11.05.2011

Bitaw



Pano ba lumakad ng palayo?
Pano pigilin ang luha sa pagtulo?
Pano ba iwan ang isang pangako?
Pano ba? Pano nga ba?


Kaya ko bang baklasin ang pagkapit?
Kaya nga ba ng puso kong nahahapit?
Kaya kaya kahit sobra nang sakit?
Kaya ba? Kaya kaya?

  Wag kang lilingon, Di mo maririnig
 Pagyao ng alon, Pagalsa ng katig
Wag kang bibitaw,  Sa kawalan tumitig

San man makarating, Ikaw...  Ikaw ang pagibig

Bat di muna subukang humimlay? 
Pikit ang puso kong sanay na mamatay?
Bumalong ang luhang wala ng buhay
Hanggang kaylan? Hanggang saan?

Kaya pa bang tiisin ang pait? 
Kaya pa bang abutin ang langit?
Kaya kaya dahil sobra nang sakit?
Kaya ba? Ayoko na.

Wag kang lilingon, mata ay ipikit
Ikaw ang daungan ng puso kong sawi


 Wag kang bibitaw sa pagkakahimbing
San man maglayag... San man makarating

Wag kang lilingon... Wag kang lilingon
Wag kang bumalik sa 'ting kahapon

Dahil di ako bibitaw sa hamon ng mundo
Mahati man pati kaluluwa ko

Di na lilingon, di na lilingon
Di na bibitaw, di na lilingon ako


Wag kang lilingon, Di na lilingon
Wag kang bumalik, Di na babalik
Bibitaw na rin... Sa ating... Kahapon...



--o0o--o0o--o0o--o0o--o0o--


Someone told me to never let go whatever the odds may be, no matter how painful, how difficult, how trying, how broken you may be. I'm sorry, I can't. I'm moving forward. I'm letting you go.

Thanks to Eros for the shoot -- you are worth fighting for. Thanks to Maita for letting us borrow Eros -- keep him gurl. Thanks to Dennish for the wonderful photos -- you are truly gifted. Thanks to Arianne and Pepita for loving the song -- can't wait to hear your duet version ala-Paraiso. Thanks to Rio, Ian and Gil for the insights and input. Thanks to Ghira for her unbelievable musicality -- and thanks for believing in mine. Thank you for making me a part of your virtual reality -- more to come! And thank you Lord Jesus, for letting me be me, imperfections and all. Thanks for holding on to me. I promise I'll never let go.

5 comments:

  1. we all have to move forward after some time, BM. :)

    ReplyDelete
  2. There are somethings that we need to let go of the things that's no longer needed in our lives. Sad but that's how life is, at times it's unfair.

    ReplyDelete
  3. this may be segueway, but this post reminds me of Elton John's song.... "We All Fall In Love Sometimes" it's a very haunting song perfect for a rainy afternoon.

    ReplyDelete
  4. wow, excited to hear the melody

    ReplyDelete
  5. the photos are great!

    at napaka-cute ng boylet.
    yan na ba yung kanta mo? kelan ko kaya maririnig yan? hehe!

    :-))

    ReplyDelete