Sa isang cheap-anggang Motelya sa Sta. Cruz, Maynila. Naganap ang pagsasanib ng mga pwersa ng shotawan ng magkatipang Bibiana at Ambo, kapwa criminology students sa PCCR. Ang isang chukchakan na inakala nilang simbolo ng kanilang pagmamahalan ang siyang babago pala sa kanilang mga buhay, sa kapalaran ng mundo, at ng sanlibutan.
Nagpaligsahan ang mga tyanak.. Sino kaya ang magwawagi? Sino ang pinakamabilis mag-fly? Sino ang pinakatodo ang pagrampa sa runway? May isang kadete na naka-tiara at tutu, sya ang pinaka-winner kasi sya ang nauna. Pumasok sa itlog, at ang pagsasanib na ito ay nabuo upang mabuo ang isang baklitang hihiranging tagapagpaligaya sa mga nalulumbay na boylet. Sige na nga, pati mga lonely na gelay (as friends lang ha).
November 19, 1981. Isang bakla na naman ang na-conceive by the power of Grayskull, and she would be the Most Maton of them all.
Nine months after, the baby was born. August 19, 1982. Matapos ang matinding pagpapahirap sa pwerta ni Bibiana ay kinailangang biyakin ang kanyang tyanenat para lang makuha ang baby bayot sa sinapupunan nya. Ewan ko ba, lumalaban ata dahil takot sa liwanag ang bata. Pero nang ilabas sha ay walang kasinglakas ang kanyang pag-uha. May gus2ng patunayan! May ibubuga!
Natupad ang pangarap ni Ambo na magkaroon ng baby boy. Yun ang akala nya! Natupad rin ang pangarap nyang maging pulis pangkalawakan. Classmate nya si Alexis sa Academy. Sa una ay okay ang kembutan ng mag-asawa kasama ang kanilang unica baby dela ganda.
Subalit datapwat ngunit (gasgas na toh) Revised edition: But, however, although, yet, nevertheless, maraming struggles na dumaan sa kanilang mag-ina.
Namangka si Ambo sa sangkatutak na ilog, dahilan para habulin sha ng itak ni Bibiana. Dahilan para tuluyan na silang mag-move on sa kani-kanilang buhay at magkantahan ng separate lives.
Likas ding mahina ang katawan ng sanggol dahil ipinanganak itong may asthma. Kaya mega walkathon ang drama ng mag-ina every madaling araw para maclear ang lungs ng bagets at makahinga itech ng maayos. Kahit minsan ay nilalait sha ng ibang maderraka kc binibilad nya sa hamog ang beybi nya, keri ba nila eh yun ang kailangan ng bata, mga gaga!
Tsaka itung si baby dela ganda eh matulis din ang nguso, namana kay Ambo. Ang Bibiana ayaw ata ng alaala ni Ambo, pinilit i-therapy mag-isa ang nguso ng beybi, pinisil-pisil hanggang mawala na ang traces ng pagka-matutina.
Ilang beses naospital ang bata kaya laging hirap sa datung ang mag-ina. Lagi din silang nakikiamot ng anda sa stranged husband nya na walang ginawa kundi mambabae at humithit ng katol. Hanggang sa di na sha nakatiis. Si Bibiana, ewan kung bakit pero naki-chorvah sa isang kasamahan sa presinto ni Ambo! Siguro ay way nya itech para makapag-revenge of the fallen sha sa dating asawa. At naging dyowa na nga niya si SP01 Estrella.
Lumipas ang kumakandirit na mga taon, ang baby dela ganda ay lumaki at nagmaganda sa iskwater. Naging pasimuno sa mga rally ng mga bata na ayaw pumasok sa HE kasi terror ang teacher, Nagpasimula ng panukala na kung matapang ka eh makakatalon ka from the bubong to the lupa. Nagtatag ng samahan na ang tanging goal ay mag-tikol ng sabay sabay. At nanguna sa pag-akyat sa pader para makapanood ng bold ang gang.
Pero nung mga taym na yun, ang bakla ay lalaki pa. Nagka-bowa, nangarap ng jackpot na gelpren (ewww) at nagpantasya kay Joyce Jimenez at Priscilla Almeda.
Eh kaso, natutong lumandi. Dahil sa isang swimming kasama ang mga mag-aaral ng Manila High School na puro lulurki ang kasama, na-arouse ang hasang ng tilapia within. Kasi ba naman, ang magkakaibigan, me laro na sisisid sa ilalim ng tubig at saka doon maglalaplapan! Kaya ang tilapia, nakipaghalikan na rin sa kanyang kapwa. At mula noon, natutong magpantasya kina Gabby, Aga, Gardo at Cesar. Feeling pa nya ay sha si Kuya Dick sa Okidok lalo na sa pagtatago ng feelings sa crush nyang mhen sa classroom.
Disi-seis nang matanggap ng binatilyo dela ganda, na dalagita pala sha. At mula noon ay di na nagpaawat sa pagmamaganda.
Rumampa sa Malate, nakipagsiksikan sa mga bar, nag-aral minsan, at nainluv. Nainluv ng paulit-ulit. Pero katawan lang nya ang habol nila. Eh mapagbigay ang bakla, kaya binigay naman ang katawan sa gustong tumikim. Bakit ba! Generous eh!
Makalipas ang dalawampu't pitong taon, ngayon ay isa nang ganap na dalaga ang dati'y hikain at patpating sanggol. Hikain pa rin sha, pero me pambili na ng inhaler. Hehehe!
Sa inyong lahat na nakakakilala, salamat sa isang buhay na makabuluhan. 27 years and counting!
At sa inyong mga hindi nakakakilala, halika... Tanggalin natin ang maskara.
haha.. brava!!!
ReplyDeletehappy birthday! (if i'm not mistaken)
ReplyDeletei lurve your kwento Baklang Maton! and i don't think taga-squater ka nga, feelnig ko taga Forbes ka! weee
baka isa kang nawawalang tagapag-mana??!!
Maligayang kaarawan po sa aking kapwa blogger =)
ReplyDeletenaaaliw akong basahin mga post mo..
ReplyDeleteyou remind me so much of my PLU friends e..
btw, hapi burpday.
and though 1st time ko makita how you look like, you look familiar.. :D
Nice..autobiography itech!Ü hehe burdee mo ba sis kaya sinhare mo sa amin ang iyong life?kung ganun haypee haypee burdee sis, wish you all the happiness you deserve..Ü
ReplyDeleteHappy birthday! Parang hindi bagay sa itsura mo na ganito ang style of writing mo lolz. I thought, you would look like alfie Lorenzo or yung anak ni Dolly Anne Carvajal lolz, yun pala para kang Robin Padilla ang pinoy bad boy lolz
ReplyDeleteAgain Happy 27th birthday!!!! Enjoy the day!
curious talaga ako sa mukhang nakatago sa maskarang iyan. sa wakas, nakita ko na rin ang gwapong mukha mo. maton na maton ka kalaga bakla ka hahaha!
ReplyDeletebravo sa yong bonggang-bonggang post! at bravo sa yong bonggang-bonggang layf! happeee burtday!! :)
hahhaha galing ng post mo...more more more
ReplyDeletehappy beerday! saya talaga bumisita sa blog mo...
ReplyDeleteanak ng tokwa! bonggang birthday mo pala.. HABERDAY kafateeeed!!
ReplyDeleteyoh jhozah!...ang landi mo tlga kapatid nga kita!...jusme mas gwapo ka pa k totong eh!
ReplyDeletenyek! iikaw ba talaga yan? cool! hapi bertdey! ganda ng kwentu mu ah :] hikain din ako :(
ReplyDeletebelated HAPPY BIRTHDAY MATON....
ReplyDeletehehehehehe
...ang ebolusyon ng bayograpiya. ASTIG!
ReplyDeleteBelated Happy Birthday! May you have more papa, este! happy years to spend.
Mabuhay ka Baklang Maton! *apir! ツ
naks naman. bongga ang post na ito hindi ko kineri. pero di nga taga manila highschool ka din. hala ka.... hehehe! pero shempers hindi tayo magka-batch. san ka naman nag college.
ReplyDeletehapi bertdey mare. kabogera kang talaga.
maton na maton ang drama ng maskara.
Happy birthday! Your blog certainly makes my day. I have a birthday gift for you as a token of appreciation for entertaining us here. Can you email me so I can send you a new masthead that you can use here? my email is pinoy.ako2000@gmail.com
ReplyDeletesalamat sa mga bumati, at nagbati para sa akin. marami pang susunod pwamis...
ReplyDeleteomaygawd mars! lalake ka pala! hehe. :) happy birthday! lateness akey sa pagbati dahil busy-ness ever din! :) az in! winner ka! sana ay magkembutan tayez minsan sa malate! mwah!
ReplyDeletepuge ah.heheh.
ReplyDeletekaloka, kakadiskubre ko lang sa blog and i was pleasantly surprised na taga manila high ka pala! at sa tingin ko, nag-abot tayo dun.. maybe not as batchmates, kasi i'm 3 years younger pero definitely nag cross ang landas natin dun. anong section ba kayo at anong batch?
ReplyDeletei'm a fan!
i'm a fan of your blog...keep up!
ReplyDeleteNgayon lang ako napadpad sa blog mo. Akalain mo magkabirthday tayo. Hehehe
ReplyDelete