Pansin ko, bawat post ko ditey sa blogelicious eh life-changing chararat para sa kin. Etong isang eksena namang to, make or break sa friendship. I know she will read this post, and we'll know what to do next after I publish this. Hmmm, mag-antay ka neng, me part 2 pa to. Malay mo, may part 3 din...
Heniwei, dahil sa mga pag-iinertia at kadramahan ko lately I decided it was the best time for a total change of scenery. Sakto kasi balik Pinas 1st week of August ang lalaking ipinaglihi sa sex appeal -- si Kevin. Destination: Crystal Cave, Baguio City. Ka-te and I decided to visit him para mini-reunion na rin ng Brgy. Barangay!
Shempre, kahit "walking away" ang ending ng post ko sa kanila before, we remained friends. In fact, Ka-te is one of my closest friends. Nagyayaan kami ng mga dati naming friends sa camp, and a few agreed to go north with us, kaso nagbackout din lahat with different reasons and alibis, kaya dalawa rin lang kaming natuloy.
Actually I already went to Baguio last July. Nabanggit ko pa nga un sa post ko about Waldo. Dinala ko si Waldo sa bahay nila Kevin at dun kami nakipaglaklakan ng emperador lite (sponsorship na toh!) kaya kami napagalitan ni Padre. Dun sa inumang yun nabuo ang planong pag-akyat na mag-uli at sariwain ang pagnanasa sa magkakapatid na Pao.
I was excited to see him. 2007 pa nung huli ko shang nakita, at nung time na yun 19 pa lang sha, ulam material na. What more pa ngayun, 23 na ang lolo mo! Kumbaga sa indian mango, magulang na. Hinog na hinog at saktong sakto sa nutrisyon, walang bahid ng kalburo mula anit hanggang bukong bukong! At ang appeal ng lolo mo, hindi pang-fiesta at lalong hindi pang-masa. Sabi nga ni Mareng Tyra, pang-couture at pang-editorial!
Sa bus station pa lang alam ko ng kakaiba ang trip na to. Kasi me nakita kaming gwapo, at authentic Igorot ang look--meaning mamula-mula ang kutis at yummyness talaga. Sa ticket booth mea rapport ako ke ate kung san ba ang tungo ni kuya. Baguio din daw at walang kasabay! "Ate ako na lang itabi mo pls!" at dahil likas na ata sa mga tao na kunsintihin ang kalandian ko, "paging yung nakapula na may bonnet" ang ginawa ng tiketera! Sabay check ng seat number at press release na "tiningnan ko lang baka mali yung date!" at presto! Katabi ko na the whole night si kuya bonnet, all the way to Baguio.
Pag nakaharap ako sa kaliwa, dun din sha nakaharap. Pag sa kanan naman yung ulo ko, dun din sha pumapaling. Sabi ni Ka-te what we had was a postmodern relationship. It started nung in-offer nya na magpalit kami ng seat para daw tabi kami ng kasama ko, and i gracefully declined, habang pabulong kong ikinuda sa buga ng aircon na "ikaw ang gusto kong katabi, silly!" The peak of our relationship was during a stop over sa Tarlac, nung kinalabt nya ko para magising kasi dadaan sha para magbanyo. Pagmulat ng mata ko, ang tugtog eh "Let the love begin, let the love come shining in... Who knows where the road will lead us, now! Look at what we've found, make this moment turn our hearts around. It may never come again, let it in, let the love begin...!" Hay naku, I'm telling u mga beki, mahirap imbentuhin yung ganung moment! Ang lakas lang ng halakhak ko bigla! Our affair ended when we arrived sa Baguio. I asked him how to go to Burnham Park on foot, and said "thanks" after he gave the directions. Pumo-postmodern relationship talaga si BM?!
Paglapag ng Baguio, di muna kami dumirecho sa gwapo all-u-can estate este sa balur ng otoko. Dun muna kami sa isang kabarangay na kulot, si Aling Ana Maria para di naman kami mukhang atat na kurimaw davah?! Pahinga saglit, mga 5hrs hehehe. Then proceed kami sa session road at umakyat sa 5th floor for Oh My Gulay at nagpakasasa sa -- gulay!
I highly recommend that place. Kasi ang kulit ng waiter! Di kasi sha kagwapuhan kaya dapat um-effort bwahahaha... Tanong ko eh kung ano masarap, "ako po sir!" pabibo di ba? Tapos lahat ng order ko eh last na dinadala, at ang dahilan lagi eh "pinapasarap pa"... Pati tubig?! Impernes kay manilyn reynes! Mapapa-omg ka naman nga. Pasta na walang meat, puro veggies. Weird pero yummy. Yung gulay ha, mejo lang yung waiter.
Pampasabik pa lalo, gora kami sa library ng Univ. of Cordillera para mag-research. Shala noh?! Makapag-stall lang sa talagang pakay! Nagtagumpay naman kasi me nakita akong materials on transition programs for Sped.
After that, wala ng dahilan para ipagpaliban pa namin ang paggora sa balay ni Tsuperman! Sakay ng boxibelles na waing nyerkon, goraboomboomlei kami sa balaysung ng gwapo. ETA, less than 10 minutes.
The reunion was anti-climactic. Parang wala lang. Hindi yung tipo na parang walang mahabang panahon na dumaan sa paligid namin, kundi parang walang effect na sumugod kami sa Baguio para lang makita sha. Walang warm welcome, tight embrace, teary eyes at pagbuhat sabay ikot tulad sa pelikula. All we got was a defeaning "uy!" nung magkita kami.
Pagbungad sa kanto, si Kevin na agad ang sumalubong sa amin. He was larger than life, as usual. Para shang bouncer hunk na kulot at uber hot, at mejo alam mong ungas inside and out, pero di mo maiwasang pagnasaan kahit alam mong di ka makaka half base man lang. Ibang iba sha sa "bunso" ng barangay. Para na kamo shang tanod na sobrang... Edible. Delectable. Delicious. Yummy! Pero more of yung wax figure or food model na alam mong witchiririt mo matitikman, witchililet mo mahahawakan, at lalo na, witchikells mong makekembang!
Si BM, si Ka-te, at si Kevin. Triumvirate. Iisang bahay, iisang sitwasyon, tatlong damdamin. Pihado sa mga susunod na araw... mag-iinarte na naman ako.
Silang Dalawa (tinanggal ko na hehehe)
May part 2! =)
Cant wait for part 2
ReplyDeleteawwww. wala bang kayong dalawa naman. yung me sweetness factor??? sa part 2 ha hehehe!
ReplyDeleteNi, as ive said sa Twitter... purkeckt ang mga blugey mis!! Sayang ngayon ko lang nababasa yung ilan sa mga blogs mo.. but anyway, sobrang nakakarelate ako... Goodluck again :) > @baduchie
ReplyDelete