9.27.2010

What if?


Curious lang akeiwa...






What if... may Baklang Maton na may boobs?






Anong masasabi mo?!










Pak!

9.24.2010

Segway ala Sonya

Kumusta naman ba akeiwa sa bago kong balur? Ang BBB.. isang bahay na buhay na bangungot. Chararat bumba!

More than a month na ko nakakalipat ditey sa BBB. Linggo Domingo nung naghanap kami ni Caipanget ng hauslaloo sa Malibay, Aim High Pasay! Bago kami sumuko ni Caipanget, me nakita kaming shupartment na mukhang may ibubuga.

Knock! Knock!

Nung lumabas yung landlady, kala ko nabuhay uli si Donya Delaila. Matronang may angas ang dating ng lola mo. Yung tipong may pangil at juntot sa madaling araw.

Ayun, tourism galore kami sa balur. Limang palapag. Labintatlong kwarto. Anim na banyo. Isang kusina. At rope ladder. Tarzan-tarzan ang uso sa bahay ni Aling Sonya! Churi ka, nag-demo pa si Lucresia. Kering keri nya maglambitin paakyat ng pip plor!

Sa madaling sabi, ang bakla, narahuyo ng kumikinang na balay-china. At dun na nagsimula ang...

Kilabot sa Bahay na Asul!

Acshuali, kilabot na hatid ni Aling Sonya. Sinufahvah?! Sa ganitech nag-start ang lahat:

Sa BBB, nawawalan kami ng waterloo pag madaling araw at pag hapon. Acshuali pag trip na nya patayin ang tangke. Nung unang araw ko sa bahay na baby blue eh pinakialaman ko yung switch. Nasunog yung motor. Ayun bad shot ke Aling Sonya.

Pagdating nya galing sa city hall ng Aim High Pasay eh nagtatalak na ang thunders at mega ambush interview sa lahat ng dumadaan kung sinetch itetch bang nakialam sa makasaysayang tangke ng waterloo at bibitayin ata ng lola mo.

Eh nung naulinigan (what?!) ko na pinagbibintanganelya na nya yung junakis na bilat nung shupetbahay ketch, may I go out na akeiwa at mega plead ng "guilty!" Pinagsabihan lang naman ako at di na nya tinawag ang mga nagroronda na tumutugis sa mga kampon ng dilim.

Kinabukasan, habang lumalabas ako ng gate eh biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Medyo mahilig kang maligo no?"

"Ay oho." Muntik na kong atakihin sa gall bladder!

Birthday bash ng baklita. Isang linggo pa lang kami sa BBB mega join force na ang mga kapanalig at kaalyansa ko sa politicians. Mega sugod mga shufatembang din mga ka-link kesh sa Kadenang Bugambilya. At mega migrate na rin ang mga Ung-ta galing sa Isla Noah. Naturalmente kapag may burpday, may nomo-an at charutan.

Ewan ko ba bakit sa tuwing aabutin ng madaling araw ang inuman eh napapapunta kami sa eksenang takutan. Mga multo moments at mga paramdam moments. Me pugot, me nakalutang na beki, me baklang nanggagapang, etsetera, etsetera.

Sa kalagitnaan ng dakdakan at dautan, may kumatok na parang galit na leon. Nagulat kaming lahat, kasi ba naman, nagtatakutan kami ng time na yun tapos biglang may tumotoktok sa pinto. Tumityempo ata!

Pagbukas ko, aba ang galit na galit na Aling Lucresia, este Aling Sonya pala ang nasa hamba ng pinto at mega talak. Ala-una na daw, kesyo maingay, magbabasahan kami uli ng kontrata, nakakabulahaw, perwisyo, salot, sunugin ang halimaw, ipako sa krus! Ipako sa krus! Ipako sa krus! Ganun yung leveling ng pang-aakusa ni Aling Sonya. Ang ending, inabot kami lalo ng umaga.

Kinabukasan, nung makauwi na ang lahat ng bisita, nakatayo sa may gate si Aling Sonya.

"Medyo malakas kayo mag-inuman no?"

"Ay, oho."

Eh di past is past na. Naka-move on na sha sa ingay ng nomo-an namin. Sumunod na eksena eh nung ngarag ako na nagtatapos ng thesis at kelangan ipasa sa deadline. Welcome reinforcements! Dayo na naman ang mga beki para tulungan akong magkunwa-kunwarian na may ginagawa.

As usual, wala naman kaming natapos. Basta nagsitulog ang mga hinayupak, yung isa buti na lang bili ng bili ng fudang, at least may silbi si bakla. Yung isa may dalang dessert na pistasho. Yun isa pa may dalang alindog at linamnam. Pak!

Kinabukasan pag-uwi ng Defenders of the Universe, nakasalubong ko uli si Aling Sonya sa gate.

"Medyo mahilig ka sa bisita no?"

"Ay oho."

Natapos na ang mga sigalot, namayani ang kapayapaan sa buhay ko sa BBB. Minsan eh petiks petiks lang na nanonood si bakla ng dibidi dibidi ng Wilma and Gracey, Lost, the Final Kembot, tsaka Jamaica's Next Top Charitera. As in payapa ang lahat.

Pagsapit ng tanghalian, nagutom ang bakla. Nag-empake ako ng mga gamit para pumunta ng palengke. Habang hila-hila ko ang luggage bag ko papuntang palengke, nakasalubong ko uli si Aling Sonya san pa ba kundi sa fave spot nya: sa gate.

"Medyo malakas ka mag-TV no?"

"Ay oho."

Gusto ko ng umalis sa BBB. Nakahanap na ko ng malilipatan, at ready na kong magbayad. Nagpaalam na ko sa kampon ng dilim kong landlady. Nagdrama na di na matutuloy yung kasama ko sa hauslaloo, kaya di ko keri ang gastos. Wala na kako akeiwang anda mae. Ang lupit, forfeited na daw yung deposit na seben kiyaw! Kalurki!

Fine ipaubaya na sa reyna ng mga tyanak yung 7k. Ready na talaga kong mag-move out. Kaso nung magbabayad na ko sa lilipatan namin, nakalimutan kong dumaan ng umaga. Pagbalik ko ng hapon, nakuha na yung balur. Sayang kondo-kondohan pa naman.

Eh di ditey na uli sa BBB. Di na ko aalis at magta-tyaga na lang ke Aling Lucresia. Para mapanatag ang kalooban ko, nagpaka-jitsitter na lang talaga akeiwa. Nung nalaman nya na pupunta ako ng Singapore, nakasalubong ko na naman sha, of all places, sa gate.

"Medyo lakwatsera ka no?" sabay bulong ng "Kala ko ba wala ka ng pera?"

"Ay oho." May pera pa ho ako, heredera ako ni Bibiana.

At ang pinakahuli, nung isang gabi nakatambay lang akeiwa sa living room number 1. Again, serenidad... kapayapaan... katahimikan... soledad...

Nung napasulyap ako sa bintana, I swear, muntik na kong atakihin -- this time sa puso na! Pano, may nakasilip sa bintana. Alam mo yung silip na di nya makita sa loob, kaya nakatakip sa gilid yung mga kamay nya, at nakadikit yung buong mukha nya sa salamin. Bigla talaga kong napatili na parang sirenang hinango sa tubig alat.

Yun pala ibibigay lang yung bill ng Maynilad. Ay kaloka ka talaga Aling Sonya!

Kinabukasan, shempre expected ko na nakatambay sha sa gate.

"Medyo mahilig kayong manakot no?" sabi ko.

"Ha?" takang tanong ni Aling Sonya.

"Ay oho."

Sabay flip ng shoulder bag at wasiwas ng hair. Pak!

9.17.2010

Serenidad

I'm on my way to a retreat this weekend.

Promise pagbalik ko sa Sunday iba na nakasulat dito.


I miss writing for you guys!

I miss that BM side of me...




Sa aking pagbabalik... ipakikilala ko sa inyo si... ALING SONYA!

9.01.2010

Si Susie at si Amalia



Kahit ilang beses ko nang sinabi na ang paglaladlad eh hindi isang beses mo lang gagawin, at hindi sha isang moment na pag sinabi mong "Bakla ako." eh keri na at iisyuhan ka na ng SBN -- social bakla number. Pero tumatatak pa rin talaga sa utak ng isang beki mae kung kelan na unang sinabi yung mga salitang yun -- malakas man, may nakarinig man, pabulong sa hangin man, or sinabi mo lang sa billboard ni Jake Cuenca.

Nung bata ako, Susie ang tawag sa kin sa Pandacan. Short for Susan (Roces naman ateng hindi Susan Africa!) Ang mga hitad kong shupetbahay kasi pinag-gegera kami ni Amalia. Si Amalia naman yung isa pang pinaghihinalaang beki lou dun sa lugar namin. Pero kahit pinagsasabong nila kami ni Amalia never kaming nag-away.

We were close. Hindi yung level na best of friends. Hindi yung level na nag-sleep over kami sa balur ng isa't isa kasi magkatabi lang naman mga balur namin. Baka mapingot ako ni Dominga ng bonggang bongga pag di ako umuwi. Or baka boljakin ako ni Aling Dolor pag dun ako bumorlogs.

Masikip kasi sa balur nila. Madami kasing junakis sila Aling Dolor. At super luma na nung 2nd floor nila, yung sahig eh parang nilatag lang. As in pag tumalon ka, sa baba ka pupulutin. Kaya hinay hinay lang sa lakad. At sa sobrang dami nila, bata pa lang eh naniniwala na ko sa milagro. Kasi after 48 years, mukha pa rin giray giray ang hauslaloo nila pero nakatayo pa rin. 48 years na rin silang hindi tumatalon.

Hindi kami laging nagkikita ni Amalia. Kasi nung bata ako, pag dinadala ako ni Bibiana kay Dominga feeling ko eh nakakulong ako. Mas feel ko yung buhay sa iskwater. Araw araw pwede kaming maglaro ng patintero sa A. Luna. Pwede kaming mag-follow the leader sa bukid (pagawaan ng hollow blocks sa likod ng iskwater). Pwede kaming mag-RPG ni Totong.

Pag nandun ako sa Pandacan, pinapakiusapan pa ni Inay (ang lola kong si Dominga) sila Amalia, ang ate nya or ang kuya nya para samahan akong maglaro. Ako ang unica hija sa Pandacan. Ako rin ang bratinella. Ako rin ang tagaubos ng ulam ni Inay. At tagareklamo pag kelangan na bumorlogs sa hapon habang nakahiga sa folding bed ko na butas yung sa may pwetan.

Eentually nung hayskul eh dun na ko tumira ng tuluyan sa Pandacan. May mga okasyon na magkasama kami ni Amalia. Pag me birthday, pag fiesta, pag may concert sa Balagtas, pag may away sa riles... Pero hindi pa kami naglaladlad.

Pareho lang kaming biktima ng "baby beki syndrome" -- since pareho kaming malamya at maarte, in-assume na ng sambayanan na lalaki kaming beki. At dahil mabait naman ako talaga hindi ko sila kayang i-disappoint. Naging beki nga ako hehehe... Pero never namin napag-usapan ni Amalia na, "Oo bakla ako. Pareho tayo."

Nung minsan eh inutusan ako ni Valentina na bumili ng Lapid's. Nagpasama ako kay Amalia kasi mahabang lakaran itu. Habang naglalakad, nakaakbay ako sa bewang ng lola mo. Eh mejo malapad yun, big boned si bakla. Niloko ko sha, hinipo ko yung kembot ng bakla at inasar-asar sha. Aba gumanti ba naman. Sa kalagitnaan ng Quirino at Nagtahan, may dalawang baklang naghihipuan. Ang sagwa! Sabi nya bigla "Mamaya na lang sa bahay."

Si Amalia ang kauna-unahang beki na nakakembot sa kin. I never returned the favor. Nung time na yun, top pa ko. Naka naman! Ah basta di ko pa bet bumoda. Ang halay kasi! Beki sha eh di ko masikmura na magpaka-tomboy. Basta nagpaubaya lang ako ng ilang beses. Pero di ko pa rin inaamin sa kanya at lalo na sa sarili ko na masarap at gusto ko ang nangyayari.

"Bakla ka ba?" tanong nya minsan.

"Hindi ah!" tanggi ko. "Masarap lang kasi."

Bisexual. Bi. Bi-yot. Metrosexual. Isang metro na lang bakla na. Bi-curious. Straight tripper. Feel na feel ko na ganyan ako nung time na yun. Kung anuman yung meron kami ni Amalia, keri na yun. Basta masaya kami. Tumigil lang yun nung nagkaroon na ko ng ibang barkada sa hayskul. Di na ko umuuwi ng maaga, lagi na kong nasa mga barkada ko, at wala na kong time shumambay sa riles. Nung lumipat ako ng haus nawalan na rin kami ng communication.



Last month, biglang nag-text si Tita Valentina. Patay na raw si Amalia. Complication sa diabetes. Iba't iba pang sakit. Na-comatose sha ng isang linggo, and then Amalia was gone.

Kung nagkita kami before sha sinundo ni Lord, baka matawa kami sa isa't isa. Sa kanya ako unang naglaldlad. Sa kanya ako unang nadapa. Sa kanya ako unang lumandi. Kung tinanong nya ako noon baka di ko maamin ang totoo. Di ko nga maamin sa sarili ko eh. Pero sana nagkita muna kami bago sha sumakabilang-rainbow.

Amalia, kung nasaan ka man ngayon... maglaladlad na ko.


"Oo, bakla ako."