2.14.2011

Leminiscate

Wagi talaga ang fezbuk! Nagkita sina Iceman at Rogue. Kahit di talaga sila ang magka-labteam, sa make-believe grupo namin, sila ang nararapat sa isa't isa. At sina Wolverine at Gambit, may secret affair. Hahaha! Naguluhan ba kau sa intro? Bago ko mag explain...

Happy Pechay! Happy Valentimes Dey! Happy Pepe sa lahat ng may pepe! Happy Puso sa lahat ng may internal organs! Mwah!!!
Sa tulong ng fezbuk, nagkitang muli sina Rogue at Iceman. Sila sina Cheng -- ate ni Totong, at Benjie, mga labteam nung bebe gel pa ko. Nagkasundo silang mag-eyeball sa Iskwater, at naganap na rin ang Grand Reunion ng AnTena -- counterpart ng Ang TV sa Iskwala Lumpur. Akshuali bago kami maging AnTena eh Xmen nga kami di ba? Present sa grand reunion ang lahat ng matatandang ka-batch namin. At shempre andun si Payat.

I told u mga beki na wit na ko magba-blog about Totong davah? Pero kagabi, nagulat ako kasi he insisted na magsult ako uli about him. Sha daw ang pinakasikat sa lahat ng mga lalaki ko. Sige angkinin natin ang trono! At impernes, nakita nya nga ang post ko nung Xmas nung namigay sila ng Pamaskong Handog sa Iskwater. Antaray, updated si Payat! Kaya heto, binuksan ko na naman ang Pandora's Box sa buhay ko.
Inuman, asaran, the usual. Reminisce ng mga kagaguhan namin nung mga dalaginding at utoy pa kami. Pag naglalaro kami ng bangsak -- version ng Iskwater sa taguan -- tapos sa ilalim ng sasakyan ako nangungunyapit at paglabas ko eh wala na kong kalaro. O kaya eh yung tatalon mula sa bubong ng mga unsuspecting citizens ng katabing street. Tsaka yung paghihintay na mapuno ang "balon" sa bukid sa tulong ng ulan para makapag-swimming kami at mapalo pagkatapos, dahil brown na ang mga panty naming lahat.
Dahil di ko sha na-kiss nung New Year, bumawi ako kagabi. 11 na kiss din dapat kasi 2011 na. Actually naka-quota na ko ng hanggang 2015. Me isa pang swak na swak kasi na-bosing ko na naman sha. Yung "halik bosing" na kunwari eh sha ang hahalik sa kin sabay harap ko sa kanya, kaya liptulelang ang naganap.
Boom! Fireworks!
Two weeks ago, nag-birthday ang lolo mo. Di ako invited. Di rin naman ako nagulat. Kagawad na ang lolo mo, maaring nagbago na sha. Constituents at mga kapartido muna, bago barkada. Di ko sha pinapansin after that, at nag-inarte pa ko sa isa naming kaibigan na nakalimutan na ko ni Payat.
Tatlong gabi na rin na nakikita ko sha sa kambingan t umiinom. Tinatawag naman ako ng lolo mo, kahit sino pa kausap nya. May ngiti pa rin shang reserved para sa akin lang. At "Ma" pa rin ang tawag nya sa kin, kahit may mga kasama shang konsehal, kapitan, kagawad o tanod.
Sha pa ang nagalit kasi di ako pumunta. "Di ka naman kailangang imbitahin eh. Alam mo na yun. Dapat pumunta ka." Sorry ha, nag-inarte lang ng konti.
At ngayun nga eh may reunion kami ng mga kababata namin. Di makapaniwala si Benjie na lumaki ako at nagdalaga... ako nga di rin makapaniwala eh. Masaya kasi andaming alak, andaming kwento andaming alaala, andaming kakulitan, andaming pulutan, at andaming halik.
Kasama ko sa inuman ang akong mahal na sisteret na si Galema -- aka Sailor Mars. At habang nagkukwentuhan sila ni Pa, biglang kinuha ni Payat ang kamay ko sabay deliver na naman ng mga usual nyang birit at hirit na nakakapagpatigil ng sistema ko.
"Mahal ko to eh. Hindi talaga, totoo yun. Walang makakapalit jan."

Nakurot ko ng pinong pino si Galema. Eto yung unang beses na sinabi nya sa kin yun. Maybe it's the Sanmig Light. Maybe it's the Marlboro Lite. Maybe it's the sisig, french fries, tokwa't baboy, o fried bopis. Maybe it's the Valentine's season.


Or maybe, yun lang talaga ang totoo.



BTW, heto yung leminiscate...

2.08.2011

100K

Wow! Nawindang naman ako! According to Stats kemeot ng Google Analytics, limang kembular na lang 100k na ang bumibisita na sa blogelya kez! Yey! Napapa-whistle naman akeiwa ng bonggang bongga! At dahil di ko naman keri mag-whistle na parang dolphin eh naghanap na lang ako ng me kakayahan.

Presenting my new friend: ALEI MUCH. Hay naku ihanda nyo na ang mga clap-clapey nyo. Winona Rider talaga ang voice ng Alei na itey...

Click mo ditey pra ma-watch mo mga videos nya. Di akeiwa marunong mag-grab eh hehehe...

Salamat mga beki sa inyong pagsubaybay sa buhay bakla ni BM.

Salamat sa mga likes sa jino-join force-an kong jontest. I-like nyo pa. Hihihi.

Salamat sa mga Fabcasters at sa pagsali sa akeiwa sa peborit nilang 15 blogs of 2010.

Salamat sa mga baklang walang sawang magbasa.

Salamat kay Mandaya na kauna-unahang nag-comment EVER sa blogelya kez na itey.

Salamat sa mga dautera na nakikisawsaw sa lovelife ko.

Salamat sa mga Power Rangers na nag-follow! Nakaka-250 na ko! Ang shala!

Salamat din sa mga nag-like sa Fezbuk Fan Page ng bakla! More more more!!!

Salamat sa mga barkada, tropa, iskwater citizens at mga kapamilya kez na nakikibasa.

Salamat sa blogspot dhil libre mag-blog ditey!

AT salamat sayo. Oo, ikaw na bakla ka. Wag mo ng takpan yung monitor, alam kong beki ka rin Inday, kasi anditey ka. Salamat sa suporta Rebekki.

Para sa mga Beki Mae, Beki Lou, Beki Ann, Beki Lyn, at Bekilicious! Mwahugs!

Bekilandia... from the bottom of my escabeche... SALAMAT!

2.03.2011

B. Y. A.

Habang MIA (as in missing-in-achuchuchu) si My Fifteenth, sinendan nya akeiwa ng link na itey. Sumali daw akeiwa sa pa-jontest ng blogelya kyeme, at ng magkamal ako ng limpak-limpak na salapi. Gusto daw nyang manalo ako. Na-tats nga ako kasi na-imagine ko ang lolo mo na naka-cheerleader outfit at humihiyaw ng "Go BM, go BM, go! B! (clap clap) A! (clap clap) K! (clap clap) L! (clap clap) A! (clap clap) N! (clap clap) G! (clap clap) M-A-T-O-N! (clap clap clap clap) BI-EM!" Sabay taas ng pompoms na pinkaloo.

At dahil Chinese New Year ngayonchi, naisip kong eskyemperduhin ang calendar of activities ketch ditey sa Baklang Maton. Kumbaga, planning mode at deliberation ekek ako ngayon. Tsaka introspection na rin. Masarap kasing kudain ang sarili bago pa bumitaw yung isang hibla ng katinuan sa jutak kez. Naalala ko tuloy... Tinining-tinining... Ang nakaraan...

Nakaupo ang bakla sa harap ng dagat at nangangarap. Malalim ang iniisip, nage-emote, humuhuni-huni ng Canon Chemberlain, at nagpapraktis ng pagtulo ng luha sa kaliwang pisngi. Biglang lumapit si Mudak at hinaplos-haplos ang buhok nyang green.

"Mutya, may problema ba?"

"Wala po Mudak, nag-iisip lang po."

"Ay nag-iisip pero ume-emote? Bakit ka umiiyak?"

"Naisip ko lang po, sana hindi ganito ang buhay ko."

"Mutya, hindi ka ba masaya?"

"Masaya naman po."

"Oh anong problema?"

"Gusto ko pong magka-paa, Mudak."

"Huh? Mutya hindi ka naman pilay. Nakakalakad ka naman."

"..."

"Kanina nga nagte-ten-twenty pa kayo nina Gayzilda at Bekirella."

"Ay oo nga po pala, hindi ako sirena."

"Oh eh ano ba talaga ang problema?"

"Mudak... Sana po, magka-pechay na ko."

"Hay naku kanina isda, ngayon naman gulay. Mamaya mo nyan eskabeche na gusto mong maging. Ewan ko sayo. Andami mong kuda, Mutya!" Nag-walkout na si Mudak. Di kinayanan ang pagiging ambisyosa ng unica hija nya.

Ilang taon na ang nakakalipas mula ng maganap ang usapan na yun sa pagitan namin ni Mudak. Matagal ko ng natanggap na wala akong buntot. At yung magka-pechay eh isina-puso ko na lang at di ko na isina-katawan, baka kasi itakwil na ko sa rainbow na paraiso ng mga na-dedlak na beki. Nahanap ko na rin ang nawawala kong boses, at di ko na alintana ang makalyo kong paa. Kumbaga, buong-buo na ang self-confidence kemerlalou ng bakla. Kaya ako nag-blog. Segway!

Sinimulan kong magsulat, project sa iskulilet. Kelangan kasi ng scrapbook sa Developmental Psychology, with matching piktyurakka, mga notes at reflections, at mga eklaboo. Gumawa ako ng mga essay-chenez na parang blogelya ang dating sa bawat milestones ng buhay kez. Yung mga "significant others", yung mga "past, present and future", pati na yung mga "somewhere, somehow, someday" ko, nadawit sa kalandian. Ang resulta? Uno. At nag-enjoy naman ang mga friendships ko sa nabasa nila. Nag-enjoy din ako sa pagsulat. I found my niche. Sa lahat kasi ng ginagawa ko, madalas mediocre ang dating. Walang A for eyfort, puro B lang for basta na. Basta nakapagpasa, basta nakagawa, basta nakatapos, basta nakabigay, basta nakakembot. Sa pagsusulat, na-eureka ko na kering keri ko palang magmaganda at magmagaling.

Dahil sa pagba-blog, natutunan kong yapusin ang aking pagkatao. Di ko lang niyapos, kinadena ko pa sa sarili ko. Dito ako nagsimulang kumuda, esta makakita ng mga nakakatawa, nakakainis, nakakaiyak, nakakalibog, at nakakabakla na mga eksena, kaganapan, nilay-nilay, at emosyon. I learned to express myself while impressing others. Shempre narcissistic din ang bakla, gusto ko ring malaman na may mga natutuwa pala sa bawat kembang ko. Ang taba-taba ng puso ko sa bawat reaksyon at komento ng mga beki, babaylan at occasional na lulurki sa bawat chararat ko. Mas natatapos ko pa kamong isulat ang blogelya entry kesa sa thesis ko!

Ang blogelyang itey din ang naging daan para magising ako sa katotohanan. Iba kapag bakla ka. Ibang landas ang tatahakin mo. Hindi lang sha matinik at mabato, makyontot pa with matching whispers ng mga taong maraming kuda sa buhay. Ibang saya ang pwede mong idulot sa mga taong mashadong emotera. Iba ang ine-expect sayo ng lipunan, at iba lalo ang paraan para makita mo ang sarili mong maligaya. Kailangan mong patunayan ang sarili mo ng paulit-ulit, hanggang sa mawalan ka na ng paki sa sasabihin ng iba. Sabi nga sa nabasa ko sa horoscope ata, ine-expect ng lipunan na isa akong kahihiyan, ayoko silang biguin.

Naging salamin ang webpage na ito sa mga saloobin at salabasin ng isang BM. Isang Baklang Maton. Isang bakla. Period. Napa-tumbling nga ako ng makita ko kung gano kadami na pala ang bumibisita ditey araw-araw. Humigit kumulang na! Syet! Pagkaminsan tinatamad na rin akong ipagpatuloy ang pagkuda ditey sa blogspot. Wai namang sweldorific ang bawat post, wit ding career na pwedeng iuwi, waley ding lulurki na pwedeng gawing bufra mae. Pero pag naiisip ko na eto ang tulay para makilala ko talaga ang sarili ko, at maipakilala na rin sa mundo kung ano ba talaga ang tunay na mukha ng mga bakla, napapabulong ako sa hangin. It's all worth it.

So, what's next for BM? Para sa kin -- para sa kin lang ha, wag kayong kumontra. Para sa kin, sa pagiging BM ko maipapakita ang iba't ibang maskara sa likod ng bekilandia. Baklang Maton, baklang mahirap, baklang mayaman, baklang maarte, baklang makuda, baklang malibog, baklang mayabang, baklang maliit, baklang mataba, baklang malandi, baklang mahinhin, baklang maldita, baklang matanda, baklang makulit, baklang mapanlait, baklang mapagmahal, baklang makabayan. Baklang dakila. Hindi lang basta bakla. Lahat ng bakla.

Pano ko maa-achieve itey? Sa bawat tipa, sa bawat titik, sa bawat salita, sa bawat pangungusap, sa bawat talata, sa bawat katha, sa bawat likha, sa bawat gawa... sa isip, sa salita, sa kilos, sa pananalita... Sa utak, sa katawan, sa puso, sa kaluluwa... Sisiguraduhin kong may kabuluhan, may sense, may kembot, may pupuntahan. Sa bawat post, para sa Bekilandia. Promise!

Who knows, dito magsimula ang pangarap kong BYA. Beki Youth in Action. Oh di ba? Hay 2011, ready or not, here I am!

Layag at Katig

Sobrang sorry mga badidap! Shugality kong nawala sa eksena... Naglayag lang ang BM sa isla ni Lapu-lapu sa Cebu, at dumerecho naman-chi sa Bangkokak... Dahil jan, pinili kong i-post ang aking travelogue blog para mang-inggit at mandaot ng mahihirap ahahaha! Ayan ha, hinabaan ko na ng bonggacious para di nyo naman sabihin na tamad ako! Bilang ganti, post naman kayo jan ng comments at paki-like na rin iteywang FB Page kez. Ahihihi! Wala namang kumpetisyon, bet ko lang talaga na maging masaya sa bawat kuda ninyo. <3

Heniwei, Bilang isang dutiful citizen ng Iskwater, tungkulin ng aming asosasyon na bigyan kami ng mga incentives at benefits para di kami umalis sa eskinita. Travel voucher nga lang minsan, non transferable, not convertible to cash, each item sold separately, to any point of Luzon. 2010 talaga ang pinaka-bonggang yearlaloo sa lifesung ketch, kasi eto din yung pinakamarami kong gala ever. Lumevel-up talaga ako. From BM to BG: as in Baklang Gala!

Boracay
Ditey ang unang plane ride kez ever. Kasama ang mga tropa ni Ka-te nung hayskul, gumora kami sa paraiso ng mga shala. Sa bora ko na-meet si Patrick Star ng layfsung kez. Kung sha ang Patrick ko, willing akong maging Chenelyn Mercado poreber! Memorable ang bora escapade kasi bonggadera ang mga fudang namenchi. Si friendship kasi na from US at si friendship uli na from SG, mega buy lagi ng mga fudtrip para sa tropa. Shempre libre-librehan kaming lahat davah?! Winerva sa fud ang bora, ultimo isaw pwedeng pang-export ahahaha! Dance-dance din kami sa bar at sa buhangin. Ang nakakaloka, all throughout the trip akala nung isang friendship ni Ka-te, kaklase rin nila ako ng hayskul ahehehe.

Iloilo
Wit ko ganu na-feel ang exposure ni Iloilo kasi waley naman kaming ginawa ditembang kundi kumain ng lomi. Paglapag namin sa paliparan, direcho kami sa isang shala-shalahang kainan for dinner. Ning naloka ako, ang meal nila winnie cordero sa presyo! Ispageti meal--23.75, fried chicken--32.50, iced tea--16.25, cake--345 ung malaki. Panalo din sa lasa! Love ko ang Iloilo dahil sa mura ng fudang. Ginawa lang naming port of disembarkation ang Jilo-Jilo kasi from there kami tumawid sa kung saan saang probinsya pa ng Pinas. Unang stopover, Guimaras, then Bacolod at huli yung Roxas.

Guimaras
Guimaras, hindi ka kagila-gilalas! Hay naku neng, Guimaras: Boredom Capital of the World at World Record Holder on Disappointment! Swear! Dumating kami dun ng umagang-umaga. Tanghali na kami nakacheck in sa accomodation kemerot kasi nililinis pa raw. Pagkakita namin sa accomodation susko gusto kong lamunin na lang ako ng lupa. Parang lumang kapilya na kulungan ng sisiw! Ang ilaw, mga nakasabit na malalaking bumbilya. Ang mga bintana, parang bintana ng Kalantyaw Elemnentary School -- kahoy na jalousie! Sa unahan pa nung kapilya, may stage! Pwedeng pwede kaming maglaro ng Ms. Gay Lotto! Walang pintuan ning, gate na bakal lang at pag aalis kami, lalagyan ng kadena at padlock. Kaloka!

Bacolod
Mejo bumawi naman ang Bacolod. Mega Miley Cyrus kami ng bundokelya na may pitong falls kemerot -- its the climb, beybe! Impernes, ang taas at ang layo ng falls! Yung falls number 1-3 parang waley lang. Yung falls number 4, pwede kang mag-dive slash cliff jumping chararat. Ayun, si BM tumalon ng walang sabi sabi. Ang sarap talaga ma-fall. Yung falls number 5 and 6, ayun, falls naman, may tubig pa rin. Yung falls number 7 na pinakamalayo, pwede ng mag-swim swim at mag-picturakka. Naalala ko yung eksena ni Shaider na nawalan sha ng powers at kelangan nyang "hatiin" yung lagaslas ng tubig sa tulong ng laser blaster. Ginaya ko yun, hinati ko yung talon -- ayun lawit na tinggil ko di pa rin hati yung tubig. Nung pabalik na kami sa kabihasnan, grabe! Magnifico! Nasa bundok na pala talaga kami, at ilang bundok yung tinawid namin uli para makababa. At dahil loves ako ni Lord, hindi ako hinika.

Roxas
From Bacolod, balik kami ng Iloilo, at direcho Roxas. Umarkila ng van yung organizer namin na me sapak. Ayun, tumirik ang van, naayos naman kaso mejo madilim na kami nakaalis. Eh madadaanan pala namin yung isang bayan dun na sabi nila eh bayan ng aswang. Tawagin natin itong Buenas. Habang nagtatakutan kami sa van, biglang namatay ang makina ng sasakyan, sabay brownout sa kalye. Syet ang dilim ng kalsada! Yung buong kahabaan ng hiway, mga alitaptap lang ang makikita. Malapit na kaming mag-iyakan ng biglang buhayin uli ng driver yung engine. Potang yun, tinakot lang ata kami. Pinahinga daw nya yung makina kasi mahina ang battery. Tse! Pero c Manong consistent, kasi nagbyahe kami ng walang headlights. Kala ko magiging alay na ko ni Ana Roces sa mga kamag-anak nya. Hay naku, pagpapalitin ko ang mga tsaa namin! Hihihi... Hmmm, I wonder who my Aljon Jimenez would be. Anyway, back to Roxas. Sulit na sulit ang takot at tilian namin sa van. Ang mura ng seafood grabe! Halos iduldul na nila sa mukha mo yung mga sugpo at alimango. Nakabili pa kami ng lobster, 150 each. As in! At di na kami natulog sa lumang kapilya, resort na yey!

Bohol
Kasal ng isa sa mga baby ko sa Dumaguete, pero sinabay na namin yung trip sa Bohol. Typical na eksena, me city tour, me lunch sa Loboc River habang nakasakay sa floating resto, me bisita sa tarsier sanctuary, me piktyur-piktyur sa Chocolate Hills. Ang kasama ko naman ditey eh mga friendship ko sa youth org. Ang pinaka-bet kong eksena eh yung roomaloo. Ang kama, me apat na poste, at may kulambo na parang silk ata o satin, like yung suot ni Priscilla sa Sutla. Feeling Prinsesa ng Kumintang ang bakla habang natutulog. Eto din yung unang trip ko na in-attempt kong mag-puke shorts.

Dumaguete
From Bohol eh direcho kami sa Dumaguete. Impernes, Cutie Capital of the South! Ang daming kyut kyutan na pwedeng karirin. Pagdating palang dun eh bar na agad inatupag namen. Keber na sa beauty rest, kelangang magparty-party sa Dumaguete! Pak na pak ang party scene! Andaming hombre kalurki! Pero dahil youth org ang mga kasama ko, walang landi na naganap, wholesome na inuman itu. Kaya rumampa ako mag-isa nung madaling araw na. Nahuli nga lang nila ko, kaya kunwari friendship ko sha na matagal na. Walang naniwala ahahaha! Kinabukasan, kasalan na! Inuwi namin yung lechon, pulutan sa hotel. Wala ganong moments ditey, except sa kasal kasi un naman ang ipinunta namin.

Apo Island
Kinabukasan, after ng kasal kami lumamyerda. Gora kami sa APO Island, marine sanctuary na pagkaganda-ganda ng marine life. Yung isla mismo d kagandahan. Walang mga bar, di puti ang buhangin, mabato ang beach, isang hapon lang ang turista. Pero na-inspire ako ni hapon. Jetsetter ang lolo mo, city to city ang drama. Nag-ipon sa work at nagliwaliw ng bonggadera. 5 yrs na shang gumagala sa mundo! Bak to APO: nagpaluto kami ng binili naming giant isda kila manang. Sila na ang nagprepare ng lahat lahat, pay na lang kami per head. Katuwa ang buhay ditey, bumibili pa sila ng gasolina sa bayan para sa kuryente nila na 2hrs a day lang kung gumana! Kaya TV Patrol at yung "nakaraan" ng Noah lang ang napapanood nila. Pero mas naloka ako, kasi irereto daw nila ako sa babae para magka-asawa na ko! Ay wit! Bet na bet ko kasing makipagchikahan sa mga manang kung saan saan. Sila yung marami talagang kwento. Tapos swim swim na kami uli. Winner naman pala talaga ang sanctuary. Bawal mag-uwi kahit isang butil ng buhangin para ma-preserve daw. Maya maya lumipat ako sa kabilang pampang, andun daw ang mga pagong. Habang lumalangoy, naispatan ko yung isa na medo maliit around 2.5 feet cguro. Hinabol ko ang hitad kasi akala ko mabagal pa rin sila eh mabilis na pala lumangoy ang mga pagong hehehe. Nagsumbong ata sa mudak nya! Biglang lumapit dun sa teeny pagong yung isa. Potah, kulang na lang chako at tela sa mata, ning Ninja Turtle na! Cowabungga!

Cebu
Mejo sosyal ako sa trip na to, di dahil mapera ako, kundi dahil libre lahat ng ginastos ko ahehehe. Bumisita sa Pinas yung dati kong student na korean, at mega treat ang lola mo sa kin sa Cebu. Unang umaga, island hop muna kami. Hop lang talaga kasi isang island lang pinuntahan namin! 1500 per head pa yun! Nagimbal ako sa presyo! (Gimbal talaga ning!) Nag-stay kami sa Plantation Bay Resort, na mas nakakaloka sa presyo. Ang manmade pools nila, panalo! Saltwater kemerot, at shala ng facilities. Nag-dinner kami sa sutokil, parang dampa ditey sa manila. Pipili ka ng seafood, papaluto mo, at lalamon ka ng bonggang-bongga. Na-try namin yung rock lobster na parang hipon din ang lasa. Tsaka yung malaking kuhol na iba ang itsura. Kahit di ako nakapaglibot gano ditey sa Cebu, enjoy na enjoy kasi libre ahehehe. Negative 2k pa kamo ang gastos ko, kasi paguwi ko kinabukasan, nag-deposit ang lola mo ng anda sa western unionez! Oportunistang BM!

Palawan
Dahil nag-enjoy ako sa pagiging sirena, gora naman kami sa Puerto Princesa. Dun kami nakitulog kila Lola Itang. The usual na aktibidades, snorkling at island hopping. What's remarkable ditey sa mga isla na pinag-hop-hop namen, syet ang mga isda talagang kasabay mo lumangoy! Umiikot ikot nga ako, ang mga swordfish umiikot din sa kin! Kaloka! Enjoy na enjoy ako sa panghihingi sa ibang tao ng tinapay at talaga namang kumpulan ang mga isda sa paligid ko. Birhen na birhen ang kalikasan sa Palawan! Ang shala ni 04 aka Hagedorn! Nagkape kami sa Itoy's ba yun? Nanginain -- di lang basta kumain, nanginain -- kami ng lechon sa kalsada, at naglaro ng in-between sa kwarto. Ditey ipinanganak ang mga makabagong mandirigma: Si Bea Biyakera, Patty Pamintuan, Diana Kadiri, Kardo Kalso, at si Lady Gagaita (ahem!).

Hong Kong
Shempre itinodo ko na ang paglalayag. Umi-international na rin ako! HK is my first trip outside Pinas kaya nai-blog ko na itu dati. Naalala ko pa kung pano ko mag-panic kasi nawawala mga luggage ko, un pala sasakay ka pa muna ng train para makarating ka sa mismong airport. Ang shala davah?! Shunga pa ko nito eh, kaya mega shopping pa ko ng pasalubong. Di ko naisip na mas mura pa rin sa Divisoria. At dahil alone in JK ang drama ko, na-enjoy ko ng winner na winner ang sarili ko. Naloka nga lang ako kaka-compute sa mga presyo. Hehehe!

Singapore
This time, me kasama na ko: si Fernandez, si Alcober at si Dumdum na nung time na yun eh nakikipagsapalaran na makahanap ng work. Gora kaming apat sa Universal Studieos at nakapulot pa si Fernandez ng perlas ng silangan na breslet. Masasaya ang mga rides, pero mejo bitin kasi yung pinaka-shalang roller coaster, pak! Sira! Kaurat! Pagoda Lotion talaga kaming lahat kasi paulit-ulit kami sa Mummy Returns. Kinabukasan, gora kami sa JB, Malaysia para magpatatak ng passport ehehehe. Nung last day namin, na-meet ko naman si Altoveros at sinamahan nya kami mamili ng gadgets, lens at kemerlou ng SLR. Katuwa ditey ang mga tren, as in kabit kabit talaga kamo lahat. Kaliit nga lang kasi ng bansa nila kaya keri ng budget na magpagawa ng sanlaksang MRT. What I loved in this country is the kalinisan at kaayusan ng lahat. Walang mga kendi wrapper sa kalye, walang nagje-jaywalking at wala ring mga dura-dura at babel gam sa kalsada. Kung magwo-work ako after graduation, ditey ako unang maga-apply. Tsaka andito rin kasi si Number Fifteen (na nagpapa-miss sa dami ng exams nya ahihihi.) Sa sobrang ka-at home namin sa SG, muntik pa kamo kaming maiwan ng plane. Tumakbo na kami sa Gate 10 ng Budget Terminal, at naputol pa ang takong ni Alcober. Since sanay na kong shumakbo, tawa ako ng tawa. Pero si Ate sigaw ng sigaw: "Eto ba gusto nyo?! Eto ba?!"

Johor Baru
Waley lang to, matatakan lang si pasaporte kaya kami gumora. Eh pano, 30 minutes lang ng bus nakatawid ka na sa Malaysia. Mega palit pa kamo kami ng Ringgit, wala naman kaming binili. Nagstay lang kami sa JB Sentral, isang mall na keri na rin paglibutan. Kumain ng lunch na di ganong delicious, at bumili ng dragon fruit shake na wala palang lasa! Kainis! Nagkawalaan pa kaming tatlo kasi ba naman, yung dalawa bumaba sa sakayan ng bus pabalik ng SG, hindi sa immigration ng Malaysia. Ayun nung bumalik kami sa SG para lang kaming nagpunta sa Cubao. Walang arrive.

Kuala Lumpur
Ibang level din naman ditey sa KL. Ditey, hindi ako si BM. Ako si Zulay. Zulay Man. Kasama ko si Sime. Sime Kho. Kaming dalawa lang at nagwala kami ng nagwala sa Jalan Kembular. Bawat kanto, nag-e-MTV kami ng telephone ni Ateng Sunshine Corazon at Rachel Berry. Yung napuntahan pa naming hotel, kaya pala super murayray, super waley din pala! Buti na lang borlogs lang kami dun! Shopping-shopping si Sime, ako naman compute compute. Ang baon kong 5k, paguwi ko 3500 pa ang natira ahahaha. Andami ko pang pasalubong na keychain, me sandals at bagelya pa kong bago. Maduga si bakla. Dance dance kami sa Blue Boy sa Bukit Bintang. Shala! Gay bar yun, as in club na pang beki. Lahat ng parokyano, beki din. Pero san ka pa, ako lang ang nakapuke shorts at habang sumasayaw, tinataas ko pa! Ikaw na BM! Ikaw na talaga ang hitad na hurindat! Kahit balbon ang hita at binti ko, at kahit kalbo ako, keber! Puke shorts talaga! Zulay and Sime conquered KL bigtime!

Bangkok
My last trip for the meantime. Kasi study muna uli si beki. Kasama ko uli si Sime, at join force sa min si Lotlot at ang kanyang irog, plus ang aming long lost sister, si Rica "Abs" Rebullar. Pero ditey ibang persona kami uli. College days kasi, ako si Prue, si Lotlot si Piper, si Sime si Phoebe, at si Eskey si Paige. Si Rica ibang palabas yun: Daisy Siete (sha si Jopay!) Si Phoebe at si Paige yung kasama ko 2 yrs ago sa Puerto Gaylera -- sina Sailor Mars at Sailor Pluto. Ditey, Charmed ang drama namin nina Piper at Pb, plus bowa and Rica na may bago ng namesung: Papaya Pokpok. Ang haba ng intro sa trip na to! Hihihi. Ditey sa Bangkokak, mejo swerte kami dahil sa pagka-shunga ni Pipat the hotel manager. November pa lang mega reserve na kamenchi ng roomaloo. Two rooms, two nights. Pag-arrive namen sa Myhotel, pak! Waley ng rooms! Winarla namin si Pipat, kudaan ba naman sha ng 2 beki, 2 babaylan at isang otoko, maloloka talaga sha! Ang ending, inilipat kami sa mas shalang hotel na nasa sentro ng kalakalan, at mas maharlika. At yung two nights namin, naging four nights. Plangak!

Di kami nakadalaw sa mga buddha, tsaka dun sa parang star city. Kasi si Papaya Pokpok, lahat ng planong gawin, ilegal! Punta daw kami sa buddha, pero bawal magsalita para kunwari Thai kami, libre entrance. Naglibot na lang kami sakay ng tuk-tuk at nag-pose sa lahat ata ng kanto ng Bangkokak. Nabanggit ko na senyo ang misyon kez davah? Kundi ko makita si Mario Maurer, kailangan maka-quota ako ng picture ng mga boylet na pwedeng karirin. Minsan napapansin nila na ninanakawan ko sila ng moment, napapangiti yung iba. Yung iba nagpo-pose din, at me isa pang nag-flying kiss! Me concert kaming naabutan sa isang mall, kahit nagho-host na si Kuya, nasa stage pa rin ako at mega pose ng japan-japan sa tabi nya. Nagpunta din kami sa gaybar, ning literal! Kung beki lahat ng customers, mas beki pa yung mga dancer kabuset! Shempre in-expect namin na mga yuming-yummy ang mga anacondang paparada sa harap namin, waley! Mas lalaki pa kamo si BM kahit naka-puke shorts ako! Pero all in all, sulit.com.ph ang trip namen na iteiwa, simply because we were all having fun. San ka pa, Bangkokak na yun, ang nagastos ko lang, Php2600. Di ko alam kung murayray ba talaga lahat ng bilihin doonchi, or juripotstra lang talaga ang bakla. Nasa balat ang anda, wala sa bulsa!

Sa dinami-dami ng pinaglayagan ko sa taong ito, isa lang ang masasabi ko. Pilipinas, ganda mo teh! Conquering the world, one city at a time. Sabi nga ni Kuya Bruno, "a different city every night, oh I swear, the world better prepare... for when I'm a billionaire!" BM, the world's first Beki Billionaire. Sakay na!

1.25.2011

The Screaming Nation

Salamat sa mga nag-like ditey sa aking FB Fan Page... Keep em coming guys! Here's another post for you Bekilandia!


***************************************************************************************************


Beki, baklushi, badingerzi, jokla, joklis, tukla, badaf, badesa, badet, badidap, beks, rebekla, jokling, silantro, bisikleta, bading, bakla. What's with labels? Nakakaloka!

Rinig na rinig ko ang sigaw ng karamihan sa madlang pipol. Nakakarindi na minsan. Masakit sa pandinig, mas masakit sa pakiramdam. Pero pag bakla ka, dapat manhid ka.

Nung bata ako, di ko gaanong nararamdaman to. Walang dating sa kin yung mga sinasabi ng mga tao, kasi di ko naman naiintindihan ang kahulugan ng salitang bading. Alam ko kung ano yung mga bakla pero wala akong pakialam. Kahit kumendeng pa ko ng kumendeng maghapon wala silang magagawa. Inglisera na ko elementary pa lang kaya pag me nandaot sa kin ini-english ko kaya tumitiklop agad. Pag di ko nadala sa pag-english, susumbatan ko sa utang ng nanay nya sa nanay ko. At 99% ng mga kalaro ko eh me utang ke mudra.

Pag naghahabulan kami dati sa bukid (likod bahay namin na puro puno at basura na naging pagawaan ng hollow blocks) promotor ako ng lahat ng kabulastugan mula sa pag-iihaw sa itik na napanalunan namin sa bunutan, at panunungkit ng alatires ni Mang Johnny.

Meron kaming laging kaaway noon, si Puppy. Pango ang lolo nya at mukha talagang tuta na hindi cute. Pag napikon na sakin si Puppy, kokotongan ako nyan ng sunod-sunod. Magcha-chant naman ako ng "Hindi naman masakit!" sabay shembot. Ewan ko bat ako lang lagi kinukutusan ng pangit na yun. Imbyernadet Sembrano ata sa ganda ko. Basta pag uwian na, magmumura yan sabay bulong ng mura sa lahat ng bakla sa mundo. Bata pa lang, na-discriminate na pala ko ng wala akong kamalay-malay.

Bigla akong napasulat about discrimination kasi nung isang beses sa MRT, naloka talaga ko ng bonggang bongga! Si BM, namasyal lang sa Megamall. Naka-puki shorts ang bakla, shirt na mejo malaki, at flip flops. Simpleng simple davah?! Nung pauwi na ko, mega ride ako ng MRT papuntang Cubao Station. Pagbaba sa escalator, me bumunggo sa kin na lalake at nagmamadaling nag-overtake. Eh di nairita-avila ang bakla.

"Pwede namang mag-excuse di ba?!" sigaw ko.

Aba si Manong, biglang about face sa kin at pinagmumura ko! As in putang ina na mura, with matching dirty finger at panlilisik ng mata! Ay possessed itu! Sinigawan ko rin si gago!

"Gago ka pala eh! Ikaw na nga nakabangga ikaw pa galit! Me sapi ka ba?!" kuda ng bakla. Nandun na kami sa suksukan ng card sa exit ng MRT.

Si Kuya, mura pa rin ng mura. "Tang ina mong bakla ka! Umayos ka gago ka! Tarantado pakyu!" may gigil factor si kuya at parang ni-rape ng isang barangay na bading. Galit na galit sha!

Eh kung jombagin ako? Eh di nagmabagal ako ng lakad para mauna sha. Pero kunot noo pa rin si bakla at init na init na ang ulo ko. Hinayaan ko shang kumuda habang lumalayo sa akin. Aba! Biglang about face uli si Gago at papalapit na naman sa kin! Umaamba pa na parang ija-jab yung mukha ko! Anu, bale? Magpapajombag ba ko?!

"Gago ka pala eh! Inaano ba kitang tarantado ka?! Tang ina mo pala di ka naman inaano! Ano bang problema mo?! Guard! Guard! GUARD!! Hulihin nyo nga tong putang inang to nanggugulo sa kin!" Oh di ba eskandalosa si bakla. Di bale na, di naman nila ko kilala no. Kesa naman makipag-buntalan ako sa Farmers.

Lumapit si Manong Guardo Verzosa. "Bakit po ser?" tanong ng lolo mo.

"Eh eto kasing tarantadong to! Nanggugulo, mura ng mura sa kin di ko alam kung anong problema." At that point eh nagmumura pa rin si gago, nanlilisik pa rin ang mata nya at pina-pakyu pa rin nya ko. "Anu bang problema mo? Yang pagmumukha mo?! Walang papatol na bakla sayo gago!"

Tumalikod na ang hayup at lumakad ng mabilis palayo sa min ni Guardo. Pero kahit paalis na sha eh nakataas pa rin yung isang kamay habang naka-pakyu at nagmumura pa rin. "Tang ina nyong mga bakla! Mamamatay rin kayong lahat! Pakyu kayong mga bading! Mga putang ina nyong lahat!" Ganun sha ka-intense, ganun sha ka-walang modo, at ganun sha ka-galit sa mga bakla.

Umuwi akong mangiyak-ngiyak at kumakabog ang dibdib. Feeling ko, bawat kanto na me blind spot ako eh bigla shang susulpot at sasapakin na lang ako. Hanggang sa makarating ako sa bahay na walang pintura, feeling ko eh inaalipusta pa rin ako ni Manong Pakyu. Umaalingawngaw sa utak ko lahat ng sumpa at panlilibak nya sa akin -- dahil bakla ako.

Kahit san ka tumingin may iba't ibang uri ng discrimination. Ang nakakapagtaka, sa sobrang tanda ng pagiging bakla, bakit hanggang ngayon hindi pa rin tanggap ng mga tao? Si Zeus mismo, nang-kidnap ng boylet named Ganymede para maging jowa nya. Yung dalawang mummy sa Egypt, sina Niankhkhnum and Khnumhotep inilibing na magkasama sa iisang tomb habang magkayakap. Si Hatshepsut, isang babaeng pharaoh, nagdamit lalaki at naglagay ng bigote para makinig sa kanya ang mga Egyptians. Di ba?! Ilandaang siglo na pero me mga bading at borboli na dati pa. Hanggang kelan ka liligwakin ng lipunan beki?!

Me pinsan ako na umutang sa kin ng 5k. Tapos ayaw na magbayad kasi inaanak ko yung anak nya, at nagbiro yung kapatid nya na pakimkim ko daw yung 5k. Aba naman, anlaki namang pakimkim nyan! So nung siningil ko na ang lola mo, nagalit kasi daw wala akong isang salita. "Palibhasa bakla ka." Ang conclusion nya agad na dahilan ng paniningil ko, wala na kong maipambili ng lalaki. Di ko na sha kinausap after nyang magbayad.

Di na ko lalayo. Sa amin ng mga ate ko, pag magkakasama kami sa Casa de Rosario (dating Casa de Valenzuela) at me mga lalaki, mag-iinarte yung isa. Habang lumalandi kami, yung isang ate ko magbibitaw ng mga linyang "That's so gay!" at "Mga bakla kasi sila!" as if sha mismo hindi bakla. Sa circle of friends ko na yun, bakla din mismo yun, pero ang discrimination hindi nawawala.

Lahat tayo, bakla. Pantay-pantay lang tayo sa dilim. Well, at least hanggang mag-umaga.

"Bakit kaya may mga taong hindi marunong rumespeto sa decision ng iba? Kung bading man siya at ayaw nya mag out eh decision nya yun.. Hay ang mga bading talaga dito ang kikitid ng utak! Kung nagladlad kayo choice nyo yun... kung yung iba ayaw choice nila yun! Grow-up mga baklang puro kalibugan lang ang alam gawin! Kaya kayo tinatawag na salot eh!" Eto naman eh nabasa kong comment ng isang beki sa isang blog. O di ba, bakla na yan ha, pero salot pa rin ang term na ginamit sa kapwa nya bakla.

Siguro kaya nung natuklasan kong pwede palang kumembang ng madalian basta may pera ka, sunod sunod na yung pagbili ko ng panandaliang kaligayahan. Sa ganun kasi, walang mangre-reject sa bakla. Basta may pera kang pwedeng isampal sa titi ng lalaki, walang makakatanggi. And that is the greatest discrimination of our time.

Di ko napansin, ako mismo dini-discriminate ko na ang sarili ko by thinking na may papatol lang sa akin dahil sa pera ko. Kung wala akong pera, wala akong lalaki. Di ko binigyan ng credit ang sarili kong ganda at talino. Di ko binigyan ng pagkakataon ang sarili kong i-pursue muna bago matikman. Bakit? Kasi ayoko nang masaktan. Ine-expect ng sambayanan na magiging kahihiyan ako dahil bakla ako, kaya madalas hindi ko sila binibigo.

Hindi ako naniniwala na biktima ang bakla ng lipunang judgemental at may attitude problem. Kadalasan, biktima ang bakla ng sarili nya. Ako mismo, mababa ang tingin sa ibang bakla. Parlorista, closet queen, lilet, paminta, loud, queer, emotera, feeling babae pero walang puke, baklang pangit, baklang matanda, basta bakla. Ako mismo pinagtatawanan ko sila. Di ko na-realize na ako din malamang dinadaot ng lipunan.

"People put you down enough, you start to believe it." Ako mismo dini-discriminate ko na ang sarili ko. Di pa naririnig ng tenga ko, nasabi na ng utak ko sa puso ko, na-claim na ng pagkatao ko.

Ang hirap tapusin ng blog na toh. Ang sakit sa dibdib. Wala akong pwedeng mailagay na powerful ending sa post ko. Pero pwede kong bigyan ng powerful ending ang sarili ko, ang pagiging bakla ko.

Bring it on bitches. I'll never back down. This is me. Whether you like it or not.

I am GAY. And I am free.

1.19.2011

My Fifteenth

Fifteen... such a scary number.

Habang tina-type kez itong post na iteiwa eh nasa isang computer shop ako. Kaloka! Di ako makapagreklamo sa ingay ng mga batang iskwater na mga kapitbahay ko. Siguro gento din ako kaingay nung lilet pa ko... Pag sa public na computer shop talaga walang privacy. Pero mas mabilis ako gumawa ng post hehehe. Malapit na mag-time ahaha!

Sabi ko isi-secret ko muna si friend eh...

One time na naglulumandi ako sa FB, nakita ko yung fanpage chararat na ginawa ko. Assuming ako na me fans ako hehehe! Kaya kahit half dun eh friendships ko, go pa rin si bakla, di na nahiya! Mega gawa talaga ng fanpage. (BTW, i-like nyo naman ditey) Sinulyapan ko lang yung list. Hmpf, wala pa palang one millions hihihi. Me napansin akong gwapo, pagsulyap ko sa profile naloka ko!

Ang lolo mo, nanggaling pa sa ibang planeta! Marunong bang mag-tagalog to?! Mega message ang bakla. "Hi thanks for liking. Do you read my blogs? Can you understand them?" Chararat! Napa-english si BM ng wala sa oras. Pinakatitigan ko ang piksyur nya. Kilig na kilig na ko sa kagwapuhan ng lolo mo. Tapos bigla akong naboldyak ng pinsan kong adiktus pekinensis sa KPop.

Pak!

"Shunga! Kilig na kilig ka sa gwapong yan eh jortista yan! Si kemberlu mae galore yan ng Super Junior!"

"Gaga! Kala ko ba Shuper Junior? Bat 21 yung sinasayaw mo?!"

"Eh catchy yung song ng 21 hihihi."

"Sabagay!"

Sabay kaming nag-production number ng eh-eh-eh-eh-eh-eh.... 21!

Eh di naglaho na ng slight yung kilig ng kipay ko. Click, kuda, pindot, kuda, browse, kuda, sing-along, kuda uli. Pati yung mga videoke versions sa youtubebang wit namin pinalagpas. Me video pa kamo yung barkada ko ng hayskul na mega emote sa kali-lipsing si baklita at mega voice-over naman akeiwa. Ipo-post ko nga yun bukas hihihi...

Me duwa lang shang piktyuraka sa FB. The rest eh si Crisostomo Ronaldo Valdez ba yun? Yung soccer player ng Tijuana? Ahahaha! Basta kilala ko fez nya, di ko knows namesung nya. Anyhoo, yun nga sabi ni cuzin bear, wit daw sha yun kasi Shuper Junior yung guy. Pero yung isa pa di naman mukhang KPop. Pero malay ko rin ba if sha yun, hahaha!

Apter a pyu deyz, mega reply na ang lolo mo. Nag-reply din ako. Nag-reply din sha uli. Nag-reply na naman ako. At sha din. At sumagot ako ule. At nag-react sha sa sinabi ko. At rumeak na rin ako ule. Hanggang sa yung mga replayan namin, mula sa paisa-isang sentences, naging pahaba na ng pahaba, hanggang sa inaabangan ko na talaga sha araw-araw sa FB.

Isa pala shang Cebuano na nag-migrate sa ibang country. Impernes double course sha ngayun. As usual estudyante na naman ang kinahumalingan ko... Di na naka-move on sa mga menor de edad si bakla hahaha! Ayun, nagpalitan na kami ng nagpalitan ng sangkatutak na messages.

Ask sha about Prince Caspian. Anu daw nangyari sa min, nagkita ba kami, kineri ba ni PC ang ganda ko (dagdag-bawas na bakla) at kung nagkakausap pa ba kami ngayonchi. Ang sagot ko ay tumataginting na WALEY! Waley na si Prince Caspian, namaluktot na sa Narnia. Pero I understand. He is a friend at kahit di nya ko naipaglaban sa mundo (naks!) eh natuwa na rin ako na naging correspondent ko sha.

Ang sweet-sweet ng lolo mo! Di ko kamo mai-describe yung ka-sweetan nya. Isa shang buhay na panutsa! Isa shang naglalakad na cavity! Pinaglihi ata sa maskuvado ang lolo mo. Panira ng diet sa katamisan. Napansin ko na lang parang di na kumpleto ang araw ko pag wala shang message.

Nabanggit ko sa kanya yung sabi ni Sisteret kong si Phoebe tungkol sa fifteen chances kemerlou.

"Fifteen lang ang chances na makakahanap ka ng mamahalin at magmamahal sayo. Pag naka-fifteen ka na at wit pa nagtagal, waley ka na bakla. Sa bakla lang applicable yan. Pwede kang magmahal ng paulit-ulit pero max mo na yung 15. Hanggang dun lang ang credit limit, made-decline ka na pag nag-swipe ka pa ulit ng lalaki."

"Ganung level?! Counted ba yung mga landi lang at mga kupa lang?"

"Basta binilang mong true love, pasok na yun sa banga!" Sabay halakhak na parang wala ng hanggan.

Natawa rin ako. Sa dinami-dami ng sinabihan kong "This is it! Mahal ko na sha!" waley na talaga ito. Eh kahit nga si Shane West sa A Walk to Rememberlaloo, minahal ko na ata. Ambilis pa naman labasan, este ma-fall ni BM. As in, konting chararat-bumba lang ng lulurki, nalulurki na rin akeiwa. Konting himas, himod at halinghing lang ng hombre, heads over heels na rin ako. Gudlak talaga. Laglag na ko sa mga candidates.

Sineryoso ko yun. As in. Pag nagkikita kami ni Phoebe, aka Sailor Pluto nababanggit pa rin nya yan, sa tono ni Maja Salvador sa Sukob at ni Empress Shuck-chak-tienes sa Dalaw. "Fifteen lang... Fifteen..." Nanginginig-nginig pa yung boses nya.

Tumimo talaga yun sa isip ng BM. Kaya pag nagme-message kami sa isa't isa ni friend, umaalingawngaw pa rin sa utak ko yung panakot ni bakla. Napabilang tuloy ako kung ilan na ba yung mga serious kembots. Si kemerot, si char! Lie davao, si chariz-bumba, si kemberlain, si kemberlamengo, si kuda, si chararat, etsetera...etsetera... Pak, fourteen na! Kaloka! Jisa na lang!

Mega react naman ang lolo mo. Dapat daw di ako maniwala dun, kasi me iba-ibang kapalaran ang bawat bakla. Panonga naman kung pang-16 o pang-17 na si friend? Eh di Luzviminda Balibalita na sha?! Ayaw talaga pumayag ng lolo mo na 15 lang, baka malaglag daw sha sa quota ko.

Plano naming magkita, either pupunta ako sa bansa nila para maghanap ng work, or pupunta sha dito para... ewan! Basta sabi nya pupunta sha dito. Kung dahil sa kin, ay ang haba ng braided hair ko! Kung isa ako sa dahilan, aba ganda points pa rin yun di ba?! Basta soon, magkikita kami nyan. Pwedeng magkasalubong na kami di pa namin alam na yun na pala ang isa't isa. Pero sabi ko nga sa kanya, kung makakasalubong ko sha, malamang eh lumingon ako pabalik, hoping na lumingon din sha sa akin.

Aaminin ko, kilig na kilig ako kahit ni hindi ko pa alam ang hitsura nya. Pwede pala talaga yun? Yung cyber thingy na pwede kayong maging close, magkilanlan kahit mga wire lang ang nagko-connect sa mga mundo nyo. Pwede palang makaramdam ka ng kuribdib sa rib cage kahit makita mo lang na nakailaw yung envelope sa FB account mo, indicating na me new message ka. Eh yung account ko pa naman, sha lang -- as in sha lang -- ang nagme-message.

One of his messages went like this: We could possibly meet up in the future and be together forever or even if not forever, we could at least be good friends. Or, we might never meet but become the best online buds or better yet, never meet up but still learn that hey, "I have somebody out there who completes me. We might not have seen each other but damn, I so love him man!"

Sabi ko naman, when someone leaves, it is because someone is about to arrive. A lot have arrived, but none of them stayed. Will you? That's the tricky part. Oh diba umi-english rin ako!

Tumambling ako,m kasi kuda nya: If i will, will you let me? At pakinggan ko daw yung Marry Your Daughter dahil someday eh kakantahin nya yun sa ama ko. Me date sa dalampasigan, me music session sa tuktok ng building. Hay! Di na to kilig neng! Naliligawan na ko! Syeeeet! Katakot maging masaya, baka sobrang lungkot ng kapalit.

I am happy. Sobra. But I'm also afraid. Fourteen chances have passed. This is my last chance. Friend, you are my last chance to happiness. Kalokohan mang maniwala sa "Fifteen Chances Theory" ni Sailor Pluto, what if she's right? Or what if I just take the plunge... I bet it's greater than we could ever imagine. Tataya ka ba sa baraha ko?

One day, I will give YOU my heart. You'll have it when we're both ready. ♥ Sumpa ng cub scout!

1.17.2011

BM Along the Riles



Ilang araw na kong depressed. Umaga na natutulog, hapon na gumigising, absent lagi sa school, walang work since November, walang pera, binenta ang fonelilet, me topak ang laptop, hindi makalipat sa bahay na may bath tub, at naghihintay sa message ng isang sweet na nilalang na nawala ng parang bula. Kailangan ko ng konting sigla. Kailangan ko ng konting taktak ng ajinomoto. Kailangan kong magbudbod ng magic sarap.

Buti na lang fiesta ng Sto. Niño sa Pandacan. Dahil true-blue Pandakeño ako, dumalaw ako kila Tita Valentina para mamiyesta. Hmmm, tsaka para na rin makainuman si Papa El ahihihi... Itatanggi ko ba na yun talaga ang dahilan bakit ako bumalik ng Beata? Witchiririt ng Maya! Di ko rin kasi sure anu ba talaga yung pinakamatimbang na reason: si Sto Niño, si Tita Valentina at si Butsh ("s" talaga, ayaw nya ng "c"), o si Papa El. All of the above na nga lang!

Bet ko din pala kaya ako sumugod ng walang pasalubong eh para makapanood ng atiatihan. Pinagbabalakan ko ngang magkunwari diba para mapahiran ko ng uling si Papa El. Eh tinanghali ng gising ang bakla kaya waley na ang mga ati-atihan lasing na lahat. Kaya nagkudaan na lang kaming mag-tiya hanggang alas-cinco.

Binuksan ko yung isang portion ng tindahan para makita ko yung mga dumadaan. Shempre nagpapapansin na rin ako ke Papa El para yayain nya kong makipag-nomoan. Ampotah 5 hours na kaming nagdadakdakan ni Tyang, witchikels pa rin ako napapansin ng gwapo.

Kundi ba naman ungas, pag dumadaan eh naka-sideview si gago, palayo sa min! Di man lang sumusulyap sa gawi ko. Di ko naman sha ma-text kasi... mahina ako! Di ko mahingi ung number nya. Ayaw ibigay waaaahhh...

Nung mejo alas-sais na, di ko na kineri maghintay. Kailangan nang gumawa ng paraan. Kailangan ng magpapansin! Hihihi... Sa tulong ng aking magic kamison at pokpok shorts, gora na ako sa labasan at kunwari eh magtitingin ng mga eksena at kaganapan. Itinaon ko na lumabas si Papa El papunta ng inuman sa kanto para naman sulit ang pagpapapansin if ever.

Sakto! Andun nga sila sa labasan, sa dating pwesto ng burger machine franchise na waley na ngayun. Me parang bakod yun na harang. Dun nakasandal sa bakod si Papa El at nakatanghod sa mga nag-iinuman. Nakangiti agad ako habang papalapit. Ganung katindi ang pagka-crush ko sa hinayupak na toh, mas matindi pa sa kilig na dulot ng ihi ang feeling ko nung papalapit pa lang ako sa kanya.

Sakto ulit! Lumingon ang gwapo. Nakangisi na ko nung lumingon sha sa direksyon ko. Wagi! Nagbunga ang runway walk ko! Di ko pa hinahagis ang laylayan ng gown ko, pasok na ko agad sa semi-finals! Bigla rin shang ngumisi na parang nakakita ng naglalakad na wonder of the world. Ahem!

"Ay mga tol, eto totoong gelpren ko." Sabi ng gwapo nung makalapit na ko. "Eto na pare, kanina ko pa to hinihintay eh." Char! Char-lie Davao! Pak! Pasok na ko sa Top Five!

"Hello Papa El..." parang ngumungiyaw na kuting yung boses ko... Si BM nagiging pa-tweetums. Linsyak na ala-ala ng boxers yan! Pero sa sobrang galak ng nerbyosa kong puso, na-major major blackout na ko.

"Hello Mama Jay. Kanina ka pa?" chikadora rin pala sa personal ang lolo mo. Konting chararat lang ang namagitan sa min kasi di naman talaga kami nagkakausap dati. Isang shot lang ako habang nakatanghod din sa bakod katabi nya, at di kami umupo. In short, di nila ko ininvite na makiumpok sa inuman. Tagay para sa mga napadaan lang yung level ko. Kaya nag-excuse muna ako na lalandi sa gilid ng riles. Pang fourth runner up lang si bakla, I lost the crown.

Kahit kilala ko na sha since ipanganak pa lang sha, di talaga kami close. First year high school na ko nakahubo pa yun maligo sa ulan. College na ko elementary pa lang sha sa Zamora. Nung maka-graduate ako sa PNU, 2nd year high school pa lang sha. Basta ang naaalala ko nga, kanasa-nasa na sha nung nagsisimula na ko mag-work. Yun pala 4th year pa lang sha nun. Ngayon naman eh legal na legal na shang sex object hehehe.

Pero yun nga, wala kaming conversation nyan ever. Sa FB lang. Kaya mejo naiilang din siguro kami na magchikahan nung nasa bakod, kasi wala kaming mapagku-kwentuhan. Wala kaming common friend, wala kaming alam sa buhay ng isa't isa. Di ko lang talaga matiis na hindi sha landiin. Isa shang kaakit-akit na apoy at isa akong gamu-gamong malandi na walang kakayahang tumanggi.

So gora ako palayo. Kunwari eh me dinalaw na kemerot sa kabilang kanto. Me dinaanan na kembular sa kabilang street. Me binisitang chariz pengpengco sa kabilang barangay. Tapos eh bumalik ako sa balur ni Tita Valentina. Nagpapansin ulit nabigo. Wala kasi sha dun sa umpukan ehehehe. Pagbalik ko ng isa pa ulit, andun na sha at nagngitian na naman kami. Nagtanguan. Na-imagine ko yung hintuturo nya na tinatawag ako habang humuhuni sha ng "Ohh... lumapit ka! Kung gusto mo akong halikan, di kita sasawayin! Alam na alam mo namang ito'y gusto ko rin..."

Salamat na lang talaga at Pinoy tayo. May ugali tayong magyaya ng kung sinu-sino sa mga handaan, kainan at inuman. At yun ang umiral kay Papa El. Niyaya nya kong makiumpok sa kanila. Victoria! Winner! Sa wakas nakaramdam din ang mokong. Sa kabisera sha, sa mahabang bangko ako sa gitna ng dalawang barkada nya. Keri na yun pasok na sa banga yung pwesto ko. Kahit mag-global warming pa at umapaw ng tubig estero walang makakatibag sa kin sa kinauupuan ko.

Inuman, kantahan, tawanan, kulitan. Kakatuwang kainuman si Papa El kasi magaling sha mag-asikaso. Kakilala ko naman lahat ng mga tagaroon, mostly eh mga uhugin pa nung matuto akong lumandi. Pero ngayun lahat sila eh mga binata na. Di ko type lahat, si Papa El lang talaga ang biniyayaan ng karakas na pangharabas. Pwedeng pwede nyang kumpetensyahin yung mga "patok" na jeepney na byaheng antipolo.

Sabi nga ni Rose Tan, di nya kailangan ng killer smile. Sha mismo "killer" na. Pero kahit nakakahiya ang tyanenat ko sa ka-machohan ng lolo mo, keber na sa age at weight differences. Kung gusto kong mag-burn ng calories, susunugin ko na lang yung kapitbahay kong mataba.

Habang nag-iinuman, feel na feel ko yung mga soundtrip nila. I felt really proud sa generation na kinalakhan ko. Lahat ng kanta na nasa playlist nila, nauso nung uso pa ko. Sumikat yung mga kanta nung interesado pa ko sa mga sumisikat na kanta. Kaya naman kering-keri kong makisabay sa yugyugan at rock-rockan ng mga bagets kahit ako lang ang may tyan-da romero dun sa grupo.


Parokya, Francis M., Eheads, Rivermaya, Bamboo, Siakol. Basta lahat ng music nila naka-relate ako. "Panahon ko to!" tiririt ng ibong marikit. Naki-jam talaga ako ng bonggacious sa mga batang riles dati na mga binata na ngayun. At siguro nasa himaymay na ng DNA ng mga beki ang pagiging benggadera sa mga inuman. Never ever ako nakaramdam ng inip at boredom.

Isang factor din yung lagi akong kinukumusta ni Papa El kahit katabi ko lang naman sha. Tinatagayan ako, hinahanapan ako ng yelo, share pa daw kami sa baso, binibigyan ako ng chaser, hinainan din ako ng pulutan. In fairview, wala namang malisya. Sa kaso nya ine-estima lang nya ako. Sa kaso ko, may malisya man alam kong wala ring patutunguhan. Kaya na-enjoy ko yung moment na kasama sha.

Enjoy kasi talaga kainuman ang mga otoko no. Sa tuwing maharot yung kanta, gumigiling ang lolo mo. Eh dahil ako lang ang beki sa umpukan, pag sumasayaw si Papa El eh ako ang pinapahawak sa dibdib. Syet! Nakakauhaw! Nakakatagay na lang ako ng wala sa ikot. Kasi ba naman, gumiling ba naman sa harap ko! Eh ang mga katulad nya ang dahilan kung bakit naimbento ang perdible! Para pang-sagip sa mga lumuwag na garter at nalaglag na panty!

"Alak pa! Taena alak pa! Nauuhaw ako! Nauuhaw ako! Pengeng tagay! Eto na pulutan! Gumigiling giling pa! Painumin nyo ko! Empi pa! Empi! Empi!" Deliryo talaga ning. Kung pwedeng laklakin ko yung isang bote ng emperador light. Uhaw na uhaw lang ang baklang kamelyo!

Habang nag-iinuman eh may rigodon din ng upuan. Nalipat-lipat ako ng pwesto hanggang sa makatabi ko na sha sa wakas. Bungguang siko na to, deym! Siko pa lang yun neng, para na kong kinukuryente ni Mang Pepeng. Pano pa pag yung hito na nya ang ini-eskabeche ko?! Eh di baka lalo na kong nagmukhang zombie na tinamaan ng freeze watermelon!

Papa El rescued me from the pit of depression. I was on the brink of losing myself. Muntik na kong mahulog sa tuktok ng building, wala naman palang sasalo sa kin sa ibaba. Pero dahil sa inuman namin nina Papa El, naalala ko kung gano ba kasarap mabuhay, lalo na pag may katabi kang buhay na lechon de leche. Di na kailangan ng Mang Tomas! Ngiti pa lang sarsa na!

Dito sa Iskwater, me naglalako ng ulo ng sugpo sa umaga. As in ulo lang walang katawan, ginawa na raw shrimp tempura. Bibilhin yun ng pinsan ko at gagawing sinigang. Pak! Ulam na! Murayray lang yun, masarap pa. Sabi nya kanina sa ep-vi, hipon sha. Tapon ulo, kain katawan. Ay Papa El, kung hipon ka, I'm sure hito ang nasa loob ng pants mo.


"Alam mo Papa El, five years ago, na-imagine ko na toh." kuda ko sa gwapo.

"Oh ito? Naisip mo na? Five years ago yan ha!" magaling talaga sumakay si gago.

"Uu. Five years ago, alam ko na. Balang araw mag-iinuman tayo dito sa kanto."

"Naka-boxers ako non, nung na-imagine mo to." indulge pa nya sa kalandian ko.

"Oo naman, naka-boxers ka nun. Habang pinipilit kong silipin ang loob ng boxer shorts mo, nasabi ko na sa sarili ko to."

"At nagkatotoo naman ano?"

"Higit pa sa inaasahan ko. Kaya mamaya iba-blog na kita agad. Para magkaroon ka na ng fanbase dun. Talunin mo yung ex ko hihihi..."

Natapos ang inuman ng di ko namamalayan. Tumakas kasi ako na iihi at di na ko bumalik. At kahit nakita ko sha uli sa labas ng bahay namin, at nanumbat sha na di na ko bumalik, keri lang. Tapos na rin naman ang inuman. Nakuha ko na rin ang number nya. Kaso binenta ko na fone ko nyahaha... Me picture na rin kami together at ang pangit ko kaya di ko ipo-post dito. Most especially, natupad ang hiniling ko five years ago. Kuntento na ko ron. Lumugar ka BM... Umarte ng naaayon sa ganda.

Basta ngayon, me bago kong theme song... home along the riles is the best!

1.14.2011

Si Papa EL



Akalain mo yun, nakinig ako kay Papa Jack na nakikipagdakdakan sa mga babaeng nagpapakain ng eskabeche at nagpapa-push ng kanilang buttons. Kaloka!

Kasi naman nasa baba ako kanina, nagpapaluto ng hem en egglaloo sa pamangkin ko. Biglang nakiupo sa loft ng tindahan (loft talaga?!) si Iluminada at si Delia at nagkwentuhan ng kanilang mga sexcapades with their respective husbands. Naloka ako! Ispluk pa ni Iluminada na natalo nung nakaraang eleksyon, 15 years na daw shang diet sa kembang. Nawala na daw ang libog nya.

"Ay ako dahil sa mga naririnig ko nawala na rin ang libog sa buhay ko. Makapagmadre na nga!" Kuda ko sabay walk out habang humahalakhak ala-Princes Punzalan dun sa eksenang pinapasabog nya ang bus na sinasakyan ni Via.

Nag-interchararat-net na lang akeiwa at kumuda ng kumuda sa ep-vi. Nahanap ko yung isang crush ko na taga-Pandacan. Si Papa El. High school ako eh bata pa lang yun. Nung college ako eh mejo bata pa yun. Pero nung graduate na ko, naloka ko! The baby is now a daddy! Pwede nang pagnasaan! Payatot pa sha nun, kyut kyutan pa lang. Pero laging nakaboxers, at laging nakabukaka ahahaha! Kaya instant crush ang hombre.

Nagulat ako sa mga pics nya sa ep-vi. Ang wafu na ng lolo mo! Ang laki ng... mga braso! Ang haba ng... mga legs! Ang taba ng... utak! Ahahaha! (Na-imagine mo ba habang sinusulat ko toh?! Ay mare, iba iniisip ng utak ko! Ahahaha! Ang laki! Ang haba! Ang taba!) Heto na si Papa El ngayon.


Napakanta na lang ako ng... "Kinalikot sinundot ang kanyang eng-eng! Tene-neng-teng!" Para kamong kinakalikot at sinusundot ang mga menudensya ko pag nakikita ko pictures ng lolo mo. Impernes para lang akong uhaw na matrona sa pagba-browse sa mga latest ng pics ng otoko. Ning yung bib ko basang-basa kamo sa dami ng laway na tumulo sa kin nyahahahaha!

Pag ka-chat ko si Papa El, gusto ko na talagang mag-member sa Bukas Boxers Gang.

"Bukas boxers Gang?" tanong ng lalaking pinaglihi sa "oompf feeling" na kagalak-galak at kasiya-siya.

"Uu, bubuksan ko boxers mo habang natutulog ka." sagot ng baklang pinaglihi naman talaga sa higad na pokpokita.

"Nyahahahaha! Di ako natutulog eh." Hmpf marunong sumagot! Ayaw pahuli ng buhay! Ang dulas!

Pag online si Papa El, icha-chat ko agad yan. Nilalandi ko lagi, ayaw naman magpalandi. Madalas ako nauuna, pero nung minsan sha nauna mag-chat, nag-umapaw na naman ang kilig sa lahat ng butas ng katawan ko. Parang utot yang kilig eh, kahit anong ipit mo sa upuan, tutunog at tutunog yan, kundi man umamoy ng bonggang bongga. At nung tinanong ko kung bakit sha ang nauna, kasi daw malapit ako sa puso nya. Hmpf! Maniwala!

O divine diva?! Lumevel up na kami... Mama Jay na ang showag sa kin ng gwapo. Hay! Papa El... Isa na namang taong punong-puno ng sex appeal. Fiesta pa naman sa Pandacan sa Linggo, di ko alam kung dahil ba sa kumag na to kaya maraming ati-atihan na bakla sa riles. One thing is for sure, kung si Papa El ang sasayaw ng nakabahag ala ati-atihan, kahit ipahid nya pa sa kin lahat ng uling nya, keri lang.

Oi di ko natikman yan ha. Di sha part ng mga conquest ko. He's an inspiration pag mashado nang maraming daot at buraot sa mundo. Silang dalawa ni friend, they serve as my kilig cupboard. Tipong pag nade-drain na ang utak ng bakla, go na sa profile page ni Papa El at titigan ang naglalakihan nyang maskels. Basahin ang mga status message nyang kahit alam kong hindi para sa kin eh napapangiti na rin ako at napapakanta.

Sabi nga nya nung isang araw, para shang Rivermaya. Ay ako rin Papa El, parang Rivermaya. Kasi, hinahanap-hanap kita. =p

1.13.2011

Tween Romance



Di ko natupad ang ultimate dream ko. I went to Siam last week. Di ko na-meet sa personal si Mario Maurer. *singhot sabay ngawa*



Pinagkukuhaan ko ng pics ang lahat ng nakakasalubong kong epek ang fez. Stolen ung iba, ung iba napapansin ako kaya napapangiti. Me eksena pa na concert sa Siam Paragon, umakyat ako sa stage at nagpapiktyur-piktyur ke cutie emcee kahit sinabihan nya kong baliwag. Keri lang mashowag na baliwag bulacan. Lagi naman akong tinatawag na baliw eh, kadalasan ng mga panget kong frienship. At least ngayun nashowag man akong baliw, bet naman yung tumawag, as in effect ang kagwapuhan at blondie blondie galore pa. Not bad!


Pero dahil frustrated akeiwa na makita si Super Mario ko, pagdating na pagdating sa hauslaloo eh watch ako agad ng Love of Siam sa yutubebang (pronounced as yu-tyu-be-bang). Ni-reminisce ko din ang lingunan moment nina Tong at Mew. Actually, a friend reminded me of that particular scene (kilig!) Saka ko na ikukwento si 'friend' pag di na ko selfish hihihi...


Kandatuwad ako sa harap ng pc at kandataktak sa laptop kemerot at baka lumabas kamo sa monitor ko si Super Mario. Eh wit talaga sha nag-special appearance kaya give up na ko. Nagbasa-basa na lang ako ng mga chararat about him. Napag-alaman ko sa intergalactic chuva net na nagka-scandal ala Hayden pala ang lolo mo habang nagkekembangan sila ng haliparot na si Gudgib.


At ang walangyang Gudgib ba naman eh nagtaksil sa gwapong gwapong thai heartthrob ng buhay ko. Na-julie-yap-daza ng mga paparazzi ang hitad na nakikipag-kembangan din sa ibang lulurki. Ay kaloka! Di na nakuntento ampotah! Nakiluha na lang ako kay Mario.


Kakakalikot ko sa mga website eh me nakita akong new movie ng gwapo. 'Crazy Little Thing Called Love'. At sa sobrang kasabikan ko sa lolo mo eh pinatos ko na kahit babae ang ka-loveteam nya. Mario-Pchy pa rin ako pero go na sa kwento nila.


Worth it naman pala ang movie kembular nina Nam at Shone. Teenage love na kilig kilig at katuwa naman ang CLTCL (Crazy Little Thing Called Love) o First Love. Pwamis ang kyut kyut nung babaylan na beda. Kasi 1st year pa lang crush na ni Nam si Shone at umabot ng 4th year eh crush pa rin ng lola mo ang gwapo.


From ugly duckling eh naging beautiful swan talaga si baklita. Mukha kamo talaga shang babaita -- babaing ita. Kasi naman exag to the maximum level naman ang muk-ap ng ineng na ito. Ang itim ng balat ahaha! Pero bet ko yung friendship nilang apat. Kasi parang sila yung mga losers sa iskulilet nila kaya api-apihan sila sa mga "magaganda". Pero later on gumanda si Nam, ewan anung nangyari dun sa tatlo nyang chuwariwap duckling pa rin ahihihi...



Mula sa pagiging wallflower, naging popular ang ineng. Tapos dumating ung bespren ni Shone na gwapings din naman, at nagkagusto ng bonggang bongga ke Nam. Selos ang gwapo. Kilig moments nila yung nasa stage play si Nam bilang Snow White (na negra hihihi!) at nagalburuto ang tyanenant ng jonget nyang ka-partner kaya pinag-proxy si Shone bilang Prince Charming.


Yung binigyan sha ni Shone ng mangga after nya i-rescue yung pusa sa puno. Yung mga muntik na nyang makembot ng ilang beses si Gwapo, pero biglang madidisyama kasi maraming epal na feelingera. Yung binigyan nya ng chocolate si Shone tapos natunaw na pala sa init kaya tumagas na yung laman. Tsaka yung butones na may bahid ng dugo na napulot nya after makipag-away ni Shone sa gym. Moments na kilig-bata ang hatid sa eskabeche ko!


Bet na bet ko yung friendship nilang apat. Parang kami ng mga beki friends ko. Suportahan, asaran, pagandahan, away-away, wrestling, kuda-kuda galore, divas together, charmed ones forever. Silang apat touching yung friendship. Lalo na nung nagtampo si taba ke Nam, tapos kinanta nila yung peborit theme song nila habang umiiyak -- kaso nakaka-distact yung song kasi parang pang labandera ahahaha!



She loved him for four years. That's like a century in beki time. Di ba, ang haba! Tapos nung finally eh keri na ni babaylan na magtapat, sugod mga kapatid uli ang apat. Sa kanila eh bigayan ng mga flowers at pirmahan ng uniform pag Valentimes Dey. Habang naglalakad si Nam papalapit kay Shone sa may swimming pool, tinatago-tago pa nya yung white rose sa likod nya, maluha-luha pa shang nagtapat kung gano nya kininkim yung pagsintang pururot nya ng apat na taon. Only to find out na nagka-bowa na pala si Shone ng iba.


Cry-cry talaga ako with Nam. She changed herself for him, kaloka! Naging maputi sha, binonggal nya ang salamin at braces nya, naging number 1 sha sa klase. Ganung level ng devotion at pagmamahal. Pero waley talaga eh. Nalaglag pa sha sa pool sa pagkatulala kasi ba naman ikaw na ang magtapat ng kinikimkim mong feelings ng ganun kahaba, tapos mabibigo ka rin pala.


Shempre me twist. Love din sha ni Tong, kaso di sha malapitan. Lagi shang nauunahan, torpe sha, o di lang talaga sha pinalapit, kasi kung naging sila agad wala ng movie davah?! Ay mali, si Shone pala, indi na sha si Tong. Yung chocolate na binigay ni Nam, itinago pala ng gwapo. Kinilig-kilig pa ko dun sa apple na kinagatan ni Shone at iniwan nya for Nam with a note saying "I took a bite, it's not poisoned." Me scrapbook sha na puno ng stolen pictures ni Nam mula 1st year to 4th year, either mahal talaga nya si Nam, o isa shang stalker na pagkagwapo-gwapo.


Nine years later, successful fashion designer na si Nam. Interview sa isang talk show ang eksena. Katawa lang kasi sila pa rin yung mga gumanap, yung apat na friendships, mukhang mga cast ng going bulilit na pinagsuot ng damit na pangmatanda ahahaha! Biglang nilabas ng host yung scrapbook na di ko ma-gets san nya nakuha. Surprise guest nya si Shone at professional photographer na ang lolo mo. Simpleng kilig na lang to wrap up the "happy ending" na gusto ng mga nanonood.


Natawa lang ako kasi nung tinanong si Shone kung me gusto shang sabihin ke Nam, bigla nyang nilabas yung butones na pinaka-ingat-ingatan ng lola mo sabay sabing "Nam, hindi akin to. Baka dun sa nakaaway ko." ahahaha! Naloka si ate kasi hinahalik-halikan pa nya yung butones na may dugo-dugo pa. And of course, they lived happily ever after.


Naging movie review na tong post ko. Andami kong kuda! Kung gusto nyong panoorin ang movie, itey na, click here.


Naalala ko rin kasi yung eksena ko nung grade 5 sa Zambales. Nagbakasyon kami dun nina Mudra at may nakilala akong cute na nilalang -- si Cedrick. Sha ang kasa-kasama ko sa paglilibot sa probinsya.


Naka-bike kami lagi, angkasan habang nagbabaybay kami sa hiway. Mangga, bike, perya, beto beto, color game, luksong tinik, piko na ibat iba ang shape, swimming sa lawa. Tabi kami lagi sa papag pag gabi. Bonding talaga kami ng lolo mo araw-araw. Nung minsan sa hi-way, muntik pa kaming masagasaan, distracted kasi nakadikit yung kembang nya sa likod ko. Buwis buhay di ba?!


Dat time di pa ko sirena... I mean di pa ko marunong lumangoy. Kaya pag nasa lawa kami, nakakapit lang ako lagi dun sa kahoy. Parang pier kasi yung pinagliliguan namin, me kahoy na lalakaran tapos pagtalon mo sa tubig malalim na agad. Si Cedrick magaling lumangoy impernes. Merman na merman ang dating. Ako eh langoy-aso lang ang kaya, mabilisan lang din yun. Limang kampay lang tapos kapit na uli hehehe.


Nung naglakas-loob ang bakla na tumalon sa lawa, napalayo ang bwelo ko. Nakarating ako sa mas malayong part, di na ko makalangoy pabalik sa hawakan. Nagkakawag na ko pero di ako makalapit. Nakailang litro rin ata ako ng tubig na na-nomo. At shempre ang aking knight in shining nylon cycling shorts, si Cedrick. Kaso naman hindi heroic ang style ng lolo mo. Hinila ko sa buhok, kaloka! Ansakit ha! Tapos nung ume-emote ako na walang malay para mahalikan naman ako, hindi nila ko maiakyat dun sa kahoy kaya gumising na lang ako sabay yakap ng mahigpit sa aking savior. Dahil dun tinuruan na nya akong lumangoy.


Nung gabing sinagip nya ko, yun na ata ang pinakamahigpit na yakap na ginawa ko sa buong buhay-bata ko. Yung pinakamahigpit na kinaya ng mga bisig ko. Nagbubulungan pa kami matulog na hindi kakalimutan ang isa't isa. Di kami nagpalitan ng address o telephone number. Basta ang usapan namin, pag nasa tubig kami at lumalangoy, maaalala namin ang isa't isa. Langoy-aso man o langoy-bakla.


Isang linggo lang kami dun. Isang linggo ng puppy love. Isang linggo ng tween romance. Isang linggo ng musmos at dalisay na pagsintang pururot. Isang linggong pag-ibig, chararat!


Di ko na ulit nakita si Cedrick. Nung umuwi kami sa Manila, idinaan namin sha sa Dinalupihan, Bataan. After that, di na ko bumalik ng Zambales. Di ko na rin nalaman kung ano ng ngyari sa aking Puppy Love. Kahit di na kami nagkita I'm sure paminsan-minsan naaalala pa rin nya ako. Hanggang may tubig sa mundo.


To quote a friend, "I have somebody out there who completes me. We might not have seen each other but damn, I so love him, man!" Somebody who completes me, and loves me completely.

1.12.2011

The Fairest of Them All


Sulit.com.ph and Trajet Tours and Travel promote tourism in the Philippines and abroad. Find great travel deals at Sulit.com.ph, the leading online classified ads website in the Philippines.

Who says fairy tales are only for damsels in distress? Pwede rin sa mga Baklang Maton yan! Kinunan iteywa nung nasa Disneyland sa Hong Kong si BM. July 27, 2010. Nakipila at naki-pose kasama ang mga prinsesa. Mga buhay na manikin, nakakaloka!

Tinanong ko yung katabing mirror kung sino ang fairest of them all. Sabi ng mirror: "The lady in the red stilletos is the fairest of them all!" Ay mirror waley naman si Victoria Valera sa picturraka! Pumili ka ng iba!

"Fine! Yung naka glass slippers na lang." Naiwan yung isa, disqualified na si Cinderella.

"Eh di yung maputi na lang. Yung mahilig sa mansanas!" Wititit! Sleeping pa si Snow White, nalason nga davah?!

"OH IKAW NA! Ikaw na pinakamaganda! You and your pink stilettos, I mean boots, err... You and your Marikina shoes!" At ako nga ang nagwagi sa aming "Princess Pose"!


*sensya na malabo, VGA camera lang kasi un gamit ko hihihi.