Ang paglaladlad ko na yata ang pinakamalaking desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko. Pero yun din ang isang desisyon na hindi man lang ako nagdalawang-isip. Hindi naman kasi yun public announcement na isang beses ko lang kelangang sabihin. Hindi rin sha isang desisyon na pag sinabi mo na eh keri-bambam na, iisyuhan ka na ng Bakla ID. Pasok na, dinggabelles ka na poreber.
It's a life decision. It's a form of committment. Committment to a chosen way of life, to a way of existence... Ika nga, once you go gay, you can never go back. At dapat yung pinili mo eh panindigan mo. Sa aspetong yan, nagpapakalalaki ang bakla.
Bawat paglaladlad eh me iba't ibang paraan. Yung iba, pinanganak pa lang eh nakatitig na sa gwapong doktor. Yung iba naman eh ginapang ng kung sino nung bata pa lang, at nag-enjoy ng fabulosa kaya ginaya na ang panggagapang. Meron din namang napapaligiran ng mga babaeng kapatid at tyahin kaya na-build mashado yung feminine side. At meron naman ding sadyang pinaglihi sa hasang na home-made.
Eto ang sarili kong teorya kung pano ba ang nabubuo ang mga Pinkenstein ng makabagong henerasyon.
Ang landas patungo sa Pinkantadia (in any order):
Busilak Moment
Puro pa at dalisay ang pagkatao mo. Wala ka pang muwang na may mga bakla pala sa mundo. Pero napapanood mo na si Kuya Dick sa pagganap nya sa lahat ng palabas na pawang bading ang role nya kaya kahit sabihin nyang straight sha eh ayaw mo ng maniwala. Pero kahit di ka naman nakakaisip na manlalake eh yun na ang bukambibig ng mga hurindat mong kamag-anak at kapitbahay. Tinutukso kang bayot kahit di mo naman sinasadya ang pagkembot. Tinutukso kang malamya kahit di mo naman sinasadyang ipilantik ang daliri mo. Care ba nila, basta kakanta ka ng walang humpay pag me bagong single ang Pussycat Dolls.
In fairness ganito ko nung bata. As in kahit beki na talaga ang turing sa kin ng mundo, paki ko?! Tumatalon pa rin ako sa bubong, naliligo pa rin ako sa baha, nagsha-shower pa rin ako sa alulod, nangungupit pa rin ako para me pambili ng text, namumulot pa rin ako ng palara, naglalaro pa rin ako ng joleyns at patintero, umuutot pa rin ako sa mukha ng tulog kong kaklase, at nakikipag-tongits pa rin ako na pitik sa bayag ang pustahan.
Dedma na kung may landi ang kilos. Bet ko pa ring makipag-away nun, as in gulong talaga sa lupa. Nagka-cutting classes din ako nun sa titser naming "Matutina" ang tawag ng lahat ng sambayanan. Umoober da bakod pag tatakas, naglalakad sa pader habang kumakanta ng shigi shigi, pasimuno sa pangunguha ng alatires sa bukid, at pagpa-follow the leader sa pagawaan ng hollow blocks sa likod ng iskwater.
Basta, hindi ako bakla. Tapos. Hindi pa...
Why Not Moment
Dito na magsisimula ang pagkalito sa atraksyon sa ibang tao. Kasi imbes na sa babae ka ma-attract eh sa lulurki ka nalulurki. Imbes na ang mga ST Queen, Sex Bomb o EB Babes ang pag-jekjekan mo eh Coverboys, The Hunks at Masculados Dos ang pinag-fifingeran mo. Kung me cutie sa schoolilet eh parang naiinis ka sa umpisa kasi nga inaasar kang bakla, tapos pag nasa bahay ka na eh kasal-kasalan at bahay-bahayan ang dine-day dream mo.
Sa case ko, nagkaganito ako matapos ang swimming namin sa V. Mapa. 2nd Year HS pa lang kami at nagkayayaan kaming mag-swimming na puro lalaki. Ewan ko ba bakit ang trip nila eh sisisid sa pool ang dalawa at magkikita sa gitna at saka maglalaplapan. Bet ko na ring gawin kasi cute naman karamihan sa mga kasama. Matapos ang swimming, hindi na David Hasselholf ang tingin ko sa sarili ko. Bikini Babe na! Sisihin ang makasaysayang laplapan sa V. Mapa!
Hanggang ngayon eh dinedenay nung mga kasama namin sa swimming na nangyari toh.
Narnia Moment
Kahit may pakiramdam na kakaiba ka na nga sa normal na boys, di naman pwedeng basta ka na lang magladlad at baka di ka na kaibiganin ng mga frends mo at baka itakwil ka pa nina Mudra at Pudra. Baka di lang pingot ang makuha mo, baka tiradurin ka pa ng tatay mo sa pwet. Kaya quiet ka lang.
Isa kang Narnian citizen, closetted, bound, pretensyosa. Hiding Inside Myself ang theme song mo.
Dahil nga napukaw na ang iyong pagnanasa sa mga Adan ng maabagong mundo, shempre gusto mong makakita ng buhay na ibon. Pero dahil nga nagsho-shogo ka sa loob ng aparador ni Juday na may mumu, di ka rin mapakali dahil sa mga nagpaparamdam na malanding kaluluwa. Gusto mong i-express yourself ang mga pagnanasa mo, pero patago kaya mega eyeball ka na lang sa napakalayong probinsya.
Para kang Mt. Pinatubo na anumang sandali eh sasabog, kaya dapat laging kontrolado at monitored ang kilos at galaw. Walang dapat makahalata. Kahit secretly eh ina-idolize mo ang Spice Girls at gustong gusto mong bumili ng butterfly na ipit ni Jolina.
Meron nga akong shopetbahay na lulurki ang press release sa mga citizen ng iskwater. One time eh pumunta kami ng puerto gay-lera ng mga shupatembang ko. Sa dako pa roon kung saan may mga kweba at dinosaur -- knows mo kung san yan noh?! -- eh me naulinigan aketch na mga badesang nagmimiss gay miss gay-an sa dalampasigan. Aba, pagsipat ko, ang hitad kong neighborhood, nakasarong pa na ginawang haltered gown! Ay naloka talaga ko! Ang baklang inggitera, lumapit ke neighbor at kumalabit.
BM: Oi kuya! Musta? Kelan ka pa ditey?
Neighborhood: (natulala, namutla at napanganga ng 5 seconds, saka nakabawi) Oi BM, kanina lang. Uuwi na rin kami sa Sunday.
At dahan-dahang kinakalas ang haltered sarong sa pagkakabuhol sa leeg nya. take note, ang matinis na boses ni Ms. Uruguay, naging baritone ng walang kaabog-abog.
Borboli Moment
Shempre pa, para mapagtakpan ang lansa ng sirena, kelangan eh may after shave na men's cologne. Dapat super musky ng amoy para ma-focus sa sangsang ng pabango ang pagdududa ng gelpren mo. Dito na papasok ang pagkakaroon ng mga concealer -- also known as the girlfriend.
Ang beki, pipiliting kumuda ng babaylan, masabi lang na macho at papable. Kahit pag lumapit ka eh mahahatsing ka sa tindi ng pagka-paminta ni ate, wit aamin yan. Aakbay pa sa girlfriend, sabay halik sa buhok or noo or leeg.
Magkukunwari pa na babaero, na sabay-sabay ang mga jowawits, para nga naman chickboy ang dating. Lahat ng gawaing panlalaki eh gagawin, pati pagkokolekta ng kung anik anik na items mula magazines na fhm, hanggang number ng mga babae, at pag mejo um-um (mahirap) eh gagamba na lang kinokolekta. At least panlalaki pa rin! Pero wag ka, secretly eh umiindak-indak sa saliw ng "womanizer" ni Britney ang baklitang naka-kadena.
Kung napagdaanan ko ba to? Naman! Naka-limang syota din kaya ako. Nung minsan pa na me in-eyeball akong boylet sa Welcome Rotonda eh tinanong ng kasama ko sa apartment kung sino mineet ko, ang sabi ko na lang eh nakipag-eyeball ako kaso tomboy pala. Pinangalanan ko pa shang Ate Olive.
In fairness naging masaya naman ako dun sa una kong gf. Tawagan pa namin eh "mahal". Close ako sa pamilya nya, at bestfriend ko sha. Di ko na maalala kung bakit kami nag-break, basta ang alam ko after namin mag-break parang ang gaan-gaan ng feeling ko.
Yung pangalawa naman, dare lang namin nung bestfriend ko nung college. Sinagot naman ako ni lola mo. Kaso after a few days nag-break na rin kami. Ang ikina-tumbling ko, naging sila naman nung bestfriend ko! Umeksena pa kami ng iyakan kasi di raw nya sinasadya na mahalin ang ex ko. Humingi sha ng tawad kasi ayaw nyang masira ang pagkakaibigan namin. Sha yung kauna-unahang lalaki na umiyak ng dahil sa kin. At sha rin yung unang lalaking iniyakan ko. Kasi...
Di ko rin naman sinasadya na mahalin ko sha.
Adios Narnia Moment
Nung nalaman ni bestfriend na na-inlavavo na pala ko sa kanya, goodbye Narnia! Ayun na nagkaaminan na. Thus I entered into the next stage of my paglaladlad.
Sa pagpapa-despedida ko sa Narnia, eto na yung pagdinig sa tawag ng damdamin. Answering the call of your inner pechay. Being true to the the cauliflower within.
Peborit ko yung coming out scene ni Wanda Ilusyunada na nasa hapag-kainan sila at mega ispluk si badesa ng "Ma, pakiabot naman ng ketsup sa nag-iisang bakla sa pamilyang ito." Tapos inabot ng mama nya yung bote ng ketsup sa tatay nya! Kaloka!
Yung isang crush na crush kong cutie pie dati na maganda ang boses, nakitulog sa haus nung college ako. Sa kwentuhan, bigla nyang tinanong: "Kuya ano po ba yung BJ?" Aba, I smell an opportunity. "Di ko ma-explain eh, pero kaya kong gawin."
"Sige po. Gawin natin..." Eh di nung gabing yun nalaman nya kung ano ba ang BJ. At kinabukasan, pagmulat na pagmulat ng mata eh eto ba naman ang ispluk:"Kuya pwedeng isa pa?"
Why not!
Spelunking Moment
Ayan na, itodo ang pagka-katimora. Fabulosa sa explore at experiment. Lab gown kung lab gown ang bakla! SEB ditey, kembot jan, bembang doonchi, bongkang jan. Lahat na ng pwesto papatusin. Lahat na ng posteng may tite, kukudain. At lahat na ng posisyon, tirang-pasok talaga ang beki. Sabi nga nung opismeyt ko: "I'm in my 20s! I have needs! I'm hot! I'm horny!"
Ako in fairness demure na demure. Unang kuda ko, sa Rizal Stadium. Si kuya, pagdaan sa likod ko, dinakma yung... hinliliit ko! At nakipag-pinkie swear sa akin na pag sumunod daw ako sa kanya eh makakarating ako sa langit. E di sumunod ang bakla. Ayun, naganap ang di inaasahan. Nginig na nginig pa yung tuhod ko habang kinukuda ko si Kuya. Unang kuda ba naman!
Me naging bowa ako, nagpaabot lang ng request sa bandang tumutugtog sa stage, tapos inabutan ko rin sha ng papel na me number ko. Si cutie chinito ng wow philippines. Nakapunta pa ko sa haus nila sa Tondo na parang me factory sa baba. Asan na kaya sha?
Eto na siguro yung time na wet and wild ang hormones ng beki. Nakipagkembangan na ko sa gitna ng dalawang naka-park na bus sa malate, rumampa sa goldilocks na puro beki rin ang laman, at nakipag-eyeball kung saan saang lupalop ng mega manila.
One time eh nagkunwari pa kong anak ng parlorista na pinalayas ng stepfather. Nung time na yun kasi blonde ang buhok ko. Hindi highlights ha, as in buong buhok. Mukha akong leon na gutom. Ayun, naawa sa kin si kuyang tambay sa cubao, nagpaubaya sa kalandian ko.
Wag ka, yung unang bembang ko naganap sa tulong ni Kuyang umiiyak sa bar kasi iniwan ng bowa na gurlaloo. Mega console ako at listen sa dramarama. Tapos sinama ako sa haus nila sa San Andres kasi nga magkekembutan kami. Eh me tao sa bahay. Dun kami bumagsak sa katabing bakanteng lote na me labahan at sampayan. At yung mga sinampay pa ang nilatag nya ha. Matapos yun, para kong rape victim.
Relapse
Minsan eh di maiwasan na mag-isip ang beki. Where do I go from here? What about my future? Lalo na pag nakakita sha ng beking majonda na at parang walang kinahinatnan ang buhay. O kaya eh mga baklang me anak. Or mga beki na happily married sa mga bowa nila of 20 years. Nalulungkot, nag-aasam ng kalinawagan, at ayun na. Ang baklang nag-iisip, natotomboy. Alam mo yan.
Eto na ang pagbabalik ng cancer cells. Tomboy once again ang ate mong badesa. Ang muling pagtikim ng dinuguan. Wa epek ang chemo bumalik ka na naman sa dati mong gawi. Nagtatago, natatakot, nakakanlungan. Good morning banga! Nasa loob mo na naman ako! Ayan na naman, nauuso na naman ang mga Ogie Diaz at Arnel Ignacio ng sangkabaklaan.
So far naman eh wala akong ganitembang na feeling. Susko wag naman po sana akong maging dinuguan-fanatic. Parang di ko ma-imagine.
Dito Ba moment
Ditey na talaga magdedesisyon ang bakla. Habang umaawit ng dito ba eh unti-unting isinasabit ang alinmang mapipili nya. Ang wooden boy ba, or ang girlie figurine? Hula hoop ba, or baller ID? Jack or Jill? GL Card, o Kayod Card? Marvin o Jolina? Kc o Piolo? (ay parang no wrong answer!)
Jan na rin papasok yung "Dis is Rily is It Moment" na masasabi mo, once and for all: I'm GAY and I'm proud of it! Pag natanggap mo na yun sa sarili mo, magsisimula ang pagtanggap sayo ng ibang tao.
Sabi ko nga, ang paglaladlad eh mas mahirap pa sa pagpapakasal. Ngayun me annullment na. Sa pagkabakla meron ba?! Anal-ment lang meron. Pag talagang desidido ka na, at naisyuhan ka na ng BIN (Bakla Identification Number), there's no turning back. Pwedeng magbago ka, pero deep inside, alam mong sa kaibuturan ng puso't pagkatao mo, nakatago ang kaliit-liitang himaymay ng buto mo na nakatikwas, nakapilantik, at nababalutan ng pink na ribbonlet.
Ang paglaladlad eh parang The Journey to the Wonderful Land of Oz. Gusto nang umuwi ng malanding si Dorothy kaya kelangan nyang baybayin ang yellow brick road. Nakasalubong nya si Cowardly Lion na nangangailangan ng katapangan. Nakisabay din si Tinman na witchikelles na bet maging heartless. Si Scarecrow na isang biktima ng dumb blonde syndrome, ayun nakisawsaw din para magkaroon sha ng isang kilong utak. Si Toto - anti dandruff / anti pulgas naman ang hanap.
Malay ba naman nila na sa Emerald City pala eh makikita nila ang Wizard na kailangan na ding magising sa katotohanan. At si Witch na biktima ng stereotype. Kasalanan ba nyang maging hadhadin? Ikaw ba naman ang matigang?! Tapos pag nag-wet sha eh mamamatay sha, kaya tiis-landi si bakla. Ayun tuloy dinaan na lang sa kamot sa walis ng pukengkay nya si Wicked Witch of the West.
Parang kabaklaan din yan eh. Kelangan mong isaalang-alang ang puso, utak, with an ounce of katapangan at katotohanan. At ang makawala sa stereotype na minsan eh nakakasakal at nakakaumay.
Super haggard bago ka makarating sa ultimate desisyon na "I'm coming out, I want the world to know, got to let it show!" Sometimes, you just have to click your heels and your silver shoes will take you...
HOME.