8.11.2009

Slip of the Tongue

Eto pa ang mga patunay na si Canton Boy 2 eh me pagka-badet... Junior Baklang Maton in the Making...

Si CB2 eh tall, dark and somewhat cute. At in fairness, madami sa mga beki friends ko eh nagugustuhan yan. Ideal bowa kasi sensitive, at joker. Tsaka di sha rude sa mga badesa. Mejo tamad sa gawaing bahay, pero nauutusan naman lalo na pag pinaulit-ulit mong talakan na tamad sha.

Friendship nya si "Wacko". Wacko tawagan namin kasi "asawa ko" hehehe... Pero wag ka, me tawagan din sila ni Wacko, ang tawagan naman nila eh "cupcake" at "chocolove". Panalo di ba? Kabog ako!

Lately, lagi sila magkasama ni Magic. Mejo possessive. Lately rin, parang natatawa na ko sa mga eksena nya. At lalong lalo na, lately eh me mga slips of the tongue sha, na talaga namang ikinaka-bongkang ng ulirat ko.

Nung minsan, habang nasa kainitan kami ng pagtatalo sa istorya ng Tayong Dalawa, bigla nyang na-blurt out, "Tang ina pare ang ganda nga ng lips ni Jake Cuenca eh, sarap halikan!"

Isang beses din, habang nagre-reminisce kami kung anu mga toys namin nung bata, at kung anu gagawin namin pag nanalo sa lotto, aba bigla nyang na-ispluk na "Ako nga nung bata gustong-gusto ko magpabili ng Barbie. Ay, GI Joe pala! Hehe!" sabay blush.

At kanina, habang pinapanood nila ang walang kamatayang Titanic, tumambling na naman ako kasi mega dulas na naman si Kuya na "Shit ang sarap ni Jack noh! Ay ni Rose pala!"

Di ko na alam kung ano ba totoo, nadudulas lang ba talaga sha, oh nagbibiro. Napapadalas naman ata?! Hmmm...

From now on, under observation itong si Canton Boy Number 2.

Cute naman di ba? Badet kaya sha? Hmmm... Let's wait and see...

7 comments:

  1. sayang naman kung badet sya..ahihihi Ü pero nakakapagtaka lang talaga ung mga sinabi nya..

    ReplyDelete
  2. hmm. Mars, parang sadya lang. or naghihint na sya talaga sa yo na turuan mo na sya magkulot? :)

    ReplyDelete
  3. ayy nako, base sa mga sinabi mo mukang nagbeep ang gaydar ko mukang beki nga xa.

    ReplyDelete
  4. hahahahahahahahaha no comment, until further notice.

    ReplyDelete
  5. Fishing yan ng reaction from you kung iwe-welcome mo daw ba sha with open arms. Teehee. :D

    ReplyDelete
  6. badet man sya, laman loob parin sya, starting young ha, go guy bago ka magimng full fledge girl!

    ReplyDelete