6.15.2009

Ace of Hearts

May na-meet akong magikero. Sabi nya, sundan ko lang daw kung nasaan ang Ace of Hearts and I'll win a prize. Sabi pa nya, "just pick one"... inglisero ang magikero!

"It doesn't matter kung sino, ang pinakaimportante, follow the heart. Follow your heart."

Hinalo-halo nya yung mga cards. Hinilo-hilo, pinaikot-ikot, tinumbling-tumbling at binembang-bembang.

"Just follow the heart, hijo. Your heart."

Sinundan ko ng tingin ang mga cards. Sa kaliwa, sa kanan, sa gitna, sa gilid, sa taas, sa baba. Hanggang makuntento si Manong Magikero at tumingin sa kin. "Where's the heart?"

Nahulaan ko kung nasaan ang heart. Siguro dahil promil kid akez, at dahil mahilig ako sa sakla (kasi ako ay isang bakla -- para rhyme!) Baka dahil isa akong batang may laban.. Posible ring dahil nagsasagutan kami ni Mader Hen ng kanta:

"Look at me, Mom"
"You're my number one"
"Bright as the sun..."
"You're my number one"

Pero ang punto, alam ko kung nasaan ang puso.

Alam ko kung nasaan ang puso ko.

4 comments:

  1. SHALA! May pekpek na, may PUSO pa! san ka pa! go na sa bakla! :)

    ReplyDelete
  2. naku naman. hahaha. so nasaan ba ang puso mo? o ang tamang tanong ata jan eh nakanino ba ang puso mo??? hehehe! go girl have a happy period...

    ReplyDelete
  3. @ Dilan... have a happy period ang potah hahahaahahaha

    ramdam ko tong post na toh mare... kinabog mo si ate maria sa emoterang pagtatanong niya ng NASAAN ANG PUSO?

    ReplyDelete