
Naka-leave na naman ako ngayon sa office. In talaga ang tagtuyot ngayon, kaya nakikiuso ang wallet ko. Nag-leave akengkay kasi kelangan ko nang tapusin ngayong summer yung thesis-thesisan ko. Pero inuna ko pa ang panonood ng Love of Siam starring Mario Maurer and Pchy.
Ilang beses ko nang napanood ang Love of Siam, lagi pa rin akong naiiyak pag kumakanta yung batang pango ng "Endless Night" at me iba-ibang eksena sina Tong at Mew. Kundi nyo pa napanood ang Love of Siam go na sa Quiapo at bumili ng dibidi! Oh kaya eh hanapin sa youtube por syur meron dun.
Naka-relate na naman ang bakla. Ewan ko ba, I'm such a sucker for forbidden love eklat at mga teen romance. Mahilig sa twink ang beki mae. Pidopilya advocate talaga si BM... Siguro kasi ito yung pinaka-pure at pinaka-sweet na pag-ibig na pwedeng maramdaman ng isang tao.
Eto na yung mga lingon-kilig moments na pinerfect talaga nila. Yung mga lingunan bago tuluyang maghiwalay. Yung mga sulyapan pag nakatalikod na yung isa, tapos pag tumalikod ka na rin eh saka naman lilingon yung isa. Yung mga ngitian na walang dahilan, yung ngiti na lumiliwanag pati mukha kasi dumating na yung hinihintay mo. Yung mga ngitian na walang halong sudden gush ng water-water at ka-erbugan.
Super like ko sa Love of Siam yung eksena na naglalagay ng Xmas decors si Tong at Mama nya. Tapos eh mega ask si Kuyang Gwapo kung maganda na isabit sa Xmas tree yung maliit na gurlie doll, o yung wooden boytoy. Sabi ni Mama, 'kung ano ang nasa puso mo, sundin mo!' Pinili ni Tong na isabit yung Wooden Boy. Eksena! Kagulat kasi nag-tagalog sila pareho hehehe...
Winner din yung after i-dedicate ni Mew yung song nya ke Tong, tapos shempre me bonding moments sila after nung kanta. Sabi ni Mew "There wouldn't be such song without you." Kilig na kilig na ang prostate glands ko pwamis! Tinanong ni Mew si Tong kung anong ma-iispluk nya sa songlilet, at ang sagot ng gwapong gwapong si Tong: "I can say this" sabay halik kay Mew.
It's the purest kiss I've ever seen in a movie.
Everytime na eto na yung eksena sa muvee, tumutulo na talaga ang luha ko. Sa kaliwang mata lang, praktisado ko na yan. Alam kong awkward dun sa dalawa, kasi pareho silang straight, pero ang kinalabasan, sobrang kilig at sobrang dalisay. I would trade anything for such kiss. Parang feeling ko, pag me humalik ng ganun ka-puro at ka-totoo sa kin, sa mismong oras na yun eh tutuboan ako ng matres na hindi pirated, at magiging auhentic na ang obaryo ko.
Sabi nga ni Amy Adams, I've been dreaming of a true love's kiss. Eto yung halik na makakapagbigay sa kin ng paa at boses na mas maganda pa sa legs ni Ariel. Eto yung halik na makakapagpagalaw sa mga mountains. Eto yung halik na ikaka-utot ko ng bonggang-bongga.
Pero ang favorite part ko sa lahat eh yung ending na. After ng concert ng August Band, nagkita sina Tong at Mew. Again, tinanong ni Mew si Tong kung anong masasabi nya sa kanta. "I can't be your boyfriend... But it doesn't mean that I don't love you."
Clap-clap-clap!
Kahit natapos ko na yung movie, ngumangalngal pa rin ako. Kaka-depress kakakilig, kaka-inlove...
Me napanood ako sa youtube na 1st concert nung August Band, kumusta naman, ang surprise guest ni Mew sa concert nila, si Tong! Parang di na rin makaka-move on ang fans nila sa loveteam ng dalawang to. Kahit me iba na silang projects, ang kinakikiligan pa rin ng lahat eh yung team-up nila.
People are still clamoring for a follow-up movie. Gusto nilang i-point out na "they can't be together YET". Gusto nilang makita na sa bandang huli, silang duwa pa rin ang magsasalo sa happy ending.
Para sa kin, okay na yung movee na ganun. Mejo sad yung ending. Pero kasi, di ba ganun naman kadalasan sa pesteng tunay na buhay? Kadalasan din hindi natin nakukuha yung happy ending. Natitira sa tin yung "what might have been" at "to be continued". Worse, minsan ang nakukuha ntin eh "no disc" kasi sira pala yung dvd na nabili mo.
We may not get what we want, but we always get what we deserve.
I'll end this blog with an insistent recommendation. If you haven't seen the muvee, nasa youtube lang sha, click mo to: "Love of Siam" full version yun at accurate ang subtitle.
Hay, tapos na ang kilig. Labas muna sa kanto ang baklang maton. Pag nakasalubong ko ang "Tong" ng buhay ko, papraktisin namin ang "lingunan portion".