6.21.2009

Bakla sa Iskwater

Totoo talaga ang kasabihang "Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising na Japanese." Nagkaroon kasi ng eksena sa iskwater kagabi. Gento ang nangyari...

Championship ng liga sa barangay, ang canton boys nanalo 1st runner up... actually dapat champion kaso biglang nakashoot ng 3 points ung kalaban 10 seconds na lang... nalamangan sila ng 1 point! 1 point lang mga neng, isang libo na yung na-loss sa budget namin na nomoan cum fiesta cum salosalo.

Dahil nga winner sila sa patimpalak ng pagbobola at pagsushoot sa butas, mega nomo ang mga canton boys: si Ikong, si Dinong, si Edong, si Adeng, si Harold Kuba, si Jobert, si Ian, si Patrick, si Junior at si Bornok. O diba winner ang mga name?! Sa mga itech, yung naka-yellow shirt lang ang kinuda ko... Kasi sweetness yang si Yellow Shirt Guy, mega Prench Kess (hanudaw?!) kami nyan pag inuman. Eto sila oh:

Wichiririt na sila jumosok sa loob ng balaysung ketch kc majinit at havs ng mga bawal gawin sa bahay ng baklang maton: wai magyoyosi kasi me hika aketch, wai magno-noisy kasi ililista sa board at me multang piso, wai din makyontot kc makukulob ang smell at lahat kami baka ma-food poison. So dun lang sila stay outside the kulambo of my home sweet home...

Nun mejo me tama na ang boys over flowers ng iskwater, mega dating si Juaquin Burdado. Itong si Juaquin eh havs talaga ng time na pag shenglot feel nya lagi makipagrambulan. Naghamon ang lolo mo, suntukan daw magdamag! Churi ka, loss ang effort ng burdado kc di feel ng canton boys ang away. Nagbasag si Juaquin ng bote, nagwarla-warlahan wala talaga effect. So walkout ang siga.

Later, wai na kaming ice ice baby, so mega pautos aketch sa unang batang kalye na dumaan. Wit ako sinunod kahit me pabuya pa na tumataginting na 10 pesosesoses! Fine, buraot ka witchelles ka na mag-buysung for me. So gora ang guy. Apter payb minits, ang Juaquin mega sugod why oh why daw kami utos ever sa boylet na couzin pala nya. SO sabi ko, ako nagpautos keber nya ba.

"Di kuya eh, di raw ikaw. Ituro mo yung totoong nag-utos!"

Ay deadma sa pag-ako ko. So reiterate ang bakla. "Ako nga sabi anu bang problema mo?! Umuwi ka na nga at nag-iinuman kami dito umeeksena ka." taray... parang lalaki!

Ang lolo mong siga, sinampal ang couzin galore! Eh sa pagkrompal nya, si Yellow Shirt Guy ko, ang hinihigop na bagong lutong Lucky Me Instant Noodles Beef Flavor, nashopon sa fez nya. Ay react na talaga ang Yellow Shirt Guy ko.

"Taena mo kasi Juaquin eh, ang obnoxious mo kasi, like we're having a drink here lang naman dude and you're so fucking makulit! What's the matter ba, pare what do you want? Like, do you want to settle this outside, dude? No shit mehn, I'm gonna fight you din, like totally!" ispluk ng Yellow Shirt Guy ko na mejo zozyal.

Sa madaling sabi, ang Juaquin at ang Yellow Shirt Guy ko, nagkrompalan ever. Ay mali, suntukan pala, as in todong untugan sa pader. Pero one-sided itu, kasi si Juaquin ngenge na sa droga slash alak slash mertayolet slash toyo. Kaya inipit lang sha sa leeg, tinumba at sinakal. Wai nagawa ang lolo mo! Sabi lang nya "Pere de eke mekehenge..." (translation: Dude I can't fucking breathe.)

Nini, habang havs ng gentong kaguluhan, nasa gitna aketch ng mga sumisigaw ng "taena mo kasi di ka pa tumigil" tapos minsan "oy tama na yan" at meron ding "sige sapakin mo pa Yellow SHirt Guy ko!" ako ata sumigaw nun...

Pero biglang nag-milo marathon ang mga tao! As in 100-meter dash itu! Pati si Yellow Shirt Guy ko at si Juaquin Burdado shumakbo! Kahit ako muntik ko nang malunok yung kaluluwa ko. Kasi me dumating na bagong gising, me hawak na samurai at iwinawasiwas pa nya itu sa ere.

Walang maton-maton! Tumakbo na rin ako! Walang sinabi si Lydia de Vega at Nancy Navalta sa sprint at run ko, with matching hurdles and split sa ere! Me background song pa na "growing up with Olympic energy, growing up with Milo! Milo everyday!"

At natipon kaming lahat sa labas ng iskwater na habol ang aming mga hininga at walang tigil sa katatawa. Ang ending, nagbati sina Juaquin at Yelow Shirt Guy ko. May photo op pa pero pinauwi ko na si Juaquin Burdado. At, nasa loob na sila ng haus ko.



Pero wag ka, di ko kinaya ang comment ng isang canton boy. "Alam mo kuya, pwede ka namang maging lalaki eh. Ayaw mo lang." sabay tagay sa hawak nyang redhorse at nakipagkwentuhan sa ibang canton boy na parang walang nangyari.

Nagkaregla ko ng wala sa oras.

15 comments:

  1. witchellez!...cno nman ung ngcomment nah un?!....unfortunately inde kah nia kapatid kaya nasabi nia un!...lol...ganda ng eksena sah iskwater ateh!

    ReplyDelete
  2. ibang klase hahahahaha

    zozyalero sa ispluk yang si yellow shirt guy ha...

    hindi ko kinaya ang Milo moment mo gurl hahahaahah

    ReplyDelete
  3. haha! tawa ako ng tawa ditey sa entry na itwu! waging wagi! :) in fairnessesses, bungga si yellow t-shirt guy. uniform itich ng s.m. tama? :)

    ReplyDelete
  4. at yezmari, di ko kinaya ang spluk ng yellow shirt guy. haha. luv luv eeet. :)

    ReplyDelete
  5. pusang-gala. yun yun eh. matapos ang milo moment mo eh niregla ka na. hahaha! kabog si yellow shirt guy in furness ha! hahha! parang ang saya makipag-inuman senyo... hahaha! yayain niyo naman kaming dalawa ni YJ.

    ReplyDelete
  6. di ko maintindihan yung mga pinagsasabi mo sa iba pero natatawa ako kasi mega prench kess kayo nug yellow shirt guy hahahahahahaha.

    I added u up in my links,add me up too ayt

    ReplyDelete
  7. I read the entry twice tapos sa pangalawang basa ko dun ako tawa ng tawa...

    Ang favorite ko ay ang Milo run mo with matching background song ng growing up with Milo...

    Ang saya!

    ReplyDelete
  8. panalo tlga ung MILO moment... pasaya mo buhay ko. clap! clap! clap!

    ReplyDelete
  9. isang naglulumiyad na KUDOS to you BM!

    ReplyDelete
  10. infairness, sosyal ang yellowshirt guy!

    ReplyDelete
  11. "im gonna fight you, like totally!" hahaha... at nagamita pa nya ang salitang "obnoxious". panalo si yellow shirt guy.

    at clap clap din sa pag-isplit mo sa ibabaw ng hurdles

    ReplyDelete
  12. wow! sosyal si yellow shirt guy hah!.. nakakatuwa ung milo marathon sa may istwater.. astig!

    ReplyDelete
  13. Teh sino ung naka Yellow na short? I like the pits kasi! he he he!

    ReplyDelete
  14. Haha
    Tae dami ko tawa .. Tumatakbo sabay split sa ere!
    ntatawa ako pag nai-imagine kong gnun nga ang pagtakbo mo ..

    Nice Nice .. :) Nkakawala ng pagod entry mo Prames :) Labet!

    ReplyDelete