Eto ang baklang maton... not so bakla, and not so maton anymore...
Parang ang description sa buong pagkatao ko ngayon eh NGARAG na lang talaga.
Alas syete pa lang, gising na ang badesa para mag-prepare sa pagpasok. Alas otso eh nasa iskulilet na si atashi, magpapaka-yaya sa mga batang mahilig mangapa... ng braille.
Inaabot aketch ng halos ten hours sa iskul. Alas singko or alas-seis eh pede na ketch jumuwetiks kung keri bambam na ang mga aktibidades para bukas.
Pag-juwi ko eh thesis naman aatupagin ni bakla. Nung isang linggo sus mio tumambling kaming lahat kasi isang linggo lang ang palugit sa pinapapasa ng prof na chapter 1. Eh individual ito, so c bakla, ngarag na naman nagmamadali gumawa ng kalokohan at imbento na research para me maipasa.
Sige, duguin ka sana kakaintindi sa gawa ko leche ka!
Tapos me planning pa ang beki nung isang weekend sa Land of Hotsprings na Pansol, Laguna san pa vah! Potah naadik kami kakagawa ng plano para sa activities for next year. Dugo na naman kipay ko my gash...
At kahapon naman eh 10th year anniv namin sa batch. Unwind time naman sa wakas... Bukas, Monday, balik na naman ako sa isang nakakapagod na mundo. At wag ka, sa September eh balik work na ko, meaning 9pm-6am eh kolboy si bakla, tapos 8am-12noon sa iskul, at thesis pag weekend...
Tingin nyo aabot pa ko ng Pasko? Sana naman... Hay....
If all else fails... turn to God...
hard working ah.. hehe
ReplyDeletehahaha goodluck... (kahit di ko naintindihan yung ibang words)
ReplyDelete