3.29.2012

The Multiple Degrees of Separation from BiEm Pascual

Ate na ang panganay ni Totong. Me baby na si Magic - inaanak ko rin. Ka-birthday ni Utoy ang panganay nya. Sabay kapag naliligo sina Jonel at ang "boo" nya. Ang Marvin may Facebook account na. Si Jepoy bikini open veteran. Most of the canton boys namomroblema sa pambili ng bear brand panggatas ng mga junakis. Even Waldo, me girlfriend na rin, katabi pa nya sa profile pic. Kahit si Papa El me tinatawag ng "mahal ko" sa mga comments. Si "fifteenth" nalaglag na sa countdown ng tuluyan. I also confirmed that Daduds already has a wife. An expected twist of fate -- 2 years late.

In time for my new journey.

Lahat sila nag-move on na. Ako na lang ang hindi. Pero teka, ambilis ko ata. I'm getting ahead of myself. Bat di ko muna ikwento ang istorya ko? Bat di ko ikembot ang landi ko? Bat di ko iladlad ang kapa ko? Bat di ko basagin ang banga ko? (titingin ng direcho sa camera...) Sasabihin ko na... Lahat...

I wanted to write my Nine Separations. Unfortunately, I had no time but to write it on my head, and hope that I would be able to relay them to you. Lahat ng eksena, lahat ng kembot, lahat ng luha. Too many words, too many stories, too little time.


I'm going away. I might blog again, I might not return as BM, but I will ALWAYS write. I apologize if ever you won't be able to read them yet. Soon, I hope. For now, let me open my arms and give you the warmest hug I could ever give.

"This is the beginning of the end...pasok na sa banga!" Yan ang intro nung unang ginagawa kong kabaklaan.

"No more hiding. Beki and proud." Yan naman sana ang last words ever.
Sa tuwing nakaharap ako sa keyboard, tumatakbo ang utak ko kung pano ko isusulat lahat ng kabaklaan na pwedeng mahagilap sa mundong ibabaw. Pag naglalakad, pag nanonood, pag kumakain, pag tumatae, pag umuutot, pag nakikipagkembangan, pag naiinlove, pag kinikilig, pag natatakot, pag tulala. Lahat ng ginagawa ko, iniisip ko kung pano ko magandang maiikwento.

Saying goodbye to the people who matter is never an easy thing for me. Sa dinami-dami ng blogelya na naisulat ko ditey, obvious na obvious na kung gano ko kabilis ma-attach, at kung gano ko katagal ma-detach. Me dobol lock lagi ang puso ni Bi-Em sa mga taong mahal nya at mahal sha. It's just how I roll.

With the previous blogs that I posted and the next blogs that I'm gonna post in preparation for Bi-Em's death, please bear with me. Mamamaalam lang ang Baklang Maton sa mga taong di ko maatim na iwan, pero kailangan.

I hope God can give me the courage to write the things that I should write. These may not matter to you, mga readers. Chikka lang, it would matter to the people who matters to me, so keri bam bam na rin.


Think of this as Bi-Em's epitaph.
Ngayon, kailangan ko munang magpahinga.

Sa lahat ng nagtiwala sa akin minsan, sana magtiwala kayo ulit. Pag kaya ko nang sumugal uli, pag kaya ko nang maging maton ulit. Pero ngayon, I would have to say "gorabelles muna aketch". Life goes on. Isasara ko muna ang banga. Para pag handa na kong magsulat ng panibagong kabanata, makita nyo. Ako pa rin to.

I will always be Bi-Em.




Bakla. Maton. Masaya.


But for now, I'll see you soon...





Separation is almost over...

3.14.2012

A Happiness of Gays

Shrewdness of apes. Congregation of alligators. Unkindness of ravens. Battery of barracudas. Piteousness of Turtle doves. Flamboyance of flamingoes. Yung pinakahuli siguro ang pinakabongga. Napaisip ako ng semi-malalim. Pano sa grupo ng mga bektaz?

3.02.2012

Paru-Parong Beki

Bago ang post, eto muna ang link sa aking twitter mga beks. Alam nyo naman mas active ang Bi-Em dun, follow nyo na lang akez.

As I have my countdown to my 3rd anniversary sa blogelya, itey ang isang alamat mula sa baul. Si Butterina, at ang Mahiwagang Sirena, mga alamat na walang konek sa isa't isa.

Source: http://s677.photobucket.com/profile/FoxyTisha/index