8.12.2012

Eighth Separation: Soulmate for Life

One funny conversation I had with my Soulmate. Read on...




BM: Soulmate!!! Padalhan mo naman ako ng DVD ng Kimmy Dora!!! I miss u! Tutal ikaw naman ang Uge ng buhay ko, at ako naman ata ang vice ganda ng buhay mo...?

Soulmate: Sige pag may dumating papasabay ko hehe! So mas mapang okray ka ganun?

BM: Ahehehe, oo… Artist ka naman! Aber sinong gusto mo para sa kin?

Soulmate: Si Sweet! John Lapus! Hahaha!

BM: Ahahaha potah ka! Mas sikat si Vice, sha na lang!

Soulmate: Oo nga sya na lang. Di naman nagkakalayo face nyo, hihihi!

BM: Hahaha! Pati taste sa lalaki, di rin naman kami nagkakalayo!

Soulmate: So basketball player din ang bet mo?

BM: Hahaha! Basta straight!

Soulmate: Ano pinagkakaabalahan mo ngayon dyan? Sumeksi ka eh!

BM: School lang.

Soulmate: Nagkaron ng shape body mo.

BM: Tsaka jujitsu!

Soulmate: Ahh kaya pala, medyo zigzag shape ng body mo chos!

BM: Hihihi. I’m a zigzag beki.

Soulmate: Ano ba balak mo dyan? School ka pa eh papatransplant ka lang yata!

BM: Balak ko maging curvy hahaha! Gaga, teacher ako remember. Actually, speech therapist.

Soulmate: Oo nga pala. Nasampolan nga ko ng english mo di ba? Naloka nga ko eh. I wonder pano ka nakarating dyan, HAHAHA!

Bm: Ulul!

Soulmate: Lol.

BM: Ako nga nagtataka pano ka pumapasa sa quality control ng calls mo eh. Di ba nabibingi mga kausap mo sa echo? Laki ng bunganga mo eh... wahahahaha

Soulmate: Tanga yung mouthpiece ng headset ko nasa kabilang station para mabalance!

BM: Ahahahaha!

Soulmate: Aso ka ba?

BM: At baket?! Pickup line ba yan?!

Soulmate: Ulol ka eh! Hahahaha!

BM: Kung aso ko, eh di nabingi na ko sa frequency ng sound mo!

Soulmate: Kaya nga mabuti nadyan ka sa malayo. Hindi ba nilalamig ang mga labi mo?

BM: At bakit na naman punyeta ka!

Soulmate: Kasi....nag-yeyellow na teeth mo eh! Hahahaha!

BM: Ahahahaha. Ampotah ka!

Soulmate: Miss kita bakla. Meron pa ko for you pero next time na lang, tama na muna yung dalawa. Hihihi!

BM: Hahaha sige i-conserve mo yang energy mo soulmate.

Soulmate: O sya rest muna ko..kakalibing lang kanina ng brother-in-law ko.

BM: Oh… Condolence soulmate…

Soulmate: Thanks.

BM: Dinaot-daot mo ko, namatayan pala kayo. Sana di na ko lumaban hihihi

Soulmate: Kinabog ko nga ate ko eh

BM: Bumongga ka ng hilata sa lupa?

Soulmate: Hindi naman. Mas malakas yung iyak ko sa kanya with matching hampas pa sa floor, echos! Iba nga yung sinuot ko.

BM: Sana kumain ka ng lupa, para effect.

Soulmate: Muntik na nga eh. Dapat nga mag all black ako tapos malaking hat na may net na tabing sa mukha kaso naisip ko baka makaagaw ako ng attention

BM: Buti naman naisip mo pa yun, eh tuliro na ang utak mo db?

Soulmate: Oo naman kaya nga nag white na lang ako na see through kahit na bumabagyo

BM: Potah ka kinabog mo pa yung patay! Sana na lang silent emote eksena mo... tipong hilda koronel, sa gilid lang ang patak ng luha!

Soulmate: Ang peg ko kasi kanina mala nora sa himala o kaya ate Vi sa relasyon

BM: Bakit hindi si Uge sa kimmy dora?!

Soulmate: Wala ng time eh.

BM: Ah, sabagay, ahahahahaha!

Soulmate: Syempre kelangan ko pa mangulekta ng kurtina para iba iba color… bulaklakin.

BM: Pwede naman na yung punda ng throw pillow!

Soulmate: Sayang nga eh

BM: Hay sayang nga soulmate. Next time ha, pag yung asawa mo, si Mack naman ahahaha etchoz!!!!

Soulmate: Pag ikaw mas bongga. Halaman lang suot ko pang environmentalist.

BM: Hahahaha potah ka, gumugulong na ko sa kakatawa. Akala ko wala ka ng comeback ke Mack. Meron pa pala!

Soulmate: O kaya ahas lang.

BM: Ahahaha! Pag sayo soulmate ang peg ko si lady gaga. Nasa loob ng itlog.

Soulmate: Ahh kala ko meat din suot mo. 

BM: Ang outfit pang no other woman! Mag-snake swimsuit akez!

Soulmate: Pag ako galingan mo yung acting ha

BM: Oo naman, makakaasa ka Fatima.

Soulmate: Yung may tulala saka pagkisay

BM: Ay hindi ganyan, tv patrol acting agad. DYOS KO!!!!!! FATIMAAAAA!!!!!!!

Soulmate: Oo ganyan. Konting energy pa! Tapos may lalabas na bula sa bibig mo.

BM: DYOOOOSSSS KOOOOO!!!!!!!! FAAAAAAATIIIIMAAAAAAAA!!!!! Ganun, pwede na?

Soulmate: Bravo! Performance level!

BM: Yey! Thanks direk!

Soulmate: Tapos ire-revive ka daw pag nahimatay ka.

BM: Potah, himatay himatay?

Soulmate: Oo ganun talaga.

BM: Sino hahalik sa kin? Dapat me mouth to mouth!

Soulmate: Konting kuryente lang naman, pa effect.

BM: Ahahahaha! Sa pwet agad ha!

Soulmate: Tangek kukuryentehin ka.

BM: Para magising ako talaga?

Soulmate: Tangek babasain ka tapos puputol sila sa poste ng kawad. Minor lang yun.

BM: Ahh, ok. Nag-worry kc ako, baka major major kawad. Sige, go na ko jan. Hahaha!

Soulmate: Hahaha! Kaso mauuna ka nga sakin kaya ako na lang gagawa, tutal ako naman script writer… mas alam ko i-act. Oh sya wag ka magbilin at alam ko na ang gagawin ko, promise.

BM: Hindi mauna ka na. Alam ko na rin. Nai-save ko na dito sa usapan natin.

Soulmate: Ok magawan nga kita ng last will.

BM: Paunahan ha! Tapos kung sino unang makatapos, sya last na mamamatay

Soulmate: Walanghiya. Bruha! YELO ka ba?

BM: Oh akala ko ba dalawa lang?!

Soulmate: Out na kasi talaga ko eh. Dali antok na antok na ko may gagawin pa kami ni Mack no, ano ba?

BM: Hahaha ate na naman c monique?! Potah ka! Sige, bakit?

Soulmate: Sarap mo kasi ihampas sa pader eh! Hahaha! Night! Muah!

BM: Hahaha!

Soulmate: Miss you soulmate!

BM: Good night soulmate… Miss you too!

Soulmate: Sige na at malamig ngayon.

BM: Hahaha, malibog! Sige na, karatin mo na c Mack!

Soulmate: Tseh mana lang ako syo! Bye!

BM: Good night soulmate!



Soulmate kong Baliw, channeling her inner Bitoy!

2 comments:

  1. sana hindi to mabasa ng ate ko kasi wala syang idea na kinabog ko sya nung araw ng libing eh hahaha baka utusan nya yung asawa nya dalawin ako...
    love you soulmate! miss you!

    ReplyDelete
  2. lafftrip aman tong usapan niyo :)))))))

    ReplyDelete