9.08.2009

Misteryo sa Iskwater

Aaminin ko, medyo malabo ang mga pangyayari tungkol sa mga kwentong ito. First hand ko sha na-experience pero di ko pa rin maexplain hanggang ngayon. Super vague kasi ng mga details, tsaka bata pa ko nung mangyari toh. Tsismosa lang talaga ang bakla kaya ako naging eyewitness.

Hmmm... Bakit ba pag horror eh laging me flashback? Wit ko knows ang sagot. Pero parang maganda shang intro...

Taong 1993. Binalot ng hiwaga ang buong iskwater.

Iisa lang ang bakery ditey. Ang bakery ni Aling Cristy. Popular sha not becoz masarap ang pagkakalamas ng mga breadtalk, kundi dahil sa dalawang tindera: si Monica, at si Beth. As in marami silang manliligaw, at talagang kinukuyog sila ng mga birds and bees. Mga napakalibog na birds and bees.

Inpernes, close ako sa kanila. Ate ang tawag ko sa dalawa, at lagi rin akong nakatambay sa bakery. Hindi para manligaw ha, kundi para magpatambok ng kipay. Malay mo, madaan sa lamas ahihihi! Bunso pa nga ang tawag sa kin ni Ate Beth, habang Utoy naman tawag sa kin ni Ate Monica. AT laging me dagdag pag bumibili ako ng pandesalsal.

Itong si Monica eh nainlurve kay Bimbo. Di pa uso nun ang eheads, kaya di pa sila sumasayaw habang magkahawak ang kanilang kamay. Pero naging mag-kyeme sila at nagpa-sweet sa tuwing me duty ang Monica sa bakery.

Lingid sa kanilang knowledge eh may lihim din palang pagtingin itung si Beth kay Bimbo. Yesterday! Love triangle itu! At sa tuwing magla-laving laving ang duwa, eh ngitngit na ngitngit na pala si babaita sa selos. Jelly de belen to da max ang hitad! Pero wa pansin sa kanya itung si El Bimbo na mahal na mahal si Monica Brava.

Biglang umuwi sa probinsya si Beth. Nawalan sha ng komunikasyon sa dalawa. At sina Monica naman at Bimbo ay nagpakasal at tuluyan ng nagsama. Everything's fine, until one day...

Humahangos ang lahat ng tao sa direksyon ng balaysung nila Bimbo at Monica. Kumpol-kumpol ang mga tao kasi, nangingisay daw at parang sinasapian ang babae! Sigaw ng sigaw, nagwawala, walang makapigil dahil sobrang lakas daw, at nanlilisik ang mata!

Shempre, ang lilet (baklang maliet) eh tsismosang tunay. Nakiakyat sa bahay at nakiusyoso. Since close nga ako sa dalawa, right ko na makisagap ng chika. Pero nung andun na ko, at nakita ko ang pangingisay ng Ate Monica ko, napaluha ako kasi hirap na hirap talaga sha.

Tinawag ko sha, "Ate Monica, anong nangyayari sayo?" at umeksena na talaga ko ng bonggang bongga kasi nga kahit nakakatakot, at tumatayo ang mga baby fats ko sa shutawan, eh di ako makaalis sa pwesto ko. Prime seat kasi yun, kita lahat ng kaganapan! Pero parang tumigil ang mundo ko, nung mapatingin sa kin si Ate Monica habang umiiyak.

"Bunso...." sabi nya habang nakatitig sa kin.

"Ate Beth?" Nagulat ako, kasi si Ate Beth lang ang tumatawag sa kin ng bunso! At nung tinawag ko sha, yung saktong tumingin ang mga mata nya sa kin, sigurado ako. Hindi si Ate Monica yun. Si Ate Beth yun! Bigla shang nanlambot at hinimatay. Napatakbo na lang ako sa bahay at umiyak sa kwarto ko.

Hinanap nila si Ate Beth, nagtanong sa mga kakilala, at tinunton sa probinsya. Pero hindi nila nakita si Ate Beth. Me mga nagsabi na mangkukulam raw ang nanay nya, me mga nagsabi na namatay raw at sumapi kay Ate Monica, may mga nagsabi rin na dwende daw yun na naihian sa bukid. Iba ibang theories, pero walang nakumpirma kahit isa. Pero ang sigurado, sumasapi si Ate Beth kay Ate Monica.

Gabi gabi pa ring sinasapian si Ate Monica. At eto pa, madalas daw habang nagkekembangan sina Ate Monica at Kuya Bimbo, bigla raw nag-iiba ang boses ni Ate at naging si Ate Beth sa gitna ng kanilang pagdudutdutan. Minsan daw ay bigla na lang silang nagpapalitan sa gitna ng kwentuhan at babalik sha sa pagiging Ate Monica after a few kembots and cartwheels.

Di ko alam kung isa itong case ng split personality, or schizoprenia. Baka stressed si Ate Monica at nag-a-act out sha para mailabas ang pent up emotions nya. Baka may ambisyon sha mag-starstruck o Star Circle. Or baka balak mag-audition ng lola mo sa Big Brother o Survivor. Marami kaming di alam at di na siguro malalaman pa.

Hindi na nakita si Ate Beth. Natigil na rin ang pagsapi nya kay Ate Monica mula nung mabuntis siya sa panganay nila ni Bimbo. Eventually ay naghiwalay rin ang dalawa. Ang sinasabing dahilan, parang naapektuhan na raw ang pagsasama ng dalawa sa lahat ng kababalaghan na bumalot sa pagsasama nila. Maraming katanungan na hindi na malalaman ang kasagutan.

Basta ang alam ko lang, ang panganay nilang anak...





Kamukhang-kamukha ni Ate Beth.

14 comments:

  1. in pernes ha. kinalibutan ako "sa bunso". kakaluka naman kasi itey na si beth kalabet, hoping na makeme ni Bimbo.

    Si ate Monica mo naman panalo sa acting, naiisip ko ang prime seat na inuupuan mo habng nagaganap ang sapi-sapi.

    nakakita rin ako ng sinsapian noong bata ako sa iskul di ko keri!

    ReplyDelete
  2. kalurkey naman itech! Sana malaman natin kung anong nangyari kay ate beth... awooo!

    ReplyDelete
  3. wolongyo! di ko kinaya to bunso este utoy, este bunso..hanuvayan?!

    kinilabutan ako dun ah.. yikes!

    ReplyDelete
  4. Naman Palaman! Gulaman! Ka-orkot. Pwedeng gawing Korean/Japanese horror flick. At nag-LA Lopez si Ate Beth.

    ReplyDelete
  5. haru jusko! hanu ba yang huwento na yan! nakakakilabot. utoy naman, sana inimbistigahan mu. echos! asan na sila bimbo ngayon? chikaminute?! :))

    ReplyDelete
  6. bunso..... bunsoooooo..... bunsoooooooooooooooooo......

    ReplyDelete
  7. Putang-ina natakot ako ng very very mild. Sana gawing horror movie ito. Panlaban sa mga Asian horror!!!

    PS Kudos to Beth, resourceful sya...

    ReplyDelete
  8. kalokah! na-hook ako sa misteryong 'to. parang florinda slash patayin sa sindak si barbara slash the exorcist slash soco. choz! :)

    ReplyDelete
  9. kalurkey ka gurl. bonggang bonga ang istoryang itesh. ang taray ng eksena mo. :)

    ReplyDelete
  10. may pagka-horror aman ito... sakto, solo ko bahay namen today.. ampf!

    ReplyDelete
  11. aba naman gurl. kakatakot naman tong post na ito. pero me tirang bakla talaga. hahaha... nagpapatambok ng keps. natawa ako dun...

    anong pakiramdam mo nung naisip mong sinasapian nga siya ni beth???

    hala ka. i see dead people ang drama. haha! swerte naman ni beth... nakikipagkembangan siya sa bet niya. hahaha!

    ReplyDelete
  12. witembang akong na-shokot..mas na-curious ako kasi ung flow of circumstances nakakaloka. Nawaley c beth tamayo, taz biglang me sapi si monica brava, taz ung junakis nila ni Bimbo Salazar eh kamukha ng nawawalang c beth tamayo.

    hmmmmm...coincidence? pwde, pero parang me koneksyon silang tatlo eh.

    Sarap talaga basahin ng blogelya mo teh, me variety. di puro kalandian at pag-ibig...

    me pang-SRR pa. sali mo sa MMFF ung script teh.

    ReplyDelete