Habang MIA (as in missing-in-achuchuchu) si My Fifteenth, sinendan nya akeiwa ng link na itey. Sumali daw akeiwa sa pa-jontest ng blogelya kyeme, at ng magkamal ako ng limpak-limpak na salapi. Gusto daw nyang manalo ako. Na-tats nga ako kasi na-imagine ko ang lolo mo na naka-cheerleader outfit at humihiyaw ng "Go BM, go BM, go! B! (clap clap) A! (clap clap) K! (clap clap) L! (clap clap) A! (clap clap) N! (clap clap) G! (clap clap) M-A-T-O-N! (clap clap clap clap) BI-EM!" Sabay taas ng pompoms na pinkaloo.
At dahil Chinese New Year ngayonchi, naisip kong eskyemperduhin ang calendar of activities ketch ditey sa Baklang Maton. Kumbaga, planning mode at deliberation ekek ako ngayon. Tsaka introspection na rin. Masarap kasing kudain ang sarili bago pa bumitaw yung isang hibla ng katinuan sa jutak kez. Naalala ko tuloy... Tinining-tinining... Ang nakaraan...
Nakaupo ang bakla sa harap ng dagat at nangangarap. Malalim ang iniisip, nage-emote, humuhuni-huni ng Canon Chemberlain, at nagpapraktis ng pagtulo ng luha sa kaliwang pisngi. Biglang lumapit si Mudak at hinaplos-haplos ang buhok nyang green.
"Mutya, may problema ba?"
"Wala po Mudak, nag-iisip lang po."
"Ay nag-iisip pero ume-emote? Bakit ka umiiyak?"
"Naisip ko lang po, sana hindi ganito ang buhay ko."
"Mutya, hindi ka ba masaya?"
"Masaya naman po."
"Oh anong problema?"
"Gusto ko pong magka-paa, Mudak."
"Huh? Mutya hindi ka naman pilay. Nakakalakad ka naman."
"..."
"Kanina nga nagte-ten-twenty pa kayo nina Gayzilda at Bekirella."
"Ay oo nga po pala, hindi ako sirena."
"Oh eh ano ba talaga ang problema?"
"Mudak... Sana po, magka-pechay na ko."
"Hay naku kanina isda, ngayon naman gulay. Mamaya mo nyan eskabeche na gusto mong maging. Ewan ko sayo. Andami mong kuda, Mutya!" Nag-walkout na si Mudak. Di kinayanan ang pagiging ambisyosa ng unica hija nya.
Ilang taon na ang nakakalipas mula ng maganap ang usapan na yun sa pagitan namin ni Mudak. Matagal ko ng natanggap na wala akong buntot. At yung magka-pechay eh isina-puso ko na lang at di ko na isina-katawan, baka kasi itakwil na ko sa rainbow na paraiso ng mga na-dedlak na beki. Nahanap ko na rin ang nawawala kong boses, at di ko na alintana ang makalyo kong paa. Kumbaga, buong-buo na ang self-confidence kemerlalou ng bakla. Kaya ako nag-blog. Segway!
Sinimulan kong magsulat, project sa iskulilet. Kelangan kasi ng scrapbook sa Developmental Psychology, with matching piktyurakka, mga notes at reflections, at mga eklaboo. Gumawa ako ng mga essay-chenez na parang blogelya ang dating sa bawat milestones ng buhay kez. Yung mga "significant others", yung mga "past, present and future", pati na yung mga "somewhere, somehow, someday" ko, nadawit sa kalandian. Ang resulta? Uno. At nag-enjoy naman ang mga friendships ko sa nabasa nila. Nag-enjoy din ako sa pagsulat. I found my niche. Sa lahat kasi ng ginagawa ko, madalas mediocre ang dating. Walang A for eyfort, puro B lang for basta na. Basta nakapagpasa, basta nakagawa, basta nakatapos, basta nakabigay, basta nakakembot. Sa pagsusulat, na-eureka ko na kering keri ko palang magmaganda at magmagaling.
Dahil sa pagba-blog, natutunan kong yapusin ang aking pagkatao. Di ko lang niyapos, kinadena ko pa sa sarili ko. Dito ako nagsimulang kumuda, esta makakita ng mga nakakatawa, nakakainis, nakakaiyak, nakakalibog, at nakakabakla na mga eksena, kaganapan, nilay-nilay, at emosyon. I learned to express myself while impressing others. Shempre narcissistic din ang bakla, gusto ko ring malaman na may mga natutuwa pala sa bawat kembang ko. Ang taba-taba ng puso ko sa bawat reaksyon at komento ng mga beki, babaylan at occasional na lulurki sa bawat chararat ko. Mas natatapos ko pa kamong isulat ang blogelya entry kesa sa thesis ko!
Ang blogelyang itey din ang naging daan para magising ako sa katotohanan. Iba kapag bakla ka. Ibang landas ang tatahakin mo. Hindi lang sha matinik at mabato, makyontot pa with matching whispers ng mga taong maraming kuda sa buhay. Ibang saya ang pwede mong idulot sa mga taong mashadong emotera. Iba ang ine-expect sayo ng lipunan, at iba lalo ang paraan para makita mo ang sarili mong maligaya. Kailangan mong patunayan ang sarili mo ng paulit-ulit, hanggang sa mawalan ka na ng paki sa sasabihin ng iba. Sabi nga sa nabasa ko sa horoscope ata, ine-expect ng lipunan na isa akong kahihiyan, ayoko silang biguin.
Naging salamin ang webpage na ito sa mga saloobin at salabasin ng isang BM. Isang Baklang Maton. Isang bakla. Period. Napa-tumbling nga ako ng makita ko kung gano kadami na pala ang bumibisita ditey araw-araw. Humigit kumulang na! Syet! Pagkaminsan tinatamad na rin akong ipagpatuloy ang pagkuda ditey sa blogspot. Wai namang sweldorific ang bawat post, wit ding career na pwedeng iuwi, waley ding lulurki na pwedeng gawing bufra mae. Pero pag naiisip ko na eto ang tulay para makilala ko talaga ang sarili ko, at maipakilala na rin sa mundo kung ano ba talaga ang tunay na mukha ng mga bakla, napapabulong ako sa hangin. It's all worth it.
So, what's next for BM? Para sa kin -- para sa kin lang ha, wag kayong kumontra. Para sa kin, sa pagiging BM ko maipapakita ang iba't ibang maskara sa likod ng bekilandia. Baklang Maton, baklang mahirap, baklang mayaman, baklang maarte, baklang makuda, baklang malibog, baklang mayabang, baklang maliit, baklang mataba, baklang malandi, baklang mahinhin, baklang maldita, baklang matanda, baklang makulit, baklang mapanlait, baklang mapagmahal, baklang makabayan. Baklang dakila. Hindi lang basta bakla. Lahat ng bakla.
Pano ko maa-achieve itey? Sa bawat tipa, sa bawat titik, sa bawat salita, sa bawat pangungusap, sa bawat talata, sa bawat katha, sa bawat likha, sa bawat gawa... sa isip, sa salita, sa kilos, sa pananalita... Sa utak, sa katawan, sa puso, sa kaluluwa... Sisiguraduhin kong may kabuluhan, may sense, may kembot, may pupuntahan. Sa bawat post, para sa Bekilandia. Promise!
Who knows, dito magsimula ang pangarap kong BYA. Beki Youth in Action. Oh di ba? Hay 2011, ready or not, here I am!
Kung ito ang entry mo, panalo na to ditse. :) I support u all the way. (all the way???) Basta, sa yo ko ipupusta ang panty ng nanay ko. Labyu BM. :)
ReplyDeleteang effort nung cheerdance sequence sa umpisa. lol.
ReplyDeletetama. sama-sama nating ipakitang lahat kung gaano tayo ka-diverse. =)
pasok na pasok sa banga ang mutya monologue. malaki ang chance mo. :D
ReplyDeleteNaaliw, natuwa at napaganda mo na naman ang mood ko BM kase lagi kang may bagong entry..
ReplyDeleteang haba ha!effort itech! pero tinapos ko daw hahaha!
ReplyDeleteat aabangan nami yang pangako mo ha! go mare!
Sa effort at sustansya....
ReplyDeleteWinnur!!!
winner talaga...
ReplyDeleteteh bm congrats at no. 2 ka pala sa favorite blog ng manilagayguy fabcasters
well di naman nakakapagtaka kasi you're one of the three bloggers who inspire to have my own blog
Hindi ko alam kong pano magsisimula kaya Happy Chinse New Year nalang sayo BM and to all Bekilanders!
ReplyDeleteMedyo matagal na akong nagbabasa ng blog mo pero ngaun lang ako nagcomment. Ang dami kong gustong sabihin pero let me start with a "Thank you!". Thank you kasi you are who you are. Thank you for showing a part of me na kala ko nawala na. Thank you for showing me what i have been missing. Thank you for being such an inspiration.
Reading one blog entry is enough to brighten me up when i feel gloomy or uninspired. And im sure hindi lang ako ganito ka-thankful sayo.
Pouring your heart out in a blog is not easy because somehow you're gonna make yourself vulnerable. There are risks.
But BM is your name and risk is your game hahaha. That's what I admire the most about you. Ang lakas ng loob mo teh. Sa larangan ng pag-ibig, sa lahat ng hamon ng buhay...parang kang reincarnation ni Gabriela Silang sa tapang...
Maybe someday i would write a blog too. Im not sure...but what im sure of is gusto kitang makabonding minsan kung iyong mamarapatin.
Btw, do you happen to be in St. Luke's Global City a few weeks ago? Kasi may nakita akong kahawig mo na may nakakalokang ringtone sa cellphone...
Thank you BM. God Bless and more power to you! ^_^
yey andaming nag-likey! natuwa naman ako sa mga supoportive na beki... eh kc gift ko to ke My Fifteenth kc nag-bday ang lolo mo... at the same time, pinag-usapan tlga namin nung frend kong nagw0-work sa NGO na magtayo ng gento... what do u think guys?
ReplyDeleteat saka, anonymous, di pako nakakapunta sa St. Luke's the Fort... hehehe!
ReplyDeletego! go! go! BM... i love this post! sana manalo... at sana panindigan ang pakikibaka para sa mga beki hahaha!
ReplyDeletesimulan na yang BYA na yan! hehehe!
ReplyDelete--KC
awwww.... i support u BM!
ReplyDeletewow! ang ganda ng entry, taob ang madlang pipol seo..wah! Gold luck (gold tlga)and Congrats in advance, advance happy birthday na din, :)
ReplyDeletePak na pak! Pakakak! Katuwa naman to BM... Maton na maton ang entry mo!
ReplyDeleteehhehe.. nakakatuwa.. beking beki lang! ALEI :)
ReplyDelete"So, what's next for BM? Para sa kin -- para sa kin lang ha, wag kayong kumontra. Para sa kin, sa pagiging BM ko maipapakita ang iba't ibang maskara sa likod ng bekilandia."
ReplyDeleteGo mare! ipakita mo ang ibat ibang mukha ng kabaklaan! Go!
jabbbooooo...ARTE NG SITE... I LIKE IT SO MUCH.. LOVE.LOVE.LOVE pa -jech
ReplyDeletenice.. sooooooooo artistic.. maarte ka pa rin..
ReplyDeletei like it!!
Wishing you the best of luck. Ipagpatuloy mo lang ito, BM at marami kang napapasaya. Sana eh magsulat ka na rin ng libro na makikita namin sa mga bookstores para magka-pera ka din sa pagsusulat. =)
ReplyDeletenice one... mananalo ito panigurado ^_^
ReplyDeletefeeling ko bekimon na rin ako ahihihi
mare! Happy Valentine's Day! Sure winner ito bakla may adhikain eklavoo ka pa! Good luck at congrats in advance ... =)
ReplyDeleteAntaray parang Ladlad Party List! Shala! Kelangan mo ng pondo bakla!
ReplyDelete"Sabi nga sa nabasa ko sa horoscope ata, ine-expect ng lipunan na isa akong kahihiyan, ayoko silang biguin."
ReplyDeleteNarinig ko ang linyang 'yan sa ZsaZsa Zaturnah.
Victoria ang entry mo. Winner.
salamat sa mga nag-like at nag-comment... grabe overwhelming! Di pa ko makagawa ng blog at andaming nagpapagawa ng thesis ahaha... i miss writing for u guys!
ReplyDeletepanalo to BM....
ReplyDelete"Pano ko maa-achieve itey? Sa bawat tipa, sa bawat titik, sa bawat salita, sa bawat pangungusap, sa bawat talata, sa bawat katha, sa bawat likha, sa bawat gawa... sa isip, sa salita, sa kilos, sa pananalita... Sa utak, sa katawan, sa puso, sa kaluluwa... Sisiguraduhin kong may kabuluhan, may sense, may kembot, may pupuntahan. Sa bawat post, para sa Bekilandia. Promise!"
patnubayan ka nawa ng mga diwata!