1.25.2011
The Screaming Nation
***************************************************************************************************
Beki, baklushi, badingerzi, jokla, joklis, tukla, badaf, badesa, badet, badidap, beks, rebekla, jokling, silantro, bisikleta, bading, bakla. What's with labels? Nakakaloka!
Rinig na rinig ko ang sigaw ng karamihan sa madlang pipol. Nakakarindi na minsan. Masakit sa pandinig, mas masakit sa pakiramdam. Pero pag bakla ka, dapat manhid ka.
Nung bata ako, di ko gaanong nararamdaman to. Walang dating sa kin yung mga sinasabi ng mga tao, kasi di ko naman naiintindihan ang kahulugan ng salitang bading. Alam ko kung ano yung mga bakla pero wala akong pakialam. Kahit kumendeng pa ko ng kumendeng maghapon wala silang magagawa. Inglisera na ko elementary pa lang kaya pag me nandaot sa kin ini-english ko kaya tumitiklop agad. Pag di ko nadala sa pag-english, susumbatan ko sa utang ng nanay nya sa nanay ko. At 99% ng mga kalaro ko eh me utang ke mudra.
Pag naghahabulan kami dati sa bukid (likod bahay namin na puro puno at basura na naging pagawaan ng hollow blocks) promotor ako ng lahat ng kabulastugan mula sa pag-iihaw sa itik na napanalunan namin sa bunutan, at panunungkit ng alatires ni Mang Johnny.
Meron kaming laging kaaway noon, si Puppy. Pango ang lolo nya at mukha talagang tuta na hindi cute. Pag napikon na sakin si Puppy, kokotongan ako nyan ng sunod-sunod. Magcha-chant naman ako ng "Hindi naman masakit!" sabay shembot. Ewan ko bat ako lang lagi kinukutusan ng pangit na yun. Imbyernadet Sembrano ata sa ganda ko. Basta pag uwian na, magmumura yan sabay bulong ng mura sa lahat ng bakla sa mundo. Bata pa lang, na-discriminate na pala ko ng wala akong kamalay-malay.
Bigla akong napasulat about discrimination kasi nung isang beses sa MRT, naloka talaga ko ng bonggang bongga! Si BM, namasyal lang sa Megamall. Naka-puki shorts ang bakla, shirt na mejo malaki, at flip flops. Simpleng simple davah?! Nung pauwi na ko, mega ride ako ng MRT papuntang Cubao Station. Pagbaba sa escalator, me bumunggo sa kin na lalake at nagmamadaling nag-overtake. Eh di nairita-avila ang bakla.
"Pwede namang mag-excuse di ba?!" sigaw ko.
Aba si Manong, biglang about face sa kin at pinagmumura ko! As in putang ina na mura, with matching dirty finger at panlilisik ng mata! Ay possessed itu! Sinigawan ko rin si gago!
"Gago ka pala eh! Ikaw na nga nakabangga ikaw pa galit! Me sapi ka ba?!" kuda ng bakla. Nandun na kami sa suksukan ng card sa exit ng MRT.
Si Kuya, mura pa rin ng mura. "Tang ina mong bakla ka! Umayos ka gago ka! Tarantado pakyu!" may gigil factor si kuya at parang ni-rape ng isang barangay na bading. Galit na galit sha!
Eh kung jombagin ako? Eh di nagmabagal ako ng lakad para mauna sha. Pero kunot noo pa rin si bakla at init na init na ang ulo ko. Hinayaan ko shang kumuda habang lumalayo sa akin. Aba! Biglang about face uli si Gago at papalapit na naman sa kin! Umaamba pa na parang ija-jab yung mukha ko! Anu, bale? Magpapajombag ba ko?!
"Gago ka pala eh! Inaano ba kitang tarantado ka?! Tang ina mo pala di ka naman inaano! Ano bang problema mo?! Guard! Guard! GUARD!! Hulihin nyo nga tong putang inang to nanggugulo sa kin!" Oh di ba eskandalosa si bakla. Di bale na, di naman nila ko kilala no. Kesa naman makipag-buntalan ako sa Farmers.
Lumapit si Manong Guardo Verzosa. "Bakit po ser?" tanong ng lolo mo.
"Eh eto kasing tarantadong to! Nanggugulo, mura ng mura sa kin di ko alam kung anong problema." At that point eh nagmumura pa rin si gago, nanlilisik pa rin ang mata nya at pina-pakyu pa rin nya ko. "Anu bang problema mo? Yang pagmumukha mo?! Walang papatol na bakla sayo gago!"
Tumalikod na ang hayup at lumakad ng mabilis palayo sa min ni Guardo. Pero kahit paalis na sha eh nakataas pa rin yung isang kamay habang naka-pakyu at nagmumura pa rin. "Tang ina nyong mga bakla! Mamamatay rin kayong lahat! Pakyu kayong mga bading! Mga putang ina nyong lahat!" Ganun sha ka-intense, ganun sha ka-walang modo, at ganun sha ka-galit sa mga bakla.
Umuwi akong mangiyak-ngiyak at kumakabog ang dibdib. Feeling ko, bawat kanto na me blind spot ako eh bigla shang susulpot at sasapakin na lang ako. Hanggang sa makarating ako sa bahay na walang pintura, feeling ko eh inaalipusta pa rin ako ni Manong Pakyu. Umaalingawngaw sa utak ko lahat ng sumpa at panlilibak nya sa akin -- dahil bakla ako.
Kahit san ka tumingin may iba't ibang uri ng discrimination. Ang nakakapagtaka, sa sobrang tanda ng pagiging bakla, bakit hanggang ngayon hindi pa rin tanggap ng mga tao? Si Zeus mismo, nang-kidnap ng boylet named Ganymede para maging jowa nya. Yung dalawang mummy sa Egypt, sina Niankhkhnum and Khnumhotep inilibing na magkasama sa iisang tomb habang magkayakap. Si Hatshepsut, isang babaeng pharaoh, nagdamit lalaki at naglagay ng bigote para makinig sa kanya ang mga Egyptians. Di ba?! Ilandaang siglo na pero me mga bading at borboli na dati pa. Hanggang kelan ka liligwakin ng lipunan beki?!
Me pinsan ako na umutang sa kin ng 5k. Tapos ayaw na magbayad kasi inaanak ko yung anak nya, at nagbiro yung kapatid nya na pakimkim ko daw yung 5k. Aba naman, anlaki namang pakimkim nyan! So nung siningil ko na ang lola mo, nagalit kasi daw wala akong isang salita. "Palibhasa bakla ka." Ang conclusion nya agad na dahilan ng paniningil ko, wala na kong maipambili ng lalaki. Di ko na sha kinausap after nyang magbayad.
Di na ko lalayo. Sa amin ng mga ate ko, pag magkakasama kami sa Casa de Rosario (dating Casa de Valenzuela) at me mga lalaki, mag-iinarte yung isa. Habang lumalandi kami, yung isang ate ko magbibitaw ng mga linyang "That's so gay!" at "Mga bakla kasi sila!" as if sha mismo hindi bakla. Sa circle of friends ko na yun, bakla din mismo yun, pero ang discrimination hindi nawawala.
Lahat tayo, bakla. Pantay-pantay lang tayo sa dilim. Well, at least hanggang mag-umaga.
"Bakit kaya may mga taong hindi marunong rumespeto sa decision ng iba? Kung bading man siya at ayaw nya mag out eh decision nya yun.. Hay ang mga bading talaga dito ang kikitid ng utak! Kung nagladlad kayo choice nyo yun... kung yung iba ayaw choice nila yun! Grow-up mga baklang puro kalibugan lang ang alam gawin! Kaya kayo tinatawag na salot eh!" Eto naman eh nabasa kong comment ng isang beki sa isang blog. O di ba, bakla na yan ha, pero salot pa rin ang term na ginamit sa kapwa nya bakla.
Siguro kaya nung natuklasan kong pwede palang kumembang ng madalian basta may pera ka, sunod sunod na yung pagbili ko ng panandaliang kaligayahan. Sa ganun kasi, walang mangre-reject sa bakla. Basta may pera kang pwedeng isampal sa titi ng lalaki, walang makakatanggi. And that is the greatest discrimination of our time.
Di ko napansin, ako mismo dini-discriminate ko na ang sarili ko by thinking na may papatol lang sa akin dahil sa pera ko. Kung wala akong pera, wala akong lalaki. Di ko binigyan ng credit ang sarili kong ganda at talino. Di ko binigyan ng pagkakataon ang sarili kong i-pursue muna bago matikman. Bakit? Kasi ayoko nang masaktan. Ine-expect ng sambayanan na magiging kahihiyan ako dahil bakla ako, kaya madalas hindi ko sila binibigo.
Hindi ako naniniwala na biktima ang bakla ng lipunang judgemental at may attitude problem. Kadalasan, biktima ang bakla ng sarili nya. Ako mismo, mababa ang tingin sa ibang bakla. Parlorista, closet queen, lilet, paminta, loud, queer, emotera, feeling babae pero walang puke, baklang pangit, baklang matanda, basta bakla. Ako mismo pinagtatawanan ko sila. Di ko na-realize na ako din malamang dinadaot ng lipunan.
"People put you down enough, you start to believe it." Ako mismo dini-discriminate ko na ang sarili ko. Di pa naririnig ng tenga ko, nasabi na ng utak ko sa puso ko, na-claim na ng pagkatao ko.
Ang hirap tapusin ng blog na toh. Ang sakit sa dibdib. Wala akong pwedeng mailagay na powerful ending sa post ko. Pero pwede kong bigyan ng powerful ending ang sarili ko, ang pagiging bakla ko.
Bring it on bitches. I'll never back down. This is me. Whether you like it or not.
I am GAY. And I am free.
1.19.2011
My Fifteenth
Habang tina-type kez itong post na iteiwa eh nasa isang computer shop ako. Kaloka! Di ako makapagreklamo sa ingay ng mga batang iskwater na mga kapitbahay ko. Siguro gento din ako kaingay nung lilet pa ko... Pag sa public na computer shop talaga walang privacy. Pero mas mabilis ako gumawa ng post hehehe. Malapit na mag-time ahaha!
Sabi ko isi-secret ko muna si friend eh...
One time na naglulumandi ako sa FB, nakita ko yung fanpage chararat na ginawa ko. Assuming ako na me fans ako hehehe! Kaya kahit half dun eh friendships ko, go pa rin si bakla, di na nahiya! Mega gawa talaga ng fanpage. (BTW, i-like nyo naman ditey) Sinulyapan ko lang yung list. Hmpf, wala pa palang one millions hihihi. Me napansin akong gwapo, pagsulyap ko sa profile naloka ko!
Ang lolo mo, nanggaling pa sa ibang planeta! Marunong bang mag-tagalog to?! Mega message ang bakla. "Hi thanks for liking. Do you read my blogs? Can you understand them?" Chararat! Napa-english si BM ng wala sa oras. Pinakatitigan ko ang piksyur nya. Kilig na kilig na ko sa kagwapuhan ng lolo mo. Tapos bigla akong naboldyak ng pinsan kong adiktus pekinensis sa KPop.
Pak!
"Shunga! Kilig na kilig ka sa gwapong yan eh jortista yan! Si kemberlu mae galore yan ng Super Junior!"
"Gaga! Kala ko ba Shuper Junior? Bat 21 yung sinasayaw mo?!"
"Eh catchy yung song ng 21 hihihi."
"Sabagay!"
Sabay kaming nag-production number ng eh-eh-eh-eh-eh-eh.... 21!
Eh di naglaho na ng slight yung kilig ng kipay ko. Click, kuda, pindot, kuda, browse, kuda, sing-along, kuda uli. Pati yung mga videoke versions sa youtubebang wit namin pinalagpas. Me video pa kamo yung barkada ko ng hayskul na mega emote sa kali-lipsing si baklita at mega voice-over naman akeiwa. Ipo-post ko nga yun bukas hihihi...
Me duwa lang shang piktyuraka sa FB. The rest eh si Crisostomo Ronaldo Valdez ba yun? Yung soccer player ng Tijuana? Ahahaha! Basta kilala ko fez nya, di ko knows namesung nya. Anyhoo, yun nga sabi ni cuzin bear, wit daw sha yun kasi Shuper Junior yung guy. Pero yung isa pa di naman mukhang KPop. Pero malay ko rin ba if sha yun, hahaha!
Apter a pyu deyz, mega reply na ang lolo mo. Nag-reply din ako. Nag-reply din sha uli. Nag-reply na naman ako. At sha din. At sumagot ako ule. At nag-react sha sa sinabi ko. At rumeak na rin ako ule. Hanggang sa yung mga replayan namin, mula sa paisa-isang sentences, naging pahaba na ng pahaba, hanggang sa inaabangan ko na talaga sha araw-araw sa FB.
Isa pala shang Cebuano na nag-migrate sa ibang country. Impernes double course sha ngayun. As usual estudyante na naman ang kinahumalingan ko... Di na naka-move on sa mga menor de edad si bakla hahaha! Ayun, nagpalitan na kami ng nagpalitan ng sangkatutak na messages.
Ask sha about Prince Caspian. Anu daw nangyari sa min, nagkita ba kami, kineri ba ni PC ang ganda ko (dagdag-bawas na bakla) at kung nagkakausap pa ba kami ngayonchi. Ang sagot ko ay tumataginting na WALEY! Waley na si Prince Caspian, namaluktot na sa Narnia. Pero I understand. He is a friend at kahit di nya ko naipaglaban sa mundo (naks!) eh natuwa na rin ako na naging correspondent ko sha.
Ang sweet-sweet ng lolo mo! Di ko kamo mai-describe yung ka-sweetan nya. Isa shang buhay na panutsa! Isa shang naglalakad na cavity! Pinaglihi ata sa maskuvado ang lolo mo. Panira ng diet sa katamisan. Napansin ko na lang parang di na kumpleto ang araw ko pag wala shang message.
Nabanggit ko sa kanya yung sabi ni Sisteret kong si Phoebe tungkol sa fifteen chances kemerlou.
"Fifteen lang ang chances na makakahanap ka ng mamahalin at magmamahal sayo. Pag naka-fifteen ka na at wit pa nagtagal, waley ka na bakla. Sa bakla lang applicable yan. Pwede kang magmahal ng paulit-ulit pero max mo na yung 15. Hanggang dun lang ang credit limit, made-decline ka na pag nag-swipe ka pa ulit ng lalaki."
"Ganung level?! Counted ba yung mga landi lang at mga kupa lang?"
"Basta binilang mong true love, pasok na yun sa banga!" Sabay halakhak na parang wala ng hanggan.
Natawa rin ako. Sa dinami-dami ng sinabihan kong "This is it! Mahal ko na sha!" waley na talaga ito. Eh kahit nga si Shane West sa A Walk to Rememberlaloo, minahal ko na ata. Ambilis pa naman labasan, este ma-fall ni BM. As in, konting chararat-bumba lang ng lulurki, nalulurki na rin akeiwa. Konting himas, himod at halinghing lang ng hombre, heads over heels na rin ako. Gudlak talaga. Laglag na ko sa mga candidates.
Sineryoso ko yun. As in. Pag nagkikita kami ni Phoebe, aka Sailor Pluto nababanggit pa rin nya yan, sa tono ni Maja Salvador sa Sukob at ni Empress Shuck-chak-tienes sa Dalaw. "Fifteen lang... Fifteen..." Nanginginig-nginig pa yung boses nya.
Tumimo talaga yun sa isip ng BM. Kaya pag nagme-message kami sa isa't isa ni friend, umaalingawngaw pa rin sa utak ko yung panakot ni bakla. Napabilang tuloy ako kung ilan na ba yung mga serious kembots. Si kemerot, si char! Lie davao, si chariz-bumba, si kemberlain, si kemberlamengo, si kuda, si chararat, etsetera...etsetera... Pak, fourteen na! Kaloka! Jisa na lang!
Mega react naman ang lolo mo. Dapat daw di ako maniwala dun, kasi me iba-ibang kapalaran ang bawat bakla. Panonga naman kung pang-16 o pang-17 na si friend? Eh di Luzviminda Balibalita na sha?! Ayaw talaga pumayag ng lolo mo na 15 lang, baka malaglag daw sha sa quota ko.
Plano naming magkita, either pupunta ako sa bansa nila para maghanap ng work, or pupunta sha dito para... ewan! Basta sabi nya pupunta sha dito. Kung dahil sa kin, ay ang haba ng braided hair ko! Kung isa ako sa dahilan, aba ganda points pa rin yun di ba?! Basta soon, magkikita kami nyan. Pwedeng magkasalubong na kami di pa namin alam na yun na pala ang isa't isa. Pero sabi ko nga sa kanya, kung makakasalubong ko sha, malamang eh lumingon ako pabalik, hoping na lumingon din sha sa akin.
Aaminin ko, kilig na kilig ako kahit ni hindi ko pa alam ang hitsura nya. Pwede pala talaga yun? Yung cyber thingy na pwede kayong maging close, magkilanlan kahit mga wire lang ang nagko-connect sa mga mundo nyo. Pwede palang makaramdam ka ng kuribdib sa rib cage kahit makita mo lang na nakailaw yung envelope sa FB account mo, indicating na me new message ka. Eh yung account ko pa naman, sha lang -- as in sha lang -- ang nagme-message.
One of his messages went like this: We could possibly meet up in the future and be together forever or even if not forever, we could at least be good friends. Or, we might never meet but become the best online buds or better yet, never meet up but still learn that hey, "I have somebody out there who completes me. We might not have seen each other but damn, I so love him man!"
Sabi ko naman, when someone leaves, it is because someone is about to arrive. A lot have arrived, but none of them stayed. Will you? That's the tricky part. Oh diba umi-english rin ako!
Tumambling ako,m kasi kuda nya: If i will, will you let me? At pakinggan ko daw yung Marry Your Daughter dahil someday eh kakantahin nya yun sa ama ko. Me date sa dalampasigan, me music session sa tuktok ng building. Hay! Di na to kilig neng! Naliligawan na ko! Syeeeet! Katakot maging masaya, baka sobrang lungkot ng kapalit.
I am happy. Sobra. But I'm also afraid. Fourteen chances have passed. This is my last chance. Friend, you are my last chance to happiness. Kalokohan mang maniwala sa "Fifteen Chances Theory" ni Sailor Pluto, what if she's right? Or what if I just take the plunge... I bet it's greater than we could ever imagine. Tataya ka ba sa baraha ko?
One day, I will give YOU my heart. You'll have it when we're both ready. ♥ Sumpa ng cub scout!
1.17.2011
BM Along the Riles
Ilang araw na kong depressed. Umaga na natutulog, hapon na gumigising, absent lagi sa school, walang work since November, walang pera, binenta ang fonelilet, me topak ang laptop, hindi makalipat sa bahay na may bath tub, at naghihintay sa message ng isang sweet na nilalang na nawala ng parang bula. Kailangan ko ng konting sigla. Kailangan ko ng konting taktak ng ajinomoto. Kailangan kong magbudbod ng magic sarap.
Buti na lang fiesta ng Sto. Niño sa Pandacan. Dahil true-blue Pandakeño ako, dumalaw ako kila Tita Valentina para mamiyesta. Hmmm, tsaka para na rin makainuman si Papa El ahihihi... Itatanggi ko ba na yun talaga ang dahilan bakit ako bumalik ng Beata? Witchiririt ng Maya! Di ko rin kasi sure anu ba talaga yung pinakamatimbang na reason: si Sto Niño, si Tita Valentina at si Butsh ("s" talaga, ayaw nya ng "c"), o si Papa El. All of the above na nga lang!
Bet ko din pala kaya ako sumugod ng walang pasalubong eh para makapanood ng atiatihan. Pinagbabalakan ko ngang magkunwari diba para mapahiran ko ng uling si Papa El. Eh tinanghali ng gising ang bakla kaya waley na ang mga ati-atihan lasing na lahat. Kaya nagkudaan na lang kaming mag-tiya hanggang alas-cinco.
Binuksan ko yung isang portion ng tindahan para makita ko yung mga dumadaan. Shempre nagpapapansin na rin ako ke Papa El para yayain nya kong makipag-nomoan. Ampotah 5 hours na kaming nagdadakdakan ni Tyang, witchikels pa rin ako napapansin ng gwapo.
Kundi ba naman ungas, pag dumadaan eh naka-sideview si gago, palayo sa min! Di man lang sumusulyap sa gawi ko. Di ko naman sha ma-text kasi... mahina ako! Di ko mahingi ung number nya. Ayaw ibigay waaaahhh...
Nung mejo alas-sais na, di ko na kineri maghintay. Kailangan nang gumawa ng paraan. Kailangan ng magpapansin! Hihihi... Sa tulong ng aking magic kamison at pokpok shorts, gora na ako sa labasan at kunwari eh magtitingin ng mga eksena at kaganapan. Itinaon ko na lumabas si Papa El papunta ng inuman sa kanto para naman sulit ang pagpapapansin if ever.
Sakto! Andun nga sila sa labasan, sa dating pwesto ng burger machine franchise na waley na ngayun. Me parang bakod yun na harang. Dun nakasandal sa bakod si Papa El at nakatanghod sa mga nag-iinuman. Nakangiti agad ako habang papalapit. Ganung katindi ang pagka-crush ko sa hinayupak na toh, mas matindi pa sa kilig na dulot ng ihi ang feeling ko nung papalapit pa lang ako sa kanya.
Sakto ulit! Lumingon ang gwapo. Nakangisi na ko nung lumingon sha sa direksyon ko. Wagi! Nagbunga ang runway walk ko! Di ko pa hinahagis ang laylayan ng gown ko, pasok na ko agad sa semi-finals! Bigla rin shang ngumisi na parang nakakita ng naglalakad na wonder of the world. Ahem!
"Ay mga tol, eto totoong gelpren ko." Sabi ng gwapo nung makalapit na ko. "Eto na pare, kanina ko pa to hinihintay eh." Char! Char-lie Davao! Pak! Pasok na ko sa Top Five!
"Hello Papa El..." parang ngumungiyaw na kuting yung boses ko... Si BM nagiging pa-tweetums. Linsyak na ala-ala ng boxers yan! Pero sa sobrang galak ng nerbyosa kong puso, na-major major blackout na ko.
"Hello Mama Jay. Kanina ka pa?" chikadora rin pala sa personal ang lolo mo. Konting chararat lang ang namagitan sa min kasi di naman talaga kami nagkakausap dati. Isang shot lang ako habang nakatanghod din sa bakod katabi nya, at di kami umupo. In short, di nila ko ininvite na makiumpok sa inuman. Tagay para sa mga napadaan lang yung level ko. Kaya nag-excuse muna ako na lalandi sa gilid ng riles. Pang fourth runner up lang si bakla, I lost the crown.
Kahit kilala ko na sha since ipanganak pa lang sha, di talaga kami close. First year high school na ko nakahubo pa yun maligo sa ulan. College na ko elementary pa lang sha sa Zamora. Nung maka-graduate ako sa PNU, 2nd year high school pa lang sha. Basta ang naaalala ko nga, kanasa-nasa na sha nung nagsisimula na ko mag-work. Yun pala 4th year pa lang sha nun. Ngayon naman eh legal na legal na shang sex object hehehe.
Pero yun nga, wala kaming conversation nyan ever. Sa FB lang. Kaya mejo naiilang din siguro kami na magchikahan nung nasa bakod, kasi wala kaming mapagku-kwentuhan. Wala kaming common friend, wala kaming alam sa buhay ng isa't isa. Di ko lang talaga matiis na hindi sha landiin. Isa shang kaakit-akit na apoy at isa akong gamu-gamong malandi na walang kakayahang tumanggi.
So gora ako palayo. Kunwari eh me dinalaw na kemerot sa kabilang kanto. Me dinaanan na kembular sa kabilang street. Me binisitang chariz pengpengco sa kabilang barangay. Tapos eh bumalik ako sa balur ni Tita Valentina. Nagpapansin ulit nabigo. Wala kasi sha dun sa umpukan ehehehe. Pagbalik ko ng isa pa ulit, andun na sha at nagngitian na naman kami. Nagtanguan. Na-imagine ko yung hintuturo nya na tinatawag ako habang humuhuni sha ng "Ohh... lumapit ka! Kung gusto mo akong halikan, di kita sasawayin! Alam na alam mo namang ito'y gusto ko rin..."
Salamat na lang talaga at Pinoy tayo. May ugali tayong magyaya ng kung sinu-sino sa mga handaan, kainan at inuman. At yun ang umiral kay Papa El. Niyaya nya kong makiumpok sa kanila. Victoria! Winner! Sa wakas nakaramdam din ang mokong. Sa kabisera sha, sa mahabang bangko ako sa gitna ng dalawang barkada nya. Keri na yun pasok na sa banga yung pwesto ko. Kahit mag-global warming pa at umapaw ng tubig estero walang makakatibag sa kin sa kinauupuan ko.
Inuman, kantahan, tawanan, kulitan. Kakatuwang kainuman si Papa El kasi magaling sha mag-asikaso. Kakilala ko naman lahat ng mga tagaroon, mostly eh mga uhugin pa nung matuto akong lumandi. Pero ngayun lahat sila eh mga binata na. Di ko type lahat, si Papa El lang talaga ang biniyayaan ng karakas na pangharabas. Pwedeng pwede nyang kumpetensyahin yung mga "patok" na jeepney na byaheng antipolo.
Sabi nga ni Rose Tan, di nya kailangan ng killer smile. Sha mismo "killer" na. Pero kahit nakakahiya ang tyanenat ko sa ka-machohan ng lolo mo, keber na sa age at weight differences. Kung gusto kong mag-burn ng calories, susunugin ko na lang yung kapitbahay kong mataba.
Habang nag-iinuman, feel na feel ko yung mga soundtrip nila. I felt really proud sa generation na kinalakhan ko. Lahat ng kanta na nasa playlist nila, nauso nung uso pa ko. Sumikat yung mga kanta nung interesado pa ko sa mga sumisikat na kanta. Kaya naman kering-keri kong makisabay sa yugyugan at rock-rockan ng mga bagets kahit ako lang ang may tyan-da romero dun sa grupo.
Parokya, Francis M., Eheads, Rivermaya, Bamboo, Siakol. Basta lahat ng music nila naka-relate ako. "Panahon ko to!" tiririt ng ibong marikit. Naki-jam talaga ako ng bonggacious sa mga batang riles dati na mga binata na ngayun. At siguro nasa himaymay na ng DNA ng mga beki ang pagiging benggadera sa mga inuman. Never ever ako nakaramdam ng inip at boredom.
Isang factor din yung lagi akong kinukumusta ni Papa El kahit katabi ko lang naman sha. Tinatagayan ako, hinahanapan ako ng yelo, share pa daw kami sa baso, binibigyan ako ng chaser, hinainan din ako ng pulutan. In fairview, wala namang malisya. Sa kaso nya ine-estima lang nya ako. Sa kaso ko, may malisya man alam kong wala ring patutunguhan. Kaya na-enjoy ko yung moment na kasama sha.
Enjoy kasi talaga kainuman ang mga otoko no. Sa tuwing maharot yung kanta, gumigiling ang lolo mo. Eh dahil ako lang ang beki sa umpukan, pag sumasayaw si Papa El eh ako ang pinapahawak sa dibdib. Syet! Nakakauhaw! Nakakatagay na lang ako ng wala sa ikot. Kasi ba naman, gumiling ba naman sa harap ko! Eh ang mga katulad nya ang dahilan kung bakit naimbento ang perdible! Para pang-sagip sa mga lumuwag na garter at nalaglag na panty!
"Alak pa! Taena alak pa! Nauuhaw ako! Nauuhaw ako! Pengeng tagay! Eto na pulutan! Gumigiling giling pa! Painumin nyo ko! Empi pa! Empi! Empi!" Deliryo talaga ning. Kung pwedeng laklakin ko yung isang bote ng emperador light. Uhaw na uhaw lang ang baklang kamelyo!
Habang nag-iinuman eh may rigodon din ng upuan. Nalipat-lipat ako ng pwesto hanggang sa makatabi ko na sha sa wakas. Bungguang siko na to, deym! Siko pa lang yun neng, para na kong kinukuryente ni Mang Pepeng. Pano pa pag yung hito na nya ang ini-eskabeche ko?! Eh di baka lalo na kong nagmukhang zombie na tinamaan ng freeze watermelon!
Papa El rescued me from the pit of depression. I was on the brink of losing myself. Muntik na kong mahulog sa tuktok ng building, wala naman palang sasalo sa kin sa ibaba. Pero dahil sa inuman namin nina Papa El, naalala ko kung gano ba kasarap mabuhay, lalo na pag may katabi kang buhay na lechon de leche. Di na kailangan ng Mang Tomas! Ngiti pa lang sarsa na!
Dito sa Iskwater, me naglalako ng ulo ng sugpo sa umaga. As in ulo lang walang katawan, ginawa na raw shrimp tempura. Bibilhin yun ng pinsan ko at gagawing sinigang. Pak! Ulam na! Murayray lang yun, masarap pa. Sabi nya kanina sa ep-vi, hipon sha. Tapon ulo, kain katawan. Ay Papa El, kung hipon ka, I'm sure hito ang nasa loob ng pants mo.
"Alam mo Papa El, five years ago, na-imagine ko na toh." kuda ko sa gwapo.
"Oh ito? Naisip mo na? Five years ago yan ha!" magaling talaga sumakay si gago.
"Uu. Five years ago, alam ko na. Balang araw mag-iinuman tayo dito sa kanto."
"Naka-boxers ako non, nung na-imagine mo to." indulge pa nya sa kalandian ko.
"Oo naman, naka-boxers ka nun. Habang pinipilit kong silipin ang loob ng boxer shorts mo, nasabi ko na sa sarili ko to."
"At nagkatotoo naman ano?"
"Higit pa sa inaasahan ko. Kaya mamaya iba-blog na kita agad. Para magkaroon ka na ng fanbase dun. Talunin mo yung ex ko hihihi..."
Natapos ang inuman ng di ko namamalayan. Tumakas kasi ako na iihi at di na ko bumalik. At kahit nakita ko sha uli sa labas ng bahay namin, at nanumbat sha na di na ko bumalik, keri lang. Tapos na rin naman ang inuman. Nakuha ko na rin ang number nya. Kaso binenta ko na fone ko nyahaha... Me picture na rin kami together at ang pangit ko kaya di ko ipo-post dito. Most especially, natupad ang hiniling ko five years ago. Kuntento na ko ron. Lumugar ka BM... Umarte ng naaayon sa ganda.
Basta ngayon, me bago kong theme song... home along the riles is the best!
1.14.2011
Si Papa EL
Akalain mo yun, nakinig ako kay Papa Jack na nakikipagdakdakan sa mga babaeng nagpapakain ng eskabeche at nagpapa-push ng kanilang buttons. Kaloka!
Kasi naman nasa baba ako kanina, nagpapaluto ng hem en egglaloo sa pamangkin ko. Biglang nakiupo sa loft ng tindahan (loft talaga?!) si Iluminada at si Delia at nagkwentuhan ng kanilang mga sexcapades with their respective husbands. Naloka ako! Ispluk pa ni Iluminada na natalo nung nakaraang eleksyon, 15 years na daw shang diet sa kembang. Nawala na daw ang libog nya.
"Ay ako dahil sa mga naririnig ko nawala na rin ang libog sa buhay ko. Makapagmadre na nga!" Kuda ko sabay walk out habang humahalakhak ala-Princes Punzalan dun sa eksenang pinapasabog nya ang bus na sinasakyan ni Via.
Nag-interchararat-net na lang akeiwa at kumuda ng kumuda sa ep-vi. Nahanap ko yung isang crush ko na taga-Pandacan. Si Papa El. High school ako eh bata pa lang yun. Nung college ako eh mejo bata pa yun. Pero nung graduate na ko, naloka ko! The baby is now a daddy! Pwede nang pagnasaan! Payatot pa sha nun, kyut kyutan pa lang. Pero laging nakaboxers, at laging nakabukaka ahahaha! Kaya instant crush ang hombre.
Nagulat ako sa mga pics nya sa ep-vi. Ang wafu na ng lolo mo! Ang laki ng... mga braso! Ang haba ng... mga legs! Ang taba ng... utak! Ahahaha! (Na-imagine mo ba habang sinusulat ko toh?! Ay mare, iba iniisip ng utak ko! Ahahaha! Ang laki! Ang haba! Ang taba!) Heto na si Papa El ngayon.
Napakanta na lang ako ng... "Kinalikot sinundot ang kanyang eng-eng! Tene-neng-teng!" Para kamong kinakalikot at sinusundot ang mga menudensya ko pag nakikita ko pictures ng lolo mo. Impernes para lang akong uhaw na matrona sa pagba-browse sa mga latest ng pics ng otoko. Ning yung bib ko basang-basa kamo sa dami ng laway na tumulo sa kin nyahahahaha!
Pag ka-chat ko si Papa El, gusto ko na talagang mag-member sa Bukas Boxers Gang.
"Bukas boxers Gang?" tanong ng lalaking pinaglihi sa "oompf feeling" na kagalak-galak at kasiya-siya.
"Uu, bubuksan ko boxers mo habang natutulog ka." sagot ng baklang pinaglihi naman talaga sa higad na pokpokita.
"Nyahahahaha! Di ako natutulog eh." Hmpf marunong sumagot! Ayaw pahuli ng buhay! Ang dulas!
Pag online si Papa El, icha-chat ko agad yan. Nilalandi ko lagi, ayaw naman magpalandi. Madalas ako nauuna, pero nung minsan sha nauna mag-chat, nag-umapaw na naman ang kilig sa lahat ng butas ng katawan ko. Parang utot yang kilig eh, kahit anong ipit mo sa upuan, tutunog at tutunog yan, kundi man umamoy ng bonggang bongga. At nung tinanong ko kung bakit sha ang nauna, kasi daw malapit ako sa puso nya. Hmpf! Maniwala!
O divine diva?! Lumevel up na kami... Mama Jay na ang showag sa kin ng gwapo. Hay! Papa El... Isa na namang taong punong-puno ng sex appeal. Fiesta pa naman sa Pandacan sa Linggo, di ko alam kung dahil ba sa kumag na to kaya maraming ati-atihan na bakla sa riles. One thing is for sure, kung si Papa El ang sasayaw ng nakabahag ala ati-atihan, kahit ipahid nya pa sa kin lahat ng uling nya, keri lang.
Oi di ko natikman yan ha. Di sha part ng mga conquest ko. He's an inspiration pag mashado nang maraming daot at buraot sa mundo. Silang dalawa ni friend, they serve as my kilig cupboard. Tipong pag nade-drain na ang utak ng bakla, go na sa profile page ni Papa El at titigan ang naglalakihan nyang maskels. Basahin ang mga status message nyang kahit alam kong hindi para sa kin eh napapangiti na rin ako at napapakanta.
Sabi nga nya nung isang araw, para shang Rivermaya. Ay ako rin Papa El, parang Rivermaya. Kasi, hinahanap-hanap kita. =p
1.13.2011
Tween Romance
Di ko natupad ang ultimate dream ko. I went to Siam last week. Di ko na-meet sa personal si Mario Maurer. *singhot sabay ngawa*
Pinagkukuhaan ko ng pics ang lahat ng nakakasalubong kong epek ang fez. Stolen ung iba, ung iba napapansin ako kaya napapangiti. Me eksena pa na concert sa Siam Paragon, umakyat ako sa stage at nagpapiktyur-piktyur ke cutie emcee kahit sinabihan nya kong baliwag. Keri lang mashowag na baliwag bulacan. Lagi naman akong tinatawag na baliw eh, kadalasan ng mga panget kong frienship. At least ngayun nashowag man akong baliw, bet naman yung tumawag, as in effect ang kagwapuhan at blondie blondie galore pa. Not bad!
Pero dahil frustrated akeiwa na makita si Super Mario ko, pagdating na pagdating sa hauslaloo eh watch ako agad ng Love of Siam sa yutubebang (pronounced as yu-tyu-be-bang). Ni-reminisce ko din ang lingunan moment nina Tong at Mew. Actually, a friend reminded me of that particular scene (kilig!) Saka ko na ikukwento si 'friend' pag di na ko selfish hihihi...
Kandatuwad ako sa harap ng pc at kandataktak sa laptop kemerot at baka lumabas kamo sa monitor ko si Super Mario. Eh wit talaga sha nag-special appearance kaya give up na ko. Nagbasa-basa na lang ako ng mga chararat about him. Napag-alaman ko sa intergalactic chuva net na nagka-scandal ala Hayden pala ang lolo mo habang nagkekembangan sila ng haliparot na si Gudgib.
At ang walangyang Gudgib ba naman eh nagtaksil sa gwapong gwapong thai heartthrob ng buhay ko. Na-julie-yap-daza ng mga paparazzi ang hitad na nakikipag-kembangan din sa ibang lulurki. Ay kaloka! Di na nakuntento ampotah! Nakiluha na lang ako kay Mario.
Kakakalikot ko sa mga website eh me nakita akong new movie ng gwapo. 'Crazy Little Thing Called Love'. At sa sobrang kasabikan ko sa lolo mo eh pinatos ko na kahit babae ang ka-loveteam nya. Mario-Pchy pa rin ako pero go na sa kwento nila.
Worth it naman pala ang movie kembular nina Nam at Shone. Teenage love na kilig kilig at katuwa naman ang CLTCL (Crazy Little Thing Called Love) o First Love. Pwamis ang kyut kyut nung babaylan na beda. Kasi 1st year pa lang crush na ni Nam si Shone at umabot ng 4th year eh crush pa rin ng lola mo ang gwapo.
From ugly duckling eh naging beautiful swan talaga si baklita. Mukha kamo talaga shang babaita -- babaing ita. Kasi naman exag to the maximum level naman ang muk-ap ng ineng na ito. Ang itim ng balat ahaha! Pero bet ko yung friendship nilang apat. Kasi parang sila yung mga losers sa iskulilet nila kaya api-apihan sila sa mga "magaganda". Pero later on gumanda si Nam, ewan anung nangyari dun sa tatlo nyang chuwariwap duckling pa rin ahihihi...
Mula sa pagiging wallflower, naging popular ang ineng. Tapos dumating ung bespren ni Shone na gwapings din naman, at nagkagusto ng bonggang bongga ke Nam. Selos ang gwapo. Kilig moments nila yung nasa stage play si Nam bilang Snow White (na negra hihihi!) at nagalburuto ang tyanenant ng jonget nyang ka-partner kaya pinag-proxy si Shone bilang Prince Charming.
Yung binigyan sha ni Shone ng mangga after nya i-rescue yung pusa sa puno. Yung mga muntik na nyang makembot ng ilang beses si Gwapo, pero biglang madidisyama kasi maraming epal na feelingera. Yung binigyan nya ng chocolate si Shone tapos natunaw na pala sa init kaya tumagas na yung laman. Tsaka yung butones na may bahid ng dugo na napulot nya after makipag-away ni Shone sa gym. Moments na kilig-bata ang hatid sa eskabeche ko!
Bet na bet ko yung friendship nilang apat. Parang kami ng mga beki friends ko. Suportahan, asaran, pagandahan, away-away, wrestling, kuda-kuda galore, divas together, charmed ones forever. Silang apat touching yung friendship. Lalo na nung nagtampo si taba ke Nam, tapos kinanta nila yung peborit theme song nila habang umiiyak -- kaso nakaka-distact yung song kasi parang pang labandera ahahaha!
She loved him for four years. That's like a century in beki time. Di ba, ang haba! Tapos nung finally eh keri na ni babaylan na magtapat, sugod mga kapatid uli ang apat. Sa kanila eh bigayan ng mga flowers at pirmahan ng uniform pag Valentimes Dey. Habang naglalakad si Nam papalapit kay Shone sa may swimming pool, tinatago-tago pa nya yung white rose sa likod nya, maluha-luha pa shang nagtapat kung gano nya kininkim yung pagsintang pururot nya ng apat na taon. Only to find out na nagka-bowa na pala si Shone ng iba.
Cry-cry talaga ako with Nam. She changed herself for him, kaloka! Naging maputi sha, binonggal nya ang salamin at braces nya, naging number 1 sha sa klase. Ganung level ng devotion at pagmamahal. Pero waley talaga eh. Nalaglag pa sha sa pool sa pagkatulala kasi ba naman ikaw na ang magtapat ng kinikimkim mong feelings ng ganun kahaba, tapos mabibigo ka rin pala.
Shempre me twist. Love din sha ni Tong, kaso di sha malapitan. Lagi shang nauunahan, torpe sha, o di lang talaga sha pinalapit, kasi kung naging sila agad wala ng movie davah?! Ay mali, si Shone pala, indi na sha si Tong. Yung chocolate na binigay ni Nam, itinago pala ng gwapo. Kinilig-kilig pa ko dun sa apple na kinagatan ni Shone at iniwan nya for Nam with a note saying "I took a bite, it's not poisoned." Me scrapbook sha na puno ng stolen pictures ni Nam mula 1st year to 4th year, either mahal talaga nya si Nam, o isa shang stalker na pagkagwapo-gwapo.
Nine years later, successful fashion designer na si Nam. Interview sa isang talk show ang eksena. Katawa lang kasi sila pa rin yung mga gumanap, yung apat na friendships, mukhang mga cast ng going bulilit na pinagsuot ng damit na pangmatanda ahahaha! Biglang nilabas ng host yung scrapbook na di ko ma-gets san nya nakuha. Surprise guest nya si Shone at professional photographer na ang lolo mo. Simpleng kilig na lang to wrap up the "happy ending" na gusto ng mga nanonood.
Natawa lang ako kasi nung tinanong si Shone kung me gusto shang sabihin ke Nam, bigla nyang nilabas yung butones na pinaka-ingat-ingatan ng lola mo sabay sabing "Nam, hindi akin to. Baka dun sa nakaaway ko." ahahaha! Naloka si ate kasi hinahalik-halikan pa nya yung butones na may dugo-dugo pa. And of course, they lived happily ever after.
Naging movie review na tong post ko. Andami kong kuda! Kung gusto nyong panoorin ang movie, itey na, click here.
Naalala ko rin kasi yung eksena ko nung grade 5 sa Zambales. Nagbakasyon kami dun nina Mudra at may nakilala akong cute na nilalang -- si Cedrick. Sha ang kasa-kasama ko sa paglilibot sa probinsya.
Naka-bike kami lagi, angkasan habang nagbabaybay kami sa hiway. Mangga, bike, perya, beto beto, color game, luksong tinik, piko na ibat iba ang shape, swimming sa lawa. Tabi kami lagi sa papag pag gabi. Bonding talaga kami ng lolo mo araw-araw. Nung minsan sa hi-way, muntik pa kaming masagasaan, distracted kasi nakadikit yung kembang nya sa likod ko. Buwis buhay di ba?!
Dat time di pa ko sirena... I mean di pa ko marunong lumangoy. Kaya pag nasa lawa kami, nakakapit lang ako lagi dun sa kahoy. Parang pier kasi yung pinagliliguan namin, me kahoy na lalakaran tapos pagtalon mo sa tubig malalim na agad. Si Cedrick magaling lumangoy impernes. Merman na merman ang dating. Ako eh langoy-aso lang ang kaya, mabilisan lang din yun. Limang kampay lang tapos kapit na uli hehehe.
Nung naglakas-loob ang bakla na tumalon sa lawa, napalayo ang bwelo ko. Nakarating ako sa mas malayong part, di na ko makalangoy pabalik sa hawakan. Nagkakawag na ko pero di ako makalapit. Nakailang litro rin ata ako ng tubig na na-nomo. At shempre ang aking knight in shining nylon cycling shorts, si Cedrick. Kaso naman hindi heroic ang style ng lolo mo. Hinila ko sa buhok, kaloka! Ansakit ha! Tapos nung ume-emote ako na walang malay para mahalikan naman ako, hindi nila ko maiakyat dun sa kahoy kaya gumising na lang ako sabay yakap ng mahigpit sa aking savior. Dahil dun tinuruan na nya akong lumangoy.
Nung gabing sinagip nya ko, yun na ata ang pinakamahigpit na yakap na ginawa ko sa buong buhay-bata ko. Yung pinakamahigpit na kinaya ng mga bisig ko. Nagbubulungan pa kami matulog na hindi kakalimutan ang isa't isa. Di kami nagpalitan ng address o telephone number. Basta ang usapan namin, pag nasa tubig kami at lumalangoy, maaalala namin ang isa't isa. Langoy-aso man o langoy-bakla.
Isang linggo lang kami dun. Isang linggo ng puppy love. Isang linggo ng tween romance. Isang linggo ng musmos at dalisay na pagsintang pururot. Isang linggong pag-ibig, chararat!
Di ko na ulit nakita si Cedrick. Nung umuwi kami sa Manila, idinaan namin sha sa Dinalupihan, Bataan. After that, di na ko bumalik ng Zambales. Di ko na rin nalaman kung ano ng ngyari sa aking Puppy Love. Kahit di na kami nagkita I'm sure paminsan-minsan naaalala pa rin nya ako. Hanggang may tubig sa mundo.
To quote a friend, "I have somebody out there who completes me. We might not have seen each other but damn, I so love him, man!" Somebody who completes me, and loves me completely.
1.12.2011
The Fairest of Them All
Sulit.com.ph and Trajet Tours and Travel promote tourism in the Philippines and abroad. Find great travel deals at Sulit.com.ph, the leading online classified ads website in the Philippines.
Who says fairy tales are only for damsels in distress? Pwede rin sa mga Baklang Maton yan! Kinunan iteywa nung nasa Disneyland sa Hong Kong si BM. July 27, 2010. Nakipila at naki-pose kasama ang mga prinsesa. Mga buhay na manikin, nakakaloka!
Tinanong ko yung katabing mirror kung sino ang fairest of them all. Sabi ng mirror: "The lady in the red stilletos is the fairest of them all!" Ay mirror waley naman si Victoria Valera sa picturraka! Pumili ka ng iba!
"Fine! Yung naka glass slippers na lang." Naiwan yung isa, disqualified na si Cinderella.
"Eh di yung maputi na lang. Yung mahilig sa mansanas!" Wititit! Sleeping pa si Snow White, nalason nga davah?!
"OH IKAW NA! Ikaw na pinakamaganda! You and your pink stilettos, I mean boots, err... You and your Marikina shoes!" At ako nga ang nagwagi sa aming "Princess Pose"!
*sensya na malabo, VGA camera lang kasi un gamit ko hihihi.