9.24.2011

Wow! The Attachment

"Bat kaya magtetext pa eh nasa tabi lang kita. I love you too!"




Bilang may event na kami mamayta for Mine este Kerbie Zamora, eto naisip kong ikuda muna ang part 3 ng Wow Series ni bakla. Baka sabihin nyo naman kasi eh puro na lang ako zombadings at jigington at kerbie (trulili naman)... Heniwei, eto yung part 3. Me part... 8 pa ata hehehe!

So ayun, matapos umaylabyutu ang gwapo, itinago ko ang bonggang-bongga kong kilig sa pambubuska. Tawa ko ng tawa kahit kinukumbulsyon na sa saya ang menudensya ko at nagliligalig na sa impit na pagtili ang lalamunan ko. Dinamay ko pa sa pangaasar si Manong. "Manong Driver oh I love you too daw. Saksi ka Manong ha!" sabay tawa na pwedeng humalili kay Odette Khan!

Those days, hindi pa ako ang reyna ng Iskwater. Nangungupahan pa ko sa Mandaluyong kasama sina Bebang, tropa ko ng college, at Manay, tropa ni Bebang na taga-bundok tralala. Lahat ng eksena namin ni Wow eh naikuda ko sa dalawa.

Since ako ang commskills trainer ng account nila, lahat ng new trainees eh sa kin muna dadaan. Dun ko naman nakilala ang aking uber loving at sweet na soulmate, si Kong. In a way, kami ang magkaka-wave kasi after nila ng training under my tutelage, next stop eh product training at ako naman ang naki-sit in sa klase nila. Nung una nga eh si Kong ang pinagnanasaan ko, hanggang mabaling ang aking pagnanasa, and eventually eh pagibig, ke Wow.

May isa pa kong wave ng trainees na naging ka-close ko talaga. Among the group eh meron akong three musketeers slash confidants slash tropa slash kunsintidor last slash sumbungan. Si Chris, si Rogie at si Roel aka Panyero. Kapag restday ni Wow or mas maaga ang uwian nya at tinopak sha na mauna ng umuwi, yung tatlo ang kasabay ko sa pagba-box out sa pilahan ng shuttle service. Shuttle boys ang drama namin hanggang Ortigas sabay breakfast na madalas eh sagot ko kasi daw doble ng kinukuda nila kada sahod ang nakukuha ko.

Pero more often than not, shempre si Wow ang kasabay ko paguwi. Breakfast sa Something Fishy buffet ang madalas naming eksena. Kahit manda ako at las piñas sha, iikutin talaga namin makapag-pigout lang. Impernes naman, salitan kami sa librehan. I was never his mama sang na tagabili at tagalibre. We were equals. Partners. Friends.

Still, ang upo namin eh magkaharap, never magkatabi. Upong getting to know u nung una, ngayun eh upong tropa. Close na magtropa. Shempre sa bus or sa jeep tabi kami lagi. At kwentuhan ng walang humpay, most of the time eh mga ex girlfriends nya, mga sexual conquests nya, at mga quickie encounters na rin.

I remember his soundtrack nung times na yun. With you, so sick, always be my baby, go on girl. Tsaka minsan pag naggagaguhan kakantahan nya ko ng "You have no right to ask me how I feel!" at separated ni Usher. Minsan nasa CR pa kamo kami nagkakantahan.

I became really attached kay Wow. That time eh Bhe na ang showag kez sa lolo gwapo. Lahat ng chat namin sa internal messenger ng Telus, naka-save as note file. Lahat ng email exchanges, ultimo tanungan ng favorite color at title ng song na uso, nai-keep ko.

There was one time na ikinaloka ko ng bongga. That time, di na kami close dun sa dalawang bilat, pero under pa rin sa team nya ang duwa so friendship chararat pa rin. Habang nasa training ako, around 2am ata eh nagpaalam na ang lolo mo na uuwi na. I dont exactly remember kung maaga natapos ang shift nya o undertime sha. Tapos maya-maya bumeso rin ang isang bilat at sabay silang umuwi. Windang talaga ko at maya-maya nga eh masama na ang pakiramdam ko.

Nagtext pa kamo, nasa Padis Antipolo sila. Antipolo?! Overlooking?! Madaling araw?!

Nai-blog ko pa un dati sa multiply at inilipat ko pa dito. Kasi naloka talaga ko sa selos at sa paranoia. Psychosomatic neng, as in nagsuka, nahilo, nag-lbm, nilagnat, hinika at nanghina talaga ako. Literal na sumama ang timpla ko, and never pa nangyari yun sa kin dahil sa isang karir. Even dun sa mga sumunod at sinundan ni Bhe, all 31 (close estimate hehehe) of them, never pa ko nagkaron ng instant sakit dahil sa selos. With Wow, it happened ng ilang beses.

June 16, birthday ng lolo mo. Di ko malaman kung anong gift ba ang pwede kong ibigay, na stand out at talagang unique ang dating. May weekend celebration pa kami sa Pier One, sagot nya lahat impernes! Close friends lang naman ang ininvite nya, kami nung ilang ka-team nya, at yung tatlong super close friends nya nung college, plus isang bilat na maganda sana kaso parang si unano, hindi proportion ang haba ng braso sa height!

Dinedma ko ang paglandi nya that night tutal bday ng lolo mo at alam kong tigang na sha. Palibhasa naikwento nya na ata sa kin lahat ng -- pardon me -- kalibugan na nagawa nya sa mga past conquests at past lovers nya. Kaya alam kong ilang buwan na shang tigang nun. And as expected, umuwi na naman akong may pisikal na sakit.

Yun ata ang extent ng effect sa kin ni Wow... Sometimes it hurts so much, my body literally feels pain.

Yung mismong araw ng bday nya, I cooked tuna caserole for him. Para me personal touch ang gift ko davah? Aba naloka ko kasi me nagbigay ng bear, un isa pa tinadtad ng maliliit na bears ung station nya! Yung isa shirt ata ang binigay. Habang pauwi, ni-rank nya ang gifts na natanggap nya, second or third lang daw yung akin! Tae na-loss ako sa carebears! Eh habang nasa bus kami me isang manong na unakyat bitbit ang isang bungkos ng flowers. Hmmm... Gusto mo unique ha!

The following day, pagdating nya sa station, nawindang na lang ang buong floor.

Green mums. Baby's breathe. Ribbons. Delivered with love on the side... Flowers for my beloved. Maraming nag-react, maraming kinilig, maraming kilay ang tumaas, pero isang reaksyon lang ang gusto kong marinig, and when he saw the flowers, I could have sworn he uttered one single interjection to himself...

"Wow..."

2 comments:

  1. wow! answeeet naman ng ateh ko! ;)

    ReplyDelete
  2. answeet sweet mo lola. at talagang mapapa wow ang ganun.

    ReplyDelete