5.29.2009

My Chupul

Kumpletuhin na natin ang cast. Ang nawawala, at ang pinakagwapo: si Baby Magic.


O di ba, kumpleto na ang pamilya. Me Papa, me Daddy, me Baby.


Itung si Baby Magic, nakakahiya mang aminin, eh way younger sa age ko. As in way, way younger. Way, way, way younger. To simplify, kababata sha ng kapatid kong lightyears away ang age gap sa kin.


So pano sha napasali sa listahan? Kasi sha ung super gwapo. Everytime nakakasalubong ko sha sa iskwater, I swear umaakyat ang bahay bata ko at nagpapa-sirko sirko ng todong todo. Para shang pinaglihi sa pagnanasa. Para shang naglalakad na ulam. Para shang sugo ng demonyo para magkasala ka talaga ng walang humpay. Ganun sha kagwapo.


Shempre para paraan lang yan kung pano ko sha makikilala. Eventually nakuha ko ang number nya at nagtxt kami. Napabili pa ko ng smart na sim card para di haggard sa load nya. At naranasan ko pano ma-feel maging mama trony. Di man nya intensyon, di man nya hingin, binibigay ko na pala pati ulam ng kapitbahay ko.


Sa dinami-dami ng canton boys, sa kanya lang nagselos si Totong. Ang tawag ni Pa ke Baby eh "pokpok" kasi daw kahit andun sha na asawa, eh hindi umaalis ang Baby. Kahit din daw bata pa eh mashadong nang malandi. At porke din daw gwapo eh sinasamantala. If i know selos lang si Pa.


Nakakakilig pag nasa bahay si Magic. Nagre-wrestling kami nyan sa kama. Yung wholesome na wrestling ha. Daganan, kilitian, harutan. Mahilig sha magpa-alaga palibhasa nga eh bata pa. Gus2 nya pagluluto mo sha ng ulam, gus2 nya me pasalubong ako sa kanya, gus2 nya rin lagi kami magkatext ng "good morning baby!" "good pm" "good night" at "sweet dreamz" with matching "mwah!" and "tsup tsup tsup"... Gus2 nya rin, sabay kami lagi mag-aalmusal.

Me tawagan din kami. Chupul. Anung meaning? Wa ako idea. Basta pag magkatext kami, un ang intro... "Chupul..." Minsan me smiley, minsan me wink, minsan me question mark, minsan me exclamation point! Tsaka sa phonelilet nya, cute ang name ko.

"Im Yours" at saka "My Vampire" kasi peborit ko yung I'm Yours ni Jason Mraz at saka adik ako sa Twilight. O di ba sweetums kami. Namesung naman nya sa kipay ko, este sa Phonekit ko eh "Vash" at "Chupul" shempre. Basta sweet kami.

Nung minsan din, nainis ako kasi me usapan kaming magkekembangan. Sabi ko "u dont deserve me, dont text me anymore." Ang reply, nag-somersault talaga ang puso ko: "Sori ha. Cge I wont text you anymore. Sha nga pala, mahal na ata kita." Kung nag-dive lang ako sa Olympics nung time na un, PERFECT TEN!!!

Ok naman di ba? Sweet pa nga kung tutuusin. Pero me isa pa shang gus2 na ikina-tumbling talaga ng katinuan ko.


Gus2 nya rin, lumipat na ko ng bahay. Gus2 nya rin isama ko sha. Gus2 nya na umalis na kami ng iskwater at magsama na parang sina Adan at Eba... ay Adan at Adan pala.. Gus2 nya ganito kasi gus2 nya lumayo sa pamilya nya.


Sa puntong yun, nakalag ang matres ko na naka-stapler lang sa makeshift ovary ko.


Keri kong magluto ng hapunan. Keri kong magprito ng tanghalian. Keri kong maggawa ng biko at latik para sa merienda. Keri ko rin kahit mamaga na hinlalaki ko para itext sha ng walang humpay at sulit na sulit ang unlitxt.


Pero di ko pa pala keri maging mama san. Yung supercalifragilisticexpialidocious na pagiging mama san. Yung me kasama ng tuition fee at allowance. Pati na rin school projects at field trips, thesis at research. At lalo na yung PTA fee, library fee at miscaleaneous fee. Di pa ko matrona.



Saka na. Hihihi...

5.01.2009

Si BLMDM.....

It’s time to name him.


Breakfast.


Kilala ko na sha bata pa lang sha. As in nung bata pa lang. mga 7 yrs old. Pamangkin sha ng ninong ko, kapitbahay din namin sa iskwater shempre, at kilala ko ang buong pamilya nya. Pero di kami close.


Tawag sa kanya d2, kilay. Di dahil maganda kilay nya. Ang hobby kasi ng lolo mo, pag walang magawa eh magsunog ng kilay. Or magbunot. Literal itu mga ate. Hindi yung pangkikay na bunot with matching kikay-twisor ha. Ito yung bunot na ka-level ng pag-iikot ni Sisa sa mga buhok nya pag hinahanap nya sina Crispin at Basilio. Yung bunot na mukha shang walang kilay. Hmmm… kalahati naman ang natira impernes.


Lunch.


Lumipat ako dito last year ng August. Pero di ko pa rin sha nakikita. Simbang gabi ko sha unang nakita. Hiningi ang number, kinulit, chinika.


Nung naginuman kami nung bagong taon, sumilip sya. At kahit and2 si Pa, pinapasok ko pa rin sha. Itong new year na to ang bonggang-bongga kong welcome sa iskwater. 12 na lalaki ang kasama sa inuman, at ang eksena nila ay strip-spin-the-bottle. Actually ang tawag nila jan ay “hubaran”. Shempre go ako di ba?


Dun ko sha fully na-appreciate. Kasi di sha close sa mga kasama namin pero mega join pa rin sha sa hubaran. Nakahawak nga lang sha sa kembot nya the whole time na huvad sha. Pero nakita ko…. Hehehe!


Di ko alam bakit sha ang idinidikit nila sa kin that night. Basta namalayan ko na lang na kasama ko sha bumili ng yelo sa ministop. Mga 3 blocks away sa haus. At all the way na papunta kami dun, hhww-pssp kami. Holding hands while walking, pa sway-sway pa!


Sa paglalakad, tinanong ko ang lolo mo. “Pumapatol ka ba sa badet?”

“Hindi eh.” Ayyyy basted… “Pero kung sayo pwede.”


Ay me ganun?! Eh di naging kami na that night. As in that night lang. kasi the following days, nahiya na sya sa kin. Napag-alaman ko sa mga friendship nya na di talaga sya sanay sa badet. Sa kin lang daw sya hindi nailang. Sa bahay ko lang sya tumambay. Sa kin din lang sya nagpapahalik at nagpapayakap. Pero walang kembot.


Merienda.


Mula nung New Year, sya ang naging panuhol ng Canton Boys. Pag gus2 nila puwesto dito sa haus habang umiinom, siya ang frontliner. Pag kinulang ang budget nila at gus2 pa ng nomo, siya ang bubulong sa kin. Sya din lang ang me kakayahang magbukas ng ref na hindi ako maiinis. Sya din lang ang pwede tumambay dun kahit wala ako.


Minsan natsismis sya dito sa iskwater. Me pokpokita kasi dito na nagtetext sa kanya. Ang pokpokitang ito eh nabuntis na dati… and guess what? Si Totong ko ang nakabuntis! Trulili! At matapos nya ma-chukchaktienes si Totong eh pina-jompon nya ang bebi gel… Sa halagang 10 kiyaw.


At ngayon eh si BLMDM ko naman ang kinakalantari nya. Nung nakarating sa mother hen niya ang balita, galit na galit ang buong angkan! Giyera kung giyera. Lahat sila tutol. At nung naka chikahan ko ang father bear, mega sumbong. Wag na daw syang mag-aral kung dun lang sya jojogsak sa pokpokita.


May I answer naman ako: “Oo nga noh Kuya Joel, mabuti pa ako na lang syotain ng anak mo.” Sabi ko. “Mabuti pa nga! Ako hindi namimili basta matino lang ihaharap nya sa kin!” sagot naman ng paderakka. Ay winner ang bakla! Me blessing na ng byenan!!!


Dinner.


Todo closeness kami nitong huling holy week. As in araw araw eh nasa bahay sya. Nag-iinternet, nag-iinom, nagdi-dvd, nagluluto, nagpapapak (ng fudang ha, hindi ako pinapapak nya). Lagi ko syang kasama. Hmmm siguro kasi wala rin si Pa nowadays.


Nung huling inuman namin, ang daming bulong ng lolo mo. Lahat pabulong. At mega hawak sa tuhod ko, mega yakap sa pictorials, mega pahalik pag kinakati ako. At me bago na syang title. Me batang bibo kasi dito ang tawag sa kin eh Mommy. Actually eh apo ko na yung bata, pero ung tatay nya na pamangkin ko eh kaedad ko lang halos. Tawag sa kin nung bata eh “Mommy”. Mula nung gabing yon, “Daddy” na rin ang itinawag nya ke BLMDM. Hehehe… One big happy family.


Syempre inuman ito so nabanggit si Totong ko. Sabi ko, “oh mga canton boys, you know the drill. Pag andito si Pa, wala muna kayo ayt?”


“Pati ako?” mega tanong ang BLMDM. Natahimik naman ako.

“Oo, pati ikaw. Di naman tayo di ba?”

Parang nalungkot ang lolo mo. Sabay sagot

“Oo nga. Hindi tayo........ Hindi pa.”


Natahimik na naman ako.


Midnight Snack.


Sa ngayon eh ilang araw ko na syang di nakikita. Bumalik na kasi si Pa. Wala muna si Daddy. Pero nami-miss ko sya.


Wala pang ending ang kwento namin. Me mga susunod pang chapters. Ang di ko lang sigurado, magiging main character ba sya sa kwento ko, oh magiging “wala sa nabanggit” lang sya sa multiple choice?


Ahem… pwedeng sya ang final answer.


Syangapala, siya si BLMDM. Si Daddy. Si Jonel.