10.15.2011

Condescending

"Hinalikan nya ko..."



Sensya naman pecha na bago ko makyopos ang part 3 davah?! Eto yung part 1 at part 2. The escapade, now aptly named as "The Triumvirate Haggardness" hehehe. Eh kc nga nabuang ako sa isang kasinungalingan wahahaha.. Nauto ako ng isang baklang di kagandahan.. Nagpadala ako sa kinang ng mga bituin na pawang iginuhit lamang! And now i'm back from outer space. I realized I am my own star.

Heto nga yung kasunod ng eksena namin sa baguio.

Pagkasabi nya nun, cguro na-reboot ang sistema ko ng mga 10-15 seconds. Nun nakarecover na ang IOS 5.1 ko sa pagkashock, that was when the charade started.

"Wag na nating pag-usapan yan..." ata ang kuda ko sa kanya nun sabay talikod at itinuloy ang pagdakdak sa pinsan kong dating myembro ng kulto. Naramdaman ko ang mahina pero may diin na paghampas ng unan sa likod ko. Ang di nya alam mas malakas ang hampas ng realisasyon sa utak ko pagkatapos ng kanyang chozfullness revelation. I was right... After tonight nothings's gonna be the same.

Since heightened pa ang aking senses dahil sa chenelar kanabis na dinutdot nila sa posh kong tonsils, di ako makatulog. Agaw-ulirat baga ang level yung tipong kala mo gising ka pa pero nananaginip ka na pala. Di ko kineri kaya tumayo ako para bumaba at mag-drinkaloo ng plenty of water. Di pala kasali sa senses na tumalas ang paningin kaya I had to utter "let there be light"... And it was still dark! Tae di pala voice activated ang bumbilya ng tahanan hehehe...

Kapa-kapa ang solusyon sa kadiliman. When i finally found the switch, lo and behold... the woman and the boy -- who became a man right before our very eyes -- magkaagapay sa kama at astang tulog. Ay dedma! Nauuhaw na ko! Gumora na aketch sa baba para magpakalunod sa isang basong mineral water!

Bonding muna with gwapong Tonton (na super open sa mga beki at tanggap na tanggap ang kalandian ko) at forever dreamy na Kirk (na kahit talaga sisenta na ko eh malamang crush ko pa rin) hehehe. Nomnom ng h2o para wit ma-dehydrate!

Pag-akyat ko sa room, dedlak na uli si Bombie the bumbilya. Yung kwarto kasi pagpasok mo, me parang hallway na isang dipa lang ata, courtesy of the aparador sa kaliwa. Andun pa lang ako na-feel at na-sense ko na may kembangang nagaganap. It may be the hanubis canabis chenelar that I took. It may be the creaking floor. It may be the "impit na ungol at halinghing". It may be my über-jealous heart. Or it may be simply the two of them expressing what they have been feeling all those times that I tried to block them. I will never know, and as I know her she will deny it. All I know for sure is... I'm broken yet again.

Bumaba na lang ako uli. Nakipagkulitan kay Tonton. Kinilig kay Kirk. Natawa ng hindi umaabot sa mata. Sumaya ng di umaabot sa puso. Nabuhay ng walang kaluluwa. Choz! Kalalim naman! Wit! Nagenjoy talaga ko uli sa baba. Kasi even before, somehow I knew this would come. And i'm not in the position para warlahin si Katrina kasi wala naman akong karapatan.

Pero kilala ko ang sarili ko. I know sa mga susunod na araw, parurusahan ko si Katrina sa paraang kaya ko. Kahit yun mismong pagtawag sa kanya ng "Katrina" instead na "Ka-te" alam ko ramdam na nya. Sabi nga nila: mabuti akong kaibigan, masama lang talaga ugali ko. Wala akong karapatang magalit na naging sila ni Kevin, pero keri kong magtampo dahil pareho kaming may feelings for Kevin at dinisregard nya yun. At dahil close kami i hold on to the right na mag-inarte sa kanya. Medjo walang sense para sa ibang tao pero between me and Katrina alam kong gets nya ko.

After a few laughs, an once of courage and some push from my inner Pep.Ph umakyat na rin akez. Binigyan naman ako ni Blink ng tapang eh! Naks Kakeru ang peg! Bahala na si Akasukin Cha-cha! Oras na para ipack-up si Lucy Torres-Gomez at ilabas si Gretchen Barreto! Lagi naman nasa bagelya ang pink stilletos ko!

Tiptoe pa ko paakyat para sana bubuksan ko yung ilaw sabay sigaw ng "Mga walanghiya! Mga imoral! Pinagkatiwalaan ko kayo! Nagpapakapagod ako magkuskos ng kubeta para may maipalamon sayo tapos ganito lang pala igaganti mo! Hayup! Hayuup! Hayuuuup!!!!" at padausdos na sasandal sa pinto at manghihina na parang nauupos na kandila. Pag me mga ganyang naiisip ako, sa maniwala ka't sa hindi pinapraktis ko talaga ng 2-3 times. Kaya nung redi na si bakla, nag-clap na ang clapper at enter the chenelin na akez sa room.

Eh pag-opensesame ng bright lights in the big city, wit na si lalaki! Bigla akong nalurki! Nalito tuloy ako kung trulalo ba ang sabon o ang isang daang damit ay pawang iginuhit lamang?! (Editor's note: "nalito tuloy ako kung totoo ba ang nakita ko o drawing lang ang lahat." hehehe!) Eh wala na palang eksena, layladee (lie--higa) na lang akeiwa sa kama sabay talukbong at borlogs.

Kinabukasan, patay-malisya. Parang walang nangyari. Nakikembot pa ko sa pagkatay nila sa isang classic at exotic na pulutan. Kinausap ko muna bago katayin kaso di ako naintindihan. Di nga pala ko tomboy kaya di rin ako parseltongue! Nakakaloka ang pagkatay! Sa ngalan ng aphrodisiac at ulam! Que barbaridad! Nung natikman ko after maluto, di naman ako naimpress sa lasa... Sana hinayaan na lang shang makipag-usap ke Lord Voldie.

Tuloy ang sked namin ni Katrina na lalabas ng balur at gogora para bilhin si Cleopatra, ang magiging kapatid ni Mercedes -- ang aking gandara parks na wigaloo. Bet ko yung egyptian look next photoshoot eh hihihi! Todong eyeliner na tatalo sa kohl ng lola mo! Yun ang destinasyon namin ng babaeng katimora! Shopping ng heriret na todo sa bangs!

Eh naalala ko yung spa na bet kong puntahan kasi ang ikukuskos nila sa balat mo eh tangkay ata ng strawberry at dagta ng longan. Aba parang mas trip kong magpakaskas ng libag ngaun ah... At dahil nga birthday month ko ang August, treat ni Katrina ang araw na itu. Pinili ko yung mas maharlika hehehe! Package kung package! Masahe, body scrub, facial, hair spa, mani-pedi, foot scrub, pati ear spa pinatos ko! Choz! Parurasahan ko na lang sha, uunahin ko na ang bulsa nya.

The whole time na pina-pamper kami sa North Haven Spa, sige naman ang simpleng kuda ko ng mga pasaring at parinig. Kuskusin mo maigi ate para luminis uli ang makasalanan nyang katawang lupa! Alam ko na kung anong masarap na partner netong tsaa nyo: laing. Ay ate nakakatanggal ba ng pantal ang hagod mo? Pakidiinan kay Katrina! Me caladryl po ba kayo jan? Pakibuhos po sa kasama ko -- isang buong litro!

Matapos ang kembular para kuminis na muli ang kutis ng bakla at mabanlawan sa dumi ang Katrina, buysung na kame ng ticket to Manila para wala ng makapigil sa pag-go home namen later. Knowing Kevin and his bros lulunurin kami ng mga yun sa hard drink, yung tipong ikaw na ang susuko at magde-decide na matulog na lang muna at umuwi kinabukasan kasi langong lango ka na sa kwatro kantos na may apdo n sawa. Pramis nakakaloka ang lasa! Uunahan na namin, dapat me sked na kami pauwi para maka-jescape naman kami from Azkaban at hindi kami ma-beng beng sa byahe.

As expected, jinuman galore agad alas syete impunto. Me boom-boom-boom na kainan kunwari, then fireworks agad ng jalkohol kalurki! Dalawang ikot pa ateng! Ikot si Empi Lite na ditey sa Baguio eh wit nila kayang gawing light... at yung kwatro kantos na pang-lukring. Sino ba naman di mangengenge nun davah? Sige sa kuda si Katrina sa kanyang newfound at old friends. Sige naman ako ng kembot kay Kevin -- a different Kevin, barkada nila. Mega akbay kasi sa kin, kala mo naman eh kagwapuhan hehehe. OP naman kasi si bakla! Sa super ka-OP-han kez, ang ka-holding hands ko teh... bilat! Ang lagay eh sha lang ang me borboli moment?!

Masama man ang loob ko, pero dahil kaya namang lunurin ng alak ang emosyon, sige na, lunurin na lang natin. Sige, tagay, sige, laklak, sige nomo. Ending ng 1230AM flight namin, nakaalis kami 430AM. Talagang ngenge kami pinauwi ng mga hayup! Bangag na bangag ang peg ko davah? Nagkandasuka muna ko sa 711 bago mag-board sa bus hehehe.

I was so sad. First, dahil alam kong wititit na kami magpapakita uli kay Kevin. Last na toh. Even before we went to Baguio, yun na ang desisyon namin pareho. Unless sha ang bumaba at humanap sa min, wala ng triumvirate reunion na magaganap. Baka ipalit na lang sa pwesto nya si Ann Kulot. Taray, na-dethrone si Ungas?! Second, dahil alam kong kahit di ko dinibdib, dadalhin ko ng mahabang panahon ang sugat ng eksenang nasaksihan ko sa kwarto. Wala man akong karapatang magalit, wala man akong karapatang masaktan, wala akong pakialam. Hindi ako care bear, I dont care! Kesa kimkimin ko at ikalaki pa ng right ventricle ko yan, ilalabas ko na lang ang sakit. Ang solusyon, end of friendship.

Desidido akong wag pansinin si Katrina buong byahe. Kesa magkasakitan pa kami at pagulungin ko sha sa unahan ng bus, wit na. Hayaan na lang si ate. Borlogs ang inatupag ko para mahulasan sa pagka-ngenge.Eto kamo ang siste: nagising ako at bigla akong nag-panic. Natatae na ko. As in taeng tae! Potah! Tyanenat umayos ka! Di ko keri toh!

Idaan sa borlogs neng. Iklipany uli baka mag-go away si LBM-feel. Ay wit! Wit ako maka-shulog, at wit nag-go home si LBM-sense madam! Shueng shue na talaga akez! Pano ba itey?! Pilipit na ang tumbong kez, kulang na lang pasakan ko ng hinlalaki si pwetlak para lang mapigilan si kuya. Naiidlip-idlip naman ako kaso andun talaga yung panic mode na pagpipigil.

Sa wakas dumating na kami sa stopover. Baba agad si atashi, gora boom boom sa CR. Taena! Under renovation! Sige mga manong constru! Hukay pa! Puro urinals lang ang meron teh, pano naman akeiwa nitey?! Ask akez ke ate tiketera san pwede pumupu. Ahhh, dun daw sa gitna ng hinuhukay ng mga konstru, me isang cubicle na pasok sa banga. So gora na si bakla, literal nasa gitna itu neng. Tapos nasa harap silang mga masisipag, naghuhukay ng ginto. Partida, wala pang pinto si cubicle, plywood lang na ihaharang. Me siwang ng siguro isang dangkal sa kaliwa kasi di rin sakto plywood sa doorlaloo. Keri! Tae mo na yan beki!

Squat si bakla, kesehodang buyangyang na si pechay sa siwang, wala naman sigurong sisilip. Minamadali ko na ang pag-ire para ma-kyopos na ang kalbaryong itey. Tangina napamura talaga ko bigla! Yung isang konstru bigla kamong sumilip sa gilid! Siguro curious ampotah! Napahiyaw ako sabay "Ay! Kuya may tao po!" sabay takip sa pechay. Ngisi lang si kuya sabay alis. Bakla bilisan mo na! Ilabas mo na lahat!

Eto kamo. Ang plywood...boog! boog! boog! Slow mo pa ning. Nalaglag si plywood, jumogsak sa harap ng mga manong konstru! Blag! Sabay sabay pa silang lumingon. At napanganga na lang ako. Takip sa mukha. Ay takip sa pechay. Ay ewan ko na. Sila manong nakanganga rin. Nawalan ata ako ng malay ng mga 2-3 seconds. Nung nagkamalay na ko uli, binilisan ko ang paghuhugas, pagsusuot ng pantalon, pagtakbo at pag-walkout. Nun nasa pinto na ko, saka ko narinig ang tawanan ng mga hinayupak. Mangiyak ngiyak ako na natatawa pag-upo sa tabi ni Katrina. Ang nasabi ko na lang...

"Ka-te... alam mo ba..." and that was it.

Friendship reinstated.

10 comments:

  1. ahaha award ang eksena sa cubicle!! salamat at napatawa m uli ako bm.. :)

    ReplyDelete
  2. Friendship reinstated. Love it!

    (btw bitchmenot here, somehow office blocked google accounts)

    ReplyDelete
  3. hahahaha! at hahahahaha pa! kahit di ko talaga maintindihan yung ibang sinasabi mo tawa ako ng tawa, and your last line didn't fail. actually yun ang magkaibigan, yun bang kahit ano ang pagdaanan, magkaibigan parin. panalo ang kwento!

    ReplyDelete
  4. ahahaha hantagal ng update mo hah. naaliw naman aketch sa LBM experience mo kahit na sumakit mata ko sa kakabasa. Ateng palitan mo nga background mo

    ReplyDelete
  5. KABOG! eksena ang LBM moment mo teh ... friendship reinstated aahahahaha! kaloka ka. pero naranasan ko na rin yang shueng-shue moment na yan. sa EDSA! potahkells di ko kineri ang pigilan galore. ahahaha!

    pero kaka-sad. na nalaman mo yung bongkangan moment. ka-sad yun. bet mo pa naman si otoko at tropa mo pa ang binoross.

    ReplyDelete
  6. i just stood up and gave slow clap. solid to BM. i'm a fan :)

    -> boynxtdoor

    ReplyDelete
  7. Aliw. Haha. Medyo natagalan nga ang update. Na-miss kita BM. ;p

    ReplyDelete
  8. Prolly the most painful of all. I mean, they were right there in the same room, fucking while you're breaking. I can only imagine how it hurts... sad. Sad. Sad.

    ReplyDelete