10.02.2010

Kalakal


Bago ko tuluyang magdadakdak dito, isang sumbat muna. Mga dautera kayo! Di nyo man lang pinansin yung boobs ko! Umefort effort pa ko ng photo shoot dededmahin nyo lang pala. Hmpf! Di bale, balang araw, tutulo rin mga laway nyo sa alindog ko! Aherrrrm... Ok na ko. Kalimutan nyo ang eksena ko. Now on with the post.... Tenenenenenenen...




"Isang kahig, isang chupa. Ganyan kaming mga bakla...."

Ayoko ng tawaging BBB yung haus ketch ngayun. Iba na sha. "House of Sonya" na ang bet kong ibinyag sa balur na itey. O di ba parang may touch of fashion and mystery. Parang bahay ng lagim lang. Plangak!

Anyway, bago akeiwa lumipat sa House of Sonya, habang nakatira pa ko sa iskwater noon, mulat na mulat lang talaga ang mga mata ko sa kajirapan ever. Kaloka naman kasi talaga mga mare! Kung pamilyar ka na sa mga limos limos, mga budol budol, at pati na mga isnats isnats, ay ning... prepare thyself!

Wichiririt ng maya! Wiz lelebel ang mga knowing mong chuchukachuchu ng mga mahihirap para lang kumayod at kumahig ng pwedeng lafangin sa araw-araw.

Nung Saburdey lang eh dumalaw akeiwa sa Iskwater kasi padasal sa jumangkin kez na nadedlak nung umeksena si Ondoy. Nagka-chikahan kami ng mga relationships kez sa iskwater at may I walk down memory lane naman daw ang baklita sa mga aneklavung pagkakakitaan galore na pinatulan kez dati.

Anjan yung normal na kalakal. Az in pag havey ka ng mga papel papel, upuan na nasira kasi jubis ang umupo, mga lumang glass slippers, kordon ng nyelpown (ay waley palang kordon ang nyelpown -- landline na kordon pala!), mga julambre, basyo ng tequila nights at redhorse, lahat lahat na...

Shempre tatanggapin yan ni DP. Si DP yung ex-juwawits ko. Dating Pa. Hihihi! Masabi lang na naka-move on na si Bakla, kahit malabo pa sa tubig kanal yung mub-on-mub-on na yan sa bukabularyo kez. Anyway, pwede nang pambili ng viand yung pinagbentahan ng kalakal. Yung isang beses nga na nasunugan sa looban, yung isang bahay dun na maraming tambak na kalakal sa kwarto parang kumita pa eh. Instant dispatsa ng mga walang wentang gamit, naibenta pa lahat ng kalakal sa bahay. Tubo pa si Aling Luming! (Insert -- Wag ismolin si Aling Luming, tatakbong Kapitana. At wag lalong ismolin si DP, tatakbo ring Kagawad si Tukmol. Isi-single vote ko sha malamang!)

Bukod sa pangangalakal, anjan din ang mga karerahan. Pamilyar naman siguro kayo sa karera ng mga motor at karu davah? Ganyan din ang principle behind the karerahan ng tricycle. Yung pot money eh Wanpayb (1500), minsan Tukey (2k) o Tupayb (2500). Maghahati-hati ang mga tukmol sa pampusta at hahanap sila ng mauuto na lumaban.

May variations pa yan, may "backride-is-a-must event", may "angat-sidecar event", may "angat-likod-while-umuusok-ang-shumbutso event" at meron din atang "angat-tumbong-ng-driver-at angkas event". Basta ang bilin nila sa nakaangkas na shunga-shungang nauto din, WAG TATALON. Simpleng instruction davah? Nung minsan na umangkas akeiwa, kaloka muntik ko nang malunok yung adam's apple ko at pagluwa ko eh adam's aratiles na ang nakalitaw.

Pumupusta ko jan minsan sa mga karera karera nila na yan. Pero mas madalas akong pumusta pag nagdudutdutan sila. Shempre may mga dayo lagi. Ang mga tinamaan ng kukunat, tuwing mahina sila lumaro, saka ako pinapapusta. Lagi tuloy talo.

Ang pinakabet kong karera sa Iskwater eh yung sa kalapati. Ite-train muna si ibonella. Pag redi na, sabay sabay silang mga official representatives na gogora sa isang malayo-layung lugar at saka ihahagis ang ibong may laya ng lumipad. Saka magsisitakbo pauwi ang mga tagahagis. May abang na tagahintay naman sa bahay nung mga kasali. Inter-iskwater ito kadalasan, me mga delegation from neighboring iskwater communities. Kanya-kanyang bet ang mga indigent. Pagronda ni shulapati sa balur, shokbo na agad ng umaatikabo si runner. Kelangan madala sa rendezvouz point ang ibon-boronbon para pruweba na nauna yung alaga nila. Pak! Sayo na ang pot money.

Shempre pag eleksyon. Ay churi ka, pati ako nakikipirma din sa payroll ng mga politicians. Basta may 1x1 id pic ka, may instant ID ka, may sweldo ka. Lalo na pag nanalo si Congressman. Panalo ka rin kasi may pa-swimming at pa-liga sa covered court.

Yung pinakanaloka ako na kalakal ditey, eh yung kalakal ng pension, benefits at beneficiaries. Si Carlota, sa araw araw na ginawa ni Kulafu eh dugyot yan. Waing bra, waley deodorant, wiz ang tutbras, wichiririt ang ligo mez. Yung safeguard sa balat ng lola mo, madaling mag-expire. Pero minsan naloka ko, pusturang pustura si babaita. Mega slacks at blazer, san ka pa?! Nag-ahit pa kamo ng kili-kili!

Kamukat-mukat mo, me lakad pala sa AFP si potah. Me ka-join force shang opisyal ng mga sundalo, bibigyan sha ng impormeyshon tungkol sa isang sundalong tegi na. Yung sundalong nategi sa gera slash engkwentro. Tapos kakabisaduhin ni Carlota yung details, at ike-claim nya ang mga benefits nung nateging soldier. As in minsan aabot ng kalahating milyon yung nakukuda nya bilang legal jowa ng namayapang soldier! Porsyentuhan din to mga ateng. Ten percent ang sa kanya, for the effort na magkabisa at maligo.

Per shempre ang pinaka-peyborit kong odd job sa iskwater: the Kembot Trade and Boda Industry.

Pwede ang promisory note: I promise to pay the amount of _______ to Kuya Joystick for the kembot that we will do on the _____th day of _____________, 2010. Isang putok.

Pwede ang mga gadgets at technological advances: pagamit ng brick game mo, pahiram ng PSP mo, palaro ng virtual patintero mo, pa-log in sa internet mo, paharvest ng plants sa farmville mo, at patira ng zombies sa PVZ game mo. Isang putok uli.

Pwede ang hand-me-downs: lumang shirt na cute ang design, slacks na maliit na sa bewang mo, mga polo-polo na panlalaki at di mo na bet magmukhang tiboli, mga vest at chaleko na ginamit mo sa kampanya para barangay chairman, mga sunglass at shades na waley na sa uso, mga sapatos na pudpod na ang swelas pero keri pang i-mr.quickie. Isang putok pa rin.

Pwede ang buffet at food junctions: pancit canton na may itlog at isang family size na RC cola, lugaw sa Tu-Tri na may puso, putlong o buy one take one na barger, tusok tusok ng squidball o chicken ball, at kung talagang taggutom na sila, kahit kaning lamig tsaka sardinas na blue bay o youngstown talo talo na! O kaya eh magpa-nomo ka ng jisang litrong matadoray, or jisang caseseses ng pink/fuchsia/magenta horse. Isang putok, pag madalas makikain, pwedeng dalawang putok.

Ditey sa iskwater, plenty ng mahihirap. Havey na havey ang mga dukha at rated p.g. Sandamukal ang buraot at kupal. Kaya ako lumipat ng hauslaloo. Dito sa House of Sonya, tahimik, safe, may gate, walang buraot, walang kupal. Elegante, may breeding ang neighbors, may ambiance at class, buhay mayaman, eksenang village. Mas masaya dapat ako. Pero nung nag-text si Dating Pa kanina, na-miss ko bigla ang iskwater.

"Bat di ka nagpapakita dito. Umuwi ka na, kelangan ka ng iskwater."

Umuwi.

Siguro nga, mas tahimik ang buhay ko ngayon. Mas safe, mas secured, mas maayos, mas payapa. Bakit pa ko babalik sa lugar na yun kung hindi na ako feeling mahirap? Pero di man ako bumalik sa lugar na yun, malamang habangbuhay ko nang gagawing proper noun ang salitang Iskwater. At habangbuhay din, pag narinig ko ang salitang yun, isa lang ang papasok sa isip ko.

Balang araw, uuwi rin ako.

9.27.2010

What if?


Curious lang akeiwa...






What if... may Baklang Maton na may boobs?






Anong masasabi mo?!










Pak!

9.24.2010

Segway ala Sonya

Kumusta naman ba akeiwa sa bago kong balur? Ang BBB.. isang bahay na buhay na bangungot. Chararat bumba!

More than a month na ko nakakalipat ditey sa BBB. Linggo Domingo nung naghanap kami ni Caipanget ng hauslaloo sa Malibay, Aim High Pasay! Bago kami sumuko ni Caipanget, me nakita kaming shupartment na mukhang may ibubuga.

Knock! Knock!

Nung lumabas yung landlady, kala ko nabuhay uli si Donya Delaila. Matronang may angas ang dating ng lola mo. Yung tipong may pangil at juntot sa madaling araw.

Ayun, tourism galore kami sa balur. Limang palapag. Labintatlong kwarto. Anim na banyo. Isang kusina. At rope ladder. Tarzan-tarzan ang uso sa bahay ni Aling Sonya! Churi ka, nag-demo pa si Lucresia. Kering keri nya maglambitin paakyat ng pip plor!

Sa madaling sabi, ang bakla, narahuyo ng kumikinang na balay-china. At dun na nagsimula ang...

Kilabot sa Bahay na Asul!

Acshuali, kilabot na hatid ni Aling Sonya. Sinufahvah?! Sa ganitech nag-start ang lahat:

Sa BBB, nawawalan kami ng waterloo pag madaling araw at pag hapon. Acshuali pag trip na nya patayin ang tangke. Nung unang araw ko sa bahay na baby blue eh pinakialaman ko yung switch. Nasunog yung motor. Ayun bad shot ke Aling Sonya.

Pagdating nya galing sa city hall ng Aim High Pasay eh nagtatalak na ang thunders at mega ambush interview sa lahat ng dumadaan kung sinetch itetch bang nakialam sa makasaysayang tangke ng waterloo at bibitayin ata ng lola mo.

Eh nung naulinigan (what?!) ko na pinagbibintanganelya na nya yung junakis na bilat nung shupetbahay ketch, may I go out na akeiwa at mega plead ng "guilty!" Pinagsabihan lang naman ako at di na nya tinawag ang mga nagroronda na tumutugis sa mga kampon ng dilim.

Kinabukasan, habang lumalabas ako ng gate eh biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Medyo mahilig kang maligo no?"

"Ay oho." Muntik na kong atakihin sa gall bladder!

Birthday bash ng baklita. Isang linggo pa lang kami sa BBB mega join force na ang mga kapanalig at kaalyansa ko sa politicians. Mega sugod mga shufatembang din mga ka-link kesh sa Kadenang Bugambilya. At mega migrate na rin ang mga Ung-ta galing sa Isla Noah. Naturalmente kapag may burpday, may nomo-an at charutan.

Ewan ko ba bakit sa tuwing aabutin ng madaling araw ang inuman eh napapapunta kami sa eksenang takutan. Mga multo moments at mga paramdam moments. Me pugot, me nakalutang na beki, me baklang nanggagapang, etsetera, etsetera.

Sa kalagitnaan ng dakdakan at dautan, may kumatok na parang galit na leon. Nagulat kaming lahat, kasi ba naman, nagtatakutan kami ng time na yun tapos biglang may tumotoktok sa pinto. Tumityempo ata!

Pagbukas ko, aba ang galit na galit na Aling Lucresia, este Aling Sonya pala ang nasa hamba ng pinto at mega talak. Ala-una na daw, kesyo maingay, magbabasahan kami uli ng kontrata, nakakabulahaw, perwisyo, salot, sunugin ang halimaw, ipako sa krus! Ipako sa krus! Ipako sa krus! Ganun yung leveling ng pang-aakusa ni Aling Sonya. Ang ending, inabot kami lalo ng umaga.

Kinabukasan, nung makauwi na ang lahat ng bisita, nakatayo sa may gate si Aling Sonya.

"Medyo malakas kayo mag-inuman no?"

"Ay, oho."

Eh di past is past na. Naka-move on na sha sa ingay ng nomo-an namin. Sumunod na eksena eh nung ngarag ako na nagtatapos ng thesis at kelangan ipasa sa deadline. Welcome reinforcements! Dayo na naman ang mga beki para tulungan akong magkunwa-kunwarian na may ginagawa.

As usual, wala naman kaming natapos. Basta nagsitulog ang mga hinayupak, yung isa buti na lang bili ng bili ng fudang, at least may silbi si bakla. Yung isa may dalang dessert na pistasho. Yun isa pa may dalang alindog at linamnam. Pak!

Kinabukasan pag-uwi ng Defenders of the Universe, nakasalubong ko uli si Aling Sonya sa gate.

"Medyo mahilig ka sa bisita no?"

"Ay oho."

Natapos na ang mga sigalot, namayani ang kapayapaan sa buhay ko sa BBB. Minsan eh petiks petiks lang na nanonood si bakla ng dibidi dibidi ng Wilma and Gracey, Lost, the Final Kembot, tsaka Jamaica's Next Top Charitera. As in payapa ang lahat.

Pagsapit ng tanghalian, nagutom ang bakla. Nag-empake ako ng mga gamit para pumunta ng palengke. Habang hila-hila ko ang luggage bag ko papuntang palengke, nakasalubong ko uli si Aling Sonya san pa ba kundi sa fave spot nya: sa gate.

"Medyo malakas ka mag-TV no?"

"Ay oho."

Gusto ko ng umalis sa BBB. Nakahanap na ko ng malilipatan, at ready na kong magbayad. Nagpaalam na ko sa kampon ng dilim kong landlady. Nagdrama na di na matutuloy yung kasama ko sa hauslaloo, kaya di ko keri ang gastos. Wala na kako akeiwang anda mae. Ang lupit, forfeited na daw yung deposit na seben kiyaw! Kalurki!

Fine ipaubaya na sa reyna ng mga tyanak yung 7k. Ready na talaga kong mag-move out. Kaso nung magbabayad na ko sa lilipatan namin, nakalimutan kong dumaan ng umaga. Pagbalik ko ng hapon, nakuha na yung balur. Sayang kondo-kondohan pa naman.

Eh di ditey na uli sa BBB. Di na ko aalis at magta-tyaga na lang ke Aling Lucresia. Para mapanatag ang kalooban ko, nagpaka-jitsitter na lang talaga akeiwa. Nung nalaman nya na pupunta ako ng Singapore, nakasalubong ko na naman sha, of all places, sa gate.

"Medyo lakwatsera ka no?" sabay bulong ng "Kala ko ba wala ka ng pera?"

"Ay oho." May pera pa ho ako, heredera ako ni Bibiana.

At ang pinakahuli, nung isang gabi nakatambay lang akeiwa sa living room number 1. Again, serenidad... kapayapaan... katahimikan... soledad...

Nung napasulyap ako sa bintana, I swear, muntik na kong atakihin -- this time sa puso na! Pano, may nakasilip sa bintana. Alam mo yung silip na di nya makita sa loob, kaya nakatakip sa gilid yung mga kamay nya, at nakadikit yung buong mukha nya sa salamin. Bigla talaga kong napatili na parang sirenang hinango sa tubig alat.

Yun pala ibibigay lang yung bill ng Maynilad. Ay kaloka ka talaga Aling Sonya!

Kinabukasan, shempre expected ko na nakatambay sha sa gate.

"Medyo mahilig kayong manakot no?" sabi ko.

"Ha?" takang tanong ni Aling Sonya.

"Ay oho."

Sabay flip ng shoulder bag at wasiwas ng hair. Pak!

9.17.2010

Serenidad

I'm on my way to a retreat this weekend.

Promise pagbalik ko sa Sunday iba na nakasulat dito.


I miss writing for you guys!

I miss that BM side of me...




Sa aking pagbabalik... ipakikilala ko sa inyo si... ALING SONYA!

9.01.2010

Si Susie at si Amalia



Kahit ilang beses ko nang sinabi na ang paglaladlad eh hindi isang beses mo lang gagawin, at hindi sha isang moment na pag sinabi mong "Bakla ako." eh keri na at iisyuhan ka na ng SBN -- social bakla number. Pero tumatatak pa rin talaga sa utak ng isang beki mae kung kelan na unang sinabi yung mga salitang yun -- malakas man, may nakarinig man, pabulong sa hangin man, or sinabi mo lang sa billboard ni Jake Cuenca.

Nung bata ako, Susie ang tawag sa kin sa Pandacan. Short for Susan (Roces naman ateng hindi Susan Africa!) Ang mga hitad kong shupetbahay kasi pinag-gegera kami ni Amalia. Si Amalia naman yung isa pang pinaghihinalaang beki lou dun sa lugar namin. Pero kahit pinagsasabong nila kami ni Amalia never kaming nag-away.

We were close. Hindi yung level na best of friends. Hindi yung level na nag-sleep over kami sa balur ng isa't isa kasi magkatabi lang naman mga balur namin. Baka mapingot ako ni Dominga ng bonggang bongga pag di ako umuwi. Or baka boljakin ako ni Aling Dolor pag dun ako bumorlogs.

Masikip kasi sa balur nila. Madami kasing junakis sila Aling Dolor. At super luma na nung 2nd floor nila, yung sahig eh parang nilatag lang. As in pag tumalon ka, sa baba ka pupulutin. Kaya hinay hinay lang sa lakad. At sa sobrang dami nila, bata pa lang eh naniniwala na ko sa milagro. Kasi after 48 years, mukha pa rin giray giray ang hauslaloo nila pero nakatayo pa rin. 48 years na rin silang hindi tumatalon.

Hindi kami laging nagkikita ni Amalia. Kasi nung bata ako, pag dinadala ako ni Bibiana kay Dominga feeling ko eh nakakulong ako. Mas feel ko yung buhay sa iskwater. Araw araw pwede kaming maglaro ng patintero sa A. Luna. Pwede kaming mag-follow the leader sa bukid (pagawaan ng hollow blocks sa likod ng iskwater). Pwede kaming mag-RPG ni Totong.

Pag nandun ako sa Pandacan, pinapakiusapan pa ni Inay (ang lola kong si Dominga) sila Amalia, ang ate nya or ang kuya nya para samahan akong maglaro. Ako ang unica hija sa Pandacan. Ako rin ang bratinella. Ako rin ang tagaubos ng ulam ni Inay. At tagareklamo pag kelangan na bumorlogs sa hapon habang nakahiga sa folding bed ko na butas yung sa may pwetan.

Eentually nung hayskul eh dun na ko tumira ng tuluyan sa Pandacan. May mga okasyon na magkasama kami ni Amalia. Pag me birthday, pag fiesta, pag may concert sa Balagtas, pag may away sa riles... Pero hindi pa kami naglaladlad.

Pareho lang kaming biktima ng "baby beki syndrome" -- since pareho kaming malamya at maarte, in-assume na ng sambayanan na lalaki kaming beki. At dahil mabait naman ako talaga hindi ko sila kayang i-disappoint. Naging beki nga ako hehehe... Pero never namin napag-usapan ni Amalia na, "Oo bakla ako. Pareho tayo."

Nung minsan eh inutusan ako ni Valentina na bumili ng Lapid's. Nagpasama ako kay Amalia kasi mahabang lakaran itu. Habang naglalakad, nakaakbay ako sa bewang ng lola mo. Eh mejo malapad yun, big boned si bakla. Niloko ko sha, hinipo ko yung kembot ng bakla at inasar-asar sha. Aba gumanti ba naman. Sa kalagitnaan ng Quirino at Nagtahan, may dalawang baklang naghihipuan. Ang sagwa! Sabi nya bigla "Mamaya na lang sa bahay."

Si Amalia ang kauna-unahang beki na nakakembot sa kin. I never returned the favor. Nung time na yun, top pa ko. Naka naman! Ah basta di ko pa bet bumoda. Ang halay kasi! Beki sha eh di ko masikmura na magpaka-tomboy. Basta nagpaubaya lang ako ng ilang beses. Pero di ko pa rin inaamin sa kanya at lalo na sa sarili ko na masarap at gusto ko ang nangyayari.

"Bakla ka ba?" tanong nya minsan.

"Hindi ah!" tanggi ko. "Masarap lang kasi."

Bisexual. Bi. Bi-yot. Metrosexual. Isang metro na lang bakla na. Bi-curious. Straight tripper. Feel na feel ko na ganyan ako nung time na yun. Kung anuman yung meron kami ni Amalia, keri na yun. Basta masaya kami. Tumigil lang yun nung nagkaroon na ko ng ibang barkada sa hayskul. Di na ko umuuwi ng maaga, lagi na kong nasa mga barkada ko, at wala na kong time shumambay sa riles. Nung lumipat ako ng haus nawalan na rin kami ng communication.



Last month, biglang nag-text si Tita Valentina. Patay na raw si Amalia. Complication sa diabetes. Iba't iba pang sakit. Na-comatose sha ng isang linggo, and then Amalia was gone.

Kung nagkita kami before sha sinundo ni Lord, baka matawa kami sa isa't isa. Sa kanya ako unang naglaldlad. Sa kanya ako unang nadapa. Sa kanya ako unang lumandi. Kung tinanong nya ako noon baka di ko maamin ang totoo. Di ko nga maamin sa sarili ko eh. Pero sana nagkita muna kami bago sha sumakabilang-rainbow.

Amalia, kung nasaan ka man ngayon... maglaladlad na ko.


"Oo, bakla ako."

8.31.2010

Samson

Nang mawala ako sa iskwater...

Nawalan na rin ata ako ng kakayahang magsulat...

Patawad guys, I might close this blog na for good.

If you have any objections, shoot me.















Charot lang!!!

I have a deadline to beat.

Magmaganda ba kasi?!

Nag-text ako sa adviser ko:

"Maam I think I work best with deadlines.
Let's set a deadline for me to pass the whole thesis."

Ayun dinedlaynan ako ng hanggang Webes.

As in Thursday... Kalurki!



I'll keep you posted mah dears!

8.20.2010

Closing the Doors

I have 7 photos in my hand, but only one of you will stay. So who goes home? I will tally the votes. (Paghalu-haluin natin lahat ng reality show!)



Canton Boys. Collectively, you are a great bunch. May kusa, may angas, may landi, may mejo gwapo, may tagilid, may sablay sa banga. Masarap kayong kainuman lalo na pag kayo ang gumagastos (mga kalahating beses nang nangyari yan). Panalo rin kayo sa swimming, kasi kahit walo kasya sa traysikel at go pa rin kahit sa Antipolo. Pero marami sa inyo ang umaambisyon na mag-celebrate ng Father's Day ng ganito kaaga. Spell kabuwanan at kabilugan ng tyanenat?!

Dinong, Harold, Jobert, Junior, Ikong, Ivan, Kiko, Tisoy, at kayong lahat ng mga talubata na Canton lang ang katapat, I'm sorry. The tribe has spoken. You have been eliminated from the race.


Marvin. Isa kang kembang na nagkatawang tao. Isa kang buhay na libido. Isa kang walking phallic symbol. Hindi ka na lumevel up. In fairness willing kang lumipad from Taguig to Anonas. Willing ka ring kumembang for a price. At willing kang mag-iloveyou kahit hanggang bibig lang. Di umaabot sa mata. Walang attachment. Walang emotions. Walang meaning. Just steamy, hot, meaningless sex. Lagi mo pang kasama ang sidekick mong si Hiroto na wala namang ginagawa kundi mag-jekjek habang nagkekembangan tayo sa kwarto.

Marvin and Hiroto, you're the last team to arrive. I'm sorry to tell you you've both been eliminated from the race.

"Di naman ako kasali ah. Sinamahan ko lang si Marvin" - Hiroto.

"Eliminated ka na rin kahit di ka kasali. Wag ka nang umapela. Wala kang right to suffrage."


Jepoy. Dati maxx na pula lang ang nginangata mo. Ngayon ata bakal na. In fairness, sa panahong wala ka sa piling ko, productive kang nilalang at nagawa mong maging lalong katakamtakam, kahalihalina at kabighabighani. Sinong magaakala na mula sa pagiging tambay, isa ka na ngayong Bikini Open amateur at umeekstra ka pa sa Momay, Mamarazzi at Pangarap kong jackpot. Binugbog mo pa si Bernard Palanca! Leveling ka na talaga. Me profile pic ka pa sa FB na naka-brip na katiting ka lang, at me pakpak ka pang kumukuti kutitap. Ikaw na ang may wings na shiny shimmery splendid! Gusto ko sana dyan ka lang muna sa side dahil baka sakaling sumikat ka. Masabi ko man lang na nagka-bowa ako ng artista. Kaso mukhang matatagalan pa. Mukhang iba ang habol sayo ng manager mo. Hindi komisyon kundi nutrisyon. Si manager kelangan ng protina.

Jepoy, you are wholesome, sexy and hot. Unfortunately, I'm not. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Magic. Standing before me is a boy who's so magical. Kahit mejo kinulang ka sa height, bumawi ka naman sa karakas na pang-gwapings, karisma na pang-pabling, at tutoot na pang-harabas. Winerva naman talaga ang makembot mo. Impernes nung huling kembangan natin, di ka lang talaga pampamilya, pang sports ka pa! Pinuno mo ng mga sundalo at tangke ang battlefield ko. Pinuno mo ng mga scud missiles ang nuclear plant ko. Pinuno mo ng mga suicide bomber ang teritoryo ko. Pero di ka na siguro magbabago. Lagi nang kakabit ng mahika sa pangalan mo ang isang bungkos ng mga bekimon na malamang eh nakasama mo nang naglabas-masok sa pink rabbit hole.

Magic, the tribe has spoken. Pack your bags and leave the mansion. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Jonel. Mahal. Wabyu boy. Nung una di ko maintindihan kung anu yung wabyu, jejespeak pala sa iloveu.Nun nagets ko na, kinilig na ko bigla. Di ka kasinggwapo ng lahat ng karir ko. Ikaw pa nga yung pinakawirdo kasi kulang ang kilay mo, para kang napagtripan ni Edward Scissorhands. Para ka ring biktima ng runaway razor ni Mang Kanor. Pag kine-claim ko na hawig mo si Jake Cuenca, walang naniniwala sa kin. Pero sa lahat naman, ikaw na siguro ang pinaka-ideal. Long courtship ito. Yung "malapit na" na pinangako mo sa kin 1 1/2 years ago, hanggang ngayon malayo pa rin. Pero kung meron mang nadevelop, sure ako ikaw rin yon. Inch by inch, mile by mile ang drama natin. Sa bandang huli lumipat din ako ng di ka kasama. Ikaw pa rin ang Ace of Hearts. Ako pa rin ang Queen of Hearts. Kaso lucky nine ang laro.

Jonel, mahal ko, nainip na ang tribo. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Pa. Totong. Payat. Ikaw na siguro ang pinakaimportante at pinakamahalaga sa kin jan sa iskwater. You made living by myself fun and bearable, even comforting at times. Di ko naramdaman na nasa lupain na ni Uncle Sam si Bibiana kasi anjan ka. Dati. Dahil sa Aswang, at dahil tama lang naman na sha ang piliin mo, kineri ko ring magmove on ulit. Pasulpot sulpot ka pa rin sa buhay at bahay ko.

Kahit nag-iwasan tayo ng isang buwan dahil trip kong mag-inarte, di ka rin nakatiis. Dinalaw mo ako sa pink na haus at nagsalo tayo sa picha pie ni Jeng Jeng. Impernes ikaw nagbayad. Kahit nung aalis na ko sa iskwater, trak mo ang gamit ko. Ayaw mo kong payagan na ilagay na lang sa paper bags ang sofa at ref ko. Ayaw mo rin akong payagan na mag-MRT na lang sa paghakot ng mga gamit ko. At sa tulong ng trak mo, nahakot ko naman lahat. Tumirik nga lang kami sa gitna ng EDSA, at tinulak nila ang trak habang nakaupo ako sa sofa ala Prinsesa ng Basura. At nung unang gabi ko sa BBB (bahay na baby blue) as expected, ikaw na uli ang lalaki sa panaginip ko.

Pa, sa panaginip ka na lang uli. I'm sorry to tell you you've been eliminated from the race.


Budwire. Ikaw ay nagbalik, at mula kong nasilayan. Nagulantang na lang ako ng dumungaw ang panalo mong mukha sa bahay. Natuyot na ba ang lupa sa Quezon? Nagsawa ka na ba sa farmville? Bat di mo try magplants vs. zombies? In fairness di na ko na-starstruck nung nakita kita. Nun una di pa ko makapaniwala, pero nung dinutdot ko yung peklat mo sa kamay at tinanong kita kung napano yun, sabi mo "Nasabit sa budwire" ayun, nayakap kita bigla sabay sabing "Ikaw nga yan! You're back Daduds!"

And then, I realized. Ikaw nga talaga yan. Ang tanong gusto ko bang magka-budwire uli ang buhay ko? Ayoko nang magsupply ng kakanin. Ayoko nang isulat ang mga bloopers mo at di mo pa rin napapansin kahit kaharap lang kita. Ayoko nang magduda kung ikaw ba talaga ang ka-text ko o hindi. Ayoko nang i-decipher kung anu ba talagang meaning ng mga jeje-text at jeje-speak messages mo. Ayoko nang malulong na naman sa kandungan mo, at magpakalunod na naman sa tequila pag nagtanim ka uli ng rootcrops. Ayoko nang magdildil ng HongKong style stirfried noodles na may teriyaki beef toppings. Ayoko nang mabuhay ng nag-aalangan kung asawa mo ba yun, ate, nanay o girlfriend. Ayoko na.

Budwire, you are the weakest link. Goodbye.



Naka-paper bag na lahat ng gamit ko. Nakasukbit na ang shoulder bag ko. Nakaponytail na rin ang buhok ko. At nakasunblock na rin ako. Handang handa nang gumora, reding-ready na sa panibagong yugto ng buhay-bakla. A fork in the road. As I pack my things and leave, there would be times when I would look back and wonder what might have been. Had I stayed, who could've won the race?

I will never know. One thing is for sure... San man ako makarating, maging sino o ano man ako, I would never be able to fully say goodbye. A part of me would always stay. After all, iskwater is still, and will always be... the suburbs.

8.18.2010

Pink No More

Baby blue na ang walls ng bahay ko...


Di na sha masikip...

Di na sha mabaho...

Di na sha maputik...

Di na sha mainit...


Di na rin kasi sha iskwater...


I moved out na... Pero di ko pa kaya mag-move on...



Wala nang babati sa kin ng good morning tuwing uuwi ako sa pagko-kolgurl. Mga matandang sweet na di pa nagtu-toothbrush...

Wala nang mga kabataan na makikiinom pagkatapos nila mag-DOTA. Nakakauhaw ba mag-DOTA?!

Wala nang mga apo at pamangkin na kupal... Na inuubos ang chocolate ko sa ref nang walang paalam!

Wala nang Yaya Pancha na mahilig bumale kahit wala pang araw ng sahod... Kasi mapuputol na yung meralco nila.

Wala nang Baby Desiree na lagi akong sinasalubong ng yakap at kiss kahit hanggang tuhod ko lang sha at malaki pa yung stuffed toy na Minnie Mouse na binigay ko sa kanya.

Wala nang Baby Clarence na laging umiiyak pag nakikita ako pero gustong gusto naman tumambay sa bahay katabi si RR, my stuffed toy na ambigous ang pagka-stuffed toy.

Wala nang mga tambay na maraming bloopers, tulad ng stop toy -- kasi daw di gumagalaw kaya naka-stop. Kaloka!

Wala nang mga hahabol sa snatcher na napadpad sa iskwater. Na-feature pa sila sa Saksi at RatedK. Sikat!

Wala nang mga pamangkin na tutulong sa pag-encode ng thesis ko, ng homework ko, ng project ko, ng focus questions ko, ng narrative report ko, at ng lahat ng bagay na tinatamad akong i-type.

Wala nang Ambo na hindi makauwi kasi walang pamasahe hehehe... At wala ring pampasok sa trabaho kasi wala pa ring pamasahe! Makakadalaw naman sha, effort nga lang.

Wala nang Kuya Noel at Ate Jem na pwede kong utangan ng kahit na ano, mula itlog hanggang sterilized milk at yogurt stick. Sukang tindahan indeed!

Wala nang Canton Boys na mahilig sa Canton, redhorse, at PSP. Wala na rin ang rasyon ko ng dairy products at nata de coco.

Wala nang Baby Magic na magaling palang kumembang, at nagrequest pa na mag-ahit ako ng dibdib para may madede daw sha. Nag-ahit naman ako hihihi!

Wala nang Tatay Jepoy na mahilig magrequest ng nilagang baboy at chocolates... Wala na ring palitan ng max na pula. Ay, pupunta daw sha dito sa bahay na baby blue para may kayakap ako sa pagtulog...

Wala nang Jonel na mahilig mag-wabyu sa text. May daily supply of kilig and pa-sweet. Wala nang palihim na kiss sa lips pag lalabas na sha ng pinto. Wala na ring palihim na kiss pag nakahiga na ko sa kama at uuwi na sha.

Wala nang Totong, Payat, Pa... sabagay dati pa naman shang wala, recurring guest na lang. At dahil wala na ko sa iskwater, balik na sha sa panaginip ko nung unang gabi ko sa BBB (Bahay na Baby Blue). Pababa daw kami ng MRT pero maraming beses ko nang na-swipe yung mrt card, pagliko ko ng hagdan eh me turnstile na naman, swipe uli, turnstile uli, swipe uli... Hanggang sa tuluyan na nya kong iwan.

Wala na ko sa iskwater. Hay!

8.15.2010

Ang Lalaki ni Mutya



Believe it or not, minsan sa buhay ko eh tinawag akong Mutya...

Akshuali ang tawag nya sa kin eh "Kuya Mutya". Kung nagbabasa ka ng mga luma kong blog, sha yung nandito. Bago pa ko bumalik ng iskwater, bago pa ko maging manager ng canton boys, bago pa ko mamayagpag sa carpeted eskinita, at bago pa ko naging BM, ako muna si Mutya.

Si Waldo eh nakilala ko 3 years ago sa isang team building camp sa Tanay. Impertinenteng bata, kasi ihing ihi na raw sha kaya lumaktaw sa kin sa upuan kahit borlogs pa ko. Eh mukha pa naman akong suicide bomber pag bagong gising. Naloka ang gwapo at mega sorry.

"Ano ba?! Di mo ba nakikita na tulog ako?! Di mo ba nakikitang... ang cute mo at okay lang na istorbohin mo ko?!"

Nung napansin ko na me itsura ang lolo mo, ay wit na sa anger! Make peace not war agad ang slogan, sabay kaway na pang Mutya ng Pilipinas at bulong ng "world peace..."

Mejo hawig nya si Borgy, the one who likes to punch pipol; at si Van Pojas ng PDA. Pero mas totoy ang itsura ng lolo mo, mas may angas, pero may sense kausap at maraming maraming erbogelya sa katawan. Di nga lang sa kin nakatutok ang elya ng bagets, nasa mga babaylan. Damn!


Member sha ng isang all-male org na nagmi-miting at nagfo-formation tuwing byernes, at nagdo-DOTA gabi-gabi. Gusto ko na ngang matutong mag-DOTA eh para makadutdutan ko na sha kahit minsan. Tsaka duda ko sa org neto eh... Feeling ko konting himas mapapasakin buong grupo nila!. Mga batang "attainable" hihihi.

Since sa church org kami nagkakilala, witchicirit ang todong landi at lantarang pangangarir. Dapat eh mejo demure at pa-sweet. Kaya puro asar lang ang hirit ko at puro pakyut. Partida pa-sweet pa ko humirit nyan...

***
- Kuya Mutya masahe naman jan pls. Libre tsansing!

- Pwede naman. Ayoko nang nakadapa, gusto ko laging nakatihaya.

- Ulul, masahe mo na lang kuyukot mo, kupal.

- Kuya Mutya, libre ka naman ng lunch.

- Sure. Pakainin kita tapos pakainin mo ko. Hihihi.

- Di bale na me asin pa ko sa bahay, magdidildil na lang ako kupal.

- Kuya Mutya pa-DOTA ka naman.

- Sige ba, tapos pa-dutdot ako ha.

- Sangla ko na lang brip ko sa Cebuana, kupal.

- Kuya Mutya na-try mo na bang magbayad ng lalaki?

- MAGKANO?! (potah eager na eager lang.) Tuition?! Scooter?! Laptop?! Trip to Bora?! Magkano?! Magkano?!

- Gago di ko sinabing bayaran mo ko. Tanong lang ulul. Hehehe... Kupal!

Lagi lang talaga kong talo sa lolo mo. Lumalaban naman ako madalas. Iba lang talaga humor ng mga lalaki noh? Kahit corny, basta makasagot lang, talo ka na nun. Kasi sila sila ng mga barkada nya, matatawa lahat.

In three years, masasabi kong tanggap na tanggap naman nya lahat ng kabaklaan ko. Pag me kailangan ako, nasasandalan ko namanang lolo mo. Humihirit pa rin ako ng mga kalandian tuwing nagkikita kami.

Pag me mga ibang tao, bigla akong hahawak sa kamay nya sabay hilig sa balikat sabay ngiti. Pag nagkikita kami eh "hi baby" agad ang bati ko sabay attempt ng halik sa cheeks na kadalasan eh bokya. Pag pauwi na eh hihirit pa uli ng beso-babye pero masosopla uli. Pag ol sa fb eh magmi-missyou at loveyou too sa chat.

Nung Sunday eh nalambingan ko si Waldo na samahan akong maghanap ng bahay sa Malibay para pag dun ako lumipat, malapit na ko sa kanya. Mga 15 mins pa lang kami naghahanap eh bumongga na ng ulan with matching kidlat on the side and some kulog for garnishing. Binaybay pa rin namin ang kahabaan ng Malibay, kung pahaba man yun, at naghanap-bahay.

Habang naglalakad, shempre sukob kami sa isang payong at nakaakbay ako sa kanya. Close kung close! Minsan lang to. Oportunista! Ewan ko nga ba, pag ako madalas nangangalay akong payungan ang sarili ko. Pero nung kaming duwa, waley na sa pagod at kiber na sa ngawit. Sabay emote ng "sukob na, halika na! Sabay tayo sa payong ko..."

"Anu ba yan, Waldo, tatlong taon na kitang pinagnanasaan di mo pa rin ako pinagbibigyan. Di ka ba naaakit sa alindog ko?! Kita mo naman alagang-alaga ka sa piling ko. Ni hindi ka nasasayaran ng ulan." diga ng bakla.

"Asa pa rin?" buska ni gago.

"In fairness to me, naka move on naman na ko ng bonggang bongga after kitang iyakan nun noh. Naka-move on na ko!"

"Katawan ko lang naman habol mo." sabay ayuda ng talong na parang nang-aakit.

"Sige na, ikaw na masarap. Kasi naman, patikim lang ayaw pa. Subo lang naman!"

"Di rin. Sapakan na lang!"

"O sige, sapakan tayo. Pero bawal ang kamay. Dapat etits lang gagamitin mo sa kin. Magpapabugbog pa ko sayo magdamag."

"Gusto mo kasi bine-baseball bat ka ng etits eh noh?" na-imagine ko naman bigla yun parang exciting.

"Gento na lang. Isang sapak ka, isang subo ako." hihihi.

"Ayoko nun lugi ako. Pag sapak ko sayo, isang tama lang yun eh. Pag subo mo wala nang bitawan eh."

"Iluluwa ko naman ng buo. Promise." maniwala sana...

"Mamaya higupin mo lahat eh. Ayoko ng vacuum! Para kang vacuum cleaner. Hihigupin mo lahat! Vinacuum mo ang lahat sa akin!"

Ganyan lagi tema namin pag nag-aasaran. Minsan pa eh ginagawan ko sha ng alamat.

"Balang araw mapapasaakin ka rin. Isinusumpa ko." Sabay luhod sa baha. "Isang araw, magigising ka na lang na wala na yang baseball bat mo sa pantalon. At kahit kumatok ka sa gate ng bahay na pink, hinding hindi mo mababawi ang baseball bat mo! Para mawala ang sumpa... Halik ng tunay na pag-ibig!" hihihi. Di nya alam nasa bibig ko lang ang hinahanap nya.

Pag kasama ko si Waldo, buhay na buhay lang talaga hasang ko. Pero kung pano ko sha binubuyo na magpariwara sa mundo ng mga bekimon, sige naman sha sa pagbubuyo sa kin na mamechay at magdildil ng mani. Para sa kanya, porever na kong magiging articulate. Maarte na makulit pa.

Sabi nung tropa nya pag nag-inuman daw kami vetsinin ko na. Wit! Hindi ko maintindihan yung mga baklang nanggagapang ng tulog o lasing na kaibigan. Wala ka bang ganda teh?!

Si Waldo, balang araw, babagsak rin yan sa mga palad ko. I'd like to view our relationship as definite, on its way, in the long run, and inevitable. Naghihintay lang ng tyempo kumbaga. Bidding his sweet time to claim what's rightfully his!

He may not know it yet, pero ako sure ako. Balang araw, maririnig ng sambayanan ang sigaw ng bakla... HOMERUN!

8.10.2010

Lost in J.K.

Shugality ng post ketch sa Jong Kong triplaloo kong nag-uumigting sa pagka-kabogera! Bog na bog talaga at pak na pak! Plangak! Planganitang jutas na kinaskas ni Barabas! Pak!

Months ago pa lang eh excited na ko ditey sa boom-boom bang na first trip ko ever outside of Inang Bayan. Bale shotlo kame dapat na gogora, kaso last minute eh mega atras abante hanggang finally eh jumatras na nga ng bonggang bongga ang duwang hitad. Shushuloy pa ba akez? Naman!

Pairalin ang pagka-cory quirino. As in kuripot! Sa airport pa lang eh namakyaw na ko ng sangkatutak na jolibee cheese burger at ceetwo. Para pagdating ko sa Jong Kong eh me lalapangin naman atashibells. Pati mga chichirya ning, bitbit ko. Pwede ko nang kumpetensyahin si Ate Stewardess sa dami ng paninda ko. Sige! Hakutin ang ministop! Walang pagkain sa Hong Kong eh! Dalhin mo lahat! Dalhin mo! (delivery ala-Vice Ganda)

Manic Monday and flysung ng beki. Potah ang maharlika ng taxibelles papuntang jotel. Kasi midnight madness na raw nung um-arrive akeiwa, kaya wichiririt na ang mga shuttle busters, lahat eh RIP na for the night. Impernes sa boxibelles, me instant tip si Manong, automatic na sa metro. Attitude!

Yung hotel california kez eh wanpayb lang per night. Na-guilty kc ng trulaloo yung isang hitad, kaya sinagot nila nung jowa nyang fraudster ang booking ko. Winerva naman talaga ang suite room ateng! Me tibi-tibihan na puro chinese ang palabas, me duwang kama na pwede kang magpa gulong gulong ng mga 5 seconds. Me refelya na wit ko bet galawin ang mga laman dahil maharlika ang presyo. At ang pinaka-inaasam-asam ko... bath tub!

Unang gabi ko pa lang, naka-request na ko ng anim na botelya ng foam bath at talagang naglunoy na ko sa mundo ni Ariel. Habang humuhuni-huni ako ng Part of Your World at Under the Sea at hinihipan ang mga bula, mega patong lang ng portable dibidi at mega watch ng Will and Grace na relate na relate akez.

Kaloka pala sa Jong Kong, walang pedicab! Potah yung mga tyangge anlayo sa mot-mot ng mayaman! Kelangan ko pang mag-walkathon ng mga 30 minutes para matunton ang lady bazaar. Yun talaga ang pinuntahan ko, because the boy is now a lady. Kaya kahit ansakit sakit na ng balakang ko, at ngawit na ngawit na ko sa stilleto ko, wit! Don't quit! Fighting!

Buti me 7-11 kada kanto. Tinira ko ng tinira yung Biggie sized nilang Yakult. Para okay ang tyan, kesa naman sa kalsada ko abutan ng delubyo. Bakla na, nagtatae pa?! Di rin! Pati lahat ng makita kong kakaiba sa mga pagkain nila, tinikman ko rin. Turo, luto, upo sa sidewalk, lafang! Kahit menudensya pa yan ng intsik behong pari papatusin ko yan. Dun daw gawa ang maling di ba? Intsik na pari?! Kaya di ko na tinikman yung intsik... este yung maling.

Peborit prop ko lang talaga -- mapa. Kada gwapong singkit na makasalubong ko, mega "Excuse me, I'm kinda lost. Could you help me? I need to go this churvah." Susko ning, dun ko talaga nasilayan ang pinakagwapo at pinaka-flwaless na singkit na nakilala ko sa tanang buhay ko. Kulang na lang eh hilahin ko na talaga sha sa hotel para pagsilbihan at sambahin at himurin mula ulo hanggang ingrown -- isama mo na pati burnik, tutsang, alak-alakan, bukong-bukong at tengang daga. Kamukha nya yung Korean actor na nasa "Couple or Trouble" -- si Oh Ji Ho. Kaso ang alam nya lang sabihin eh "you, me, hotel, at ok."

Nawarlaloo pa ko sa subway. Pano yung mga kasabay ko sa turnstile tina-tap lang yung mga tiket-chiwara nilanchi sa ibabaw nung ilaw, pasok na sa banga ang lolo mo, bubukas na si turnstile. Ampotang galore, dikit na ko ng dikit, tinaktak ko na si tiket, diniin ko na, sinubukan ko na rin sa ibat ibang slot, ayaw talaga akong papasukin ng lintik. Tinapat ko na rin yung mata ko, baka hitech sila, waley pa rin! Yun pala, kelangan insert mo sha sa slot, katulad lang ditey sa MRT natin. Pakshet! Shunga shungang bakla!

Super gora din akeiwa sa Disney. The happiest place on earth indeed. Ang mga piktyurakka ko nga lang shempre mega ask lagi sa mga ibang turista at sa staff and crew ni cinderella para me kumuha naman sa kin ng pix na kita ang dalawang kamay ko, at hindi yung mega piktyur ako sa sarili ko na puro mukha at background lang ang kuha.. Lahat pa ng pictyurakka kesh kita yung braso na naka-extend para makunan ang sarili... Kawawang bakla...

Kahit mag-isa, gow lang ng gow sa pagpila. Lagi akong uma-appear sa single rider lane, kasi mas mabilis dun at paningit ka lang sa mga walang jowa na katabi. Kaso parang kinakarmi martin akeiwa kasi ba naman nun una itinabi ako sa Arabo -- isang walking sibuyas. At nun sumunod seatmate ko naman si Kuyang amoy kiamoy.

Basta nag-feeling turista akeiwa ng bonggang bonggang Nova Villa sa Disney. Iwas landi muna, stop muna sa pagka-gwapoholic. Di muna aketch aatend sa miting ng aking support group -- chupaholic anonymous. Kelangang panindigan ang pinangako ko sa sarili kong "Me time". Kaya di ko rin kinakausap mga taong nakakasalubong ko. Pero ngumingiti-ngiti pa rin ako, so in effect eh kinakausap ko ang sarili ko. Me joke time, me reflection time, me keeping-u-a-company time, at merong bangag time. Impernes di naman kami nag-away ng sarili ko.

Sinulit ko na lang yung breakfast buffet hihihi. Me modus operandi ako dun eh. Aakyat sa 17th floor at kukuha ng fudaloo, mag-iinarte na inaantok at ipapabitbit sa waiterific ang lafang, at saka ako bababa ng 1st floor para kumain uli ng breakfast galore. Iskwater na iskwater lang ang bakla. Saka ako matutulog uli, at paggising ko ng lunchtime eh me lalafangin pa ko uli. Tipid meals ng mga sosyal... este ng mga magugulang.

Kaloka yung isang episode ng Will and Grace na pinanood ko habang babad ako sa bula. Mega kanta si karen ng "But a house is not a house, and a home is not a home, when there's no one there. To hold you tight, to kiss goodnight..." kasi mag-isa lang sha sa bahay. Me drama time rin pala akeiwa habang ume-emote na mag-isa ko lang inaaliw ang sarili ko at gumugulong-gulong man ako sa bula at sabon, the fact still remains na ang kasama ko lang sa trip na yun, si Will at si Grace, si Karen at si Jack.

Nung pauwi, delayed ang flight dahil sa ambon. Taenang ambon yun, parang magugunaw na ang buong Hong Kong, ambon pa lang daw. Pano na pag bumagyo?! Kaloka me baha din pala ditey. Loss ang stilleto ketch! Bota na goma dapat ang dinala ko! Kulang na lang eh kulog at kidlat, pwede ka nang tumingala sa langit, dumipa ng mga kamay, magpa-ikot ikot at sumigaw ng "Isinusumpa ko!!!" Effect!

Me nakabonding naman ako sa ulan. Si Joni, isang kapwa Pinoy at kapwa turista. Sabay kami sa flight at tabi kami sa eroplano. Sabay din kami sa taxi at hati kami sa chocolate package sa duty free. Sabay din kaming umuwi. Sabay din naming kinalimutan ang isa't isa makalipas ang ilang araw.

Nakaraos din naman kahit mag-isa. Me konting emote, me konting bloopers, me konting eksenadora, me konting kyeme, me konting lande, me konting babad, me konting lafang, me konting dupang, me konting pasalubong, at me konting bonding. Three days worth of happy memories at quality time sa sarili. And of course, ang masasabi ko lang na quotang-quota talaga akeiwa... bubble bath na bonggang bongga!

“I’d rather have 30 minutes of wonderful than a lifetime of nothing special.” Julia Roberts