7.14.2009

Sugal

Sa sugal, karaniwan mahalaga ang alas. Pero para manalo, minsan kailangan mong itapon yung ilan sa mga alas mo. Ilan pa ba ang natitira sa baraha ko? Mananalo pa kaya ako? Hmmmm... para malaman mo, mag-tongits tayo.

Break na kami ni Tatay Jepoy.

MU lang daw muna kasi kami, mag-utuan pala gusto nyang meaning ng MU, indi mag-un. Dahil hindi ako utu-uto, hinayaan ko na sha. Kaya di na sha nagagawi dito sa bahay na pink. Sa ibang kulay ng bahay na ata sha tumatambay. Kiber ko! Nami-miss ko ang pasahan ng maxxxx at ang tamis ng aming mga unang halik (lahat un feeling ko una eh) pero di pa rin sapat ang mga yon para makalimutan ko ang motto ko:

Bakla na ko, alangan namang tanga pa ko? Isa-isa lang dapat ang kapintasan. Kaya ang alas na flower, pina-chow ko na sa kalaban.

Nawawala na rin si Papa Totong.

Sa tingin ko, feel na feel na nya ang role nya ngayon: isang ama. Dati every weekend nasa doorstep ko yan, nag-iinarte kasi di sha makaporma sa aswang nyang asawa. Ako namang si kabit, mega console ampotah, mega hain ng umaatikabong redhorse at umuusok-usok pang sisig slash pinaputok na dilis slash mainit-init at greaseless pang katawan ng bakla!

Me chorvah pang gento: Inaway ko yung babaylan! Nung minsang nalasing ako eh sinugod ko yung hauslaloo nila kesehodang teritoryo ng mga aswang yun at isang bote ng redhorse lang ang armas ko. Feeling Rambonella si bakla, lalo pang nanggigil nung makitang ginawa nyang boy si Pa at pinagtinda nya sa suking tindahan ng mga loser kalakip ang sandamukal na proof of purchase! Walang pirma leche! Di yan tatanggapin ng DTI Representative!

Tapos, havs pa ng padlock yung bahay... Mare, nagpuyos talaga ang lasing kong utak. Sumigaw ang bakla: "Pa! Lumabas ka jan kundi susunugin ko tong bahay na toh!" Pinalabas naman sha. Ikaw na sugurin ng baklang kabit na lasing, ishoshogo mo pa ba asawa mo? Well, kung ako ang babaeng asawa lulumpuhin ko yung bakla. Eh ako yung bakla, so ewan ko. Alangan namang lumpuhin ko yung babae? Basta pinalabas nya si Totong.

Sabi pa ng baklang maton: "Kala ko di ka palalabasin eh, babatuhin ko sha ng bote!" sabay bawi at emote na parang maamong higad "Pa, kelan ka ba uuwi?" pathetic di ba? Di rin... Di ako aamin.

"Malapit na, Ma. Konting tiis na lang. Malapit na." sagot ng payatot.

Pansin ko lahat sila puro "malapit na" ang eksena. Puke mong maalat! Naibenta ko na yu ng eiffel tower, naipagkalat ko na mga video ni Hayden at Mahal, naging Darna na si Korina Sanchez at si Mar Roxas si Ding, wala pa rin! Yung "malapit na" nila, malapit na ang hukom eh di pa rin dumarating!

Ilang linggo uli shang nagpabalik-balik sa tahanang walang kipay. Ilang buwan sha uling nakipagtagisan ng inom sa baklang walang lapay. At ilang libong sandali rin shang naglunoy sa kandungan ng kasalanan (ahahay! tsalap tsalap...)

In the end, umuwi rin sha sa mag-ina nya at natutong makuntento. Natutong maging haligi ng tahanan. At natutong maging "Pa" ng isang tao na this time eh dugo't laman nya.

As usual, wala na naman akong laban. Kaya ang ace of spade ni-let go ko na rin. Pinang-basag ko sa straight na buo ng kalaban. Di pa sha pwedeng mag-bet hehehe.

Me duwa pa kong alas.

Si Magic, na madalas ko talagang makasama nowadays at habang tumatagal eh lalong sumasarap. At si Jonel na pasulpot-sulpot pero naghahatid naman ng isang libo at isang tuwa mula aparri up to jolo ng buo kong pagkatao. Sabi nga sa Kyle XY, pano mangyayari na makakaramdam ka ng mga paru-paro sa sikmura mo pag nanjan ang isang tao, at para namang kuryente ang hatid sayo ng isa pa?

Basta, di pa tapos ang laban. Pwede pa kong tumodas. Pwede ring matalo. Pwede lalong umayaw na habang maaga pa. Pero ang sinisiguro ko, masaya ko sa sugal na toh.

Manalo, matalo, quits.

9 comments:

  1. hahaha.. marami pang iba jan, pwede naman uli ulitin ang tong-its. hahaha.. :) wahahahaha.. nyahahahaha.. *nasamid*

    ReplyDelete
  2. sumakabilang bahay na pala jowa mo.

    lika nga dito paakap muna habang malamig ang panahon. hahaha. ingat lage

    ReplyDelete
  3. Awts, ang mga jowa mahalaga yan, tagahatid ng kiliti..hehehe pagnawala ang isa, hanap ulit ng kapalit..para hindi nauubusan! (hanggang tengang ngiti:D )

    ReplyDelete
  4. pag me hawak kang alas tapos ilang round na, di ka pa rin totodas, itapon mo na.. marami pang ibang baraha jan, pwedeng di nga lang alas.. pero malay mo, dun ka maka-chow? :D

    ReplyDelete
  5. Sulayin mo ang buhok mong hanggang Edsa para makakita ka ng kapalit ng Papa 'mong umalis sa Pink mong bahay...

    :-D

    ReplyDelete
  6. ok la naman ang magsugal basta ba walang init ng ulo pag matalo..
    Ako ay isa ng muslim dahil sa kagustuhan kong maging asawa ang dalawang blogger na kilala mo. Nakapagsulat pa ako ng tula para sa kanilang dalawa at iyon ang new post ko..hope u read it..

    ReplyDelete
  7. haller! heheh. kakatuwa naman ang blog mo sis. kapag me alas ka wag mo nang bitawan ever! :D hehehe.

    na link pala kita. hope you could link me up, too :D

    ReplyDelete
  8. hehehe. kabugan ka talaga sis. walang keme keme. nangangabog ka ng bonggang bongga at walang nakakapigil sayo. in fairness merong pagkakapareho ang maraming KWENTO nating mga merlat. nyahahaha!

    i feel you.

    ReplyDelete
  9. nice.......thou cant relate....goodwriting with butter/flies in my stomach

    naimpacho ako

    ReplyDelete