kung ang pag-ibig ay walang sinasanto, mas lalo na ang kasawian. ang sabi nga sa isang kanta noong panahon ng shoulder pads sa T-shirt, "Umiiyak ang aking pusong nagdurusa, ngunit ayokong may makakita..." meron ka mang mall of asia, o sentimental lang ang value mo, hindi ka exempted sa kasawian.
estapadora ka man o nagpapa-five six, gimikera o antisocial, tatamaan ka ng kasawian. henyo ka man o atribida lang, photogenic o layogenic lang, generic o branded, hindi ka immuned sa kasawian. at kapag tinamaan ka, kakanta ka ng "ayaw ko nang manalamin, nasasaktan ang damdamin..." kahit hindi ka fan ng aegis.
alam mong hindi ka baduy, si andrea botecelli ang idol mo at wacoal ang bra mo. pero "LUHA" ang aawitin mo pagdilat sa umaga at pagpikit sa gabi, and all the time in between. at talagang nakakaiyak manalamin kapag sawi dahil ang makikita mo ay aswang na sinabuyan ng agua bendita. tatalikod ka na lang at maghahanap ng pwedeng i-massacre.
you are so blood-thirsty, you dare not blink. you want to see them die one by one, two by two. where is the queen? they sizzle and hiss, you tell them "your pain is nothing compared to mine." your tears will fall down and you will contemplate on the phrase "drowning your tears". and the words that pierced your heart like a billion ants' sting will echo in your mind, shattering your body, heart and soul all over again. "HINDI KITA MAHAL. IM SORRY."
pero importante ang kasawian. sa tuwing magmamahal at mabibigo ang isang tao, ano? susuko agad? mawawalan ng tamis at kulay ang buhay, kc wala ng thrill. wala tayong matututunang leksyon kung hindi natin papayagan ang sarili natin na masaktan. pain is important. isipin mo na lang kung walang nararamdamang sakit ang isang tao. siguro bali-bali na buto natin hindi pa natin alam. napapaso at nasusunog na tayo ay nakangiti pa tayo.
HINDI NATIN MALALAMAN NA MASAKIT MASUGATAN KUNG HINDI MUNA TAYO NASUGATAN. at dahil nalaman na natin, alam na natin para HINDI NA MAULIT.
i just wanted to share this beautiful chenelin i have read in a book. it just captured my sentiments exactly. i am not immuned to pain. and clearly, i am not immuned to heartbreak.
pero kahit na ganun. nag-wish na ko sa langit. sabi kc, pag humiling ka raw, matutupad un. kaso sa dami ng mga nagwi-wish marami cla backlog. kaya it would take years bago matupad. pero matutupad pa rin. il just wait for the right time para ibigay na ung wish ko. someday... ahihihi! anlandi ng ate nyo!
ang kapitbahay mong bagong kasal. ang mga iyon, dapat mo ng hadlangan bago pa umabot sa annulment ang pagsasama. o kaya, ang maid mong isang linggo nang kinikilig dahil nakita nang personal c dennis trillo. pero mahirap puksain ang mga bagong kasal at mas mahirap mawalan ng maid. kaya makontento ka na lng sa mga langgam na nangahas magtayo ng empire sa ilalim ng aparador mo. parang incredible hulk na itutulak mo ang aparador, kukuha ng posporo, kandila at mga inuwing kubyertos mula sa jolibee at mcdo. sisindihan mo ang mga yon at patutuluin sa mga natutureteng langgam.

oo nman. walang exempted sa kasawian at alam nating lahat yan. hehehe. ano ba naman kasi yang wish mo???
ReplyDelete