Di ba nabanggit ko last time na may kwento ako uli about sa lamay? Eto na po mga bakla! Baka sabihin nyo naman eh waley akong isang salita. Ahahaha, wala nga! Sabi ko "mamaya"... Kumusta naman ang mamaya ko davah?! Pwede na yan! Choosy ka pa!
Ngayon pa lang, magbibilin na ako kay Totong.
Nung isang gabi, imbis na tapusin ko ang thesis ko (na naman?!) para sa deadline kong March 20 which is kanina, si bakla naglamay magdamag. Di ko naipasa ang thesis ko, napagalitan pa ko ni Totong kasi hiniram ko ang laptop. Kasi nga inuna ko ang lamay.
Naglaro kami una lucky nine. Tapos maya maya, in between na. Alam nyo ba yun? Ang saya maglaro nun, at kung gahaman ka sa pera, win or lose ka talaga.
Usually di ako nakikiramay ng ganun katagal sa mga lamay. Kahit nga kamag-anak ko, di ako nakakatagal sa sugalan or sa burol. Usually borlogs din agad. Or aalis at eeksena sa damuhan. Pero this time, inumaga talaga akeiwa. Bukod kasi sa naadik ako sa in between, may iba pang dahilan.
Yung nakaburol.
Si Ankel (RIP) eh isang matandang beki.
Bata pa lang akeiwa, tipong fresh pepe pa ko dati, nakikita ko na sha. Ditey kasi sa Iskwater, one side lang ang mga balur. Pag pasok mo sa eskinita, right side lang me mga bahay, yung left side eh dingding lang ng mga bahay sa kabilang street.
Bukod tanging sila Ankel ang may butas ditey. Kasi yung mga taga kabilang street, Iskwater talaga ang tingin ditey, as in di sila dito dumaraan. Dun sila sa street nila. Sila Ankel, me daanan both streets. Di sila matapobre impernes.
Nababanggit ko na before si Darang Lumeng di ba? Sha yung inglisera na tumakbong Barangay Captain ditey sa Isakwalaloo nung nakaraang national elections hihihi. Loss ang lola mo. Close close sha ke Ankel.
Nung ilang taon na ang nakalilipas, si Ankel ang nag-alaga sa mga apo ni Darang Lumeng. Bale yung mga anak ni Kuya Willy na panganay ni Darang Lumeng, sha ang shalang yaya. Close close din si Kuya WIlly ke Ankel. Kung anong level ng closeness, di ko na lang sure hihihi. Baka sabihin naman, tsismosa aketch. Basta tinanong ko kung nagkembangan ba sila, waley reaction ang mga piping saksi. Their lips are sealed.
Last week, Ankel passed away. Nagulat ako, kasi dun sa haus nila Kuya Willy ibinurol ang lola mo. Me relatives pa naman sha, me mga kapatid, and all. Pero ibinilin nya daw kay Darang Lumeng, na anuman ang mangyari, gus2 nya sa hauslaloo ni Iluminada ang huling tambayan nya.
Dagsa ang mga beki sa pakikiramay! Akala mo baga eh buhos ang mga parlorista, baklang tambay (kasama na ko dun!) at mga beking laman ng Iskwaterific. Lahat eh nakiisa sa pagbabantay sa lola mong pumanaw na. Baka nag-slide-slide na sha over the rainbow connection... The lovers, the dreamers and me.
At lahat ay naloka. Ikaw na ang iburol sa bahay ng ex-dyowa mo. Andun na rin ang jusawa at mga junakis ni Kuya Willy, hehehe. Pag may makikiramay o magko-condolence si Kuya Willy ang kinakamayan, tinatapik sa balikat, hina-hug. Even mga kamag-anak ni Ankel, sya ang unang hinahanap. In a way, sha kasi ang naulila. Sha ang namatayan. Sha ang iniwan.
Ganun lang siguro talaga ang buhay ng tao. Kahit napaka-unconventional ng pinagsamahan nyo, basta totoo yan, tatanggapin ng lipunan. Di ko alam kung iba lang talaga ditey sa Iskwater. Sabi ko nga diba, yung jowa ko dati ditech, invited ako lagi pag birthdays, Christmas, Mother's Day at Father's Day. I was part of the family.
Naglamay ako sa burol ni Ankel. Kasama ang mga baklang dukha ng Iskwater. Nag-nomo kami habang nagsusugal. Nag-cheers kami para sa aming senior. Balang araw, mamamatay din ako at mamimili rin ako sa mga naging jowa ko kung saang balur ako ilalagak at ibuburol.
Yung level ng acceptance ditey sa eskinitang maralita, ramdam na ramdam ng mga tukla. Siguro kaya at home na at home ako dito. Kahit magastos maging maharlika sa gitna ng sandamakmak na busabos at commoners, hihihi. Ditey pa rin ako siksik ng siksik. Kasi alam ko, pag anditrax akez, wit ako madi-discriminate. Wit akeiwa malalait. Wit akengkay mare-reject. I belong.
Nailibing na si Ankel. I believe he lived his life to the fullest. And he died happy. Kahit sa huling mga gabi man lang nya, ibinahay sha ng taong mahal nya. Ang balur ni Kuya Willy ang naging tahanan nya. Naibigay ng Iskwater ang huling hiling nya.
Naipatupad ang kanyang huling habilin.
Sweeeeeet (:
ReplyDeletesweet nila... till death do us part ang drama
ReplyDeletesana lahat ng lalaki gaya ng uncle mo :(
i wish someone can tell the same tale when I pass away. Ankel is such an inspiration. =)
ReplyDeleteYan mang pagmamahal! betchina kez din ng ganyang eksena when I die, inang reyna!
ReplyDeletehttp://akosicinderella.wordpress.com
makikicondolnes kay ankel.
ReplyDeleteAng sweeet. Sana lahat ng ganyan, yung pantay pantay lang.
ReplyDeletePero wai tayo magagawa, pareho-pareho tayong biktima ng Lipunan pero di naman ibig sabihin, magpapadala tayo sa agos. :D
Sana may makasama akei habambuhay..
Nakarelate ako. Nung November namatayan din ako ng Ex. Kaloka no?
ReplyDelete