7.22.2011

Inevitable Heartbreak

Sa haba nitembang, betinolla ko sanang gawing ala-HP7 itey: may Part 2! Kaso nahiya naman daw ako sa balat kong mala-porselana. Shugal na nga mag-post bitin pa?! So keep up na lang mga beki, super haba na naman nitey...

Salamat muna nga pala sa mga nag-email sa kin. Para daw di lang daot ang ma-receive ko, me mga words of kembular din! Dahil jan, post ulit akez. Acshuali, iniipon ko lang ditey ke Yvonne (my fonelya) ang lahat, tas pag me jinterchuvanet na kez ulit eh upload galore ang eksena kez. Basta, thanks kina Lanchie A., Johannes M., BJ Mo (na nakakaloka ang mga phone in questions!), Moriz S, Lester V., Eugenio C.,Macky Maldita, at sa mga masisipag magsi-comment at magsi-react sa mga kaekekan ko sa laypsung.


Heto ang Intro:

I am blessed with friends, subjects, karir guys, boytoys, kembang buddies, and loved ones who want to read posts about them before they are published. Parang censorship. Parang self-affirmation. Parang self-adulation. Parang tribute. Most of the people written in this blog, more or less nabasa nya yung post, or I asked him to read it, or I sent a copy, or mashado lang akong pabida at pinabasa ko muna sa lahat, and then I ask my subject to read it.

Siguro, I am just proud of who I am. So proud, na pinangangalandakan ko pa ditey sa blogelya lahat ng kaganapan sa buhay beki ko. Uhmm, almost everything. Soon, matatapos ko rin ang dapat kong tapusin. After all, I'm the one setting the deadlines to myself. But lately, I've been doing a lot of thinking, and I faced the proverbial fork in the road. To be, or not to be. That is the question.

Kuda nga ni Ateng Rachel at Manang Kurt sa Diva-off nila -- Something has changed within me, something is not the same. You know what makes it feel like he's worth all this? He makes me want to be a better person without even trying. I'm talking about Waldo. Here's why...

Kakagising ko lang at naguluhan ako sa panaginip ko bakit andun sila Mariel at Pratty, yun pala bukas yung TV, HYY na pala at nakikinood ang panaginip ko ng "Ikaw ang Bida!" Ginawa ko nga lang personalized, kasi sa panaginip ko, nakiki-Waka-Waka din akeiwa.

Mejo groggy pa, pero habang nag-iinin sa kama, naalala ko yung eksena kanina. Nanonood ako ng Pretty Little Liars. Naisip kong gumawa ng gentong eksena ditey sa Iskwater. Poor Little Liars hehehe. Tas ako daw yung mamamatay hehehe. Tas bigla akong mabubuhay. Tas magbibigay ako ng acceptance speech sa Golden Globe. Tas tawa ng tawa yung mga tao.

I just realized one thing. I'm so in tune with my sense of humor, people don't go to me for advice, or for counsel, or to be listened to. They go to me for entertainment. I will never be a great spokesperson because I may sound too funny. I'm a walking comedy bar, with just a touch of a drama queen. People don't take me seriously.

Except for Waldo.

Casper Waldo? As in remember him this way? Hehehe! #makapagjokelang. According to my very ambitious post, it would be inevitable. Babagsak din sha sa mga talutot ng bougainvilla ko. Sha ang inevitable home run ko. I was wrong.

A few months ago, I gave him an ultimatum. December 31, 2010. Dapat bago matapos ang taon eh matupad na ang pangarap kong jackpot. Tumawa lang si gago sabay bitaw ng infamous line nyang "Aww, asa!"

Before the ultimatum, we became really close. Lalo na nung dun ako nakatira sa Malaybalay, Malibay! Halos araw-araw kaming magkasama. Sha ang welcoming committee ko to a new environment. Me banner pa with matching drum and lire band at ati atihan. Andun sha sa House of Sonya almost everyday: nanginginain ng mga fudang sa reflaloo; nakikigamit kay Sheena my ex-lappy at gagawa ng project; tambay lang kasi inip na sa balur nila; at nung minsan pa eh nilantakan yung giant cadbury na na-buysung kez sa SG. Nung minsan eh jam pa sila ng gwapong si Rex, kuntodo ampli at electric guitar pa. Muntik na kong warlahin ni Aling Sonya.

Shempre, Sushmita Sen din ang tingin sa kin ng lolo mo. Bumbay daw ang byuti kez, kaya 5-6 ang hirit ng hinayupak. What's great about Waldo, pag sinabi nyang "pahiram" binabalik nya talaga. Pag "palibre" or "pakain" or "painom" ka naman, yun ang wala ng bayaran. Pero kahit 20 pesos lang yan, pag sinabi nyang "pautang" ibabalik nya talaga.

One time eh umabot ng buwan ang jutang nyang anda. Niloko ko ang ungas na gahasa na lang para bayad na sha. Tawa lang si gago. Pero nawindang ako kasi dinamdam pala nya yun.

"Jabo, tawag ka nga. Si Waldo, malaki problema." sabi ng text ni Caipanget.

Ring-ring! Ring-ring!

"Baby! Ano nangyari? Prob?" kuda ko.

Sumisinghot-singhot si Waldo sa kabilang line. Umiiyak! Syet, in four years, kahit gano pa ka-emote ang mga retreat at recolection namin, kahit gano pa kadrama ang mga inuman namin, never nag-crayola yan! Sabay kami laging nagtatawanan kahit sa gitna ng prayer. Sineseryoso nya man lahat ng bagay, hindi naman to the point na iiyak sha. To say that I was shocked would be an understatement. Mabigat nga ata talaga pingdadaanan nya.

"Wag kang mag-alala! Babayaran kita sa utang ko sayo! Di ko pa lang alam kung kelan, pero babayaran kita tol." singhot-singa-dahak "Hindi mo ko katulad. Wag mo kong pilitin maging katulad mo. T_T" singhot-singa-dahak ulit "Kaya ko tong mag-isa! Kahit di na ko mag-aral, babayaran kita!"

Clueless ako. From Anonas to Taguig eh lumipad ako ura-urada. Ay, hindi pala ura-urada. Eto yung night na biglang dumating si Daduds, at pinauwi ko sha ng wala sa oras. Me post pa nga ako eh yung Upside Down.

I want to be there for Waldo. I want to hear him out, at least kung anong nangyayari. Namili na naman ako. Tigas ng mukha ni beki, pa-delicious!

Pero dahil nga dumating si Daduds, I had to make sure na ok naman sha before umuwi. Kumain muna kami, konting kumustahan, landian. Then he was on his way, and I went my way to Taguig. Parang zipline lang ang Edsa, pinaharurot ko na ang magic bilao kez para lang makarating ng mabilis sa FTI. Pagdating ko, wala na humupa na ang delubyo.

Nomo kami sandali sa Malibay ng redhorse, at kwentuhan ng kung anuman ang eksena ni Waldo. "Sige lang Nickos, ibuhos mo" ang drama namin. Kahit mas matapang ng tweni times ang Redhorse kesa Nestea. Basta hinayaan kong ngumawa ng kanta si Caipanget habang bombo radyo drama ni Waldo.

I just sat there and listened. He poured his heart out -- warts and all. Wala shang itinago. And his story touched me to my very core. But I'm not surprised. Nothing can surprise me when it comes to people and their inherent goodness. No, make that their inherent capacity to love. His burdens proved to be really heavy. Something I can't divulge in this blog. Inabot kami ng alas-sais sa kwentuhan. And that day, I finally can say... I know him so well...

Sa gitna ng ulan, I hugged him tight and reassured him... All is well... Life is like that...hard. Uhhm, hard? Napatitig ako sa lolo mo sabay ngisi. "Maginaw kasi!" sabay walkout si Waldo. Defensive hehehe.

Habang papalapit ng papalapit ang 12-31-2010, papalapit din kami sa isa't isa. Ewan ko ba, best friend material ata talaga ako! Always the best man, never the bride choz! Kaibigan nya lang ako. Kaibigan nya lang ako! I was never his partner. I'm just his wife bumbay! Napadalas ang pagpunta ko sa bahay nila. Every occasion, every celebration. Dinadayo ko pa ang Malibay neng, kahit balik-Iskwater na ko.

One thing na talagang nakakatuwa kay Waldo, every time I was in their house, feeling ko special ako. Literal, ipinagmamalaki nya ko sa Mama nya, at sa mga kapatid nya. Kamukha ko daw kasi yung panganay nila na super miss na miss na ng mudak nya. Pag nandun ako sa balur nila, naaalala ko yung pinagmulan ko dati, nung di pa ko reyna ng Iskwala Lumpur ahehehe. Nung isa pa ko sa mga citizen.

Yung bahay nila, di mo aakalain pero more than a year ng walang kuryente. Yung may-ari ng inuupahan nila, nakakulong, me utang sa meralco, hindi binayaran, naputol, at ayaw sila kabitan kasi sa iba nakapangalan. Kahit jumper di nila ina-attempt kasi nagsusumbong daw ang kapitbahay. Samantalang kami ditey sa iskwater, nung minsan eh anim na buwan ata na naka-jumper. Kabisado na ni Yaya ang dating ni inspektor, kaya limang bahay yun na sunod-sunod, lahat brownout sa umaga pero aircon sa magdamag.

Pero kahit dinner by the candlelight kami lagi ni Waldo sa bahay nila, proud ako sa lolo mo. Nag-cha-charge lang yun ng nyelpown sa school kaya pag sinabi nyang lowbat sha, lowbat sha. Pag nainom kami, yung ihian eh nasa kusina -- isang maliit na balde. Pag nasusuka ka na, dun ka na rin duduwal. Pag Pasko at Bagong Taon lang sila nagkakailaw. Yung inaanak-to-be ko na pamangkin nya, wala pang birth certificate kasi waley pang budget, pero nakontrata na akong ninang. Pag lango na kaming lahat, tabi tabi na silang lahat sa kwarto pero ako andun sa separate na room katabi mga sis nya, kasi andun ang electric fan.

I always feel at home tuwing me bonding session kami sa balur. Sabagay, sanay naman talaga akong kumembot ng naaayon sa panlasa ng pamilya, kasi nga lahat ata ng mga kinainlaban ko eh kinilala ko ang buong angkan. Kila Waldo, bukod sa welcome ako, andun lagi yung feeling na flattered ka kasi ikaw ang bida.

Ultimo yung delivery ko sa mga previous na pang-aasar ko sa kanya, ire-reenact nya sa harap ng pamilya at ng mga ka-brad nya, as in ganito: "Tapos sabi nya sa kin, Ma, 'Baby naman, apat na taon na kitang hinihintay bhe, magpakembot ka naman na sa kin!' Di na natuto. Aww, asa!" Kung anong gestures at facial expression ko, kung anong pet name na ginamit ko, at kung anong sinabi ko, it's either ipapaulit nya sa akin, or ite-take-two nya mismo. Yung mga simpleng asaran namin, yung mga simpleng panggagago ko, even yung mga simpleng pahaging at paglandi ko, lahat yan ikukwento nya.

Di nga lang consistent kasi kapag yung mga kasama naman namin sa church org ang kausap, susmio, kung pwedeng haltakin nya ang braso ko at ihagis ako sa labas ng conference room, malamang eh ginawa na nya. Minsan pa nalasing sa baguio, nairita daw sha sa kaka-baby ko at kakalandi ko sa kanya. Pero kapag nasa bahay nila ang inuman, lagi shang makikipag-apir at magpapasalamat, mag-eemote na okey pa ko kay kokey bilang kaibigan, at sasayaw-sayaw na parang nang-aakit lasing.

One time eh dumalaw ako kay Aling Sonia sa Malibay. Charot lang yun dalaw ko ke thunders, ang totoo eh birthday ni Kumareng Victoria. Kaso mo, waley ang gwapo at nasa meeting pa with a friend sa greenhills. Pero mahigpit ang bilin nya sa akin na "wag kang uuwi, hintayin mo ko, magkita tayu, pauwi na ko, kita tayu sa plaza, wag kang uuwi, malapit ng matapos to, jan ka lang, papunta na ko..." Umuwi ako, hehehe!

Text uli ang gwapong kupal. "Balik ka, sige na jebs. Shot muna tayo..." Yup, jebs ang pet name ng hinayupak na Waldo sa akin. Ewan ko ba kumbakit di ko naman talaga matiis ang lolo mo. Pero di naman todong level na babalik ako ng Malibay from Anonas davah?! So may-I-suggest ang beki na sa Shubao, the sholbam capital of Kyusi na lang kami magbembangan, este magkita. Agree naman ang otoko, aba mukhang magtatapat na...

Bakit lahat ng post ko ditey me kasamang inuman noh?! Kawawang atay, kawawang sikmura, kawawang lalamunan, at shempre, kawawang bulsa. Pero dahil likas akong may puso para sa mahihirap gwapo eh keri lang. Nagkita kami sa isang kalurking videoke place sa Shubao, at numomo ng redhorse. Sa tapat pa namin eh me dalawang lalaki din na duda ko, pag lasheng na eh maghahalikan na. Inom, kwento, inom, tawa. At later on eh namangha (ako) at nandiri (sha) kasi naglaplapan nga ang duwang beki. Premonition?! ODK!!! (oh Diyos ko!)

Napag-alaman kong nanggaling pala ang lolo mo sa networking disguised as a business presentation. At hinihikayat sha ng babae (of course! that bitch!) nyang friend na sumali kasi "kumikita na ako, mabilis yumaman, ikaw kung kuntento ka na sa ganyan, left and right lang kelangan mo, mayaman na ko!!!" Di ako nagulat na papatusin nya ang gimik na ganun kasi si Waldo naman eh bata pa, kaya mejo shunga pa, at ang nasa isip nya eh matulungan ang pamilya.

That night, I had an indecent proposal from a very unlikely person. And contrary to what you might think, witchiririt ko kinembot ang oportunidad. Hindi dahil ayoko, at lalong hindi dahil wala akong pera. Alam ko lang na wala shang mapapala sa networking (beep beep!!!), at dahil ... mali. Kasalanan.

Di akeiwa ipokrita. Kilala ko lang sha at alam ko, pag natuloy ang kembang, daig pa nya ang na-cruciatus course sa torture, at malamang ang ending eh hindi na sha mag-serve sa simbahan sa sobrang hiya sa sarili at hiya sa Diyos. Konti na lang ang kabataang katulad ng lolo mo, hahablutin ko pa ba naman sa pagsisilbi kay Lord? I may be selfish, but not that selfish. At ako mismo, nagulat sa sarili ko.

It took me nearly eight months to finish this blog. Tapos na ang ultimatum. Nung minsang nalasing ang lolo mo, nabanggit nya rin ang ultimatum na yun. Inisip nya rin daw kung ano nga bang mangyayari sa friendship namin kapag dumating ang 12-31-10 at bigo pa rin ako. He was afraid he might lose me, yet he chose to believe that it would never happen. That might be the greatest compliment he has ever given me. To acknowledge my feelings, and believe that our friendship is more than that. It is beyond ultimatums.

Saying no to him is probably my finest moment. Yung taong considerably eh mahal ko, minahal ko for almost four years, kinaya kong tanggihan. So bakit nga ba di ko matanggihan yung mga lalaking wala kahit katiting na emotional pull sa akin?! Am I that weak, and is sex that good?! Weh overrated naman ang kembang eh. For me it is... Fleeting...

Right now, I'm pretty sure there's still an ounce, perhaps a pound, of love for him, concealed within me, hidden under several layers of auricles, ventricles and pretensions. It won't be fleeting... It will stay there -- for good.

That damned publish button is super elusive nowadays. But when I finally hit publish, letting him read all this, and in the process starting yet another moving on phenomenon, it was all worth it.

Waldo is worth a million inevitable heartbreaks.
The kind of heartbreak that you'll always remember.
The kind of heartbreak that, ironically, puts...

A smile...
Not just in your face...
but more so in your soul...

That hurts just as much.

16 comments:

  1. Oh dearest.
    I deeply understand the pain.
    I've been through this.
    http://vanillapleasures.blogspot.com/2011/03/vicious-cycle-part-1.html (syempre kelangan ko rin magplug.)
    Masaya. Magulo. Masakit.
    But we have to move on at some point.


    There is no such thing as halfways. We deserve only the best of anything or nothing at all.

    On some points, to some degree, you should be around people who take you seriously.
    The feeling of simply being a comic relief won't help you grow up emotionally.
    Be around people whom you can impart life experiences and learn from theirs.

    Thank you for the mention.
    Lanchie nalang.
    Parang Madonna, Bono, Cher, Prince... Lanchie.

    My most fervent prayers of blessings include you.
    It would be an honor to meet you one day.

    ReplyDelete
  2. unbelievable resistance bm..ganun yata talaga,,misan may mga tao tayong sobrang mahal na hindi natin magawang magtake advantage when they finally decided to give in..i really don't know if you did the right thing for resisting waldo, but still i'm proud of you..di mo kinalimutang sya ay GOD servant...MAKA DIYOS ka pa din...

    ReplyDelete
  3. binasa ko mula umpisa hanggang dulo pero nalito me pagdating sa huli. Nagets ko lang dahil sa comment above. hahaha. anslow kows.

    ReplyDelete
  4. hoe here: i salute and understand you for the respect you have for him. Anyway, sabi mo sa room ka ng sis nya natutulog pag overnight ka dun kasi andun ang electric fan? Di ba walang kuryente? Hehe. Anyway, i really hope to meet you soon. :)you have for him. Anyway, sabi mo sa room ka ng sis nya natutulog pag overnight ka dun kasi andun ang electric fan? Di ba walang kuryente? Hehe. Anyway, i really hope to meet you soon. :)

    ReplyDelete
  5. Isa yan sa mga injustices ng buhay bakla. I'm proud of you, sister. Mabuhay ka!

    ReplyDelete
  6. First time to comment, BM but I've been reading your blog for a long time. Please keep on writing, sobrang engrossed ako with the way you write. Nag-alala ako nung matagal kang di nag-post at baka biglang mag-ala Mandaya ka. Lol!

    Keep it up!

    ReplyDelete
  7. Wow ang haba ... nobela he he ...

    ReplyDelete
  8. Parang zipline lang ang Edsa, pinaharurot ko na ang magic bilao kez para lang makarating ng mabilis sa FTI

    hahaha love that line.... in fairness kay waldo mo madam BM mukha shang shala though hindi nga maganda ang lifestyle niya:(

    more aura at powers sa iyon PLAKADONG BLOG!

    ReplyDelete
  9. Pak na Pak! Winner ka.

    ReplyDelete
  10. reading your stories is always a bliss.

    now this one, i will remember for a very long time.

    mula noon hanggang ngayon, blog mo pa rin ang pinakamalaking traffic source ng blog ko. ahahahaha powerful ka talaga ateng!

    ReplyDelete
  11. I think most of us have a version of that person "worth a million inevitable heartbreaks". Na kahit alam nating tama ang advice to move on, hindi natin ginagawa because we are stubborn that way, at ayaw bumitaw -at malamang hindi bibitaw kahit ga-sinulid na lang ang kinakapitan.

    ReplyDelete
  12. ang galing naman. meron tayong kanya-kanyang version ng isang taong hindi mo kayang iwanan kahit kailangan.

    naranasan ko na rin yung ganito.

    at ang sakit-sakit ahahahaha!

    beki sama mo naman ako sa blogroll mo. ikaw ang firstsa blogroll ko ateng. :-))

    ReplyDelete
  13. napakabonggang waldo at meron siyang BM na umuunawa lagi. in fairness , super bait mo because you don´t take advantage to him. keep writing! i really love to read your blog.

    ReplyDelete
  14. Saludo ang etits ko sayo, anufulch!

    ReplyDelete
  15. Fleeting. How absurd but true.

    Sarap mong kutusan te.
    Nakakapanikip ng dibdib!

    ReplyDelete