6.30.2010

You had me at "Ineng"

Sa Bukid Walang Papel Uy!

Habang pabalik ako ng Maynila eh di mawala-wala ang ngiting may landi sa mga mata ko. Pano ba naman, galing ako sa pistahan sa bukid. Technically eh di naman sha talaga bukirin, with matching pilapil and palay and kiskisan... Kiskisan lang ata ang meron dun jejeje... Hmmm, tsaka pala mga indianan... Maraming-marami at memorable na bonggang bonggang indianan. Hay, Sirang Lupa. Kahit gano ka pa kalayo, ang sarap mo talagang balikan.

Kadalasan sa amin sa bukid, pag fiesta eh sinasabay na ang binyag sa mga newborn babies. Shempre andun sa mga binyagan na yun ang fantabulous na handaan at inuman. At shempre pa, mga kalalakihan. Punta naman ang bakla para libre lamon at libre redhorse. Wala kasing handa sa mismong ancestral house (layman's term: lumang bahay) namin, kaya kelangan ko pang dumayo.

Pumunta ko dun sa binyag ng isa kong pinsan na mejo peborit ko. Marami kasi kong natutunan sa kanya jejeje. Para maka-mingle na rin sa mga talubata na magbubukid. Talubata -- twinks. *kindat* My market. Bwahahahaha!

Ayun, inum-inom kasama ang mga pinsan at mga, well, pinsan. Kainis lahat ata ditey sa bukid eh kamag-anak ko. Mejo enjoy naman sa reminisce at updates ng buhay buhay. Pero shempre gusto kong mangarir. Di pa natutupad ang pangarap kong ma-rape sa kabukiran.

And then, he came. Sa gitna ng kahulan ng aso at kantyawan ng mga pinsan ko... dumating si Utoy.

A year ago nung nakilala ko si Utoy.

"Pinsan, si Raymart." pakilala ng pinsan ko.

In-extend ko ang kamay ko at pa-demure na nagpakilala. "Hi Raymart. Ako si Clau-clau." Sabay ngiti ng matamis na pwedeng magdulot ng diabetes kaninuman. Natawa naman sha, sabay sukli sa kin ng mas matamis na ngiti. Effective. Syet! Kelangan kong mamakyaw ng maskuvado! Since mas bata sha sa mga kainuman ko eh Utoy ang tawag nila sa kanya. Term of endearment ng mga Batangueno sa mga talubata.

Nung una eh nakiki-Utoy ako. Pero nung ma-realize ko na hindi ko sha kamag-anak at pwede ko shang karirin, "baby" na ang naging tawag ko sa kanya. Typical na lalaki, nakikisakay pero alam mong walang seryosohan. Tipong pampabuhay lang para enjoy at hindi boring.

Napag-alaman ko na ang term pala nila sa mga nagpapakembot sa bakla eh "mangunguha ng indian" sa indianan. Minsan eh magpapasama sa siniguelasan, o kaya eh sa sampalukan. Pinaka-fabulous na level na yung "manghuli ng tulingan".

Di kami nag-level up sa inuman na yun. Di kami nanguha ng indian. Di rin kami nanghuli ng tulingan.

Fast forward to 2010. Pagdating nya sa inuman namin, ni hindi ako nilingon. Ni hindi ako sinulyapan. Dinedma ang beauty ko! Kaloka. Nagtataka siguro kung bakit me baklang kalbo na nakikiumpok sa inuman nila. Akala pa ata eh kasamahan ko yung mga contestant sa Miss Gay Bangungot the night before. Maya-maya eh naalala nya ata ako bigla, kasi biglang shang napapitik, sabay tawag sa kin.

"Claudine! Raymart nga pala." sabay lipat ng upo sa tabi ko.

"Kala ko di mo na ko naaalala eh. Pinsan," tinanong ko uli yung pinsan ko, "Di ko talaga kamag-anak to ha." Nang tumawa at umoo ang pinsan ko, humilig na ko sa balikat ni Utoy at umungot na parang bilot (tuta). "Baby, kelan natin susundan ng kapatid si Sabina at Santino?"

"Baby pag-graduate na ni Santino... ng masteral." Hmmm, aba puma-punchline ang poging magbubukid. I like.

After a few bottles eh umalis ang lolo mo kasi ninong pala sha dun sa isa pang binyagan. Dahil boring na, nagpabili na lang ako ng isa pang kahon at umuwi muna. Pa-fresh puke muna para sa sayawan mamaya.

After mag-ph care eh nakasalubong ko yung isa kong pinsan na naghahanap ng asawa so sinamahan ko naman sha maghanap. In fairness ang mga magbubukid gusto redhorse, ayaw ng gin. Kung gin daw, mabuti pang lubid na lang ang bilhin at magbigti na lang. Pareho lang ng effect, mas mabagal nga lang ang gin. Bumalik kami dun sa inuman, only to find Raymart na nakaupo na uli. Pagkakita ko sa kanya eh lumandi na uli ang bakla.

"Baby! Na-miss kita agad!" sabay nakaw na kiss sa lips. Swak! Pasok sa banga! Namula lang ang lolo mo ng slight, pero nakangiti. Tapos biglang naghubad ng tshirt. "Ah, ah... Pagkakabanas!" Ang init daw. Hay! Ako naman ang nag-blush.

Ang pinsan kong kj, nakahalata ata na ayaw ko ng hanapin ang asawa nya, ayun nagyayang lumarga na uli. "Baby alis muna kami ha. Hanapin namin asawa neto." Sha naman pina-kiss ko. Sabay Vic-Sotto. Hehehe. Swak uli! Baklang Maton, three points!

Nahanap naman namin ang alibughang asawa, at nasa inuman din ang lola mo. Nakiumpok na rin kami. Pag minamalas ka nga naman, ibang alak uli. The Bar Apple naman. Pwede na rin. E di tagay na uli ang bakla.

Sa gitna ng inuman at panunukso ng mga hudyo, biglang me kumatok at hinahanap daw ako. Si Raymart nasa labas daw. Umugong na naman ang asaran. Shempre mas maugong ang dibdib ko. Labas agad ang bakla, baka iniistir lang ako ng kutong lupa eh kokonyatan ko talaga sha ng umaatikabo. Paglabas ko, aba andun nga si Raymart, naghahanap ng kalinga. Sinalubong nya ko and we met halfway.

Sinama ko sha sa inuman namin at dun kami nagpa-sweet ng bonggang bongga. Pumupunta pa kami sa mejo madilim na part ng puno ng sampalok para magyakapan at maglandian. Tinodo ko na ang pagka-teeny bopper. Tinodo ko na ang pagka-Tina Paner. Tinodo ko na ang pagka-Sheryl Cruz. At tinodo ko na ang pagka-Clau-Clau. And he promised me one thing. He'll be my first dance sa sayawan.

Dapat eh me pasok ako sa ofis nun, kaya tumawag muna ako sa bossing kong gwapo at ubod ng bait. "Baby! Di ako papasok today ha. Di ako nakauwi eh, dito pa ko sa Batangas. Naka-leave naman ako, itutuloy ko na lang." nakinig sandali sa bossing na gwapo at ubod ng bait. "Oo baby promise sa Monday papasok na ko. Bye baby!" nasanay kasi ako na Baby ang tawag sa manager ko sa office. Asaran lang ba. Pero minsan parang sineseryoso nya hihihi.

Pagbaba ko ng phone, biglang bumulong ang Raymart. "Pagkakadaming 'baby'. Ala, ayaw ko na ng lintek na beybing yan. Iba na laang."

"Anu ka ba, boss ko yun. Nag-aasaran lang kami nun." explain ko naman.

"Basta, iba na ha. Mag-iisip ako ng itatawag ko sa iyo. Ako ga'y baby pa eh kalaki ko na nga."

"Sige na nga. Utoy na lang."

"Sige. Ineng..."

Matapos ang inuman, gora na kami sa sayawan. Direcho kami agad na magpipinsan sa magabok na lupa na binasa (aka dance floor). Maya-maya eh napansin kong wala si Raymart, naloka ko. Borlogs! Sa sobrang kalasingan eh inantok na ang hombre. Hay, from now on, ikaw na si Almost First Dance. Eh ano pa nga ba magagawa ko?! Nag-pole dance, belly dance, nag-strip na lang ako sa gitna. World class pokpok lang talaga ang pangarap ko sa buhay.

Maya-maya eh biglang nag-iba ang tempo ng tugtog at kinembutan ng sweet music ni DJ Bumbay. Akalain mo yun, fave song pa ni Budwire napili nya: High ng The Speaks.

Biglang may tumapik sa kin at umeksena ng "Oh, first dance na natin." Paglingon ko, as usual slow-mo... biglang kumasya ang hanger sa ngiti ng bakla. Nagsayaw kami sa gitna at inangkin namin ang dance floor (aka maputik na lupa). Ang mga pinsan kong kunsintidor, nagsiupo. Kulang na lang eh patugtugin ang King and Queen of Hearts, js na js na! Sobrang cheesy!

"Ah ah, bakit ga tayo laang ang nasayaw dine?"tanong ng lolo mo.

"Ewan." sabay ngiti at yakap pa lalo. "Utoy!" lambing ko. "Ineng," sagot ng lolo mo.

Sa gabing ito, babae ako.

Hinila nya ko sa gubat. Hinila ko ata sha. Uhhm... let's just say naghilahan kami papunta sa gubat and we danced into the rythm only two people [in love] horny can hear. That night, sa gitna ng mga tuyong damo, sanga at dahon, sa saliw ng mga kuliglig na me tono ang huni, habang nagsya-syato kami sa kakahuyan... ninotaryuhan nya ang prostate gland ko.

Ang sarap talaga umuwi sa bukid. Back to basics ang drama ko. Ikaw ang magtatasa ng kawayan ng pangtusok sa barbeque. Ikaw ang magpapatas ng panggatong pag nagluto. Ikaw ang mangunguha ng prutas na dessert sa tanghalian. Ikaw ang mangunguha ng indian sa mismong puno. At shempre ikaw ang manghuhuli ng tulingan.

Habang pauwi, ngingiti-ngiti ang bakla. Masusundan na si Santino..

Hay Raymart, you had me at 'Ineng'.

6.23.2010

Kawawang Pinoy

Mga bakla! Mejo di to pang-blogelya... Para toh sa activity namin sa Sabado, mega post na rin ako at baka sabihin nyo eh nglected na ang blog ko dahil nanakawan ako... Nawa'y maantig ang mga damdamin nyo... Tayo po'y magsitayo at i-recite ang Panatang Maka-pechay!

***************************************************************

Kabi-kabila ang makikita mong kawalan ng hustisya at kawang-gawa sa lipunan. Mga taong inaagrabyado, inaapi, inaalipusta, dinadaot, iniisahan, sinasaktan, nilalamangan, ginagago, inuuto, ginugulangan, dinedenggoy, kinukupal, pineperahan, pinagkakakitaan, winawalangya, at kung masaklap pa, minsan eh pinapatay. Kawawang Pinoy!

Sa gitna ng lahat ng kaguluhang ito, maraming nagtatanong: Nasaan ang hustisya? Nasaan ang kawang-gawa? Anong ginawa ng gobyerno? Anong ginawa ng simbahan? Eh matanong kita... ikaw? Anong ginawa mo? Wala. Kulang. Bitin. Kapos. Waley! Hay... Kawawang Pinoy!
Ayon sa DepEd sa kasalukuyan ay kailangan natin ng 50k na guro, 58k na classroom, 3.48 million na upuan, at 34.7 million na libro. Sa 100 na bata na pumapasok sa grade 1, 43 lang ang nakakatapos ng high school at 23 lang ang tumutuntong sa college o vocational, at 14 lang ang nakakatapos. Dadagdagan pa raw ng 2 taon ang basic education. Pero sa dami ng mga kakulangang ito sa edukasyon, ang inuunang lipulin ng DepEd ay ang mga jejemons. Sowie pouh! Kawawang Pinoy!

Kapag ninakawan ka at nahuli mo ang magnanakaw, pwede mo shang idemanda at ipakulong. Tapos sa haba ng proseso, minsan mas malaki pa ang magagastos mo sa halaga ng ninakaw sa yo. Pag napatapat ka pa sa mayabang na piskal, hindi ire-release ang mga ninakaw sayo kasi "evidence" daw ito. Pakakainin mo pa ang mga tanod at pulis na rumesponde. Sa dami ng gastusin at sa oras na kinakain sayo, mas pinipili ng ibang makipag-areglo na lang para wala ka nang iisipin. The good thing is, malaya na uli ang magnanakaw! Kawawang Pinoy!

Kapag nakulong ka naman, siguraduhin mong may pampiyansa ka. Kasi pag di ka nagpiyansa, aabutin ka ng siyam-siyam bago ka maiskedyul sa hearing. Minsan, pitong taon ka nang naghihintay sa kulungan, ang sentensya mo dapat eh 2 taon lang. Sa dami ng kriminal at sa dami ng krimen, 48 years bago matapos ang kaso. Me appeal pa! Kaya si Attorney, congratulations! Ang daming talent fee nyan. Tsk tsk tsk. Kawawang Pinoy!

Sa kalsada, normal na to: kotong, lisensya, buwaya. Mga salitang alam ng lahat ng drayber at pasahero. Pag pinara ka, automatic maglalagay ka -- mababa na ang singkuwenta. May mga drayber ng kolorum kasi ang prangkisa mahal pa sa pinapasada nila. Sa traysikel, 20k-40k. Sa jeep 40k-60k. Sa taxi at fx 60k-80. Pag taxi, hindi pwedeng isa lang. Dapat sampu para may prangkisa ka. Kaya marami ang kolorum. Madalas nga lang mahuli ng MMDA. Yung iba nakikipaghabulan para makalusot sa lagay. Kapag nahuli, may kotong na pera na, may kutos at batok pa. Basta driber, sweet lover, hard laborer! Kawawang Pinoy!

Noong 2007, mayroon nang 88.57 milyong Pinoy. Kung 2% ang increase ng population taon taon, mayroon nang 93.99 milyong Pinoy ngayong 2010. 6.96 milyon ang walang trabaho. Ang normal na high school graduate ay kumikita ng 4k-7k isang buwan. Pag college level naman ay 7k-10k. Kung sa call center ka magtatrabaho, pwede kang kumita ng 12k-16k. Pero kung tatakbo kang congressman, me automatic na 35k ka isang buwan. At me bonus pang 70 milyon sa pork barrel. Bahala ka na kung pano ka ki-kickback sa mga proyekto mong walis tingting, waiting shed, kalsada at basketball court. Galingan mo na lang mangupit. Kawawang Pinoy!

Pag nanonood ka ng teleserye nakakabanas pag narinig mo ang mga jingle ng mga kandidato. "Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Gusto ko happy ka. Jajajaja jajamby! Anak, itabi mo." Yung 30-second na commercial sa primetime, aabot ng 500k-1 million ang presyo. Idagdag mo pa ang talent fee ng artista sa commercial. Si Kris Aquino, 20million plus per product. Si Sharon, 25-30M. Si Regine, 600k per song. Si Willie 1m per episode ng Wowowee. Si Juday, 250k-300k per taping. Kaya sa bawat bula ng sabon, sa bawat taktak ng Magic Sarap, sa bawat scoop ng sorbetes, sa bawat text at call, sa bawat kanta ni Willie, yung pinambayad sa mga talent fee at commercials ng pulitiko, galing sa bulsa mo. Kawawang Pinoy!

Ang isang bote ng rugby, 50-100 pesos. Ang isang teabag ng marijuana mabibili mo ng 50 pesos. Ang isang gramo ng shabu naman eh 7k-8k. Kasama na rito ang ilang hithit ng usok at ilang oras ng amats. Ang isang ladies drink sa beerhouse 200-300 isang bote. Ang macho drink naman sa gaybar, 250-400 isang bote. Kasama na rito ang himas, hipo at haplos sa GRO. Kung gusto mong ilabas ang ka-table mo, extra 1k-2k isang round. Kapalit na nito ang ilang sandaling aliw at pagkalimot. Kapalit din ang panganib na makulong o makakuha ng STD o AIDS. Wala nang proof of purchase at suking tindahan! Instant premyo agad! Kawawang Pinoy!

Bibihira tayong makakita ng kalyeng malinis. Madalang din ang mga ilog na walang basura. Konting ulan lang, baha na sa Espanya at malabon. Ilang oras na ulan lang, mauulit na naman ang bangungot na dulot ni Ondoy. Matapos ang El Nino, eto naman si La Nina. Sila at ang orig na kambal ng tadhana.Stranded, inanod, nalunod, lumubog, natulog sa bubong, leptospirosis, sirang appliances, landslide, naluging negosyo, sasakyang di umaandar, at hindi mabilang na Pinoy na namatay. Dahil sa basura, dahil sa baha, dahil sa bagyo. Kawawang Pinoy!

Andyan ang noodle scam, rice crisis, hello garci scam, fertilizer fund scam, ZTE-NBN Broadband deal, textbook scam, Jose Pidal accounts, Maguindanao massacre, PCOS Anomalies, vote buying, human trafficking, AIDS, prosti, call boy, child abuse, rape, forced labor, holdapan, rubout, terorista... Ilan lang sa mga normal na laman ng dyaryo at TV. Ang boring ng mga headlines! Kawawang Pinoy!

Lahat ng ito, alam ng lahat. Pero lahat din ng ito, tanggap ng lahat. Mashado nang pamilyar ang mga tao sa kawalan ng hustisya, mashado nang nasanay ang mga Pilipino sa kawalan ng malasakit. Mashado nang bugbog ang lipunan sa kawalan ng pag-asa. At yan ang pinakamalaking injustice na kumakawawa sa Pinoy.

Hoy Pinoy! Kumilos ka! Tama na ang pagiging biktima! Hanggang kailan ka ba magiging kawawa? Alam ko na ang sagot mo... BAHALA NA. Tsk tsk tsk! Kawawa ka nga ba Pinoy? Wag naman sana.

6.16.2010

Biktima

Nanakawan ako today. Hard drive na 500 gig at cellphone na HTC. Akalain mo yun?! Ang iskwater... not so safe anymore...

6.05.2010

Me and My God

May langit ba para sa mga bakla? Kung mamamatay ako ngayon mismo, at di ko tinalikuran ang pagka-beki, does that mean I'm condemed for all eternity? Sabi nung isang debotong iglesia na kakilala ko, straight daw ako sa impyerno. Sabi ko naman, sige kita tayo dun.

I refuse to believe that being gay defaults my soul to eternal damnation. But somehow, I also wonder: para nga lang ba talaga sa rainbow ang sangkabaklaan? Dun lang ba talaga mapupunta ang mababait na badet, at ang mga walangya naman eh highway to hell ang drama?

Lagot ako. Sabi pa naman ng friends ko, mabuti naman daw akong kaibigan. Masama nga lang talaga ang ugali ko.


Bro. Aelred Maria. My alter ego. My best version. My other self.

I was once a campus minister. Ten years ago, sa St. Andrew sa Makati na ko halos tumira. Yung way of life namin, talagang pang mga seminarista at madre (dun ata ako nahilig sa pagka-madre). Laging naka-slacks, kahit swimming bawal ang shorts. Balance dapat ang buhay-estudyante, buhay-pamilya at buhay-brother. Di pwedeng isama ang "Secret Life of a Gay Teenager" kasi bawal. Bawal maging bakla.

Nung andun pa ko sa kumbento naranasan ko na ata lahat ng nakakalurking kabanalan. Me dipa session kami lagi pag nagro-rosary. Araw-araw na nagseserve as sakristan sa misa. Naglalakad mula bel-air hanggang Guadalupe. Dumidipa sa adoration chapel. Nagtitipid sa lahat ng bagay. Pag me regalo sa yo, kelangan munang gamitin ng lahat ng brothers yung gamit mo bago isoli sayo.

Nung minsan pa eh kumain kami ng pechay ng buong isang linggo. Pritong pechay, nilagang pechay, pechay salad, steamed pechay at kung anu-ano pang imbento na luto sa pechay. Unfair nga eh kasi sa dami ng pechay na nakain ko nung linggong yun, wala namang tumubong pechay sa kin!

Pag me nagawa kang violations, kakalbuhin ka at maninilbihan ng isa hanggang dalawang linggo. Bawal magsalita, me hawak ka lang na ballpen at papel, isusulat mo lahat ng sasabihin mo. Me plackard na nakasabit sa leeg: "I am in silence, don't talk to me." Ikaw ang magluluto, maghuhugas, maglalampaso ng sahig, maglalaba ng bedsheets, at kakanta kapag tanghalian. Kung makulit ka at nagsasalita ka pa rin, extend ito ng isang linggo uli. Kumusta naman, umabot ako ng isang taon bago na-parole!

Kami ang mga serbidora ng simbahan. Tagasabit ng christmas lights sa bubong ng St. Andrew, at sa mga nakapaligid na punong niyog. Buwis buhay pa yun minsan kasi scaffolds lang na bakal ang aakyatin mo, minsan eh inaalog-alog pa ng walangya mong brother. Tagapintura rin pala kami, taga-mop ng sahig pag me function, tagatabas ng damo, tagawalis ng bakuran, tagapintura ng mga linya sa parking lot, at tagabilang ng collections sa misa.

Nung andun ako, laging ako ang sinasama ni Padre sa mga misa sa labas. Kung kelan eat out ang mga kasama ko, ako naman eh mass out at assistant. Kasi nung unang beses na nag-sakristan ako sa kanya eh huling-huli akong bumoborlogs sa homily. Mashado daw akong attached sa kama ko kaya marami akong dapat i-give up. Bawal daw ma-attach sa community. Wala daw particular friendship. Walang community within the community. Walang borlogs ng borlogs.

Lagi pa kaming me horror awards. Ang laging napupunta sa kin eh yung Piety Horror Trophy. Kasi daw everytime na nagdarasal kami, imbis na magdasal eh nakakatulog ako. Minsan, kahit sa tabi pa ng pari sa taas ng altar sa mismong misa! Pero di na ko nag-react. Kaya kahit nagdarasal din naman ako mag-isa, di ko na sinabi. Malay ba nila eh tulog nga ako ng tulog. Kaya nung may work na ko, never na kong natulog sa trabaho. Char!!!

Don't get me wrong. I was happy na gawin yung mga bagay na yun. Pag na-dedepress ako eh nagkukulong ako sa isang function room at nagpapatugtog ng mga praise songs. Mega release ako ng emotions sa pamamagitan ng... tanananan! Interpretative dance! As in mega sayaw sayaw at emote emote talaga ang bakla habang gumigiling giling mag-isa. May lifting pa yun teh! Kung kaya ko nga mag-pyramid mag-isa malamang ginawa ko na.

During this stage, confused na ko kung beki ba ko o hindi. Lagi kong tanong nun eh "Bakla, Bakla hinog ka na ba?" Eh pag-ikot ko sa roleta, tumapat sa "Oo, oo beki ako." Kung hinog ka na ay umalis ka na. Lito na nga ang bakla sa kanyang pagkatao, samahan mo pa ng "brother" at "kuya" na pumapatong pag madaling araw at nagpapa "ipit" ng kembang, ay wala na! Na-loss na talaga ang pagkalalaki ko. Lumabas ako para harapin ang mundo ng may ningning sa mga mata at landi sa mga ngiti. At yun na nga, naghasik na ng ganda at rikit ang bakla.

Isa sa mga nabighani ko ng bonggang bongga eh si Private Benjamin. Nagkakilala kami sa Mt. Makiling some summers ago. Dati shang seminarista. Cute na parang si Charles ng Star Circle Quest. Yung tipong nilalabasan na eh tahimik pa rin. Yung tipong lasing na eh demure pa rin. Maamong tupa. Hmmm...

Magkatabi yung dobol deck namin at sa taas kami nakahiga pareho. Sa camp na yun, inakit nya ko. Pag naliligo sha, di sha nagtatakip ng cubicle. Amputi ng pwet! Tapos pag humihiram ng sabon, lumalakad palapit sa kin bigla, pubes and all! Hay gusto kong lamutakin ang buns ng lolo mo at palamanan ng cheez wiz. Masarap kung maguusap kayo at masarap din kung maguusap kayo.

Nung huling gabi namin, sa pusod ni Mother Makiling, ginapang ko ang lolo mo. Hala ang bakla, daig pa ang army kung gumapang. Me props pa kong damodamo at camouflage -- kumot na talukbong at unan na nakaharang, tsaka dantay-dantayan. Presto! Instant kembang tent ang eksena. Kapa-kapa... Pisil-pisil... Himas-himas... Poof! It became koko krunch! Este poof! Dumilat ang mata! Naloka ko. Ayun, tumalikod ang lolo mo at na-face the wall ako. Loss ang beki... Pero at the back of my mind, naisip ko... Winner pa rin ako. Nagalit si Private Benjamin! Balang araw, babagsak ka rin sa mga palad ko...

After a few years, nakuha ko uli ang number nya. Text text kami uli, tawag tawag. Sorry sorry ang bakla. Nagulat ako kasi sabi ba naman, kung nagpaalam daw ako eh baka pumayag pa sha. Kaloka! Dun na pala sha nakatira sa isang compound na malapit sa iskwater. And he agreed to meet up with me sa unit nya.

Habang nangungumpisal si Kris Aquino sa buong Pilipinas na nagkaron sha ng STD sa tulong ni Kuya Joey, andun kami at nagha-haggle kung magkekembutan ba kami o hindi. Ang lolo mo nuknukan ng pakipot! Galit na galit na, ayaw pang pumayag! Kakaloka! Ayun, wala na namang nangyari. Touch and go lang ang naging drama ko.

For eight years, ganun ang naging script namin ni Private Benjamin. Papakipot sha, hahabol ako, papa-touch sha, hihipo ako, papa-kuda sha, papa-bembang ako. Me mga times naman na pareho kaming panalo. Me mga times na anjan na sha tapos biglang uuwi. Feeling ko minsan eh ang ganda ganda ko kasi luluwas pa yan from the province mabembang lang ang alindog ko. Pero di ko ganong maenjoy ang kung ano mang meron kami.

A few months ago, inamin nya sa kin na bumalik na sha sa seminaryo. For almost two years, ang kinakalantari ko eh on his way to priesthood. Kaya pala pag Sunday lang sha pwedeng mag-text. Kaya pala lagi na shang nasa isang lugar na puro ulap. Langit?! Kaya pala puro yaya lang ang lolo mo, pero di natutuloy kasi di raw sha pwedeng umalis. Kaya pala... Mas malaki na pala ang kalaban ko. Someone I would never even dare compete. Eh ako nga gusto ko Siyang kakampi eh.

Last month, Private Benjamin and I had our farewell kembot. We both agreed na last na yun, and he should focus on his life of service. Sa gitna ng good ol' redhorse, at sa mga malalaswa naming kwentuhan, I felt proud and happy. He's on a better path. Kung sana lang eh kasing lakas at kasing tibay nya ko sa pag-resist sa tukso. Kung sana lang eh kasing tapang nya ko sa pagwaksi sa mansanas ng kasalanan. Kung sana lang eh kasing willing nya akong magsilbi. He's an inspiration to me. I'm so proud of him.

Sa araw na to mag-start ang one-year retreat nya sa isang isla. Walang interchuvanet, walang nyelpown, walang telebabad at primetime bida, walang bombo radyo at negra bandida. Laging silence at reflection. Sayang di nya mababasa tong blog ko. He promised to read it next year naman. Something to look forward to, jejejeje!

Fave motto ng frendship kong si Medusa -- "Destiny is not a chance. It's a choice." It's not random. It's not chance. In the greater scheme of things, my every decision in the past have been leading up to a certain destiny. What if kahit anong gawin ko, dun pa rin ako bumagsak sa kung anong gusto Niya para sa kin? Pano kung sa bawat pagliko ng mga bakla eh makikialam Siya? Magiging choosy ka pa ba?

If there's one thing I learned sa logic, eto yun: Kung walang langit at naniwala ako na meron, keri lang. Walang nawala sa kin. Nagkaroon lang ako ng purpose at direction sa buhay. Kung meron namang langit at naniwala ako, eh di winner ang bakla! Kung wala palang langit at di ako naniwala, eh di quits lang. Pero kung meron palang langit at keber lang ako... gudlak! Barbekyung beki ang aabutin ko.

Listen to your heart. What does it tell you? For me, it's about finding meaning to your life despite of the bad choices that you make. Mashadong maraming pagkakamali sa mundo, di ko kakayaning i-commit lahat ng yun. Anu ba naman yung matuto na ko sa pagkakamali ng iba davah? Wag redundant! Bakla ka na naka-pink ka pa?! Jejeje... Hindi porke ine-expect ng mga tao na isa kang kahihiyan eh gogora ka nga. Ayaw mo silang ma-disappoint ganun?!

May pwesto ba ang mga bakla sa langit? O kelangang magpraktis na ko ng pag-slide sa rainbow? Ay wit ko pa alam. One thing's for sure: God loves Fags. Even fags like me.

6.03.2010

The Last Blog

Naniniwala ako na winner talaga ang resiliency ng mga beki. Eto yung kakayanan ng isang tao na malagpasan with flying colors ang emotional at behavioral challenges na kinakaharap nya sa araw araw. Sa mga beki, ordinary na ang masaktan. But what's extraordinary is the ability of gays to endure pain.

Kung meron mang dalubhasa sa larangan ng pagmo-move on, doctorate degree holder na siguro ko. At ang dissertation ko: A case study on the "Holding On Phenomenon": Why gays can't let go easily.

Di na ko naka-move-on move-on ke Totong. Ayan na naman sya at aali-aligid sa iskwater. Eversince na-tegi si Daddy Byenan, sha na ang humawak sa junkshop. At simula rin nung sha na ang humawak sa JS, umasa na naman ang puso kong sabik kay Payat.

The day his father died, para kong hilong tilapia na di alam kung pano papaltok sa lupa. Hindi ko alam kung pano sha dadaluhan at iko-comfort. Hindi ko lalo alam kung dapat bang AKO ang kumomfort sa kanya, knowing na may aswang sa paligid. Pumunta ako sa kuta ng aswang in broad daylight, armado ng pinatulis na kawayan, sulo at isang supot ng boy bawang. Tsaka pala isang garapon ng iodized salt. Ready!

Pagkakita ko kay Pa, di ko alam kung anong gagawin ko. His eyes spoke volumes. Parang dinurog ang puso ko at pinakain sa aso. Nakatayo lang kami sa sala habang karga-karga nya ang junakis nya. Nakahawak ako sa balikat nya, di kami nag-uusap. Basta alam ko na alam nya na alam ko na alam nya. I'll be by his side. Aswang or no aswang, I'll be there.

Nung libing, sa sobrang pabibo ko lang talaga, ako ang humawak ng camera. Ang bakla, umangkas ng patalikod sa motor ng isang tambay, kesehodang wala akong sunblock o shades man lang, kahit masunog na ang flawless kong balat. Ayun nagkandapuwing-puwing ako sa pag-angkas -- uulitin ko -- ng patalikod sa motor.

Maya-maya nga eh napuwing ako, hiniram ko yung bote ng mineral water nung isang nakamotor na tomboy. Eh di naman ako makahilamos kasi nga naka-angkas ako ng patalikod (ulitin uli!) kaya sinilip ko na lang yung bote na parang telescope at saka ko inalog alog sa mata ko. Tapos maya-maya eh nakiinom yung isang naka-motor! Hehehe me essence ko na yan, di mo na ko makakalimutan. At pagdating sa huling hantungan eh binawi pa sha nung tomboy at ininom ang pinaghilamusan ko ng mata. Ewww...

Kung may wind beneath the wings man na award nung libing, malamang ako na mag-uuwi ng trophy. Sa likod lang ako ng lahat ng kaganapan, hawak ang camera at ang puso kong nakikiramay sa pamilya ni Pa. Hindi ko na in-attempt na lumapit at humawak sa kanya. Kahit mejo pinagbalakan kong dun ako pumuwesto sa kaliwa habang sa kanan naman ang aswang. Nope. Di ko moment to.

After that, regular ko nang nakikita uli si Pa sa iskwater. Usually eh tatambay sa haus, iinom ng konti. Kaya nga laging me SanMigLight sa ref ko na walang nakakainom kundi sha. Me naiwan pang isang bote, di ko binubuksan para me reserba sha pagpunta nya. Minsan papaluto ng merienda, papabili ng tropicana o yosi habang nagsi-sintemyento de asukal sa aswang. Naging ritwal na ata nya yun pag nasa haus ko sha. Tapos maya-maya lang eh sweet-sweetan yung dalawa sa labasan na kala mo eh newly wed. Kadiri. Inggiterang talakitok lang talaga ko.

Minsan di ko alam kung anong gagawin pag nag-text ang lolo mo. "Ma, puntahan mo naman dito si Mommy sa taas, umiiyak na naman nakita ko sa kwarto." Aakyat naman ang bakla, magdadala ng chocolates or anything na meron sa ref. Minsan redhorse, keri na rin! Basta ma-cheer up ko lang si Byenang Hilaw.

Isang beses, lumabas ako para magtapon ng basura ng alas-kwatro ng madaling araw. Nag-rearrange kasi ako ng furniture at naglinis ng bahay na pink. Shirtless pa ko nun ha, di man lang nag-bra. Tambay na tambay lang. Pagdating ko sa labasan, andun si Totong, nakahubad din pero me towel na nakabalabal sa likod. Akalain mo yun, mas mukha pa kong lalake kay Pa. Para lang kaming lihim na magsyota na nagkikita sa dilim. Kung me makakakita sa min malamang magduda na me ginawa kaming milagro. Wala naman, wholesome kami.

Kapapanood ko lang nung Peter Pan na version ni Jeremy Kembot. I totally feel for Peter Pan. All Wendy's gotta do is close the latch, shut the window and he's out of her life. No more kisses, no more thimbles, no more loose shadows. Just happy thoughts which would never be enough to make you fly.

Totong is my open window. He's more than just a thimble. He's a kiss enough to send happy thoughts to my neurons and make me soar for the rest of my life. I can never lock up and move on, simply because he doesn't let me.

I am a better version of the Aswang. I'll always be his spare tire. His other option. His second chance. Ako yung mas mabait, mas maalalahanin, mas generous, mas maasikaso, mas understanding, mas nakikinig, mas mapagmahal, mas maganda, and definitely mas magaling. Hangga't may option sha of having a better life with me, of having an ideal someone in me, hindi maaayos ang buhay nya sa piling ng aswang. And I'm doing that on purpose.

Di ba ganun naman talaga? Pag ikaw ang "other woman" ikaw rin yung right love at the wrong time. Ikaw yung "kung ako na lang sana"... Ikaw yung "kailan kaya" at "bakit ngayon ka lang?" Ikaw ang dahilan kung bakit nauso ang "sana dalawa ang puso ko". Ikaw yung "watch and you'll see, someday I'll be part of your world."

I'm getting tired of this eksena. Yung feeling pa-victim. Me isang reader na nagsabi sa kin, ako daw yung Maton na mashadong ma-emote. Drama Queen indeed! It's getting old. Oo nga naman, I'm not living up to my self-proclaimed name. Time to be maton again.

It's about choosing who to fall for, when to fall, and how to stick by your choice and decision. Sabi nga ni Ate Rachel "What do you say to taking chances, what do you say to jumping off the edge? Never knowing if there's solid ground below, or hand to hold, or hell to pay... What do you say?"

This would be my last post about Totong. Sabi ni Ka-te, Totong has been my addiction since I came back to the iskwaters. I beg to disagree. He's my thimble. He's my open window. Time to lock up and throw the keys. Time to drink the SanMigLight. Time to jump off the edge. Time to take chances...



What do you say, gorgeous self, is it time to leave the iskwaters?