May mga pangarap talagang nakapila sa langit ano? At pag tinawag na yung number mo, wala kang magagawa kundi ma-overwhelm sa saya, disbelief at kilig. Kasi kahit nakalimutan mo na yung pangarap na yun sa tagal ng pinaghintay mo, magugulat ka na lang anjan na, ibinigay na... Kayakap mo na!
Isang buwan ang bakasyon ni Noel, bestfriend ko nung college. Nagkita na kami last week, at nung linggo eh mitetang ulit. Sulitin ang bakasyon kasi malamang 10 yrs pa uli bago kami magkita. Nagkita kami ni Corporal Aveño sa hitop. Ang hudyo, nakipagkita sa isang tropa namin nung college. At sha ang nanlibre, kaya nung ako na ang kasama walanjo mamasang na naman ako! Lauriat sa chowking, yung pinakamahal pa ang pinili ni gago. At nagpabili pa ng ice cream ha! Dapat pala cornetto lang binili ko!
Nomo while chikahan sa mezzanine ng aking humble abode. My gosh ni wala shang fb account! Nagmessage sa lahat ng ex nya na nasa friends list ko, at nagreminisce sa mga kadramahan ko nung college.
Pinabasa ko rin ung mga sulat nya nung college pa kami. Nagkakatawanan na lang kami pareho. Habang nagpapa-cute ako at nagpapaulan ng charm bracelet na nabili ko sa bangketa last week, sha naman eh umaariba sa mga kwentong sundalo.
"Marami na kong nakembot!"
"Marami na kong napatay!"
"Nagpapaputok ako kada linggo!"
"Nambabaril ako pag may engkwentro!"
"Naliligawan na ko ngayun!"
"Nambubuntis na ko ngayun!"
"Buntisin mo ko!"
"Sapak gusto mo?!"
Fine, ikaw na! Sundalo ka na! Hmpf!
Sa bawat minutong magkasama kami, dun ko na-realize kung bakit mahal na mahal ko sha dati, at kung bakit sha ang tinaguriang first love ni BM. Sya ang kauna-unahang lalaking inasam, pinangarap, dinambana, sinamba, at inalayan ko ng kantang Pagdating ng Panahon...
The goal was to learn, not to judge. To get to know each other again, kasi ibang iba na kami 12 yrs ago na nagkakilala kami sa PNU. Nung pareho pa kaming totoy at ako eh nagde-deny pa. To know kung ano mga nagbago sa amin after 5 yrs of not seeing each other. To see kung gano kalaki ang agwat ng mga mundo namin, at kung pano ito pagdudugtungin ulit.
I can probably give you ten things I am proud of. Okay, maybe five... Uhmm, fine, three things I'm proud of. In becoming his friend, he gave me a third thing to be proud of.
Eh kelan naman naging simple ang buhay ko di ba?! Nagtext ang budwire, at papunta daw sha sa haus. "Are you coming back to the one who loves you. Are you going back to the one you love?" ang theme song ng gabing itey...
Di muna daw sha tutuloy sa pagne-Navy ata o paga-Army at ang balak eh magwork muna sa Mang Sinalsal este Mang Inasal. Hay Daduds, leveling ning?! Army and/or Navy, pinagpalit sa manukan?! Sabagay kelan naman naging asset ni Daduds ang mga gentong genre di ba? Sabi nga, beauty, wit, cunning and insight ang mga perfect weapon ng isang tao, at dapat lang na ingatan ni Daduds ang kanyang good looks. Mejo kinulang sa bala ang arsenal at weapons cache ng lolo mo.
Nun magkakasama na kaming tatlo ang dalawa nagyaya sa beerhouse dun sa labas. Mukha kasing tigang sa laman tong dalawa, at sawa na sa balbas-saradong abu-sabaya look alike na tulad ko. Fine pagbigyan! Wag lang sila magte-table at walkout talaga ko!
Ok naman ang setup, nasa armchair si Noel, nasa couch kami ni Dadudz. One thing that i loved with Noel, maganda boses ni Mokong. Hindi yung pang pinoy idol na birit. Yung tipong Piolo -- gwapo at simpatiko at nasa tono kaya me album. Ganung level ng boses. Kaya nagsalang ako ng mga kantang pang dekada namin. Itotodo q na talaga ang pagre-remind sa kanya: Sino ang bestfriend mo doon?! Shempre ikaw lang!
Ang pabibong Daduds, pinagtulakan literally yung isang babaita para mapakandong kay Corporal Aveño! At si babaita, may angking talent! Swak na swak ampotah! Tinusok ko nga ng ballpen sa hita sabay ngising aso at pa-etchoz na sorry. Shempre wala rin akong nagawa. Nakipaglandian ang lolo mo, not once, not twice, but thrice! Nakatatlong gro ang hayup! At lahat yun eh me LD ning! Pag di nagambag tong hayup na to, sasalaksakin ko talaga ng bote lalamunan nya!
Ending, nalasing kami sa tatlong bucket ng pale pilsen, isang order ng hotdog cum onion steak, at marami-raming halik. Kada tuka ni Gago sa pokpokita, shang tuka ko din kay Dadudz. In a way, nagpapakitaan kami ni Noel ng mga bagong mundo namin. At di nga nag-ambag si gago, nagkautang pa tuloy ako sa pamangkin ko, leche.
Matapos ang inuman, umuwi yung isa. Nag-stay yung isa pa. Tingin nyo, sino ang katabi ko nung gabing yon? Naturalmente si Aveño. Si Dadudz, nakisabay lang. Minahal ko sha, oo. Take note, past tense. Minahal ko sha, pero hindi sha ang pinangarap ko. Pinagnasaan ko sha, pero hindi sha ang hiniling ko. Nakasama ko sha, pero malabong sha ang piliin ko.
Corporal Aveno and Soldier Ordinado. Soldiers of misfortune. Who already?! Me already! Me really already! Ako na! Ako na talaga! Ako na ang pinag-aagawan! Pinipilahan! Choz! Torn between two lovers ang emote ko! Honestly, I was not torn at all. Alam na alam ko kung sinong pipiliin ko sa dulo.
At kay Noel, ang nagsilbing malaking hamon ng gabi namin ay may gentong eksena: Eto na ko ngayun, tanggap mo pa ba? Ganito na ko ngayun, keri mo ba? Malala na ko ngayun, mas malaswa na ko ngayun, mas malandi na ko ngayun, mas maharot, mas talandi, mas hurindat, mas burikat, mas makati. Mas bakla na ko ngayon, Aveño...
Inumaga na ng pag-uwi si Noel sa haus. Nagpahanda pa ng almusal na alas dose na nya nakain. Text text na lang kami ulit, at mamaya, Aug 10, babalik na sha ulit sa Cotabato para ipagtanggol ang ating bayan, at makipaglaban sa mga kampon ng kasamaan. My only prayer is to see him again. Alive, smiling, alert, bungol to the max, ungas to the bones. Ang tanging pabaon ko... ay pag-ibig...
Buong madaling araw kaming magkayakap. Ni hindi ako nag-attempt na lumandi, hindi dahil baka pukpukin nya ng ng baril sa ulo, kundi dahil sa yakap pa lang, solve na ko. Sa gitna ng super dilim kong kwarto, at sa salitan naming hilik,hagikhik at kilitian, wala na kong pwedeng hilingin pa sa Diyos. Sa mga oras na yun, sa aandap-andap kong diwa, at sa inaantok kong ulirat, sapat na ang mga yakap ni Noel para masulit ang tagal ng panahon na pinaghintay ko sa pangarap kong to.
May mga pangarap talagang nakapila sa langit no? Magugulat ka na lang, nanjan na, ibinigay na, katabi mo na...kayakap mo pa. Minsan, pag binigay yung pangarap na napakatagal mong inasam-asam, pag nanjan na saka mo mare-realize... Minsan ang sagot sa pangarap na ilang libong beses mong hiniling sa langit... Minsan yung akala mo eh magpapaligaya sayo ng buong buo at kukumpleto sa buhay, kaligayahan, pagkatao at kaluluwa mo...
Hindi pala yun ang kailangan mo. Ang kailangan mo lang pala eh masabi mo sa sarili mo, at matanggap mo, finally... wala talaga...hanggang dito lang talaga kayo. Best friends. Nothing more, nothing less.
Pag naririnig ko ngayun yung Pagdating ng Panahon ni Aiza, hindi na ko aasa na sana eh dumating yung panahon na yung tibok ng puso ko eh maging tibok rin ng puso nya. Kasi ngayun tanggap ko na. In his own way, naipakita nya...
Mahal ako ni Noel.
And that's more than enough...
pak! yun oh!
ReplyDeletebelieve it or not, it is maturity that is dictating it. sometimes, we have to let go of our immature wants for something that we will treasure for the rest of our lives.
ang sakit sa bulsa madam! nakakaloka pero winner ka pa din kay budwire! PAK! san na yung part 2 nung nauna d2 madam.....
ReplyDeleteBM, marami akong natututunan sayo. Maraming salamat!
ReplyDeleteMabuhay ka!
di mo pa tinikman. life is too short para palampasin ang mga bagay-bagay. naiinis ako sayo! hmp!
ReplyDelete"Sa mga oras na yun, sa aandap-andap kong diwa, at sa inaantok kong ulirat, sapat na ang mga yakap ni Noel para masulit ang tagal ng panahon na pinaghintay ko sa pangarap kong to." - panalooooooo etong linya mo tehhhhhhh tagos sa laman... mabuhay ka bm.
ReplyDeleteur getting better and better everyday...this sounds familiar 17 years ago i met a guy..he's taking up medicine..ako nman kadedebut lang 18 years old..nagkakilala kami mga 3pm then we parted ways mga 12pm..walang nangyari..pero sya lang ang taong nakinig sa akin ng ganun katagal kasi akala ko noon wala akong kwenta i came from a never heard school tapos sya elite school..khit saan ko sya yayain sama naman sya.. peroo hindi na nasundan ang pagkikita namaing yun..sa mga alala ko na lang uli sya nakikita.. pero lagi akong kinikilig or nammemesmerize sa tuwing maalala ko na may isang taong nagbigya ng importnsya s a akin...after 17 years may facebook na..after 17 years nakita ko sya uli sa facebook nga lang...isa na syang doktor ako naman ofw..,pero ok lang inadd naman nya ako..tama na yun ur entry today speak to my heart directly..sorry im not as expressive as you..mabuhay k bm isa kang diosa ng gay literature...
ReplyDeleteI appreciate your wittiness BM in putting your thoughts into words...you're lucky you can explicitly say anything that you wanna say...thanks for inspiring us your unheard blog-readers....
ReplyDelete