10.08.2011

Saturation

I'm sure you'll say this after reading the first paragraph: Zombadings na naman? Remington pa ren? Jigs Dimayuga uli? Di ka na ba nagsawa bakla? Ano to, PR firm? Indulge me Bekilandia. And as early as now, me disclaimer na ko kasi malamang ang maka-appreciate neto eh yung mga taong nakasama ko sa aking zomba episode. I'll try my best to make this the last Jigington post. Beki pinkie promise!



Ilang linggo na kong kuda ng kuda about Kerbie Zamora and Mart Escudero. Gumora pa nga aketch sa teyping ng Mart para kumembot ng bidyow davah? Nang dahil sa twitter, naging instant celebrity si bakla, third wheel sa twitter sa tambalang Remington at Jigs aka Jigington. Kung dati eh bente-dos lang ang followers ni atashi case, ngayonchi neng dos-bente-dos na. Oh di ba two humps agad ang dumagdag!

To say that I felt special and in-the-loop was an understatement. Third wheel nga ang peg ko davah?! Ganung level ang pagka-assuming ng bakla. Ang lakas lang maka-nyurtista ng dalawa davah? Kasi they really reply, talagang harutan at kudaan, landian, todo flirt, at kung anik-anik pang twitter moments na nagpapatigil sa mundo ko.

Until I received a DM (direct message) from Mart asking for my number. Syet ako na talaga! Ako na ang hinihingan ng number ng artista! Then later, si Kerbie kinuda rin ang number ko. May mga pangako ang duwa na lalasingin daw akeiwa sa Central Mandaluyong at lalaklak ng 2+1 na choco loco. Call naman si bakla, saka ko na-realize na ang bet pala nilang ipainom eh yun mismong 3 pitsel! Kaloka madam!

Sige lang ang DM ng dalawa sa twitter. Dreams na magka-project pa uli together. Sana magka-award ang Remington sa role nya sa Zomba. Mga bagay na personal na nagpa-feeling close sa akin. Kumusta naman si Kerbie, araw-araw, walang patlang, na-screenshot ko pa, me "good morning yours!" yan tuwing umaga. At nabuo ang "mine" at "yours" peg namin ni Kerbie hihihi. Ako na! Ako na ang possessive!

One time eh kumuda ng fans/supporters day ang gwapo. Ako namang si patola, ayoko para solo ko sha. Selfish ako ayako ng kahati. Eh na-realize ko pag me iba pang kumuda na umako ng pwesto, di na ko ang bida-bida hehehe. Tutal pabida naman talaga ang bakla, inako ko na ang responsibilidad. Basta dapat eh Sharon-Gabby ang drama namin: una kang naging akin! In a way, nauto at napasubo ang bakla.

It was settled, ako ang naging "madam president" ng grupo na mag-oorganize ng Jigs Zomba Day. Naghanap ng mga makakasama sa pagpaplano at paggastos na rin malamang. Me mga nauto nag-volunteer naman. At dun na nabuo ang yet to be named The Kerbies. The core group planned for the event, tasking, conference chararat, at kung anu-ano pa. I-utilize ng bongga ang twitter, fb chat, all-network-unli, email at messengers. Na-meet ko si Al, ang fanclub president ng Martians -- mga fans ni Mart.

Nung unang meeting ng "organizers", tinawagan ni Al si Kerbie para makausap ko. Kulang na lang eh maihi ako sa kinauupuan ko dahil nga makakausap ko na si "mine" ng totoo. Kasi lagi naman sha nangangako ng tatawag at magtetext pero di naman natutupad ampotah. Kaya nung finally eh nakausap ko ang lolo mo, para kong inaatake sa puso sa sobrang kilig at kaba. Kaso naloka ko sa komberseyshon namin. Parang di nya ko kilala. Me linya pa sha na "Di ba nasabi sayo ni Al yung sa twitter?" Nganga ako ng ilang minuto, trying to process what just happened.

After ng meeting, kinompronta ko si Al, and umamin naman sha. It wasn't entirely Mart and Kerbie updating the accounts. Tama yung isang nag-comment sa una kong post, sometimes it was their handlers who reply and tweet. Naloka lang ako kasi pati ba naman sa DM?! It was personal na di ba? Kumbaga, if I was being used as part of their promotion, walang problema. Pati DM na wala naman nakakakita? It was really foul. The handler was trying to tweet ala Mart at Kerbie.

Si beki nagbi-build ng friendships and relationships based on pretense and pagka-assuming kasi "he tweets based on how Mart and Kerbie would speak and talk"... Kaya andami tuloy nagtataka kung bakit parang baklang bakla magtweet yung dalawa. Eventually nilagay naman nila yung "fan service" pero what does it really mean? It was clear to me na may nagtu-tweet na astang sila. The question was nababasa ba talaga ng dalawa?

Naganap ang buong pagtatapat ni Al sa ilalim ng puno ng caimito na nagbigay sa kin ng sangkatutak na kati. Malaglagan ba ko ng higad habang nag-eemote?! Kaya ayun, nung nagkita na kami ni Mart, literal nangangati ako. At effortless ang nganga ko sa bidyow ha, kasi nga iba ang emosyon ko that night. And as expected, di rin ako kilala ni Mart. At pag tinatanong ko sha about twitter, ngiti lang ang sagot.

Lumaklak kami ng apat na bucket ng Manila Beer. Nagpakabondat sa cheese puffs. At nag-inarte magdamag. Matapos ang araw na yun, ilang araw kong peg sa soundtrack ang "Jar of Hearts" na paulit-ulit kong nginawa sa byahe, sa bahay, sa bath tub, sa kwarto, sa kalsada, sa LRT at MRT, at pati habang tumatae. Sino ka sa tingin mo, handler?! Nangongolekta ka ng mga puso para wasakin?! Mapulmunya ka sana jan sa yelo sa puso mo tae ka!!!

Pero at the back of my mind, ang shala ko naman. Ako na! Ako na ginagamit ng artista! At dalawa pa ha! In the end, I decided to accept it and move on na lang ulet. Me magagawa pa ba ko eh nagamit na ko (naks) davah? And I cant even blame the two kasi wala naman silang kaalam-alam sa pinaggagagawa ng handler nila. Ang mantra ko nga eh "I choose to be happy" di ba? Eh di apply it in real life.

Tuloy ang event. Nagpamudmod ng mga stubs at naningil ng ambagan. Nagpa-reserve ng acoustic band aka mga kainuman ko sa bahay ni Clodualdo hehehe. Talented naman ang mga lolo mo, wit ako mapapahiya for sure. Nag-ayos ng program. Nag-isip ng mga pakulo at games. At shempre, tuloy lang ang landian sa twitter. Since alam ko na kung cno ka-tweet ko, wit na ang DM. And nakilala ko naman sila ng tunay so keribelles na. Nagtetxt din minsan ang Kerbie after forty-eight years nga lang.

Minsan nakakabaliw lang ang lolo mo. Hindi sha involved sa pag-aayos, kulang sa PR, hindi ata marunong mag-text. Parang di sha makapaniwala na itutuloy ang event, and that some people would actually pay just to see him. Kasi shempre wala naman kaming budget kaya lahat ng kukuha ng stub for the event, paysung ng three humps. Maharlika pa ang nakuha naming place kaya wit talaga sa badjey. Since model-model naman talaga ang career ng gwapo, I guess di pa sha sanay na may mga fans.

Todo promote na kami ng grupo. Me kanya-kanya pang stasyon kung san kami pupwesto para makipag-meet for the stubs. Nangolekta kami ng pam-paysung sa bar na walang mic at mic stand hehehe. I was actually proud of the organizers kasi spirit of volunteerism at kilig lang talaga ang motivation ning!  Pero pag napapaisip kami, ni-nu-ni-nu-ni-noo, sana worth it. Sana deserving shang suportahan, kasi yun na ang nangyari sa min, support group na talaga sa fanbase ng lolo mo.

Nakaka-chat ko si gwapo sa FB, pag natyempuhang online. I have to admit, we're not actually friends. Just a celebrity talking to a fan. Just a start-up actor talking to the organizer of his event. Di ako nagpi-feeling close, di ko sha china-chat na parang long-lost friends or tropa ang eksena namin, basta I give him the details of the program, I tell him kung anong kembot at kembular ang gagawin nya, and magpaulan sha ng maraming maraming kindat, ngiti, flying kiss, at tatlong toneladang charm. Walang "musta, san ka?" at "anong ginagawa mo?" kung anong kailangan ko at tanong nya yun lang. Me konting pa-cute on my part, pero hanggang dun lang. I'll never forget my role as a fan.

Sa wakas, dumating ang pinakaaasam-asam kong araw ng paghaharap. September 24, 2011. Jigs Zomba Day na! Aligaga ako umaga pa lang kasi kinuda ko pa ang mic stand sa Tayuman, at dumaan pa ko ng PNU para sa isang errand. Kaya pagdating ko sa Chef's Bistro sa Tomas Morato haggard na haggard na ko. Inayos ang mga upuan, isinabit ang mga tarp (yes, mga!) sinetup ang sound system, nagsoundtest ng pink hello kitty na mic, kinuda ang props, raffle prizes, games, registration, souvenir, at naghintay sa pagdating ng bisitang pang-jolina... magdangal ahahahaha...

Starstruck ang bakla pagkakita at pagka-shakehands ke Kerbie. Si Mart pasimpleng nganga lang ako, sa lolo mo di ko kineri na pasimple. Nag-ask talaga ko ng yosi at 30-minute nganga time. Tutal waley pa ang mga udangchi na ka-join force sa araw ni Jigs, kinalma ko muna ang aking inner beki at sinubukang magpaka-propesyunal para pag program na eh di na ko nganga. Larger than life kasi ang lolo mo!

Itey ang ilang piktyurakka namin ni Mine during the event.






Sabi n mga beking dautera eh birthday ko raw ata kasi ako ang pinakamasaya. Ang bilin ko kasi sa lolo mo, akbayan ako lagi hehehe. Me kandong moment, me reenactment ng hagdan scene, me photo op sa mismong hagdan ng bar, me pasahan n gummy worm, at binanatan ko sha ng ultimate pickup lines.

"Anong height mo?"
"6'1. Baket?"
"Tangkad mo pala! Pano ka nagkasya sa puso ko?"

"Alam mo pag kasama kita para kong troso."
"Baket?"
"Kasi bet na bet ko magpasibak sayo!" Napamura si gwapo wahahahaha!

What I loved about him was his humility and sincerity. Taong tao pa sha wala pang bakas ng pagka showbiz at pagkaartista. Pag naiirita ipapakita, pag gutom kakain, pag gusto magyosi yoyosi. Mart on the other hand, sincere at nakakakilala naman sa familiar na tao, mapagbiro at warm, pero parang praktisado na ang galaw. Wala kang makikitang special na pagtingin nya sa isang tao, pantay lahat. Sanay na sanay sa galawan ng showbiz. Still, he's adorable. He's a certified actor. Kerbie is a different story.

That day, sulit ang ikinanta ko ng Jar of Hearts ng ilang araw. I had fun. Bonggang bonggang bong bong fun! I can speak for the group to say that it was a successful event. Impernes ka manilyn reynes at kay coney reyes! Plunging neckline with matching beads! Winner! Lahat ng taong kumuda, at lahat ng taong napilit kumuda that night, naging masaya.

Nung nagpapaalam na kami sa mga fans, supporters, intrigera, at mga usyusera, at pati kay Kerbie na rin, he gave us a promise for our next project: photoshoot hehehe. At habang nagpapaka Thank You Girl ako sa mga umuuwi, I shook one specific hand... and that handshake lingered for about 30-40 seconds. Hmmm, talk about future blogs.

Ecstatic ang lahat after the event, and we all became instant friends. Yung isang babaeng bakla, pinaghintay ako ng dalawang oras sa Farmers pero nun nagkita na kami kindred spirits ang drama. Yung isa ring mashungkad na beki, na fierce-fierce-an kung maka-pose, lakas maka-tyra bang ng lola mo! Yung meg ko from JPMorgan na nagbalik sa aking piling. Yung camwhore na literal -- kasi andami nyang cam. Yung hobbit na ang liit ng height pero anlaki ng utak -- as in tama sa utak! Yung naka-shake hands ko ng mga 30-40 seconds (ulitin?!) na di ko akalaing makikita ko pa ulit. Yung mga baklang dautera na nakakaloka. Yung mga reader ng blogelyang ito na sinuportahan ang kagagahan ko (ehem, Yuki?!) Yung babaeng naka-sleeveless na antigas ng mukha, nahalikan tuloy ni Kerbie balikat nya! Yung small friendship kez na OMG -- as in OM Girl kasi nyupereyshun manedjer si beki. Yung beaucon icon na winner sa pagmamahal sa beaty pageants.

Yung mga baklang nakilala ko. Yung mga baklang naging kaibigan ko. Yung mga baklang nainsecure sa ganda ng legs ko. Yung mga baklang naloka sa ganda ko! Sila. Sila ang nagpakulay, nagpaganda at nagpasaya ng gabing yun. And of course -- Mr. Kerbie Zamora.

After a week, nagkaroon kami uli ng special screening ng Zomba sa Fully Booked, Boni High Street. Birthday ko ulit. Kasi habang ginagawa ko ang unang song na sinulat ko -- part ng Album na Maton hehehe -- eh me tumawag sa kin kasi me bisita raw ako, at paglabas ko, andun si Mr. Handshake, may hawak na bouquet of flowers. Stargazers pa! Napapikit na lang ako sabay tanong to my blushing gorgeousness -- is dis rily is it?

Nanood ako ng zomba na may ka-holding hands sa kanan, at may Kerbie Zamora sa kaliwa. At may Mart Escudero somewhere sa unahan. And friends gathered around me. Another victorious night na natapos sa hagdan ng bahay ko, at naging saksi sa pagpaplano namin kung pano kami mananalo sa bandang huli nyahahaha!

Last Tuesday, to bid farewell to the Hagdan Phenomenon and to the Suman Effect of Zombadings, I watched it again sa Gateway, last main feature. As if to complete my Zomba experience, I saw the writer, Mr. Raymond Lee, and the director himself, Direk Jade Castro. And one real-living zombading -- haunting the moviegoers, lurking in the shadows of the cinema house, walking slowly as if pained by his own existence. And that was it.

Zombadings have ended its successfull run. But I'm sure in my heart, my experience with the cast, the writer, the director, and most especially the fans and friends. It will stay with me for good. For better or for worse, till Gaydar do us part. Award!

10 comments:

  1. my apologies for not being able to attend dear.
    i owe you coffee (or something), that's for sure.
    Then we can make kwento about it. harhra

    ReplyDelete
  2. "Yung mga reader ng blogelyang ito na sinuportahan ang kagagahan ko"
    Eeeeeeeeeeeeeeeee (maka Nimmy reaction nga).
    I'm flattered beyond repair. Char!

    I was more overwhelmed with your presence rather than your majesty Jolina Magdangal (eh?). You know naman that I've been following you since the twilight ages (alam na) and meeting you in person before was one of my death wish (Meganun Fox?) I'm slightly dissapointed lang I want to spend some quality bond(age? eww), interview you at okrayan tunkol sa mga eksena sa blog na itey.
    Enweiz, about Mr. Handshake (ang sagwa ng pseudoname, pwedeng Mr. Keane na lang, somewhere only we know ang dramarama?)...
    sabi ko na nga ba, my first instincts are correct about the attraction. hihi

    I will wait...
    for your next entry...
    mwah!

    P.S. dapat kasama din namin si Lanchie, eh yung nagreply.. (si ano) ang say nya ata eh ala ng tix.
    Hi Lanchie (sup sup)

    ReplyDelete
  3. parang familiar ung outfit mo BM. nagjijirap? bwhaahaha! ikaw na talaga BM! ikaw na! hihihi..

    ReplyDelete
  4. Yung babaeng baklang pinaghintay ka sa Farmers.....sunugin sa plaza!! Hahaha. Thanks Madame!! The Kerbies fan event is one of the highlights of my 2011!! Ansaya kong nameet kita and yung ibang fans who eventually became my friends. Looking forward to our next inuman slash videoke slash kudaan!! Love you (yuck, haha) :D

    ReplyDelete
  5. ako na ang matigas ang mukha! hahaha!

    ReplyDelete
  6. congrats to your achievements

    ReplyDelete
  7. KAKALOKA KA!
    nang magsabog ng kalandian sa mundo sinalo mo na ata lahat - ganun din ang swerte, inubos mo.

    antangkad pala ni Jigs...

    ang taray ng 2nd pick up line ... i ggm ko later. hehehe!

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. naiintindihan kita kung bakit ka may ganitong mga posts. ok lang naman kung hindi ito ang huling jigington-related post mo. kasi ako at 'yung isa kong ka-tumblr, gumagawa pa rin ng zombadings-related posts. sa 'yo naman 'tong blog at saka sabi mo nga "Makibasa lang, wag kang buraot."
    I enjoy reading your posts. :)

    ReplyDelete