero all in all, sulit.com.ph ang trip namen na iteiwa, simply because we were all having fun. San ka pa, Bangkokak na yun, ang nagastos ko lang, Php2600. Di ko alam kung murayray ba talaga lahat ng bilihin doonchi, or juripotstra lang talaga ang bakla. Nasa balat ang anda, wala sa bulsa!

Sa dinami-dami ng pinaglayagan ko sa taong ito, isa lang ang masasabi ko. Pilipinas, ganda mo teh! Conquering the world, one city at a time. Sabi nga ni Kuya Bruno, "a different city every night, oh I swear, the world better prepare... for when I'm a billionaire!" BM, the world's first Beki Billionaire. Sakay na!

3 comments:

  1. winner again... grabe ang haba ng post mo dito teh

    sana lang may pictures para winner na winner to the maximum level na talaga!

    ReplyDelete
  2. Ang bongga teh! Dapat me visual aids para mega bongga!

    ReplyDelete
  3. Nice trip eber .. Sarap nman nun kahit nkaka stress-tabs ang lamyerda nyo!

    Kung alam ko lang na pmnta kau ng KL nki join-force sana ako. Una't huling gora ko sa BB puro mga tuklitang dugyot na bangus ang nandun at ang power of under-arm eh sumasabay sa malakas na lagabog ng mga tugtogin! lols

    Niwei, sana mameet kita GANDA!!! sarap mo siguro kausap. Hihihi

    ReplyDelete