3.11.2009

Ma at Pa

Nakatikim ka nab a ng apdo ng tilapia? Yung pumutok… sobrang pait! Well, ganun lasa ng taste buds ko ngaun. Bakit kamo? IKAKASAL NA SIYA.


Ang nakaraan:


Nung bata ako, “Sita” ang tawag sa kin ng Mommy ko. As in Prinsesita. Ahehehe… At Sita pa lang ako, kilala ko na si Totong. Noon pa. Malaya pa ang puso kong magmahal. Kaya di applicable sa kin yung song na “Bukas na lang kita Mamahalin” ni Ateng Lani. Pero di ko pa naman alam un non, na pwede pala magmahal ng lalaki ang lalaki rin.


Best of friends ang mga nanay namin. Pulis ang tatay nya at stepdad ko. Me connection kumbaga. Me common denominator. Kaya dahil don, nagging close din kami. Si Gambit sya, si Wolverine ako. Si Blue Three sya, si Green Two ako (yellow four sa gabi). Ilang suntukan din ang namagitan sa min. si wolverine ang lola mo… me lisensya ko mangalmot! Eh si gambit sha di ba? Si gago binabato ako ng baraha! Weeehhh pauso!


We drifted apart noong high school kasi lumipat ako. Nag-OFW muna ko sa Pandacan hahaha… shempre makulay din ang mundo ko don. Dun ako na-deflower (lande!) dun ako naging badet. Dun ako natutong bumoda, bumongkang, kumembot, chumorvah, at kung anek-anek pa sa ilalim ng pangangalaga ng aking wise lola.


Up until college, walang pagkakaibigan na namagitan sa min. Hi-hello lang. Tamang smile pag nagkasalubong. Tamang tukso pag nagkita. Tamang asar. Tamang tapik. Tamang halik… naging ritwal ko kasi ang humalik sa kanya everytime na nakikita ko siya. At pag new year, kung anong taon na, ganun din un number ng kiss. Kung 07 = pitong kiss. Kung 08 = walong kiss…


Ang di ko maintindihan, constant panaginip ko sya. As in. Every month, me isang gabi doon na dedicated sa kanya. Lagging nauudlot na pagkekembutan. Basta me eksena kami pero di lagi natutuloy. Parang pinapasabik ako, tinutukso, nilalandi ng memorya ko. Lagi din kasali ung eksena namin nung bata na niyaya nya ko at nag-inarte ako. “Subo mo! Sige na, tapos susubo ko rin yung sayo!” Ito ang una kong indecent proposal. At ang una kong pambabasted. “Anu ka? Di naman ako bakla eh!” Not yet, anyway… Di ko rin maintindihan bakit ko sya napapanaginipan. Basta once a month me eksena sya.


Sa ilang taon na di kami nagkasama, ilang tao rin ang nakasama ko. Ilang lulurki rin ang pumila sa kin (pumila daw oh!) ilang ombre din ang napa-oohhlala sa alindog ko. Ilang straight, straight-tripper, straight-curious, bisexual, bi-curious, discreet gay, payolang sosyal, “gumigimik sa mall”, masahista, payola, at kung anik-anik pa bang tawag sa kanila. PLUs ika nga (people like us).

Nung finally eh bumalik ako sa iskwater, nabuo muli ang connection namin.

Nagkaroon kami ng pagkakataong i-rekindle ang kandila ng aming pagkakaibigan. Uhhmm, in layman’s term, nag-inuman kami uli ng walang humpay. Tumoma ng matador at emperador. Nagbanlaw ng redhorse at SMB. Namulutan ng pistachio at sisig. At naging mag-Ma at Pa. *kilig*


Ilang buwan rin na ditto sya nakatambay. Ilang weekend rin na di ako gumimik para makipag-chikahan sa kanya. iIang beses na rin nya ko nahuli na me chinochorvah. At ilang beses na rin sha chumorvah.


Pero kahit ilang beses pa kami magsama, kahit ilang beses pa kami magchorvahan, me isang bagay na isang beses nya lang sinabi at di ko talaga kinayang pakinggan: “Ma, buntis na ang aswang. Ikakasal na kami.”


Hanggang ngayon, nagkukunwari pa rin akong di ko narinig yon. Deadma! Ma at pa!

2 comments:

  1. aba ampait nga naman ng ganyang eksena. hahaha! so ano naikasal na ba siya????

    ma at pa talaga???

    nakakatawa naman yung mga gnagamit mong words....

    ReplyDelete
  2. @dilan, yesterday ikinasal na sha... pero pumupunta pa rin d2 every once in a while.. Ma at Pa pa rin tawagan namin, aswang pa rin tawag ko sa kabit nya... hihihi... update ko si Pa next blog..

    ReplyDelete