6.17.2009

Isang Dating Pag-ibig

Isang kwento ng mga "EX"... Matitiis ko ba namang indi mag-kiss and tell?! Shwempre inde davah… itong c “ex” eh ishoshogo sa pangalang SCOTT kc SCOTT naman talaga namesung nya. Wag na magpaligoy ligoy. Mahal ko naman eh… ipapamalita ko na.

Anyway gokongwei, itong c Scott eh isang kunsintidor na nilalang. Mega lafangan kami pag umaga… este mega lafang pala pag umaga. Kung anik anik ang mga pasalubong ng bayan ko sa kanya pag umeeksena ako. Kahit naka-flag ceremony pa notabells nyan ha, eh good morning na aketchi para magturo ng English. At in Fairview Quezon City, nagsusubuan kame pwamis… ng putot kutsinta, bibingka, puto bungbong, ferrero rocher (zozyal!!!) tsaka minsan strawberries in cream and hersheys… effort to the max kaya ako jan…

Pag mega analyze naman ang energizer kong jutak e di ko lubos majisip baket drawn na drawn ako sa kanya, di pa nmn ako matrona at di naman sha mukhang kolboy. Basta lang close kame sa jisat jisa, at lage kami magkadikit. Daig pa ung dinikit ng mighty bond galore.

Chemical reaction? Pheromones? Lam mo ba un? Ahihihi…un daw un mga kemikal sa shotawan ng tao na me connect sa attraction ng tao sa kapwa tao. Kumbaga eh bodily aphrodisiacs. Oh ang shala divah?! Me sariling pampa-erbog ang mga body beautiful naten.

Yan cguro mewon samen nitong c scott… kc kahit never kameng magkembutan, eh me mga moments pa rin na feeling ko eh naaakit na rin sha sa kaakit akit kong body. Enter Sailor Mars at Sailor Pluto… mga eksenadora sa buhay ketch…

Mars: ate ambisyosa ka talaga. di yun naaakit. nasusuka. Amoy lungad ka kasi ng bata.
Pluto: kinukumbulsyon ka bakla? Saksakan kaya kita ng suppository?!

Bahkeeet?! Masama ba mag-ilusyon?! Sa feeling ko naman talaga shotawan ko lang ang habol nya sa kin. Pag nakuha na nia ang kabirhenan ko eh for sure mwwlan nko ng appeal sa kanya. Bwahahaha! Ambisyosang palaka.

Minsan nga nanaginip akez eh. Shempwe kame ni Scott ang bida. Eh nun kinuwento ko na sa mga Sailor Warriors, nun napanaginipan akez c Scott, havs havs kami ng moments of saylenz na mahaba talaga, tipong shopos na ang mga commercial eh saylenz pa rin kame. Para kameng nasa palabas ni Charlie Chaplin, walang isplukan na naganap. Di naman kami black and white. Parang lakad lakad galore lang sa baywalk, tapos pagliko naming eh circle naman tapos lumiko uli sa Paco Park then kumaliwa uli sa Intramuros…

Mga nakasampung liko ata kame, kaya sampung park din ung narating namin.

Mega sharing nga ako sa kanya nun magkita kami d day after. E kc nga itong c scott eh talagang listener ang drama sa buhay ko. mga tumbling na sumbungan ever, mga cartwheel na goals and dreams and aspirations chorvah sa buhay… yan ung mga topic topican namin pag nagchi-chikahan.

Ispluk nya, ang dream ko daw cguro eh meaning na me mga bagay na knows na nya kahet di ko sabihin. At me mga things daw under the blazing sun na nage-gets nya kahit wai nang usap usap.

Aaaayyy… how sweet…..

Kaya para mang-inggit ng mga mahaderang babaylan eh mega post talaga ko ng blog. Pag nababagot sa opisina, mag internet ka! Pasok sa banga!

Ganyan umikot ang mundo namin ni Scott. Mejo abnormal ung mga eksena namin, me mga pasan pasanan, me mga sumbungan, me mga asaran, me mga sakitan, me mga meaningful converzazions, me mga walang patutunguhan., mewon din namang mga araw na walang usap usap… pero nagkaintindihan nmn kame.

Mga puso namin ang nag-usap.

Chikka lang! nang-iinggit lang ako… masama ba?!

Ayun nung nanaginip ako… wala na daw si Scott, umuwi na ng korea… ay sori na lang ako, di pala panaginip un.....umuwi na talaga sha.

At ipinasalubong nya sa magulang nya ung pinabaon kong puso ko’t kaluluwa. Un lang kaya ko ipabigay eh...

6.15.2009

Ace of Hearts

May na-meet akong magikero. Sabi nya, sundan ko lang daw kung nasaan ang Ace of Hearts and I'll win a prize. Sabi pa nya, "just pick one"... inglisero ang magikero!

"It doesn't matter kung sino, ang pinakaimportante, follow the heart. Follow your heart."

Hinalo-halo nya yung mga cards. Hinilo-hilo, pinaikot-ikot, tinumbling-tumbling at binembang-bembang.

"Just follow the heart, hijo. Your heart."

Sinundan ko ng tingin ang mga cards. Sa kaliwa, sa kanan, sa gitna, sa gilid, sa taas, sa baba. Hanggang makuntento si Manong Magikero at tumingin sa kin. "Where's the heart?"

Nahulaan ko kung nasaan ang heart. Siguro dahil promil kid akez, at dahil mahilig ako sa sakla (kasi ako ay isang bakla -- para rhyme!) Baka dahil isa akong batang may laban.. Posible ring dahil nagsasagutan kami ni Mader Hen ng kanta:

"Look at me, Mom"
"You're my number one"
"Bright as the sun..."
"You're my number one"

Pero ang punto, alam ko kung nasaan ang puso.

Alam ko kung nasaan ang puso ko.

6.14.2009

Mama Trony in the Making






Si Chupul nag-birthday....

At kahit me gatas pa sya sa labi.....


Nagsimula na kong maging matrona.

Helpness...

Havey akechi ng problem, mala end of the world ang leveling...

Uhhm, nakakahiya mang aminin, mga ateng... Di ako marunong kumuda. At bumoda. At kumembot. At bumongkang. At kumembang. At chumorvah...

ng RSS feed! Ahehehe...

Tsaka yang subscribe achuchuchu na yan para mega send na lang si Baklang Maton ng electronic sulat ever sa mga kipay ng mga ate nyo everytime me chorvah akong post ditey sa blogspot eklat ko...

Help naman mga ateng!!! Bobita Peron kasi ang ditse nyo sa ganyaners...

Paging mga sistahs kong adik-adikan sa interchuvanet... Itodo nyo na, pano ko kekembangin na personalized ang background image ng blogelya ko para naman wit sha dry and boringerzie...

Salamat in advance mga "avid readers" kung meron man akechi ng ganyonchi... Tsaka tenchu veri mats sa mga effort na mega commentator sa bawat post... akeiwa rin tatry ko magbato ng opinyon mga ateh... waiting for tonyt lang ha, busy kasi sa inuman ang Baklang Maton...

Next post ko nga pala... update ke Tatay at ke Pa... tsaka ke Daddy at ke Baby... happy family... ahihihi...

6.11.2009

Sumpa ni Calypso


Si Calypso eh junakis ni Baklang Atlas. Remember him? Sa Greek mythology mga vaklushi... Si Atlas yung inspirasyon ni Madam Shawie sa "pasan ko ang earth"... Si Atlas yung pumipigil na maghalikan ang langit at lupa para hindi magsalpukan at madurog ang pokiams na sangkabaklaan...

Itong si Atlas eh isang Titan na natalo sa digmaan, kaya me punishment si bakla na magbuhat ng langit. At itung si pokpok na Calypso eh kumampi sa tatay nya, kaya pati sha eh nadamay sa kaeklatan na parusa.

Anong nangyari ke Calypso?

Mabuhay na manag-uli sa isang isla. ALONE. Forever. Like totally!

Sa bawat isang libong taon, ang mga thunder cats na tagagawa ng kapalaran, eh magpapadala sila ng isang machong papa na magpapa-inlavavoo ke Calypso.

A man she is destined to fall. But a man who will never choose to stay.

At magiging mag-isa uli si baklita. As in mago-moment sha mag-isa kasi nabitin na naman si potah. Magtya-tyaga sha uli sa serbisyo nina Kelly Kamay at Dolly Daliri. Iiyak at magwawala at sasabunutan ang sarili at iuumpog sa pader at magpapakamatay. Pero si ateng ay jisang imortal, kaya mananakit lang lahat ng kasu-kasuan ni bakla pero never shang mamamatay.

Magtitiis na lamang si katimora at mag-eemote na mag-isa. Yun lang ang constant sa buhay ni nini.

MAG-ISA.


But I believe it works in both ways.

Destined na ma-fall si Ditse sa lalaking napadpad sa isla nya. Pero ang lulurki, destined din sang ma-inlove kay Ateng Calypso. It's inevitable.

At habang papalayo ang balsa ni kuya, habang sumasagwan sha pauwi sa kanyang pamilya, walang araw na hindi nya iisipin si Calypso.

She would always be his biggest what if.

6.08.2009

The Strawberry and the Rambutan

Mga becky mae, di to alamat ha! Nakita ko lang tong luma kong post...

Ang rambutan nananatiling nakabitin sa alanganin. hay! just wanna share the kemerlu of why i compare myself to this fruitembang...

I've read somewhere that gelays are like apples on trees. Yung mga panalong panalo at best ones e nasa top of the tree. yung mga boy-china wit nila bet mag-reach for the good ones. kasi daw they are nashoshokot na jumogsak and mapilayan ever. bagkus (wtf?!), mega pulotboys na lang cla ng mga mansanas na jumogsak sa ground... di ganung kaganda pero madaling makuha.

So yung mga apples na nasa tuktok ng ikapitong sanga, nagse-self pity na ang mga bakla. naisip nila, something's wrong with them. pero ang trulili as in ispluk itu ni Jojo Acuin, super amazing extravagant at bonggacious cla. kelangan lang magwaiting for tonight sila sa tamang lulurki na para sa kanila, the one who's brave enough to climb all the way to the top of the tree.

Eto na problema... ang lola mo...indi mansanas! RAMBUTAN ang hitad... kaya pag me umaakyat sa puno ng mansanas, hindi sha pinipitas! nagtataka lang ang mga hombre kung bakit me rambutan sa puno ng mansanas. kaya ayun! up to now, ang ganda ko nananatili sa puno... hindi pinipitas, wala man lang nagtatangka.

Yung mga umaakyat, gus2 lang para ma-experience ang buhay Tarzan. Gus2 lang nilang makita kung totoo bang may himala, pero "Walang Himala! Ang himala ay nasa puso ng tao... ang himala ay nasa puso nating lahat." At shempre, dahil ang kapatid ko ay hindi baboy! Rambutan sha! Rambutan!!!

Sana strawberry na lang ako...o kaya tomato para me lycopene! Iwas kanser..

I'm so confused. I know I conditioned myself to feel this way. its my fault i let myself feel more than what's right. Ang dami na nila dito sa blog ko eh. Me Pa, me Daddy, me Tatay, me Baby... lahat sila mga apple-pickers na nangolekta ng apple sa puno ko, pero ako mismong nakabitin sa sanga eh nanatiling nakabitin...

Ayun ang rambutan hinimas lang ng apple-picker kala pipitasin na sha. hindi rin pala. kc puno na pala basket nya. hay! sana talaga strawberry na lang ako. para isang yuko lng pwede na ko mapitas. nasa baguio pa ko... hay! kundi man ako magiging strawberry, sana na lang... MAHILIG SHA SA RAMBUTAN! ahihihi...




Oi in faraway fairview, dati ko pang post toh. Two years ago pa, sa multiply. Pero waing nagbago sa lifesung ni akelya. Nakabumburumbei pa rin akechi. Naka-hanging by a moment pa rin ang baklang maton sa puno ng iskwater. Pero kahit wichikels nila aketchi pitasin, enjoy naman ako sa paghimas nila eh... so keri na yun.

Choosy pa ba ko? Bakla na, choosy pa? Pero sabi nga ni Ateng Wanda (paging ate Wanda!!! Nasan ka na ber?! nakulong ka ba sa time space warp mo bakla?!) yun nga, sabi ni ateng Wanda, hindi ako mag-iinarte, kasi alam ko, kasi tanggap ko. pero hindi ko rin maipapangako sa sarili ko o kahit kaninuman, na hindi ako masasaktan...

6.07.2009

Ang Alamat ng Baklaran


Me interesting na alamat ang Baklaran courtesy of my fwend's mother dear. Sabi nya, dati daw eh walang pangalan yung lugar, basta part lang daw ng Pasay. Then, me american na madalas magsimba dun at may nakilala si Kano na Badet. Nainlavavoo silang duwa sa jisat jisa at madalas silang magtagpo sa church na yun. Sa sobrang pagmamahal ni Dave kay Bakla (yesterday! Dave ang namesung ni Kano at Audrey ang screen name ni badet -- Adriano in real life) pero mas sanay shang tawaging "Bakla" si Audrey.

Dave: Bakla, I miss you!
Audrey: I miss you too...

Dave: Bakla, do you love me?
Audrey: Yes Dave, I soooo love you.

Dave: Bakla, ch*pain mo ko!
Audrey: *^@#$&&!@# Buti naman ang shugal na natin ngayun ka lang nagyaya! Dive na ang Bakla!!!

Yun nga, sa sobrang pagmamahal ni Dave eh ninenok nya ang papremyong magic sing ni Willie sa Wowowee. Hilig kasi ni Audrey ang kumanta ng matataas (at mahahabang) nota. Eh nabukelya si Dave, kaya tinutugis sha ng mga Zaido.

One day, while nakaluhod si bakla -- nagdarasal -- eh biglang nag-arrive ang si Green Zaido, Blue Zaido at Red Zaido upang hulihin si Dave. Nag-panic si Kano kaya binulungan nya si Audrey para tumakas na at iwan sha. "Bakla, run!" Eh si Bakla, pag nakaluhod, todo concentrate yan kaya di nya narinig yung bulong ni Dave. Kaya bumulong uli si Dave: "Bakla, run!!" pasigaw na bulong ni Dave kung pano sha bumulong ng pasigaw, wa ko idea how. Eh kaso, nabengga na ata tenga ni Bakla, di uli narinig. Kaya napalakas na ang bulong:

"Bakla, RUN!!! Bakla, RUN!!! Bakla, RUN!!!"

At shumakbo ang Bakla, ala-Nancy Navalta.

Never na silang nagkita ule. Na-deport na si Dave at si Audrey eh nakuhang double ni Robin sa Totoy Bato.

Pero ang mga nakasaksi sa pangyayaring ito ay super touched kaya minabuti nilang magbigay tribute kina Dave at Audrey. Mula nga non ay shinowag na Baklaran ang lugar na ito.

Break na Tayey!

Pano ka Kumembot sa Haggard na Break Up?

Mega survey sa ofis ang mga pasaway na ofismate ko. "How did you survive your last break up?" Kumusta naman ang topic, mashadong related sa workaloo. Pero kahit na, sangkatutak talaga "mapag" sa mundo... as in MAPAGPATOL. So shempre nakisali ako, pumatol din ako sa sarvey ni Kuya Goma.

Nakakawindang ang mga sagot! May uminom, umiyak at naligo sa ulan. May kumanta ng "halik" "ulan" at "luha" shempre by Aegis. San ka pa, may sumandal sa dingding at humagulhol habang dahan dahang napapaupo. May nangolekta ng krayola at itinapon ang lahat ng kulay maliban sa black kasi daw "wala ng kulay ang mundo pag wala sha".

Napaisip tuloy ako. How did I survive my own breakup?

Tatlo pa lang masasabi kong breakup na naranasan ko. Yung pangatlo ikukwento ko sa next blog. Parehong ikinasal naman yung dalawang nauna. Mga walangya!

Yung una, mega iyakan kami sa car habang nagda-drive sha. Hinahabol kami gn hagad pero wa ako care. Crylaloo lang along the kahabaan ng kalye ni Epifanio delos Santos (EDSA ateng, wit ka naman slow davah) Kelangan na namin mag-babye moment kasi jontis na ang fiance ng lolo mesh. Tumuloy kami sa Baklaran before kami maghiwalay. Baklaran talaga?! Pwamis trulili itech.

Tinupad nya yung wish ko na makapagsimba kasama yung taong mahal ko at maiharap sha sa dambana. Dahil knowings ko naman na wichiririt nya ko mapapakasalan, eh di the next best thing na lang. Yung maipakilala ko lang sha dun sa nasa Itaas na gumawa sa kin.

Walang sinabi ang baha sa espana nung gayahin nya yung pinaka-iniyakan kong linya sa Love of Siam: "Hindi man pwedeng maging tayo, hindi ibig sabihin non na hindi kita mahal." Ganda ko davah?!


Hindi man kami ikinasal, at least nasabi ko sa Dyos na "Lord, eto sha oh. Kung sa kin talaga, ibigay mo na pls, now na! Kung hindi naman akin, bawiin mo na habang kaya ko pa."

Binawi nga... si Lord talaga di na mabiro.

Yung pangalawa, ineexpect ko na rin kasi nga nagpakasal na rin, ako pa daw gagawing witness sa kasal. Utot nya! Pagkatapos magpakasal, nanganak naman. Dun pa sa araw na pupunta kami dapat sa Puerto.

Basta na lang sha nawala. Tangay nya yung susi sa bahay ko. saka susi sa puso ko. Pati ata susi ng puday ko, ahihihi...

Dun sa dalawang instances na yun, umiyak lang ako ng umiyak. Binigyan ko ng taning ang sarili ko. 10 days. Nag-wallow ako sa pag-eemote.

Bumili ako ng asukal. Nagmatamis ako.

Bumili ako ng sampalok na hilaw, kamyas, balimbing, santol, manggang hilaw at datu puti. Nagmaasim ako.

Bumili rin ako ng ampalaya at poster ni Bitter Ocampo. Anu pa ba eh di nagbitter-bitteran ako.

For ten days, as in pamper to the max.

Nung tenth day, evaluation. Keri ko na ba mag-cartwheel ule? Ang 10-20 at one by one, two by two magagawa ko na ba with grace? Makakapag-cheerdance na ba ko with matching pep bloom? carry ko na ba mag-production number kasayaw ni Kuya Dick at Ate Vi?

HINDI PA.

So, five days ule.

Buysung ule ng pampatamis, pampaasim at pampapakla. Bumili rin ako ng maraming krayola para magkaron ng kulay ang mundo ko. Chararat!

After five days, tapos na... no extensions, tama na ang pag-iinarte.

Kaya nakipagkembangan ako ule ng bonggang bongga. Nakipagkembutan ako ng galore na galore. At nakipag-chukchaktienes ako ng panalung-panalo.

Yan ang style ko.

Hindi ako swan. Kalmadong kalmado sa ibabaw pero haggard na haggard na pala kakakawag sa tubig para mega floating ang baklang swaninella. Hindi rin ako si Krystala este Juday na me timing ang bawat patak ng luha. Hindi ako lalo si Charlie Chaplin na pag umiiyak eh nagtatago lang sa ilalim ng julan para hindi mahalata.

Pag gus2 kong mag-cryola, ka-cryola talaga ko. pag gus2 kong kumembang (o magpakembang) shushuwad akechi. at pag betty la fea kong mag-concert -- eh di kakanta ko! sa tonong mga becky mae lang ang makakasabay.

Ikaw? Pano ka bumabangon sa lusak? Wahehehehe.....

6.03.2009

Just for Tonight

Just for tonight, I'll come to existence.
I'll be me.
I dare myself. I dare my soul.

Only for tonight I'll look you in the eye.
I'll muster the courage, I'll be fierce, I'll be proud.
I know there's nothing, I'm banking on an empty space.
But still, I bet, I won't regret.
Someday you'll see, someday we'll be.

Just for tonight I'll surely say,
What my eyes have told, what my lips deny.
Can't wait for tomorrow, gotta do it tonight.
Shout to the stars, shout to the skies.

You stab my heart, you tug at my soul.
I'm yours, I'm yours... Will you be mine?

Just for a night, let me be the one.
Let me fill you, let me hug you.
Only for a night hold me close...
So close yet so far
Hold me, let me...

Just for one night
Be my baby
Be my maybe
Be my what if
Be my should have been
Be my all...

Only for one night
Realize what I realized
I never said that I love you
So now I'm telling you.

I'm yours!
I'm yours!
I'm yours!

Just for tonight
Be my forever
Be my constant
Be my always
Be mine...

'Coz I am yours tonight
And all the nights to come.


Kala nyo wholesome noh?! Ahihihihi.....

Me Tatay Pa...

Wag nyo sanang isipin na napakalandi ko ha.... ayoko lang maging madamot. Kung gusto nila kong tikman, eh di tikman nila ko di ba? Be generous! Spread love! Populate! (as if naman dadami ako). Eh kahit mabasa ako ng tubig di ako dadami ala-gremlin. Asexual ata ang pagre-reproduce naming mga badet.

Pasintabi sa kalndian ko, kasi... Me bagong cast... si Tatay...


Intro ulit tsaka preface tsaka foreword.

His name is Jeffrey. Jepoy nickname ng lolo mo. Pero tawag ko sa kanya "Tatay" at ako naman si "Mamay". Halos kaedad ni Magic. Mas matangkad nga lang sha. At mas malambing. At mas sweet. At mas showy. At mas expressive. At mas possessive. At mas romantic. At in fairness mas sexy.

Bayaw si Tatay ng pamangkin ko. So again not related to me hehehe. Pero lagi sha andun sa haus ng pamangkin ko kasi close silang magkuya. Dumadaan-daan din lang sha dito nung nakilala ko. Pero shy type ang lolo mo kaya di ako pinapansin ngumingiti lang sha pag nagha-hi ako.

Then nung bday ni Jonel, andun yung kuya nya and sinama sha sa inuman. Lasing-lasingan ang drama ng mga canton boys. In fairness marami akong pulutan non. Mga manginginom hehehe.

Pagdating pa lang nya pa-sweet na ang drama ng lolo mo. Shempre tabi kami eh kaso super sikip ng venue so share lang kami sa armchair. Nun magkatabi na kami nagulat ako kasi me number ako sa phone nya. Yun pala, nung minsang nalasing ako at sinugod ko si Totong (ibang kwento yun) eh nakasalubong ko pala sha at 30 mins ko daw pinindot ang phone nya para lang ilagay yung number ko. At nagtetext daw sha kaso di nagpakilala kaya deadma ako.

Bakit ako magrereply eh di ko naman kilala yung number. Ano ko? Kaladkarin?! Hindi ah!

Dun sa party, subo sha ng subo sa kin... ng pulutan! Share kami sa Lala, chicharon, balat ng baboy, tenga ng baboy, pati sa buntot ng baboy. At lahat ng yun eh isinusubo nya ha. Mega punas din yan sa lips ko pag uminom ako at nabasa ang labi ko. Gamit ang kanyang mga daliri. Parang eksena sa pelikula, tapos may background song na"Multong Bakla".

Me isang hilig sha na di ko mawari pero nasasakyan ko naman. Me candy sha lagi. Max na pula. Pag medjo kalahati nlng, sasabihin nyan "May, kendi" tapos isusubo yung kendi na kalahati sa kin, at ang daliri na nalawayan ko eh sisipsipin nya. Hay! Pag gumaganon sha feeling ko yung hair ko eh umaabot ng Antipolo. Tapos after mga five minutes pag maliit na yung kendi eh hihingin nya ule, kukunin nya sa bibig ko at isusubo sa bibig nya.

Nung minsan, bday nung apo ko na pamangkin ni Tatay, eh kaming dalawa ang bumili ng cake. Ang nakasulat, "Happy 2nd bday Kaila, love Tatay and Mamay" Shempre sa inuman tabi kami. Eh naparami sha ng inom kaya umuwi muna ang lolo mo para mahulasan.

Enter the original bowa. Si Pa dumating at nakiumpok sa min. Naturalmente (anudaw?!) eh sya ang katabi ko davah? Soa yun bulungan na kami ni Pa ng sweet nothings (mas lamang yung nothing kesa sa sweet)... biglang dumating ang Tatay. Kinuha ang kamay ko, at hinila ko sa tabi nya. At saka ako kinamkam. As in bawal tumayo, bawal umalis ng di ko sha kasama, at bawal makipag-inuman sa iba. Me sarili kaming bote, churi ka.

Kaumpok din namin ang ama ko. As in biological father mga ateng. Si Ambo. Aba, tinuro ko, sabi ko "Tay, yun ang tatay ko." aba windang na kung windang, maski si Totong natulala, nung sumagot si Tay ng "Ay musta po, sir. Ako po pala si Jepoy, dyowa po ng anak nyo."

After that, naupo kami uli sa pwesto namin, at biglang kumanta si Tina Paner. Because we kissed. Full. On the mouth. With tongue. Yung makapigil-hiningang kiss. Yung parang me camera na umiikot sa min. Yung kiss na parang walang hanggan. Pero isang saglit lang yun. Ang tamis ng una naming halik.....

Kami pa rin ngayon. Fortunately, sweet pa rin sha. Cuddly pa rin. We still kiss, though not as hot and as passionate unlike nung first.

Nothing beats the first kiss talaga. Kahit di namin first time pareho, it was the first kiss we shared, and it wouldn't be the last.

Mabuhay si Tina Paner! Mabuhay!