1.06.2010

Livin La Vida Yaya

Etong team manager ko sa ofis eh me yaya na kakaiba. Talo pa ko sa sobrang talino. Kung si Inday eh naging winner kasi inglisera ang eksena, eto iba. Nakakalokah.


Act 1: Kahayupan. Nagyayaya si Yaya na magpunta ng Manila Zoo.

Yaya: Sige na, punta tayo ng Manila Zoo. Gusto kong makita mga hayop.
TM: Ayoko dun, ambaho kaya ng mga hayup dun!
Yaya: Hindi! Mabango na dun! Saka gusto kong makakita ng mga dinosaur!
TM: Nge, ano ka ba wala ng mga dinosaur dun! Extinct na yun!
Yaya: Meron pa! Marami dun!
TM: Wala na nga. O sige, anong itsura ng dinosaur?
Yaya: Ano... me naka... ah! Me nakatayo! Me nakahiga! Me nakaupo. Sabi pa, rooaarr!
TM: Susko mababaliw ako sayo.
Yaya: Oo, totoo! Bakit sabi ni Charles Darwin meron pang dinosaur?!
TM: Wow, Darwin ka jan. Aber, anong sabi ni Darwin?
Yaya: Nabasa ko sa libro, yung tungkol sa theory of evolution!
TM: Anong libro?
Yaya: Yung malaking libro! Ganito kalaki! (sabay gesture) Nabasa ko nung grade six.
TM: Ano ka, eh hanggang grade five ka lang di ba?
Yaya: Oo, pero yung libro pang-grade six.

Nag-walkout na lang si TM.


Act 2: Tagubilin. Nagbibilin ang tatay ni TM sa yaya.

Tatay: O, Susan ha. Gabi gabi wag mong kalimutang i-check ang pinto at mga bintana bago ka matulog. Tandaan mo ha, wag mong kalilimutan.
Yaya: Opo, ser.

Kinabukasan, nakalimutan na agad ni Yaya Susan na ikandado ang pinto at mga bintana.
Tatay: Susan, ano ang sinabi ko sayo na wag mong kakalimutang gawin bago ka matulog?
Yaya: (nag-isip ng malalim) Uhhhmm, magsepilyo?
Tatay: Hindi yun! Ano pa? Yung sinabi ko kagabi na gawin mo lagi bago ka matulog?!
Yaya: (nag-isip uli, mas malalim) Uhhhmm... Ahh... Magdasal?

Napadasal na lang si Tatay.


Act 3: Bituin. Gabi ng mga shooting stars. Si TM, niyaya si Yaya na manood sa labas.

TM: Tara, dun tayo sa labas, nood tayo ng shooting stars.
Yaya: Ayoko! Baka tamaan ako!
TM: Huh?! (Napakamot na lang sa ulo)

Maya-maya lumabas din si Yaya. Nilapitan sha ni TM.
TM: O, akala ko ba ayaw mong manood ng shooting stars kasi baka tamaan ka?!
Yaya: E, ok lang. Iilag na lang ako.

Tumambling si TM, nagmukmok na lang sa kwarto.

10 comments:

  1. naknam. ayos tong si YAYA ah? hahaha

    ReplyDelete
  2. ang sakit sa ulo ni yaya. haha baka sakin sya tamaan, hindi sa falling stars. hahaha

    bloghopped from acrylique's page. :D

    ReplyDelete
  3. haha! palpak! panalo ang bonggang bonggang chimay na un ah..

    ReplyDelete
  4. sakit sa bangs ng yaya ni TM.

    ReplyDelete
  5. Taob si Inday at Ederlyn kay Susan!

    ReplyDelete
  6. hahaha..nakakaloka si inday..
    haha..senxa feeling close..
    kakatuwa po mga posts mo BM..
    ^_____^

    ReplyDelete
  7. galing naman ni yaya, pede sa comedi bar...

    ReplyDelete
  8. whahaa.....si inday inglesera at c yaya gaga!!

    ReplyDelete