I have a confession... di talaga ako ang oiginal na Baklang Maton dito sa iskwater. Meron pang mas nauna sa kin.
Si Tondeng.
Pangalan pa lang siga na ang dating divine divah?
Kwela yang si Tondeng. Pag nakikita ko sha nung bata pa lang ako, tawa ko ng tawa sa mga hirit nya. Mga pang-asar nya talagang nakakapikon lalo na kung sayo nakatuon ang atensyon nya. Pati nga ako pag hinihiritan ni Tondeng windang talaga koh... Eh Lilet pa lang akez non..
Dahil Lilet pa lang akeiwa, shempre nasa kasulok-sulukan ako ng Narnia. Naka padl0ck talaga yung aparador, sumiksik pa ko dun sa drawer. Ganun akengkay katago sa closetta. Tapos ang balita bukas ngayon nya ibo-brodkast!!
"Sus, laro ka ng laro ng holen gus2 mo namang laruin yung holen ni Totong sa loob ng brip." O kaya naman eh, "Oi neng, magbra ka pinamumukulan ka na oh... ng pigsa sa noo! Bra-han mo noo mo!" at ang pinaka-nakakaloka talaga eh nung kasama ko ang paderrakka kong miyembro ng pulis pangkalawakan sa QC district:
"Hoy bakla! Oo ikaw! Ayaw pang lumingon eh. Ready na yung gown mo para sa pageant mamya. Ako bahala sa mukap mo. Penge ng singkwenta bili kita ng funda. Ano ngang talent mo ulet? Pandanggo sa bubog? Panalo yon!" sabay tawa ng nakakaloko at jojosok sa haus nila na parang wala shang sinirang kinabukasan.
Notorious din si Tondeng dito sa mga tindahan. Kasi naorkot na yung mga tindera sa ginawa nya dun sa bakery sa kanto. Me 500 na buo si bakla, tsaka 19.75 na variables. Eh bente yung grocery showcase na balak nya buy kaya sabi ng bakla "Balic-Balic Quiapo na lang akei laterz givsung ketch yung 0.25 sentimos para wit na maging variables yung 500 nyesosesoses ketch."
"Ay Tondeng, wichiririt pwede yung ganun-chi. Kasi magwawarlaloo si Aling Cristy (me ari nung jeykeri) Later ka na lang buysung kuha ka ng barya, or kung bet mo, akina yung ninoy chorbam mo susuklian kita ng bonggang bongga." dialogue ng thunders na thindera.
Nairita ang jokla. Kasi ba naman 0.25 sentavos nagiin-ar-ar pa si Ateng Panadera. Ayun nag-joway na silang duwa, tapos mega sigawan na, at nung huli eh binasag ni Tondeng yung salamin nung istante sa jeykeri. Loss talaga ang lola mesh na panadera kasi gigil-galit-poot-ngitngit-angas to da maxxxx si Ate Tondeng. Ang ending, nabili nya yung bente pesos na tinapay gamit ang kanyang 19.75 na variables. At nagmulta sha ng 200 para sa nabasag na salamin. O diba tipid si bakla?
Pag krombay din sya sa iskwateriffic eh mega okray yan sa mga dumadaan at ibebenta nya yung mga lulurki na naka-krombay din. Pag bilat yung dadaan eh eeksena sha ng "Oi ate, sabi nito ang laki raw ng dyoga mo oh! Palamas daw!" sabay tawa na mala-bella flores. O kaya naman pag ombre yung walking galore sa harap nya eh kakalabitin nya naman ito at ispluk ng "Kuya, chupain ka daw netoh oh!" sabay turo sa isa pang krombay, o kaya naman eh "Kuya showing na planet of the apes, ang galing mo daw dun sabi netoh oh!" sabay turo ulit sa isang tambay-salakay.
Ilang beses nagkaron ng away dahil sa kanya. Pero lahat ng yun, di sha kasali. Nung minsan na mapasali sha, nakipagbasagan talaga sha ng mukha dun sa lalaki. At take note, kawawa yung kasuntukan nya.
Yung family nya pa eh puro babae. Yung mga younger sisters nya, lahat eh maganda talaga. At mahal na mahal ng tatay nila. Yung nanay naman nya eh nawala ng maaga dahil sa kanser. Moreso, Jehovah's Witness ang religion ng familia zaragoza, kaya higpit-higpitan si fudra. At, ayaw ni fudra sa bakla. Di ko ganong sure, pero parang battered child si Tondeng. Kaya nung tumanda eh natutong lumaban.
Sa tatay nya. Sa lipunan. Sa tadhana. Sa buhay.
Indeed. Sha nga ang orig na Baklang Maton.
Pero, pero, pero... As expected nalihis sha ng landas. Parang si Magdalena yan eh, gay version. Wiririt naman sha naging prostitute o kaya eh GRO. Dun sa easy money. Drugs. Naging pusher si Tondeng. He got involved too deep dun sa sindikato, hanggang sa hindi na sha nakatira talaga ditey. Palitaw na lang ang eksena nya, basta lagi shang haggard looking, at parang nagpapalamig lang. Tapos aalis na sha uli, balik na sa dating gawi.
Nung huling umalis sha, di na sha bumalik. Ilang buwan yun na tahimik ang iskwater. Ilang buwan na walang nag-aaway. Ilang buwan na payapa ang magdamag. Then a shocking news came.
Patay na si Tondeng.
Napatay sha sa tinutuluyan nya sa Fairview habang may karga-kargang bata. Short-range yung baril. Tutok na tutok sa noo. May silencer pa. Nalaman na lang ng mga kapitbahay nung umiyak ng todo yung bata. Kaso hindi alam ng mga kapitbahay kung saan talaga nakatira si Tondeng. Kaya hindi nasabihan ang pamilya nya.
Ilang buwan sa morge si Tondeng. Walang nagke-claim kasi walang nakakakilala. Kumalat sa Fairview yung istorya nya, nakarating sa isang kapitbahay namin at binanggit dito sa iskwater namin. Almost one year na shang di umuuwi nun. Nung nalaman ng pamilya nya, naglibot sila sa mga morge ng ilang linggo para lang mahanap sha. Finally, after a month, nakuha nila si Tondeng at inuwi sha sa iskwater. Kung san sha nararapat umuwi. At kung san may mga taong nagmamahal sa kanya kahit inookray nya. Kasama na ko don.
Tondeng is gone. Wala na ang original na Baklang Maton sa iskwater. Pumalit man ako, alam ko kung and2 si Tondeng, mas maton yun sa kin. Baka anghel ng lansangan ang role kez ngayon.
We all hear stories like this. Sa maalaala mo kaya, sa mga indie films, sa mga drama-dramahang nobela. Pero we all know that these things happen, and they happen for a reason. Anong reason bakit nangyari toh kay Tondeng? Wit ko alam. At wit ko na rin siguro malalaman.
Pero sana, kung may ibang Tondeng pang nag-eexist sa ibang iskwater jan, sana happy ending naman.
Nakakalungkot naman... huhu sana gabi ko binasa hindi yung ganito kaaga...
ReplyDeleteTondeng kung nasaan ka man, sana tuloy pa rin ang pang-ookray mo...at sana masaya ka na...
Sana wag mong gayahin ang Tadhana ni Tondeng. Natawa ako sa pag tatago mo sa kasuluksulukan ng Narnia ahahahaha
ReplyDeleteoo nga. sana naman happy ending ang ibang kaveyklaan! go mars, magwagi ka jan sa pugad mo with a brighter story ha.
ReplyDeleteType ko tong post na itu. Pang-MMK pero may halong katatawanan.
ReplyDeleteNi-link po kita sa blog ko, sana ok lang po. Gandang hapon!
hay buhay nga naman, life talaga. winner pa rin naman ang mga banat ni tondeng. he was able to make his mark.
ReplyDeletewahahaha.. kahit malungkot yyung istorya talagang binasa ko para malaman at makilala ko si todeng, nakakalunkot. :(
ReplyDeletepero nakakatawa yung mga words, haha.. nakaka lerkey! tama ba?! haha..
ei maton, cge add din kita sa blogroll ko.. slamat... :D
ReplyDeletenakakalungkot naman ang post na to,but still nakakatawa ung mga word na ginamit,haha harsh talaga ang reality..
ReplyDeletenakakalungkot naman at na dedbols si tondeng... sana meron din xang blog na nabibisita ko at blog na kung san naitatala niya ang kanyang mga pakikipagsapalaran.. sayang sayang..
ReplyDeletepunyeta. akala ko puro katatawanan. ngising aso ako... nung huli muntik tumulo ang luha ko. gaga ka. nahuli mo ang babaw ng luha ko.
ReplyDeletekakalungkot.
awts.. sayang ang buhay..
ReplyDeleteang droga talaga walang nadudulot na maganda..
buti nahinto ko na un.. ehehe
Para kay Tondeng, SLN!
ReplyDeleteParang si Michael Jackson lang.
Nagpupugay para sa orig na Baklang Maton.
@ glentot -- uu nga dapat sa gabi mo binasa para makapag-emote ka after..
ReplyDelete@ jepoy -- uu naman. iba tadhana naming duwa. mas bonggacious ung tadhana ketch!
@ patronesa -- dont worry, ung side ng story ko eh glimmering and glittering sa brightness!
@ d beat -- sureness, xlinks tayey! mmk/bunana splitera!
@ john -- oo super markado talaga! lumalatay ateh...
ReplyDelete@ kox -- sad pero trulili divah? kaya ingats marse..
@ jaid -- normal na yan ditey sa iskwaterific.. na-sad lang aketchi kasi badet c tondeng.
@ elay -- u nga, kung me blog un malamang gulong tayo sa katatawa!
@ dilan -- ako rin habang sinusulat ko toh, umiiyak ako. =(
@ rwetha -- malandi ka! pati droga kinembot mo! buti shopos ka na. good gurl!
@ jjones -- ateh wala ka namang galit sa jehovah jan.. di ko nilalahat ha! un familia nya lang..
@ acry -- kampay! para kay Tondeng! SLN! nagpupugay ako sayo baklang orig. sana tahimik ka na, san ka man naroroon.
ReplyDeleteTondeng is like the "godfather" then hahaha :)
ReplyDeletepero teka ano sabi ni fudra nung inokray k ni tondeng regarding dun s pageant?
ReplyDelete