7.05.2009

Tayo nang Mag-Baliktanaw...

TRIBUTE sa mga Cartoon Character

Dati ko pa bet gawin toh eh. Sandamakmak na blogelya na kasi ang nabasa ko na mega reminisce ng mga cartoon na fave nila nung bata pa.. Dahil jan, makikisakay ako sa bandwagon... Paramihan nga tayo ng naaalalang cartoon characters! Mapa-anime man yan, mangga man o melon, kahit pakwan pa, enumerate natin. Presenting, mi trece favoritos:

Peter Pan -- kasama sina Wendy, Tinkerbell, Luna, TigerLily. Tsaka yung mga bugoys! Hihihi... Pinapalabas dati pag 10 am. Shempre patungo sa mundo ng Neverland. Feel ko tumira ditey, at hahanapin namin yung mga floating na blue rocks para nakalutang din ever ang bangka. Tsaka impernes naorkot talaga ko sa lola ni Luna ha. Remember the name? Hmm... Sinistra.
O di ba kakaorkot?!
Lottie at Ermengard -- mga sidekick na Mama Sarah na laging kuma-cryola dahil sa malditang si Lavinia. Pero kahit ni-revive itu ng Dos, at gumanap pa yung batang nanalo sa Star Circle, mas feel ko pa rin yung cartoons na super mulaga ang mata. Havs pa ng nauso noonchi na songlilet ng mga baklang maliet:
Sarah, Sarah prinsesa
Lavinia, Lavinia inggitera
Lottie, Lottie iyakin
Ermengard, Ermengard bobohin (me word bang ganun?)
Ms. Amelia, mukhang (di ko maalala!)
Ms. Minchin, mukhang pera!
Sabay pose ang mga babaylan na pang Ms. U... oh im sure nakikanta ka rin... hihihi! Hanggang ngaun kinakanta pa nila itu...

Blink at Kakeru -- ang naaalala ko lagi eh yung line ng lolo mong ponylet na "Kakeru! Bibigyan kita ng tapang!" Minsan ata binibigyan nya rin ng puto, kutsinta, sapinsapin, putoseko, sundotkulangot at ampaw si Kakeru. Pag naduduwag eh yun ang gini-giblab ni Blink. Eh pano pag sumobra sa tapang? "Kakeru! Magiging duwag ka uli!" ganun ba yun? At alam nyo ba kung ano ang istorya neto? Hinahanap nial yung na "adultnap" na tatay ni Kakeru.

Zenki -- isang bratinellang demonyo na nagiging powerful na warrior pag nabuset kay yaya. Badet ata tong anime na toh, kasi yung mga weapon ni bakla, Palakol ni Diva, Kuko ni Diva, mega call pa sha sa assistance ni Dakilang Bajula. Baklang-bakla davah? AT sinong Diva kaya ang backer nya?! Si Mariah C? Whitney H? Baka naman local, Regine V? Charice P?
Remi -- itu bata pa lang eh tranny na. Kasi dalawang version itu, nung una eh lalaki to, sumpa man mamatay ka man kahit now na. Tapos after a few years eh may remake si ateh, at potek talaga, naging babae na si bakla! Operada! Thank you doc ang drama nya. Tsaka kita mo naman ang chosen profession ni ATeh, street performer! Showgurl davah? Kasama nya sina Jolicor, Dolce, Zerbinop at Capi. Dun sa gurlaloo version eh me sumikat shang single na "aking mudra, ang love mo mudra, hugs and kisses mo sa akin, finding ever ko chorvam" na sumikat sa mga emoterang tulad ko.
Eto yung gurlaloo... naka skinny jeans pa ang hitad!At ito naman sha bago ang operasyon... O di ba? Winner! Sa Malaysia, singganda pero di singmahal!
Nelo at Patrasche -- nahirapan aketch ispilengin nametag ng askal na sosyal! pero knowings nyo sha davah? Oi lumuha ako ng semento dito. Tsaka ni-try ko rin lumilok ng aso gamit ang knife cuts like a knife namin sa haus. Nasugatan lang akesh. Nakrompal pa ni maderakka kasi inukitan ko yung paa ng rattan na sopa namin. Nagbebenta si Kuya ng gatas (ay parang bet kong bumili) tapos si Patrasche yung taga hila ever. Super dukha talaga si Nelo, kaya relate na relate ang mga bata sa iskwater. AT nung na-tegi sila dahil sa sobrang lamig, ngumalngal talaga akeiwa ng bonggang bongga.
X-men -- halleeer di mo kilala ang tropang itu? Ang hunk na si Cyclops, ang bruskong si Wolverine, ang negritang si Storm, ang playgirl na si Jean Gray/Phoenix, ang husky voice na si Rogue, ang kalbong si Prof X... At lahat ng sentinels na kinalaban nila, with matching Magneto. Davah nga ako pa si Wolverine at si Totong si Gambit? Kaya nga nung napanood ko yung xmen origins, naiyak ako kasi nandun na si Gambit. O divah talagang we go way back.
Eto ko oh...At eto kame ni Pa...
Julio at Julia -- ang incest ng tadhana. Si Pudong at Reyna Dowager, ang pagho-holding hands para me pwoer sila at ibaibang level pa yan ng firepower ha. Basta yung pinakamalakas eh level 7 ata.
Tom at Huck -- remember the chant "bahay ni Huck, ginagawa, ginagawa, ginagawa. Bahay ni Huck ginagawa, magagawa na rin." Tapos yung isang leg ng pantalon nya eh nakataas hanggang tuhod. Yung ke Tom eh wala na ko maalala.
Mr. Bogus -- di toh anime. Care ko! List ko toh! Made of clay tong si manong, pero keri nya mag tumbling at kumembot habang nakaturo ang isang daliri sa side. Tsaka puro skit lang ang eksena nya lagi. Basta cute to kaya sinama ko.
Rainbow Brite -- badeth din tong series na to pwamis... Yung horse nya, rainbow ang juntot at hairlaloo, may star pa sa noo. Ang assistant nya, "twink" ang namesung, me headband pa na may star din! Ang mga julalay nya rainbow colored din. At sine-save nya ang mundo para wag mawalan ng color. O diba winner? Pupusta ko, ang hobby neto eh maglaro ng color game sa perya.
He-man at She-ra -- Mag-utol na parehong violent pag naka-drugs. Yung lulurki eh me pet na tigresa na dwakang (duwag). Playboy itu, kahit di kagwapuhan at napakakapal ng bangs. Showoff pa kasi laging nakatrunks. At least si Superman me tights naman. Si She-ra naman eh lagi kong ginagaya nung julilit akiz. Lagi kong ispluk yung "For the Honor of Grayskull, I am She-ra!" sabay open ng payong, kunwari yun yung sword kez.
And lastly, my favorite:

Romeo at Alfred -- itu ang talagang iniyakan ko nung pinapalabas pa lang. Sila yung mga tagalinis ng chimineya. Ang mga "Itim na Magkakapatid" kasama ang mga batang lobo ata yun or mandirigmang lobo. Nakatuluyan nya si Bianca, ang shupatembang ni ALfred, pero duda ko kung di na-tegi onor si boylet eh sila magiging magbowa ni Romeo.

Nung bata, havs kami ng mga tokatoka na role at ang napili ko eh si Nikita. Churi ka, badesa talaga akeiwa kasi si Nikita pala ay nagkukunwari lang na lulurki! Babaita pala itu!!! Super iyakan talaga kami ng mga tropa ko nung nilibing si ALfred at todo birit ang chimineya boys ng "kami ang itim na magkakapatid, magkakasama, laging masaya..." Kakaiyak itu pwamis!
Ikaw, beki? Anung mga kertoons pinanood mo sa shupetbahay mez? For sure sibubaybayan mo ang Sailor Moon?! Hehehe... Badet ka nga kung gayon... Di ka bagay maging maton!

12 comments:

  1. I love Princess Sarah and Peter pan,Nung bata ako gusto ko magkaroon ngf bahay ng kay peter,yung sa ilalim ng puno at yung lumulutang na barko.

    ReplyDelete
  2. how bout Cedie? pero ang paborito ko talaga eh nun late 70s like Candy Candy,Heidi,Nobody's child,Paul in Fantasy land,at syempre ang mga robot cartoons like Voltes V,Mazinger Z,Daimos,Mekanda Robot.nothing beats the cartoons from the late 70s. sama na rin ang Star Rangers--years before Bioman,Shaider ito.

    ReplyDelete
  3. how bout Mojacko on Ch. 7? Mojamoja! like ko din pala un Akazukin Chacha sa Ch. 2--un batang witch,kasama sina Shin-e at Riiya? meron pa character dun na batang malaki ang ulo,me sirena din,tsaka un masungit na witch na si Dorothy,un teacher na malaki mata,anu pangalan nun kaloveteam ni dorothy,un may maliit na manika na nagtuturo ng witchcraft?

    ReplyDelete
  4. Winner! I love Sarah the most. Kase isa syang... hmmm... prinsesa.

    Nice post... reminds me of my childhood noong naglalaro kami ng Miss U Miss U-han.

    ReplyDelete
  5. hahhaa nakakarelate ako ng sobra.. haaay ang sarap maging bata ulit..

    ReplyDelete
  6. Wala paring tatalo kay Rainbow brite at He-man (by the power of Gay skull!) Beking-beki lang. :)

    ReplyDelete
  7. hmnn.. sailormoon ata ako nung mga panahong un e..
    tsaka cinderella.. tska ung mga anime na BTX, magic knights rayearth, dragonball at ghost fighter...
    tanda ko pa din yung popeye the sailorman at tom and jerry.. lol..

    ReplyDelete
  8. Kelangan meron karing version neto?! ahahaha Napatawa mo na nanaman ako to the bones sa entry mo :-D

    ReplyDelete
  9. Sailormoon ang gusto ko kaso lagi ako natatalo ng 2 kong kapatid sa tv kaya puro Shaider, Mask raider Black, Dragonball, Voltes 5, Ultraman ang napapanood ko...hayz..kaya noon madalas kami magbugbugan..hehehe

    ReplyDelete
  10. epek lahat ng pinapanood mo dati neng. nakarelate ako ng bongga pwera lang rainbow brite. huhuhu! di ko alam yun. hahaha! pero lahat yan na-betan ko. hahaha!

    ReplyDelete
  11. i love it specially yung xmen....

    i used to be Gambit kasi pinag aagawan si wolvie sa paglalaro.......

    "Ako si wolverine" sabi ko noon

    "hindi ako si wolverine si gambit ka"sabi ng kalaro ko

    away na kasi inagaw narin ng iba lols....

    funny really...

    another opa yung mga Utraman noon.....nako

    my childhood was real fun because of these cartoons....

    ReplyDelete