12.05.2010

Babae sa Hiway

Hanggang ngayon, di ko pa rin makalimutan ang isang eksenang nangyari sa min ng kaibigan ko na si Sime. Sha si Sime Kho. Ako si Sulay Mhan. Friends for life. Ahehehe!

December, 2007. Excited na excited kami ni Sime sa trip namin na to. Minsan lang kasi kami mag out of town at planado talaga tong travelocity na iteklaboo.

Destination: Pampanga. Murayray daw kasi ang mga yellow fin tuna dun. Mamamalakaya kami ni Ateng Sime. Complete with lambat, pisi at pamingwit, pak na!

Pers taym mag-drive ni Ateng Sime. Shempre nasa pasenger seat akeiwa, at sha ang nagda-drive. Ay kabado ang bakla kaya mega seatbelt kami pareho. Eh si bakla mejo kaskasera... Kaya todo kapit talaga akeiwa sa upuan...

Inabot ka mi ng gabi kasi kalndian, si potah me date pa muna bago kami nagkita. Kaya halos 9pm na nung nakalagpas kami ng NLEX. Sa SanFernando pa kasi kami pupunta, mejo di rin namin tukoy panu magpunta dun.

Eto na, naligaw na kami... Paikot-ikot na kami sa kalsada, nadaanan na namin ng paulit-ulit yung mag-asawang bato na nasa gilid ng kalsada. Pareho pa naman kaming duwakang kaya ultimo pamahiin pinatulan na namin: binaliktad ko ang damit ko. Si Sime dakdak na ng dakdak kasi ako ang incharge sa navigation.

Sa isang part ng kalsada, me paliko na mejo madilim. Ewan ko ba, parang biglang nagtayuan balahibo ko. Pati si Sime napatigil sa pagdakdak kahit dire-direcho ang takbo namin. At sabay pa kaming nagtinginan, sabay lingon sa rear view mirror.

Putang ina!

May babaeng nakaputi na nakaupo sa likod. Maitim ang paligid ng mata. Mapupula na parang puyat. Maputi ang mukha. Mapula ang labi na parang mga natuyong dugo. Maiitim ang ngipin.

"AAAAAaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Sabay na sabay pa kami ni Sime. Sumigaw kami ng pagkalakas lakas. Tumili kami ng tumili habang nagpapapadyak ako sa upuan. Si Sime naman eh biglang tinapakan ang preno habang hinahampas ang manibela na para bang mawawala ang bangungot na angkas namin sa likuran.

Sa sobrang lakas ng pagkakapreno ni bakla, napasubsob kami pareho sa dashboard. Nagpapakiramdaman pa kming dalawa, parehong ayaw umangat dahil baka pag-angat namin eh nasa tabi na namin ang misteryosang babae.

Dahan dahan akong umangat at umayos ng upo. At napanganga sa aking nakita.

Ang babaeng nakaputi, nasa harapan na ng kotse. Nakahandusay sa kalye habang gumagapang na papalapit sa amin! Sigaw na kami ng sigaw ni Sime. Di ko na malaman ang gagawin ko. Kung tatakbo ba ko palayo, iiwan ang kotse at kaibigan ko, o sisigaw nang sisigaw.

Lalo pa kong naloka ng biglang may lumulutang na isa pang babaeng nakaputi na mas matanda sa babaeng sakay namin sa likuran kanina. Huminto ang matandang babaeng nakaputi sa tabi ng babaeng gumagapang papalapit sa amin at...

Piningot ang babaeng nakaputi.

HUH?!???

Nagkatinginan kami ni Sime at inilapit ang mga mukha sa windshield ng kotse.

"Sabi sayo, lagi kang mag-seatbelt pag mananakot ka! Shunga shunga ka talaga! Hala! Uwi!" at saka kinaladkad ang babaeng nakaputi papalayo sa amin. Kawawang White Lady, nabangasan dahil hindi nag-seatbelt.

Ang alamat ng sinturong pangkaligtasan, baw!



Ahahahaha! Wala lang, napanood ko lang sa FB, magawan ng alamat. Ahehehehe! Yung totoong post, mamaya na po ahihihihi!

11.24.2010

Suyuan sa Damuhan

Kahit di nyo tinupad ang pramis nyo na dadamihan nyo ang comments, dinadamihan ko pa rin ang post ha! Comments naman jan mga beki... Ang sarap kasing basahin ng comments nyo eh... Pansinin nyo naman ang blue eyes ko ahihihihi...


-------------------------------------------------------------


Para sa Todos Los Santos at para din sa padasal sa aking butihing lola na si Dominga, jumuwi kami ni Tita Valentina sa Batangas para magpadasal. Ay mali mag-forty one pala. Tsaka magdasal. Ive been looking forward to going back sa aking minamahal na Sirang Lupa. Kasi pag andun akeiwa, back to basics talaga ang eksena.

Saburdey pumunta na kami dun. Before kami dumirecho sa bukid eh buylaloo muna kami ng yellow cab na pizza at supdrenks. As usual, dadaan ka muna sa lahat ng kamag-anak bago ka makarating sa mismong ancestral house.

Bago kami bumoga ng padasal eh lumibot muna ko sa kabilang bakod at nakipag nomoan ng redhorse kina pinsan. Sarap ng pulutan, pinatisang tulingan tsaka indian mango at bagoong. At shempre expected ko na andun c Utoy, este c Raymart. Mas masarap na pulutan yun...

Inuman na kami sa haus ni Utoy. Nakilala ko si MU -- Mas Utoy. Younger tropa ni Utoy. Ang kyowag naman nila sa kanya eh Palo. Pwes paluin nya ko mamaya. Potensyal din impernes, pero ayaw nga ni Raymart ng two-timing bitch davah? Kaya behave akeiwa. Maya maya eh nagyaya yung isa naming kainuman sa bahay nila. Swim daw kami. May pool daw sila sa backyard. Char!

Hay naku andami nilang eksena. Lumipat pa kami ng venue kaurat. Pero pagdating namin sa hauslaloo ni Kainuman bigla akong nainlove sa kanya. Ning! May pool nga! Sa backyard! As in! Literal na swimming pool! May tiles! May tubig! May hagdan! Damn! Kala ko lubluban lang ng mga water buffalo, yun pala shalang pool talaga itey. Kaw na! Kaw na may pool sa likod-bahay!

At bago kami magnomoan, nilibot muna ako ni Kainuman sa buong kabahayan. Ning dun ko nakita ang pangarap kong bath tub! Sa bawat kwarto! At astig yung isang kama, shotlong pinagpatong na airbed, yung nabibili sa Ace Hardware. Panalo pala yung ganun, anlambot impernes. Gagayahin ko yun sa Bahay na Pink.

Ayun, sosyal na nomoan ang naganap. By the pool ang eksena namin, ubusin ang bahay alak at lunurin ang atay ateng. Sayang naman kasi ang atay kundi magagamit ahehehe... Nung una naloka ko, ayaw nila ng redhorse, pambanlaw lang daw yun. Ning, kwatro kantos ang binili! AY wichiririt ng tiririt!

Pero no choice naman ang bakla. Dapat talaga pag beki ka, magaling kang uminom. Kelangan may shield at force field ang liver loverboy mo. O kaya naman, winerva ka sa panggugulang at pandaraya. Eh sa bukid di uso dagdag bawas. Ay ning ubusin talaga ang gin bulag! Nung maubos yung 2 kwatro kanto, pumayag na rin silang magnomo ng redhorse, ang national beerlaloo.

Shenglot na ang lahat. Ako at ang stilleto ko na lang ata ang matino. Tsaka si MU. Mas Utoy. Si Utoy talaga, ayun humilata na sa kama ni Kainuman. 5 minutes lang daw shang magpapahinga at mangunguha na kami ng sinigwelas. Pak 30 minutes na borlogs much pa rin ang lolo mo. Si Kainuman din, iidlip lang daw. Bukas na ang gising.

Pero si Mas Utoy, naloka ko. Napansin ko ang otoko, himas himas mesh galore ng pundyo at zipper. Umbok fiesta ateng! Parang may sprain ang notary public: namamaga! Kelangan nang sementuhan! Kung may shortage ng humps sa Pilipinas, malamang eh kontratahin ng DPWH ang bukol netong si Mas Utoy.

Ako ba naman eh shunga? Shempre hindi davah. Niyaya ko na shang pumwesto na kami sa isang kwarto dun. Aba mansyon ito! Kaming apat na nagnomoan lang ang tao. Go na sa isang kama davah?! Ay wit. Delicades daw, baka ma-julie yap daza kami ng ibang tao. Ayun, literal na naman na pumunta kami sa indianan.

Uso uso ba? Peer pressure ba ditey sa bukid na kumembot at magpakembot lang sa damuhan, sa pilapil, sa sinigwelasan, o sa sampalukan? This time naman, natupad ang plano namin na manguha ng indian mango. Dun nya ko sinandal sa nakahapay na sanga ng mangga. Actually dun nya ko isinakay. At saka sha umangkas.

Keber na sa hantik at higad. May mas kakati pa ba sa pantal ko?! Palong palo talaga si Palo! Palong palo bawat ayuda ng lolo mo ahihihi. Pasintabi sa mga kumakain -- ning laway lang ang katapat! Talo-talo na! Gawin nating Jergen's Body Lotion ang dagta ng kamachile ahehehehe. Buti na lang dati akong cubscout, binitbit ko si condominic ochoa. Kasi bago magnomoan, magkatext na kami ni Utoy na dadayo kami uli sa damuhan. Winner talaga pag laging handa. Hayun, ang kawawa kong panty. Kanina pink ka, ngayun putim ka na.

Umuwi akong bisaklat.

Eh maaga pa yun. Mga alas dyes pa lang. Pagdating ko sa balur shempre dapat di halata. Kaya yung lakad ko na akala mo eh nagbisikleta ako mula Calamba hanggang Pangasinan, naging lakad matimtiman. At para walang bakas ng krimen, naglaro pa kami ng forty-one. Yung bente ko nanalo pa ng 360. Pinambili namin ng merienda.

Kinabukasan, swimming kami sa ilog bitbit ang mga chichirya ni Aling Gloria. Me nadaanan pa kaming barbekyu -- paorder nga po ng isaw at betamax. Tsaka adidas at one-day old. Picnic galore! Bigla ko tuloy naalala yung mga kalibugan namin nung bata pa.

Elementary hanggang 2nd year hayskul ata, ditey ako nagbabakasyon. Ang mga kalaro ko, madalas magsipunta sa ilog. Shempre ang beki kaladkarin. Sama ng sama. Nung minsan eh nalurki ang aking mura at bubot na kaisipan. Aba ang mga kalalakihan, ang trip pala eh group kembot. "Puwitan" ang showag nila sa gamelaloo na itey. Ang mga mejo mas bata, tutuwad sa batuhan. Iipitin ni mas kuya si kembang nya, at "pupuwitin" ang kalaro. Kiskis lang naman, ipit sa hita at singit. Kahit na! Kaloka pa rin! Minsan pa eh sabay sabay sila na nakapila sa batuhan habang nagpupuwitan. Ahihihi...

Yung overnight ko na plano, at dapat eh Sunday ng madaling araw ako uuwi, inabot ng Monday ng tanghali. Kasi kinagabihan matapos kaming maglunoy sa riverbanks, shempre forty-one uli. Naku malalagot kami nito kay Dominga. Di na kami nakapagpadasal para sa kanya.

Nomoan uli maya-maya. Same alak, same crowd, same poolside. But somehow, it was different. Different Raymart. Eh kasi may duda pala ang lolo mo na gumawa kami ng nilupak ni Palo.

Deny to death ako. Di ba nga rule number one and two: Wag kang magpapahuli at wag kang aamin. Kasi malasing ba kagabi? Ayan hindi nya tuloy naselyuhan ang post office ko -- iba ang nagkartero. Sabi ko na lang, umuwi ako agad at nagsugal. Pero mamaya after ng inuman, kanyang kanya lang ang lawton ko. Ahahaha gumugulo na ang metapora ko, naubusan na ko ng gulay! Sawa na ko sa pechay!

Inuman, kwatro kantos, tulingan, langoy langoy, sisiran, salat salat, kissmark dito, hipo doon, bulong dito, asar doon. Hanggang sa di na ko nakatiis. "Akyat tayo dun sa kwarto. Notaryuhan mo uli ang prostate gland ko, Utoy." yaya ng baklang makati pa sa dandruff.

"Ala, ay ayaw ko diyan. Baka tayo'y mahuli, ay di nalintikan na. Sa labasan na la-ang, dun ga sa tapat nung kina Nanay Lapit, katabi ng sa Nanay Layo. Sa tabi ng kalsada, di ga'y may mga indianan don?" Sinong mga nanay daw yun? Ay sumunod na lang ako sa kanya. Nung may sumitsit sa kin, pak! Rendezvous point na pala yun.

Confirmed, uso talaga ang kembangan sa indianan. At dun pa ko dadalhin sa same spot na pinuntahan namin ni Palo. Kaloka! Kahit anong pagpupumilit ko na ditey na lang sa malambot na kama ng aming kainuman, witchararat-bumba! Ayaw talagang pumayag ng otokong masarap. Fine! Dun na uli sa puno ng indian mango.

Samakatwid, dun nga kami bumagsak sa pinagyarian, I mean pinangyarihan, ng krimen. Ang mangga na bininyagan namin ni Palo kagabi. Ditey bash? Oh ditey bash? Ang dapat kesh kalagyanesh, sa jilalim ng sunlaloo?! Anu ba to, kilala na ko nung puno, baka maengkanto ako lumaki ang bayag ko. "Boobs na lang po, mga engkanto... Boobs na lang." Makapag-wish na rin, para alam ng engkanto kung anong preferred ko na palalakihin sa kin if ever ahihihihi...

Ang ritwal, ginawa namin ng bonggang bongga, walang pag-iimbot at buong kahalayan, este katapatan, este kahalayan nga. Para kong miyembro ng tribong Sarakiki, bukas na bukas ang hasang ng bakla. Anong sinabi ng mga camel sa pagkauhaw ko?! Anong laban ng mga linta sa pagsipsip ko? Sa dami ng juice na nahigop ko, may pulp bits nang kasama!

At ang lolo mo, gus2 atang patunayan na mas masarap sha sa ibang kalalakihan. Matapos magsabog ng lahi sa leeg ko, nagtanim na naman ang Utoy ng binhi sa sinapupunan ko. Nagpunla ata ng buto ng santol, feeling ko nung matapos kami eh may suhay na ang binhi. Magtanim ay di pala talaga biro, lalo na kung magdamag kang nakaangkla sa sanga. Ikaw na BM! Ikaw na talaga! Pero kahit gano pa kami kahalay magdamag, sya pa rin si Utoy, ako pa rin si Ineng.

Pag-uwi ko sa Maynila, naiwan na naman ang isang part ng buhay ko sa Sirang Lupa. Yung colon ko ata naiwan... o yung one-fourth ng intestine ko? Baka naman naiwan ang atay at balunbalunan ko? May kurot eh, may kulang. Hindi kaya... puso ko ang naiwan?

Habang gumugulong na uli palayo ang bus, na-realize ko na kung anong nawawala...



Yung panty ko, nakasabit sa sanga.

11.21.2010

Patintero

Habang tumitili ako dahil sa malaking daga na nakikipagpatintero sa kin, bigla akong nawalan ng ganang mag-patotot... anong sinabi ng daga sa magka-holding hands nyong paglalakad? Akala ko ba "malapit na"? Bat sa iba ka lumapit? Madaya ka. Di ka naman kasali sa patintero, bakit feeling ko ako ang balagoong sa gabing ito?!

Naalala nyo pa ba ang post ko about Jonel? Siya yung aking BLMDM -- breakfast slash lunch cum merienda y dinner plus midnight snack. Siya din si "malapit na" at si "napa-oo lang ako". Ito ang The End ng aming kwento.


------------------------------------------


Sa mahigit dalawang taon ko sa Iskwater, mahigit dalawang taon din tayong nagpatintero. Nakasalubong kitaisang madaling araw ng Simbang Gabi. Nakyutan, nilandi. Nakainuman kita Bagong Taon ng 2009. Nakisali ka pa sa "spin the kembot" at doon ko nakita ang lahat-lahat sayo mahal ko.

Naging tayo pa nga nung gabing yun davah? Tapos nung nagkausap tayo sa hagdan, "napa-oo" ka lang pala. Nag-wallow ako baka hindi mo alam. Nag-move on ako after ng isang linggong pakikinig sa Halo at Brokenhearted Girl ni Queen B. Nung redi na kong maglumanding muli, nakainuman kita at dun mo binitawan ang infamous mong linya na "Malapit na..." sabay ngiti na parang binudburan ng Magic Sarap.

Ayun, habang hinihintay ko ang pagdating ng matamis mong oo, ninamnam ko rin muna ang tamis ng oo ng ibang boylets sa Iskwater. Yung oo nila, may kasama pang ungol, halinghing at hingal. Oi itanggi mo man, alam kong alam mo na marami talaga kong kinakalantare habang hinihintay kita. Basta ang rule, pag kasali ka sa inuman, sayo ako.

Sa ganung sistema tayo naging close. Palagong pepot lang ako sa puhunan kong redhorse sayo, pero akalain mo bang lumago na rin ang pantaya ko?

Sa pagdating ni Budwire sa buhay ko, nawala ka rin BLMDM. Di na kita nakasalo sa almusal, tanghalian, merienda, hapunan at midnight snack. Di na kita nakainuman. Di na rin kita nahintay sa "malapit na" mo. Natuto akong umintindi ng isang gwapong jejemon. Pero kahit tuloy ang kembutan namin ng mga selected Canton Boys at ng ilang talubata, di ka na nagpunta sa bahay.

Hanggang sa isang araw eh magkasalubong tayey sa kanto ng junk shop nila Totong. Nakwento ko sayo na may Budwire na ako.

"Asawa mo?" tanong mo pa.
"Bakit selos ka?" buska ko sayo.
"Hehehe. -----." sagot mong pabulong.
"Ano? Bumulong ka na naman jan!" pero me idea na ko anu ba yung bulong mo.
"Konti." sabay ngiti na magpapataob sa Nam Nam ng Kanto Boys.
"Antagal mo kasi eh. Ayan naunahan ka na ng iba." paselos ko. Sana umepek.
"Bakit kasal na ba kayo?" with matching ngising aso at kindat.
"Hmmm... ngayon gaganyan ganyan ka. Kaw na lang kabit ko." kumagat sana.
"Hehehe. Malapit na." sabay talikod at uwi sa kanila. Hanudaw?!

Simula nun, masipag na shang mag-text. Araw araw me daily reminder yan. Kain ka na po. Sleep ka na po. Good morning po. Dinner ka na po. Miss u po. Vitamins ka po. Yubyu... Nung una di ko ma-getz yung yubyu, yun pala jeje-talk for love u... Awwwww... How sweet!

Nagkaron na rin kami ng routine ni Daddy Jonel. Basta pag pupunta sha sa haus, didirecho kami sa kwarto at magki-kiss. Pag me iba shang kasama, sa kwarto lang kami nagki-kiss. Pag pauwi na sha, babalik kami uli sa kwarto para mag-kiss. I guess nahihiya pa rin sha and yun naman ata talaga ang norm sa mga otokis na me gufra mae na badet.

Sa relasyon namin ni Budwire, saling pusa ka lang mahal ko. Saling ketket. Panggulo. Pero ikaw lang ata ang panggulo at ketket na pag nakikita ko, dumadagundong pa rin ang rib cage ko dahil sayo. Kasi di ka man sing gwapo ni Jake Cuenca, at di ka man sing-simpatiko ni Bosing, ikaw pa rin siguro ang pinakaespesyal na saling pusa sa buong mundo.

Kasi kung sa kin salimpusa ka for now... Sayo, patotot ako. Lahat ng linya mo, pwede kong takbuhan. Lahat ng eksena mo, pwede kong tatakan. Kumbaga sa aso, naihian na kita. Namarkahan na kita. At in fairness, ako lang mag-isa. Wala akong ka-agawan base sayo mahal ko.

Nung lumipat ako sa House of Sonya, alam ko nasaktan ka. Hindi mo nalaman na lilipat na pala ko, nakita mo na lang, wala ng gamit sa Bahay na Pink. Aba maagap ka ha, kasi pinsan mo pa ang tumira sa balur kong iniwanan. Pero wala nang ala-ala ang Pink House, pininturahan na nila ng beige at off white ang dingding. Wala na ang kanlungan natin, wala na ang kwartong saksi sa pagya-yubyu mo.

Minsan pa nga, bumisita ako sa Iskwater. Nagluto si Yaya Flora ng sinigang, ipinahatid sa kin yung ulam sa bahay nyo. Nagchikahan pa tayo. Nagkumustahan. Nakikain pa ko sa ulam na dala ko. Tapos after 30 minutes, may kumatok. Si Jepoy, sinusundo na raw ako kasi sa House of Sonya sha matutulog.

Ako na! Ako na talaga! Ako na ang malandi. Sinusundo pa ko ng lalake sa bahay mo. Sorry ha, baka feeling mo ininsulto kita. Ikaw pa naman ang S.O. ko -- secret on! Tapos hinayaan kong yurakan ang pagkalalaki mo ng ganun na lang. Wag kang mag-alala igaganti kita. Mamaya sa bahay, isusubo ko naman ang pagkalalaki nya. Para quits.

Siguro nga kulang ako sa pagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamahal sayo. Sabi nga ng Teh ko sa ofis, "Teh, pwede namang magseryoso di ba?" Imagine nga naman, nung nagka-dengue ako dahil sa bionic lamok ni Aling Sonya, ikaw lang ang dumalaw sa kin sa dinami-dami ng lalaking nakembang ko sa Iskwater. Dumalaw rin ang Mudra at Pudra mo, may dala pang nilaga at pochero.

Kinawawa na ba kita? Sa pagpapahalagang ipinakita mo, parang ikaw pa binalagoong ko. Kasi nga anjan ka lang, malapit ka lang. Pag ready ka na, iwe-welcome kita with open arms.

Kaya nung bumalik ako sa Iskwater, confident pa ko. Anjan ka lang. Malapit ka lang. Ikaw siguro yung constant sa buhay ko dito sa Iskwater. Feeling close ako sa pamilya mo, kasali ako sa mga okasyon sa bahay nyo, kabiruan ko nanay at tatay mo, katext ko ang pinsan mo. Sabi mo nga di ba, malapit na... Eh di habang wala pa, kakamot muna ako ng pantal ko. Kuda dito, landi doon, kembang dito, bongkang doon. Kasi nga, malapit ka lang.

Kagabi, naloka ako. Kasalukuyan akong nakikipag-patintero sa walangyang daga sa looban. Ang lintik na daga, ayaw ata akong padaanin. Ni hindi ako makasigaw ng "in!" sa takot na baka tayain ako ng putek na dagis. Pagsulyap ko sa likod ko, me pa-sweet na couple na inaawitan ni Yeng Constantino.... Hawak kamay! Di kita iiwan sa paglakbay. Dito sa mundong walang katiyakan... Hawak kamay di kita bibitawan sa paglalakbay... Sa mundo ng kawalan!

Wit ko pinansin ang couple kasi nga baka mataya ako ng dagang dambuhala. Paglapit ng couple: "May daga?" q&a ng otoko. "Uu anlaki!" sagot ko naman. Pak! Bigla kong nakilala ang boses mo mahal ko. Paglagpas nyo sa kin, dun ko na-realize na ikaw na pala yan. Malapit ka nga, pero dinaanan mo lang ako, at unti-unti ka nang lumakad palayo kasama ang petite na girlfriend mo.

Wala nang kinang ang terror na hatid ng daga. Wala nang takot ang epekto ng habulang-taga namin ni dagis. Biglang-bigla, di na ko scared. Wag shang humara-hara sa dinadaanan ko at baka gawin ko shang pusa bigla.

Nakauwi akong tulala at di makapaniwala. Wala akong nahabol. Wala akong naabutan. Abot kamay na yung hinahabol ko, di ko pa nataga. Ilang round na ako pa rin ang taya. Burot. Buraot. Buset!

Natanggap ko nang may ibang tao ka ng sasabihan ng yubyu. Narealize ko nang sa iba na iikot ang mundo mo, at iba na ang hahalikan mo sa kwarto. Nagets ko nang sa babae na lalapat ang mga labi mo. Nahulaan ko nang mula ngayon, di ka na kailanman lalapit, kasi may iba nang sayo ay kakapit.

Pasensya ka na mahal ko, kung di ako nakuntento. Makapangyarihan kasi ang Bandanang Itim na pinahiram sa kin ng mga taga-Planet Yekok. Nawala ang pilat sa aking mukha. Nawala ang balat sa aking pisngi. Akala ko, sapat nang mahalin kita pag may okasyon at selebrasyon. Akala ko, sakto nang pahalagahan kita pag kasama ka sa inuman. Akala ko, pwede nang maging tayo kahit may iba pa ko. Akala ko, ang ganda ko. Akala ko lalo, babae ako.

Pasensya rin mahal ko kung naging malandi ako. Ayoko kasing magseryoso, baka pag inasahan ko yung pangako mo, ngumalngal uli ako. Ayokong karirin ang paghihintay sayo, kasi baka napa-oo ka lang ulit. Malas ko kasi napa-oo mo rin sha. Malas ko kasi iniwan kita. Malas ko kasi bakla ako, lalaki ka, babae sha.

Malayo ka na. Ayawan na.

11.19.2010

Forty Seven No More



Papang.

One of the sweetest words I've heard. One of the sweetest pet names I've been called. From one of the sweetest persons I've met... Si Placida.

Back in high school, usong uso sa Kada namin yung anak-anak, tatay-tatay, mama-mama, pami-pamilya. May mga clan pa kami, mga AMA at STI. Ang Mapuputing Angkan VS Samahan ng Taong Itim. Di ko na maalala pano ko naging anak si Placie at si Joselyn (fondly called Bato or Tysona). Basta silang dalawa ang mga anak-anakan ko.

I remember how I met Placie. Second year yun, mula section 11 ata, nalipat sha sa min sa section 1. Tahimik, humble, mahiyain, pero maganda. Di sha gaanong nakikihalubilo sa mga eksena ng Kada, pero kalog at makulit sa mga ka-close nya. Pasimpleng kulet.

Di ko sure kung sa Journal class ba kami naging close, or talagang epal lang ako sa lahat kaya pati sha na mahiyain at walang kadaldalan sa katawan eh naging kaibigan ko. Naging anak ko nga sha, pati si Bato. Pero lagi nyang kine-claim na ampon daw si Bato kasi hindi raw kasing ganda nya.

I used to know her as low-profile and shy. Pero sobrang ginulat nya ko nung minsan na school program, at kumanta sha onstage ng "You Ought to Know By Now" ni Ateng Angela Bofill. Grabe! Pak na pak! Talagang boses anghel si anak! Proud father ang drama ko, kahit ako naloka kung gano kaganda ang boses ni Placie.

During our fourth year sa hayskul, lahat ata kami eh nag-test sa PLM. Yung entrance exam na dapat eh December, na-move daw ng January. Tapos last minute eh binalik daw sa original date ng December. Eh karamihan sa Kada eh hindi alam yun, specially Placie. Ayun, sumugod ako sa bahay nya to inform her. At nakikain pa ata ako ng fish ball at squid ball.

Hindi sha laging sumasama sa lakad namin ng Kada, kasi super bait nga. Bahay-school-church lang ang normal routine ng lola mo. Pero dun sa mga importanteng lakad ng buong klase, kasama naman sha. Bale 47 kami sa klase. Ang motto pa eh "All IV-1, One for All!" Lahat ata ng hayskul na section 1 yun ang motto.

Mas naging close kami ni Placie nung 4th year, kasi pareho kaming soprano sa choir. Ay sha lang pala ang soprano, ako pala bass. Sa ilalim ng pamumuno ni Ginang Teresita Nicdao, at sa gabay at patnubay ni Ginang Alibudbud, bonggang bonggang choir talaga ang role namin sa buhay. Dun din sa choir nabuo ang Divas, kaming limang beki na puro emotera sa kantahan.

Sa UST Conservatory of Music sha nag-enrol. Akengkay naman ay sa PLM muna. Basta classmate daw nya si Aiza Seguerra sa UST, at classmate ko naman si Jimboy sa PLM ahihihi... Pag nagkikita kami eh super dalang na. Basta once naisama ko sha sa party-partyhan namin ng Kada. Sinundo ko pa sa haus nila at hinatid ko pa pauwi.

Nung isang beses din eh nagkasalubong kami sa Baguio. Umatend sha ng convention nila at camp sa church, ako naman eh kasamang naglamyerda ng pamilya ko para umatend ng burol at maglakwatsa na rin. Dahil nga nagkasalubong kami, nagtake advantage na ang anak ko at piktyur-piktyur kami sa The Mansion. Mega polo pa naman ako nun na anaconda inspired kaya panalo talaga ang pose! Nanghingi pa sha ng autograph bago kami naghiwalay ahihihi.

Placie is a real servant of God. Her spirituality is what makes her so pure and simple. Ilang beses nya kong inimbitahan sa mga bible studies, praise and worship, at church services nila. Isang beses ko lang sha napagbigyan. Di ko kasi gano naiintindihan ang system at beliefs ng simbahan nila, pero I felt grateful kasi alam kong she was trying to save me. In more ways than one, she did save me.

We drifted off after that. Basta nawalan na kami ng communication. There are those obligatory Christmas and birthday greetings, some customary his and hellos, a few exchanges of text messages. Sa frenster naging connected din kami. Pero nung nawala na sa uso ang frendster, nawala na rin ata sa uso ang friendship namin.

October nang magparamdam sa kin si Bato.



Wala. Na. Nasagasaan. Motor. Dead. On. The. Spot. July. Placie.

Di ko ma-process. Di nagsi-sink in sa utak ko yung nabasa ko. Parang biglang natahimik ang mundo, at nakatitig lang ako sa screen ng laptop. Habang nakatitig ako sa monitor, unti unting pumatak ang luha ko. Pero initial reaction lang pala yun.

Galit na galit ako. Minura ko lahat ng walangyang motorista. Isinumpa ko lahat ng barubal na drayber. Kinasuklaman ko lahat ng harabas na magpatakbo ng motor. For my friend to die because of a vehicle that small, gano kalakas kaya yung impact non? Nabagok ba sha, tumilapon, gano kalakas ba yung damage na magagawa ng motor?!

After I learned what happened, nag-send ako ng group message sa barkada namin. Lahat na-shock, may hindi naniwala, may naiyak, may nagulat. Karamihan nanghinayang. She was such a kind soul. She's taken away too soon. And she's gone now. Gone, but not forgotten.

Hinalikwat ko lahat ng mga sulat na inipon ko since elementary. Winarwar ko lahat, sinuyod ko lahat, hanggang mahanap ko yung mga sulat ni Placie sa kin. Mejo natawa pa ko, kasi lahat coupon bond na nilagyan ng crayolang boarder. Me underline pang red ballpen para guideline ata. Me tupi-tupi pa na pang-origami ang dating.

Habang binabasa ko mga sulat nya, naiyak na naman ako... She wrote those letters nung malapit na kaming mag-graduation. Lahat ng sulat nya, iisa lang ang tema: pamamaalam. Goodbye Papang. I will miss you. Take care of yourself.

Those letters were written 11-12 yrs ago. Pero sakto eh. It's as if she prepared me for when this time would come. Ganun siguro talaga pag mabait, di hahayaan ng Dyos na mawala ka ng di nakakapagpaalam sa mga mahal mo sa buhay. Thru those letters, she was able to say goodbye.

Sa kakakalkal ko rin, nakita ko ang isang draft ng letter na di ko naipadala sa kanya. It was a poem I composed for her before our graduation. High school ko pa sinulat to. Ngayon nya lang mababasa. I guess, undeserving as I am, I am also given this chance to bid her farewell.


Even if the sky is green, even if the rain is sunshine,
Even if the waters aren't fine, you'll still be a friend of mine.
You'll still be my star, you'll still be my guide,
You'll still be with me inside, even if we're far apart.
You'll stay for the rest of my life, you'll be forever alive,
You'll still help me in times of strife, although alone I have to survive.
I'll be alone coz you're not there, I'll be alone coz you're far away,
I'll be alone but I'll always care.
Like a recorder, our memories will forever play.

Anak, di ko naman kineri na gone too soon ang drama mo. But I know this is a part of God's plan for us. If it's His will, sino ba ko para kumontra? I believe you're in a better place. I can't wait to join you there Anak, but for now I have to stay here for awhile. Someday Placie, our roads will meet again. Makilala mo kaya ako?



Sa mga nagbabasa ng blog na to ngayon, I'd lke to propose a toast. To Placida. A pretty face, a beautiful soul, a warm heart, a full life. May you rest in His peace forever. Mahal ka ng Papang.

11.18.2010

Minsan

Kakaiba talaga ang ambiance sa Iskwater kapag Eleksyon. As in. Buhay na buhay, aktibong aktibo, festive na festive. Akala mo eh Fiestang Bayan, in fairness sa Pandacan meron talagang banda ng musiko at mga ati-atihan. Pero ditey sa Iskwala Lumpur, simple lang. Bahay-bahay, kamay-kamay, tagay-tagay.

In full support talaga ang BM kay Payat. Mega gawa ng layout para sa tarpolin, mega iskemperdoo ng mga panukala at programang pangkabaklaan, este pangkabuhayan, mega kemerlou ng islogan na pangmasa at pang-showtime, at mega pili ng picthurakka na pang-politician.

Pero sa totoo lang kabado ako.

Three months ago, bago ko pa maisipang lumipat ng balur at hayaang magpasasa sa masarap kong dugo ang mga pokpok na lamok ni Aling Sonya, kasalukuyang nagkukuyangyangan kami ni Magic nang bigla kong ma-realize na waley na pala aketch suplay ng condominic ochoa. Lumabas ang bakla para bumaysung (bumili, shungaks!) sa may mini-stop. Pagbalik ko sa Iskwala Lumpur eh nasa labasan pala sa junk shop si Payat.

"Pa! Anung ginagawa mo jan?" tanong ko ke Payat. Pasimpleng ibinulsa ko ang condomelya.
"Wala kwentuhan lang." Kasama nya si E.T., ang pambansang alien ng Iskwater.
"Malamok jan, baka ma-dengue ka. Dun kaya kayo sa may ilaw."
"San ka galing? Punta ko dun ha. May tsibog ba dun?" ask ng payat.
"Ay, wala eh. Mamaya labas ako uli bili na lang tayo." Baka abutan pa si Magic, mahirap na.
"Wag na pala, uuwi na rin ako. Oi Ma, suportahan mo ko ha. Kaw campaign manager ko."
"Kiss muna." Kiss naman ang Payat. "Itutuloy mo pala ung pagtakbo ng tatay mo?"
"Oo, laban ni Erpat to."

Si Tataboy kasi, balak talagang shumokbo nun sa Barangay. Kaya kuntodo pamigay ng Christmas gift pack ang Pamilya Salamat sa buong Iskwater tuwing Kapaskuhan. For two years at pangatlo na sana this yearlaloo, bobongga sila ng grocery showcase kaso nga, na-tegi onor si lolo Erpat. Ipagpapatuloy ni Pa ang magandang nasimulan ng kanyang ama. Hmmm... pwedeng plataporma yun ah... pang-islogan!

Witchiririt ko naman sineryoso ang talkies na yun ni Pa. Malaybalay ketch naman na di pala yun joke time davah? Basta nung lumipat akeiwa, wit ko na nalaman kung aneklaboo ba ang plano ni Payat. Kaya nung ma-dengue ang bakla, at magbalik ang beauty kez sa Isakwala Lumpur, loka moment akesh nung makita ko ang namesung ni Payat sa pader: Vote Totong for Kagawad. Pak!

It's been a roller coaster ride after that. Char! Wala namang eksena gano! Eh hapon na gumigising c gago para mangampanya. Tapos pag naglakad na sha sa hapon, mag-isa lang. Wala pang kasama kung lumakad, mag-isa lang na kumakatok sa mga constituents (nakanam!) nya at nakikipag shake hands. Sa gabi naman, kagawad lasenggo ang drama ng lolo mo kasi lahat ng inuman, mag-aambag yan at makikitagay.

After din ng mga inumang yun, bonding kami sa hagdan o sa kwarto. Hindi na ko kinakatok ng aswang kasi pumayag na sha na during the kampanya eh sa kin, I mean sa bahay namin, I mean sa bahay ni Mami nya muna sha uuwi. Nung minsan pa habang nagkukwentuhan kami eh sumilip si Mami nya.

"Oh bat di pa kayo natutulog?" ask ni Mudra nya.
"Nagpapaantok lang 'mmy."

Pet name namin pareho sa mga mudra namin, wala yung "ma" sa "Mommy" Kwentuhan, update, asaran. Eto na naman po sa mga biglang Q&A si Totong at mega deliver ng question of the day na:

"Mmy, di ba legal naman kami sayo?" sabay turo sa aming dalawa. Muntik na kong magpagulong pababa ng hagdan mula fifth floor. Si Mami naman nya, napangiti lang sabay sagot ng... Ewan! Di ko na maalala kasi ang exact na ginawa ko nung tanungin nya ang mudra nya eh ngumanga, manlaki ang mata, kiligin ang bawat DNA strand sa katawan, at matulala lahat ng neuron at nerve ending.

Nung araw ng eleksyon, nagpunta pa ko sa Batangas at nagpahilot ng matres. Baliktad daw kasi ang bahay bata ko, kaya hinilot para makabuo na ko ng kabute -- an entirely different story. Anyhoo, pagkagaling ketch ng Jutangas, juwetiks na keiwa at derecho na sa Kalantyaw, ang aking butihing alma mater de elementarya. Half ng "campus" eh puro damo at puno na, venue para sa airsoft ng mga taong hilig magpaputok at maputukan.

Samu't sari talaga ang kaeksenahan sa eleksyon ditey. Yung mga worker, isang daan lang ang sahod. Mga senior citizen pa! Mamimigay lang ng pulyetos (pamphlet ata yun sa english?!) tsaka magbubulong ng name ng kandidato nila. Lahat ng kolorum na traysikel, boom na boom sa tarpaulin na ginawa nilang trapal. Impernes, walang bilihan ng boto na lantaran at kapalan ng mukha. Kuntento na sila sa tanghalian na adobong mantika.

Churi ka, me canvassing station pa kaming nalalaman! Mega setup ng ganung kembot si byenang mudra ni payat. Ang mga watcher, mabisa. Bawat poll precint na matapos ang bilangan at maging official ang number of votes, pak! Shokbo agad sa booth namenchi at mega tally kami ng votes. So far, so sad... Yun ibang precint naglalaro sa ten to twenty ang boto nya. Yun iba pa kamo, 3 to 5 lang.

Dehado. Tagilid. Omalabs. Mga adjectives na hindi mo iwi-wish na marinig sa mga tao kung tungkol yun sa betinola mong kandidato. At sa totoo lang ateng, medjo yun din ang adjective na naiisip ko. Me Pulse Asia Survey pa sa Iskwater, nasa pang-siyam ang lolo mo out of sampu na nag-aambisyon. Impernes, si Ate Minda na mudra ni Magic, panlima. Pasok sa banga!

Umuwi muna akeiwa para sana magpahinga at maligo. Maya-maya eh kumatok ang lolo mo. Sumunod pala, shower din daw sha. Eh open na open yung 5th floor, pinaakyat muna ako kasi dun sha liligo. Bantayan ko daw baka may pumasok. Parang shunga lang eh. Gawin pa kong bantatay. Kaya habang nagbabawas sha ng libag (at ng timbang) eh andun ako sa may table at nanginginain ng butong pakwan habang nagchichikahan kami.

Nagbawas lang siguro ng stress ang lolo mo. Bilangan na ng boto eh. Kabado rin siguro si Mokong kasi nga ayon sa survey eh malabo ang eksena nya. Kaya nung pababa na kami, bago kami bumalik sa Kalantyaw, sumilip muna sha sa kwarto ng tatay nya. "Daddy ikaw na bahala ah. Lam mong para sayo to."

Duwang presinto na lang. Yun ang pinaka-shugal bilangin kasi presinto yun ng mga taga Iskwater. Ning, sa 3k na botante ba naman ng barangay, 1k dun eh taga Iskwala Lumpur. Maloka ka! Kaya pag buong populasyon ng Iskwater namin eh mega vote wisely kay Pa, plangak na! Eh kaso mo maraming daot at buraot ditembang.

Nung ma-kyopos na ang kambas ng mga boto dun sa presinto ng bunso nyang shupatembang, mega enter kami sa excel sheet. Ang siste kasi eh me prediction at probability at estimate kembot pang nalalaman na mga what if what if nung nagtatype. Wiz, kahit bigyan namin ng 50 votes each yung mga nangunguna, aabot pa rin sa kangkungan ang score ng lolo mo.

Eto na, arrival ek-ek na ang panganay na ate, bitbit ang susi ng kinabukasan ng Barangay Bagumbuhay. Pak! Tinally ang mga boto ng lahat ng kandidato, mega sort from highest to lowest according to the number of vottes... Pigil hininga talaga ang bakla, maduling-duling na ko kakatitig sa monitor ng "laughtough" ng aswang.

Pak! Number 6! Sigawan talaga kaming lahat ng mga supporters, pati na mga miron, lalong lalo na ang pamilya ni "Kagawad Totong". Nagdiwang ang mga dukha. Pasok sa banga si Payat. Actually, slim chance ang dating: pasok sa flower vase! Naiyak talaga ko sa tuwa. Kasi alam kong gusto talaga nyang manalo para sa tatay nya.

Hanggang sa in-announce formally ang official tally of votes, i-proclaim ang mga winerva, i-present sa madla ang mga bagong public servant, at itaas ang kamay nila ng incumbent na chairman. Official na: politician's mistress. May title na ko!

Since karamihan sa mga tao sa paligid namin eh alam ang history namin ng lolo mo, at pati na nila ng aswang, sandamakmak talaga ang asar na tinamo ng lolo mo.

"Swerte ni BM! First lady!"
"Taray ng kabit, ibinahay na sa Iskwater, ngayon me kwarto pa sa barangay!"
"Si BM na ata asawa, sha ang inuwi sa magulang eh."

Yung mga close friends din ni Payat eh talagang ang aswang na ang inaasar.

"Bat ka ba nagagalit ke BM eh sha naman ang nauna!"
"Oo di ba Xmen palang tayo mag-loveteam na yan eh!"
"This song is dedicated to Kagawad!" sabay kanta ng Kung Malaya Lang Ako.
"Di ka na pwedeng magtinda pare, Kagawad ka na!"

Masaya ko para sa kanya. Pero alam ko pagkatapos ng eleksyon, tapos na rin uli ang role ko sa buhay nya. Muna. Uli. Aba naman, hanggang kelan ba itey?! Sabi nga nung friendship kong borboli... it has become a vicious cycle. Kaya nung matapos ang eleksyon, alam ko na rin, tapos na ang mga nakaw naming sandali. Hiram lang eh. Sinoli ko na. Pano ko nalaman? Nung victory party nya, hindi na ako imbitado.

First lady lang ako sa asaran. Asawa lang sa turing. Kung ako, sha ang daungan ko matapos kong maglayag sa buong araw, ganun din sha sa aswang. Ang aswang ang katig at angkla nya. Ang aswang ang nag-iisang babaeng uuwian nya. Ang aswang ang ipapakilala nya sa barangay. Ang aswang ang ina ng anak nya. Kabit lang ako. Kuntento na ko sa minsan.

Request



Kumusta naman mga Rebekla?! Shugal ko na nag-post noh? Andami kong drafts, puro putol. Kasi bago ko maisulat me mangyayari na namang bago. Dami ko pang requirements tsaka kalandian kasi inuuna ko.

Anyhoo, heto ang unang salvo ko para sa Nobyembre. Susunod-sunurin ko na hanggang maubos mga imbak kong kwento. Pls naman mga beki, mag-iwan naman kayo ng bakas para alam ko naman kung me sense pa bang isulat ko lahat ng kembot ko kung wala rin namang magbabasa.

I would really appreciate it if you could leave some comments. Mwah!

10.22.2010

Finally

Me nag-text sa kin kanina. "Gabi! Pantal! Higad! Hadhad!"

Nagreply naman ako. "Oo na! Makati na ko! Ikaw na! Ikaw na hindi malande!"

Nareply sha uli. "Me pinadala kong trosyd at canesten cream. Ipahid mo sa pechay mo."

Mega banat naman ako. "Anong magagawa ko kung gusto nila ko?! Tao lang ako, I have needs."

Humirit sha uli. "Para kang maruming damit na iniwan sa sofa! Gamit na gamit ka lang."

Gaganti pa sana ko, pero natameme ako sa huli nyang text. "Bakla... may asawa na yan."

Pak! Boom! Ping!


I feel like I owe you an explanation.

Oo... Marupok ako.

Matapos akong magka-dengue at maglipat pabalik ng Iskwater, I've been living under Totong's roof. Of course, tenant naman akeiwa at hindi nya ako ibinahay.

Gento kasi yun. Nung lumabas akeiwa sa medical, nag-decide ang lahat para sa kin na wag nang bumalik ng Malibay at bumalik na sa Iskwater. Kasi daw baka ikamatay ko ang sobrang katahimikan sa House of Sonya.

Lumabas ako ng hospital ng Monday. Mega hanap pa sila ng hauslaloo na pwede kong upahan for two months. Two months lang, kasi before mag-Pasko kasi ang goal nila na maipatayo yung isang mansyon ditey sa iskwater, at may I reserve na daw aketch agad ng isang square meter.

Waley. Wichiririt kami nakahanap ng haus na pwede kong tirahan at pwede akong tirahin ahihi... Kundi majontot, majipis o madilim na parang kuta ng adik, maharlika naman na may limang kwarto ang nakita nila. Eh home alone naman ang eksena ko so di bagay ang malapalasyong espasyo.

Ang ending, dun ako sa kwarto ng ate ni Totong bumorlogs sa 4th floor ng tore. At kinabukasan, hinakot nila lahat ng gamit sa kwartong yun, inakyat sa 5th floor. Blagag! Instant tenant ang bakla. Kasi gamit ang trak ni Pa, hinakot din nila lahat ng gamit ko sa Malibay. Gabi ng Martes, nakaayos na lahat ng gamit ko at hausmate ko na si Payat.

It's been more than a week now. Madalas eh nasa kwarto lang ako, or nakikikain kila Pa. Madalas din eh kakulitan ko yung mga pamangkin nya or may mga bisita akong canton boys na na-miss ata ang aking presensya.

Araw-araw eh iba ibang halamang gubat ang hina-harvest ko. May oregano, may sambong, may bayabas, may chichirika. Iba't ibang gulay ang hinahalabos ko gabi gabi. May patola, may upo, may talong, may okra, may pipino, may saba.

Kagabi nakahalata na ata si Totong na andami kong dalaw, ni-lock ang gate. Pag bababa ako, sasamahan nya ko. Pag aakyat ako, itetext ko sha at bababa sha para sunduin ako. Kaloka! Ang sweet, pero kaloka!

Since tumatakbong kagawad ang lolo mo, gabi gabi eh nasa inuman, kung sino sinong nilalang ang tinatagayan at chini chika nia para makilala sha ng Barangay Bagumbuhay at maiboto ng madla. Gabi gabi rin eh me bonding kami sa hagdan ng tore, nagrerepaso ng mga pinuntahan nya, ng mga kinamayan nya, ng mga kalaban nya sa politika at ng mga kaalyansa nya sa tiket. Naks! Politicians!

Dito rin muna sha nakatira sa tore kasi nga nangangampanya. Kaya kami ang magkasiping sa gabi, walang magawa ang aswang kundi ang katukin ako gabi-gabi para malaman kung dito ba natutulog ang asawa nya. Di pa naman kami nahuhuli.

Akalain mo yun, 12 yrs ago eh si Bibiana at ang nanay ni Pa ang tumakbong kagawad. Parehong loss! Hihihi. Ngayun eh supporting na lang akeiwa sa kandidatura ni Payat.

Nang malaman ng mga anaconda sa paligid ko ang eksena namin ngayun, may litanya ang mga bakla.

Galema: Home wrecker!
Medusa: Bitch!
Valentina: Whore!
Galema: Slut!
Medusa: Desperate gay guy from hell!
Valentina: Fucking cunt!
BM: OA nyo ha! Ano lang ako... Mistress to a politician!

Ayun si Payat, kakaakyat lang. Tuwing uuwi sha eh dito muna sha tatambay, kwentuhan kami sa hagdan, kain ng kung anu-ano lang, bonding, landian. Making our bond grow stronger than ever. Pero tonight, umakyat sha na pikon at asar talo.

Gusto nya kasi i-single vote ko sha. Eh nangako ako ke Magic na iboboto ko rin ang nanay nya. Tumatakbo rin kasing kagawad si Ate Minda hahaha! Ayun walk out ang drama ng Payat. Magsama daw kami ni Magic na according to him eh "pokpok".

Sige na nga! Mamaya mangangako ako kay Payat na sa eleksyon, sya lang ang iboboto ko. At tutulungan ko shang ipagpatuloy ang magandang nasimulan... tungo sa pagbabago! Hay! Politics!

Marupok nga talaga ako. Umalis na ko sa Iskwater, heto't bumalik na agad ako. At isang linggo pa lang ako, si Totong na agad ang kinalantare ko. Oo sabi ko dati di na ko magba-blog tungkol kay Totong. Bakit ba?! Bakla ako, pwede kong magbago ng isip! Wala akong paninindigan!

Moving on and letting go? I tried. I honestly did. Ewan ko ba, para kong barko na larga ng larga kung saan saan. At the end of the day, babalik at babalik din ako sa pier.

Kung hanggang kelan, ewan ko pa. Pag handa na shang mag-move on, makakamove on na rin ako. Basta sa ngayon, si Totong ang daungan ko.

10.19.2010

The Playbook --- Baklang Maton Edition

Sa mga fans jan ng How I Met Your Mother... Shempre kilala nyo si Barney Stinson ayt?! At kung nanonood nga kau nitey, malamang eh knowsline nyo rin ang kanyang famous na "Playbook" kung saan nakalista ang lahat ng eksena at drama nya para makabingwit ng mga babaylan...

Bilang beki, marami-rami na rin akong gimik na nagawa makapanlalaki lang. At para ma-inspire naman akong lumandi muli, naisipan ketch na ilista ala-playbook ang aking mga hirit...


The Lost in the City

Eto ata yung pinaka-spontaneous na gimik ko. Ilang beses na kong naligaw kahit ilang taon na kong nakatira sa Iskwater. Me eksenang magtatanong sa mga tambay at manghihingi ng directions. Me eksenang nagtatanong ng bahay ni Aling Gento at Mang Genyan. Basta naliligaw dapat.

Nung minsan eh hinatid pa ko hanggang sa tapat ng bahay namin sa Pasig. Pinainom ko na rin sha ng tsaa. Pinainom naman nya ko ng yakult with live lacto basili. Nung nag-jong kong akeiwa eh lagi kong props ang mapa at address ng hotel. Nung nasa Pineda pa ko nakatira eh mega sama pa sa kin yung isang tambay kasi baka raw bastusin ako ng mga nag-iinuman. At nung minsan na nasa Batangas ako eh naligaw ako kung pano pumunta sa indianan. Winner!


The Molested Istokwa

Kung meron mang pinaka-outrageous sa mga eksena ko, eto na siguro yun. Nabanggit ko na toh dati eh. Nung 2nd year kasi akeiwa sa college, as in Simba at Mufasa ang drama ng hairlilet ko. Blonde kung blonde ning! Buong ulo ko nun, dilaw. Naloka nga si Bibiana at lalo na si Dominga. Pati sa iskul lurki ang dakila kong propesora. Kasi ba naman, akeiwa ang gaganap na "Crisostomo Ibarra" sa Noli play namenchi. Me Ibarra bang dilaw ang buhok?! Muntik na kong jumogsak...

Tapos one night, kalandian ko lang talaga. Mega shombay akeiwa sa Cubao the Callboy Capital of the World. At me nakilala akeiwang jisang --hanufah?! -- eh di sholbam! Kwentuhan galore kami ni Kuya. Cute si Sholbam impernes. Pero dahil nga kolehiyala pa lang ang beki, um-um pa at murayta lang ang baon. In short, majiraffee pa aketch sa dagang majiraffe. Eh elya-elya na ko ke kuya wichiririt naman akong pambayad. Kaya dinaan ko na lang sa kwentong bayan-chi.

Sabi ko ke Kuya Sholbam, istokwa babe akeiwa. Three days na ketch sa Cubao at natutulog lang sa mga gilid-gilid. Gutter beauty ang drama ketch! Ay not so fetch! At parlorista ang mudra kez kaya ako blonde. Kuda ko pa ke kuya, nire-reyp akeiwa ng pinsan ketch sa hauslaloo kaya ako lumayas.

Tanong si Sholbam, anong ginagawa sa kin ni pinsan. Mega habi naman si bakla ng buhangin. Ginagapang ako ni pinsan, pinapasubo ng lakatan, pinapasakan ng talong sa pechay, at pinagsasamantalahan. Sabay segway ako ng "Minsan kasi, parang nagugustuhan ko na rin." Parang kumislap ang mga mata ng sholbam, "Sige reregaluhan kita ngayun. Minsan lang ako manlibre." sabay halik na parang wala ng bukas.

Nag-motmot kami ng lolo mo. Tumbling pa kamo kasi sha ang nagbayad. Wala kaya akong budget. Sa tulong ng aking blonde hairstyle at magic kamison... instant papremyo. Pak!


The Talent Manager cum Recruiter

Pag college ka talaga, dapat madiskarte ka. Dapat marunong kang kumembot ng libre... Kasi shempre sa liit ng baon, at sa laki ng landi, ning kulang na kulang ang kaban ng cash. Kaya si bakla, dalagita pa lang eh maparaan na.

Mahilig akong tumambay nun sa Quantum sa 3rd floor ng SM Manila. Me mga videoke, me mga arcade games, at shempre me dance revo. Dun ko nakilala si Mr. Dance Dynamite.

Ilang linggo ko ring napanood si Kuya Dancer sa Dance Revo kembot ng Quantum at ilang linggo ko rin shang inasam-asam. Ala stalker na nga ata ang dating ko dun kakanood sa lolo mo. Kasi bihira yung ganun, gwapo na eh me talent pa!

Nung di na ko nakatiis at talagang libog na libog., este crush na crush ko na sha, eh in-approach ko na ang grupo nya. Pakilala, kwentuhan, hingi ng number, bola bola na super galing nya sumayaw...

"Anak ako ng talent manager."

Boom! Manganak ka ngayon ng nanay na talent manager. Bakla ka, makalandi ka lang eh kung anik anik na buhangin ang tinitirintas mo. Hala, ibahin mo ang karir ni Bibiana na ang tanging pangarap eh maging politicians. Gawin mong Wyngard Tracy at Boy Abunda si Bibiana.

Mga ilang araw ko rin shang niligaw-ligawan para maging "talent" sha ng Mommy ko. Exactly one week after ko sha kumbinsihin na mag-sign up sa "agency" ni Mudra, napapayag ko rin shang sumama sa bahay. Nagtataka man sha na lola ko ang kasama ko, since friends na rin naman kami eh sleepover ang drama nya that night.

Let's just say... nag-dance revo ng bonggang bongga ang tonsils at esophagus ko dat night. At namuhi na sha sa kin afterwards, nung nalaman nyang charot lang ang lahat. Sayang, sana pala sinabi ko me mga training at workshop muna kami para mahasa pa sha at maging mas magaling. Baka mas maraming dance revo rin ang naganap sa pagitan namin. Oh, well... Kahit bitin, finger lickin good pa rin!


The Interviewer aka Shunga Manipulator

Itong scam na to eh di ko pa actually nagawa. Pero ang kawawang biktima eh ang aking iniirog na mejo shunga. Gento ang modus operanding itech.

Kunwari eh mega writer ka ng isang newspaper. Pwedeng tabloid, pwedeng broadsheet kung mukha kang shala, at kung estudyante pa lang kayo eh pwedeng school paper. Tapos mega ask ka dun sa prospect mo na kunwari eh interview ek-ek at sha ang iyong iinterbyuhin, kung ok lang sa kanya na isama mo sha sa article mo.

Shempre pag pumayag, pakainin mo habang iniinterview kuno. Me props ka dapat na mga notes, guide questions, kahit ala-slumbook lang na mga questions para makilala mo si prospect at may maisulat ka kuno.

Ewan ko kung eepek to ngayon ha. Pero ang next step eh yayain mong manood ng ST film si prospect. Kung mejo shunga nga ito eh sasama yan. At pag elyang elya na sha sa ST film na pinanood nyo, gora na sa suking motmot.

Yung iniirog ko dat tym, sabi ko na kasing wag sumama eh. Si shunga, me kayabangan ding taglay, akala ata eh sikat sa buong campus. Feeling congressman na lahat kinakamayan. Ayun, nauto lang ng interview ek-ek kumagat na. Sabi pa sa kin bago sila lumarga "Wag kang mag-alala babalik naman ako agad. Interview lang to saglit lang."

Kinabukasan ko na sha nakita at todo remorse si gago. Kumain daw muna sila sa Jollibee (how cheap!) at isinama daw shang manood ng Sutla ni Priscilla Almeda. Kaloka! At sa isang not so fetch na apartelle sha dinala na 120 lang ang short time.

Ngali-ngaling sapakin ko yung hayup na bading eh. Ang iniingat ingatan kong nilalang, dinaan sa Sutla at saka pinapak! Hayuf! Shunga naman kasi talaga nagahasa tuloy ng pangit na bakla. Ang bitter ko lang -- 9 years ago pa nangyari to.



Anu nga ba formula para makapagpastol ng tupa? Anu nga bang hagod ang effective para magatasan ang mga baka? Ibat ibang paraan. Me rampa moment, me inuman, me vetsinan, me ganda lang, me career, fame and fortune na pang-uto, me dinadaan sa bango na kasinghot singhot, me naglulubid ng buhangin, me nangunguha ng sinigwelas at indian mango, at meron din namang diretsahan: tara sa kwarto at tayu nang magtikiman.

Ditey sa iskwater, basta may tatlong rule na dapat sundin.

1. Wag kang magpapahuli.
2. Pag nahuli ka, wag kang aamin.
3. At pag umamin ka, wag kang mandadamay.


Aru! Sino bang nagbukas ng banga? Nakawala na naman tuloy ako.

10.14.2010

Eksena sa Medical

Habang tinuturukan ako sa braso, biglang nag-tenenenen ang utak ko two years ago... sa isang windang experience ko sa ospital ng Pasig.

Nung bumukod ako ng hauslaloo at naging bachelorette, ang una kong balaysung ay doonchi sa Bagong River, Pasigelya.

Una kong hausmate sina Karen at Kristala. Magbowa na orbitz. Kindness yang c Tala, lagi akong pinaglalaba ng mga panty hihihi... Tapos naging hausmate kez naman sina Bebang at Manay. C Bang, nabanggit ko na before, eh tropapitz ko ng college.

Wala naman kaming hiya-hiya sa jisa't jisa. Pero wit ko alam why nung isang fateful night of December eh nahiya akong mang-istorbo. Ang bakla, hinihika na ng bonggang bongga pero waley na akong gamot. Kasagsagan ng bagyo, labas akeiwa sa hauslaloo at humiram ng umbrella-ella-ella kay Armida na suking tindahan ko at eksenadorang nakiki-syuta sa kin.

Kahit bagyo galore, mega sugod akeiwa mag-isa sa ospital sa may Pineda. Take note: MAG-ISA. Walking distance lang kc yung jospital ng bayan, so kahit hika galore eh mega walkathon naman ang bakla.

Pagdating ko sa jusko-pital mega tanong si Nurse Jane. Me kasama daw ba akeiwa. Ay wichiririt! Alone ang drama ko.

"Ay sinong bibili ng gamot mo? Kasi sa pharmacy lang me gamot dito sa labas. Bili ka muna, para makapag-nebulizer ka."

Pak! Overpass pa ang bakla. Kelangan bumili ng gamot mag-isa para makapagpa-usok sa nebulizer-kadnezar. Eh di hingal kabayo ang bakla pagbalik. Maya-maya bili daw uli akeiwa ng tube na pampausok nakalimutan ng potang nurse.

Overpass uli. Hingal kabayo uli. Hika galore uli. Kaloka! Wala pa naman ako maka-join force kasi lowbat ang ponelya kez, at wit ko memorize ang number ng mga hausmates. Agony in the overpass ang kinalugaran ko.

Pagbalik, ay bakla nangdilim na talaga paningin ko. Hindi sa galit, kundi sa hika. Hithit kalabaw na talaga ko sa nebulizer, hyperventilate to the max na daw ako. Ang tiles (o lupa?!) ng sahig, parang humalo-halo na sa paningin ko.

Pak! Oxygen tank.
Pak! Steroids.
Pak! Dextrose.
Pak! Anti-histamine.

Ang Nurse Jane, kala mo nagtuturok lang sa baboy. Mega tusok lang ng karayom sa braso ko. Nakaanim na turok ata lola mo ng walang sabi-sabi. Walang pitik pitik, walang hingang malalim. Basta sinaksak lang akeiwa ng syringe.

Habang naghihingalo ang bakla, ning walang available na kama. So naka-oxygen ako, naka-dextrose at naka-nebulizer. Pero nakaupo sa monobloc. Hindi nakahiga. Nakaupo. Nasa gitna ng isang naghihingalong may tubo sa baga, at isang matanda na may tb. Basta nakaupo lang ako dun sa gitna nila.

Nung umaga na, dumating naman ang amo kong Koreano kasi kabisado ko ang landline nya sa balay. Pero waley pa rin akong kama. Kahit chill kung chill na ko, basta sa upuan pa rin.

Maya-maya naman eh dumating na si Bibiana. At in fairness nailipat naman ako sa kama. Pero walang kwarto. Dun ako nakapwesto sa hallway. Kasi yung katabi ko na may tubo sa baga, deadlak na pala. So yung kama nya, ipinamana na sa kin ng butihing ospital. At para ata makapag-TY ako ke manong tubo, habang naka-park ang kama ko sa hallway, dun din nila naisipan i-park yung bangkay ni manong. Bonding!

Yun siguro ang pinaka-haggard na experience ko sa hospital. Eh kaya ko lang naman naalala, kakauwi ko lang from yet another hospitalization. Ang bakla, na-dengue!

Last Miyerkules sumugod na ko sa medical matapos bumaba sa 94 ang blood platelets ko. Malapit sa Iskwater ako nagpa-confine kasi maraming magbabantay. Nung nasa ER, kaloka super gwapo ng nurse. Kaya nung ililipat na ko sa kwarto ayaw ko ng stretcher. Ayaw ko rin ng wheelchair.

Gusto ko karga.

Aba, mamamatay na nga di pa ko lalandi?! Eh nanghihina pa raw si Nurse Gwapo, kaya pumayag na rin ako sa wheelchair. Kandong. Hihihi!

Ay wit ako nagtagumpay. Side by side lang ang keme namin. At kahit maya't maya pa sha kumuha ng dugo para ma-monito ang dengue ko, keribambam lang. Walang pag-iimbot at buong kagalakan kong inialay ang dugo ko.

Shempre lahat na ng eksena ginawa ko para maging enjoyable naman ang pagka-confine ketch davah?! Nag-praktis ako kung pano huhugot ng huling hininga. Kung pano biglang pipikit at lalaylay ang isang kamay sa gilid ng kama.

Nung inoperahan ako kasi ayaw tumigil ng nosebleed ng bakla, mega request ako na dapat me mga tao sa salamin para pag nag-tuuuuuut yung heartbeat ko eh mega iiyak sila. Ayaw na naman akong payagan kainis. Papasakan lang daw yung ilong ko, wala namang kamatay-matay dun. Hmpf! KJ.

Salamat sa mga friendships kong dumalaw. Parang huling lamay lang. Inilaktaw na ang mga bata. Walang nakapula. Nagbasag na rin ng palayok para wala nang sumunod hihihi. Sinamantala ko ng magpaka-primadonna. Kaya ang mga beki kong friendship na dumalaw, di na makapaghintay na gumaling ako at ng makaganti na.

Kaloka, sa dami ng dumalaw na beki, akala mo eh me go-see ng Ms. Gay Iskwater 2010! Thank you girls!

Dahil sa kalunos-lunos na sinapit ko sa BBB at sa mga alipores ni Aling Lucresia na mga lamok armed with the dengue virus, nag-amok ang Bibiana at di pumayag na bumalik pa ko sa House of Sonya. Kaya ngayon, balik Iskwater na ang hitad. And guess where I'm staying?



Sa Tore ni Totong.

10.02.2010

Kalakal


Bago ko tuluyang magdadakdak dito, isang sumbat muna. Mga dautera kayo! Di nyo man lang pinansin yung boobs ko! Umefort effort pa ko ng photo shoot dededmahin nyo lang pala. Hmpf! Di bale, balang araw, tutulo rin mga laway nyo sa alindog ko! Aherrrrm... Ok na ko. Kalimutan nyo ang eksena ko. Now on with the post.... Tenenenenenenen...




"Isang kahig, isang chupa. Ganyan kaming mga bakla...."

Ayoko ng tawaging BBB yung haus ketch ngayun. Iba na sha. "House of Sonya" na ang bet kong ibinyag sa balur na itey. O di ba parang may touch of fashion and mystery. Parang bahay ng lagim lang. Plangak!

Anyway, bago akeiwa lumipat sa House of Sonya, habang nakatira pa ko sa iskwater noon, mulat na mulat lang talaga ang mga mata ko sa kajirapan ever. Kaloka naman kasi talaga mga mare! Kung pamilyar ka na sa mga limos limos, mga budol budol, at pati na mga isnats isnats, ay ning... prepare thyself!

Wichiririt ng maya! Wiz lelebel ang mga knowing mong chuchukachuchu ng mga mahihirap para lang kumayod at kumahig ng pwedeng lafangin sa araw-araw.

Nung Saburdey lang eh dumalaw akeiwa sa Iskwater kasi padasal sa jumangkin kez na nadedlak nung umeksena si Ondoy. Nagka-chikahan kami ng mga relationships kez sa iskwater at may I walk down memory lane naman daw ang baklita sa mga aneklavung pagkakakitaan galore na pinatulan kez dati.

Anjan yung normal na kalakal. Az in pag havey ka ng mga papel papel, upuan na nasira kasi jubis ang umupo, mga lumang glass slippers, kordon ng nyelpown (ay waley palang kordon ang nyelpown -- landline na kordon pala!), mga julambre, basyo ng tequila nights at redhorse, lahat lahat na...

Shempre tatanggapin yan ni DP. Si DP yung ex-juwawits ko. Dating Pa. Hihihi! Masabi lang na naka-move on na si Bakla, kahit malabo pa sa tubig kanal yung mub-on-mub-on na yan sa bukabularyo kez. Anyway, pwede nang pambili ng viand yung pinagbentahan ng kalakal. Yung isang beses nga na nasunugan sa looban, yung isang bahay dun na maraming tambak na kalakal sa kwarto parang kumita pa eh. Instant dispatsa ng mga walang wentang gamit, naibenta pa lahat ng kalakal sa bahay. Tubo pa si Aling Luming! (Insert -- Wag ismolin si Aling Luming, tatakbong Kapitana. At wag lalong ismolin si DP, tatakbo ring Kagawad si Tukmol. Isi-single vote ko sha malamang!)

Bukod sa pangangalakal, anjan din ang mga karerahan. Pamilyar naman siguro kayo sa karera ng mga motor at karu davah? Ganyan din ang principle behind the karerahan ng tricycle. Yung pot money eh Wanpayb (1500), minsan Tukey (2k) o Tupayb (2500). Maghahati-hati ang mga tukmol sa pampusta at hahanap sila ng mauuto na lumaban.

May variations pa yan, may "backride-is-a-must event", may "angat-sidecar event", may "angat-likod-while-umuusok-ang-shumbutso event" at meron din atang "angat-tumbong-ng-driver-at angkas event". Basta ang bilin nila sa nakaangkas na shunga-shungang nauto din, WAG TATALON. Simpleng instruction davah? Nung minsan na umangkas akeiwa, kaloka muntik ko nang malunok yung adam's apple ko at pagluwa ko eh adam's aratiles na ang nakalitaw.

Pumupusta ko jan minsan sa mga karera karera nila na yan. Pero mas madalas akong pumusta pag nagdudutdutan sila. Shempre may mga dayo lagi. Ang mga tinamaan ng kukunat, tuwing mahina sila lumaro, saka ako pinapapusta. Lagi tuloy talo.

Ang pinakabet kong karera sa Iskwater eh yung sa kalapati. Ite-train muna si ibonella. Pag redi na, sabay sabay silang mga official representatives na gogora sa isang malayo-layung lugar at saka ihahagis ang ibong may laya ng lumipad. Saka magsisitakbo pauwi ang mga tagahagis. May abang na tagahintay naman sa bahay nung mga kasali. Inter-iskwater ito kadalasan, me mga delegation from neighboring iskwater communities. Kanya-kanyang bet ang mga indigent. Pagronda ni shulapati sa balur, shokbo na agad ng umaatikabo si runner. Kelangan madala sa rendezvouz point ang ibon-boronbon para pruweba na nauna yung alaga nila. Pak! Sayo na ang pot money.

Shempre pag eleksyon. Ay churi ka, pati ako nakikipirma din sa payroll ng mga politicians. Basta may 1x1 id pic ka, may instant ID ka, may sweldo ka. Lalo na pag nanalo si Congressman. Panalo ka rin kasi may pa-swimming at pa-liga sa covered court.

Yung pinakanaloka ako na kalakal ditey, eh yung kalakal ng pension, benefits at beneficiaries. Si Carlota, sa araw araw na ginawa ni Kulafu eh dugyot yan. Waing bra, waley deodorant, wiz ang tutbras, wichiririt ang ligo mez. Yung safeguard sa balat ng lola mo, madaling mag-expire. Pero minsan naloka ko, pusturang pustura si babaita. Mega slacks at blazer, san ka pa?! Nag-ahit pa kamo ng kili-kili!

Kamukat-mukat mo, me lakad pala sa AFP si potah. Me ka-join force shang opisyal ng mga sundalo, bibigyan sha ng impormeyshon tungkol sa isang sundalong tegi na. Yung sundalong nategi sa gera slash engkwentro. Tapos kakabisaduhin ni Carlota yung details, at ike-claim nya ang mga benefits nung nateging soldier. As in minsan aabot ng kalahating milyon yung nakukuda nya bilang legal jowa ng namayapang soldier! Porsyentuhan din to mga ateng. Ten percent ang sa kanya, for the effort na magkabisa at maligo.

Per shempre ang pinaka-peyborit kong odd job sa iskwater: the Kembot Trade and Boda Industry.

Pwede ang promisory note: I promise to pay the amount of _______ to Kuya Joystick for the kembot that we will do on the _____th day of _____________, 2010. Isang putok.

Pwede ang mga gadgets at technological advances: pagamit ng brick game mo, pahiram ng PSP mo, palaro ng virtual patintero mo, pa-log in sa internet mo, paharvest ng plants sa farmville mo, at patira ng zombies sa PVZ game mo. Isang putok uli.

Pwede ang hand-me-downs: lumang shirt na cute ang design, slacks na maliit na sa bewang mo, mga polo-polo na panlalaki at di mo na bet magmukhang tiboli, mga vest at chaleko na ginamit mo sa kampanya para barangay chairman, mga sunglass at shades na waley na sa uso, mga sapatos na pudpod na ang swelas pero keri pang i-mr.quickie. Isang putok pa rin.

Pwede ang buffet at food junctions: pancit canton na may itlog at isang family size na RC cola, lugaw sa Tu-Tri na may puso, putlong o buy one take one na barger, tusok tusok ng squidball o chicken ball, at kung talagang taggutom na sila, kahit kaning lamig tsaka sardinas na blue bay o youngstown talo talo na! O kaya eh magpa-nomo ka ng jisang litrong matadoray, or jisang caseseses ng pink/fuchsia/magenta horse. Isang putok, pag madalas makikain, pwedeng dalawang putok.

Ditey sa iskwater, plenty ng mahihirap. Havey na havey ang mga dukha at rated p.g. Sandamukal ang buraot at kupal. Kaya ako lumipat ng hauslaloo. Dito sa House of Sonya, tahimik, safe, may gate, walang buraot, walang kupal. Elegante, may breeding ang neighbors, may ambiance at class, buhay mayaman, eksenang village. Mas masaya dapat ako. Pero nung nag-text si Dating Pa kanina, na-miss ko bigla ang iskwater.

"Bat di ka nagpapakita dito. Umuwi ka na, kelangan ka ng iskwater."

Umuwi.

Siguro nga, mas tahimik ang buhay ko ngayon. Mas safe, mas secured, mas maayos, mas payapa. Bakit pa ko babalik sa lugar na yun kung hindi na ako feeling mahirap? Pero di man ako bumalik sa lugar na yun, malamang habangbuhay ko nang gagawing proper noun ang salitang Iskwater. At habangbuhay din, pag narinig ko ang salitang yun, isa lang ang papasok sa isip ko.

Balang araw, uuwi rin ako.