3.24.2009

Puerto o Puerta?

Naexcite ako sa Puerto. Pinili nya ang Puerta.


Excited na ko mag-empake. Lunes pa lang ata nakalista na mga dadalhin ko. Make-up kit, extra napkin para pag nagkaroon ako bigla, bikinis, tanning lotion, kamison, lace na black bra, aroma candles… ay mali sa trip to Bahamas ko pala yun! Damit at pera lang pala inimpake ko…


Pupunta kasi kami ni Pa sa Puerto Galera! Yippee! Aba Puerto lang nga ito, pero dream vacation ko kaya ang me makasamang bowa sa isang faraway island na ang misyon lang ay “go forth and multiply”. At yun talaga ang gagawin ko, mag-multiply!


Excited na kami. Nag-leave ako sa office para Saturday morning, gora na kami. Friday evening, uminom muna kami sa haus. Pampagana kumbaga. Tsaka me tinapos na mga requirements sa school. Aba, nagmukhang set ng art angel ang sala ko! So natuwa naman ako kc tulong tulong sa pagsulong ang drama namin. Natulog kami madaling araw na ng Saturday. Keri lng kc iidlip lang ako, then alis na punta Batangas. At sha naman eh uuwi sa 5th floor sa haus nila.


Eto na, 8am. Nakasukbit na ang bag sa flawless kong shoulders. Naka-ponytail na ang semikalbo kong hairlaloo. Naka muk-ap na rin ako (muk-ap na parang hindi naghirap at parang natutulog lang ahihihi). At shempre, bitchness na ang outfit. Ay beach-ness pala.


Nag-text: “Pa, baba ka na alis na tayey!”


Wa-ing reply.


“Pa, male-late na tayey sa flight! Come on over, come on over baby!” with matching production number.


Wa-i pa rin… Kaba! Kaba!


Shumawag na ko sa 911… este sa number ni Pa. “the number you have dialed is not available, or out of coverage area. Later ka na lang tumawag gurl, baka nasa banyo pa.” OK, I will try again later.


Makalipas ang later… mga 5 seconds! Nagring ang kipay ko, ay ang fone ko pala… ibang number, di ko kilala. Naisip ko bigla yung mga eksena ng pulis, tatawag sayo para sabihing “kayo po ba ang misis ni Totong? Natagpuan po namin ang sasakyan nya sa highway pero nawawala po sha” o kaya naman “are you in heat” o mas haggard kung tumatawag pala si ateng Wanda… “you’ll be gay in seven days… (pabulong) seven daysssssssss”


Di na kelangan ng seven days, seven decades ago nareceive ko na ang calling…


Ay nawala ako. Me totoo palang kumo-calling sa kin. So ang bakla, nanginginig-nginig pang sumagot sa phone habang naisip ko: nasan na ba si Pa?


“hallerness?!”


“Jay, si Totong to.”


JAY?! TOTONG?! Anong nangyari sa Ma at Pa?


“Andito ko sa labor, manganganak na ata ang aswang. Di kita matext naiwan ko phone ko.”


At least kabisado nya number ko.


“Buti na lang me number ka sa phone ng aswang, natawagan kita”


Linsyak! Friends ba kami?! Bakit me number ako sa phone ng aswang? Hmpf!


“Postpone muna natin ang Puerto…. Me oras pa naman. Mag-leave ka na lang ule. Blah blah blah blah blah blah…..”


wala na kong narinig. Ang nag echo na lang ay “postpone” at “Puerto… to…. to… to…” at “manganganak….. nak….. nak…..nak…..”


Binaba ko na pala ang phone. Binaba ko na rin ang bag mula sa balikat ko. Di na flawless ang balikat ko. Tinanggap ko na uli na semikalbo ako, di ako pwedeng mag-ponytail. Binaba ko na rin ang pride ko. Kasi, bumaba na rin ng kusa ang luha ko…


Lalabas na ang anak ng aswang. Malapit na ang katapusan ng maliligayang araw ko. Malapit ng magunaw ang mundo ko.


Pero naiintindihan ko. Kasi kung lalaki rin ako, kahit maganda pa sa Puerto, uunahin ko rin ang Puerta. Alam ko kung ano ang mas mahalaga. At sigurado ako, alam rin nya yon.


Puerto o Puerta? Kung ikaw, siguro Puerta rin.

3.20.2009

ABANGAN>>>>>

Puerto o Puerta?

hmmm... eplain ko next blog... pramis!!!



3.11.2009

Ma at Pa

Nakatikim ka nab a ng apdo ng tilapia? Yung pumutok… sobrang pait! Well, ganun lasa ng taste buds ko ngaun. Bakit kamo? IKAKASAL NA SIYA.


Ang nakaraan:


Nung bata ako, “Sita” ang tawag sa kin ng Mommy ko. As in Prinsesita. Ahehehe… At Sita pa lang ako, kilala ko na si Totong. Noon pa. Malaya pa ang puso kong magmahal. Kaya di applicable sa kin yung song na “Bukas na lang kita Mamahalin” ni Ateng Lani. Pero di ko pa naman alam un non, na pwede pala magmahal ng lalaki ang lalaki rin.


Best of friends ang mga nanay namin. Pulis ang tatay nya at stepdad ko. Me connection kumbaga. Me common denominator. Kaya dahil don, nagging close din kami. Si Gambit sya, si Wolverine ako. Si Blue Three sya, si Green Two ako (yellow four sa gabi). Ilang suntukan din ang namagitan sa min. si wolverine ang lola mo… me lisensya ko mangalmot! Eh si gambit sha di ba? Si gago binabato ako ng baraha! Weeehhh pauso!


We drifted apart noong high school kasi lumipat ako. Nag-OFW muna ko sa Pandacan hahaha… shempre makulay din ang mundo ko don. Dun ako na-deflower (lande!) dun ako naging badet. Dun ako natutong bumoda, bumongkang, kumembot, chumorvah, at kung anek-anek pa sa ilalim ng pangangalaga ng aking wise lola.


Up until college, walang pagkakaibigan na namagitan sa min. Hi-hello lang. Tamang smile pag nagkasalubong. Tamang tukso pag nagkita. Tamang asar. Tamang tapik. Tamang halik… naging ritwal ko kasi ang humalik sa kanya everytime na nakikita ko siya. At pag new year, kung anong taon na, ganun din un number ng kiss. Kung 07 = pitong kiss. Kung 08 = walong kiss…


Ang di ko maintindihan, constant panaginip ko sya. As in. Every month, me isang gabi doon na dedicated sa kanya. Lagging nauudlot na pagkekembutan. Basta me eksena kami pero di lagi natutuloy. Parang pinapasabik ako, tinutukso, nilalandi ng memorya ko. Lagi din kasali ung eksena namin nung bata na niyaya nya ko at nag-inarte ako. “Subo mo! Sige na, tapos susubo ko rin yung sayo!” Ito ang una kong indecent proposal. At ang una kong pambabasted. “Anu ka? Di naman ako bakla eh!” Not yet, anyway… Di ko rin maintindihan bakit ko sya napapanaginipan. Basta once a month me eksena sya.


Sa ilang taon na di kami nagkasama, ilang tao rin ang nakasama ko. Ilang lulurki rin ang pumila sa kin (pumila daw oh!) ilang ombre din ang napa-oohhlala sa alindog ko. Ilang straight, straight-tripper, straight-curious, bisexual, bi-curious, discreet gay, payolang sosyal, “gumigimik sa mall”, masahista, payola, at kung anik-anik pa bang tawag sa kanila. PLUs ika nga (people like us).

Nung finally eh bumalik ako sa iskwater, nabuo muli ang connection namin.

Nagkaroon kami ng pagkakataong i-rekindle ang kandila ng aming pagkakaibigan. Uhhmm, in layman’s term, nag-inuman kami uli ng walang humpay. Tumoma ng matador at emperador. Nagbanlaw ng redhorse at SMB. Namulutan ng pistachio at sisig. At naging mag-Ma at Pa. *kilig*


Ilang buwan rin na ditto sya nakatambay. Ilang weekend rin na di ako gumimik para makipag-chikahan sa kanya. iIang beses na rin nya ko nahuli na me chinochorvah. At ilang beses na rin sha chumorvah.


Pero kahit ilang beses pa kami magsama, kahit ilang beses pa kami magchorvahan, me isang bagay na isang beses nya lang sinabi at di ko talaga kinayang pakinggan: “Ma, buntis na ang aswang. Ikakasal na kami.”


Hanggang ngayon, nagkukunwari pa rin akong di ko narinig yon. Deadma! Ma at pa!

3.10.2009

Siklab


grabe every night has a new dawn talaga... I’ve succumbed to a lonely and desperate time, when i thought all hope is lost. ive dragged myself to darkness. pero I’ve found my new strength, a new passion to go on... i feel like my battery's recharged and I could just walk and move forever. this weekend kept me invigorated. this encounter made me realize a lot of things.


i have found some new friends. i have found a new fire within me, eager to consume my whole being. i am ready. i am. indeed i am.

this pic is here to remind me of a young boy who aims to make a difference. of someone who has a lot of passion and courage to fight through the storm. of someone who would always remind me that once in my life, i was called "mutya" and it has made me feel special. Lips, you will be remembered.

today, i vow that i would try my very best at everything that i do. im gonna win.

3.09.2009

Paanyaya...

Mga bektas! eto ang prologue ng buhay ko... Ang chapter one... Ang prelude... Ang preface... ang Welcome remarks... Ang Lupang Hinirang at Doxology... Ang Simula...

Sana makasama ko kayo hanggang sa dulo... hmmm sige na nga kahit hanggang sa Closing Remarks at Victory Party na lang.....

Gumulong kayo sa kakabasa dahil dinugo rin ako kakasulat... Pasok na sa Banga!!!

On my Own... yet again!

shit this is probably the hardest thing to do...ive had the sweetest nightmare.. falling in love with two friends... on my own... there they are, having the time of their lives without me, and here i am sulking, reminiscing, crying and
dreading the days that will follow. here goes my ultimate theme song... ang laging pasok sa banga na kanta ng buhay ko... lagi na lang... pero somehow its a choice because i wouldnt, couldnt and shouldnt settle for less...

And now I'm all alone again,
Nowhere to turn, no one to go to.
Without a home, without a friend,
Without a face to say hello to.
And now the night is near,
Now I can make believe he's here.

Sometimes I walk alone at night
When everybody else is sleeping.
I think of him, and then I'm happy
With the company I'm keeping.
The city goes to bed,
And I can live inside my head.

On my own,
Pretending he's beside me.
All alone,
I walk with him till morning.
Without him,
I feel his arms around me,
And when I lose my way I close my eyes
And he has found me.

In the rain,
The pavement shines like silver.
All the lights
Are misty in the river.
In the darkness,
The trees are full of starlight,
And all I see is him and me for ever and forever.

And I know
It's only in my mind,
That I'm talking to myself
And not to him.
And although I know that he is blind,
Still I say,
There's a way for us.

I love him,
But when the night is over,
He is gone,
The river's just a river.
Without him,
The world around me changes.
The trees are bare and everywhere
The streets are full of strangers.

I love him,
But every day I'm learning,
All my life,
I've only been pretending!
Without me,

His world will go on turning,

A world that's full of happiness
That I have never known!

I love him...
I love him...
I love him...
But only on my own...

Walang Exempted sa Kasawian



kung ang pag-ibig ay walang sinasanto, mas lalo na ang kasawian. ang sabi nga sa isang kanta noong panahon ng shoulder pads sa T-shirt, "Umiiyak ang aking pusong nagdurusa, ngunit ayokong may makakita..." meron ka mang mall of asia, o sentimental lang ang value mo, hindi ka exempted sa kasawian.

estapadora ka man o nagpapa-five six, gimikera o antisocial, tatamaan ka ng kasawian. henyo ka man o atribida lang, photogenic o layogenic lang, generic o branded, hindi ka immuned sa kasawian. at kapag tinamaan ka, kakanta ka ng "ayaw ko nang manalamin, nasasaktan ang damdamin..." kahit hindi ka fan ng aegis.

alam mong hindi ka baduy, si andrea botecelli ang idol mo at wacoal ang bra mo. pero "LUHA" ang aawitin mo pagdilat sa umaga at pagpikit sa gabi, and all the time in between. at talagang nakakaiyak manalamin kapag sawi dahil ang makikita mo ay aswang na sinabuyan ng agua bendita. tatalikod ka na lang at maghahanap ng pwedeng i-massacre.

you are so blood-thirsty, you dare not blink. you want to see them die one by one, two by two. where is the queen? they sizzle and hiss, you tell them "your pain is nothing compared to mine." your tears will fall down and you will contemplate on the phrase "drowning your tears". and the words that pierced your heart like a billion ants' sting will echo in your mind, shattering your body, heart and soul all over again. "HINDI KITA MAHAL. IM SORRY."

pero importante ang kasawian. sa tuwing magmamahal at mabibigo ang isang tao, ano? susuko agad? mawawalan ng tamis at kulay ang buhay, kc wala ng thrill. wala tayong matututunang leksyon kung hindi natin papayagan ang sarili natin na masaktan. pain is important. isipin mo na lang kung walang nararamdamang sakit ang isang tao. siguro bali-bali na buto natin hindi pa natin alam. napapaso at nasusunog na tayo ay nakangiti pa tayo.

HINDI NATIN MALALAMAN NA MASAKIT MASUGATAN KUNG HINDI MUNA TAYO NASUGATAN. at dahil nalaman na natin, alam na natin para HINDI NA MAULIT.
i just wanted to share this beautiful chenelin i have read in a book. it just captured my sentiments exactly. i am not immuned to pain. and clearly, i am not immuned to heartbreak.
pero kahit na ganun. nag-wish na ko sa langit. sabi kc, pag humiling ka raw, matutupad un. kaso sa dami ng mga nagwi-wish marami cla backlog. kaya it would take years bago matupad. pero matutupad pa rin. il just wait for the right time para ibigay na ung wish ko. someday... ahihihi! anlandi ng ate nyo!

ang kapitbahay mong bagong kasal. ang mga iyon, dapat mo ng hadlangan bago pa umabot sa annulment ang pagsasama. o kaya, ang maid mong isang linggo nang kinikilig dahil nakita nang personal c dennis trillo. pero mahirap puksain ang mga bagong kasal at mas mahirap mawalan ng maid. kaya makontento ka na lng sa mga langgam na nangahas magtayo ng empire sa ilalim ng aparador mo. parang incredible hulk na itutulak mo ang aparador, kukuha ng posporo, kandila at mga inuwing kubyertos mula sa jolibee at mcdo. sisindihan mo ang mga yon at patutuluin sa mga natutureteng langgam.

3.07.2009

simula...

this is the beginning of the end...



pasok na sa banga!