Potah pagod na ko.
Pasensya na sa mga ka-bloggers ko na di ko man lang madalaw. Sabik na sabik na kong mabasa mga post nyo. Sabik na sabik na rin akong mag-comment at maghanap ng away sa mga chatbox nyo. At mas sabik na sabik na sabik na rin akong magkwento ng mga happenings ditey sa iskwala lumpurific na iskwaterrrrr.
Pero 'Day, mas sabik akong matulog.
Zzzzzz.....
Kasi po mga kapanalig sa sangkabaklaan. Bising bisi ang baklang maton. Shetnamalagket ba naman kasi, alas nueve ng gabi nasa ofis na ko. Alangan namang paggising ko eh andun na agad di ba? So me paghahanda pang magaganap at shempre sasakay pa ko ng super ferry para makarating sa opis. Madalas sa habal-habal na nga ako umaangkas. Knowzline mo yon? Yung mga motor na pumapasada, mega angkas ka tapos susuot mo yung napaka-kyoho na helmet ni masked rider black.
Tapos pag-uwi ko sa umaga, tuloy naman ang badet na maganda sa school for the blind na pinagpa-practicum-an ko para sa aking chorvam na pagdadalubhasa sa ispeyshal edukeyshun. Mag-aalaga ang bakla ng mga julilit na visually impaired. Kakaawa yung iba, kaka-touch yung determination ng marami.
Kaya pagdating ko sa bahay na pink ng mga alas-dos, tingin mo makakalandi pa ko? Wichiririt na! Wai nang paglamyerda na magaganap, straight to bed ang Dyosa. At paggising, ayun travelogue na uli papunta sa ofis.
Eto pa, pag Saburdey naman, nasa iskulilet ang badesa at -- sankapah?! -- member naman akeiwa ng student body at isang common na mag-aaral. Ipa-notaryo mo pa toh: research and thesis ang kelangan kong gawin pag Saburdey... tingin mo humihinga pa ko? Minsan nakakalimutan ko na nga rin...
Kaya mga nini, pasensya na muna ha. Mag-aactiv activan din ako uli apter porti eyt yirs... Sa ngayon eh mamamahinga muna akeiwa, siguro pasundot-sundot na sulat tungkol sa mga eksenadora ditey sa eskinita namen-chi.
Bakla lang. At walang baklang hindi napapagod.
Kaya, borlogs na muna ang Baklang Maton in the Suburbs. Manabik muna kayo sa ganda ketch. Manabik muna kayo sa daily dose of iskwateriffic fun and excitement. At manabik muna kayo sa alindog ng nag-iisang Dyosa! Ay marami pala tayo dito...
Basta, wag nyo kong ipo-forget-me-not ha... Iporget-me-not mo ko at susunugin ko ngala-ngala mo! Ahihihi... Bangag na naman si bakla, kulang sa tulog. Zsazsa Zsaturnnahh, borlogita na ang baklang maton. Waiting por porever sa prince charming na gigising sa nahihimlay na sleeping beauty in me.
Gud mornyt!!!
porget-me-not mo ko at susunigin ko ngala-ngala mo! Ahihihi
ReplyDelete- Taray!
Ako din gusto ko bumorlog ng 12 hrs, parang baby.
Tulog ng mahaba! Para byuti-ever! :D
ReplyDeleteako man gusto kong matulog ng matulog,toxic kasi sa school,nweiz,sleeptight!Ü
ReplyDeletenaks may charity work ka pa palang nalalaman sa mga bulag ah hehehe..nice..isa kang bayani..hehehe
ReplyDeletegeh mtlog k muna...zzzz
go lang sa beauty rest.. the time has come for you to shut your eyes and sink into deep slumber, to lay in wait for the majestic carriage that will take you to the magical realm of dreams. sweetdreams.
ReplyDeletehahaha.. ang galing mu pala, mabuhay! haha XD
ReplyDeletebalik ka agad ah,, madami akong napupulot na words sau eh, haha :)
naku baka di kana magising ate
ReplyDeletechus
kelangan bang si Paps lang dapat ang dalawin bago mamaalam?! E panu naman ang Pluma ni Jepoy?!
ReplyDeleteNakakatampo! ahahaha
Galingan mo sa iskul para with flying colors ang graduation :-D
ahahay. oo nga. malaking ka-missan itey Mare! akeywa din nga. mejas busyness. at least pagbalik mo andami mo na rin kwento ever! o zsa, humayo ka't magpaka-mother theresa muna. MWah!
ReplyDeletebasta don't go into the light yet Mars ha. :) Mwah!
ReplyDeleteby the way, i luvvv the title of this post ha. Seyvi ko na brilliant ka eh :)
ReplyDeletemusta teh.. nakibasa lang ako sa bahay mo.. ^_^
ReplyDeleterest muna ang baklang maton para fresh na fresh ulet pagkagising!;)
ReplyDelete