Tantum te Quando Absente Desidero. I miss you.
Ang bakla, nahihilig sa latin. Ewan ko ba, anlakas ng hatak ng latin... Kaya ang new year's resoluzion ko, this year, lahat ng post titles ko, eh translated sa iba't ibang languages... Para me dating naman! Ahihihi... Tsaka para kunwari zozyal ang bakla...
Kagabi, sa saliw ng part of your world, on my own, brokenhearted girl, halo at a little fall of rain, umiiyak ang bakla. Kasi, parang wala na kong budwire. It's complicated.
Yun last time na nagpunta sha sa bahay, gulatan ito with matching tayo ng balahibo at panlalaki ng mata. Kasi ba naman, nagkakalkal ako ng mga mementos ko sa aking shoe box of little memories with sentimental value, bigla na lang sha sumulpot sa pinto.
Eh me gera kami ng wallet ko that time. Kaya ang budwire ko, nagpaka-canton boy muna. Habang namimili nga kami ng kung anik anik na instant noodles, napasulyap ako sa Baliwag lechon stall, sabi nya "Oh wag ka ng tumingin, di natin kaya yan."
Sa simpleng pancit canton, instant mac & cheeze, kalahating tequila na natira sa last inuman namin, at apat na boteng redhorse, with candlelight at artificial flowers, naganap ang last date namin ni budwire. Funny coz wala akong matandaang bloopers nya for this particular night. We talked about so many things, he talked about his plans, I listened to him.
Then he was gone.
Umuwi muna sa Quezon ang lolo mo since bakasyon pa sa school. Sarado muna ang noodle hauz. Wala rin munang lovelife ang BM. Long distance relationship itu.
Dumaan ang Pasko, nagputukan ang Bagong Taon, walang budwire na sumulpot sa porch ng bahay na pink. Nakasalo ko uli si Pa nung New Year, nag-overnight sina Bhe, Bhie at Baby, kinembot kong muli si Yellow Shirt Guy (remember him?) at napako na naman ang pangako ni Jonel na makekembot ko sha bago matapos ang taon. Di pa rin pumunta si budwire sa haus.
A few days before New Year, nagtext ang lolo mo. Punta raw ako sa kanila. Ang lapit! Infanta, Quezon. Susme, buti sana kung alam ko yung lugar na yun. Eh pugad daw ng NPA yun. Pano kung pagsamantalahan ako dun? Baka di ako tumanggi! Dinedma ko ang imbitasyon.
Linggo, January 3, 2010. Nagtext ang dadudz. "Daduds, namatay ang tatay ko, ngayon ang libing. Di na ko pinapauwi jan ni Mama, wala sha kasama dito. Dito na ko titira uli."
Natulala. Nag-panic. Nawindang. Naiyak. Nasinok. Napakurap. Napahinga ng malalim. At na-lowbat. Nagtae. Napasipol sa saliw ng "Paalam na". Naluha uli. Nanghinayang. At nag-text. Nalowbat uli.
Hanap ng charger. Saksak sa plug. Tawag kay Dadudz. The number I dialed is out of coverage area daw, sabi nung babaeng sumagot. I will try again later.
Kaya pala nya ko pinapapunta sa kanila. Sobrang nahiya ako sa sarili ko. Habang sha eh nagdadalamhati, ako eh naglulumandi. Habang sha eh nagluluksa, ako eh naglulunoy sa kasalanan. At habang sha eh umiiyak, ako eh nagpapakasaya. Anong klaseng bakla ako?
Wala na kaming matinong pag-uusap after that.
Madalas, I consider myself a nomad. A wanderer. Nobody's girl. Hinihintay ko pa yung lalaking magsasabi sa kin ng "You're nobody's girl. I'm a nobody.You're my girl." Nobody, nobody but you! Clap-clap-clap-clap! Pero kahit anong palakpak ko, wala pa ring Daduds na bumalik.
Niyaya ako ni Ka-te na maglunoy sa buhanginan ng Boracay. Para maaliw eh gora naman ang bakla. Nope. Di ako kumembot dun. Hulsam na hulsam ako mga ate. Me nagyayaya nga sa kin sumayaw dinedma ko. Me nakilala ako, pwedeng gawing destiny. Nagpa-piktyur lang ako na parang katulong na nagde-dayoff. Tapos kinilig magdamag. Pero wit na pagkatapos nun. Kilig lang.
Habang nasa Bora, gusto kong lunurin ang sarili ko. Kasi nagtext ang Daduds. "Nakakainis ka pinapaluwas mo ko tapos wala ka naman pala sa bahay nyo. Umuwi na ko uli sa Quezon! Di ko alam kung makakaluwas pa ko uli." Talk about wrong timing and salisi. Haaaay!!
Nag-eemote na ko ng bonggang bongga eh. Tapos nabanggit nya kung kelan sha nagpunta sa haus. Friday night daw. Ungas na yun! Friday night sya nagpunta eh andun lang ako sa haus. Sabado ng madaling araw ako umalis. Muntik na kong magpakalunod sa maalat na dagat ng Aklan, ginagago lang pala ko ng hayuf.
Last week nagkatotoo na. Pumunta nga sha sa bahay at nagkita kami. The usual na kembot. Inuman ng tequila, lemon at salt. Pero kainuman namin si Ambo. Akalain mo yun, magkasundo ang dalawa!
Nung umuwi na sha uli sa Quezon, I started analyzing my feelings for him. Mahal ko ba sha dahil gwapo sha, oh gwapo sha sa paningin ko kasi mahal ko sha? Nami-miss ko ba sha kapag nawawala sha kasi mahal ko sha, o nami-miss ko sha kasi pag naglalakad kami na sweet-sweetan sa isa't isa eh lahat napapalingon at kinaiinggitan sa buong iskwater ang bakla? And then it hit me.
Trophy boyfriend. Yun ba si Daduds sa buhay ko? Sinesementuhan nya ang status ko sa iskwater bilang pinakamagandang bakla sa balat ng pinkantasya. Panrampa. Pang-inggit. Palamuti. Yun ba ang silbi nya sa kin?
Di rin. Di ako mababaw. Lalim ko kaya. Tanong mo pa ke Marvin, hihihi...
Buong buhay ko isa ito sa mga inaambisyon ko. Magkaron ng lovelife. Halleeeer! Ilang lalaki na ba ang kinarir ko at nabigo lang naman ako. Ilang pantasya na ang hinabi ko para makabuo ng iba ibang scenario kung saan ako ang hinahabol habol at nililigawan. At sa lahat ng scenario na yun, hindi talaga ko nagpapakipot.
Sine ullo vivere desiderio. No regrets.
Kay Daduds lang. Di ko magawang mainlavavo ng todo ke Daduds, kasi pag sha ang minahal ko, wala ng ahunan to. Walang move-on move-on. Walang iyak-emote-forget na combo. Walang DVD marathon at papalit palit na status sa facebook. Pag sa kanya ako nabigo, lunod agad toh. Laslas siguro. O kaya bigti. Para mas cinematic siguro haharang ako sa bala...
Tanong ko dati kung mahal ko na sha, sabi ko "I'm getting there." Still not there, folks. But for now, I think I'll try defying gravity. I'm not gonna fall. I'm gonna fly. Anong laban ni Zsazsa Zaturnahh?!
All I'm saying is, pag nabigo ako ke Daduds, malamang eh magpakalalaki na lang ako. Pero babasagin ko muna ang bintana ng bahay nila, at pag nagreklamo sha ng "You broke my window!"
"Well, you broke my heart." Sabay walk-out!
1.25.2010
Tantum te Quando Absente Desidero
1.21.2010
Moments and Snippets 2
Anik-anik ang nangyayari nowadays sa layfsung ni Biem kaya dadaanin ko sa maiksing anek-nota ang mga kwentong bayan...
Wedding Moments:
Me naatendan akong mass wedding sa Rizal. Sabi ng pari:
Padre: "Ikaw, Matthem, Mark, Joseph, Loy, Paul, Patrick, Harold, Robert, Mario, Nathan, Andrew, Boy, Ramil, Lando, Junior, Noli, Reynan,Allan, Bruno, at Badong, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng iyong puso, sa hirap at ginhawa, hanggang kamatayan si Lenlen, Sunshine, Mara, Clara, Anita, Ria, Andeng, Ana, Girlie, Buena, Aida, Luz, Ibyang, Kambal Liit, Kambal Laki, Elma, Carlota, Rizza Mhae, Shiela at Doray?"
Lahat ng lalaki: "Opo Padre"
Padre: "Ikaw naman Lenlen, Sunshine, Mara, Clara, Anita, Ria, Andeng, Ana, Girlie, Buena, Aida, Luz, Ibyang, Kambal Liit, Kambal Laki, Elma, Carlota, Rizza Mhae, Shiela at Doray, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng iyong puso, sa hirap at ginhawa, hanggang kamatayan si Matthem, Mark, Joseph, Loy, Paul, Patrick, Harold, Robert, Mario, Nathan, Andrew, Boy, Ramil, Lando, Junior, Noli, Reynan,Allan, Bruno, at Badong?"
Lahat ng babae: "Opo Padre"
At nag-kiss the bride na nga ang lahat. Sana di sila nagkapalit-palit ng asawa. Matapos ang roll call, namudmod ang mga ushers at usherettes ng refreshments. Isang Zest-O Big 250 at buy one take one na Scott Burger with cheese. Yung isang burger lang ha. Tig-isa kayo ng katabi mo.
BiBiana Moments:
Nung bata pa akeiwa eh mahilig palang mamangka sa sandamukal na ilog itong si Ambo. Isang araw na umuwi sha ng late:
Bibiana: Penpen de sarapen... Ang mga ibon... My toes, my knees... Uhhmm... Aringkingking, aringking... Uhmm, uhmm, amen.
Bumubulong-bulong ang Bibiana, me dinadasalan sa altar. Taimtim na taimtim, walang pag-iimbot at buong katapatan.
Ang Ambo, natulala na lang at nawindang. Ang dinadasalan ni Bibiana, yung grap pic nyang wood laminated. Me takip na itim na tela. Me tirik pang kandila. At ang Bibiana, kuntodo outfit, me belo pang itim at me shawl pang naka-drape sa shoulders. Tapos tumayo sha sa pagkaka-eksena nya dun, dinampot ang isang kumot na puno ng damit, at hinagis sa kalsada ang mga gamit ni Ambo.
Laban ka?
Wowowee Moments:
Isang contestant iteiwa sa Willie op Fortune. The usual na interview portion with matching talent tsaka pangingilid ng luha ni Willie at pasundot sundot na emo music para ma-tats ang manonood.
Willie: Anong pangalan mo?
Contestant: Jun-jun po.
Willie: Oh Jun-jun, sinong kasama mo ngayon? Anjan ba ang pamilya mo?
Jun-Jun: Ay wala po akong pamilya dito nasa probinsya po lahat. Kasama ko po ang girlfriend ko. Si Ms. Bella po.
Willie: Oh batiin mo. Hi Ms. Bella. Anong masasabi mo naman dito kay Jun-jun? Jun-jun? Jun-jun!
Ms. bella: Naku napakabait pong boyfriend nyan. Di po nambababae, mahal na mahal ko po sha. Jun-jun wag ka sanang magbabago. Mahal na mahal kita, sana magtagal pa tayo. Salamat sa pagmamahal mo at sa pagiging faithful. Lagi mong tatandaan andito lang ako para sayo lagi. basta mahal na mahal talaga kita.
Willie: Wow, ang sarap naman, mahal na mahal nila ang isa't isa. O ikaw naman Jun-jun anong masasabi mo kay Ms. bella?
Jun-jun: (Humugot muna ng malalim na hininga) Alam mo Ms. Bella, matagal kong pinag-isipan ang bagay na toh.(cue sa romantic song)
Willie: Aba! Mukhang magpo-propose na ah!
Mga Tao: Kiss! Kiss! Kiss!
Jun-jun: Kasi po Kuya Willie, may gusto po sana akong sabihin sa kanya eh. Ms. Bella, hindi ko lang masabi sayo dati pa kasi nahihiya ako. Mahal talaga kita, pero gusto ko rin makilala mo kung ano talaga ako. Ms. Bella, bisexual kasi ako. Hindi ako straight. Sana maintindihan mo. Ikaw na ang bahala kung anong desisyon mo pagkatapos ng palabas nato.
Windang ang mga tao. Lalo na si Bella. Lalo na ako.
Yaya Susan Moment:
Matapos ang mahabang bakasyon dahil sa panahon ng kapaskuhan eh balik-manila si Yaya Susan.
Yaya: I'm back!!! Me kanin?TM: Wala man lang 'hi' o 'hello'. Kanin agad? Walang kanin.
Nagluto ng sang kalderong kamote si Yaya.
Isang gabi eh nagtatalo si Tatay ni TM at si yaya Susan. Ksi debotong Jehovah's witness pala si Yaya.
Yaya: Ang makakita kay Jehovah ay mamamatay.Sabi sa libro, mali ang tinuturo ng tao.
Tatay: Eh sino ba nagsulat ng libro? Tao ang nagsulat di ba? Eh di tao ang nagtuturo. Kaya mali yung tinuturo.
Yaya: Hindi mali yun, kasi banal yung nagsulat.
Tatay: San nila nakuha yung sinulat? Eh di namatay sila kung makikita nila si Jehovah?
Yaya: Hindi ah, nagsalita yung halaman.
Tatay: So naniniwala ka sa halaman?
Yaya: Oo!
Tatay: Hay naku, sige dun ka sa garden, sumamba ka sa kamote!
PS:
Wala munang kwento ng lovelife at budwire... It's complicated.

1.18.2010
Ms. Gay Bangungot 2009!
During a male pageant sa isang shala-shalahang bar somewhere ditey sa Malate, the hofficial hangout of gaylandia, jiksayted na jiksayted na ang mga hitad na makakita ng mga naguumbukang notelya at nagsisikipang mga bripangga.
Candidate Number 1!
"Beep beep beep! Nahuling chumuchupa sa jeep! Egypt!"
Sigawan ang mga tao. Sa bandang dulo, me isang lolo na sumisigaw ng effort na effort with matching kasta-motions sa upuan. "Subterranean! Subterranean!"
Candidate Number 2!
"Huuuuuh.... ahhhh! Ang anghang!!! Hah!!! Chile!"
Sigawan uli ang kampo ni Chile. Si lolo umeksena uli. "Subterranean! Subterranean!"
Candidate Number 3!
Malay ko! Malay mo! Malay nating lahat! I'm from.... (nag-collapse -- nawalan ng malay)
Nagwawala na si lolo: "Whooo! Kahit walang malay! Subterranean! Subterranean!"
Candidate Number 4!
"Hindi iyo! Hindi akin! Hindi kanila! Kanino?! Kenya!"
Ecstatic na si Lolo! "Subterranean! Subterranean!"
Candidate Number 5!
"Gutom ka na ba? Gutom na gutom na ko! Lafang tayo! Because I'm Hungary!"
Napaupo si Lolo, mejo napagod. Maya maya eh tumayo uli at sumigaw "Tangna! Kakapagod pero subterranean talaga! Subterranean!"
Candidate Number 6!
"Boom! Kablam! Kaboom! Bang bang bang! Bagag! (sisipol...) Booooom! Afghanistan!"
Napaisip si Lolo. "Baka matamaan ako dun ah... Hmm. Pwede na rin ! Subterranean! Subterranean!"
Sa buong kembot ng pageant eh yun lang ang ispluk ni Lolo mo... Di na nakatiis si katabing usyusero.
"Lolo, ano po bang bansa yung subterranean? Kanina pa po kayo nagtsi-cheer eh wala naman lumalabas na galing 'subterranean'. Sino po bang bet nyo jan?" ask ni kuya Uzi.
"Gago! Anong subterranean ang sinasabi mo jan?!! Sabi ko 'sarap tirahin nyan!' Whooo!!! Subterranean! Subterranean!!! Subterranean!!!!!"
Ang alamat ng subterranean. Bow!

1.06.2010
Livin La Vida Yaya
Etong team manager ko sa ofis eh me yaya na kakaiba. Talo pa ko sa sobrang talino. Kung si Inday eh naging winner kasi inglisera ang eksena, eto iba. Nakakalokah.
Act 1: Kahayupan. Nagyayaya si Yaya na magpunta ng Manila Zoo.
Yaya: Sige na, punta tayo ng Manila Zoo. Gusto kong makita mga hayop.
TM: Ayoko dun, ambaho kaya ng mga hayup dun!
Yaya: Hindi! Mabango na dun! Saka gusto kong makakita ng mga dinosaur!
TM: Nge, ano ka ba wala ng mga dinosaur dun! Extinct na yun!
Yaya: Meron pa! Marami dun!
TM: Wala na nga. O sige, anong itsura ng dinosaur?
Yaya: Ano... me naka... ah! Me nakatayo! Me nakahiga! Me nakaupo. Sabi pa, rooaarr!
TM: Susko mababaliw ako sayo.
Yaya: Oo, totoo! Bakit sabi ni Charles Darwin meron pang dinosaur?!
TM: Wow, Darwin ka jan. Aber, anong sabi ni Darwin?
Yaya: Nabasa ko sa libro, yung tungkol sa theory of evolution!
TM: Anong libro?
Yaya: Yung malaking libro! Ganito kalaki! (sabay gesture) Nabasa ko nung grade six.
TM: Ano ka, eh hanggang grade five ka lang di ba?
Yaya: Oo, pero yung libro pang-grade six.
Nag-walkout na lang si TM.
Act 2: Tagubilin. Nagbibilin ang tatay ni TM sa yaya.
Tatay: O, Susan ha. Gabi gabi wag mong kalimutang i-check ang pinto at mga bintana bago ka matulog. Tandaan mo ha, wag mong kalilimutan.
Yaya: Opo, ser.
Kinabukasan, nakalimutan na agad ni Yaya Susan na ikandado ang pinto at mga bintana.
Tatay: Susan, ano ang sinabi ko sayo na wag mong kakalimutang gawin bago ka matulog?
Yaya: (nag-isip ng malalim) Uhhhmm, magsepilyo?
Tatay: Hindi yun! Ano pa? Yung sinabi ko kagabi na gawin mo lagi bago ka matulog?!
Yaya: (nag-isip uli, mas malalim) Uhhhmm... Ahh... Magdasal?
Napadasal na lang si Tatay.
Act 3: Bituin. Gabi ng mga shooting stars. Si TM, niyaya si Yaya na manood sa labas.
TM: Tara, dun tayo sa labas, nood tayo ng shooting stars.
Yaya: Ayoko! Baka tamaan ako!
TM: Huh?! (Napakamot na lang sa ulo)
Maya-maya lumabas din si Yaya. Nilapitan sha ni TM.
TM: O, akala ko ba ayaw mong manood ng shooting stars kasi baka tamaan ka?!
Yaya: E, ok lang. Iilag na lang ako.
Tumambling si TM, nagmukmok na lang sa kwarto.

1.05.2010
Quando Vale Significat Semper
Malapit nang gumabi, tulog pa rin ang beki. Nakahilata sa kama, ninanamnam ang bagong bedsheet at pillow cases. Nagmumuta, maga ang mata, at magulo pa sa gobyerno ang utak. Kasi, 2010 na.
Apat na taon. Dito ko sa iskwater kumekembot pag New Year. Nung 2007, pakalat-kalat lang ako. Nakikikain kung saan-saang bahay. Nakikisigaw, nakikikulet, nakikiinom. Wala pa mga barkada ko, lahat sila kababata ko lang, pero na-outgrow na namin ang isa't isa. Lumayas kasi ang bakla at nag-outsourcing sa ibang iskwater. This year, nag-reconnect kami ni Totong. Pitong halik.
Noong 2008, happy na sad kasi last celebration namin ni Bibiana na magkasama. Ang nanay kong wrong grammar (peace!) magma-migrate sa Queens, NY. Shala di ba?! Naglasing ang bakla, mejo nakikiumpok na ko sa mga lumang tropa. Luma talaga, susme inaamag na ata shomod ng mga toh. Sa inuman, inangkas pa ko ni Totong sa motor at dumayo sa ibang iskwater. Noon ko din nakilala ang aswang. At noon pa lang, alam ko nagsimula ko na shang kamuhian. Walong halik, puro patago.
Last year, 2009. Ibang iba na. Official ka-iskwater na ko with flying colors. Me scepter at sash pa. At plaque of recognition. Tsaka 12 boys of Christmas. Nipols ko pa lang ang pink sa bahay ko. Buo pa rin ang puso ko. Me mga tagpi, pero buo.
Tatlong case ng redhorse. Tropa lang kami pero Ma at Pa na ang tawagan namin. Mejo binabastos pa nya ko. Mejo nagpapabastos naman ako. Ng konti. Eto yung time na puro kami walang pasok sa ofis kaya puro redhorse din ang dumaloy sa ugat ko. Nabuo ang tambalang BM at Totong. Haba ng backstory noh? 2009 pa lang ako.
Dahil sa mga ate kong mainarte -- sina Mamagan, Mamaru, Mamalin at Mamagal, na-frustrate si Mama Trony (yours truly) at nag-emote. Nilaklak ang isang basong matador, straight, bottoms up. Yumakap sa bewang ni Totong saka umiyak. Na-comfort naman nya ko. Naging kami. Galing mag-comfort noh? Panalo. Salamat sa mga ate ko. Siyam na halik. Hindi na patago, pero puro quickie. Buntis na pala ang aswang. Mga halik na may pamamaalam. Pakshet na aswang, sarap budburan ng asin sa ngala-ngala.
Kaya ngayong 2010, matamlay ang bakla. Pano, halos di ko na nakikita si Payat. Noong Pasko, di man lang sha dumaan sa bahay na pink. Sabagay, di nga sha dumaan sa bahay ng nanay nya nya eh. Kaya ako na lang pumunta sa bahay ng aswang. Kipkip ang regalo para sa inaanak ko, isang garland ng bawang, agua bendita at isang garapong iodized salt. Pero yung gift ko ke Payat sabi ko kunin nya sa bahay. Pag-alis ko nag-away sila. Kasi kahit kaharap ang aswang, Ma at Pa pa rin ang tawagan namin. Bakit ba? Let me reiterate, una shang naging akin. Dahil dun, bartolina ang inabot nya.
Eto ang bakla, a few hours to go na lang, nagmumukmok pa sa kwarto. Kinakarir ang God of War, hindi nagluto ng kahit ano, at nagdudukit ng walang humpay. Pero shempre, pag maingay na ang buong mundo, lalabas din ang beki na may ngiti sa kanyang pechay.
Nagpuputukan na, haggard na ang usok, ubos na tutuli ko, mejo lampayatot pa rin ako. Ipinagbawal sa looban ng iskwater ang paputok, kaya nasa labasan lang kami. Paputok, labasan, my gulay ang halay. Napasulyap ako sa toreng blue. Patay pa rin ang ilaw. Napatungo na lang ang bakla. Pag-angat ng ulo ko, me kumalabit sa kin.
Slow motion mode ako bigla. Hinawi ang buhok. Umikot ang balikat, lumingon sa likod. Nge, si Berto lang pala. Yung tagahakot ng basura sa iskwater. "BM, me basura ka ba?" Susko putukan na basura pa rin, kaloka! Habang umiiling ako, me narinig akong tumatawa. "Langya, ang bagal mo pang lumingon ah! Kailangan slowmo talaga? Ma! Happy new year!"
"Pa! Happy New Year! Anjan ka pala. Kanina ka pa jan?" tanong ko ke Payat. Me halong gulat at kilig pa rin ang kabog ng dibdib ko. Pero lumapit na ko sa kanya at humalik.
"Kanina pa, ngayon ka lang lumabas eh." Nagpahalik naman ang mokong.
"Eh kala ko kasi di ka pupunta dito, naka-bartolina ka di ba?" Halik uli.
"O dalawa na yun ha, sampu ka lang ngayon. Ayaw kasi nung aswang, inaway ko lang para pumayag. Di ako pwedeng mawala dito pag bagong taon. O, kiss pa." Sabay lapit ng pisngi. Hinila ko nga yung batok, sa lips ko sha kiniss hehehe. "Ma! Andaming tao!"
Wait. Ninanamnam ko pa... Ok, naka-recover na ko... "Wehanongayon? Bagong taon naman!" Swear, di ako magbibilang ngayon. Walang quota, cancel muna. Baka matagalan bago maulit eh.
Nun ko lang napansin na bitbit nya pala yung pamangkin nya, si Sam. Na takang taka na bakit kami naghahalikan ng tito nya. "Hi Baby! Pa-kiss." Baka kasi mainggit ang bata, dapat ding halikan.
Sa gitna ng halikan at kumustahan, nawindang na lang kami nung hilahin nung isang tambay yung may sinding sawa. Bigla na lang kaming nagtakbuhan. Hayup na yun, muntik pa kong malaglag sa imburnal, sa sobrang landi ko mahahagisan na pala ko ng paputok ng di ko namamalayan. Kaya ang Payat, galit na galit na sinugod ang humila ng paputok. Si Juaquin Bordado pala. Sarap kutusan.
Hay kumpleto na bagong taon ko. Me bonus pang Fun Run 2009. As usual, inuman kasama si Payat, redhorse, pulutan na sandamakmak kasi shempre andaming handa ng mga kapitbahay. Kwentuhan, updates, shempre hahalik ang bakla.
Alas-tres ng medaling araw, me kumatok. Ang aswang, sinusundo si Payat. Umeksena nga ako. “Mamaya mo na sunduin uubusin lang naming toh.” Sabay sara ng pinto. Sabay tawa na parang si Ina Magenta. Ang aswang umuwi na lang. Ewan ko kung naglakad o lumipad. Baka lumipad.
Maya-maya, out of nowhere eh bigla nyang sinabi sa kin. "Ma, alam mo nagseselos pa rin sayo ang aswang. Ikaw lang talaga pinagselosan nun." Dedma ang bakla. Nagseselos pa sha eh nasa kanya na, leche sha.
Naubos ang pulutan namin. "Ma, wala na tayo pulutan jan?" Hmm, esep-esep... Ting!
"Pa! Me mga sugpo pa dun sa ref, teka luto ko." Natira nung Xmas party namin ng team ko, hehehe.
Eto na naman po ako sa aking mga pacham recipe. Pachamba! E di luto ang beki, tinunaw ang butter, binudburan ng asin, konting toyo, wisik ng asukal, mega paminta at sili... Tsaka oyster sauce at isang salop ng pagmamahal… Presto! Para na shang meal na natutunan sa youtube.. Pede na sana mga meal dun eh, kaso walang diploma tsaka transcript. Alangan naman mag-apply ako as chef, nasa resume eh grad ng Youtube Academy?!
Sa kalagitnaan ng niluluto kong sugpo, ginulantang na naman ako ni Totong.
"Ma, mahal mo ba ko?"
Halik na lang naisagot ko. Tanungin pa ba yun? Pag sumagot ba ko ng 'oo' eh iiwan nya ang aswang at magsasama na kami? Hindi naman. Mabuti pang wag na kami pumunta uli dun. Baka di na ko makaahon.
Bandang alas-singko sinundo sha uli ng aswang. Wala na kong nagawa kundi ang magparaya. Na naman. Naiwan pa ang regalo kong t-shirt na Mario Bros.
Isang tapik ng pagkakaibigan, isang sulyap ng paumanhin, isang tango ng pamamaalam, at isang palihim na halik sa pisngi. Yung mga yun ang tanging regalo nya sa kin. Sampung halik.
I guess Totong would always be my greatest "what if". He would be my only "what could have been". He's my "so close, but still so far". He’s “the one that got away”. And yes, he's my "I love you, goodbye".
Quando vale significat semper. When goodbye means forever...

Subscribe to:
Posts (Atom)