2.25.2010

Post Script

Dalawang taong grasa nag-aaway:


Taong grasa girl: You're messing with the wrong girl!

Taong grasa boy: Stay back, bitch! You don't know who you're dealing with.




Shala davah?! I-imagine mo, matatawa ka din.


Hehehe... Bukas pwamis me blog na ko... paningit lang toh...


Gawa muna Review of Related Literature hehehe...


Mwahugs! Thanks for subscribing mga Bek-Bek...


Salamat din sa mga comments...

2.21.2010

Cosmic Karma

Isang linggo na kong bad trip. Dahil sa thesis. Uhhmm, dahil sa adviser.. Uhhmm uli, dahil sa department head. Na kupal. K.U.P.A.L.

Isang linggo na kong nakababad sa TV. Tumotodo sa panonood ng Drop Dead Diva.

Isang linggo na kong nagsasakit-sakitan para umabsent sa trabaho. Sakit naman ang depression ah. Wala nga lang akong med cert.

Isang linggo na kong nagke-crave sa strawberries and chocolates.

Isang linggo na kong nag-aampon ng sandamukal na muta.

Isang linggo na kong bangag sa katol at ventolin inhaler.

Birthday ng byenan kong hilaw. During the party, I was with Totong, and our conversation drifted to my ultimate plans of working abroad.

BM: Pa, gusto ko nang mag-abroad. Baka this year or next year.
Pa: Iiwan mo na ko?
BM: Aalis ako, pero maiiwan naman ang puso ko.
Pa: Hintayin mo kong gumradweyt. Sasama ko sayo.


Whenever I feel down and lonely, somehow you manage to show up to my house and cheer me up. When I see you, when I'm with you, I want to believe that in the greater scheme of things, you are meant for me, and I am meant for you.




Too bad you're taken, married, with a kid, and this is just a fleeting feeling that would evaporate as soon as your wife shows up on my doorstep, claiming what has been hers all along.

2.18.2010

It Takes Two to Mango

"Mangga, mangga, hinog ka na ba? Oo, oo hinog na ako..."

Naniniwala ako na walang beking tanga. Nagtatanga-tangahan, pwede pa. Sa mga hopeless romantic, sabihin na nating sobra lang talaga silang magmahal. Pero hindi na uso ang baklang biktima ngayon. Kadalasan, beki na ang may upper hand. Kasi nga di ba, ang best in motto ko, kapag bekbek ka, bawal maging mahirap.

Pero nagulat ako ng makilala ko si Grant (di tunay na pangalan -- hehe parang SOCO lang). Si Grant ay isang bakla. Isang biktima. At para sa amin na nakakakilala sa kanya, isa rin shang Shunga. Boploks. Noni. Bobita Peron.

Tanga pero pinili nya. Biktima kasi ginusto nya. Mina-mangga dahil pumayag sha. Inaabuso at hinayaan nya. Ginagatasan kahit di naman baka.

Si Grant eh isang high-ranking official sa isang contact center. In fairness winner at winerva ang kabuhayan showcase ng lolo mo. Takehome pay na sapat para bumuhay ng limang lalaki, kasama na pati lahat ng kapamilya na maysakit, kapatid na nag-aaral at kelangan ng tuition fee, pang-upa sa bahay kasi pinapalayas na si lalaki, at lahat na ng sob story ng mga otoke. Me bitbit pa shang bilao ng sapin sapin at kalamay sa isang kamay.

Ganun ka-bongga ang sahod ng lola Grant mo. Keri nyang magbigay ng bigasan showcase at negosyo package sa isang cutoff lang.

May bowa si Grant. SI Isko. Bagay davah?! Si Isko. at si Grant. Scholarship Grant. Sakto!
Si Isko naman ay isang dakilang mangga. Manggang kalabaw. Manggang hilaw. Manggang talandi. Manggang mangga lang araw-araw. Manggagamit.

Average lang ang kagwapuhan ng lolo mo. Di rin naman mukhang dakota kasi wala namang bumabalatay sa harapan nya kahit gano pa kasikip si outfit. Wit din kagandahan ang katawan ni Isko, wala kamong abs kahit drawing lang. Kung artista look-alike, wala akong maisip. In short, di talaga remarkable.

Pag tinanong mo si Grant kung anong nakita nya ke Isko, sasagot lang yan ng "Magaling. Basta magaling." Gaano kagaling ang minsan?! Saan magaling ang lusak?! Hmmm, tse! Magaling ka jan. Kaya ba nyang himurin ang lapay ko at kilitiin ang ribcage ko?! Di rin!

Super spoiled si Isko. Ning, may allowance yan na 10kiyaw every payday. Bukod pa jan yung shopping nila para sa personal needs, grocery para sa pamilya, gatas para sa mga naging babies ng hombre, at ang allowance nya tuwing papasok sha sa work.

Nung minsan eh bumili ng tv rack si Isko kasi ang kyut kyut ng design. Ang baklang Grant, bumili ng TV. Para nga naman may ipapatong. Nung minsan naman eh nangutang si Lulurki ng 18kiyaw ke Grant. After 3 months eh nagbayad naman ang lolo mo. Oh di ba, me word of honor naman pala. Si Grant, na-touch, sa sobrang pagka-touch, mega buy sha ng ref worth 19kiyaw. Kakalohka! Abono pa si bakla.

Nawili ang lolo mo! Umutang uli 16kiyaw naman. After 16 weeks din saka nagbayad. Sa tuwa ni bakla, binilhan si bowa ng aircon, 2 horsepower pa kamo. Bukod sa lamig ng aircon eh ang lamig din ng presyo. 17kiyaw. Ang presko talaga sa pakiramdam!

Pag naglalakbay si bakla kasama ang mga friendship nya, mahilig yan sa turo-turo.

"Yan oh! Jan kami kumain sa restoran na yan! Jan oh, sa lbc na yan yung nagpadala ko ng pera kasi nasa province sha wala shang pamasahe. Yan din oh! Jan kami nag-grocery nung me handaan sa kanila. Ay yan yung hospital na pinagdalhan namin sa kuya nya." lahat na lang ng establishment eh me konek sa kanila.

Kaya umeeksena na rin ang mga friendship na imbyernadet sembrano sa kanya. "Oo nga teh, tapos yan oh sa police station na yan, jan ka ikukulong kasi ang dami mo ng utang. Tapos jan sa puneraryang yan, jan ka ibuburol pag napikon kami sayo."

Pag nagda-drive eh kala mo hinahabol ni Mommy Dionisia na nakasakay sa kabayong blonde itong si Grant. Hagibis talaga sa manibela, parang hindi bakla. Tipong mauuna ang katawan mo, to follow na lang ang kaluluwa at mga laman-loob. At pag tinanong mo kung bakit, nagmamadali pala kasi susunduin si Isko. Kaya kesehodang red ang light, kahit pa purple o indigo yang stoplight na yan, lilipad ang Mazda 3 ni beki. Mag-seatbelt ka na lang. Buti nga me airbag na eh, kundi "dead na si bakla" ang entry namin sa filmfest.

Pedestal. Dun niluklok ni Grant si Isko. Pinutungan pa ng korona, nilagyan ng kapa, at may glitters sa mga talukap ng mata. Sobrang dinambana talaga nya si Papa. halik na may paggalang. Hipong may pagmamahal. Kembot na may respeto. Subo na may orasyon. Dalisay, puro, at walang bahid libog. Pag-uwi ni Grant, saka lang sha magpapantasya at magbabayas at magfifinger para sumaya. Laging all by myself ang eksena. Walang collaboration at teamwork. Kahit 2 years na sila.

Eto pa, kinasal na si Isko. Pero imbis na mag-emote ang Grant, kundi ba naman talaga shunga, me wedding gift pa! Trip for two to Bora. Ay napatayo talaga lahat ng baklang balahibo ko sa katawan sa protesta. lahat ay nag-sway-sway at humuni sa saliw ng "Monkey, Monkey Anabelle". Ungguyan na toh!

Isa lang ang sinasabi nya pag kinakalog namin ang utak nya at inuuntog sha sa pader para matauhan: "Mahal ko kasi sya." Inuulit ko. Walang baklang biktima. Marami lang talagang tanga.

Ang hindi nya alam, at wala akong lakas ng loob kaya di ko masabi-sabi... si Isko...


Na dinadambana at sinasamba nya ang kamachohan at pagkalalaki...


Sa dako pa roon...


Ay isang botomesa.


Sana magkusa na lang sha... "Kung hinog ka na ay umalis ka na..."

2.17.2010

Question?!

Matanong ko lang mga beki...


Bakit pag me post ako ke Budwire eh ang excited nyong mag-comment? Bakit pag ke Payat eh parang wichikells nyo bet mag-react. Hmmm... biased kayo mga nini...


At bakit di ka na nagpaparamdam Prince Caspian? Naglaho ka na ba ng tuluyan?


At bakit kinikilig ako sa kabaduyan ni Jason at ni Melai? At bakit feeling ko, pati yung katabi kong Manong eh kinikilig din?!



Nagtatanong lang...

2.09.2010

The Challenger

Havs na ng challenger si Juaquin Burdado! Yesterday! At impernes me ibubuga si challenger ha. May motto at first crush pa yan. At... simulan mo ng kumain ng buhay na manok... Dahil may FB account din ang kyombay, adik sa farmville! In fact, neighbors kami...

Nasa kahimbingan ako ng pagborlogs ng biglang may kaguluhan sa labas ng balay-kembutan. Pupungas-pungas pa ako, pero keri lang. Matagal-tagal na ring walang eksena sa iskwater. Kasi si Juaquin, retired na. Wichiririt na nya bet mag-warlaloo...
Remember me this way ba yung nag-away sina Juaquin at Yellow Shirt Guy? Di ba mega kautusan akeiwa sa pinsan nyang kyombay para magpa-buysung ng ice ice baby? Well... Si casin bear na makyontot at payatot-china, si casin bear na jutosan ng bayan, si casin bear na kinulang sa bitamina abakada -- hanggang tauwaya, eh siga na sa eskinita.

Sha si Godofredo. Parang makaluma no? Pero modern siga itu. Me nickname nga yan eh. Godo. Minsan eh RnB and showag sa kanya. Rugby and Bato. Narinig ko na rin shang shinoshowag na Aljur at napa-aboutface talaga ko. Aljur nga. Aljurog-jurog ang mukha. Ang pet name ko sa kanya eh Babyface. Kasi mukha shang nasabugan ng baby dynamite.

Pag lumalapit sa kin yan, feeling ko kinukuha na ko ng liwanag. At nung minsan na papalapit sha at kumakanta sha ng "Sinusundo kita, sinusundo..." ay ning kumaripas talaga ko ng takbo. Feeling ko dadagitin na ko ni Kamatayan.

Yun nga, habang humihilik ng bonggacious ang bakla, biglang mega suddenly, commotion is going on outside the hausness. Shempre kahit maasim pa sa yogurt na panis ang laway ketch eh gora pa rin ang bakla para makiusyoso.

Nag-aasaran ang mga kyombay, inaasar si Godo. "Godo! Me naghahanap sayo!"

"Sinetch itech?!" chorus ng mga kyombas na malalakas mandaot.

"Mga taga-rehab! Hahahahaha! Adik ka daw boy! Adik!" sabay tawang Odette Khan uli ang mga goons ni Max Alvarado. Dinaot-daot talaga nila ng plenticious si Godo.

Biglang me may-i-pass na dalawang otokiz. Nakidaan lang teng. Waing kinalaman sa asaran. Ni hindi tagaron sa min. As in napadaan nga lang. Biglang sumigaw ang Godo.

"Hoy! Bakit ang tatapang nyo?! Taena nyo ah! Sabay sugod at sapok sa kuyang nagdaraan. Nakailag. Shumakbo ng matulin.

"San ka pupunta?! taena mo bumalik ka dito!"

Habol ang adik. Mura ng mura. Sapok ng sapok. In fairness maraming beses naman shang nakatama. Yung pader. Yung side mirror ng motor ng kumpare ko. Yung kalan ng nagtitinda ng leeg ng manok. Yung mga leeg ng manok. At tsaka yung nagtitinda ng leeg ng manok.
Napikon si tindero, hinawakan si Godo sa sinturon.

Naloka ako. Walang effort si Vendor, isang kamay lang ginamit. Habang pinipigilan nya sa sinturon si Godo, naghahalo pa rin ng pinipritong leeg ng manok si Vendor. Nung maluto ang leeg, kinaladkad nya pabalik sa bahay si Godo. Impernes me panlalabang naganap sa babyface ng iskwater. Para lang shang si Palito na kumakalaban kay Batista. Lugi si Batista, baka masalubsob.

"Papatay ako! Taena papatay ako! Kuya Vendor bitawan mo ko! Papatay ako! Ang tatapang nila eh. Para mabawasan ang matapang! Bitiwan mo ko! Papatay ako!" full blast na sigaw si Godo. Wa epek. Mejo pawisan na ang lolo mo. May hingal at hagok ng kasama yung hinga. A for effort.

Maya-maya eh nag-The Flash ang Godo pauwi. Walang lingon lingon. Go home na ang siga. Kasi natanawan na nya Tatay nya, pauwi me dalang Samurai.

Yup. Sha ang anak nung me samurai. Ning, di lang sha ang umuwi. Pati kaming lahat na miron, nagsipasok ng bahay. Sarado lahat ng bintana at pinto sa iskwater. Baka kasi mag-amok na naman si Shaider, ma-time space warp kami sa langit, ngayundin!

Lagot ka, Godo. Boogie wonderland ka ngayon kay Father Dear.

Eh di maya maya nga eh umiindayog na sa boogie ang mag-ama. Bugbugan talaga ito. Anong say ni Manny at Kuch Ruch (Coach Roach) sa dalawang tu? Habang binu-boogie si Godo, havs sha ng mga oscar lines na pang winning performance.

"Walang nagmamahal sa kin. Gusto ko lang naman mag-aral eh. Bakit ka ba may samurai? Di ka naman si Roderick, di rin ako si Aiza?! Tay! Tay! Tama na po Tay!"

Pinigilan si Tatay ni Wifey.

"Tama na yan, nasasaktan ang anak ko!" ispluk ni wifey.

"Wala akong ginagawang masama!"

"Akala mo lang wala, pero meron! Meron! Meron!" si Godo.

"Hihirit ka pa ha." Sabay sampal kay Godo.

At yun na nga, mga isang oras ang naganap na boogie wonderland. Mayamaya kasali na si wifey. it takes three to boogie. At ang buong iskwater eh bumalik na sa normal at kanya-kanyang buhay.

After a few days, napag-alaman ko ang dahilan kung bakit gustong pumatay ni Godo ng matatapang.

Panis ang ininom nyang gin.

2.02.2010

Das Beste oder Nichts



"Gagawan natin ng paraan..."

Tulala akong naglakad pabalik sa bahay na pink. Me inuman sa bahay, andun sina Bhe, Bhie, Babes at Bhebhe. Deadma. Me tequila, salt, lemon at katawang maasim. Paki ko. Me pakwan, my peborit prut. Care ko. Bakit? Sa gitna ng nomoan, kumatok si Totong. Nag-iimbita sa birthday nya.

Ang nakaraan...

Excited akong nag-fly fly sa land of Cubao. Kelangan kong mag-shopping ng anik-anik na kabaklaan. Birthday na ni Pa at marami akong plano. Cake, gift, balloons, candles, confetti, clown, magic tricks, chairs and tables, banner, catering at lingerie. Shempre dapat havs ng pang-akit para panalo ang birthday celebration ni Payat.

Usapan namin, eksaktong alas-dose, kakatok sha sa pink na haus at ise-celebrate namin ang kaarawan nya. Pinaghandaan ko toh! Dapat maganda talaga ko!

Curly ang hair ko, push up ang bra ko, wacoal pa yan ha, strapless. Micro mini ang skirt ko, polka dots na pink ang undies ko, oveeeeer sa high ang heels ko, parang paa na ng ipis ang pilikmata ko, natural na parang sinampal-look ang muk-ap ko, at shempre pechay ang nasa pagitan ng hita ko. In-order ko pa toh sa Baguio! Na-delay lang kasi nagka-landslide. Pero nai-deliver na kahapon. Ready na ko.

At the stroke of midnight, kumalembang ang grandfather's clock. Twelve times. And that was when I heard him knock.

"Ma! Dito na ko..." tawag ng Payat.

"Pa, wait lang." Sinindihan ko ang kandila sa cake. Saka binitbit papuntang pintuan at pinagbuksan ko si Pa. "Happy birthday!!!"

"Wow... Sweet ah..." Na-touch ang Payat. Na-touch ko rin sha. Ahihihi.

Kumain kami ng dinner. Nagkwentuhan. Tumambay sa sala. At nagpa-sweet ng walang humpay.

Habang nag-iinuman, magka-holding hands pa kami nyan. Reminisce galore sa mga kagaguhan namin nung bata. Aakyat sa alatiris. Manunumpit ng mga itik. Maglalaro ng Xmen. Mag-aaway, magbabati, magkakampihan, mag-aasaran. Magjejekjek ng sabay wahahaha...

Ewan ko ba bakit havs talaga lagi ng pagtatanong tong si Totong. Yun tipong walang anu-ano, walang sabi-sabi eh biglang da-dialogue ng pang-famas na delivery ng linya.

"Ma, pwede ba kitang mahalin?"

Napabitaw na lang ako sa kamay nya, sabay sabing "Dati pa." Dati pa kitang pinayagan.

Napag-usapan namin ang aswang. Napag-usapan namin ang tyanenat ng aswang. Napag-usapan namin ang binhi na nasa sinapupunan ng aswang. Na magiging inaanak ko pala. Napag-usapan namin ang magiging set-up nila, at set-up namin. Di naman ako lugi.

Ayaw daw nyang magsama sila. Ayaw daw nyang dun tumira. Ayaw din nyang magpakasal. At ayaw nyang maitali sa aswang. Ganun pa rin daw, walang magbabago. Sa kin pa rin sha most part of the day. Ako pa rin ang legal wife.

We were wrong. We were soooo wrong! Kung alam ko lang, sana precognition at premonition na lang hiningi kong powers para naihanda ko na ang sarili ko. Lahat ng plano, nanatiling plano. Parang panaginip. Kung anong kabaligtaran yun ang nangyari. Malakas pala ang powers ng aswang, walang laban ang pink amulet ko. Nahati sha at tinangay si Pa sa mundo ng karimlan.

Funny, si Pa ang nasa mundo ng karimlan, pero feeling ko, ako ang naiwan sa kadiliman.

And now, a year after, sa isang araw birthday na uli ni Pa. Pumunta sha sa bahay na pink at nag-imbita. Sa gitna ng inuman at landian ko with my babies, nawindang na naman ang buo kong sistema. Short circuit na naman ang bakla.

"Ma, punta ka sa bahay sa Martes ha." puppy-eyed pa ang lolo mo. Sarap halikan.

"Pa, night shift ako. 10 pm pasok ko nun."

"Hala panu yun? Sige sa Sabado na lang punta ko jan."

Maniwala ako. "Weeh? Maniwala ako sayo. Makatakas ka kaya sa kuko ng agila?" malait man lang kahit minsan ang aswang davah?!

"Gagawan natin ng paraan."

Nung umuwi si Pa, at naiwan ako sa piling ng mga babies ko at i-resume namin ang inuman, natawa na lang ako. Tawang hanggang labi lang. Hindi umabot sa mata. Ni hindi nga ngumiti mga cheek bones ko. Natawa ako sa kaweirduhan ng posisyon ko.

May bowa ako, nagsasaka sa Quezon. Me kabit ako, kembot lang ang nagaganap, walang emotional attachment, walang kwentuhan, kembot lang talaga. Me mga babies ako, mababait, sweet, totful, youthful. Super youthful nakakahiyang karirin kasi that's exactly what they are: babies. Me canton boys ako, basta may PSP, may joystick na rin akong pwedeng laruin.

Pero heto ako, ginagawan pa ng paraan ng taong mahal ko para lang makasama ko. Kelangan pang gawan ng paraan para makita ako. Gagawan pa ng paraan para makapag-celebrate kami ng birthday nya na magkasama. Kabit na kabit lang noh? Kelangan pang gawan ng paraan para maging masaya.

Das beste oder nichts. The best or nothing. Kung di nya maibibigay ang buong sarili nya, wala na lang. Wag na lang.

Binabawi ko na ang sinabi ko dati na hindi ako mahalaga kay Totong. Mahalaga ako. Kung pupunta sha ng iskwater, uunahin nyang daanan ang bahay ko kesa umakyat sa nanay nya. Kung me okasyon o selebrasyon, ako ang kasama nya. Kung malaya na ang puso nya para magmahal, ipupusta ko ang pechay baguio ko, ako ang pupuntahan nya. Pero dahil di na sha malaya, para mangyari ang lahat ng ito, kailangan…

"Gagawan namin ng paraan..."