7.26.2009

Behind Enemy Lines

Minsan naiispluk ko sa sarili ko, bakla, ang tapang mo talaga.

As you all know, andun na sa piling ng aswang ang Papa ko. As in hinakot na ng babaylan ang lahat ng gamit ni Totong at di na sha pinapauwi. Kahit parents nya di nya mapagbigyan kc ayaw sha payagan umalis ng bahay. Higpit-higpitan talaga ang babaeng aswang.

Every week ko na lang sha nakikita. Kasi pag Saburdey lang ako matagal na nagstay sa haus na pink. Dahil nga bisibisihan si bakla, 7am-12nn ko na lang nasisilayan ang balaysung ketch. At weekend na lang talaga ko nakakatira sa tirahan ko. Kaya, weekend lang din sha nagpaparamdam.

Tuwing pupunta yan, mainit ang ulo, puro reklamo, puro sumbong sa kin. Hinanakit galore talaga mga ateh! Pinagbabantay lang sha ng tindahan hanggang 4am, tapos me pasok pa sha sa iskulilet ng 8am. Me junkshop yung tatay ni Totong, dati sha pinagbabantay para me kickback ang payat, ngayon sinasara na nila pag wala yung tatay nya kc nga ayaw din sha payagan na umuwi ditey sa iskwater at magbantay.

Kaya pag nagkikita kami talagang shoulder to lean on ang drama ko. Tapos bawal sha uminom, bawal sha magyosi, bawal sha lumabas, as in padlock talaga ang drama ng gate na bakal. Haggard davah?! Pero nagtitiis lang sha kasi nga, me baby na sila at mahal nya ang anak nya. Pero ang press release ng payat kong bowa, "Di ko asawa yun, nanay lang ng anak ko. ikaw pa rin Ma ko." sabay kiss. *hay*

Kagabi, me eksena na naman sha. Kumatok sa door ko at nagyayang magpatadyak sa pulang kabayo. Shempre, bakla lang, pumayag akeiwa. Sa gitna ng mga bote at mga mixed nuts at beermate, ispluk nya "Ma, binyag na bukas ha. Punta ka, ninang ka ng baby ko." Susko naman, dati abay ngayon ninang! Ano ba namang pagpapahirap ang gusto nya?! Tama nga ata, love is like a rosary, full of mysteries! Eh misteryo ata ng hapis tong si Totong!

Pero pumayag ako.

Call me crazy, call me stupid. Call me martir, call me tanga. Call me masokista if you want. I have my own definition of this eskena.

I call this closure.

Baby steps to moving on.

Kaya kanina, ninang sa balete drive ang arrive ko. Naggown si bakla, with matching tiara and tutu. Ay polo shirt lang pala. Tsaka maong. At rumampa na ang bakla sa simbahan.

Shempre sa haus ng aswang ang kainan. Kaya feeling ko anytime eh me sasaksak sa kin dun or hihilahin ako sa isang tabi at sasakluban ng sako saka isa-salvage. Pero I'm in good hands naman with metrobank, kasi ang katabi ko sa kahit anong chorvah... mga sisters ni Totong at nanay at tatay nya. San ka pah?! Ako legal wife...

Binuhat pa ng byenang hilaw ko yung baby, sabay deliver ng "Baby oh, si Ninang. Ay Mommy ata." Haba ng hair ko noh? Nag-enjoy naman aketchi mainly because kababata ko rin kasi yung dalawa nyang kapatid kaya me mga inside jokes din kami. Mga bulungan shempre ng panlalait sa asawa. I know its rude, nasa teritoryo pa naman nya ko.

Pero feeling ko kasi habang katabi ko yung duwa nyang sisters, eh me kakampi ako. Me shield ako tsaka sword. Me force field. Tapos nalaman ko pa, ayaw pala ni Totong dun sa name nung baby kc parang pinahaba na name nung aswang lang yun. Ang gus2 nya Rein Janice. Rodrigo kasi sha, at ako eh Jokla kaya RJ. Eh nakahalata si aswang kaya hindi pumayag.

Mga ateh, sa totoo lang eh ang pakla-pakla ng pakiramdam ko. Oo na! Bitter na kung bitter. Eh kasi, ok lng naman sa kin na me asawa't anak na sha. Masaya ko para sa kanya. Pero pano ko magiging masaya kung sha mismo, hindi. Kung sha mismo nahihirapan. Kaya ako rin, naiinis.

Kinuha ko nga yung mic, at inemote ko ang lyrics ng isang masterpiece ni Chito Miranda. Bumirit talaga ko mga mare. At sinabi ko pa na "This song is dedicated to my 'kumpare' Pareng Totong." Pa, this is for you...

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagtitripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang syang pinapangarap ko!

Sa libo-libong pagkakataon
Na tayo'y nagkasama
Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya!
Naiinis akong isipin na
Ginaganyan ka nya.
Siguro ay hindi nya lang alam ang yong
Tunay na halaga...

Nakatingin lang sha sa kin. Natatawa, tapos naiiling, tapos nagwalk-out. Pagbalik, tumabi sa kin sa upuan, pinatapos akong kumanta, at nagsalita: "Sana kasi, dati ka pa bumalik. Sana, dati ka pa bumalik. Baka iba talaga ngayon."

Nagpaalam na ko at umalis. Buti na lang, umuulan. Hindi nahalata ng mga bisita na iba na pala yung dumadaloy sa mukha ko. Siguro ay hindi nya rin alam ang aking tunay na halaga...

10 comments:

  1. BM,

    dapat pala yata, iba
    ang soundtrack ngayong
    araw either i made it
    through the rain ni barry
    o kaya naman kahit ano
    sa buong album na starting
    over again.

    kung anuman, maging mabuting
    fairy godmother ka lang. i-extend
    mo na lang sa anak ni pa ang lahat
    ng pagmamahal mo. ika nga, maging
    mabuti kang madrasta.

    goodluck.

    ReplyDelete
  2. aw. anu b yen?? ansaklap! nababasa nya ba tong blog mu? ipakulam nten ang aswang! hahaha :) kaya mu yan mare! :)

    ReplyDelete
  3. nakaka-sad, may part na halos pareho tayo ng sitwasyon noon. kaya mo yan, believe in yourself, tsaka hanap na lang ng bagong inspirasyon.

    ReplyDelete
  4. awww... love is really complicated.

    you'd still meet someone better. :)

    ReplyDelete
  5. bakla ka... huhuhu! hirap ng ganyang feeling. pareho nga tayo mare. nakakabanas naman. pero in furness nag move on na talaga ako at bising bisi makipaglandian sa mga kaklase ko. hahaha! new frends galore ang drama nyahahaha!

    btw. taga caloocan ka ba???

    ReplyDelete
  6. nope ate... cubao area po ako.. emotera lang tlga c bakla... pero mamya gagawa ako ng post sa laglagan blues ng canton boys... hehehe!

    ReplyDelete
  7. Mars, super veykla ka talaga! :) parang pelikula ang buhay mech! tumbling ako sa yo. ay sana daw one of these days ay masightsung ko ang balaysung mong pink at makieksena ako jan sa mga ekzena mo! :)

    ReplyDelete
  8. kahit di ko masyado maintindihan ang ibang mga gayspeak, nag enjoy ako sa kwentong ito hehe totoon-totoo sya, walang halong pa-cute.

    ReplyDelete
  9. nalungkot naman ako sa last part na hindi nga siguro nya alam ang tunay mong halaga.haha.well, ganyan talaga. ako nga eh, binawalan ko na ang sarili ko na ma-inlove.yes, madre ang drama ko.kasi hindi talaga ko naniniwala sa fairytale, kung meron man, siguro para lang yon sa mga handang sumugal.haha.well.i like the song. ^^ love you BM! i hope to see you in person. :)

    ReplyDelete