9.25.2009

Singkwenta Pesos

Nakapulot ako ng singkwenta pesos. After ng jilang hakbang nakasalubong ko ang jisang aleliboom, obvious na kumakapa at naghahanap ng anda sa bulsa. Inabot ko ang singkwenta pesos at lumiwanag ang buhay nya. Parang meralco ad.

Andaling bitawan ng singkwenta pesos. Kasi ang liit ng halaga....

Nung nakilala ko si Magic, ginusto ko sha agad ibulsa. Kasi tingin ko, ang highest level ng halaga nya. Di ba nga, para shang pinaglihi sa pagnanasa? Para bang mula bumbunan hanggang ingrown nya eh katakam-takam. Kaya gusto ko shang ipa-notary at ipa-deed of sale. Kaso, after rin ng ilang steps at a time natigilan ako.

Wala akong nakasalubong na aleliboom. Pero di ko sha maibulsa. Kasi pala, marami kaming nakahawak sa singkwenta. Kung makikipaghilahan ako, baka mapunit lang sha, kawawa naman ang bata. Kaya bumitaw na lang ako. Na-realize ko, isa pala akong baklang mapagparaya.

Nung si Totong ang kaharutan ko, para naman shang lumang damit. Yung freshness at masarap isuot kasi saktong sakto sa baktong kong mga dibdib, at super hapit sa perfect kong figure. Yung tipong bata pa ko eh sinusuot ko na, halos kumapit na sa kili-kili ko yung amoy ng mothballs, pero ayos pa rin. Itinago man sha sa baul, nung mahukay ko uli eh ayaw ko ng pakawalan.

Yakap-yakap ko sa pagtulog, inaamoy-amoy at sinasamyo-samyo, sinisimsim ang bango. Kaso si bakla me memory gap, nakalimutan palang i-lock ang baul. Me nakapasok na aswang, at ninenok nya ang kamison ko na si Totong.

After ng ilang tulog kayakap si Totong eh binawi sha ng aswang. Sumigaw ako ng malakas: "Una shang naging akin!" Sumigaw din ang aswang: "Me hati ka ba sa gitna?" Wala. Kaya wala rin akong nagawa. At nilipad nya palayo ang kamison ko.

Kaya nung makilala ko si Marvin, pangako ko sa sarili ko: "Pang-bembang lang to. Para walang hard feelings. No harm done pag ayawan na."

Nakilala ko sha May pa. Dumayo ako sa iskwater ng ibang lungsod. Kesehodang bumabagyo eh sumugod kami ng friend ko sa Taguig. Kasi sabi nya, me buffet daw ng mga boys dun. Kaya naman ang badesa, sinagasa ang delubyo, maka-attend lang ng eat-all-you-can. Kaso dahil nga me bagyo, ayun walang karinderya na bukas sa lahat ng gustong kumain. Sarado na. Tapsihan lang meron. Sha, sha, tapsilog na nga lang. Walang fiesta, sadness.

Sa mga nakahain sa min, si Marvin lang ang hindi natikman ng friend ko. Elusive. Mysterious. Yummy. Charming. Tempting. A dangerous combo meal. Pero dahil kinakati ako, go for it ang bakla.

"Gusto kong mag-videoke." sabi ko sa kanya. "Walang pwesto eh." sagot naman nya na ikinagulat ko, at ng lahat. "Dun tayo sa min." sagot ng isang hulog ng langit. Me kunsintidor pala na nakarinig kaya gumora kami. Ewan anong meron sa kin, bakit andali ko shang napapayag that night. Basta ang alam ko, nasabunutan nya ko ng bonggang bongga. At nag-concert naman ako ng waging-wagi. Falsetto pa!

Di kasama sa plano, pero si Marvin, binulsa ko na pala. Pina-laminate ko pa, at nilagay sa purse kong prada -- pradak of china. Katabi ng piktyur ni Bibiana, tsaka yung mga atm receipts, pati IDs, at grad pic ko nung college na mukha pa kong inosente at nuknukan ng dalisay. Sinama ko sha dun sa mga mahalagang bagay sa araw araw na buhay ko. Unti-unti sha na pala yung nasa gitna, nasa sentro.

Tuwing holiday eh nagkikita kami. Walang laplapan, smack lang. Walang iloveyou, imissyou lang. Walang overnight, shortime lang. Wala ring pagmamahal, kembangan lang. Siguro titigil lang kami pag nabuntis ako out of wedlock. Ahihihi...

Ewan bakit pag nagkikita kami, parang nadadagdagan yung value nya. Parang lupa. Nung una lupa sa paso lang ang tingin ko. Nung sumunod gusto ko na shang itanim sa lihim na hardin. Nung sumunod uli, gusto ko nang isangla yung bahay bata ko para mabilhan sha ng lupa. At yung last, nabilhan ko na nga sha ng lupa. Charing!

Araro, bayo, sibak, bomba, dilig, kaykay, halukay, barurot. Pasok sa banga! Si Marvin ay parang all of the above, meron pang but-wait-there's-more na bonus package. A really BIG package.

Siguro ia-apply ko na lang ang rule na "kung hindi uukol, hindi bubukol." Napansin ko kasi, andaming chapters sa buhay ko ngayon, walang ending. Lahat sila eh sabay sabay na nangyayari, pero wala pa rin akong nakakatuluyan. So I guess kung sinong makabuntis sa kin, sha ang karapat-dapat sa alindog ko. Me ganun?! Weeeh?!

Sa ngayon eh kinikilig ako. Pag nagtxt sha eh para kong me siling labuyo sa tumbong. Pero ineenjoy ko lang muna ang kung anong meron kami, o kung anong wala kami. Para kung matulad sha sa lalaki sa tore, o kung sha naman ang me mapulot na singkwenta pesos, alam ko kung pano sha ibibigay sa tunay na me-ari.

Nakapulot ako ng singkwenta pesos. Di ko pa alam kung dapat ko ba shang ibulsa, o gamitin ko na lang muna para sumaya.

11 comments:

  1. gamitin mo muna para sumaya! hahaha.. echos lang. kung anu ang nasa puso mo sundin mo :)

    ReplyDelete
  2. gamitin mo muna thol!...kailangan mong sumaya kahit papano!...lmao

    ReplyDelete
  3. jan ako bilib sayo baklang maton, kahit sa mahirap na sistwasyon, kering keri mo pa rin hanapan ng "bright side"..hayy.. you deserve to be happy... sana makatagpo mo na ang tunay na matatawag mong "iyo" at "iyo lang"..=)

    ReplyDelete
  4. I agree with Aris, ganda ng metapora. naaliw ako. At naka-relate rin!

    mwahness!

    ReplyDelete
  5. blissful read......


    i say gamitin na ang singkwenta.... ibalik nalang kung may maghanap.....

    ReplyDelete
  6. bahala ka saan mo gagamitin iyan..ibili mo ng load kaya..hehe

    ReplyDelete
  7. waging-wagi. nangangabog ka talaga ateng. huhu! epek naman talaga ang marvin mo. hala ka bata. hahaha!~ sige gamitin mo na lang muna saka mo na isipin kung ano ang susunod na kabanata. haha!

    ReplyDelete
  8. Mainit ang ulo ko neng. Kung mandadaot ka, aba magpakilala ka. Di yang nagtatago ka sa "anonymous". Ning, nakikibasa ka lang. Wala kang karapatang mag-demand. Di ako nagsusulat para sa mga katulad mong kupal. Kung ayaw mo ng kabaklaan ko, lumayas ka d2. Pak! (tunog yan ng sampal ng stiletto ko sa ngala-ngala mo!) Gumawa ka ng sarili mong blog at yun ang ayusin mo!

    ReplyDelete
  9. rockwell fren mo sa fbMarch 3, 2011 at 7:47 AM

    ai warla c bm.....cnung k warlahan mo jabo???

    ReplyDelete
  10. pahiram nito BM ha... rerevised ko na lang.. related sa buhay ko katulad ng sandamakmak mong entry ditu... salamat at anjan ka... naiinspire mo ako.. at the same time "napipirata ko" yun ibang i dea mo.. pero ganun pa man.. sayo pa din ang trono... ikaw na.. ikaw pa din.. ikaw lang... ang nag-iisang idol ko...

    more power.. darating ang oras... magkakalakas din ako ng loob magpakilala sayo... in person...

    more power.. god bless po... pakiss nga... mwah!

    -nag-iisang ako

    ReplyDelete