5.26.2011

Angel Locsin!



Dahil kakanood ko lang ng In the Name of Love na bonggang bongga naman talaga, naalala ko bigla yung kalurkey na kwento ni Angel Locsin sa Toy Kingdom.





Si baklang Medusa, havs yan ng jumangkin na ishogo natin sa namesung na Benedict. Ang bonding nila lagi eh role-playing. Uhmm, acshuali eh inuuto madalas ni Medusa si Benedict.

Minsan Ben10 sila. Minsan naman, member ng Justice League. Minsan din, Power Rangers. Madalas, si Benedict eh yung male lead role, at si Medusa ang female lead role. At si boytoy, talagang naniniwala kay Medusa.

Ang pinaka-latest nga eh si Lia. Pag napapanood ni Benedict ang Imortal, susulyap na yan kay Medusa sabay tawag ng "Angel Locsin, palabas mo na!"

Minsan, kinumpronta ni Benedict si Angel.

"Tito, niloloko mo ko. Hindi ka naman si Angel Locsin eh!"

"Huh? Bakit?" Nagtaka pa si bakla.

"Eh bakit pag nakikipaglaban si Lia, nakapalda sha? Di ka naman nagpapalda eh." oh di ba me common sense ang bata?

"Ah, di talaga ako nagpapalda kasi wala namang mga kalaban dito. Shempre normal na tao ako dito sa bahay kaya dapat nakapantalon. Pero may baon akong palda sa bag."

Dahil sa mga kaeklatan ni bakla, kung ani-anik nang mga palusot ang naikembular nya mapanindigan nya lang na sha si Angel Locsin.

Nagtxt pa ang bakla. As per Angel himself:

Gaga ka eto ang accurate na eksena sis:

Habang naglalaro ako ng plants vs zombies sa desktop,lalapit c Benedict.

Benedict: Hay naku,alam ko na ang sekreto mu.Niloloko mu pla ko bilang leader ng Justice Friends naten.D naman pla ikaw c Angel Locsin! Napanuod ko cya kagabi sa tv,naka skirt cya, sabi ni mommy, ang girls, lage naka skirt, pero ikaw.. ikaw bakit d ka nagskiskirt eh girl c Angel Locsin, bading ka ata eh!

Medusa: (ititigil ang paglaban sa Gargantuar at ipa-pause ang laro).. naku beast boy, paxenxa ka na..twing gabi lang kc ako nagiging lobo,isang malaking sekreto ang katauhan ko bilang Angel Locsin kc hinahanap tau ng mga kalabang bampira.Kaya lage ako naka shorts at pantalon sa umaga pra madali ako makalaban sa mga kaaway naten

Benedict: Buti naman cnabi mu ung totoo kung hindi tatanggalin na sana kita sa Justice Friends. Cge,secret natin ang pagiging Angel Locsin mu sa umaga.D naten sasabihin kahit kay Mama Ceto kc bka sabihin nya sa kapitbahay!

Kasagsagan ng init sa takilya ng In the Name of Love ni Ateng Cedes nyo, ng biglang magkagulo sa SM Southmall. Gento kasi yun...

Namamasyal ang maglo-lolang sina Ceto (mudak ni Medusa), si Medusa at shempre ang jumangkin na si Benedict. Naka-shades pa si Bakla para di mahalata ang Louis Vuitton nyang eye-bagelya sa fez kasi galing pa kamo ng graveyard shift ang lola mo.

Enter the door sa Toy Kingdom ang mag-lola, naiwan si Medusa sa may entrance. Pagdaan sa toy kingdom, super turo c Benedict ng mga laruan na napapanuod nya sa cartoon network, sa kagustuhan ni becky na wag mag abono sa magugustuhang laruan ni Benedict, nagpa iwan sa labas at mega chunky check ng mga bags na para sa kanyang netbook..

Naglibot ang mag-lola sa kadulu-duluhan ng aisle na may mga toys na nagpa-party party pag patay na lahat ng ilaw -- ala Toy Story 3 (na kapapanood ko lang kanina ahehehe).

Me natipuhan ang Benedict sa mga toys na naka-display. Eh kaso mo, each item was sold separately. Kaya windang si Lola Ceto kasi ba naman, Ma'am, tumataginting na 2 kiyok pesosesoses ang halaga ng toy na pinapabili ng bulinggit.

"EX JAPAN!" Ang sigaw ni lola-belles. "Wit! Witchiririt ko iba-buysung mez ang toy na yan for you! Maharlika mashado!" talak ng thunder cat.

Tantrums galore ngayon ang bagets. Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa, umikot nang umikot pero ayaw naman humanap ng iba. Wit ata sha familiar sa kanta. Basta nagmaktol ng nagmaktol ang santol. Nagmaasim ng bongga, nagpagulong-gulong paakyat sa escalator, nag-tarzan sa mga higanteng buntot ng mga unggoy, at ngumawa ng ngumawa na daig pa ang baklang iniwan ng constru na jowa.

Pero si lola mo, deadma. Me ismid pang kasama.

Nung hindi umubra eksena ng bagets, takbo ang Benedict. Habol si lola. Sha naman ngayon ang di umubra sa liksi ni Ben10. Karipas talaga eh. Parang blurred na nga yung paa. Lumingon sha sa kanyang pinanggalingan, kaya nung makarating na sha sa kanyang paroroonan, pwede na shang matinik ng malalim.

After 15 minutes, while d becky is checking one particular netbuk sleeve...

Biglang pinunit ang katahimikan ng mga nagkukunwaring nagsa-shopping ng isang nakapangingilabot na boses. "Paging Mr. Kris Amy L. Mendoza, you're wanted at the customer service, customer service. Please proceed here immediately."

Ay hindi pala yun ang bumasag sa katahimikan. Habang tahimik na nagsa-shopping shoppingan ang mga utaw sa SM Southmall, biglang may isang bagets na sumigaw:

"Angel Locsin! Angel Locsin! Angel Locsin!"

Muntik ng magkaroon ng stampede. Kandalingon ang mga tao. Kandahaba ang mga leeg. At ng makita si Angel Locsin, ang lahat ng miron... nga-nga.

Papalapit na si Benedict, at shempre ang nilapitan nya ay si Angel Locsin... aka Medusa sa blog na ito. "Angel Locsin! Angel Locsin! Angel Locsin, di mu ba ko naririnig? Me magandang laruan dun na wolf sa loob, ayaw ako ibili ni mama kasi mahal daw, ibili mu naman ako.. Ibili mo ko nung toy! Angel Locsin! Please sige na andun yung toy na gusto ko!"

Pati yung Miss na nagtitinda sa booth nakiepal. "Naku sir, ikaw pla ung tnatawag nyang Angel Locsin, akala ng kasama ko, me promo ng pelikula dito sina Angel at Aga! Sir, tingnan mo, nakatingin sau ang mga fans mu.. " nakangisi na di mo alam kung namumuri ang hitad o nang iinsulto.

Habang naka-ngiting aso este lobo pla, "Hehe, ikaw talaga Benedict," sabay kurot ng madiin sa puwet ng bata... "Sabi ko sau di ba, wag mu ipagkakalat sa mga tao na ako si Angel Locsin, ayan, nakatingin tuloy cla sa ten!"

Habang mangiyak ngiyak ang bata dahil sa kurot. "Tinatawag kc kita, di ka natingin eh!"

Ngiwi ang eksena ni bakla, sabay luhod at bulong kay Benedict. "Naku, di ba secret natin yun? Dapat di mo sinasabi ng malakas, kasi maraming kalaban dito! Wag kang maingay!"

"Hah?! May kalaban ba?!" pabulong din na sagot ng bata. "Asan ang mga kalaban?! Wala naman akong napansin." sabay linga rin ng bagets sa paligid.

"Nagtatago lang yung mga yun, pero biglang a-atack pag nalaman na andito tayo. Dapat wag kang maingay." naka-smile pero nakangiwi at magkadikit ang mga ngipin na kuda ni bakla.

"Naku Angel Locsin, pasensya ka na. Hindi ko kasi alam, kasi parang okay naman ang mga tao dito. Pero sige na, please ibili mo na ko nung toy."

"Halika nga," sabay suot ng shades pra maiwasan ang usyoso ng madlang pipol na nakatingin pa din, "Nasaan na ba yang lola mu at hinahayaan kang tumakbo takbod2 sa mall.."

Nakahabol na rin sa wakas si Lola. "Naku itong batang to. Ambilis tumakbo! Pinagod mo ko!" habol din ng kuda ang literal na lola.

"Ma! Bakit mo naman pinabayaang magsisigaw si Benedict dito. Nakakahiya! Ang lakas pa ng boses! Anu ba yung inuungot neto?" pabulong na sigaw si Medusa sa Mudak nya.

"Bibilhin ba toh, ang mahal eh.. Bigla biglang nagwala yan at tumakbo at hinanap ka.. Hay naku anak, ang mahal ng itinuturong laruan!"

"Ibili mo! Kahit ilang milyon pa yan bilhin mo na! Bilhin mo tapos umalis na tayo agad dito. baka dumugin ako! Bayaran na yan, marami taung pera.. Laruan lang yan ng matigil ang eksena ng batang yan! Kunin mo ang check book!"

"Check book mo?" ask ni mother goose.

"Hindi, check book ni Angel Locsin!" he-he-he.

"Fine ibibili na."
sabay walk out papuntang counter pra magpaysung

"Oo nga, lola, bilisan natin." singit ng bagets. "Marami pala kaming kalaban ni Angel Locsin dito!" Kahit ibibili na ng laruan eh palinga-linga pa rin si Benedict, naghahanap ng mga kalaban...

Ang ending, napabili si bakla ng laruan worth 2k, makaalis lang ng mabilisan sa Toy Kingdom, at makaiwas sa mga kalaban, este sa mga taong naghahanap kay Angel Locsin.


Nung kinuwento sa kin ni Medusa tong eksena nyang to habang mega lafang kami sa Gateway, the sholbam capital of the world, ang naikuda ko na lang... "Pa-SOCO mo!" Hay naku Medusa, ikaw talaga ang ITINAKDANG BAKLA!

At me isa pa shang pinoproblema. Sa isipan kasi ni Benedict, me isa pa shang alter ego.



Minsan, sha rin si Anne Curtis.

*********************

Eto ang text sa kin ni Medusa. "Sis,nasend ko na sau ang original version ng imortal sa MOA! Maging fair ka becky, i-blog mu din c Lenita ha at ang garisson belt ni kuya! Hahaha!

At para fair ako, iba-blog ko rin ang kembot ni Lenita aka Galema mamaya. =)

11 comments:

  1. daming kong tawa BM. Anu pala yung ibig sabihin ng sholbam?

    ReplyDelete
  2. lols. grabe ang iscandalous agaw eksena sa toy kingdom. lols

    ReplyDelete
  3. nice to hear from you again BM, miss u... clap. clap. clap...

    Dock

    ReplyDelete
  4. wooooohhhhh! tawa ko ng tawa!:))

    uu nga, anu yugn sholbam?

    ReplyDelete
  5. ampowtuh!!! NKKLK ang eksena. tawa din ako ng tawa. LELS!

    ReplyDelete
  6. sholbam di ba callboy din yun.. tama ba.. hahaha super laff talaga ako sa blog na ito. panalooo. waging wagi....

    ReplyDelete
  7. serbisyo legal ang sholbam.... un ang pagkaka-Alam ko.... ang bongga ni angel locsin..... pasabog sa toy kingdom

    ReplyDelete
  8. Tawa Galore! haha.

    ReplyDelete
  9. malandi as in mala luis alandi talaga hahaha

    ReplyDelete
  10. hahaha tang* natawa ako dito... IT from T...S nako tago muna LOL

    ReplyDelete
  11. kulit !!!

    tangnamech na bata ... tang - urat heheh ...

    ka2wa po =)

    ReplyDelete