12.25.2011

MeMa

Me mai-post lang!

Merry Christmas Bekilandia!

11.17.2011

Ginusto Ko To

Dahil nasa isang napakagandang lugar ako ngayon sa aking buhay-beki, napag-isip-isip kez. Ang saya lang maging bakla noh? Dahil jan... Lilybeth! Pakipasok nga yung sarcasm folder, nasa loob nung bitterness file! Isabay mo na yung pessimism report!

11.12.2011

Bitaw (Full Version)

Here is the full version of my "Bitaw" photoshoot hehehe. Sino kaya pwede tumulong sa video shoot? Ehem!

11.04.2011

Nobody's Beki

"His smell reminded her of thunderbolts and ligthnings, howling winds and pelting rain, soft bed, pluffy pillows and her blanket on a cold, stormy night."

10.08.2011

Saturation

I'm sure you'll say this after reading the first paragraph: Zombadings na naman? Remington pa ren? Jigs Dimayuga uli? Di ka na ba nagsawa bakla? Ano to, PR firm? Indulge me Bekilandia. And as early as now, me disclaimer na ko kasi malamang ang maka-appreciate neto eh yung mga taong nakasama ko sa aking zomba episode. I'll try my best to make this the last Jigington post. Beki pinkie promise!

9.25.2011

Power Kindat

Sensya naman mga beki, nganga pa ko sa kilig ng Jigs Zomba Day kahapon. Sensya na rin at inuuna ko pa ang pagka-madam president kesa sa blogelya ko hihihi. Magsisipag na ko pramis! Kasi me guest of honors na ko sa book launch ahahaha...

Magba-blog akeiwa mamaya pramis, ipo-post ko na yung part 3 ng Baguio escapade at ang part 4 ng Wow series hihihi... tsaka shempre mga eksena kahapon sa "fans-day-slash-birthday-party-ni-BM" hihihi... For now, eto muna ang power kindat ng lolo gwapo! Video after the jump! <3 <3 <3

9.24.2011

9.13.2011

Pulso

Mga beki, seryoso yung pangarap kong "Book na Maton" ha! Kaya eto, magpapa-sarbey akeiwa.

Anong bet nyong topics? Kalandian? Kabaklaan? Social relevance? Self-help (me ganun ba ko?!)
Sinong bet nyong characters? Totong? Budwire? Papa El? Canton Boys?
Anong type ng kembot ang bet nyo? Nobela? Collection chuchu? Best blogs galore?
And more importantly pano ko naman maii-launch itey?
Isabay ko kaya sa Jigs Zomba Day ahahaha... or baka magdala ako ng sample? hehehe...
Agaw-eksena!

Cmon, give me your insights. I need your feedback, shemppre kayo bibili eh hehehe,,..

Ang bet ko, isang collection ng mga anditey na, at mga collection ng bagong posts. Keri?



Malapit na kong sunduin ni Tagabantay, bet kong magkaroon ng bookelya bago akez gumora. Anjan na sundo ko naaamoy ko na, kaya react at comment na Bekilandia! Pramis trulaloo itey...

9.11.2011

Bidyow

Oh eto talagang nagpaka-fan na ko ni Remington! Since ka-tweet at ka-DM ko naman ang lolo mo (sige na! ako na! ako na talaga!) eh naganap din ang hinihingi kong video from him. Sayang kasi wala si Jigs nasa paglandi hehehe. Lumelevel up na ko teh, me endorsements na from celebrities! Ahahaha! Makapag-launch nga ng book, bet ko Jigington ang guest of honors sa event ahahaha! #ambisyosa

Neng, literal, habang nagkukwentuhan kami may lumaglag na higad sa balikat kong naka-off shoulders! Buti sana kung sa hita di ba, loss sha sa mga balahibo ko! Eh kaso mo sa balikat! Ang kati! Ang kati kati ko! Ako ang literal na makati pa sa higad! Kaloka!

Pero eto ang talagang nakakaloka. In character ako di ba? NGANGA.

Heniway, andaming kumukuda sa kin na wit daw silanchi ang duwang ka-tweet ko... Ay ewan ko na lang ha. Sa next video nga dapat me testi na nila na sila ang nagtu-tweet talaga. But for now, itey muna mga bekilandia.

Here's Mart Escudero for Baklang Maton.






9.10.2011

Y(our) Story

Me nag-email sa kin sabi sa email, and I quote:

"Hi! I'm eunice, student of Orcom in upm. I'll go straight to the point.. we have this video we did in support of ACCEPTANCE among the lgbtq community.


Not the best vid but certainly makes a statement. You might want to share it with your friends to and comment on it. Pretty pls? Thanks!"

Ang una kong naisip, SPAM. Pero dahil likas kay beki ang pagiging pausisa, mega click pa rin akeiwa sa link. At tumawa ako ng tumawa!

Watch nyo yung video, and comment na rin kayo... I'm sure makaka-relate kayo kay Ate... =)

9.08.2011

TLY Project -- Groupon Campaign


In support of the advocacy against HIV/AIDS, here's an announcement from TLYProject:




We are excited to announce that The Love Yourself Project is going to be featured on www.groupon.ph with a G-Team campaign coming soon! Launched in November of 2008, Groupon is a website that features unbeatable daily deals -- 50 to 90% off - on the best local goods, services and cultural events in more than 500 markets and 46 countries worldwide.
G-Team is a community outreach initiative within Groupon that brings communities together to do good, have fun, and make an impact. G-Team has been working in the Philippines to help mission-driven organizations like ours raise money and raise awareness, channeling the collective buying power of Groupon followers and our local supporters.
We need your help to make this a successful campaign...
  1. Subscribe to Groupon (www.groupon.ph) before the campaign launch (September 11, 2011).
  2. Check the daily Groupon e-mail to view our campaign, which will be featured along the right hand side of the main deal and under the list of daily deals
  3. Support the campaign with a pledge and spread the word to friends and family, encouraging them to do the same
Thank you for your support!
Chris

P.S. Attached is a snapshot of the draft site in Groupon PH where The Love Yourself Project will be featured.





Collapse

Twenty two persons were drinking with me. 22 persons and no one noticed I was blogging the entire time. I've never felt so alone in my life. Just now. How many times would it take for me to get it right?

9.06.2011

Pre-Registration

Kumusta naman, naging El Presidente na ata ako ng fans club ni Kerbie "Jigs" Zamora hehehe... Heto po ang official registration form sa mga gustong pumunta sa Araw ni Jigs.











Thanks kay ate ANDI sa paggawa ng google doc na itey. Mwah!

9.01.2011

8.30.2011

Inertia

Nabasa mo ba yung Walking Away? Eto yung fast forward... epilogue... After five years...


8.23.2011

Zombadings and Sayaw

Mga beki! I'm gonna watch "Zombadings, Patayin sa Shokot si Remington" and "Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa" later sa MegaMall for the benefit screening ng Love Yourself Project...

7PM at 9PM ang screenings... if u wanna meet and watch together, tsaka makatulong na rin sa kembular ng mga advocates, gora na!

I'm gonna be wearing white puke shorts and black shirt with matching scarf and beki bag ahahaha... Parang SEB lang!

Hope to see u there!

8.19.2011

Bliss

Witchiririt muna ako makapag-blogelya... Im taking some time off ditey sa Kowloon West, HK... Masabi lang na nasa Hong Kong ahahaha!

Photoshoot galore mga beki...

Sa mga nagtatanong, happily negative po ako. Naman ma beks, basahin ang song na nasa dulo davah?! I cried kasi I was relieved! Anu bey bigyan nyo naman akez ng literary license na mag-inarte sa ending davah?!

Im celebrating my natal beki day, pakibati naman akeiwa mga bekilandia!

Sa paguwi ko na ung pictures! Mwah!

8.11.2011

0.0001

Kulang-kulang sa isandaang milyong tao sa Pilipinas. Kulang-kulang sa pitong bilyong tao sa mundo. Ilang porsyento ang apektado dito? Sabi sa census, sa Pinas daw eh 0.0001%. Humigit kumulang sa sampung libo.

This is yet another difficult blog I'll ever write. Because after I hit that "publish post" button, everything changes.

8.10.2011

Noon at Ngayon

May mga pangarap talagang nakapila sa langit ano? At pag tinawag na yung number mo, wala kang magagawa kundi ma-overwhelm sa saya, disbelief at kilig. Kasi kahit nakalimutan mo na yung pangarap na yun sa tagal ng pinaghintay mo, magugulat ka na lang anjan na, ibinigay na... Kayakap mo na!

8.06.2011

Wow! The First Encounter

I'm gonna try some new kembot and introduce this one guy I've blogged before in passing. Susubukan ng beking maton na magsulat ng mala-series na kalandian. Hindi yung usual style kez na isang bugahan lang, at mako-cover ko na yung span ng 3 yrs, or yung isang buong friendship. This time eh anecdotas lang ng mga eksena namin ang ikukuda ko, para naman masabi kong nakagawa din ako ng series na planado hehehe. For the literary purposes of beki writing, let's call him Prototype, also known as... Wow!


8.02.2011

Witchiririt: Ang Pagtanggi ng Beking Tiririt

Ala-Mary Alice sa Desperate Housewives tong eksena ko ngayun.

Voice over: Isa sa pinakamahirap gawin sa buhay beki ay ang tumanggi.. Sa isang kumpare na kinulang sa pambayad ng motor... Sa isang gwapong bagets na gustong magpakembang... Sa dalawang magkaibigan na para may matulugan eh willing magpalingkis... Sa papabol na ka-chat mo sa fezbuk na gustong makipag-seb...

Minsan, ang pinakamahirap tanggihan...ay ang sarili mo mismo.

7.28.2011

Ambisyosa

Kung may librong "Baklang Maton sa Recycled Paper Galing sa Junk Shop ni Totong" ... Bibili ka ba Bekilandia?!





PS: nagtatanong lang ako ha! wag ka munang umasa! blog nga di ako makasulat, libro pa?! Ahihihihi... coming na po yung tunay na blog... Mamaya!

7.22.2011

Inevitable Heartbreak

Sa haba nitembang, betinolla ko sanang gawing ala-HP7 itey: may Part 2! Kaso nahiya naman daw ako sa balat kong mala-porselana. Shugal na nga mag-post bitin pa?! So keep up na lang mga beki, super haba na naman nitey...

Salamat muna nga pala sa mga nag-email sa kin. Para daw di lang daot ang ma-receive ko, me mga words of kembular din! Dahil jan, post ulit akez. Acshuali, iniipon ko lang ditey ke Yvonne (my fonelya) ang lahat, tas pag me jinterchuvanet na kez ulit eh upload galore ang eksena kez. Basta, thanks kina Lanchie A., Johannes M., BJ Mo (na nakakaloka ang mga phone in questions!), Moriz S, Lester V., Eugenio C.,Macky Maldita, at sa mga masisipag magsi-comment at magsi-react sa mga kaekekan ko sa laypsung.

7.02.2011

Ang Huling Sayaw

Eto na po ang ending sa Post na Bitin. Kasi naman bitin din kayo sa comment! Bat ba kakukuripot nyo ha?! Depressed ako ngayon -- on an entirely different matter, indi dahil kay Payat na dinadaot nyo hihihi -- kaya please naman mejo pasayahin nyo naman ako.

Comments will definitely be my prozac for the night. Most bloggers ask for comments to increase their traffic. Ako, I ask for comments to feel pretty. Ahihihihi! Kamown bekilandia! Make BM feel pretty tonight... Love love love!

Magawa ngang nakakalibog tutileyting tong post na to para ganahan naman kayo mga beking ipinaglihi sa laing (tnx for that line DH -- o di ba nagbabasa din naman ako ng blogs nyo!)...

6.20.2011

Redemption

Bitin ba yung last post? Hehehe... Side story muna ha. Para yung pagkabitin, ma-extend ng konti.

6.18.2011

Post na Bitin

Tag-fiesta na naman sa kabukiran. As expected, goraboomboomlei ang beki mae sa Broken Land para maki-flores at maki-disco. Sabi nga ng mga tyahin ko super active daw ako ngayun sa pagluwas sa bukid. Di na raw ako anti-social. Wititit nila knows, nahihilig kasi akeiwa sa pangunguha ng siniguelas!

6.13.2011

Beki's Day Out

Bago ang lahat, luma muna ehehehe. Waley sa intro! Tnx sa mga bagong followers. Lalo na kay payat na ginulantang talaga ako, pag-open ko ng FB FanPage at makita ko na ni-like nya si BM. Impernes ke Pa, supportive ang lolo mo at nagtatampo na dahil wit ko na daw sha bina-blog. Pinagpalit ko na daw sha kay Papa El. Ayan ha, Pa, na-blog ko na un latest. Bekilandia, u know naman my definition of mamaya, davah? Hihihi!* Pero dahil kay Payat ako nangako, nagkatotoong mamaya na to. =)


6.08.2011

Withdrawal


It's been more than two years, and BM has come a long way. Nung simulan ko ang blogelya na toh, nage-emote lang ako dahil kay Totong. Now, ibang level na ang hatid sa kin ng pagsusulat.

306 followers. 229 likes. 161 posts. A lot of page views. A number of haters. Most importantly, a bunch of inspiring readers.

And now I've come full circle. Thanks to all of you.

5.26.2011

Angel Locsin!



Dahil kakanood ko lang ng In the Name of Love na bonggang bongga naman talaga, naalala ko bigla yung kalurkey na kwento ni Angel Locsin sa Toy Kingdom.


5.14.2011

Namesakes

Sasamantalahin kong buhay na ang blogger. Eto ang isang post na kakasulat pa lang. At maya ng konti sa airport yung sinulat ko kagabi. =)

5.10.2011

Botox

Me isa akong ganda-gandahang friend na nagprisinta. Ie-edit daw nya yung isang pictyurakka kez, para magmukhang pang-magazine.

Pagka-send nya sa kin, di ko alam kung maiimbey ba akeiwa, mapapa-hagalpakakak ng halakhak, o ngangawa ng kuda. Itey kasi ang naging hitsura kez sa kanyang "art work". See the pictures after the kembot. Kumusta naman?!

5.08.2011

Export Tool

Narito na naman ang isang pagkahaba-habang post ng Bakla. At dahil buraot pala mag-moderate ng comments, lifted na ang ban ahahaha... Mandaot na kayo kung bet nyo, kadali namang mag-delete ng comment ng mga mandirigmang bakla davah?!


5.01.2011

Mr. Commitment

Wow, overwhelming naman ang response at galit nyo kay Letter Sender. Tama si Kane, I knew him personally. Mas masakit nga yun eh. At sa nandadaot na commenter na ako daw yun nag-email sa sarili ko, anu ko baliwag?! Kelangan ko pa ba gumimik sa sarili kong blog?! Shunga ako teh? Ahahaha... Kung kelangan ko ng gimik sa blog na to, all I need to do is post regularly, tama?! Don't worry, pag baliwag na ko talaga at ini-email ko na sarili ko, i-cc kita ha.

Mabuti pa, magkwento na lang ako ng mga pangako kong anshugal ng napako. Aba, kaya nga may martilyo, pambunot davah. This is one of the few drafts na naisulat ko at di natapos. I still have ten posts left bekilandia. After that, eat pray love muna ang drama ko ha. Expect nine more posts this week. And then we'll see...

4.27.2011

Distant



Hi mga beki... I'm really sorry for not writing. I'm just disheartened by some comments and an email I received regarding this blog. Super naloka, natulala, naboplaks, nawarlaloo, nawindang at naurat lang ako sa mga kinuda ni Letter Sender. And so I decided to grant his wish.

I'm quitting the blogosphere.



4.19.2011

Churi

Sori mga beki wit ako nkapag iwan ng blog before aq mag fly sa Iloilo for our camp. I'll see u in Sunday.

4.11.2011

Outsourcing


Bilang natawa ako sa blog ni Arki-Torture na puro daw boylets ang laman ng blogelya ko eh di boylet na nga ang i-blog tonight. At bilang dumugo rin ang utak ko sa mga comments nyo sa atake sa puso ni Juvelon, ibahin natin ang topic. Dami ko na ba utang mga beki? Aba mangilin naman tayo!


4.08.2011

Heart

It was a windy sunday afternoon at San Pedro Laguna... I was driving then together with the Rodriguez family were on our way to visit Chrizi at the hospital who just by the way gave birth to a healthy baby boy.. when all of a sudden i felt a chest pain as if someone was squeezing my heart... my sweats were cold ...

while everybody was discussing where to have lunch the pressure was building inside me... from the stomach to my head like an inflating balloon... it was settled then that we were to have lunch at Pizza Hut so i park the van near a plant box... i threw-up just to alleviate the pressure... after 30 minutes... when the pain was already unbearable, i decided to go to a nearby hospital...

At the ER ... the attending physician couldn't tell whats wrong with me... my Vital signs were normal... BP was normal ... the ECG results were normal too... until they've took blood samples and the results came back Positive... Yes, i had an Acute Coronary Syndrome which leads to Myocardial Infraction...

Heart attack at the age of 34... the ER physician decided then that i should be on Intensive Care Unit ( ICU ) so that they could monitor my condition... I was in ICU for 3 days ... no windows ... no visitors allowed ... no gadgets inside to play with... it was pretty boring... then after ICU another 3 days in a private room and all i can eat were hospital food ... yuck!

Now... i'm staying with my Mom, My wife and 2 kids and my 2 brothers here at Pacita ... still under meds... =)



3.28.2011

Virtual Kilig



May blogelya-belya akez na pagkahaba-haba kay Papa El eh. Mga chat chatan namin gabi gabi... Yung mga kilig moments na umeeksena sha at ninanamnam ko ng fab na fab! Kaso mo, pakakak na laughtough itey, di na-save. Tae talaga... kaya eto ulitan si bakla. Mejo indi na juicy, pero keri na. Hihihi...

3.25.2011

Triquetra

Awat naman sa mga lalake -- mga frendships ko namang beki. Lagi kong nababanggit ditey sa blogelya kez sina Galema at Medusa. At shempre, akengkay si Valentina. Kumusta naman, ginawa ko tong draft na to Dec. 25 pa! After 3 months natapos ko rin. It's actually a tribute to my two girls: Sailor Mars and Sailor Pluto.


3.20.2011

Huling Habilin

Di ba nabanggit ko last time na may kwento ako uli about sa lamay? Eto na po mga bakla! Baka sabihin nyo naman eh waley akong isang salita. Ahahaha, wala nga! Sabi ko "mamaya"... Kumusta naman ang mamaya ko davah?! Pwede na yan! Choosy ka pa!

3.17.2011

My Utoy


Kung ang Mara Clara ang Ina ng Philippine Teleserye, si BM naman ang ina ng Iskwater. Mara, Clara, Via, Selina, Mutya, Agua, Bendita, pati na Kris at Korina, rolled into one. Hihihi...

Impernes, feel na feel ko lang talaga ang Mara Clara. Nakikiiyak ako sa bawat ngalngal ni Mara, nakikibunyi ako sa lahat ng kamalditahan ni Clara, gigil na gigil ako sa pagka-gullible ni Alvira, touched na touched ako sa pagka-ina ni Susan, bet na bet ko ang kabaklaan ni Aling Lupe, suklam na suklam ako sa kademonyohan ni Gary, at kilig na kilig ako sa ka-kyutan ni Christian.

Oh di ba, affected na affected ako ng Mara Clara. Kesa mag-emote ako sa sarili kong buhay, makiki-emote na lang ako sa dalawang batang ipinagpalit ang tadhana.


3.14.2011

Not Your Ordinary Beki

This is a tell-all blog post. Dahil 2nd blog anniversary ko, I'm gonna open the closet, skeletons and all. I'm warning you, I'm no Imelda. You won't find shoes in there. I was supposed to write this blog for March 7, the actual birthday of BM. Kaso, di ko pa keri. Makirot pa, choz!

Winarla aketch ng friendship kong si Mamaru, ayun ngumalngal ang bekla, di na nakapagsulat. Kung bet mo talagang malaman ang eksena namin ni potah, read on. At kung piliin mong magpaka-judgemental pagkatapos nitong napakahabang post ko, it's your call.


*************


Muntik na kong magpakamatay.


3.13.2011

2.25.2011

Emoterang Bakla

Dahil dinedma nyo ang last post ko, napa-emote tuloy ako! I'm having mixed emotions right now. Still...

My rainbow is always present...

My rain is always controlled...

My moment is always now...

My friendship is always ashore...

My coffee is always warm and delicious...

My family is always at bay...

My faith is always reminiscent...

My memory is always pleasant...

And my raindrops always fall...!!!

Haaaaaayyyy!!!!!

Ah basta... My blog is incoherent today... Pero I'm sure, this moment will be a really memorable one for me.



I may not be sober, but I am definitely happy. <3 <3 <3

2.24.2011

On Beki Bars

Feb. 15 pa dapat tong post na to. Isipin nyo na lang, kunwari Valentine's Day kahapon. Hihihi. Churi...

*******************************************

Dalawang gabi na kong nakakakita ng maraming etits. As in. Winawagwag at dinudukdok pa kamo sa mukha ko. Winawagayway na parang nagpapadakma at nagpapatakam. Eh pano ba naman, dalawang gabi na kaming nagpupunta ditey sa isang beki bar sa Anonas. Sa haus kasi bumorlogs since Sunday sina Galema at Medusa. Impernes, lagi ko silang nababanggit ditey sa mundo ni BM, kaya next time eh sila naman ang ibibida ko.

Heniwei Gokongwei na meari ng Robinson na may anak na may kakambal na anaconda na nakakulong daw sa basement ng mall (daw lang ha). Ang haba ng anyway ko noh?! Heniwei, ayun na nga, gora kami nung Monday night sa beki bar. Araw ng mga Pechay di ba? At dahil tuyot na ang mga talulot ng aming mga pechay, napagkasunduan naming lumandi pasumandali at mag-watchtower sa mga buhay na nota. To appreciate art in its purest form. Art yan ning. The art of nudity. The human body. All the way. Me nakasabit pang ice bucket sa art na yan minsan.

Nakapunta na kami ditetchiwa dati. Nung January yung unang goraboomboomlei namenchi, havey factor! Mega search akeiwa sa google ng mga "popular gay bars in quezon city philippines" at andaming hits ning. Si baklang Medusa read talaga ng mga review para daw alam nya kung saan sulit ang bawat erya. Me nakita naman ang baklita, somewhere along Aurora Blvd. Winner daw ang mga shows, pasok sa banga ni Galema ang presyo, at mapapa-clap-clap ka daw sa mga produksyon numberlaloo. Go ang mga hitad. Napakanta nga lang kami ng "dito ba?" kasi muntik na kaming maligaw.

Kaloka, punong puno ang beki bar! Saburdey kasi, big night kemerlou daw sabi ni Mommy Jackie Rice. Sha yung nakatokang floor manager sa mga rebekla. Waley ng jupuanstra kaya bog na bog kalabog! Kinabog! Ang mga rich na suki ng beki bar kabog sa tatlong beki mae. VIP kami dumerecho. Lipat na lang daw pag me available ng table. Sa loob ng VIP kemerot eh malaya kaming nakisayaw sa mga giling at shembot ng mga kalulurkihan.

Me search for a star in a million for a night double up edition pa silang pakulo kaya busog na busog ang mata ng mga garutay. Me bet si Galema, si K na winner sa fez, ala Bruce Quebral. Pero wit nya nai-table kasi snobbish muna ang eksena naming tatlo. Wag silang umarte, nasa VIP kami. Tsaka high-end high-endan si K kasi 5k daw ang bawat kembang ng lolo mo. Ay, wichiririt ng ibong tiririt! Wititit! Wala akong natipuhan sa mga macho dancer na nakakaburaot. Entrance + compulsary na duwang drinks + jisang platitong mani = bill namin. Pasok sa budget!

Nung araw nga ng mga pechay, since waley kaming mga date with a star, hinintay namin ni Medusa na matapos ang shift ni Galema at sumugod kaming muli sa beki bar, kesehodang 230 am na kami um-arrival area doonchi. Hewan ko ba, kung kelan araw ng mga pechay, saka naman waley ang mga talong. Aba naman, lilima ata silang nagsasayaw. Lahat ng high-end na art exhibit eh nagsi-dayoff daw. Mga hinayupak na tamad! Pinagtyagaan na lang naming tatlo ang mga kalahi ni Bajula na mga dancer.

Aba, me cuteness na sumayaw. Si E. Mejo bata pa, twink ang lolo mo, pasok sa category ko! Pero bet din sha ni Galema kaya nagparaya ako uli. Tsaka loss ang wallet ko nowadays, ikaw na maging 5 months na unemployed. Kaya give-way ang baklang maton. Landian Lane uli ang duwa, pero wai ng macho drinks kasi pauwi na kami at pasara na ang beki bar. Kinuha na lang ang number ni Otoko at text-text na lang later.

Maghapon silang magka-text kinabukasan. Si Galema lang naman talaga ang katimora sa aming tatlo nung araw na yun, kaya bet talaga nyang bumalik sa beki bar kinagabihan para makuda na nya ng bonggang bongga si E.

Eh di yun na nga, nung gabi na, garutay lang talaga kaming mga pinaglihi sa alakdan, ayun matapos uli ang shift ni Galema, pakakak! Gora kami uli sa beki bar sa jaurora julevard. Ay kaloka kasi kahit Tuesday kembular ngayunchi, me show ang bar. Kundi ba naman shungakers ang management, kung kelan konti ang mga parukyano, saka naman sila nagpa-jontest ng Jubad na Chupido. Eng-eng lang madam?

Pero, pero, pero... Present na si E at K. Me usapan na sina Galema at E davah? Hagalpakan kami ng tawa, kasi pagka-jupo pa lang namenchi sa table na nasa sulok ng daigdig (para free si Galemang manglingkis) eh biglang sulpot agad si K at humimas-himas na sa anak ni Zuma. Shempre si Galema, likas na mahilig manuklaw, kaya hinimas-himas nya rin ang python ng lolo mo.

Habang kinakalantare nya si K, bigla kamong sumayaw si E. At huling huli nya ang textmate nyang me ibang ulupong na kadutdutan. Si Galema kasi, kinulang sa Caladryl nung bata. Di tuloy makatiis sa kati. Ayun, pagkakita ni E, inasar namin si bakla. Itineybol ni Medusa si E para maloka na ang Galema. Eh di sila naman ang "wholesome" na naglandian sa tabi ng baklita.

Ako na lang ang loss. Waley pa akez partner in crime for the night. At dahil di cooperative ang wallet ko, tiis-ganda si BM, alang-alang sa aking tuition fee. Eh si Medusa, she's always after fairness. Kaya para fair daw, getchina akez ng sarili kong macho dancer para mabigyan ng MD -- macho drink. Ay, wiz ko type ang mga MD na kung lumingkis eh kulang na lang ipasuka sa yo ang yaman ng angkan mo. Si Galema nga, kakahimas ni K, nakabili ba naman ng APAT na macho drink! Ampotah, 1200 din yun ha.

This time, me na-crush-an na ang pihikan kong puso. Si J. Pero kahit kakambal ko na ang kakatihan, pinaglihi naman ako sa mga buraot na nilalang. Kaya sya ang ginetching kong ka-table. Kasi si J, waiter! Cutie na waiter. Pwede naman daw silang ma-kyeme eh, di gora. Di pa kasi nya keri magsayaw, payatola pa ang cute na ombre. Pero game din naman so pasok na pasok ang choice ko sa banga.

Habang nanonood kami ni J, at nagtutuklawan na rin, namukhaan ko yung isang kumukuda sa stage. Around four to five summers ago, nakasama ko na ito. Nung panahong wild at shunga pa ko, habang nakikipagtagisan ako ng libog sa bahay ng isang frend kong matrona, sa isang O-party. Oh em gee! Si BM, nakikipag-orgy! Dati pa yun, nung college.

Meron akong bet na bet na di ko malapitan, kasi nga cute ang lolo mo. Mejo hawig ke Joross. Si Peter. Di ko na sha nakita ulit dun after mahuli ni mamu na ninenenok nya ang mga antigong rebulto ng santo. Puro santo kasi yung bahay na yun, mejo nakakatakot ngang lumandi eh. Ni minsan, di ko man lang nalawayan ang lolo mo, eh bet na bet ko pa naman ang gago. Wit na kami nagkita uli.

Until now. Ang hayup na yun, anu kayang nangyari? Bat sha bumagsak sa ganitong trabaho? Anung nangyari sa pagaaral nya? Pano sha nagsimulang mag-perform? Andaming tanong sa jutak ko, kaya after nya sa stage, kinorner ko ang hinayupak sa gilid ng CR.

"Hoy! Natatandaan mo pa ba ko?" kuda ko.
"Oo nga, parang namumukhaan kita. Kanina pa kayo?" sagot naman nya.
"Mga 2am na kami dumating. Kelan ka pa dito?"
"Mga 1 year and 3 months na rin. Ano nga uli name mo?"
"BM. Nakalimutan mo na ba?" tanong ko naman.
"Mejo matagal na kasi yun. San nga ba kita nakalaban dati?" usisa naman nya uli.
Nakalaban talaga. Taray! "Sa San Andres tayo nagkakilala. Remember?"
"Ah oo. Ako yung nanalo dun eh. Anong award ka ba nun?"
Nalilito na ko. Award?! Imbento na lang si bakla. "Ano, congeniality."
"Ay tama ikaw nga yun. Sayang, sana kasi nag-Snooky ka na lang."
Snooky? ".... Huh?" Blank-look na yung mukha ko.
"Naku BM, sumali ka sa Miss Bago-Bantay sa Sabado, kakilala ko yung judge."
This time, clueless na talaga ko. "San ba tayo nagkakilala?" tanong ko.
"Sa pageant nga di ba, sa San Andres. Oi chikahan tayo mamaya ah, me number pa ko ulit."

Yup. Si kuyang naka-O ko noon, pero di ko natikman, isa nang super-proxy. Impersonator na si bakla ngayon, ang galing tumina-turner at mag-whitney houston ala dulce ng lola mo! At napagkamalan pa kong byukonera. Byukonera -- as in sumasali sa mga byu-kon: beauty contest! Snooky pa daw ako, ampotah. Bat di na lang Rosa Rosal? Eh di ba "kapwa ko, mahal ko"? O kaya... "Eto po si Serena Dalrymple na nagsasabing... isa pa, Papa. Isa pa!"

Di ko alam kung nagde-deny lang si bakla o di talaga nya ko maalala. Ang alam ko, umuwi kaming masaya. Walang kumuda sa ming tatlo. Basta masaya lang kasi me dumaan agad na taxi, di na kami nag-"wait of shame" sa tapat ng beki bar.

At nung nasa haus na, habang mega diskusyon kami sa mga nagastos, nakuda, nahaplos, at na-poach naming mga wildlife, napagkasunduan naming lagdaan ang isang memorandum of agreement para sa susunod naming pagkembot sa beki bar.

Hubad na Kupido Memo

1. Mag-budget ng gagastusin.
2. Wag bigay ng bigay ng tip sa mga nagpapa-erya.
3. Pag me lumapit sayo, hawakan na ang nakahain na grasya, sabay turo sa katabi: "Ay di ako pwede, sha na lang."
4. Wag matuwain sa mga bakla. Tandaan, bakla ka rin.
5. Kilalanin ang mga hustler. Iwasan.
6. Kaibiganin ang Mamasang.
7. Go for the waiter. Mas tipid.

At nung napagkwentuhan namin si impersonator, sabi ni Medusa. "Sis, take it as a compliment. Napagkamalan kang sumasali sa byu-con. Nagmumukha ka nang babae."

To you, Petra... I'm flattered. *wink* I know what you did last, last, last, last, last summer...

2.21.2011

BROD








Itey pa! BROD, ang movie ni Kenjie at Ardie. Showing na din itechiwa nung Wednesday.






Sabi nung promodizer (hehehe):


'BROD' rated R18, approved without cuts. showing on FEB. 16, 2011 in selected cinemas.. ROBINSONS GALLERIA,ISETANN RECTO, REMAR CINEMA CUBAO, GRAND METROPOLIS ALABANG AND ON FEB. 23, 2011 showing in CEBU CITY..

Eto yung peyborit kong emote ni Ardie:


Ay kuya, ayaw mo ng bakat, hane? Nawa'y makadaupang-palad ko ang iyong alakdan. Ahihihihi.

Bekilandia! Eto showing na! Watch na mga beks! Sino gusto sumama sa kin sa Remar sa Cubao? Hehehe...

OMBRE




Phylum Productions presents
an intriguing bromantic love story...


" OMBRE "

OMBRE tells the story of Jake, an aspiring actor who went to Baguio City for a reality star search audition. There, he meets Dennis, a photographer from Manila. Both stay in a transient house owned by Dennis’ gay best friend, Brix. Jake is a dreamer.

Dennis
is a searcher who just got out of rehab.

They became friends and secret lovers. While both of them have special someone waiting back in Manila, it becomes clear that there’s a bond between them that they’ve never felt with other people, and this feeling begins to grow into something deeper.
Is this LOVE?

OMBRE is written and directed by Jonison Fontanos and stars Zac Ferrero, Darwin Taylo, Jobben Bello, Lando Perez, G.A Villafuerte, Tin Gonzalez, Kimjee Abad with Ms. Jef Gaitan (Survivor Philippines Palau finalist).

Dreams, destiny and love, in forms not known to many, come together in this full-length independent film this 2011.




Oh di ba naman, me gento ditey?! Kasi, me nag-email sa kin ng mga pics, nakikikembot na i-blogelya kez daw. Eh di i-blog! Keri lang namanchi kasi ang cutie ni kuya davah?! Naloka lang ako sa hawak. Ombre tapos me krusipiho sa leeg.

Heniwei mga ateng, watch nyo iteiwa. Wiz ko pa knows wen ang showing. Basta pag me na-givesung na free tickets, watch tayey Bekilandia! Suportahan ang indie films! Gora!


PS: Mga bet magpasulat jan ng script, ahem. Kol me! Ahahaha!

2.16.2011

Crazy Little Thing Called Cyber Love

Do you remember friend? As in si My Fifteenth. My Swing-and-Top-of-the-Building-Cyber-Lover with the sweetest messages and the cutest declarations of love.

I just noticed winaley na nya yung account nya. Winaley literally. Binonggal. Chinukchak. Tinegi. Dinedlak. Kinembular. Dinedmalaysia. In-erase-erase.

DELETED.

Nag-start kaming magpalitan ng mga iskyembular nung December 27. Mejo nahihiya pa noong una, naging pa-sweet, hanggang sa nagpahaging na ang lolo mo, at ng lumaon eh tumodo na at nagpakilig ng bonggacious na bonggacious sa tigang kong puso.

Sabi pa nya nga di ba, "when someone leaves, it is because someone is about to arrive." At nung sumagot ako na "a lot have arrived but none of them stayed. will you? that's the tricky part." mas lalo akong nangisay sa reply nyang "if i will, will you let me?" kaya sumagot ako uli ng "Someday..."

The sweet messages kept pouring in. Pinakinggan ko ang Pachelbel's Canon in D the Canon Flamenco version, pati na yung Canon Rock by Mattrach. Nag-alay pa ang lolo mo ng mga haiku kasi bet na bet nya daw ang mga japanese poems na iteiwa. Me kwento pa nga bago nya sinabi yung haiku. Me eksena pang ganitey:

Isa daw shang well-known Samurai warrior at mega journey to the woods ang drama ng lolo mo para mangaso at mapag-isa. May nadaanan shang isang ilog at dun nya nasilayan ang napaka-gorgeous at napaka-stunning na si BM. At nang palapit na sha sa akin para hawakan ang aking mala-kandilang mga kamay ay biglang umeksena ang mga sundalo ng kabilang kaharian at sapilitan kaming kinaladkad na parang mga beki na nagkamali sa fashion statement. Harsh! Mega-kulongera ever kaming duwa sa magkaibang bartolina, at tumaghoy na parang mga pusang ngumingiyaw sa pangungulila sa isa't isa.

Sa kanyang dusa't pighati, ay naisulat nya ito sa dingding ng kanyang kulungan.

"Is there a color called love in this world?
Yet why is it,
That my heart is completely dyed with it?"

Kung san sha nakakuha ng pang-vandal sa dingding, wit ko alam. Ang alam ko lang, madalang na shang nagme-message kasi exam week daw nila at kailangan nyang i-resist yung urge na mag-jinternet at ma-distract. Isa daw akong distraction sa kanyang hectic na iskedyul. Isang tukso.

Naintindihan ko naman na di na sha kadalas mag-message gaya ng dati. Basta nagre-react pa rin kami sa isa't isa. It would take days, minsan weeks bago sha makareply sa message ko. At ang huli nga eh nung February 9.

Tapos ngayon babatiin ko sana sha ng belated Happy Valentine's day, ako ang na-belated. Walang sabi-sabi, walang anu-ano, basta nawala na lang yung account nya sa Fezbuk. Di ko alam kung na-block ba nya ako, kung nakalimutan nya yung password, o kung binura nya totally. Basta wala na sha. Ni hindi ko alam ang tunay na namesung ng lolo mo. Ni hindi ko rin nakuha kung anu bang number nya, address, suking tindahan, pati na proof of purchase! Syet!

Sabi ko sa mga previous blogs ko, may 15 chances tayo sa bawat buhay natin na makahanap ng mamahalin at magmamahal sa atin. 15 chances na maging masaya. 15 chances na ma-inlove at mag-inlove ng paulit-ulit. Sha na sana ang pang-15 ko. He could have been "the one". Ang kaso mo, cyber lang ata ang meron sa amin. Andaling mag-logout.

"Someday, I would give you my heart." That was a promise I intended to keep. When we're both ready, right? Panu na yan? Di ka na nag-extend. Kahit man lang half hour. Kahit fifteen minutes baga. Not even five minutes. Di ka man lang nag-babye. Wala man lang pagbabadya, basta ka na lang na-offline.

"Sorry, na-DC ako. GTG."

You pushed me off the edge, man. Ni hindi mo man lang ako sinalo, deym!

Loving is indeed the scariest thing you'll ever attempt. It's like jumping off the cliff, not knowing whether someone's gonna catch you, or if you're falling for nothing. What matters is how you took a chance. If no one catches you, don't mourn love. Remember it, celebrate it, seek it... For love comes back. And if your heart is ready, love stays. For good.

Owen, you may not be my Fifteenth Chance. You may not be the one. Still, thank you for making me feel soooooo special and loved. You will always have a special glittery spot in my right ventricle. And when I'm ready, I will love again, and again, and again. Sabi nga ni Mother Teresa, "give and give until it hurts no more".

Go lang ako ng go sa love. Kasi, the juice is worth the squeeze.

2.14.2011

Leminiscate

Wagi talaga ang fezbuk! Nagkita sina Iceman at Rogue. Kahit di talaga sila ang magka-labteam, sa make-believe grupo namin, sila ang nararapat sa isa't isa. At sina Wolverine at Gambit, may secret affair. Hahaha! Naguluhan ba kau sa intro? Bago ko mag explain...

Happy Pechay! Happy Valentimes Dey! Happy Pepe sa lahat ng may pepe! Happy Puso sa lahat ng may internal organs! Mwah!!!
Sa tulong ng fezbuk, nagkitang muli sina Rogue at Iceman. Sila sina Cheng -- ate ni Totong, at Benjie, mga labteam nung bebe gel pa ko. Nagkasundo silang mag-eyeball sa Iskwater, at naganap na rin ang Grand Reunion ng AnTena -- counterpart ng Ang TV sa Iskwala Lumpur. Akshuali bago kami maging AnTena eh Xmen nga kami di ba? Present sa grand reunion ang lahat ng matatandang ka-batch namin. At shempre andun si Payat.

I told u mga beki na wit na ko magba-blog about Totong davah? Pero kagabi, nagulat ako kasi he insisted na magsult ako uli about him. Sha daw ang pinakasikat sa lahat ng mga lalaki ko. Sige angkinin natin ang trono! At impernes, nakita nya nga ang post ko nung Xmas nung namigay sila ng Pamaskong Handog sa Iskwater. Antaray, updated si Payat! Kaya heto, binuksan ko na naman ang Pandora's Box sa buhay ko.
Inuman, asaran, the usual. Reminisce ng mga kagaguhan namin nung mga dalaginding at utoy pa kami. Pag naglalaro kami ng bangsak -- version ng Iskwater sa taguan -- tapos sa ilalim ng sasakyan ako nangungunyapit at paglabas ko eh wala na kong kalaro. O kaya eh yung tatalon mula sa bubong ng mga unsuspecting citizens ng katabing street. Tsaka yung paghihintay na mapuno ang "balon" sa bukid sa tulong ng ulan para makapag-swimming kami at mapalo pagkatapos, dahil brown na ang mga panty naming lahat.
Dahil di ko sha na-kiss nung New Year, bumawi ako kagabi. 11 na kiss din dapat kasi 2011 na. Actually naka-quota na ko ng hanggang 2015. Me isa pang swak na swak kasi na-bosing ko na naman sha. Yung "halik bosing" na kunwari eh sha ang hahalik sa kin sabay harap ko sa kanya, kaya liptulelang ang naganap.
Boom! Fireworks!
Two weeks ago, nag-birthday ang lolo mo. Di ako invited. Di rin naman ako nagulat. Kagawad na ang lolo mo, maaring nagbago na sha. Constituents at mga kapartido muna, bago barkada. Di ko sha pinapansin after that, at nag-inarte pa ko sa isa naming kaibigan na nakalimutan na ko ni Payat.
Tatlong gabi na rin na nakikita ko sha sa kambingan t umiinom. Tinatawag naman ako ng lolo mo, kahit sino pa kausap nya. May ngiti pa rin shang reserved para sa akin lang. At "Ma" pa rin ang tawag nya sa kin, kahit may mga kasama shang konsehal, kapitan, kagawad o tanod.
Sha pa ang nagalit kasi di ako pumunta. "Di ka naman kailangang imbitahin eh. Alam mo na yun. Dapat pumunta ka." Sorry ha, nag-inarte lang ng konti.
At ngayun nga eh may reunion kami ng mga kababata namin. Di makapaniwala si Benjie na lumaki ako at nagdalaga... ako nga di rin makapaniwala eh. Masaya kasi andaming alak, andaming kwento andaming alaala, andaming kakulitan, andaming pulutan, at andaming halik.
Kasama ko sa inuman ang akong mahal na sisteret na si Galema -- aka Sailor Mars. At habang nagkukwentuhan sila ni Pa, biglang kinuha ni Payat ang kamay ko sabay deliver na naman ng mga usual nyang birit at hirit na nakakapagpatigil ng sistema ko.
"Mahal ko to eh. Hindi talaga, totoo yun. Walang makakapalit jan."

Nakurot ko ng pinong pino si Galema. Eto yung unang beses na sinabi nya sa kin yun. Maybe it's the Sanmig Light. Maybe it's the Marlboro Lite. Maybe it's the sisig, french fries, tokwa't baboy, o fried bopis. Maybe it's the Valentine's season.


Or maybe, yun lang talaga ang totoo.



BTW, heto yung leminiscate...

2.08.2011

100K

Wow! Nawindang naman ako! According to Stats kemeot ng Google Analytics, limang kembular na lang 100k na ang bumibisita na sa blogelya kez! Yey! Napapa-whistle naman akeiwa ng bonggang bongga! At dahil di ko naman keri mag-whistle na parang dolphin eh naghanap na lang ako ng me kakayahan.

Presenting my new friend: ALEI MUCH. Hay naku ihanda nyo na ang mga clap-clapey nyo. Winona Rider talaga ang voice ng Alei na itey...

Click mo ditey pra ma-watch mo mga videos nya. Di akeiwa marunong mag-grab eh hehehe...

Salamat mga beki sa inyong pagsubaybay sa buhay bakla ni BM.

Salamat sa mga likes sa jino-join force-an kong jontest. I-like nyo pa. Hihihi.

Salamat sa mga Fabcasters at sa pagsali sa akeiwa sa peborit nilang 15 blogs of 2010.

Salamat sa mga baklang walang sawang magbasa.

Salamat kay Mandaya na kauna-unahang nag-comment EVER sa blogelya kez na itey.

Salamat sa mga dautera na nakikisawsaw sa lovelife ko.

Salamat sa mga Power Rangers na nag-follow! Nakaka-250 na ko! Ang shala!

Salamat din sa mga nag-like sa Fezbuk Fan Page ng bakla! More more more!!!

Salamat sa mga barkada, tropa, iskwater citizens at mga kapamilya kez na nakikibasa.

Salamat sa blogspot dhil libre mag-blog ditey!

AT salamat sayo. Oo, ikaw na bakla ka. Wag mo ng takpan yung monitor, alam kong beki ka rin Inday, kasi anditey ka. Salamat sa suporta Rebekki.

Para sa mga Beki Mae, Beki Lou, Beki Ann, Beki Lyn, at Bekilicious! Mwahugs!

Bekilandia... from the bottom of my escabeche... SALAMAT!

2.03.2011

B. Y. A.

Habang MIA (as in missing-in-achuchuchu) si My Fifteenth, sinendan nya akeiwa ng link na itey. Sumali daw akeiwa sa pa-jontest ng blogelya kyeme, at ng magkamal ako ng limpak-limpak na salapi. Gusto daw nyang manalo ako. Na-tats nga ako kasi na-imagine ko ang lolo mo na naka-cheerleader outfit at humihiyaw ng "Go BM, go BM, go! B! (clap clap) A! (clap clap) K! (clap clap) L! (clap clap) A! (clap clap) N! (clap clap) G! (clap clap) M-A-T-O-N! (clap clap clap clap) BI-EM!" Sabay taas ng pompoms na pinkaloo.

At dahil Chinese New Year ngayonchi, naisip kong eskyemperduhin ang calendar of activities ketch ditey sa Baklang Maton. Kumbaga, planning mode at deliberation ekek ako ngayon. Tsaka introspection na rin. Masarap kasing kudain ang sarili bago pa bumitaw yung isang hibla ng katinuan sa jutak kez. Naalala ko tuloy... Tinining-tinining... Ang nakaraan...

Nakaupo ang bakla sa harap ng dagat at nangangarap. Malalim ang iniisip, nage-emote, humuhuni-huni ng Canon Chemberlain, at nagpapraktis ng pagtulo ng luha sa kaliwang pisngi. Biglang lumapit si Mudak at hinaplos-haplos ang buhok nyang green.

"Mutya, may problema ba?"

"Wala po Mudak, nag-iisip lang po."

"Ay nag-iisip pero ume-emote? Bakit ka umiiyak?"

"Naisip ko lang po, sana hindi ganito ang buhay ko."

"Mutya, hindi ka ba masaya?"

"Masaya naman po."

"Oh anong problema?"

"Gusto ko pong magka-paa, Mudak."

"Huh? Mutya hindi ka naman pilay. Nakakalakad ka naman."

"..."

"Kanina nga nagte-ten-twenty pa kayo nina Gayzilda at Bekirella."

"Ay oo nga po pala, hindi ako sirena."

"Oh eh ano ba talaga ang problema?"

"Mudak... Sana po, magka-pechay na ko."

"Hay naku kanina isda, ngayon naman gulay. Mamaya mo nyan eskabeche na gusto mong maging. Ewan ko sayo. Andami mong kuda, Mutya!" Nag-walkout na si Mudak. Di kinayanan ang pagiging ambisyosa ng unica hija nya.

Ilang taon na ang nakakalipas mula ng maganap ang usapan na yun sa pagitan namin ni Mudak. Matagal ko ng natanggap na wala akong buntot. At yung magka-pechay eh isina-puso ko na lang at di ko na isina-katawan, baka kasi itakwil na ko sa rainbow na paraiso ng mga na-dedlak na beki. Nahanap ko na rin ang nawawala kong boses, at di ko na alintana ang makalyo kong paa. Kumbaga, buong-buo na ang self-confidence kemerlalou ng bakla. Kaya ako nag-blog. Segway!

Sinimulan kong magsulat, project sa iskulilet. Kelangan kasi ng scrapbook sa Developmental Psychology, with matching piktyurakka, mga notes at reflections, at mga eklaboo. Gumawa ako ng mga essay-chenez na parang blogelya ang dating sa bawat milestones ng buhay kez. Yung mga "significant others", yung mga "past, present and future", pati na yung mga "somewhere, somehow, someday" ko, nadawit sa kalandian. Ang resulta? Uno. At nag-enjoy naman ang mga friendships ko sa nabasa nila. Nag-enjoy din ako sa pagsulat. I found my niche. Sa lahat kasi ng ginagawa ko, madalas mediocre ang dating. Walang A for eyfort, puro B lang for basta na. Basta nakapagpasa, basta nakagawa, basta nakatapos, basta nakabigay, basta nakakembot. Sa pagsusulat, na-eureka ko na kering keri ko palang magmaganda at magmagaling.

Dahil sa pagba-blog, natutunan kong yapusin ang aking pagkatao. Di ko lang niyapos, kinadena ko pa sa sarili ko. Dito ako nagsimulang kumuda, esta makakita ng mga nakakatawa, nakakainis, nakakaiyak, nakakalibog, at nakakabakla na mga eksena, kaganapan, nilay-nilay, at emosyon. I learned to express myself while impressing others. Shempre narcissistic din ang bakla, gusto ko ring malaman na may mga natutuwa pala sa bawat kembang ko. Ang taba-taba ng puso ko sa bawat reaksyon at komento ng mga beki, babaylan at occasional na lulurki sa bawat chararat ko. Mas natatapos ko pa kamong isulat ang blogelya entry kesa sa thesis ko!

Ang blogelyang itey din ang naging daan para magising ako sa katotohanan. Iba kapag bakla ka. Ibang landas ang tatahakin mo. Hindi lang sha matinik at mabato, makyontot pa with matching whispers ng mga taong maraming kuda sa buhay. Ibang saya ang pwede mong idulot sa mga taong mashadong emotera. Iba ang ine-expect sayo ng lipunan, at iba lalo ang paraan para makita mo ang sarili mong maligaya. Kailangan mong patunayan ang sarili mo ng paulit-ulit, hanggang sa mawalan ka na ng paki sa sasabihin ng iba. Sabi nga sa nabasa ko sa horoscope ata, ine-expect ng lipunan na isa akong kahihiyan, ayoko silang biguin.

Naging salamin ang webpage na ito sa mga saloobin at salabasin ng isang BM. Isang Baklang Maton. Isang bakla. Period. Napa-tumbling nga ako ng makita ko kung gano kadami na pala ang bumibisita ditey araw-araw. Humigit kumulang na! Syet! Pagkaminsan tinatamad na rin akong ipagpatuloy ang pagkuda ditey sa blogspot. Wai namang sweldorific ang bawat post, wit ding career na pwedeng iuwi, waley ding lulurki na pwedeng gawing bufra mae. Pero pag naiisip ko na eto ang tulay para makilala ko talaga ang sarili ko, at maipakilala na rin sa mundo kung ano ba talaga ang tunay na mukha ng mga bakla, napapabulong ako sa hangin. It's all worth it.

So, what's next for BM? Para sa kin -- para sa kin lang ha, wag kayong kumontra. Para sa kin, sa pagiging BM ko maipapakita ang iba't ibang maskara sa likod ng bekilandia. Baklang Maton, baklang mahirap, baklang mayaman, baklang maarte, baklang makuda, baklang malibog, baklang mayabang, baklang maliit, baklang mataba, baklang malandi, baklang mahinhin, baklang maldita, baklang matanda, baklang makulit, baklang mapanlait, baklang mapagmahal, baklang makabayan. Baklang dakila. Hindi lang basta bakla. Lahat ng bakla.

Pano ko maa-achieve itey? Sa bawat tipa, sa bawat titik, sa bawat salita, sa bawat pangungusap, sa bawat talata, sa bawat katha, sa bawat likha, sa bawat gawa... sa isip, sa salita, sa kilos, sa pananalita... Sa utak, sa katawan, sa puso, sa kaluluwa... Sisiguraduhin kong may kabuluhan, may sense, may kembot, may pupuntahan. Sa bawat post, para sa Bekilandia. Promise!

Who knows, dito magsimula ang pangarap kong BYA. Beki Youth in Action. Oh di ba? Hay 2011, ready or not, here I am!

Layag at Katig

Sobrang sorry mga badidap! Shugality kong nawala sa eksena... Naglayag lang ang BM sa isla ni Lapu-lapu sa Cebu, at dumerecho naman-chi sa Bangkokak... Dahil jan, pinili kong i-post ang aking travelogue blog para mang-inggit at mandaot ng mahihirap ahahaha! Ayan ha, hinabaan ko na ng bonggacious para di nyo naman sabihin na tamad ako! Bilang ganti, post naman kayo jan ng comments at paki-like na rin iteywang FB Page kez. Ahihihi! Wala namang kumpetisyon, bet ko lang talaga na maging masaya sa bawat kuda ninyo. <3

Heniwei, Bilang isang dutiful citizen ng Iskwater, tungkulin ng aming asosasyon na bigyan kami ng mga incentives at benefits para di kami umalis sa eskinita. Travel voucher nga lang minsan, non transferable, not convertible to cash, each item sold separately, to any point of Luzon. 2010 talaga ang pinaka-bonggang yearlaloo sa lifesung ketch, kasi eto din yung pinakamarami kong gala ever. Lumevel-up talaga ako. From BM to BG: as in Baklang Gala!

Boracay
Ditey ang unang plane ride kez ever. Kasama ang mga tropa ni Ka-te nung hayskul, gumora kami sa paraiso ng mga shala. Sa bora ko na-meet si Patrick Star ng layfsung kez. Kung sha ang Patrick ko, willing akong maging Chenelyn Mercado poreber! Memorable ang bora escapade kasi bonggadera ang mga fudang namenchi. Si friendship kasi na from US at si friendship uli na from SG, mega buy lagi ng mga fudtrip para sa tropa. Shempre libre-librehan kaming lahat davah?! Winerva sa fud ang bora, ultimo isaw pwedeng pang-export ahahaha! Dance-dance din kami sa bar at sa buhangin. Ang nakakaloka, all throughout the trip akala nung isang friendship ni Ka-te, kaklase rin nila ako ng hayskul ahehehe.

Iloilo
Wit ko ganu na-feel ang exposure ni Iloilo kasi waley naman kaming ginawa ditembang kundi kumain ng lomi. Paglapag namin sa paliparan, direcho kami sa isang shala-shalahang kainan for dinner. Ning naloka ako, ang meal nila winnie cordero sa presyo! Ispageti meal--23.75, fried chicken--32.50, iced tea--16.25, cake--345 ung malaki. Panalo din sa lasa! Love ko ang Iloilo dahil sa mura ng fudang. Ginawa lang naming port of disembarkation ang Jilo-Jilo kasi from there kami tumawid sa kung saan saang probinsya pa ng Pinas. Unang stopover, Guimaras, then Bacolod at huli yung Roxas.

Guimaras
Guimaras, hindi ka kagila-gilalas! Hay naku neng, Guimaras: Boredom Capital of the World at World Record Holder on Disappointment! Swear! Dumating kami dun ng umagang-umaga. Tanghali na kami nakacheck in sa accomodation kemerot kasi nililinis pa raw. Pagkakita namin sa accomodation susko gusto kong lamunin na lang ako ng lupa. Parang lumang kapilya na kulungan ng sisiw! Ang ilaw, mga nakasabit na malalaking bumbilya. Ang mga bintana, parang bintana ng Kalantyaw Elemnentary School -- kahoy na jalousie! Sa unahan pa nung kapilya, may stage! Pwedeng pwede kaming maglaro ng Ms. Gay Lotto! Walang pintuan ning, gate na bakal lang at pag aalis kami, lalagyan ng kadena at padlock. Kaloka!

Bacolod
Mejo bumawi naman ang Bacolod. Mega Miley Cyrus kami ng bundokelya na may pitong falls kemerot -- its the climb, beybe! Impernes, ang taas at ang layo ng falls! Yung falls number 1-3 parang waley lang. Yung falls number 4, pwede kang mag-dive slash cliff jumping chararat. Ayun, si BM tumalon ng walang sabi sabi. Ang sarap talaga ma-fall. Yung falls number 5 and 6, ayun, falls naman, may tubig pa rin. Yung falls number 7 na pinakamalayo, pwede ng mag-swim swim at mag-picturakka. Naalala ko yung eksena ni Shaider na nawalan sha ng powers at kelangan nyang "hatiin" yung lagaslas ng tubig sa tulong ng laser blaster. Ginaya ko yun, hinati ko yung talon -- ayun lawit na tinggil ko di pa rin hati yung tubig. Nung pabalik na kami sa kabihasnan, grabe! Magnifico! Nasa bundok na pala talaga kami, at ilang bundok yung tinawid namin uli para makababa. At dahil loves ako ni Lord, hindi ako hinika.

Roxas
From Bacolod, balik kami ng Iloilo, at direcho Roxas. Umarkila ng van yung organizer namin na me sapak. Ayun, tumirik ang van, naayos naman kaso mejo madilim na kami nakaalis. Eh madadaanan pala namin yung isang bayan dun na sabi nila eh bayan ng aswang. Tawagin natin itong Buenas. Habang nagtatakutan kami sa van, biglang namatay ang makina ng sasakyan, sabay brownout sa kalye. Syet ang dilim ng kalsada! Yung buong kahabaan ng hiway, mga alitaptap lang ang makikita. Malapit na kaming mag-iyakan ng biglang buhayin uli ng driver yung engine. Potang yun, tinakot lang ata kami. Pinahinga daw nya yung makina kasi mahina ang battery. Tse! Pero c Manong consistent, kasi nagbyahe kami ng walang headlights. Kala ko magiging alay na ko ni Ana Roces sa mga kamag-anak nya. Hay naku, pagpapalitin ko ang mga tsaa namin! Hihihi... Hmmm, I wonder who my Aljon Jimenez would be. Anyway, back to Roxas. Sulit na sulit ang takot at tilian namin sa van. Ang mura ng seafood grabe! Halos iduldul na nila sa mukha mo yung mga sugpo at alimango. Nakabili pa kami ng lobster, 150 each. As in! At di na kami natulog sa lumang kapilya, resort na yey!

Bohol
Kasal ng isa sa mga baby ko sa Dumaguete, pero sinabay na namin yung trip sa Bohol. Typical na eksena, me city tour, me lunch sa Loboc River habang nakasakay sa floating resto, me bisita sa tarsier sanctuary, me piktyur-piktyur sa Chocolate Hills. Ang kasama ko naman ditey eh mga friendship ko sa youth org. Ang pinaka-bet kong eksena eh yung roomaloo. Ang kama, me apat na poste, at may kulambo na parang silk ata o satin, like yung suot ni Priscilla sa Sutla. Feeling Prinsesa ng Kumintang ang bakla habang natutulog. Eto din yung unang trip ko na in-attempt kong mag-puke shorts.

Dumaguete
From Bohol eh direcho kami sa Dumaguete. Impernes, Cutie Capital of the South! Ang daming kyut kyutan na pwedeng karirin. Pagdating palang dun eh bar na agad inatupag namen. Keber na sa beauty rest, kelangang magparty-party sa Dumaguete! Pak na pak ang party scene! Andaming hombre kalurki! Pero dahil youth org ang mga kasama ko, walang landi na naganap, wholesome na inuman itu. Kaya rumampa ako mag-isa nung madaling araw na. Nahuli nga lang nila ko, kaya kunwari friendship ko sha na matagal na. Walang naniwala ahahaha! Kinabukasan, kasalan na! Inuwi namin yung lechon, pulutan sa hotel. Wala ganong moments ditey, except sa kasal kasi un naman ang ipinunta namin.

Apo Island
Kinabukasan, after ng kasal kami lumamyerda. Gora kami sa APO Island, marine sanctuary na pagkaganda-ganda ng marine life. Yung isla mismo d kagandahan. Walang mga bar, di puti ang buhangin, mabato ang beach, isang hapon lang ang turista. Pero na-inspire ako ni hapon. Jetsetter ang lolo mo, city to city ang drama. Nag-ipon sa work at nagliwaliw ng bonggadera. 5 yrs na shang gumagala sa mundo! Bak to APO: nagpaluto kami ng binili naming giant isda kila manang. Sila na ang nagprepare ng lahat lahat, pay na lang kami per head. Katuwa ang buhay ditey, bumibili pa sila ng gasolina sa bayan para sa kuryente nila na 2hrs a day lang kung gumana! Kaya TV Patrol at yung "nakaraan" ng Noah lang ang napapanood nila. Pero mas naloka ako, kasi irereto daw nila ako sa babae para magka-asawa na ko! Ay wit! Bet na bet ko kasing makipagchikahan sa mga manang kung saan saan. Sila yung marami talagang kwento. Tapos swim swim na kami uli. Winner naman pala talaga ang sanctuary. Bawal mag-uwi kahit isang butil ng buhangin para ma-preserve daw. Maya maya lumipat ako sa kabilang pampang, andun daw ang mga pagong. Habang lumalangoy, naispatan ko yung isa na medo maliit around 2.5 feet cguro. Hinabol ko ang hitad kasi akala ko mabagal pa rin sila eh mabilis na pala lumangoy ang mga pagong hehehe. Nagsumbong ata sa mudak nya! Biglang lumapit dun sa teeny pagong yung isa. Potah, kulang na lang chako at tela sa mata, ning Ninja Turtle na! Cowabungga!

Cebu
Mejo sosyal ako sa trip na to, di dahil mapera ako, kundi dahil libre lahat ng ginastos ko ahehehe. Bumisita sa Pinas yung dati kong student na korean, at mega treat ang lola mo sa kin sa Cebu. Unang umaga, island hop muna kami. Hop lang talaga kasi isang island lang pinuntahan namin! 1500 per head pa yun! Nagimbal ako sa presyo! (Gimbal talaga ning!) Nag-stay kami sa Plantation Bay Resort, na mas nakakaloka sa presyo. Ang manmade pools nila, panalo! Saltwater kemerot, at shala ng facilities. Nag-dinner kami sa sutokil, parang dampa ditey sa manila. Pipili ka ng seafood, papaluto mo, at lalamon ka ng bonggang-bongga. Na-try namin yung rock lobster na parang hipon din ang lasa. Tsaka yung malaking kuhol na iba ang itsura. Kahit di ako nakapaglibot gano ditey sa Cebu, enjoy na enjoy kasi libre ahehehe. Negative 2k pa kamo ang gastos ko, kasi paguwi ko kinabukasan, nag-deposit ang lola mo ng anda sa western unionez! Oportunistang BM!

Palawan
Dahil nag-enjoy ako sa pagiging sirena, gora naman kami sa Puerto Princesa. Dun kami nakitulog kila Lola Itang. The usual na aktibidades, snorkling at island hopping. What's remarkable ditey sa mga isla na pinag-hop-hop namen, syet ang mga isda talagang kasabay mo lumangoy! Umiikot ikot nga ako, ang mga swordfish umiikot din sa kin! Kaloka! Enjoy na enjoy ako sa panghihingi sa ibang tao ng tinapay at talaga namang kumpulan ang mga isda sa paligid ko. Birhen na birhen ang kalikasan sa Palawan! Ang shala ni 04 aka Hagedorn! Nagkape kami sa Itoy's ba yun? Nanginain -- di lang basta kumain, nanginain -- kami ng lechon sa kalsada, at naglaro ng in-between sa kwarto. Ditey ipinanganak ang mga makabagong mandirigma: Si Bea Biyakera, Patty Pamintuan, Diana Kadiri, Kardo Kalso, at si Lady Gagaita (ahem!).

Hong Kong
Shempre itinodo ko na ang paglalayag. Umi-international na rin ako! HK is my first trip outside Pinas kaya nai-blog ko na itu dati. Naalala ko pa kung pano ko mag-panic kasi nawawala mga luggage ko, un pala sasakay ka pa muna ng train para makarating ka sa mismong airport. Ang shala davah?! Shunga pa ko nito eh, kaya mega shopping pa ko ng pasalubong. Di ko naisip na mas mura pa rin sa Divisoria. At dahil alone in JK ang drama ko, na-enjoy ko ng winner na winner ang sarili ko. Naloka nga lang ako kaka-compute sa mga presyo. Hehehe!

Singapore
This time, me kasama na ko: si Fernandez, si Alcober at si Dumdum na nung time na yun eh nakikipagsapalaran na makahanap ng work. Gora kaming apat sa Universal Studieos at nakapulot pa si Fernandez ng perlas ng silangan na breslet. Masasaya ang mga rides, pero mejo bitin kasi yung pinaka-shalang roller coaster, pak! Sira! Kaurat! Pagoda Lotion talaga kaming lahat kasi paulit-ulit kami sa Mummy Returns. Kinabukasan, gora kami sa JB, Malaysia para magpatatak ng passport ehehehe. Nung last day namin, na-meet ko naman si Altoveros at sinamahan nya kami mamili ng gadgets, lens at kemerlou ng SLR. Katuwa ditey ang mga tren, as in kabit kabit talaga kamo lahat. Kaliit nga lang kasi ng bansa nila kaya keri ng budget na magpagawa ng sanlaksang MRT. What I loved in this country is the kalinisan at kaayusan ng lahat. Walang mga kendi wrapper sa kalye, walang nagje-jaywalking at wala ring mga dura-dura at babel gam sa kalsada. Kung magwo-work ako after graduation, ditey ako unang maga-apply. Tsaka andito rin kasi si Number Fifteen (na nagpapa-miss sa dami ng exams nya ahihihi.) Sa sobrang ka-at home namin sa SG, muntik pa kamo kaming maiwan ng plane. Tumakbo na kami sa Gate 10 ng Budget Terminal, at naputol pa ang takong ni Alcober. Since sanay na kong shumakbo, tawa ako ng tawa. Pero si Ate sigaw ng sigaw: "Eto ba gusto nyo?! Eto ba?!"

Johor Baru
Waley lang to, matatakan lang si pasaporte kaya kami gumora. Eh pano, 30 minutes lang ng bus nakatawid ka na sa Malaysia. Mega palit pa kamo kami ng Ringgit, wala naman kaming binili. Nagstay lang kami sa JB Sentral, isang mall na keri na rin paglibutan. Kumain ng lunch na di ganong delicious, at bumili ng dragon fruit shake na wala palang lasa! Kainis! Nagkawalaan pa kaming tatlo kasi ba naman, yung dalawa bumaba sa sakayan ng bus pabalik ng SG, hindi sa immigration ng Malaysia. Ayun nung bumalik kami sa SG para lang kaming nagpunta sa Cubao. Walang arrive.

Kuala Lumpur
Ibang level din naman ditey sa KL. Ditey, hindi ako si BM. Ako si Zulay. Zulay Man. Kasama ko si Sime. Sime Kho. Kaming dalawa lang at nagwala kami ng nagwala sa Jalan Kembular. Bawat kanto, nag-e-MTV kami ng telephone ni Ateng Sunshine Corazon at Rachel Berry. Yung napuntahan pa naming hotel, kaya pala super murayray, super waley din pala! Buti na lang borlogs lang kami dun! Shopping-shopping si Sime, ako naman compute compute. Ang baon kong 5k, paguwi ko 3500 pa ang natira ahahaha. Andami ko pang pasalubong na keychain, me sandals at bagelya pa kong bago. Maduga si bakla. Dance dance kami sa Blue Boy sa Bukit Bintang. Shala! Gay bar yun, as in club na pang beki. Lahat ng parokyano, beki din. Pero san ka pa, ako lang ang nakapuke shorts at habang sumasayaw, tinataas ko pa! Ikaw na BM! Ikaw na talaga ang hitad na hurindat! Kahit balbon ang hita at binti ko, at kahit kalbo ako, keber! Puke shorts talaga! Zulay and Sime conquered KL bigtime!

Bangkok
My last trip for the meantime. Kasi study muna uli si beki. Kasama ko uli si Sime, at join force sa min si Lotlot at ang kanyang irog, plus ang aming long lost sister, si Rica "Abs" Rebullar. Pero ditey ibang persona kami uli. College days kasi, ako si Prue, si Lotlot si Piper, si Sime si Phoebe, at si Eskey si Paige. Si Rica ibang palabas yun: Daisy Siete (sha si Jopay!) Si Phoebe at si Paige yung kasama ko 2 yrs ago sa Puerto Gaylera -- sina Sailor Mars at Sailor Pluto. Ditey, Charmed ang drama namin nina Piper at Pb, plus bowa and Rica na may bago ng namesung: Papaya Pokpok. Ang haba ng intro sa trip na to! Hihihi. Ditey sa Bangkokak, mejo swerte kami dahil sa pagka-shunga ni Pipat the hotel manager. November pa lang mega reserve na kamenchi ng roomaloo. Two rooms, two nights. Pag-arrive namen sa Myhotel, pak! Waley ng rooms! Winarla namin si Pipat, kudaan ba naman sha ng 2 beki, 2 babaylan at isang otoko, maloloka talaga sha! Ang ending, inilipat kami sa mas shalang hotel na nasa sentro ng kalakalan, at mas maharlika. At yung two nights namin, naging four nights. Plangak!

Di kami nakadalaw sa mga buddha, tsaka dun sa parang star city. Kasi si Papaya Pokpok, lahat ng planong gawin, ilegal! Punta daw kami sa buddha, pero bawal magsalita para kunwari Thai kami, libre entrance. Naglibot na lang kami sakay ng tuk-tuk at nag-pose sa lahat ata ng kanto ng Bangkokak. Nabanggit ko na senyo ang misyon kez davah? Kundi ko makita si Mario Maurer, kailangan maka-quota ako ng picture ng mga boylet na pwedeng karirin. Minsan napapansin nila na ninanakawan ko sila ng moment, napapangiti yung iba. Yung iba nagpo-pose din, at me isa pang nag-flying kiss! Me concert kaming naabutan sa isang mall, kahit nagho-host na si Kuya, nasa stage pa rin ako at mega pose ng japan-japan sa tabi nya. Nagpunta din kami sa gaybar, ning literal! Kung beki lahat ng customers, mas beki pa yung mga dancer kabuset! Shempre in-expect namin na mga yuming-yummy ang mga anacondang paparada sa harap namin, waley! Mas lalaki pa kamo si BM kahit naka-puke shorts ako! Pero all in all, sulit.com.ph ang trip namen na iteiwa, simply because we were all having fun. San ka pa, Bangkokak na yun, ang nagastos ko lang, Php2600. Di ko alam kung murayray ba talaga lahat ng bilihin doonchi, or juripotstra lang talaga ang bakla. Nasa balat ang anda, wala sa bulsa!

Sa dinami-dami ng pinaglayagan ko sa taong ito, isa lang ang masasabi ko. Pilipinas, ganda mo teh! Conquering the world, one city at a time. Sabi nga ni Kuya Bruno, "a different city every night, oh I swear, the world better prepare... for when I'm a billionaire!" BM, the world's first Beki Billionaire. Sakay na!

1.25.2011

The Screaming Nation

Salamat sa mga nag-like ditey sa aking FB Fan Page... Keep em coming guys! Here's another post for you Bekilandia!


***************************************************************************************************


Beki, baklushi, badingerzi, jokla, joklis, tukla, badaf, badesa, badet, badidap, beks, rebekla, jokling, silantro, bisikleta, bading, bakla. What's with labels? Nakakaloka!

Rinig na rinig ko ang sigaw ng karamihan sa madlang pipol. Nakakarindi na minsan. Masakit sa pandinig, mas masakit sa pakiramdam. Pero pag bakla ka, dapat manhid ka.

Nung bata ako, di ko gaanong nararamdaman to. Walang dating sa kin yung mga sinasabi ng mga tao, kasi di ko naman naiintindihan ang kahulugan ng salitang bading. Alam ko kung ano yung mga bakla pero wala akong pakialam. Kahit kumendeng pa ko ng kumendeng maghapon wala silang magagawa. Inglisera na ko elementary pa lang kaya pag me nandaot sa kin ini-english ko kaya tumitiklop agad. Pag di ko nadala sa pag-english, susumbatan ko sa utang ng nanay nya sa nanay ko. At 99% ng mga kalaro ko eh me utang ke mudra.

Pag naghahabulan kami dati sa bukid (likod bahay namin na puro puno at basura na naging pagawaan ng hollow blocks) promotor ako ng lahat ng kabulastugan mula sa pag-iihaw sa itik na napanalunan namin sa bunutan, at panunungkit ng alatires ni Mang Johnny.

Meron kaming laging kaaway noon, si Puppy. Pango ang lolo nya at mukha talagang tuta na hindi cute. Pag napikon na sakin si Puppy, kokotongan ako nyan ng sunod-sunod. Magcha-chant naman ako ng "Hindi naman masakit!" sabay shembot. Ewan ko bat ako lang lagi kinukutusan ng pangit na yun. Imbyernadet Sembrano ata sa ganda ko. Basta pag uwian na, magmumura yan sabay bulong ng mura sa lahat ng bakla sa mundo. Bata pa lang, na-discriminate na pala ko ng wala akong kamalay-malay.

Bigla akong napasulat about discrimination kasi nung isang beses sa MRT, naloka talaga ko ng bonggang bongga! Si BM, namasyal lang sa Megamall. Naka-puki shorts ang bakla, shirt na mejo malaki, at flip flops. Simpleng simple davah?! Nung pauwi na ko, mega ride ako ng MRT papuntang Cubao Station. Pagbaba sa escalator, me bumunggo sa kin na lalake at nagmamadaling nag-overtake. Eh di nairita-avila ang bakla.

"Pwede namang mag-excuse di ba?!" sigaw ko.

Aba si Manong, biglang about face sa kin at pinagmumura ko! As in putang ina na mura, with matching dirty finger at panlilisik ng mata! Ay possessed itu! Sinigawan ko rin si gago!

"Gago ka pala eh! Ikaw na nga nakabangga ikaw pa galit! Me sapi ka ba?!" kuda ng bakla. Nandun na kami sa suksukan ng card sa exit ng MRT.

Si Kuya, mura pa rin ng mura. "Tang ina mong bakla ka! Umayos ka gago ka! Tarantado pakyu!" may gigil factor si kuya at parang ni-rape ng isang barangay na bading. Galit na galit sha!

Eh kung jombagin ako? Eh di nagmabagal ako ng lakad para mauna sha. Pero kunot noo pa rin si bakla at init na init na ang ulo ko. Hinayaan ko shang kumuda habang lumalayo sa akin. Aba! Biglang about face uli si Gago at papalapit na naman sa kin! Umaamba pa na parang ija-jab yung mukha ko! Anu, bale? Magpapajombag ba ko?!

"Gago ka pala eh! Inaano ba kitang tarantado ka?! Tang ina mo pala di ka naman inaano! Ano bang problema mo?! Guard! Guard! GUARD!! Hulihin nyo nga tong putang inang to nanggugulo sa kin!" Oh di ba eskandalosa si bakla. Di bale na, di naman nila ko kilala no. Kesa naman makipag-buntalan ako sa Farmers.

Lumapit si Manong Guardo Verzosa. "Bakit po ser?" tanong ng lolo mo.

"Eh eto kasing tarantadong to! Nanggugulo, mura ng mura sa kin di ko alam kung anong problema." At that point eh nagmumura pa rin si gago, nanlilisik pa rin ang mata nya at pina-pakyu pa rin nya ko. "Anu bang problema mo? Yang pagmumukha mo?! Walang papatol na bakla sayo gago!"

Tumalikod na ang hayup at lumakad ng mabilis palayo sa min ni Guardo. Pero kahit paalis na sha eh nakataas pa rin yung isang kamay habang naka-pakyu at nagmumura pa rin. "Tang ina nyong mga bakla! Mamamatay rin kayong lahat! Pakyu kayong mga bading! Mga putang ina nyong lahat!" Ganun sha ka-intense, ganun sha ka-walang modo, at ganun sha ka-galit sa mga bakla.

Umuwi akong mangiyak-ngiyak at kumakabog ang dibdib. Feeling ko, bawat kanto na me blind spot ako eh bigla shang susulpot at sasapakin na lang ako. Hanggang sa makarating ako sa bahay na walang pintura, feeling ko eh inaalipusta pa rin ako ni Manong Pakyu. Umaalingawngaw sa utak ko lahat ng sumpa at panlilibak nya sa akin -- dahil bakla ako.

Kahit san ka tumingin may iba't ibang uri ng discrimination. Ang nakakapagtaka, sa sobrang tanda ng pagiging bakla, bakit hanggang ngayon hindi pa rin tanggap ng mga tao? Si Zeus mismo, nang-kidnap ng boylet named Ganymede para maging jowa nya. Yung dalawang mummy sa Egypt, sina Niankhkhnum and Khnumhotep inilibing na magkasama sa iisang tomb habang magkayakap. Si Hatshepsut, isang babaeng pharaoh, nagdamit lalaki at naglagay ng bigote para makinig sa kanya ang mga Egyptians. Di ba?! Ilandaang siglo na pero me mga bading at borboli na dati pa. Hanggang kelan ka liligwakin ng lipunan beki?!

Me pinsan ako na umutang sa kin ng 5k. Tapos ayaw na magbayad kasi inaanak ko yung anak nya, at nagbiro yung kapatid nya na pakimkim ko daw yung 5k. Aba naman, anlaki namang pakimkim nyan! So nung siningil ko na ang lola mo, nagalit kasi daw wala akong isang salita. "Palibhasa bakla ka." Ang conclusion nya agad na dahilan ng paniningil ko, wala na kong maipambili ng lalaki. Di ko na sha kinausap after nyang magbayad.

Di na ko lalayo. Sa amin ng mga ate ko, pag magkakasama kami sa Casa de Rosario (dating Casa de Valenzuela) at me mga lalaki, mag-iinarte yung isa. Habang lumalandi kami, yung isang ate ko magbibitaw ng mga linyang "That's so gay!" at "Mga bakla kasi sila!" as if sha mismo hindi bakla. Sa circle of friends ko na yun, bakla din mismo yun, pero ang discrimination hindi nawawala.

Lahat tayo, bakla. Pantay-pantay lang tayo sa dilim. Well, at least hanggang mag-umaga.

"Bakit kaya may mga taong hindi marunong rumespeto sa decision ng iba? Kung bading man siya at ayaw nya mag out eh decision nya yun.. Hay ang mga bading talaga dito ang kikitid ng utak! Kung nagladlad kayo choice nyo yun... kung yung iba ayaw choice nila yun! Grow-up mga baklang puro kalibugan lang ang alam gawin! Kaya kayo tinatawag na salot eh!" Eto naman eh nabasa kong comment ng isang beki sa isang blog. O di ba, bakla na yan ha, pero salot pa rin ang term na ginamit sa kapwa nya bakla.

Siguro kaya nung natuklasan kong pwede palang kumembang ng madalian basta may pera ka, sunod sunod na yung pagbili ko ng panandaliang kaligayahan. Sa ganun kasi, walang mangre-reject sa bakla. Basta may pera kang pwedeng isampal sa titi ng lalaki, walang makakatanggi. And that is the greatest discrimination of our time.

Di ko napansin, ako mismo dini-discriminate ko na ang sarili ko by thinking na may papatol lang sa akin dahil sa pera ko. Kung wala akong pera, wala akong lalaki. Di ko binigyan ng credit ang sarili kong ganda at talino. Di ko binigyan ng pagkakataon ang sarili kong i-pursue muna bago matikman. Bakit? Kasi ayoko nang masaktan. Ine-expect ng sambayanan na magiging kahihiyan ako dahil bakla ako, kaya madalas hindi ko sila binibigo.

Hindi ako naniniwala na biktima ang bakla ng lipunang judgemental at may attitude problem. Kadalasan, biktima ang bakla ng sarili nya. Ako mismo, mababa ang tingin sa ibang bakla. Parlorista, closet queen, lilet, paminta, loud, queer, emotera, feeling babae pero walang puke, baklang pangit, baklang matanda, basta bakla. Ako mismo pinagtatawanan ko sila. Di ko na-realize na ako din malamang dinadaot ng lipunan.

"People put you down enough, you start to believe it." Ako mismo dini-discriminate ko na ang sarili ko. Di pa naririnig ng tenga ko, nasabi na ng utak ko sa puso ko, na-claim na ng pagkatao ko.

Ang hirap tapusin ng blog na toh. Ang sakit sa dibdib. Wala akong pwedeng mailagay na powerful ending sa post ko. Pero pwede kong bigyan ng powerful ending ang sarili ko, ang pagiging bakla ko.

Bring it on bitches. I'll never back down. This is me. Whether you like it or not.

I am GAY. And I am free.