2.14.2011

Leminiscate

Wagi talaga ang fezbuk! Nagkita sina Iceman at Rogue. Kahit di talaga sila ang magka-labteam, sa make-believe grupo namin, sila ang nararapat sa isa't isa. At sina Wolverine at Gambit, may secret affair. Hahaha! Naguluhan ba kau sa intro? Bago ko mag explain...

Happy Pechay! Happy Valentimes Dey! Happy Pepe sa lahat ng may pepe! Happy Puso sa lahat ng may internal organs! Mwah!!!
Sa tulong ng fezbuk, nagkitang muli sina Rogue at Iceman. Sila sina Cheng -- ate ni Totong, at Benjie, mga labteam nung bebe gel pa ko. Nagkasundo silang mag-eyeball sa Iskwater, at naganap na rin ang Grand Reunion ng AnTena -- counterpart ng Ang TV sa Iskwala Lumpur. Akshuali bago kami maging AnTena eh Xmen nga kami di ba? Present sa grand reunion ang lahat ng matatandang ka-batch namin. At shempre andun si Payat.

I told u mga beki na wit na ko magba-blog about Totong davah? Pero kagabi, nagulat ako kasi he insisted na magsult ako uli about him. Sha daw ang pinakasikat sa lahat ng mga lalaki ko. Sige angkinin natin ang trono! At impernes, nakita nya nga ang post ko nung Xmas nung namigay sila ng Pamaskong Handog sa Iskwater. Antaray, updated si Payat! Kaya heto, binuksan ko na naman ang Pandora's Box sa buhay ko.
Inuman, asaran, the usual. Reminisce ng mga kagaguhan namin nung mga dalaginding at utoy pa kami. Pag naglalaro kami ng bangsak -- version ng Iskwater sa taguan -- tapos sa ilalim ng sasakyan ako nangungunyapit at paglabas ko eh wala na kong kalaro. O kaya eh yung tatalon mula sa bubong ng mga unsuspecting citizens ng katabing street. Tsaka yung paghihintay na mapuno ang "balon" sa bukid sa tulong ng ulan para makapag-swimming kami at mapalo pagkatapos, dahil brown na ang mga panty naming lahat.
Dahil di ko sha na-kiss nung New Year, bumawi ako kagabi. 11 na kiss din dapat kasi 2011 na. Actually naka-quota na ko ng hanggang 2015. Me isa pang swak na swak kasi na-bosing ko na naman sha. Yung "halik bosing" na kunwari eh sha ang hahalik sa kin sabay harap ko sa kanya, kaya liptulelang ang naganap.
Boom! Fireworks!
Two weeks ago, nag-birthday ang lolo mo. Di ako invited. Di rin naman ako nagulat. Kagawad na ang lolo mo, maaring nagbago na sha. Constituents at mga kapartido muna, bago barkada. Di ko sha pinapansin after that, at nag-inarte pa ko sa isa naming kaibigan na nakalimutan na ko ni Payat.
Tatlong gabi na rin na nakikita ko sha sa kambingan t umiinom. Tinatawag naman ako ng lolo mo, kahit sino pa kausap nya. May ngiti pa rin shang reserved para sa akin lang. At "Ma" pa rin ang tawag nya sa kin, kahit may mga kasama shang konsehal, kapitan, kagawad o tanod.
Sha pa ang nagalit kasi di ako pumunta. "Di ka naman kailangang imbitahin eh. Alam mo na yun. Dapat pumunta ka." Sorry ha, nag-inarte lang ng konti.
At ngayun nga eh may reunion kami ng mga kababata namin. Di makapaniwala si Benjie na lumaki ako at nagdalaga... ako nga di rin makapaniwala eh. Masaya kasi andaming alak, andaming kwento andaming alaala, andaming kakulitan, andaming pulutan, at andaming halik.
Kasama ko sa inuman ang akong mahal na sisteret na si Galema -- aka Sailor Mars. At habang nagkukwentuhan sila ni Pa, biglang kinuha ni Payat ang kamay ko sabay deliver na naman ng mga usual nyang birit at hirit na nakakapagpatigil ng sistema ko.
"Mahal ko to eh. Hindi talaga, totoo yun. Walang makakapalit jan."

Nakurot ko ng pinong pino si Galema. Eto yung unang beses na sinabi nya sa kin yun. Maybe it's the Sanmig Light. Maybe it's the Marlboro Lite. Maybe it's the sisig, french fries, tokwa't baboy, o fried bopis. Maybe it's the Valentine's season.


Or maybe, yun lang talaga ang totoo.



BTW, heto yung leminiscate...

7 comments:

  1. wahehehe. nakakatawa yung happy pechay day. :p

    naguluhan ako sa bandang huli kung si Pa mo o si galema ang nagsabi na mahal ka nia.

    ReplyDelete
  2. "mahal ko to eh. Hindi talaga,totoo yon. Walang makakapalit dyan."
    haba ng hair mo abot d2 sa dubai..

    ReplyDelete
  3. Ditse, ang sweet naman ng eksena. Congratulations until 2015. :)

    ReplyDelete
  4. Kaloka. Haba ng hair mo teh. Sa sobrang haba, nahiya na si Rapunzel iladlad ang buhok niya. HAHA.

    ReplyDelete
  5. kinilig ako ng bongang bonga.. I'm happy for you BM..ang haba ng hair.. nakakakilig sinabi ni Payat mo..

    ReplyDelete
  6. BM , Lemnniscate po yata ang ibig nyo sabihin sa title?....he he he....I love this blog...I'm a follower too...I'll secure you a copy of my book..." Bakla Bakla Paano Ka Ginawa ? "....meet tayo minsan....

    ReplyDelete
  7. beh...dahil walang mashadong event d2 sa provinsha..naalala kta..visited ur blog site and of course nagbasa ng tungkol kay Totong... avah!!! laking gulat koh, special mention pa ako at si Iceman (yun ba sya? dko na maalala) btw, bkt di mo na mention na mahaba din hair mo nung reunion na yun?...at na-torpe ka? hahaha!!!
    fyi lng, just in case interesado ka..ok naman kme ni iceman d2..tuloy2 na ang eksena beh! hahaha!!! mishu!! ingats lagi!!!

    --Rogue

    ReplyDelete