6.14.2009

Helpness...

Havey akechi ng problem, mala end of the world ang leveling...

Uhhm, nakakahiya mang aminin, mga ateng... Di ako marunong kumuda. At bumoda. At kumembot. At bumongkang. At kumembang. At chumorvah...

ng RSS feed! Ahehehe...

Tsaka yang subscribe achuchuchu na yan para mega send na lang si Baklang Maton ng electronic sulat ever sa mga kipay ng mga ate nyo everytime me chorvah akong post ditey sa blogspot eklat ko...

Help naman mga ateng!!! Bobita Peron kasi ang ditse nyo sa ganyaners...

Paging mga sistahs kong adik-adikan sa interchuvanet... Itodo nyo na, pano ko kekembangin na personalized ang background image ng blogelya ko para naman wit sha dry and boringerzie...

Salamat in advance mga "avid readers" kung meron man akechi ng ganyonchi... Tsaka tenchu veri mats sa mga effort na mega commentator sa bawat post... akeiwa rin tatry ko magbato ng opinyon mga ateh... waiting for tonyt lang ha, busy kasi sa inuman ang Baklang Maton...

Next post ko nga pala... update ke Tatay at ke Pa... tsaka ke Daddy at ke Baby... happy family... ahihihi...

6.11.2009

Sumpa ni Calypso


Si Calypso eh junakis ni Baklang Atlas. Remember him? Sa Greek mythology mga vaklushi... Si Atlas yung inspirasyon ni Madam Shawie sa "pasan ko ang earth"... Si Atlas yung pumipigil na maghalikan ang langit at lupa para hindi magsalpukan at madurog ang pokiams na sangkabaklaan...

Itong si Atlas eh isang Titan na natalo sa digmaan, kaya me punishment si bakla na magbuhat ng langit. At itung si pokpok na Calypso eh kumampi sa tatay nya, kaya pati sha eh nadamay sa kaeklatan na parusa.

Anong nangyari ke Calypso?

Mabuhay na manag-uli sa isang isla. ALONE. Forever. Like totally!

Sa bawat isang libong taon, ang mga thunder cats na tagagawa ng kapalaran, eh magpapadala sila ng isang machong papa na magpapa-inlavavoo ke Calypso.

A man she is destined to fall. But a man who will never choose to stay.

At magiging mag-isa uli si baklita. As in mago-moment sha mag-isa kasi nabitin na naman si potah. Magtya-tyaga sha uli sa serbisyo nina Kelly Kamay at Dolly Daliri. Iiyak at magwawala at sasabunutan ang sarili at iuumpog sa pader at magpapakamatay. Pero si ateng ay jisang imortal, kaya mananakit lang lahat ng kasu-kasuan ni bakla pero never shang mamamatay.

Magtitiis na lamang si katimora at mag-eemote na mag-isa. Yun lang ang constant sa buhay ni nini.

MAG-ISA.


But I believe it works in both ways.

Destined na ma-fall si Ditse sa lalaking napadpad sa isla nya. Pero ang lulurki, destined din sang ma-inlove kay Ateng Calypso. It's inevitable.

At habang papalayo ang balsa ni kuya, habang sumasagwan sha pauwi sa kanyang pamilya, walang araw na hindi nya iisipin si Calypso.

She would always be his biggest what if.

6.08.2009

The Strawberry and the Rambutan

Mga becky mae, di to alamat ha! Nakita ko lang tong luma kong post...

Ang rambutan nananatiling nakabitin sa alanganin. hay! just wanna share the kemerlu of why i compare myself to this fruitembang...

I've read somewhere that gelays are like apples on trees. Yung mga panalong panalo at best ones e nasa top of the tree. yung mga boy-china wit nila bet mag-reach for the good ones. kasi daw they are nashoshokot na jumogsak and mapilayan ever. bagkus (wtf?!), mega pulotboys na lang cla ng mga mansanas na jumogsak sa ground... di ganung kaganda pero madaling makuha.

So yung mga apples na nasa tuktok ng ikapitong sanga, nagse-self pity na ang mga bakla. naisip nila, something's wrong with them. pero ang trulili as in ispluk itu ni Jojo Acuin, super amazing extravagant at bonggacious cla. kelangan lang magwaiting for tonight sila sa tamang lulurki na para sa kanila, the one who's brave enough to climb all the way to the top of the tree.

Eto na problema... ang lola mo...indi mansanas! RAMBUTAN ang hitad... kaya pag me umaakyat sa puno ng mansanas, hindi sha pinipitas! nagtataka lang ang mga hombre kung bakit me rambutan sa puno ng mansanas. kaya ayun! up to now, ang ganda ko nananatili sa puno... hindi pinipitas, wala man lang nagtatangka.

Yung mga umaakyat, gus2 lang para ma-experience ang buhay Tarzan. Gus2 lang nilang makita kung totoo bang may himala, pero "Walang Himala! Ang himala ay nasa puso ng tao... ang himala ay nasa puso nating lahat." At shempre, dahil ang kapatid ko ay hindi baboy! Rambutan sha! Rambutan!!!

Sana strawberry na lang ako...o kaya tomato para me lycopene! Iwas kanser..

I'm so confused. I know I conditioned myself to feel this way. its my fault i let myself feel more than what's right. Ang dami na nila dito sa blog ko eh. Me Pa, me Daddy, me Tatay, me Baby... lahat sila mga apple-pickers na nangolekta ng apple sa puno ko, pero ako mismong nakabitin sa sanga eh nanatiling nakabitin...

Ayun ang rambutan hinimas lang ng apple-picker kala pipitasin na sha. hindi rin pala. kc puno na pala basket nya. hay! sana talaga strawberry na lang ako. para isang yuko lng pwede na ko mapitas. nasa baguio pa ko... hay! kundi man ako magiging strawberry, sana na lang... MAHILIG SHA SA RAMBUTAN! ahihihi...




Oi in faraway fairview, dati ko pang post toh. Two years ago pa, sa multiply. Pero waing nagbago sa lifesung ni akelya. Nakabumburumbei pa rin akechi. Naka-hanging by a moment pa rin ang baklang maton sa puno ng iskwater. Pero kahit wichikels nila aketchi pitasin, enjoy naman ako sa paghimas nila eh... so keri na yun.

Choosy pa ba ko? Bakla na, choosy pa? Pero sabi nga ni Ateng Wanda (paging ate Wanda!!! Nasan ka na ber?! nakulong ka ba sa time space warp mo bakla?!) yun nga, sabi ni ateng Wanda, hindi ako mag-iinarte, kasi alam ko, kasi tanggap ko. pero hindi ko rin maipapangako sa sarili ko o kahit kaninuman, na hindi ako masasaktan...

6.07.2009

Ang Alamat ng Baklaran


Me interesting na alamat ang Baklaran courtesy of my fwend's mother dear. Sabi nya, dati daw eh walang pangalan yung lugar, basta part lang daw ng Pasay. Then, me american na madalas magsimba dun at may nakilala si Kano na Badet. Nainlavavoo silang duwa sa jisat jisa at madalas silang magtagpo sa church na yun. Sa sobrang pagmamahal ni Dave kay Bakla (yesterday! Dave ang namesung ni Kano at Audrey ang screen name ni badet -- Adriano in real life) pero mas sanay shang tawaging "Bakla" si Audrey.

Dave: Bakla, I miss you!
Audrey: I miss you too...

Dave: Bakla, do you love me?
Audrey: Yes Dave, I soooo love you.

Dave: Bakla, ch*pain mo ko!
Audrey: *^@#$&&!@# Buti naman ang shugal na natin ngayun ka lang nagyaya! Dive na ang Bakla!!!

Yun nga, sa sobrang pagmamahal ni Dave eh ninenok nya ang papremyong magic sing ni Willie sa Wowowee. Hilig kasi ni Audrey ang kumanta ng matataas (at mahahabang) nota. Eh nabukelya si Dave, kaya tinutugis sha ng mga Zaido.

One day, while nakaluhod si bakla -- nagdarasal -- eh biglang nag-arrive ang si Green Zaido, Blue Zaido at Red Zaido upang hulihin si Dave. Nag-panic si Kano kaya binulungan nya si Audrey para tumakas na at iwan sha. "Bakla, run!" Eh si Bakla, pag nakaluhod, todo concentrate yan kaya di nya narinig yung bulong ni Dave. Kaya bumulong uli si Dave: "Bakla, run!!" pasigaw na bulong ni Dave kung pano sha bumulong ng pasigaw, wa ko idea how. Eh kaso, nabengga na ata tenga ni Bakla, di uli narinig. Kaya napalakas na ang bulong:

"Bakla, RUN!!! Bakla, RUN!!! Bakla, RUN!!!"

At shumakbo ang Bakla, ala-Nancy Navalta.

Never na silang nagkita ule. Na-deport na si Dave at si Audrey eh nakuhang double ni Robin sa Totoy Bato.

Pero ang mga nakasaksi sa pangyayaring ito ay super touched kaya minabuti nilang magbigay tribute kina Dave at Audrey. Mula nga non ay shinowag na Baklaran ang lugar na ito.

Break na Tayey!

Pano ka Kumembot sa Haggard na Break Up?

Mega survey sa ofis ang mga pasaway na ofismate ko. "How did you survive your last break up?" Kumusta naman ang topic, mashadong related sa workaloo. Pero kahit na, sangkatutak talaga "mapag" sa mundo... as in MAPAGPATOL. So shempre nakisali ako, pumatol din ako sa sarvey ni Kuya Goma.

Nakakawindang ang mga sagot! May uminom, umiyak at naligo sa ulan. May kumanta ng "halik" "ulan" at "luha" shempre by Aegis. San ka pa, may sumandal sa dingding at humagulhol habang dahan dahang napapaupo. May nangolekta ng krayola at itinapon ang lahat ng kulay maliban sa black kasi daw "wala ng kulay ang mundo pag wala sha".

Napaisip tuloy ako. How did I survive my own breakup?

Tatlo pa lang masasabi kong breakup na naranasan ko. Yung pangatlo ikukwento ko sa next blog. Parehong ikinasal naman yung dalawang nauna. Mga walangya!

Yung una, mega iyakan kami sa car habang nagda-drive sha. Hinahabol kami gn hagad pero wa ako care. Crylaloo lang along the kahabaan ng kalye ni Epifanio delos Santos (EDSA ateng, wit ka naman slow davah) Kelangan na namin mag-babye moment kasi jontis na ang fiance ng lolo mesh. Tumuloy kami sa Baklaran before kami maghiwalay. Baklaran talaga?! Pwamis trulili itech.

Tinupad nya yung wish ko na makapagsimba kasama yung taong mahal ko at maiharap sha sa dambana. Dahil knowings ko naman na wichiririt nya ko mapapakasalan, eh di the next best thing na lang. Yung maipakilala ko lang sha dun sa nasa Itaas na gumawa sa kin.

Walang sinabi ang baha sa espana nung gayahin nya yung pinaka-iniyakan kong linya sa Love of Siam: "Hindi man pwedeng maging tayo, hindi ibig sabihin non na hindi kita mahal." Ganda ko davah?!


Hindi man kami ikinasal, at least nasabi ko sa Dyos na "Lord, eto sha oh. Kung sa kin talaga, ibigay mo na pls, now na! Kung hindi naman akin, bawiin mo na habang kaya ko pa."

Binawi nga... si Lord talaga di na mabiro.

Yung pangalawa, ineexpect ko na rin kasi nga nagpakasal na rin, ako pa daw gagawing witness sa kasal. Utot nya! Pagkatapos magpakasal, nanganak naman. Dun pa sa araw na pupunta kami dapat sa Puerto.

Basta na lang sha nawala. Tangay nya yung susi sa bahay ko. saka susi sa puso ko. Pati ata susi ng puday ko, ahihihi...

Dun sa dalawang instances na yun, umiyak lang ako ng umiyak. Binigyan ko ng taning ang sarili ko. 10 days. Nag-wallow ako sa pag-eemote.

Bumili ako ng asukal. Nagmatamis ako.

Bumili ako ng sampalok na hilaw, kamyas, balimbing, santol, manggang hilaw at datu puti. Nagmaasim ako.

Bumili rin ako ng ampalaya at poster ni Bitter Ocampo. Anu pa ba eh di nagbitter-bitteran ako.

For ten days, as in pamper to the max.

Nung tenth day, evaluation. Keri ko na ba mag-cartwheel ule? Ang 10-20 at one by one, two by two magagawa ko na ba with grace? Makakapag-cheerdance na ba ko with matching pep bloom? carry ko na ba mag-production number kasayaw ni Kuya Dick at Ate Vi?

HINDI PA.

So, five days ule.

Buysung ule ng pampatamis, pampaasim at pampapakla. Bumili rin ako ng maraming krayola para magkaron ng kulay ang mundo ko. Chararat!

After five days, tapos na... no extensions, tama na ang pag-iinarte.

Kaya nakipagkembangan ako ule ng bonggang bongga. Nakipagkembutan ako ng galore na galore. At nakipag-chukchaktienes ako ng panalung-panalo.

Yan ang style ko.

Hindi ako swan. Kalmadong kalmado sa ibabaw pero haggard na haggard na pala kakakawag sa tubig para mega floating ang baklang swaninella. Hindi rin ako si Krystala este Juday na me timing ang bawat patak ng luha. Hindi ako lalo si Charlie Chaplin na pag umiiyak eh nagtatago lang sa ilalim ng julan para hindi mahalata.

Pag gus2 kong mag-cryola, ka-cryola talaga ko. pag gus2 kong kumembang (o magpakembang) shushuwad akechi. at pag betty la fea kong mag-concert -- eh di kakanta ko! sa tonong mga becky mae lang ang makakasabay.

Ikaw? Pano ka bumabangon sa lusak? Wahehehehe.....

6.03.2009

Just for Tonight

Just for tonight, I'll come to existence.
I'll be me.
I dare myself. I dare my soul.

Only for tonight I'll look you in the eye.
I'll muster the courage, I'll be fierce, I'll be proud.
I know there's nothing, I'm banking on an empty space.
But still, I bet, I won't regret.
Someday you'll see, someday we'll be.

Just for tonight I'll surely say,
What my eyes have told, what my lips deny.
Can't wait for tomorrow, gotta do it tonight.
Shout to the stars, shout to the skies.

You stab my heart, you tug at my soul.
I'm yours, I'm yours... Will you be mine?

Just for a night, let me be the one.
Let me fill you, let me hug you.
Only for a night hold me close...
So close yet so far
Hold me, let me...

Just for one night
Be my baby
Be my maybe
Be my what if
Be my should have been
Be my all...

Only for one night
Realize what I realized
I never said that I love you
So now I'm telling you.

I'm yours!
I'm yours!
I'm yours!

Just for tonight
Be my forever
Be my constant
Be my always
Be mine...

'Coz I am yours tonight
And all the nights to come.


Kala nyo wholesome noh?! Ahihihihi.....

Me Tatay Pa...

Wag nyo sanang isipin na napakalandi ko ha.... ayoko lang maging madamot. Kung gusto nila kong tikman, eh di tikman nila ko di ba? Be generous! Spread love! Populate! (as if naman dadami ako). Eh kahit mabasa ako ng tubig di ako dadami ala-gremlin. Asexual ata ang pagre-reproduce naming mga badet.

Pasintabi sa kalndian ko, kasi... Me bagong cast... si Tatay...


Intro ulit tsaka preface tsaka foreword.

His name is Jeffrey. Jepoy nickname ng lolo mo. Pero tawag ko sa kanya "Tatay" at ako naman si "Mamay". Halos kaedad ni Magic. Mas matangkad nga lang sha. At mas malambing. At mas sweet. At mas showy. At mas expressive. At mas possessive. At mas romantic. At in fairness mas sexy.

Bayaw si Tatay ng pamangkin ko. So again not related to me hehehe. Pero lagi sha andun sa haus ng pamangkin ko kasi close silang magkuya. Dumadaan-daan din lang sha dito nung nakilala ko. Pero shy type ang lolo mo kaya di ako pinapansin ngumingiti lang sha pag nagha-hi ako.

Then nung bday ni Jonel, andun yung kuya nya and sinama sha sa inuman. Lasing-lasingan ang drama ng mga canton boys. In fairness marami akong pulutan non. Mga manginginom hehehe.

Pagdating pa lang nya pa-sweet na ang drama ng lolo mo. Shempre tabi kami eh kaso super sikip ng venue so share lang kami sa armchair. Nun magkatabi na kami nagulat ako kasi me number ako sa phone nya. Yun pala, nung minsang nalasing ako at sinugod ko si Totong (ibang kwento yun) eh nakasalubong ko pala sha at 30 mins ko daw pinindot ang phone nya para lang ilagay yung number ko. At nagtetext daw sha kaso di nagpakilala kaya deadma ako.

Bakit ako magrereply eh di ko naman kilala yung number. Ano ko? Kaladkarin?! Hindi ah!

Dun sa party, subo sha ng subo sa kin... ng pulutan! Share kami sa Lala, chicharon, balat ng baboy, tenga ng baboy, pati sa buntot ng baboy. At lahat ng yun eh isinusubo nya ha. Mega punas din yan sa lips ko pag uminom ako at nabasa ang labi ko. Gamit ang kanyang mga daliri. Parang eksena sa pelikula, tapos may background song na"Multong Bakla".

Me isang hilig sha na di ko mawari pero nasasakyan ko naman. Me candy sha lagi. Max na pula. Pag medjo kalahati nlng, sasabihin nyan "May, kendi" tapos isusubo yung kendi na kalahati sa kin, at ang daliri na nalawayan ko eh sisipsipin nya. Hay! Pag gumaganon sha feeling ko yung hair ko eh umaabot ng Antipolo. Tapos after mga five minutes pag maliit na yung kendi eh hihingin nya ule, kukunin nya sa bibig ko at isusubo sa bibig nya.

Nung minsan, bday nung apo ko na pamangkin ni Tatay, eh kaming dalawa ang bumili ng cake. Ang nakasulat, "Happy 2nd bday Kaila, love Tatay and Mamay" Shempre sa inuman tabi kami. Eh naparami sha ng inom kaya umuwi muna ang lolo mo para mahulasan.

Enter the original bowa. Si Pa dumating at nakiumpok sa min. Naturalmente (anudaw?!) eh sya ang katabi ko davah? Soa yun bulungan na kami ni Pa ng sweet nothings (mas lamang yung nothing kesa sa sweet)... biglang dumating ang Tatay. Kinuha ang kamay ko, at hinila ko sa tabi nya. At saka ako kinamkam. As in bawal tumayo, bawal umalis ng di ko sha kasama, at bawal makipag-inuman sa iba. Me sarili kaming bote, churi ka.

Kaumpok din namin ang ama ko. As in biological father mga ateng. Si Ambo. Aba, tinuro ko, sabi ko "Tay, yun ang tatay ko." aba windang na kung windang, maski si Totong natulala, nung sumagot si Tay ng "Ay musta po, sir. Ako po pala si Jepoy, dyowa po ng anak nyo."

After that, naupo kami uli sa pwesto namin, at biglang kumanta si Tina Paner. Because we kissed. Full. On the mouth. With tongue. Yung makapigil-hiningang kiss. Yung parang me camera na umiikot sa min. Yung kiss na parang walang hanggan. Pero isang saglit lang yun. Ang tamis ng una naming halik.....

Kami pa rin ngayon. Fortunately, sweet pa rin sha. Cuddly pa rin. We still kiss, though not as hot and as passionate unlike nung first.

Nothing beats the first kiss talaga. Kahit di namin first time pareho, it was the first kiss we shared, and it wouldn't be the last.

Mabuhay si Tina Paner! Mabuhay!

5.29.2009

My Chupul

Kumpletuhin na natin ang cast. Ang nawawala, at ang pinakagwapo: si Baby Magic.


O di ba, kumpleto na ang pamilya. Me Papa, me Daddy, me Baby.


Itung si Baby Magic, nakakahiya mang aminin, eh way younger sa age ko. As in way, way younger. Way, way, way younger. To simplify, kababata sha ng kapatid kong lightyears away ang age gap sa kin.


So pano sha napasali sa listahan? Kasi sha ung super gwapo. Everytime nakakasalubong ko sha sa iskwater, I swear umaakyat ang bahay bata ko at nagpapa-sirko sirko ng todong todo. Para shang pinaglihi sa pagnanasa. Para shang naglalakad na ulam. Para shang sugo ng demonyo para magkasala ka talaga ng walang humpay. Ganun sha kagwapo.


Shempre para paraan lang yan kung pano ko sha makikilala. Eventually nakuha ko ang number nya at nagtxt kami. Napabili pa ko ng smart na sim card para di haggard sa load nya. At naranasan ko pano ma-feel maging mama trony. Di man nya intensyon, di man nya hingin, binibigay ko na pala pati ulam ng kapitbahay ko.


Sa dinami-dami ng canton boys, sa kanya lang nagselos si Totong. Ang tawag ni Pa ke Baby eh "pokpok" kasi daw kahit andun sha na asawa, eh hindi umaalis ang Baby. Kahit din daw bata pa eh mashadong nang malandi. At porke din daw gwapo eh sinasamantala. If i know selos lang si Pa.


Nakakakilig pag nasa bahay si Magic. Nagre-wrestling kami nyan sa kama. Yung wholesome na wrestling ha. Daganan, kilitian, harutan. Mahilig sha magpa-alaga palibhasa nga eh bata pa. Gus2 nya pagluluto mo sha ng ulam, gus2 nya me pasalubong ako sa kanya, gus2 nya rin lagi kami magkatext ng "good morning baby!" "good pm" "good night" at "sweet dreamz" with matching "mwah!" and "tsup tsup tsup"... Gus2 nya rin, sabay kami lagi mag-aalmusal.

Me tawagan din kami. Chupul. Anung meaning? Wa ako idea. Basta pag magkatext kami, un ang intro... "Chupul..." Minsan me smiley, minsan me wink, minsan me question mark, minsan me exclamation point! Tsaka sa phonelilet nya, cute ang name ko.

"Im Yours" at saka "My Vampire" kasi peborit ko yung I'm Yours ni Jason Mraz at saka adik ako sa Twilight. O di ba sweetums kami. Namesung naman nya sa kipay ko, este sa Phonekit ko eh "Vash" at "Chupul" shempre. Basta sweet kami.

Nung minsan din, nainis ako kasi me usapan kaming magkekembangan. Sabi ko "u dont deserve me, dont text me anymore." Ang reply, nag-somersault talaga ang puso ko: "Sori ha. Cge I wont text you anymore. Sha nga pala, mahal na ata kita." Kung nag-dive lang ako sa Olympics nung time na un, PERFECT TEN!!!

Ok naman di ba? Sweet pa nga kung tutuusin. Pero me isa pa shang gus2 na ikina-tumbling talaga ng katinuan ko.


Gus2 nya rin, lumipat na ko ng bahay. Gus2 nya rin isama ko sha. Gus2 nya na umalis na kami ng iskwater at magsama na parang sina Adan at Eba... ay Adan at Adan pala.. Gus2 nya ganito kasi gus2 nya lumayo sa pamilya nya.


Sa puntong yun, nakalag ang matres ko na naka-stapler lang sa makeshift ovary ko.


Keri kong magluto ng hapunan. Keri kong magprito ng tanghalian. Keri kong maggawa ng biko at latik para sa merienda. Keri ko rin kahit mamaga na hinlalaki ko para itext sha ng walang humpay at sulit na sulit ang unlitxt.


Pero di ko pa pala keri maging mama san. Yung supercalifragilisticexpialidocious na pagiging mama san. Yung me kasama ng tuition fee at allowance. Pati na rin school projects at field trips, thesis at research. At lalo na yung PTA fee, library fee at miscaleaneous fee. Di pa ko matrona.



Saka na. Hihihi...

5.01.2009

Si BLMDM.....

It’s time to name him.


Breakfast.


Kilala ko na sha bata pa lang sha. As in nung bata pa lang. mga 7 yrs old. Pamangkin sha ng ninong ko, kapitbahay din namin sa iskwater shempre, at kilala ko ang buong pamilya nya. Pero di kami close.


Tawag sa kanya d2, kilay. Di dahil maganda kilay nya. Ang hobby kasi ng lolo mo, pag walang magawa eh magsunog ng kilay. Or magbunot. Literal itu mga ate. Hindi yung pangkikay na bunot with matching kikay-twisor ha. Ito yung bunot na ka-level ng pag-iikot ni Sisa sa mga buhok nya pag hinahanap nya sina Crispin at Basilio. Yung bunot na mukha shang walang kilay. Hmmm… kalahati naman ang natira impernes.


Lunch.


Lumipat ako dito last year ng August. Pero di ko pa rin sha nakikita. Simbang gabi ko sha unang nakita. Hiningi ang number, kinulit, chinika.


Nung naginuman kami nung bagong taon, sumilip sya. At kahit and2 si Pa, pinapasok ko pa rin sha. Itong new year na to ang bonggang-bongga kong welcome sa iskwater. 12 na lalaki ang kasama sa inuman, at ang eksena nila ay strip-spin-the-bottle. Actually ang tawag nila jan ay “hubaran”. Shempre go ako di ba?


Dun ko sha fully na-appreciate. Kasi di sha close sa mga kasama namin pero mega join pa rin sha sa hubaran. Nakahawak nga lang sha sa kembot nya the whole time na huvad sha. Pero nakita ko…. Hehehe!


Di ko alam bakit sha ang idinidikit nila sa kin that night. Basta namalayan ko na lang na kasama ko sha bumili ng yelo sa ministop. Mga 3 blocks away sa haus. At all the way na papunta kami dun, hhww-pssp kami. Holding hands while walking, pa sway-sway pa!


Sa paglalakad, tinanong ko ang lolo mo. “Pumapatol ka ba sa badet?”

“Hindi eh.” Ayyyy basted… “Pero kung sayo pwede.”


Ay me ganun?! Eh di naging kami na that night. As in that night lang. kasi the following days, nahiya na sya sa kin. Napag-alaman ko sa mga friendship nya na di talaga sya sanay sa badet. Sa kin lang daw sya hindi nailang. Sa bahay ko lang sya tumambay. Sa kin din lang sya nagpapahalik at nagpapayakap. Pero walang kembot.


Merienda.


Mula nung New Year, sya ang naging panuhol ng Canton Boys. Pag gus2 nila puwesto dito sa haus habang umiinom, siya ang frontliner. Pag kinulang ang budget nila at gus2 pa ng nomo, siya ang bubulong sa kin. Sya din lang ang me kakayahang magbukas ng ref na hindi ako maiinis. Sya din lang ang pwede tumambay dun kahit wala ako.


Minsan natsismis sya dito sa iskwater. Me pokpokita kasi dito na nagtetext sa kanya. Ang pokpokitang ito eh nabuntis na dati… and guess what? Si Totong ko ang nakabuntis! Trulili! At matapos nya ma-chukchaktienes si Totong eh pina-jompon nya ang bebi gel… Sa halagang 10 kiyaw.


At ngayon eh si BLMDM ko naman ang kinakalantari nya. Nung nakarating sa mother hen niya ang balita, galit na galit ang buong angkan! Giyera kung giyera. Lahat sila tutol. At nung naka chikahan ko ang father bear, mega sumbong. Wag na daw syang mag-aral kung dun lang sya jojogsak sa pokpokita.


May I answer naman ako: “Oo nga noh Kuya Joel, mabuti pa ako na lang syotain ng anak mo.” Sabi ko. “Mabuti pa nga! Ako hindi namimili basta matino lang ihaharap nya sa kin!” sagot naman ng paderakka. Ay winner ang bakla! Me blessing na ng byenan!!!


Dinner.


Todo closeness kami nitong huling holy week. As in araw araw eh nasa bahay sya. Nag-iinternet, nag-iinom, nagdi-dvd, nagluluto, nagpapapak (ng fudang ha, hindi ako pinapapak nya). Lagi ko syang kasama. Hmmm siguro kasi wala rin si Pa nowadays.


Nung huling inuman namin, ang daming bulong ng lolo mo. Lahat pabulong. At mega hawak sa tuhod ko, mega yakap sa pictorials, mega pahalik pag kinakati ako. At me bago na syang title. Me batang bibo kasi dito ang tawag sa kin eh Mommy. Actually eh apo ko na yung bata, pero ung tatay nya na pamangkin ko eh kaedad ko lang halos. Tawag sa kin nung bata eh “Mommy”. Mula nung gabing yon, “Daddy” na rin ang itinawag nya ke BLMDM. Hehehe… One big happy family.


Syempre inuman ito so nabanggit si Totong ko. Sabi ko, “oh mga canton boys, you know the drill. Pag andito si Pa, wala muna kayo ayt?”


“Pati ako?” mega tanong ang BLMDM. Natahimik naman ako.

“Oo, pati ikaw. Di naman tayo di ba?”

Parang nalungkot ang lolo mo. Sabay sagot

“Oo nga. Hindi tayo........ Hindi pa.”


Natahimik na naman ako.


Midnight Snack.


Sa ngayon eh ilang araw ko na syang di nakikita. Bumalik na kasi si Pa. Wala muna si Daddy. Pero nami-miss ko sya.


Wala pang ending ang kwento namin. Me mga susunod pang chapters. Ang di ko lang sigurado, magiging main character ba sya sa kwento ko, oh magiging “wala sa nabanggit” lang sya sa multiple choice?


Ahem… pwedeng sya ang final answer.


Syangapala, siya si BLMDM. Si Daddy. Si Jonel.


4.13.2009

My not-so-holy Holy Week

Holy Week... In fairness di man lang ako nakasilip sa simbahan, not even once. Ibang bisita iglesia ito... But, not the sinful kind so no worries mga fans ahihihihi...


Konting kembot sa mga trip ko this week.


Suva's Place. Me resort palang ganun?! Anu bang gagawin ng isang bektas sa isang grupo na puro boylet?! Eh di maging muse!!! Katorse kami, kasama ko ang labindalawang canton boys. Canton boys kasi as in everyday, mega paluto sila ng pancit canton super duper over hot chili flavor. Sa trip namin, take note: dalawang traysikel lang transpo namen.. Imajinin mo na lang pano nakaakyat ang trike sakay ang pito katao with matching bagelya at mga fudang... me kalan pa!!! Mega convoy kami (convoy daw oh!) going to the Land of Hinulugang Taktak...para tumaktak... ahehehe!

Tatlo kaming gurlilet, at ako lang ang may kipay shempre, ung kanila peyk. Ang mga kupal na tinamaan ng magaling, ayaw ako isali sa pyramid!!! Eh nun college ako ang "flyer" ngaun gus2 ba naman nasa ilalim ako... as in aapakan ang ganda ko para makaakyat cla sa rurok ng tagumpay... Wai na! Wag na mag-pyramid leche...

Umeksena lang naman kame dun. Nag-matador ng walang humpay, kumain sa reynold's foil ala-boodle fight. Mega-pose sa puno. Kurekted by! Puno talaga as in mango tree... Unleash your inner monkey... Gora canton boys.... minsan ung "canton" letter T ang dulo... as in hihihi.

Meron akong karir ditey shempre... Mawawala ba ang kakatihan ni Katrina Ilagan? Etong si Career Number 18 na ata (i'll track the names ha...) eh maginoo pero mejo bastos... ay wagi!!! Sha daw dapat ang BLMDM ko... as in breakfast-lunch-merienda-dinner-midnight snack...

Si BLMDM ay makulet, torpe, silent type, mejo nonsense kausap (hehehe) at mapagpatol. Pero in fairness ha, never ko pa kinembang yan pwamis. Friendship ito, swear. Kunwa-kunwarian lang.. Pag me inuman at wa-i na silang pambili ng pulutan, ako pupulutanin nyan. Pag naiinitan tatambay sa cool and comfy kong balay. Pag nagugutom, magpapaluto ng anufahbah kundi pancit canton... Sha ang kinarir ko sa Suva's Place... Muntik ko ng gawing Subo's Place...

Sa mga ganitong eksena, favorite ko ang "banlaw time"... Shempre to the tune of Marian Rivera's latest hit, ang pagbabanlaw ay me theme song na "Sabay sabay tayo... itaas ang kamay..." kaya shempre kasali rin ang baklang maton. Makikiligo rin, makikishampoo, makikisabon.... hmmm...

Matapos un, nabulag ang baklang maton. Makasalanan kasi ang mga mata ko. Ay hindi, nalagyan lng pala ng sabon ang eye2eye ko... i-eyemo mo! gets the red out in sixty seconds... Ang canton boys, naging shampoo boys, with matching conditioner, at saka leave-on.

Webes pa lang na kaganapan sa Holy Week ito... Umuwi akong bisaklat. Nangawit kasi sa trike! Dumi ng brainwaves mo ha.

Nun Byernes naman, mega swim ako sa Gay Summer Capital of the Philippines, ang Puerto Gaylera!!! YESterday, today and tomorrow!Natuloy din sa wakas... Wala nga lang si Pa, me inaalagaang baby bubot.

Kesehodang Byernes Santo at delikado daw magbyahe sabi ni Mahoma, gora pa rin ang mga becky.... minsan lang itu... sumakto pa na bilog ang buwan... Fight mga Sailor Moon!!!


Eto sina Sailor Pluto in her stunning blue ensemble at Sailor Mars in her inspiring cream outfit:



Asus! Pupunta lang pala kami don para bumorlogs at kumamot ng pantal... In SM Fairview, pantay na pantay ang schedule of activities namin. Borlogs 101 from 12nn-6pm, Landi 101 from 6pm-6am, Eklipany 101 uli (idlip) ng 6am-12nn, swim pauwi sa manila...

Nakita ko dun ag aking not-so-reliable na friendship (not-so-reliable kasi laging busy ang dial tone nya) na si Ana Banana... eto marami talagang "ka-te" sa katawan. Bonding bonding sa duyan. Eto eh bago kami bumorlogs ng 12nn, flight na kasi nya ng 1130am. In fainess literal ung flight ha... May sa-Darna kasi si Bakla... ay si Babae pala.

Kumembot din naman kami... May contest pa itu... paramihan, palakihan, pagwapuhan... Sa criterias na nabanggit, lost kaming dalawa kay Sailor Mars. Kasi me nakembang sha na di nya nakuha sa "jurassic", as in straight guy itu na nakasalubong nya lang sa pasilyo. Chinky and lanky ang lolo mo... my kind of guy, kaso naunahan ako ni bakla.

Ayun, Sabado de Gloria eh go home na ang mga Sailor Warriors. Syangapala... ako si Chibyusa... san ka pa?!

Moon Crystal Power! Moon Prism Power! Moon Scepter Power!