7.18.2010

The Day BM Quits

Nitong nakaraang araw, me nakita akong note na nakadikit sa likod ng pinto ko. Parang note lang ng mga zombies. At pagbasa ko, para kong aatakihin sa gall bladder. Iiwan na nya ko! Kaya pala nanlalamig sha sa kin nitong mga nakaraang araw... Karipas ako ng takbo at hinabol ang aking... Kabaklaan. Sabi sa note:


"This is your inner Kabaklaan. I quit!"


Panic mode ako bigla. Spell kumahog at kandarapa talaga ko sa paghabol kay Kabaklaan. Naabutan ko naman sha, nagla-lunch ng pritong tulingan at kaning sinabawan ng kape. Nag-usap kami at nagpaliwanagan. Pumayag naman shang bumalik na sa bahay. Pero binalaan ako ni Kabaklaan: something's happening and I need to brace myself. Tinanong ko si Kabaklaan kung anong nangyayari, at nang sabihin nya sa kin, nayanig ang bumbunan ko at nalagas ang bangs ko... Taray ni Kabaklaan, parang si Madam Racha. Sabi nya:

"Magegeng tumboy ka sa mga sosonod na araw. Mag-engat sa lalakeng may nonal sa nipol. Lake kolor, pyusha. Lake namber, tweyni-nayn."

Eto na yung relapse... It all started a few months back when I received a text message from my EX. As in ex-girlfriend. Paak!

"Uy musta na! Tagal na natin di nagkita. Miss na kita. Dami nangyari sa kin, you wouldn't believe! Magkita nga tayo! Text mo sked mo! Miss u! Mwah!"

Before ako maging BM, shempre dumaan ako sa stage na naging BN muna ako. Baklang Narnian! Nag-board and lodging ako sa Narnia - sa kloseta ng pagkukunwari. Uy, di naman ako naging full-pledged citizen ha! To the point na eksenang bumembang na ko ng kipay mapanindigan lang ang pagka- "lalake". Kahit paminta ko for a short a few years, I still find ways to express ang pagiging "lulurki".

Babala: isa itong napakahabang post. And probably, me part two pa itu. Kasi, it's part of who I am. As much as I like to pack this stuff in a box and keep it in the garage or under my bed, it doesn't work that way. Tsaka, wala akong garahe, at puno na ang ilalim ng kama ko. So bloggers, I hope you'll still have fun. Saka na ang meet and greet at autograph signing hihihi.

Bekbek Wars Episode 1 -- The Phantom Menage-a-Trois

My fisrt girlfriend, and probably the first person I ever loved was Wendy. Best friend turned guframae ang serye namin. Super sweet ng lola mo. Nakilala ko sa org sa church, naging mag "bes" kami for more than a year. Pero simula pa lang na-develop na ang lola mo sa kin. Nung lumabas na ko sa kumbento, sha ang sanity ko.

Sumbungan, kwentuhan, iyakan and everything. Me sulatan kami lagi. Every important occassion, every success and every failure, every little and big things, we shared together. The first person na nakaalam na badet ako. The first person na tumanggap sa pagkatao ko.

In fairness creative si Ex No. 1. Mejo purita mirasol kasi sila nun, as in fish ball magnate si Mudra, at m.i.a. si Pudra. Sila ni sisteret nya eh parehong skolar. Kaya un mga sulat nya sa kin, laging me cutouts ni Garfield, me mga pop-up na figures at mga anik anik design from mga lumang magasin. Basta sha si Garfield, ako si Jughead.

I admit, ako talaga ang me kasalanan kung bakit kami nag-break. Sabi ko kasi cool off. Pero nagkikita pa rin kami regularly, parang kami pa rin. Until me nanligaw na iba sa kanya na eventually eh naging dahilan ng pagsisinungaling at pagpapalusot, pagtatago sa escalator, pagpapanggap na nasa probinsya, at ang pinakatodo -- nagserve daw sha as volunteer sa St. Joseph, yun pala eh nasa Fairview at jontis na ang lola mo.

Minsan naiisip ko, she gave up on me way too easily. Ang bilis nyang napagod. Halleer sabi ko cool off! Tapos napakanta lang ako ng "malaya na ako" ayun ngumalngal na ang guframae ng faucet na faucet. At naghanap na ng kalinga ng iba. She's my first heartache.

Nag-enjoy naman ako sa aking newfound kalayaan. Happy pekpek courtesy of my newfound din na best friend. This time eh straight na itu kaya lalong tumibay ang cover-up ng bakla. Yun ang original maton sa buhay ko. Masel-masel, push up addict at workout buff ang lolo mo. May sariling barbel na gawa sa semento. Ultimo ugat nyan, me maskels. Si Aveño -- ang David Garcia Jr. ng buhay ko.

Aveño is a different blogpost. Basta in the near future na sha hihihi. Nabanggit ko lang sha kasi sha ang magandang intro kay Ex No. 2 -- si Eden. Kasi, kaklase namin si Ex No. 2 nung first year.

It was a short and beautiful six-day relationship. =) It was very meaningful. As in! Kasi that was when I realized na mahal ko talaga sha -- si Noel. Hihihi! Kaya nag-break din kami after 6 days.

Eh naloka ako kasi after ngumalngal ni Eden, at after akong iwasan ng mga 2 subjects, aba maya-maya eh keribambam na uli ang everything between us. Wala na shang masamang pande-koko sa kin uli. At napansin ko din, parang close-close-an sila ni Aveño. At nung nag-swimming kami sa Morong, aba HHWW-PSSP na ang duwa. Gusto kong malunod bigla sa kiddie pool!

Me pa-ek-ek kami sa klase na kandila chararat at magpapalitan ang dalawang magkaklase para makapag-usap at makapag-babye kasi pag 2nd year namin, iba iba na kami ng major so farewell to u my fwendz and drama namin dun.

Although pareho naman kaming psych major ni Aveño at magkaklase pa rin kami, napadrama na rin ang lolo mo kasi nga technically sinulot nya ang gufra mae ko. Sha ang kauna-unahang lalaking umiyak dahil sakin. Me sigok sigok, hikbi hikbi, singhot singhot at nguyngoy pang kasama yun ha. Naluha din tuloy ako.

Buong summer after that, nangupit ako araw-araw sa tita ko ng 50-70 pesos para makaakyat from Pandacan to Cogeo para makipaglandian ke Ex No. 2 at ke Aveño. Tipong tagisan ng galing, lalaki sa lulurki, may the best man win. Bandang huli eh todong nalito si Babaylan at walang pinili sa min dalawa. Win-win situation itu for me!

Pagpasok namin sa aming majorship, tatlo kaming dating magkakaklase na nagsama sa isang section. Ako, si Noel, at si Lorena. Later on eh nadagdagan kami ng isang tropa, si Ilette. Ewan kung anong nangyari, basta tinawag kaming sina Itoy, Bitong, Bebang at Bebeng. Pero yung mga tawag sa min, hindi pumatok, yung ke Lorena lang. After ten years, sha pa rin si Bebang. But no, hindi sha si Ex No. 3.

Si Ilette. Probably the longest of them all kasi sobrang open kami sa isa't isa, andaming on-off, andaming drama, pero mas lamang yung masaya at friendship. It was different this time, kasi si Noel naman ang nauna. Naging sila for a few months, pero mas close kami since pareho kaming gurlaloo. Too close to a point na sa kin na sha me gusto, at nalilito na si Bebang kung kanino sha sasama kasi nag-away kami ni Aveño, nag-away sila ni Ilette, at nag-away kami ni Ilette. Kawawang Bebang!

Me eksena pa kong naliligo sa banyo nung kaklase namin, habang lasing, nakahubad, nasa ilalim ng shower, at umiiyak habang ume-emote ng "ginago nya ko, ginago nya ko!" Until now, wala pa ring malinaw na dahilan kung sino ba ang gumago sa kin, kung bakit ako ginago, at kung ginago ba talaga ako. Basta ang alam ko, masarap mag-emote habang naliligo.

Before mag-3rd year eh umalis si Aveño sa skul namin at nagpaka-marino. His absence made Ilette and I closer for comfort. Ito din yung time na naglayas ako at naging boy ni Mylla -- again another story. Walang official date, walang official na kami na, basta yung mga kilos, yung mga haplos, yung mga halik, yung mga tingin, in fairness alam kong yun na yun, di nga lang mapag-usapan at di rin maharap. Kasi, alam nyang beki ako from the start at alam na alam nya lalo na inlavavo ako ke Aveño. Anong pwesto nya dun sa equation na yun?

Eventually naging friends na lang talaga kami. All's well that ends well. Until now, friends pa rin kami ng lola mo, we still see to it na we see each other once in a while. Kumustahan, update sa mga eksena sa buhay, basta we got each other's back anumang mangyari.

Naayos namin and everything went back to normal. I even had Ex No. 4. Actually ang nililigawan ko nun eh si Phoebe, ang aking S. O. (secret on daw) kasi me bowa shang iba. Nung minsan na me dance sa skulilet, mega buysung akeiwa ng flowers sa Designer's Bloom. Pagdating ko sa auditorium, kumusta naman, kasayaw nya si bowa. Bigla akong na-depress at binigay ko ang bulaklak sa unang babaeng nakita ko -- si Florence.

Si Flo impernes niligawan ko talaga un ng matagal na panahon. Ayaw nya kasi baka daw mahal ko pa si Illette. Hay girl! Kung alam mo lang! Naging kami ni Flo for a day tapos umayaw na sha, kasi daw hindi nya masabing mahal ko talaga sha. Nararamdaman nya raw na me ibang laman ang puso ko. Hmm, women's instinct! Korected by naman sha, maling tao nga lang ang pinagbintangan ng lola mo. Nung magka-baby si Flo dun sa sumunod nyang bowa, ang nasabi na lang nya eh -- "Sayo sana to." Ayun naging nina ako ni Athena, at once ko pa lang sha nakita. Nung binyag six years ago!

Yung last, mejo weird... I call her Lumen kasi kamukha nya si Lumen sa commercial ng surf. Akalain mo yun, college pa lang ako Lumen na sha, hanggang ngayon naglalaba pa rin si Ate. Di na naubusan ng maruming damit ang pamilya nya. Siguro me laundry shop si Lumen.

Anyway, nung college eh me crush akong nilalang. Itago natin sha sa pangalang Cocoy. Si Cocoy eh ginawan ko talaga ng paraan para maging kakilala ko. To the point na di ako papasok ng ROTC para ipahiram sa kanya ang cap, o belt, o combat boots o jacket ko. Pareho kami ng major, pero ibang section sha. Nung 3rd year kami, required ang lahat ng lalaki na sumali sa Mr. Psych kasi kokonti lang ang lalaki. Literally. So excited din naman ang bakla na sumali.

Shempre ang BM... Rarampa na! I was there with my pink stilletos! At akalain mo yun, sa sobrang shortage ng kalalakihan sa batch namin, 1st runner up pa ko. Ikaw na ang mag-rave attire ng trench coat at briefs with black na pakpak at CD sa puson! As expected si Cocoy ang naging Mr. Psych at ang wind beneath his wings: si Lumen.

Studious ang Cocoy, acshuali running for Magna ang lolo mo, di nga lang umabot. Sa library ang fave spot ng lolo mo. Lagi din palang andun si Ms. Psych sa thesis section. Ayun nagka-kodaK moment ang dalawa. Si Lumen, naiwang luhaan at panay bakbak ang kamay kakalaba. That time naman kami nagsimulang mag-textmates. One time eh nakipagkita sa kin ang bilat sa library din, at buong tapang akong tinanong.

"Nanliligaw ka ba sa kin?" sabi ng Mahaderang Labandera.

Ang BN, napa-why not?! "Uhhm, oo."

"Tayo na." with conviction na sagot ng ate mo.

Instant gf itu. Nag-usap pa kami ni Cocoy para wag ko daw saktan si Lumen, mga ganung eklaboo, malay ba naman nya na sha ang itinatangi ng malunggay ko?! Ayun, naging panakip butas ako ni Lumen, ang di nya alam sha naman ang shield ko sa mga dudera sa pagkalulurki ng BN. Dahil mahina ang pundasyon, shempre yung relasyon madaling mag-crumble. Basta nag-break na lang kami after 11 days ata.

Lahat halos ng mga katomboyan ko, ganun lang ang eksena. Nothing lasts kasi obviously di ko sila kayang mapanindigan. Sabi ko nga sa isang barkada ko, kung may makikilala akong babae na masisigurong hindi na ko titingin sa ibang lalaki, at makakaya kong maging faithful sa kanya, bakit hindi?

Sino ba ang ayaw ng normal na buhay? Sino ba ayaw ng masayang pamilya? Sino ba ang ayaw ng mga munting tyanak na tatakbo takbo sa sala at lulundag lundag sa kama? Sino ba ang ayaw ng simpleng buhay?

I've been watching Will and Grace lately, at naloka ko sa plot nung 4th season. Napagkasunduan nila na magkaroon ng baby together! Ganun talaga no? Pag dun lagi nakatutok ang isip mo, lahat ina-associate mo sa sarili mo. This much I can say for now:

I want a baby.

Lahat ng lalaking nilalandi ko, ang tawag ko baby, bhe, bhie, babe. Mga apo ko sa pamangkin, spoiled sa kin. Mga inaanak ko lahat sweet sweetan ako. Pag nakakakita ako ng baklang may anak, naiinggit ako. Pag napapanood ko si Ogie Diaz at Arnel Ignacio naiisip ko na kaya ko rin yung ganun. At nung napanood ko yung episode nina Aiza at Kuya Dick, wala na napangawa na talaga ko sa kwarto ko. Who will be my spare womb? Who will be my backup egg? Kung pwede lang na ako na rin magbuntis at manganak.

Ang tanong: is having a baby the answer?

Sabi nga nung barkada kong guidance counselor, kaya ko bang maging role model sa magiging anak ko? Anong ituturo ko sa kanya?! Ang tamang paraan ng pagkuda? Ang magandang posisyon sa pagbembang? Pano tumawad (at tumuwad) sa isang prospect? Anong magandang buhay ang maibibigay ng isang single na bakla sa isang tyanak?! Anong motto ang maipapamana ko sa junakis ko? Teach a man how to fish and he will bring home a fisherman?!

Pano ba mag-resign sa kabaklaan? Pwede ba yun?! Anu ko col sener agent?! May 30-day period ba yun? Isu-surrender ko lang ba ang Bakla ID ko at magpapa-clearance sa mga Board of Beki? Magpapasa ng cedula at Deed of Sale? In the first place, natatalikuran ba ang kabaklaan?! Sana ang kabaklaan may tatlong lifelines din. 50-50, Ask the Audience at Phone a Friend.

I'm not saying na gusto kong magpaka-tomboy. Just thinking out loud... Hay! Basta ang alam ko, I want to have a baby. I may need a kidney someday... Hihihi.

7.08.2010

SOCO Moment

Ang lahat ng mga pangyayari ay pawang kathang-isip lamang ng Bakla, at anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar o pangyayari ay hindi intensyonal at nagkataon lamang. (Char!)

Hunyo 16, 2010. Miyerkules, dakong alas-siyete ng umaga.

Isang araw, pauwi na si Rubi (di tunay na pangalan) sa kanyang tinutuluyang bahay sa Kagandahan Street, Quezon City (di tunay na lugar). Nagulat siya dahil pagpihit nya sa doorknob ay sira ito. Pingku-pingko ang keyhole, at halos bali na ang handle. Kinabahan sya agad sa hinalang may nangyari sa kanyang bahay. Pagpasok nya ay nakahinga sya ng maluwag sapagkat nandun pa rin sa lamesa si Toshiba (di tunay na laptop).

Dali-dali syang nagpunta sa bahay ni Yaya Pancha (di tunay na yaya). Humahangos ang mag-yaya na nagtungo sa bahay na fuschia (di tunay na kulay) at inusisa ang kabuuan ng bahay. Napag-alaman sa kanilang pagsisiyasat na nawawala ang isang cell phone, isang external hard drive at isang wallet na punong puno ng salapi - at mga picture ni Rosanna (di tunay na nanay ng biktima). Ang mga ito ay pawang nakapatong sa ibabaw ng ref.

Sa nalaman ay nagsisigaw si Yaya Pancha sa galit. "Mga p***ng *na talaga! Mga hayup! Pati ikaw ninakawan oh! Ano ba naman yan?!" Lumapit na ang mga miron. "Ayan oh mare, Sinira pa yung lock ng mga p***ng *na!" Maya-maya ay napansin nya ang isang mahabang kutsilyo sa gilid ng tubo ng Nawasa. "Ayun oh! Mga hayup talaga! Eto siguro ginamit sa pagtungkab sa dornab! Mga p***ng *na ng mga hayup na yan! Eh pano kung nasa loob si Rubi tapos nag-panic sila at bigla na lang shang saksakin? Tang *nang mga magnanakaw talaga yan!"

Lahat na ng kapitbahay at kamag-anak ay andun na ata. Nakikiusyoso. Nakiki-chismis. Nakikiepal. Habang naglilitanya pa si Yaya Pancha sa mga miron, nanghihinang napaupo si Rubi at hinimas-himas si Toshiba. Buti na lang nga wala ako dito. Kundi nasirang Rubi na ko ngayon. Kinikilabutan siya sa naisip. "Kung nagkataon... Goodbye Rubi!"

Kung anu-ano pang kuro-kuro ang kinembot ng mga kyemedora sa labas. Isinara na ni Rubi ang pinto at nagkulong sa cyberworld. Shoutout sa FB: Syet! Na-akyat bahay ako! Lecheng mga hampaslupa!

The feeling of helplessness and resignation started to sink in. Wala na shang magagawa. At least wala sha sa bahay nung mangyari yun. Shempre dali-dali shang nagsumbong kay Cherry Pie Picache aka Rosanna (di tunay na nanay ng biktima) pero di sha makakontak kasi walang signal. Gusto man nyang puntahan si Alejandro (di tunay na leading man) sa Bahay na Blue, ay di nya magawa. Baka magselos ang ik-ik (di tunay na aswang).

Lumabas ang bedang kontrabeda para makahanap ng signal village. Biglang me lumapit na Bayan Patroller at sinabing may 3 aali-aligid sa bahay nya around 2am. Isa pang star witness ang lumitaw pinpointing the same set of teenagers at around 4am naman. Samakatwid, it's either nakita ng tatlong kumag ang krimen, or sila ang kriminal.

Pinatawag ang tatlong kutong lupa sa barangay. Inuto-uto para isoli na ang mga nawawalang hiyas at nang palayain na sila. Nagpauto naman ang mga kumag at di nagtagal ay natunton na kung saan nakatago ang nawawalang rebulto ni Majinboo. Maya-maya pa ay nagtuturuan na ang mga tinamaan ng kulog na mga suspek kung sino ang may pakana at kung sino ang lookout.

Sa madaling sabi, nahuli ang tatlong kupal at naipakulong. In fairness to Rubi, naawa sha sa tatlo kasi nga puro minor pa, kaya siniguro muna nya sa DSWD na hindi naman mare-rape ng mga preso sina Hudas, Barabas at Hestas.

Makalipas ang ilang linggo, nagpapa-sweet ang Rubi at ang Alejandro sa bahay na fuschia. Nagkaroon kasi sila ng kasunduan na hindi muna sila mag-uusap alang-alang kina Hector at Maribel. Pero matindi talaga ang kanilang pag-ibig sa isat isa kaya nagkakumustahan silang muli.

"Na-miss mo ko?" Tanong ni Rubi.

"Hindi." sagot ni Alejandro.

"Nanlaki ang mga mata ni Angelita, este ni Rubi pala.

"Hindi kita na-miss. Baka lumaki na naman ulo mo eh." sabay ngiti na nakakaloko.

Magdamag pang nagpa-sweet ang mag-EX at nang sumapit ang bukang liwayway ay sabay nilang tinahak ang daan patungo sa... kanto dahil papasok na sa kol sener si Rubi (di tunay na kompanya). Habang naglalakad, napansin ni Alejandro na may taong nakatambay sa may kanto, mejo malapit sa basurahan, at may dalang asido. Ang taray! Ang talas ng eyesight ni Alejandro.

Sinipat nyang maigi ang lalaki, at nang masiguro nyang pinsan ni Barabas ang lalaki, binulungan nya si Rubi.

"Rubi, takbo!" bulong na pasigaw ni Alejandro.

Ang Rubing malandi, sige pa rin sa pagkakandirit sa kalsada.

"Rubi, run!" sigaw na pabulong uli ni Alejandro.

Di pa rin narinig ng bakla, este ni Rubi pala. Kandirit dito, pata-burey (pas de bourreé) don, hop and skip dyan. Napikon na si Payat (oops!) I mean Alejandro.

"Ma! Takbo! Ma! Run! Bakla! Run! Run!"

Aay! Naloka si Rubi. Tinabig ang mga paso, ang nagtitinda ng taho, ang mga newspaper vendors at ang mga nagtitinda ng goto. Binato ng peas ang mga zombie. Hinagis si Maribel sa ilog pasig. Tinanggal ang kanyang fuschia stilletos at saka nag-Milo Marathon Part 2. Run, Rubi, run! Run like the wind! naman ang beda.

Pero waley soundtrack na "growing up with Olympic energy, growing up with Milo". Wala ring mga chirp ng birds at sloosh ng winds. Ang tanging sounds eh ang hingal ni Rubi habang lumilitanya ng "You want war, paaak! I'll give you war! Paaak! (hingal! hingal!) Hah! Hah! I'll be there in my pink stilletos! Paaak! Aay! Tae! Takbo!!!" At lumamon na nga ng alikabok ang Alejandro.

Ang lalaking nakatambay sa may kanto, hinabol ng mga siga na kumakain ng goto sa gotohan ni Darang Lumen. Nakasakay ang hinayupak sa getaway vehicle nyang traysikel, at nakatakas. Sigh!

Nope, mali kayo. Hindi nila tinawag na Baclaran ang lugar na yun. Iskwater pa rin ang tawag sa lugar nila Rubi. Balik na uli sa normal ang lahat. Di kay Rubi umiikot ang mundo, at hindi to itigil kahit mawala pa sya. Paaak!

Ang tanong ni Rubi: Should I stay? Or should I go?

It still is considered home.

But what if home isn't safe anymore?

6.30.2010

You had me at "Ineng"

Sa Bukid Walang Papel Uy!

Habang pabalik ako ng Maynila eh di mawala-wala ang ngiting may landi sa mga mata ko. Pano ba naman, galing ako sa pistahan sa bukid. Technically eh di naman sha talaga bukirin, with matching pilapil and palay and kiskisan... Kiskisan lang ata ang meron dun jejeje... Hmmm, tsaka pala mga indianan... Maraming-marami at memorable na bonggang bonggang indianan. Hay, Sirang Lupa. Kahit gano ka pa kalayo, ang sarap mo talagang balikan.

Kadalasan sa amin sa bukid, pag fiesta eh sinasabay na ang binyag sa mga newborn babies. Shempre andun sa mga binyagan na yun ang fantabulous na handaan at inuman. At shempre pa, mga kalalakihan. Punta naman ang bakla para libre lamon at libre redhorse. Wala kasing handa sa mismong ancestral house (layman's term: lumang bahay) namin, kaya kelangan ko pang dumayo.

Pumunta ko dun sa binyag ng isa kong pinsan na mejo peborit ko. Marami kasi kong natutunan sa kanya jejeje. Para maka-mingle na rin sa mga talubata na magbubukid. Talubata -- twinks. *kindat* My market. Bwahahahaha!

Ayun, inum-inom kasama ang mga pinsan at mga, well, pinsan. Kainis lahat ata ditey sa bukid eh kamag-anak ko. Mejo enjoy naman sa reminisce at updates ng buhay buhay. Pero shempre gusto kong mangarir. Di pa natutupad ang pangarap kong ma-rape sa kabukiran.

And then, he came. Sa gitna ng kahulan ng aso at kantyawan ng mga pinsan ko... dumating si Utoy.

A year ago nung nakilala ko si Utoy.

"Pinsan, si Raymart." pakilala ng pinsan ko.

In-extend ko ang kamay ko at pa-demure na nagpakilala. "Hi Raymart. Ako si Clau-clau." Sabay ngiti ng matamis na pwedeng magdulot ng diabetes kaninuman. Natawa naman sha, sabay sukli sa kin ng mas matamis na ngiti. Effective. Syet! Kelangan kong mamakyaw ng maskuvado! Since mas bata sha sa mga kainuman ko eh Utoy ang tawag nila sa kanya. Term of endearment ng mga Batangueno sa mga talubata.

Nung una eh nakiki-Utoy ako. Pero nung ma-realize ko na hindi ko sha kamag-anak at pwede ko shang karirin, "baby" na ang naging tawag ko sa kanya. Typical na lalaki, nakikisakay pero alam mong walang seryosohan. Tipong pampabuhay lang para enjoy at hindi boring.

Napag-alaman ko na ang term pala nila sa mga nagpapakembot sa bakla eh "mangunguha ng indian" sa indianan. Minsan eh magpapasama sa siniguelasan, o kaya eh sa sampalukan. Pinaka-fabulous na level na yung "manghuli ng tulingan".

Di kami nag-level up sa inuman na yun. Di kami nanguha ng indian. Di rin kami nanghuli ng tulingan.

Fast forward to 2010. Pagdating nya sa inuman namin, ni hindi ako nilingon. Ni hindi ako sinulyapan. Dinedma ang beauty ko! Kaloka. Nagtataka siguro kung bakit me baklang kalbo na nakikiumpok sa inuman nila. Akala pa ata eh kasamahan ko yung mga contestant sa Miss Gay Bangungot the night before. Maya-maya eh naalala nya ata ako bigla, kasi biglang shang napapitik, sabay tawag sa kin.

"Claudine! Raymart nga pala." sabay lipat ng upo sa tabi ko.

"Kala ko di mo na ko naaalala eh. Pinsan," tinanong ko uli yung pinsan ko, "Di ko talaga kamag-anak to ha." Nang tumawa at umoo ang pinsan ko, humilig na ko sa balikat ni Utoy at umungot na parang bilot (tuta). "Baby, kelan natin susundan ng kapatid si Sabina at Santino?"

"Baby pag-graduate na ni Santino... ng masteral." Hmmm, aba puma-punchline ang poging magbubukid. I like.

After a few bottles eh umalis ang lolo mo kasi ninong pala sha dun sa isa pang binyagan. Dahil boring na, nagpabili na lang ako ng isa pang kahon at umuwi muna. Pa-fresh puke muna para sa sayawan mamaya.

After mag-ph care eh nakasalubong ko yung isa kong pinsan na naghahanap ng asawa so sinamahan ko naman sha maghanap. In fairness ang mga magbubukid gusto redhorse, ayaw ng gin. Kung gin daw, mabuti pang lubid na lang ang bilhin at magbigti na lang. Pareho lang ng effect, mas mabagal nga lang ang gin. Bumalik kami dun sa inuman, only to find Raymart na nakaupo na uli. Pagkakita ko sa kanya eh lumandi na uli ang bakla.

"Baby! Na-miss kita agad!" sabay nakaw na kiss sa lips. Swak! Pasok sa banga! Namula lang ang lolo mo ng slight, pero nakangiti. Tapos biglang naghubad ng tshirt. "Ah, ah... Pagkakabanas!" Ang init daw. Hay! Ako naman ang nag-blush.

Ang pinsan kong kj, nakahalata ata na ayaw ko ng hanapin ang asawa nya, ayun nagyayang lumarga na uli. "Baby alis muna kami ha. Hanapin namin asawa neto." Sha naman pina-kiss ko. Sabay Vic-Sotto. Hehehe. Swak uli! Baklang Maton, three points!

Nahanap naman namin ang alibughang asawa, at nasa inuman din ang lola mo. Nakiumpok na rin kami. Pag minamalas ka nga naman, ibang alak uli. The Bar Apple naman. Pwede na rin. E di tagay na uli ang bakla.

Sa gitna ng inuman at panunukso ng mga hudyo, biglang me kumatok at hinahanap daw ako. Si Raymart nasa labas daw. Umugong na naman ang asaran. Shempre mas maugong ang dibdib ko. Labas agad ang bakla, baka iniistir lang ako ng kutong lupa eh kokonyatan ko talaga sha ng umaatikabo. Paglabas ko, aba andun nga si Raymart, naghahanap ng kalinga. Sinalubong nya ko and we met halfway.

Sinama ko sha sa inuman namin at dun kami nagpa-sweet ng bonggang bongga. Pumupunta pa kami sa mejo madilim na part ng puno ng sampalok para magyakapan at maglandian. Tinodo ko na ang pagka-teeny bopper. Tinodo ko na ang pagka-Tina Paner. Tinodo ko na ang pagka-Sheryl Cruz. At tinodo ko na ang pagka-Clau-Clau. And he promised me one thing. He'll be my first dance sa sayawan.

Dapat eh me pasok ako sa ofis nun, kaya tumawag muna ako sa bossing kong gwapo at ubod ng bait. "Baby! Di ako papasok today ha. Di ako nakauwi eh, dito pa ko sa Batangas. Naka-leave naman ako, itutuloy ko na lang." nakinig sandali sa bossing na gwapo at ubod ng bait. "Oo baby promise sa Monday papasok na ko. Bye baby!" nasanay kasi ako na Baby ang tawag sa manager ko sa office. Asaran lang ba. Pero minsan parang sineseryoso nya hihihi.

Pagbaba ko ng phone, biglang bumulong ang Raymart. "Pagkakadaming 'baby'. Ala, ayaw ko na ng lintek na beybing yan. Iba na laang."

"Anu ka ba, boss ko yun. Nag-aasaran lang kami nun." explain ko naman.

"Basta, iba na ha. Mag-iisip ako ng itatawag ko sa iyo. Ako ga'y baby pa eh kalaki ko na nga."

"Sige na nga. Utoy na lang."

"Sige. Ineng..."

Matapos ang inuman, gora na kami sa sayawan. Direcho kami agad na magpipinsan sa magabok na lupa na binasa (aka dance floor). Maya-maya eh napansin kong wala si Raymart, naloka ko. Borlogs! Sa sobrang kalasingan eh inantok na ang hombre. Hay, from now on, ikaw na si Almost First Dance. Eh ano pa nga ba magagawa ko?! Nag-pole dance, belly dance, nag-strip na lang ako sa gitna. World class pokpok lang talaga ang pangarap ko sa buhay.

Maya-maya eh biglang nag-iba ang tempo ng tugtog at kinembutan ng sweet music ni DJ Bumbay. Akalain mo yun, fave song pa ni Budwire napili nya: High ng The Speaks.

Biglang may tumapik sa kin at umeksena ng "Oh, first dance na natin." Paglingon ko, as usual slow-mo... biglang kumasya ang hanger sa ngiti ng bakla. Nagsayaw kami sa gitna at inangkin namin ang dance floor (aka maputik na lupa). Ang mga pinsan kong kunsintidor, nagsiupo. Kulang na lang eh patugtugin ang King and Queen of Hearts, js na js na! Sobrang cheesy!

"Ah ah, bakit ga tayo laang ang nasayaw dine?"tanong ng lolo mo.

"Ewan." sabay ngiti at yakap pa lalo. "Utoy!" lambing ko. "Ineng," sagot ng lolo mo.

Sa gabing ito, babae ako.

Hinila nya ko sa gubat. Hinila ko ata sha. Uhhm... let's just say naghilahan kami papunta sa gubat and we danced into the rythm only two people [in love] horny can hear. That night, sa gitna ng mga tuyong damo, sanga at dahon, sa saliw ng mga kuliglig na me tono ang huni, habang nagsya-syato kami sa kakahuyan... ninotaryuhan nya ang prostate gland ko.

Ang sarap talaga umuwi sa bukid. Back to basics ang drama ko. Ikaw ang magtatasa ng kawayan ng pangtusok sa barbeque. Ikaw ang magpapatas ng panggatong pag nagluto. Ikaw ang mangunguha ng prutas na dessert sa tanghalian. Ikaw ang mangunguha ng indian sa mismong puno. At shempre ikaw ang manghuhuli ng tulingan.

Habang pauwi, ngingiti-ngiti ang bakla. Masusundan na si Santino..

Hay Raymart, you had me at 'Ineng'.

6.16.2010

Biktima

Nanakawan ako today. Hard drive na 500 gig at cellphone na HTC. Akalain mo yun?! Ang iskwater... not so safe anymore...

6.05.2010

Me and My God

May langit ba para sa mga bakla? Kung mamamatay ako ngayon mismo, at di ko tinalikuran ang pagka-beki, does that mean I'm condemed for all eternity? Sabi nung isang debotong iglesia na kakilala ko, straight daw ako sa impyerno. Sabi ko naman, sige kita tayo dun.

I refuse to believe that being gay defaults my soul to eternal damnation. But somehow, I also wonder: para nga lang ba talaga sa rainbow ang sangkabaklaan? Dun lang ba talaga mapupunta ang mababait na badet, at ang mga walangya naman eh highway to hell ang drama?

Lagot ako. Sabi pa naman ng friends ko, mabuti naman daw akong kaibigan. Masama nga lang talaga ang ugali ko.


Bro. Aelred Maria. My alter ego. My best version. My other self.

I was once a campus minister. Ten years ago, sa St. Andrew sa Makati na ko halos tumira. Yung way of life namin, talagang pang mga seminarista at madre (dun ata ako nahilig sa pagka-madre). Laging naka-slacks, kahit swimming bawal ang shorts. Balance dapat ang buhay-estudyante, buhay-pamilya at buhay-brother. Di pwedeng isama ang "Secret Life of a Gay Teenager" kasi bawal. Bawal maging bakla.

Nung andun pa ko sa kumbento naranasan ko na ata lahat ng nakakalurking kabanalan. Me dipa session kami lagi pag nagro-rosary. Araw-araw na nagseserve as sakristan sa misa. Naglalakad mula bel-air hanggang Guadalupe. Dumidipa sa adoration chapel. Nagtitipid sa lahat ng bagay. Pag me regalo sa yo, kelangan munang gamitin ng lahat ng brothers yung gamit mo bago isoli sayo.

Nung minsan pa eh kumain kami ng pechay ng buong isang linggo. Pritong pechay, nilagang pechay, pechay salad, steamed pechay at kung anu-ano pang imbento na luto sa pechay. Unfair nga eh kasi sa dami ng pechay na nakain ko nung linggong yun, wala namang tumubong pechay sa kin!

Pag me nagawa kang violations, kakalbuhin ka at maninilbihan ng isa hanggang dalawang linggo. Bawal magsalita, me hawak ka lang na ballpen at papel, isusulat mo lahat ng sasabihin mo. Me plackard na nakasabit sa leeg: "I am in silence, don't talk to me." Ikaw ang magluluto, maghuhugas, maglalampaso ng sahig, maglalaba ng bedsheets, at kakanta kapag tanghalian. Kung makulit ka at nagsasalita ka pa rin, extend ito ng isang linggo uli. Kumusta naman, umabot ako ng isang taon bago na-parole!

Kami ang mga serbidora ng simbahan. Tagasabit ng christmas lights sa bubong ng St. Andrew, at sa mga nakapaligid na punong niyog. Buwis buhay pa yun minsan kasi scaffolds lang na bakal ang aakyatin mo, minsan eh inaalog-alog pa ng walangya mong brother. Tagapintura rin pala kami, taga-mop ng sahig pag me function, tagatabas ng damo, tagawalis ng bakuran, tagapintura ng mga linya sa parking lot, at tagabilang ng collections sa misa.

Nung andun ako, laging ako ang sinasama ni Padre sa mga misa sa labas. Kung kelan eat out ang mga kasama ko, ako naman eh mass out at assistant. Kasi nung unang beses na nag-sakristan ako sa kanya eh huling-huli akong bumoborlogs sa homily. Mashado daw akong attached sa kama ko kaya marami akong dapat i-give up. Bawal daw ma-attach sa community. Wala daw particular friendship. Walang community within the community. Walang borlogs ng borlogs.

Lagi pa kaming me horror awards. Ang laging napupunta sa kin eh yung Piety Horror Trophy. Kasi daw everytime na nagdarasal kami, imbis na magdasal eh nakakatulog ako. Minsan, kahit sa tabi pa ng pari sa taas ng altar sa mismong misa! Pero di na ko nag-react. Kaya kahit nagdarasal din naman ako mag-isa, di ko na sinabi. Malay ba nila eh tulog nga ako ng tulog. Kaya nung may work na ko, never na kong natulog sa trabaho. Char!!!

Don't get me wrong. I was happy na gawin yung mga bagay na yun. Pag na-dedepress ako eh nagkukulong ako sa isang function room at nagpapatugtog ng mga praise songs. Mega release ako ng emotions sa pamamagitan ng... tanananan! Interpretative dance! As in mega sayaw sayaw at emote emote talaga ang bakla habang gumigiling giling mag-isa. May lifting pa yun teh! Kung kaya ko nga mag-pyramid mag-isa malamang ginawa ko na.

During this stage, confused na ko kung beki ba ko o hindi. Lagi kong tanong nun eh "Bakla, Bakla hinog ka na ba?" Eh pag-ikot ko sa roleta, tumapat sa "Oo, oo beki ako." Kung hinog ka na ay umalis ka na. Lito na nga ang bakla sa kanyang pagkatao, samahan mo pa ng "brother" at "kuya" na pumapatong pag madaling araw at nagpapa "ipit" ng kembang, ay wala na! Na-loss na talaga ang pagkalalaki ko. Lumabas ako para harapin ang mundo ng may ningning sa mga mata at landi sa mga ngiti. At yun na nga, naghasik na ng ganda at rikit ang bakla.

Isa sa mga nabighani ko ng bonggang bongga eh si Private Benjamin. Nagkakilala kami sa Mt. Makiling some summers ago. Dati shang seminarista. Cute na parang si Charles ng Star Circle Quest. Yung tipong nilalabasan na eh tahimik pa rin. Yung tipong lasing na eh demure pa rin. Maamong tupa. Hmmm...

Magkatabi yung dobol deck namin at sa taas kami nakahiga pareho. Sa camp na yun, inakit nya ko. Pag naliligo sha, di sha nagtatakip ng cubicle. Amputi ng pwet! Tapos pag humihiram ng sabon, lumalakad palapit sa kin bigla, pubes and all! Hay gusto kong lamutakin ang buns ng lolo mo at palamanan ng cheez wiz. Masarap kung maguusap kayo at masarap din kung maguusap kayo.

Nung huling gabi namin, sa pusod ni Mother Makiling, ginapang ko ang lolo mo. Hala ang bakla, daig pa ang army kung gumapang. Me props pa kong damodamo at camouflage -- kumot na talukbong at unan na nakaharang, tsaka dantay-dantayan. Presto! Instant kembang tent ang eksena. Kapa-kapa... Pisil-pisil... Himas-himas... Poof! It became koko krunch! Este poof! Dumilat ang mata! Naloka ko. Ayun, tumalikod ang lolo mo at na-face the wall ako. Loss ang beki... Pero at the back of my mind, naisip ko... Winner pa rin ako. Nagalit si Private Benjamin! Balang araw, babagsak ka rin sa mga palad ko...

After a few years, nakuha ko uli ang number nya. Text text kami uli, tawag tawag. Sorry sorry ang bakla. Nagulat ako kasi sabi ba naman, kung nagpaalam daw ako eh baka pumayag pa sha. Kaloka! Dun na pala sha nakatira sa isang compound na malapit sa iskwater. And he agreed to meet up with me sa unit nya.

Habang nangungumpisal si Kris Aquino sa buong Pilipinas na nagkaron sha ng STD sa tulong ni Kuya Joey, andun kami at nagha-haggle kung magkekembutan ba kami o hindi. Ang lolo mo nuknukan ng pakipot! Galit na galit na, ayaw pang pumayag! Kakaloka! Ayun, wala na namang nangyari. Touch and go lang ang naging drama ko.

For eight years, ganun ang naging script namin ni Private Benjamin. Papakipot sha, hahabol ako, papa-touch sha, hihipo ako, papa-kuda sha, papa-bembang ako. Me mga times naman na pareho kaming panalo. Me mga times na anjan na sha tapos biglang uuwi. Feeling ko minsan eh ang ganda ganda ko kasi luluwas pa yan from the province mabembang lang ang alindog ko. Pero di ko ganong maenjoy ang kung ano mang meron kami.

A few months ago, inamin nya sa kin na bumalik na sha sa seminaryo. For almost two years, ang kinakalantari ko eh on his way to priesthood. Kaya pala pag Sunday lang sha pwedeng mag-text. Kaya pala lagi na shang nasa isang lugar na puro ulap. Langit?! Kaya pala puro yaya lang ang lolo mo, pero di natutuloy kasi di raw sha pwedeng umalis. Kaya pala... Mas malaki na pala ang kalaban ko. Someone I would never even dare compete. Eh ako nga gusto ko Siyang kakampi eh.

Last month, Private Benjamin and I had our farewell kembot. We both agreed na last na yun, and he should focus on his life of service. Sa gitna ng good ol' redhorse, at sa mga malalaswa naming kwentuhan, I felt proud and happy. He's on a better path. Kung sana lang eh kasing lakas at kasing tibay nya ko sa pag-resist sa tukso. Kung sana lang eh kasing tapang nya ko sa pagwaksi sa mansanas ng kasalanan. Kung sana lang eh kasing willing nya akong magsilbi. He's an inspiration to me. I'm so proud of him.

Sa araw na to mag-start ang one-year retreat nya sa isang isla. Walang interchuvanet, walang nyelpown, walang telebabad at primetime bida, walang bombo radyo at negra bandida. Laging silence at reflection. Sayang di nya mababasa tong blog ko. He promised to read it next year naman. Something to look forward to, jejejeje!

Fave motto ng frendship kong si Medusa -- "Destiny is not a chance. It's a choice." It's not random. It's not chance. In the greater scheme of things, my every decision in the past have been leading up to a certain destiny. What if kahit anong gawin ko, dun pa rin ako bumagsak sa kung anong gusto Niya para sa kin? Pano kung sa bawat pagliko ng mga bakla eh makikialam Siya? Magiging choosy ka pa ba?

If there's one thing I learned sa logic, eto yun: Kung walang langit at naniwala ako na meron, keri lang. Walang nawala sa kin. Nagkaroon lang ako ng purpose at direction sa buhay. Kung meron namang langit at naniwala ako, eh di winner ang bakla! Kung wala palang langit at di ako naniwala, eh di quits lang. Pero kung meron palang langit at keber lang ako... gudlak! Barbekyung beki ang aabutin ko.

Listen to your heart. What does it tell you? For me, it's about finding meaning to your life despite of the bad choices that you make. Mashadong maraming pagkakamali sa mundo, di ko kakayaning i-commit lahat ng yun. Anu ba naman yung matuto na ko sa pagkakamali ng iba davah? Wag redundant! Bakla ka na naka-pink ka pa?! Jejeje... Hindi porke ine-expect ng mga tao na isa kang kahihiyan eh gogora ka nga. Ayaw mo silang ma-disappoint ganun?!

May pwesto ba ang mga bakla sa langit? O kelangang magpraktis na ko ng pag-slide sa rainbow? Ay wit ko pa alam. One thing's for sure: God loves Fags. Even fags like me.

6.03.2010

The Last Blog

Naniniwala ako na winner talaga ang resiliency ng mga beki. Eto yung kakayanan ng isang tao na malagpasan with flying colors ang emotional at behavioral challenges na kinakaharap nya sa araw araw. Sa mga beki, ordinary na ang masaktan. But what's extraordinary is the ability of gays to endure pain.

Kung meron mang dalubhasa sa larangan ng pagmo-move on, doctorate degree holder na siguro ko. At ang dissertation ko: A case study on the "Holding On Phenomenon": Why gays can't let go easily.

Di na ko naka-move-on move-on ke Totong. Ayan na naman sya at aali-aligid sa iskwater. Eversince na-tegi si Daddy Byenan, sha na ang humawak sa junkshop. At simula rin nung sha na ang humawak sa JS, umasa na naman ang puso kong sabik kay Payat.

The day his father died, para kong hilong tilapia na di alam kung pano papaltok sa lupa. Hindi ko alam kung pano sha dadaluhan at iko-comfort. Hindi ko lalo alam kung dapat bang AKO ang kumomfort sa kanya, knowing na may aswang sa paligid. Pumunta ako sa kuta ng aswang in broad daylight, armado ng pinatulis na kawayan, sulo at isang supot ng boy bawang. Tsaka pala isang garapon ng iodized salt. Ready!

Pagkakita ko kay Pa, di ko alam kung anong gagawin ko. His eyes spoke volumes. Parang dinurog ang puso ko at pinakain sa aso. Nakatayo lang kami sa sala habang karga-karga nya ang junakis nya. Nakahawak ako sa balikat nya, di kami nag-uusap. Basta alam ko na alam nya na alam ko na alam nya. I'll be by his side. Aswang or no aswang, I'll be there.

Nung libing, sa sobrang pabibo ko lang talaga, ako ang humawak ng camera. Ang bakla, umangkas ng patalikod sa motor ng isang tambay, kesehodang wala akong sunblock o shades man lang, kahit masunog na ang flawless kong balat. Ayun nagkandapuwing-puwing ako sa pag-angkas -- uulitin ko -- ng patalikod sa motor.

Maya-maya nga eh napuwing ako, hiniram ko yung bote ng mineral water nung isang nakamotor na tomboy. Eh di naman ako makahilamos kasi nga naka-angkas ako ng patalikod (ulitin uli!) kaya sinilip ko na lang yung bote na parang telescope at saka ko inalog alog sa mata ko. Tapos maya-maya eh nakiinom yung isang naka-motor! Hehehe me essence ko na yan, di mo na ko makakalimutan. At pagdating sa huling hantungan eh binawi pa sha nung tomboy at ininom ang pinaghilamusan ko ng mata. Ewww...

Kung may wind beneath the wings man na award nung libing, malamang ako na mag-uuwi ng trophy. Sa likod lang ako ng lahat ng kaganapan, hawak ang camera at ang puso kong nakikiramay sa pamilya ni Pa. Hindi ko na in-attempt na lumapit at humawak sa kanya. Kahit mejo pinagbalakan kong dun ako pumuwesto sa kaliwa habang sa kanan naman ang aswang. Nope. Di ko moment to.

After that, regular ko nang nakikita uli si Pa sa iskwater. Usually eh tatambay sa haus, iinom ng konti. Kaya nga laging me SanMigLight sa ref ko na walang nakakainom kundi sha. Me naiwan pang isang bote, di ko binubuksan para me reserba sha pagpunta nya. Minsan papaluto ng merienda, papabili ng tropicana o yosi habang nagsi-sintemyento de asukal sa aswang. Naging ritwal na ata nya yun pag nasa haus ko sha. Tapos maya-maya lang eh sweet-sweetan yung dalawa sa labasan na kala mo eh newly wed. Kadiri. Inggiterang talakitok lang talaga ko.

Minsan di ko alam kung anong gagawin pag nag-text ang lolo mo. "Ma, puntahan mo naman dito si Mommy sa taas, umiiyak na naman nakita ko sa kwarto." Aakyat naman ang bakla, magdadala ng chocolates or anything na meron sa ref. Minsan redhorse, keri na rin! Basta ma-cheer up ko lang si Byenang Hilaw.

Isang beses, lumabas ako para magtapon ng basura ng alas-kwatro ng madaling araw. Nag-rearrange kasi ako ng furniture at naglinis ng bahay na pink. Shirtless pa ko nun ha, di man lang nag-bra. Tambay na tambay lang. Pagdating ko sa labasan, andun si Totong, nakahubad din pero me towel na nakabalabal sa likod. Akalain mo yun, mas mukha pa kong lalake kay Pa. Para lang kaming lihim na magsyota na nagkikita sa dilim. Kung me makakakita sa min malamang magduda na me ginawa kaming milagro. Wala naman, wholesome kami.

Kapapanood ko lang nung Peter Pan na version ni Jeremy Kembot. I totally feel for Peter Pan. All Wendy's gotta do is close the latch, shut the window and he's out of her life. No more kisses, no more thimbles, no more loose shadows. Just happy thoughts which would never be enough to make you fly.

Totong is my open window. He's more than just a thimble. He's a kiss enough to send happy thoughts to my neurons and make me soar for the rest of my life. I can never lock up and move on, simply because he doesn't let me.

I am a better version of the Aswang. I'll always be his spare tire. His other option. His second chance. Ako yung mas mabait, mas maalalahanin, mas generous, mas maasikaso, mas understanding, mas nakikinig, mas mapagmahal, mas maganda, and definitely mas magaling. Hangga't may option sha of having a better life with me, of having an ideal someone in me, hindi maaayos ang buhay nya sa piling ng aswang. And I'm doing that on purpose.

Di ba ganun naman talaga? Pag ikaw ang "other woman" ikaw rin yung right love at the wrong time. Ikaw yung "kung ako na lang sana"... Ikaw yung "kailan kaya" at "bakit ngayon ka lang?" Ikaw ang dahilan kung bakit nauso ang "sana dalawa ang puso ko". Ikaw yung "watch and you'll see, someday I'll be part of your world."

I'm getting tired of this eksena. Yung feeling pa-victim. Me isang reader na nagsabi sa kin, ako daw yung Maton na mashadong ma-emote. Drama Queen indeed! It's getting old. Oo nga naman, I'm not living up to my self-proclaimed name. Time to be maton again.

It's about choosing who to fall for, when to fall, and how to stick by your choice and decision. Sabi nga ni Ate Rachel "What do you say to taking chances, what do you say to jumping off the edge? Never knowing if there's solid ground below, or hand to hold, or hell to pay... What do you say?"

This would be my last post about Totong. Sabi ni Ka-te, Totong has been my addiction since I came back to the iskwaters. I beg to disagree. He's my thimble. He's my open window. Time to lock up and throw the keys. Time to drink the SanMigLight. Time to jump off the edge. Time to take chances...



What do you say, gorgeous self, is it time to leave the iskwaters?

5.18.2010

Ladlad

Ang paglaladlad ko na yata ang pinakamalaking desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko. Pero yun din ang isang desisyon na hindi man lang ako nagdalawang-isip. Hindi naman kasi yun public announcement na isang beses ko lang kelangang sabihin. Hindi rin sha isang desisyon na pag sinabi mo na eh keri-bambam na, iisyuhan ka na ng Bakla ID. Pasok na, dinggabelles ka na poreber.

It's a life decision. It's a form of committment. Committment to a chosen way of life, to a way of existence... Ika nga, once you go gay, you can never go back. At dapat yung pinili mo eh panindigan mo. Sa aspetong yan, nagpapakalalaki ang bakla.

Bawat paglaladlad eh me iba't ibang paraan. Yung iba, pinanganak pa lang eh nakatitig na sa gwapong doktor. Yung iba naman eh ginapang ng kung sino nung bata pa lang, at nag-enjoy ng fabulosa kaya ginaya na ang panggagapang. Meron din namang napapaligiran ng mga babaeng kapatid at tyahin kaya na-build mashado yung feminine side. At meron naman ding sadyang pinaglihi sa hasang na home-made.

Eto ang sarili kong teorya kung pano ba ang nabubuo ang mga Pinkenstein ng makabagong henerasyon.

Ang landas patungo sa Pinkantadia (in any order):


Busilak Moment

Puro pa at dalisay ang pagkatao mo. Wala ka pang muwang na may mga bakla pala sa mundo. Pero napapanood mo na si Kuya Dick sa pagganap nya sa lahat ng palabas na pawang bading ang role nya kaya kahit sabihin nyang straight sha eh ayaw mo ng maniwala. Pero kahit di ka naman nakakaisip na manlalake eh yun na ang bukambibig ng mga hurindat mong kamag-anak at kapitbahay. Tinutukso kang bayot kahit di mo naman sinasadya ang pagkembot. Tinutukso kang malamya kahit di mo naman sinasadyang ipilantik ang daliri mo. Care ba nila, basta kakanta ka ng walang humpay pag me bagong single ang Pussycat Dolls.

In fairness ganito ko nung bata. As in kahit beki na talaga ang turing sa kin ng mundo, paki ko?! Tumatalon pa rin ako sa bubong, naliligo pa rin ako sa baha, nagsha-shower pa rin ako sa alulod, nangungupit pa rin ako para me pambili ng text, namumulot pa rin ako ng palara, naglalaro pa rin ako ng joleyns at patintero, umuutot pa rin ako sa mukha ng tulog kong kaklase, at nakikipag-tongits pa rin ako na pitik sa bayag ang pustahan.

Dedma na kung may landi ang kilos. Bet ko pa ring makipag-away nun, as in gulong talaga sa lupa. Nagka-cutting classes din ako nun sa titser naming "Matutina" ang tawag ng lahat ng sambayanan. Umoober da bakod pag tatakas, naglalakad sa pader habang kumakanta ng shigi shigi, pasimuno sa pangunguha ng alatires sa bukid, at pagpa-follow the leader sa pagawaan ng hollow blocks sa likod ng iskwater.

Basta, hindi ako bakla. Tapos. Hindi pa...


Why Not Moment

Dito na magsisimula ang pagkalito sa atraksyon sa ibang tao. Kasi imbes na sa babae ka ma-attract eh sa lulurki ka nalulurki. Imbes na ang mga ST Queen, Sex Bomb o EB Babes ang pag-jekjekan mo eh Coverboys, The Hunks at Masculados Dos ang pinag-fifingeran mo. Kung me cutie sa schoolilet eh parang naiinis ka sa umpisa kasi nga inaasar kang bakla, tapos pag nasa bahay ka na eh kasal-kasalan at bahay-bahayan ang dine-day dream mo.

Sa case ko, nagkaganito ako matapos ang swimming namin sa V. Mapa. 2nd Year HS pa lang kami at nagkayayaan kaming mag-swimming na puro lalaki. Ewan ko ba bakit ang trip nila eh sisisid sa pool ang dalawa at magkikita sa gitna at saka maglalaplapan. Bet ko na ring gawin kasi cute naman karamihan sa mga kasama. Matapos ang swimming, hindi na David Hasselholf ang tingin ko sa sarili ko. Bikini Babe na! Sisihin ang makasaysayang laplapan sa V. Mapa!

Hanggang ngayon eh dinedenay nung mga kasama namin sa swimming na nangyari toh.


Narnia Moment

Kahit may pakiramdam na kakaiba ka na nga sa normal na boys, di naman pwedeng basta ka na lang magladlad at baka di ka na kaibiganin ng mga frends mo at baka itakwil ka pa nina Mudra at Pudra. Baka di lang pingot ang makuha mo, baka tiradurin ka pa ng tatay mo sa pwet. Kaya quiet ka lang.

Isa kang Narnian citizen, closetted, bound, pretensyosa. Hiding Inside Myself ang theme song mo.
Dahil nga napukaw na ang iyong pagnanasa sa mga Adan ng maabagong mundo, shempre gusto mong makakita ng buhay na ibon. Pero dahil nga nagsho-shogo ka sa loob ng aparador ni Juday na may mumu, di ka rin mapakali dahil sa mga nagpaparamdam na malanding kaluluwa. Gusto mong i-express yourself ang mga pagnanasa mo, pero patago kaya mega eyeball ka na lang sa napakalayong probinsya.

Para kang Mt. Pinatubo na anumang sandali eh sasabog, kaya dapat laging kontrolado at monitored ang kilos at galaw. Walang dapat makahalata. Kahit secretly eh ina-idolize mo ang Spice Girls at gustong gusto mong bumili ng butterfly na ipit ni Jolina.

Meron nga akong shopetbahay na lulurki ang press release sa mga citizen ng iskwater. One time eh pumunta kami ng puerto gay-lera ng mga shupatembang ko. Sa dako pa roon kung saan may mga kweba at dinosaur -- knows mo kung san yan noh?! -- eh me naulinigan aketch na mga badesang nagmimiss gay miss gay-an sa dalampasigan. Aba, pagsipat ko, ang hitad kong neighborhood, nakasarong pa na ginawang haltered gown! Ay naloka talaga ko! Ang baklang inggitera, lumapit ke neighbor at kumalabit.

BM: Oi kuya! Musta? Kelan ka pa ditey?
Neighborhood: (natulala, namutla at napanganga ng 5 seconds, saka nakabawi) Oi BM, kanina lang. Uuwi na rin kami sa Sunday.
At dahan-dahang kinakalas ang haltered sarong sa pagkakabuhol sa leeg nya. take note, ang matinis na boses ni Ms. Uruguay, naging baritone ng walang kaabog-abog.


Borboli Moment

Shempre pa, para mapagtakpan ang lansa ng sirena, kelangan eh may after shave na men's cologne. Dapat super musky ng amoy para ma-focus sa sangsang ng pabango ang pagdududa ng gelpren mo. Dito na papasok ang pagkakaroon ng mga concealer -- also known as the girlfriend.

Ang beki, pipiliting kumuda ng babaylan, masabi lang na macho at papable. Kahit pag lumapit ka eh mahahatsing ka sa tindi ng pagka-paminta ni ate, wit aamin yan. Aakbay pa sa girlfriend, sabay halik sa buhok or noo or leeg.

Magkukunwari pa na babaero, na sabay-sabay ang mga jowawits, para nga naman chickboy ang dating. Lahat ng gawaing panlalaki eh gagawin, pati pagkokolekta ng kung anik anik na items mula magazines na fhm, hanggang number ng mga babae, at pag mejo um-um (mahirap) eh gagamba na lang kinokolekta. At least panlalaki pa rin! Pero wag ka, secretly eh umiindak-indak sa saliw ng "womanizer" ni Britney ang baklitang naka-kadena.

Kung napagdaanan ko ba to? Naman! Naka-limang syota din kaya ako. Nung minsan pa na me in-eyeball akong boylet sa Welcome Rotonda eh tinanong ng kasama ko sa apartment kung sino mineet ko, ang sabi ko na lang eh nakipag-eyeball ako kaso tomboy pala. Pinangalanan ko pa shang Ate Olive.

In fairness naging masaya naman ako dun sa una kong gf. Tawagan pa namin eh "mahal". Close ako sa pamilya nya, at bestfriend ko sha. Di ko na maalala kung bakit kami nag-break, basta ang alam ko after namin mag-break parang ang gaan-gaan ng feeling ko.

Yung pangalawa naman, dare lang namin nung bestfriend ko nung college. Sinagot naman ako ni lola mo. Kaso after a few days nag-break na rin kami. Ang ikina-tumbling ko, naging sila naman nung bestfriend ko! Umeksena pa kami ng iyakan kasi di raw nya sinasadya na mahalin ang ex ko. Humingi sha ng tawad kasi ayaw nyang masira ang pagkakaibigan namin. Sha yung kauna-unahang lalaki na umiyak ng dahil sa kin. At sha rin yung unang lalaking iniyakan ko. Kasi...


Di ko rin naman sinasadya na mahalin ko sha.


Adios Narnia Moment

Nung nalaman ni bestfriend na na-inlavavo na pala ko sa kanya, goodbye Narnia! Ayun na nagkaaminan na. Thus I entered into the next stage of my paglaladlad.

Sa pagpapa-despedida ko sa Narnia, eto na yung pagdinig sa tawag ng damdamin. Answering the call of your inner pechay. Being true to the the cauliflower within.

Peborit ko yung coming out scene ni Wanda Ilusyunada na nasa hapag-kainan sila at mega ispluk si badesa ng "Ma, pakiabot naman ng ketsup sa nag-iisang bakla sa pamilyang ito." Tapos inabot ng mama nya yung bote ng ketsup sa tatay nya! Kaloka!

Yung isang crush na crush kong cutie pie dati na maganda ang boses, nakitulog sa haus nung college ako. Sa kwentuhan, bigla nyang tinanong: "Kuya ano po ba yung BJ?" Aba, I smell an opportunity. "Di ko ma-explain eh, pero kaya kong gawin."

"Sige po. Gawin natin..." Eh di nung gabing yun nalaman nya kung ano ba ang BJ. At kinabukasan, pagmulat na pagmulat ng mata eh eto ba naman ang ispluk:"Kuya pwedeng isa pa?"

Why not!


Spelunking Moment

Ayan na, itodo ang pagka-katimora. Fabulosa sa explore at experiment. Lab gown kung lab gown ang bakla! SEB ditey, kembot jan, bembang doonchi, bongkang jan. Lahat na ng pwesto papatusin. Lahat na ng posteng may tite, kukudain. At lahat na ng posisyon, tirang-pasok talaga ang beki. Sabi nga nung opismeyt ko: "I'm in my 20s! I have needs! I'm hot! I'm horny!"

Ako in fairness demure na demure. Unang kuda ko, sa Rizal Stadium. Si kuya, pagdaan sa likod ko, dinakma yung... hinliliit ko! At nakipag-pinkie swear sa akin na pag sumunod daw ako sa kanya eh makakarating ako sa langit. E di sumunod ang bakla. Ayun, naganap ang di inaasahan. Nginig na nginig pa yung tuhod ko habang kinukuda ko si Kuya. Unang kuda ba naman!

Me naging bowa ako, nagpaabot lang ng request sa bandang tumutugtog sa stage, tapos inabutan ko rin sha ng papel na me number ko. Si cutie chinito ng wow philippines. Nakapunta pa ko sa haus nila sa Tondo na parang me factory sa baba. Asan na kaya sha?

Eto na siguro yung time na wet and wild ang hormones ng beki. Nakipagkembangan na ko sa gitna ng dalawang naka-park na bus sa malate, rumampa sa goldilocks na puro beki rin ang laman, at nakipag-eyeball kung saan saang lupalop ng mega manila.

One time eh nagkunwari pa kong anak ng parlorista na pinalayas ng stepfather. Nung time na yun kasi blonde ang buhok ko. Hindi highlights ha, as in buong buhok. Mukha akong leon na gutom. Ayun, naawa sa kin si kuyang tambay sa cubao, nagpaubaya sa kalandian ko.

Wag ka, yung unang bembang ko naganap sa tulong ni Kuyang umiiyak sa bar kasi iniwan ng bowa na gurlaloo. Mega console ako at listen sa dramarama. Tapos sinama ako sa haus nila sa San Andres kasi nga magkekembutan kami. Eh me tao sa bahay. Dun kami bumagsak sa katabing bakanteng lote na me labahan at sampayan. At yung mga sinampay pa ang nilatag nya ha. Matapos yun, para kong rape victim.


Relapse

Minsan eh di maiwasan na mag-isip ang beki. Where do I go from here? What about my future? Lalo na pag nakakita sha ng beking majonda na at parang walang kinahinatnan ang buhay. O kaya eh mga baklang me anak. Or mga beki na happily married sa mga bowa nila of 20 years. Nalulungkot, nag-aasam ng kalinawagan, at ayun na. Ang baklang nag-iisip, natotomboy. Alam mo yan.

Eto na ang pagbabalik ng cancer cells. Tomboy once again ang ate mong badesa. Ang muling pagtikim ng dinuguan. Wa epek ang chemo bumalik ka na naman sa dati mong gawi. Nagtatago, natatakot, nakakanlungan. Good morning banga! Nasa loob mo na naman ako!
Ayan na naman, nauuso na naman ang mga Ogie Diaz at Arnel Ignacio ng sangkabaklaan.

So far naman eh wala akong ganitembang na feeling. Susko wag naman po sana akong maging dinuguan-fanatic. Parang di ko ma-imagine.


Dito Ba moment

Ditey na talaga magdedesisyon ang bakla. Habang umaawit ng dito ba eh unti-unting isinasabit ang alinmang mapipili nya. Ang wooden boy ba, or ang girlie figurine? Hula hoop ba, or baller ID? Jack or Jill? GL Card, o Kayod Card? Marvin o Jolina? Kc o Piolo? (ay parang no wrong answer!)

Jan na rin papasok yung "Dis is Rily is It Moment" na masasabi mo, once and for all: I'm GAY and I'm proud of it! Pag natanggap mo na yun sa sarili mo, magsisimula ang pagtanggap sayo ng ibang tao.

Sabi ko nga, ang paglaladlad eh mas mahirap pa sa pagpapakasal. Ngayun me annullment na. Sa pagkabakla meron ba?! Anal-ment lang meron. Pag talagang desidido ka na, at naisyuhan ka na ng BIN (Bakla Identification Number), there's no turning back. Pwedeng magbago ka, pero deep inside, alam mong sa kaibuturan ng puso't pagkatao mo, nakatago ang kaliit-liitang himaymay ng buto mo na nakatikwas, nakapilantik, at nababalutan ng pink na ribbonlet.

Ang paglaladlad eh parang The Journey to the Wonderful Land of Oz.
Gusto nang umuwi ng malanding si Dorothy kaya kelangan nyang baybayin ang yellow brick road. Nakasalubong nya si Cowardly Lion na nangangailangan ng katapangan. Nakisabay din si Tinman na witchikelles na bet maging heartless. Si Scarecrow na isang biktima ng dumb blonde syndrome, ayun nakisawsaw din para magkaroon sha ng isang kilong utak. Si Toto - anti dandruff / anti pulgas naman ang hanap.

Malay ba naman nila na sa Emerald City pala eh makikita nila ang Wizard na kailangan na ding magising sa katotohanan. At si Witch na biktima ng stereotype. Kasalanan ba nyang maging hadhadin? Ikaw ba naman ang matigang?! Tapos pag nag-wet sha eh mamamatay sha, kaya tiis-landi si bakla. Ayun tuloy dinaan na lang sa kamot sa walis ng pukengkay nya si Wicked Witch of the West.

Parang kabaklaan din yan eh. Kelangan mong isaalang-alang ang puso, utak, with an ounce of katapangan at katotohanan. At ang makawala sa stereotype na minsan eh nakakasakal at nakakaumay.

Super haggard bago ka makarating sa ultimate desisyon na "I'm coming out, I want the world to know, got to let it show!" Sometimes, you just have to click your heels and your silver shoes will take you...



HOME.

5.09.2010

Kakanin

Pano ba mag-move on? Pano ba mag-let go? Pano ba mag-give up? Pano ba mag-move forward?

I was doing good moving on from my previous break-up. Yung bote ng tequila halos ubos na. "Halos" kasi siguro tatlong tagay at isang baso na lang sha. Yung tshirt na iniwan nya, medyo naluma na kakalaba ni Yaya kasi nung bago-bago pa lang kami naghiwalay eh suot ko lagi. I was on my way to freedom.

And then he came back. Bumalik si Budwire -- complete with new words and new catchphrases. Fabulous talaga ang vocabulary ng Daduds ko.

Sa pagbabalik nyang yun, bumalik na rin uli ang rigodon naming dalawa. Habang nagti-tinikling ako, nagsi-singkil sha. Habang nagpipiko ako, nagpapatintero sha. Habang nagka-casino ako, nagka-cara y kruz sha. Sa pagbabalik din na yun ni Budwire, may isang aspeto sa buhay nya na na-gets ko finally. Si Budwire pala ay isang... jejemon.

Tulad nung nauna naming bulagaan, basta sumulpot na lang sha sa pinto ng pink villa habang nagbabasa ako ng "City of Bones" sa kubeta. Ilang beses na nyang sinabi na pupunta sha sa haus pero ngayon lang natuloy. Pagpasok pa eh sabay sabi ng "Bolaga! Surprise!" Eto na naman po kami...

Tapos habang umeepal ang pinsan nya sa pagpapa-sweet namin eh me ispluk si pinsan na "Ako naiintindihan ko kung bakit nai-in love ang straight na guy sa gays. Kasi kaming straight guys, blah blah blah..."

Di ko na naintindihan kasi sumingit na si Budwire. "Nako! Eh bakla pala to! Bakla ka ba hoy? Naka! Bakla pala ito eh."

Sumingit ako "Daduds bisexual siguro kasi me girlfriend."

"Ahh bayot pala, hindi bakla. Anu ga yung bisexual?" Nung sinabi ko, lalong naloka ang lolo mo. "Hala eh silahis pala! Lagot! Ay gugulpihin ka ng tatay mo!" At nilait nya ng sunod-sunod ang pobreng pinsan.

What transpired was the usual inuman, kulitan, halikan, and everything.Masaya ko habang kasama ko sha, kasi I was saving the best for last.

Habang nagkukulitan, sabi ko ke Budwire "Last na to ha. Wag ka nang pupunta dito. (sabay subo sa kanya ng melon dice) Mag-break na tayo. Hahanap na ko ng bago."

Habang ngumunguya, "Nako Dadods, di ka makakahanap ng bago. Pag nagpunta ko dito, sisigaw ako sa labas ng 'Dadodz! Takbo! Me ihahagis ako! Grened tsaka atumic bam!' Takbo ka na agad nun! Sasabog tong pink haus mo!" Granada daw tsaka atomic bomb. Kayo talaga, judgemental!

Budwire has always been different sa mga nakembot ko. Kakaiba in the sense na di ko talaga alam kung anong habol nya sa kin. Walang line eh. Dun sa iba clear kung ano bang gustong machurvah mula sa akin. Ang yaman ko (parang meron), ang katawan ko (to die for!), ang atensyon ko (mga uhaw sa kalinga ng isang mapiling ina), ang puri ko (na puro at dalisay), o ang load ko (pasa-load o all-text20). Pag tumotodo sa pagka-demanding eh ang puso ko na ang target. Wow!

Si Budwire, mahilig sa kakanin. Puto, kutsinta, sapin-sapin, kalamay, ube halaya, maja blanca at leche flan. Lahat eh express padala. Nung unang tungtong nya sa Pink Street, walang kakanin na available. Sabi nya di naman daw yun ang trip nya. Basta gusto nya ko kahit walang kakanin. Consistent naman yun until umuwi sha sa Quezon.

Nung umuwi sha sa Quezon, at hanggang jeje-texts at jeje-quotes na lang kami uli, nagsimula ang pagkahilig nya sa mga native delicacies. Ilang beses din na sa kin pa sha humingi ng kakanin. At all the time, binibilhan ko naman sha, on the condition na pagkatanggap nya sa kakanin, pupunta sha sa bahay. Pero ilang beses na di sha nagpunta. Ang kakanin, kinain nila ng barkada nya.

Until I realized na kulang na pala ang mga bilao ko -- lahat nasa kanya. Ayokong dumating yung time na pag ako naman ang nag-crave sa kakanin, saka naman wala.

Ganun ba talaga? Pag gwapo ang bowa mo dapat willing kang magpaka-Inang Yaya? Sabagay yung iba nga kahit di kagwapuhan ang bowa eh extravagant pa rin sa paggasta. At least sa gwapo napunta ang pinagbentahan ko ng yema. Pero nung mabagsakan ako ng bote ng macapuno, ay lokohan na toh. Ayawan na.

Wala talagang gamot sa tanga. Pero nung time na yun di naman tanga ang tingin ko sa sarili ko. Para lang akong nagka-casino. Tumataya sa roleta ng kalandian. Nagsusugal -- buwis puso at puday para lumigaya. Malay mo nga naman maka-tsamba.

Para shang casino, mananalo ka muna sa umpisa. Ke Budwire, ang casino chip ko, pinu-purchase ko pag wala na shang makain, pag wala nang feeds ang tandang, pag me bibinyagang anak ng jejemon sa Quezon, pag wala nang gamot si Mamang! At shempre, pag wala na shang load. Takbo agad si Bakla sa suking tindahan kalakip ang proof of purchase at signature. Dimo namamalayan, natalo ka na pala ng wala kang kalaban-laban.

Pero ang prinsipyo ko sa casino, dapat alam mo kung kelan ka aayaw. Ke nananalo, ke natatalo, me limit dapat. Kung hanggang ilang kakanin lang ang pwedeng ibigay. Kung slice lang ba o bilao ang ipapadala. Kung ilang casino chip lang ang dapat itaya. Kung ilang porsyento lang ng puso mo ang pwede mong isugal.

Para manalo, matalo, hindi ka man kumabig ng malaki, di ka pa rin naman lugi. At kung takot kang matalo, wag kang sumugal, at all.

Kaya nung umuwi na sha uli sa Quezon I've decided to really end things between us. Ganun ako kaganda at ka-confident. Na kahit super duper mega over gwapo sha sa paningin ko eh kakayanin ko pa ring makipag-break sa kanya. Yun ay nung pakiramdam ko eh sobra na ko sa taya.

Sa casino you should really know when to stop. Too bad di pa ko tumigil nung kumakabig pa ko. Nung di pa ko sumusugal nang malaki. But I think, naka-quota na ko. Time to send him home.

Kaya habang pauwi na sha, sabi ko last na yun, at mag-break na kami. Kasi ayoko na shang suplayan ng kakanin. Naintindihan naman nya, and we parted as good friends.



The End ~ I wish.



How I wish ganun talaga yung naging ending. But no. Binigyan ko pa rin sha ng kakanin that day. At after nun, naka-ilang kakanin pa uli sya. At sa bandang huli, ang naging palusot ko na lang eh sobrang lame. Nagpalit ako ng number.

I guess with Budwire, I would never be able to properly say goodbye. I can only pretend. He's busy fighting plants and zombies. He's busy plowing his farmville. And yes, he's busy being someone else's Dadudz.

Budwire: I knew you would break my heart.
BM: You broke mine first.

Sabay sara ng pinto at humahagulhol na sumandal sabay yugyog ng balikat, habang dumadausdos pababa paupo sa sahig.

5.08.2010

Strange Encounter

Isang araw, sa Imbiernes, Sta. Ana, Manila. Nakasalubong ko si Aiza Seguerra.

BM: Aiza!
Aiza: Oi hi!
BM: Aiza! Aiza! Aiza! (may paghawak sa balikat sabay yugyog)
Aiza: Oh bakit!
BM: (hawak pa rin ang balikat ni Aiza) Aiza ako si BM! Ako si BM! Natatandaan mo pa ba ko?!
Aiza: (confused) BM? Kilala ba kita?
BM: Hindi! Nakasalubong mo lang ako dito ngayon! Aiza! Dito mismo ngayon lang, nagkasalubong tayo!
Aiza: Ngayon lang? (naloka na si Aiza)
BM: Oo ngayon lang mismo! Oh sige! Ingat ka ha. (bumeso muna, sabay lakad palayo na parang walang nangyari.)
Sana si Piolo naman makasalubong ko o kaya si Mario. (bulong sa sarili)

That was 6 years ago. Pero sigurado ko pag nakasalubong ko uli si Aiza, maaalala nya ko. Three years ago sa interview nya sa The Buzz nabanggit pa nya yun as one of the weirdest encounter nya sa isang fan. Hehehe. Sureness ako, never nya kong makakalimutan.

Meron talagang mga taong ganun no? Anlaki ng impak sa buhay mo, kahit matagal na silang wala pag naalala mo, imposibleng di ka mapangiti, matawa, maluha o malurki.

Naalala ko si Budwire... di ko alam kung matatawa ba ko o maluluha.

Ginawa ko pareho... ng sabay.

5.03.2010

The Price is Right

Lately, feeling babae ako. Ninamnam ko ng simut-sarap ang pagiging babae. At tagos-buto kong nilasap ang pagtubo ng pechay ko. Kasi, nag-date kami ni Soulmate at sha ang gumastos.

A month ago, after ng klase ko eh nagtext si Kong. Tinatanong kung nasaan ako, kasi nasa Cubao daw sha at magkita daw kami. Sa dinami-dami ng beses na nagkita kami ni Kong eh never pa kaming nagkita ng planado. Laging coincidence, laging nagkasalubong, laging aksidente.

This time, magkikita na kami talaga. Hihiramin daw nya yung Percy Jackson series ko. Sureness! In return eh magla-lunch daw kami.

Nung nasa Cubao na ko eh nagpapamasahe pa ang lolo mo kaya hinintay ko pa sha. Ayaw pumayag na dun sa massage parlor ako maghintay kasi naka-brip lang daw sha. Bakit papasok ba ko? Sisilip lang naman ako ah!

Eh di yun na nga, nagkita na kami at nag-lunch. Tokyo-Tokyo. Tapos niyayaya pa ko ng lolo mo na manood ng sine. Sagot nya. Kinilig naman ako. Mukhang pinaghandaan ng lolo mo ang araw na ito. Amoy bagong sweldo!

Soulmate: Tara tingnan natin anong magandang palabas. Nood tayo ng sine.
BM: Ngayon?
Soulmate: Oo sa taas baka may magandang movie.
BM: Kong, madilim dun eh.
Soulmate: Oh, ano naman?
BM: Baka matukso ka eh. (sabay blush)
Soulmate: (nasamid bigla) Wow ako pa ha. Hehehe!
BM: Oo naman. Eh pag natukso ka, baka pumayag kasi ako.
Soulmate: Sabagay, kesa nga naman masaktan ka pa pag namilit ako.
BM: Exactly. Kaya next time na lang ha, pag wala ka nang feelings para sa kin. Hahaha.
Soulmate: Sige next time.

Tinuloy na lang namin ang kain sa Tokyo-Tokyo at umuwi sa bahay na pink para kunin nya yung mga book. And yes, sya rin ang nagbayad sa jeep.

Nagpakipot ako. Akalain mo yun! Minsan lang ako yayain ng straight na lalaki na manood ng sine, sa isang ina-assume ko na date, at TUMANGGI AKO!! What was I thinking?!

Nung Friday naman, nagtext uli ang Soulmate ko. Tinatanong kung pumasok ba ko sa office. Since naka-leave nga ako, sabi nasa bahay na pink lang ako.

Kita daw kami uli sa Anonas, sa Mcdo. Hihiramin na nya yung book 5 ng Percy Jackson. Kasi nung humiram sha dati, apat lang pinahiram ko. Para mabitin ang lolo mo at balikan ang book 5 sa kin. Hihihi... Kailangan pag tumira ka, me placing na agad para sa susunod na tira.

So ayun na nga nagkita na kami sa Mcdo at kumain ng merienda. Kwentuhan, reminisce sa lumang workplace. Napag-usapan ang dating crush, at kung pano ko umasa at nabigo.

Soulmate: Oi tayo ha, friends lang tayo. Baka umasa ka rin gago ka.
BM: Wow! Me disclaimer na agad?!
Soulmate: Siyempre. Sayang naman ang friendship.
Kumuha ang lolo mo ng french fries at sinawsaw sa ketchup.
Soulmate: Ayan ha (nag-drawing ng ketchup line) yan ang line. Wag ka magko-cross jan sa line na yan. (nilagyan pa ng french fries ang line)
BM: Me line talaga?! Eh andali-daling i-cross nyan eh.
Soulmate: Basta, hanggang jan ka lang sa line na yan.
BM: (kumuha ng isang fries dun sa line) Hmmm... Ako hindi ko iko-cross yan. Siguraduhin mo rin na hindi mo iko-cross. Baka matukso ka. Marami nang nagtimpi pero di nakatiis. (kapal!)
Soulmate: Hahaha! Sige, promise di ako mate-tempt. (sabay tawa nang labas ang ngala-ngala)

Naninibago man na nililibre ako ng lalaki, in-enjoy ko na lang.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang notion ko. Dapat pag bakla, laging me bayad. Ikaw ang gagastos pag lalabas kayo, ikaw ang kekembot pag kulang ang budget nya, pag me mot-mot moment, sagot mo, pag me kuda at bembang me talent fee dapat, pag nagtext ka padalhan mo ng load para makapag-reply. Basta pag bakla, walang free ride. Bawal ang 1-2-3.

Technically me kapalit nga naman yung mga lafang namin ni Soulmate kasi hiniram nya yung libro ko. Pero operative word, hiram. Yung mga canton boys ba, hiram lang yung kanton na pinalamon ko sa kanila? Si Marvin at Magic ba eh hiram lang yung mga kinembot ko sa kanila? Pag kinati kami at nagpapamasahe kami, hiram lang ba yung talent fee?

Me kilala pa naman ako, reyna ng extra. Extra rice. Extra gravy. Extra service!

Bakit pag bakla laging me bayad? Yung mga pagkakataon na libre ang kembot, its either lasing ang lalaki or hindi talaga yun lalaki. Or walang kamalay-malay, tulog lang at naalimpungatan na lang sila nilololipop na si Mayor. Pag ganun ang nangyari, asahan mo, gera patani ang kasunod, me mga betrayal ek-ek pang sumbatan at take advantage na kachurvahan. Ang naging kabayaran ng pagkembot nya, yung pagkakaibigan nila.

Me friendship naman ako, iba ang eksena. Nung isang linggo tumawag sa kin. Iyak ng iyak kasi ang sakit sakit daw at hindi na nya kaya. Straight ang bowa nito at nag-break na sila. Nag-worry ako kasi I know the feeling. So nagkita kami. At nung kinuwento nya yung nangyari, nag-somersault talaga ko sa Gateway Mall.

Si jowa nya na straight, di raw nagte-text. Kina-cancel ang tawag nya at eventually eh nakapatay na ang cellphone. Nung tinanong ko kung bakit, kasi daw di nya pinayagan makipag-inuman sa mga kabarkada, pero sumige pa rin ng punta. Eto rin yung jowa nya na me rule sha na dapat eh holding hands sila sa public, at bawal na mag-text sa ex-girlfriend nya.

Naloka ako! Hindi ko alam kung mashado na bang distorted ang tingin ko sa pagka-bakla ko, oh mashado lang maarte yung kaibigan ko. Para sa kin kasi, bakla ako kaya alam ko yung lugar ko. Di ako demanding sa bowa ko, di ako nagseselos sa asawa nya, at di sumasama ang loob ko kung me nilalandi man shang ibang babae. At para sa kin, lahat me kapalit. If the price is right.

Bakla ako eh. Tanggap ko. Di ako magkakagatas kahit pa ngumuya ako ng isang buong puno ng malunggay. Di ako magkakamatres kahit pa artificial at me expiration date. Di ako magkaka-pechay kahit pa itanim ko ang lahat ng halaman sa bahay kubo. Kasi yun ako. Pwede akong mag-inarte habang panahon, o pwedeng tanggapin ko na beki ako at may scope and delimitation talaga ang buhay-vaklush.

Hindi ibig sabihin nito na maliit ang tingin ko sa sarili ko. Hindi ko nila-lang ang pagkabakla ko, kasi minsan hindi ako "lang", madalas eh "mas" pa nga ako. Siguro mashado lang akong nasanay sa sistemang ganito, kaya sobrang realistic na ng pananaw ko. You be the judge. Ano ba dapat? Bakla ka na, babaklain ka pa. O bakla ka nga, asal-babae ka naman.

Basta ako, kilig lang.

Tama na yung kiligin ka sa mga nakikita at nararamdaman mo. Wala na yung mga emote-emote kasi sayang ang tissue kung ipapamunas ko lang. Sayang ang uhog kung isisinga ko lang. Sayang ang luha kung itatapon ko lang.

Lately, feeling babae ako. Pero after a few days, balik sa feeling bakla na uli.

Sa merienda naming yun ni Soulmate, sha uli ang nagbayad. Hay, BM. Babae ka. Pero alam ko malabong maging kami. Kasi nung naghiwalay kami, lumingon ako sa kanya. Dire-direcho lang sha lumakad palayo.

Hindi sha lumingon.