7.27.2009

Darna

I met Valentina.

She's sitting on my couch right now. She was once Sailor Pluto. I was wrong.

She isn't one of us. She's from a different comic book.

Ugh!

"Ding ang bato! Darna!"

7.26.2009

Behind Enemy Lines

Minsan naiispluk ko sa sarili ko, bakla, ang tapang mo talaga.

As you all know, andun na sa piling ng aswang ang Papa ko. As in hinakot na ng babaylan ang lahat ng gamit ni Totong at di na sha pinapauwi. Kahit parents nya di nya mapagbigyan kc ayaw sha payagan umalis ng bahay. Higpit-higpitan talaga ang babaeng aswang.

Every week ko na lang sha nakikita. Kasi pag Saburdey lang ako matagal na nagstay sa haus na pink. Dahil nga bisibisihan si bakla, 7am-12nn ko na lang nasisilayan ang balaysung ketch. At weekend na lang talaga ko nakakatira sa tirahan ko. Kaya, weekend lang din sha nagpaparamdam.

Tuwing pupunta yan, mainit ang ulo, puro reklamo, puro sumbong sa kin. Hinanakit galore talaga mga ateh! Pinagbabantay lang sha ng tindahan hanggang 4am, tapos me pasok pa sha sa iskulilet ng 8am. Me junkshop yung tatay ni Totong, dati sha pinagbabantay para me kickback ang payat, ngayon sinasara na nila pag wala yung tatay nya kc nga ayaw din sha payagan na umuwi ditey sa iskwater at magbantay.

Kaya pag nagkikita kami talagang shoulder to lean on ang drama ko. Tapos bawal sha uminom, bawal sha magyosi, bawal sha lumabas, as in padlock talaga ang drama ng gate na bakal. Haggard davah?! Pero nagtitiis lang sha kasi nga, me baby na sila at mahal nya ang anak nya. Pero ang press release ng payat kong bowa, "Di ko asawa yun, nanay lang ng anak ko. ikaw pa rin Ma ko." sabay kiss. *hay*

Kagabi, me eksena na naman sha. Kumatok sa door ko at nagyayang magpatadyak sa pulang kabayo. Shempre, bakla lang, pumayag akeiwa. Sa gitna ng mga bote at mga mixed nuts at beermate, ispluk nya "Ma, binyag na bukas ha. Punta ka, ninang ka ng baby ko." Susko naman, dati abay ngayon ninang! Ano ba namang pagpapahirap ang gusto nya?! Tama nga ata, love is like a rosary, full of mysteries! Eh misteryo ata ng hapis tong si Totong!

Pero pumayag ako.

Call me crazy, call me stupid. Call me martir, call me tanga. Call me masokista if you want. I have my own definition of this eskena.

I call this closure.

Baby steps to moving on.

Kaya kanina, ninang sa balete drive ang arrive ko. Naggown si bakla, with matching tiara and tutu. Ay polo shirt lang pala. Tsaka maong. At rumampa na ang bakla sa simbahan.

Shempre sa haus ng aswang ang kainan. Kaya feeling ko anytime eh me sasaksak sa kin dun or hihilahin ako sa isang tabi at sasakluban ng sako saka isa-salvage. Pero I'm in good hands naman with metrobank, kasi ang katabi ko sa kahit anong chorvah... mga sisters ni Totong at nanay at tatay nya. San ka pah?! Ako legal wife...

Binuhat pa ng byenang hilaw ko yung baby, sabay deliver ng "Baby oh, si Ninang. Ay Mommy ata." Haba ng hair ko noh? Nag-enjoy naman aketchi mainly because kababata ko rin kasi yung dalawa nyang kapatid kaya me mga inside jokes din kami. Mga bulungan shempre ng panlalait sa asawa. I know its rude, nasa teritoryo pa naman nya ko.

Pero feeling ko kasi habang katabi ko yung duwa nyang sisters, eh me kakampi ako. Me shield ako tsaka sword. Me force field. Tapos nalaman ko pa, ayaw pala ni Totong dun sa name nung baby kc parang pinahaba na name nung aswang lang yun. Ang gus2 nya Rein Janice. Rodrigo kasi sha, at ako eh Jokla kaya RJ. Eh nakahalata si aswang kaya hindi pumayag.

Mga ateh, sa totoo lang eh ang pakla-pakla ng pakiramdam ko. Oo na! Bitter na kung bitter. Eh kasi, ok lng naman sa kin na me asawa't anak na sha. Masaya ko para sa kanya. Pero pano ko magiging masaya kung sha mismo, hindi. Kung sha mismo nahihirapan. Kaya ako rin, naiinis.

Kinuha ko nga yung mic, at inemote ko ang lyrics ng isang masterpiece ni Chito Miranda. Bumirit talaga ko mga mare. At sinabi ko pa na "This song is dedicated to my 'kumpare' Pareng Totong." Pa, this is for you...

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagtitripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang syang pinapangarap ko!

Sa libo-libong pagkakataon
Na tayo'y nagkasama
Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya!
Naiinis akong isipin na
Ginaganyan ka nya.
Siguro ay hindi nya lang alam ang yong
Tunay na halaga...

Nakatingin lang sha sa kin. Natatawa, tapos naiiling, tapos nagwalk-out. Pagbalik, tumabi sa kin sa upuan, pinatapos akong kumanta, at nagsalita: "Sana kasi, dati ka pa bumalik. Sana, dati ka pa bumalik. Baka iba talaga ngayon."

Nagpaalam na ko at umalis. Buti na lang, umuulan. Hindi nahalata ng mga bisita na iba na pala yung dumadaloy sa mukha ko. Siguro ay hindi nya rin alam ang aking tunay na halaga...

7.19.2009

Baklang Borlogz -- Sleepless in Squatter

Potah pagod na ko.

Pasensya na sa mga ka-bloggers ko na di ko man lang madalaw. Sabik na sabik na kong mabasa mga post nyo. Sabik na sabik na rin akong mag-comment at maghanap ng away sa mga chatbox nyo. At mas sabik na sabik na sabik na rin akong magkwento ng mga happenings ditey sa iskwala lumpurific na iskwaterrrrr.

Pero 'Day, mas sabik akong matulog.

Zzzzzz.....

Kasi po mga kapanalig sa sangkabaklaan. Bising bisi ang baklang maton. Shetnamalagket ba naman kasi, alas nueve ng gabi nasa ofis na ko. Alangan namang paggising ko eh andun na agad di ba? So me paghahanda pang magaganap at shempre sasakay pa ko ng super ferry para makarating sa opis. Madalas sa habal-habal na nga ako umaangkas. Knowzline mo yon? Yung mga motor na pumapasada, mega angkas ka tapos susuot mo yung napaka-kyoho na helmet ni masked rider black.

Tapos pag-uwi ko sa umaga, tuloy naman ang badet na maganda sa school for the blind na pinagpa-practicum-an ko para sa aking chorvam na pagdadalubhasa sa ispeyshal edukeyshun. Mag-aalaga ang bakla ng mga julilit na visually impaired. Kakaawa yung iba, kaka-touch yung determination ng marami.

Kaya pagdating ko sa bahay na pink ng mga alas-dos, tingin mo makakalandi pa ko? Wichiririt na! Wai nang paglamyerda na magaganap, straight to bed ang Dyosa. At paggising, ayun travelogue na uli papunta sa ofis.

Eto pa, pag Saburdey naman, nasa iskulilet ang badesa at -- sankapah?! -- member naman akeiwa ng student body at isang common na mag-aaral. Ipa-notaryo mo pa toh: research and thesis ang kelangan kong gawin pag Saburdey... tingin mo humihinga pa ko? Minsan nakakalimutan ko na nga rin...

Kaya mga nini, pasensya na muna ha. Mag-aactiv activan din ako uli apter porti eyt yirs... Sa ngayon eh mamamahinga muna akeiwa, siguro pasundot-sundot na sulat tungkol sa mga eksenadora ditey sa eskinita namen-chi.

Bakla lang. At walang baklang hindi napapagod.

Kaya, borlogs na muna ang Baklang Maton in the Suburbs. Manabik muna kayo sa ganda ketch. Manabik muna kayo sa daily dose of iskwateriffic fun and excitement. At manabik muna kayo sa alindog ng nag-iisang Dyosa! Ay marami pala tayo dito...

Basta, wag nyo kong ipo-forget-me-not ha... Iporget-me-not mo ko at susunugin ko ngala-ngala mo! Ahihihi... Bangag na naman si bakla, kulang sa tulog. Zsazsa Zsaturnnahh, borlogita na ang baklang maton. Waiting por porever sa prince charming na gigising sa nahihimlay na sleeping beauty in me.

Gud mornyt!!!

7.14.2009

Sugal

Sa sugal, karaniwan mahalaga ang alas. Pero para manalo, minsan kailangan mong itapon yung ilan sa mga alas mo. Ilan pa ba ang natitira sa baraha ko? Mananalo pa kaya ako? Hmmmm... para malaman mo, mag-tongits tayo.

Break na kami ni Tatay Jepoy.

MU lang daw muna kasi kami, mag-utuan pala gusto nyang meaning ng MU, indi mag-un. Dahil hindi ako utu-uto, hinayaan ko na sha. Kaya di na sha nagagawi dito sa bahay na pink. Sa ibang kulay ng bahay na ata sha tumatambay. Kiber ko! Nami-miss ko ang pasahan ng maxxxx at ang tamis ng aming mga unang halik (lahat un feeling ko una eh) pero di pa rin sapat ang mga yon para makalimutan ko ang motto ko:

Bakla na ko, alangan namang tanga pa ko? Isa-isa lang dapat ang kapintasan. Kaya ang alas na flower, pina-chow ko na sa kalaban.

Nawawala na rin si Papa Totong.

Sa tingin ko, feel na feel na nya ang role nya ngayon: isang ama. Dati every weekend nasa doorstep ko yan, nag-iinarte kasi di sha makaporma sa aswang nyang asawa. Ako namang si kabit, mega console ampotah, mega hain ng umaatikabong redhorse at umuusok-usok pang sisig slash pinaputok na dilis slash mainit-init at greaseless pang katawan ng bakla!

Me chorvah pang gento: Inaway ko yung babaylan! Nung minsang nalasing ako eh sinugod ko yung hauslaloo nila kesehodang teritoryo ng mga aswang yun at isang bote ng redhorse lang ang armas ko. Feeling Rambonella si bakla, lalo pang nanggigil nung makitang ginawa nyang boy si Pa at pinagtinda nya sa suking tindahan ng mga loser kalakip ang sandamukal na proof of purchase! Walang pirma leche! Di yan tatanggapin ng DTI Representative!

Tapos, havs pa ng padlock yung bahay... Mare, nagpuyos talaga ang lasing kong utak. Sumigaw ang bakla: "Pa! Lumabas ka jan kundi susunugin ko tong bahay na toh!" Pinalabas naman sha. Ikaw na sugurin ng baklang kabit na lasing, ishoshogo mo pa ba asawa mo? Well, kung ako ang babaeng asawa lulumpuhin ko yung bakla. Eh ako yung bakla, so ewan ko. Alangan namang lumpuhin ko yung babae? Basta pinalabas nya si Totong.

Sabi pa ng baklang maton: "Kala ko di ka palalabasin eh, babatuhin ko sha ng bote!" sabay bawi at emote na parang maamong higad "Pa, kelan ka ba uuwi?" pathetic di ba? Di rin... Di ako aamin.

"Malapit na, Ma. Konting tiis na lang. Malapit na." sagot ng payatot.

Pansin ko lahat sila puro "malapit na" ang eksena. Puke mong maalat! Naibenta ko na yu ng eiffel tower, naipagkalat ko na mga video ni Hayden at Mahal, naging Darna na si Korina Sanchez at si Mar Roxas si Ding, wala pa rin! Yung "malapit na" nila, malapit na ang hukom eh di pa rin dumarating!

Ilang linggo uli shang nagpabalik-balik sa tahanang walang kipay. Ilang buwan sha uling nakipagtagisan ng inom sa baklang walang lapay. At ilang libong sandali rin shang naglunoy sa kandungan ng kasalanan (ahahay! tsalap tsalap...)

In the end, umuwi rin sha sa mag-ina nya at natutong makuntento. Natutong maging haligi ng tahanan. At natutong maging "Pa" ng isang tao na this time eh dugo't laman nya.

As usual, wala na naman akong laban. Kaya ang ace of spade ni-let go ko na rin. Pinang-basag ko sa straight na buo ng kalaban. Di pa sha pwedeng mag-bet hehehe.

Me duwa pa kong alas.

Si Magic, na madalas ko talagang makasama nowadays at habang tumatagal eh lalong sumasarap. At si Jonel na pasulpot-sulpot pero naghahatid naman ng isang libo at isang tuwa mula aparri up to jolo ng buo kong pagkatao. Sabi nga sa Kyle XY, pano mangyayari na makakaramdam ka ng mga paru-paro sa sikmura mo pag nanjan ang isang tao, at para namang kuryente ang hatid sayo ng isa pa?

Basta, di pa tapos ang laban. Pwede pa kong tumodas. Pwede ring matalo. Pwede lalong umayaw na habang maaga pa. Pero ang sinisiguro ko, masaya ko sa sugal na toh.

Manalo, matalo, quits.

7.13.2009

Si Tondeng...

I have a confession... di talaga ako ang oiginal na Baklang Maton dito sa iskwater. Meron pang mas nauna sa kin.

Si Tondeng.

Pangalan pa lang siga na ang dating divine divah?

Kwela yang si Tondeng. Pag nakikita ko sha nung bata pa lang ako, tawa ko ng tawa sa mga hirit nya. Mga pang-asar nya talagang nakakapikon lalo na kung sayo nakatuon ang atensyon nya. Pati nga ako pag hinihiritan ni Tondeng windang talaga koh... Eh Lilet pa lang akez non..

Dahil Lilet pa lang akeiwa, shempre nasa kasulok-sulukan ako ng Narnia. Naka padl0ck talaga yung aparador, sumiksik pa ko dun sa drawer. Ganun akengkay katago sa closetta. Tapos ang balita bukas ngayon nya ibo-brodkast!!

"Sus, laro ka ng laro ng holen gus2 mo namang laruin yung holen ni Totong sa loob ng brip." O kaya naman eh, "Oi neng, magbra ka pinamumukulan ka na oh... ng pigsa sa noo! Bra-han mo noo mo!" at ang pinaka-nakakaloka talaga eh nung kasama ko ang paderrakka kong miyembro ng pulis pangkalawakan sa QC district:

"Hoy bakla! Oo ikaw! Ayaw pang lumingon eh. Ready na yung gown mo para sa pageant mamya. Ako bahala sa mukap mo. Penge ng singkwenta bili kita ng funda. Ano ngang talent mo ulet? Pandanggo sa bubog? Panalo yon!" sabay tawa ng nakakaloko at jojosok sa haus nila na parang wala shang sinirang kinabukasan.

Notorious din si Tondeng dito sa mga tindahan. Kasi naorkot na yung mga tindera sa ginawa nya dun sa bakery sa kanto. Me 500 na buo si bakla, tsaka 19.75 na variables. Eh bente yung grocery showcase na balak nya buy kaya sabi ng bakla "Balic-Balic Quiapo na lang akei laterz givsung ketch yung 0.25 sentimos para wit na maging variables yung 500 nyesosesoses ketch."

"Ay Tondeng, wichiririt pwede yung ganun-chi. Kasi magwawarlaloo si Aling Cristy (me ari nung jeykeri) Later ka na lang buysung kuha ka ng barya, or kung bet mo, akina yung ninoy chorbam mo susuklian kita ng bonggang bongga." dialogue ng thunders na thindera.

Nairita ang jokla. Kasi ba naman 0.25 sentavos nagiin-ar-ar pa si Ateng Panadera. Ayun nag-joway na silang duwa, tapos mega sigawan na, at nung huli eh binasag ni Tondeng yung salamin nung istante sa jeykeri. Loss talaga ang lola mesh na panadera kasi gigil-galit-poot-ngitngit-angas to da maxxxx si Ate Tondeng. Ang ending, nabili nya yung bente pesos na tinapay gamit ang kanyang 19.75 na variables. At nagmulta sha ng 200 para sa nabasag na salamin. O diba tipid si bakla?

Pag krombay din sya sa iskwateriffic eh mega okray yan sa mga dumadaan at ibebenta nya yung mga lulurki na naka-krombay din. Pag bilat yung dadaan eh eeksena sha ng "Oi ate, sabi nito ang laki raw ng dyoga mo oh! Palamas daw!" sabay tawa na mala-bella flores. O kaya naman pag ombre yung walking galore sa harap nya eh kakalabitin nya naman ito at ispluk ng "Kuya, chupain ka daw netoh oh!" sabay turo sa isa pang krombay, o kaya naman eh "Kuya showing na planet of the apes, ang galing mo daw dun sabi netoh oh!" sabay turo ulit sa isang tambay-salakay.

Ilang beses nagkaron ng away dahil sa kanya. Pero lahat ng yun, di sha kasali. Nung minsan na mapasali sha, nakipagbasagan talaga sha ng mukha dun sa lalaki. At take note, kawawa yung kasuntukan nya.

Yung family nya pa eh puro babae. Yung mga younger sisters nya, lahat eh maganda talaga. At mahal na mahal ng tatay nila. Yung nanay naman nya eh nawala ng maaga dahil sa kanser. Moreso, Jehovah's Witness ang religion ng familia zaragoza, kaya higpit-higpitan si fudra. At, ayaw ni fudra sa bakla. Di ko ganong sure, pero parang battered child si Tondeng. Kaya nung tumanda eh natutong lumaban.

Sa tatay nya. Sa lipunan. Sa tadhana. Sa buhay.

Indeed. Sha nga ang orig na Baklang Maton.

Pero, pero, pero... As expected nalihis sha ng landas. Parang si Magdalena yan eh, gay version. Wiririt naman sha naging prostitute o kaya eh GRO. Dun sa easy money. Drugs. Naging pusher si Tondeng. He got involved too deep dun sa sindikato, hanggang sa hindi na sha nakatira talaga ditey. Palitaw na lang ang eksena nya, basta lagi shang haggard looking, at parang nagpapalamig lang. Tapos aalis na sha uli, balik na sa dating gawi.

Nung huling umalis sha, di na sha bumalik. Ilang buwan yun na tahimik ang iskwater. Ilang buwan na walang nag-aaway. Ilang buwan na payapa ang magdamag. Then a shocking news came.

Patay na si Tondeng.

Napatay sha sa tinutuluyan nya sa Fairview habang may karga-kargang bata. Short-range yung baril. Tutok na tutok sa noo. May silencer pa. Nalaman na lang ng mga kapitbahay nung umiyak ng todo yung bata. Kaso hindi alam ng mga kapitbahay kung saan talaga nakatira si Tondeng. Kaya hindi nasabihan ang pamilya nya.

Ilang buwan sa morge si Tondeng. Walang nagke-claim kasi walang nakakakilala. Kumalat sa Fairview yung istorya nya, nakarating sa isang kapitbahay namin at binanggit dito sa iskwater namin. Almost one year na shang di umuuwi nun. Nung nalaman ng pamilya nya, naglibot sila sa mga morge ng ilang linggo para lang mahanap sha. Finally, after a month, nakuha nila si Tondeng at inuwi sha sa iskwater. Kung san sha nararapat umuwi. At kung san may mga taong nagmamahal sa kanya kahit inookray nya. Kasama na ko don.

Tondeng is gone. Wala na ang original na Baklang Maton sa iskwater. Pumalit man ako, alam ko kung and2 si Tondeng, mas maton yun sa kin. Baka anghel ng lansangan ang role kez ngayon.

We all hear stories like this. Sa maalaala mo kaya, sa mga indie films, sa mga drama-dramahang nobela. Pero we all know that these things happen, and they happen for a reason. Anong reason bakit nangyari toh kay Tondeng? Wit ko alam. At wit ko na rin siguro malalaman.

Pero sana, kung may ibang Tondeng pang nag-eexist sa ibang iskwater jan, sana happy ending naman.

7.07.2009

Aura Power Kembot!

Kala nyo tapos na ketch mag-reminisce chorvah? Dehins noh!

But wait! There's more!

Heto naman ang mga "metal heroes" ng ating yesterday. Yung mga naka-costume na heroes pero di sila katulad ng sa amerika na laging me kapa, colorful at me iba ibang simbol sa dibdib. Etong mga to naman eh yung mga nagkekekembot ng kamay, sabay magliliwanag, sabay mababalot sila ng aluminum foil na costume.
Karaniwan shempre eh gawa ng mga Hapones. Eh kesa nga naman mahilo sila kakaisip ng costume, ginawa na lang nilang pare=pareho, havs lang ng ibat ibang color scheme para me variationz. Yung iba naman eh solo flight ang drama at me sidekick lang na kung cino para me kasama naman sha mag-emote sa dako pa roon. Im sureness, kilalang kilala mo rin tong mga toh. Usually eh Red, Green, Blue, Yellow at Pink ang costume nila. Minsan me Black o White, pero so far wala naman akong nabalitaan na Purple or Orange. Bakit kaya?
Havz din sila ng isang giant robot na pantepok sa lamok. Pero bago mabuo si robot eh napakahabang seremonyas muna ang magaganap. Magvo-volt in muna ito. Ang limang bida eh me dina drive na ibaibang parte: paa, kamay at braso, katawan, ulo, etits, suso, tsaka alak-alakan at singit ata. Sana sinama na nila yung ngala-ngala at bukong-bukong. Tsaka pag nagta-transform eh me isisigaw sila o kaya pipindutin sabay ikot or lipad or tumbling, o di kaya eh kakanta ng "Don't cry awt laaaaawwwd!!!.

Heto sila, ang mga "hero" ng ating panahon:

Power Rangers
American version na toh, yung orig formula eh mga prehistoric chorvahs yung mga pinanggagalingan ng powers nila. Kabisado ko nga yung "Mastedon! Terodaktil! Trayserataps! Seybertush Taygor! Tiranusorus!" Mejo excited pa ko mapanood toh noon kasi ito naman yung bago naming ginaya ng mga tropa ko sa iskwater. Yung mga canton boys eh paslit pa non, at di pa ko nagba-bra neto.
Susmiong mahabagin, itong series na toh eh sumobra sa part two, kasi 16 years na toh, at hanggang ngayon eh nadaragdagan pa rin. Iba iba na pinanggalingan ng powers nila, nung una mga dinosaur, naging ninja, naging pulis, naging mmda, naging flowers, naging constellation, naging fungi at bacteria, kumuha rin ata sila ng lakas sa mga badeth at becky ng lansangan, pati sa mga product ng Pampanga's Best!
Maskman
Shempre mega recall ka sa "ora power" mo! Gaga, hindi oral. "Aura" ateh. Waging wagi ang series na itechi kasi may eksena sila lagi na naka-undies lang habang lumilipad at susuot sila sa isang bilog, sabay transform. Remember mo rin si Ukirampa? Yung tamadchi na assistant ni Zeba na nagpapalaki sa mga kalaban, sabay emote ng "oh ayan maglaban na kayo!" oh kaya "hareku! Ang sakit ng balakang ko!"
Me kanya kanya silang expertise sa martial arts. Shempre laging me conflict sa bida, kc itu eh isang forbidden love chararat. Si Michael Joe eh nainlove sa kalabang prinsesa, kaya si pokpokita, kinulong sa yelo na parang processed food. At least me ganong chorvah di ba? AT me kambalilong si prinsesa, si Igamu na babaita rin pero pinalaking boylet. Tiboli itu! O di ba naman, LGBT supporter ang serye. Di ko alam kung anong naging ending neto.
Jetman
Hereness ang original na mga Mulawin. Itu naman eh puro ibon. Red Hawk, Black Condor, Yellow Owl (me gento ba?!) White Swan, at Blue Swallow. Kung kasali ko ditey malamang ako si Pink Maya, o kaya si Orange Sisiw.Sa series na toh eh me special apearance si Pink Mask bilang isang "nadedo" hehehe. Yun lang naaalala ko eh, basta nadedo sha. At si Jet One naman eh gumanap na Red Ranger sa orig version ng power rangers sa Japan. Yesterday and beyond! Remake lang ang power rangers.
Mas lalong di ko alam ang ending nito, kasi sa channel 13 ba naman ipalabas. Wag ka, meron pang JAKQ Blitzkrieg Squad chorvah sa Japan, na kumakatawan sa Jack, Ace, King at Queen. Shala davah? Sa kakahanap ko ng ending ng maskman sa interchuvanet, nakita ko rin. Nanalo sila sa laban shempre. Pero apter tri yirs, nung kasal ni Red Hawk at White Swan, nasaksak si Black Condor. Nagpunta pa rin sha sa kasal at nagpapiktyur pa ha! Pero after nun, nadedlaks na sha at kumaway pa ang ghost nya sa mga Jetman. Awww... Sad!Ultraman Ace
Nagsimula ang lahat ng ito sa opismeyt kong si Girard. Lagi kasi shang borlogita, kaya binansagan shang ultraman ---> ultraman-tika hihihi. Eh narinig ata ng Japan kaya nakaisip na naman sila. Eto eh kakaiba sa mga nauna, kasi mag-isa lang sha, although napakarami nyang kamag-anak pwamis! Me mga sungay pa yung iba, ibaiba ng nickname, pero lahat sila eh galing sa planetang Ultra dun sa may Pasig ahihihi.

Ordinaryong tao lang usually ang bida ditey, pero sinasapian sha ni Ultraman pag me kalaban, magiging giant sha na naka-tight fitting shiny shimmering aluminum foil.Gano kaya ka-giant ang kembang neto noh?!
Eniweiz, di ko lang magets why oh why sha me time limit. Kasi apter 3 minutes ata, pag nakipaglaban sha, dapat magapi na nya yung kalaban ever kasi pag wiririt nya napa-fly away sa LA yung monster, tutunog na yung magic dede ni otoko, tapos lowbat na itu! Biglang matatalo na nya yung shulaban, at nega fly away na sha uli -- san pa, di sa LA din! Magkukudaan sila nung monsterakka.
Magmaman
Eto sigurado aketchi wala mashado nakakaalala sa istorya. Gento yun... Sa core daw ng Mother Earth natin eh me isang lahi ng mga nilalang na nakatago pa sa kloseta. Mga photosensitive sila sa ray of light ni Haring Araw kaya di nila keribells na umakyat sa lupa. Pero me isang brave little teapot na umakyat! At nakipagtulungan sa mga sayantists kasi lumusob ang mga dinosaurs at kung anik anik na halimaw.Malay ko na naman sa ending?! Matetegi na ko kakahanap sa worldwide webternet eh wala pa rin akeiwa makitang ending. Wag na mag-effort baka maging kasing laki ng mata nya eyebag ko... Dolce and Gabana Eyebags ini...

Voltes V
Anime naman! Tato ne ana shino kato tano... Borutesu payvuni! Sumoteru kakete... Yaharo chikaraano. Sukino mate, chichuhino yowakewa, borushi tai... Nagsong en dance ka noh?! Ar yu hebing fan? Shempre namaners, yan ang tim song ng Voltes Five... Parang gento rin sa mga sentai ang setting pero anime nga lang sha.
Naging sikat na toh dati tapos sumikat uli dahil kay Brap Pit. Alien? Alien! Kukwento ko pa ba history krombam netoh? Wag na! Basta dahil dito, tinawag kong voltes five yung frend ko na Viveka Babajee. Pag hinawakan mo kasi yung baba nya, pede ka na humugot ng laser sword! Tsaka siguro yung ultramagnetic top wahehehe....
Masked Rider Black
Ang members ng exclusive bachelor club na Gorgom, ang pagikot ikot ng mga kamao na parang marjoret sa piyesta, ang antenna sa helmet (baka me AMFM radio sha, astig!) at ang motorsiklo na panalong panalo... Hmmm... "Rider... change! Mask! Rider! Black!"

Dapat talaga havs ng mga pause para me pektus yung transmorphicationielesness mo ateh... Itung si Robert Akisuki eh me kakambal na kinidnap para gawing mananakop. Pareho silang produkto ni Gorgom pero si bidabells eh nakatakas bago sha ma-brainwash ni shulaban. Dahil ditech eh nagkaron sha ng powers na maging isang itim na shupaklong... Gano kaya ka-loooong....? Ang antenna... Hihihi!
Machine Man
Sya eh personal favorite kesh. Shempre dahil kay Bknoy, the wonderball... Sarap siguro ng balls na nagsasalita noh? He-he-he (tawang katono ng tawa ni Eddie Garcia). Itung si Ken (ata ang name ha) eh nagkagusto ke Japones na gurlaloo na photographer dahil sa isang aksidente (go Chiway! kelangan mo ng kumuha sa mga aksidente para me lablayp ka na ule!!!) Alien din tong si MM, at shempre long staying na sha sa Japan kasi gus2 nyang iligtas ang mundo sa mga galamay (literally) ng Tentacles Group, at kay Professor K at Lady M. Tipid sa letters nung elementary ah!
Shempre me arsenal din sha, yung Dolphin car na nagiging kung anik anik na chorvah. Minsan hugis etits na motor siguro... winner! At ang sidekick nyang si Bunoy na madalas naiihagis para homerun! Pero badet siguro tong si Machine Man, kasi sa dinami dami ng sidekick na pede nyang harbatin sa planet nila, bola pa ang sinama. Wala sha kay Shaider, me sidekick na pornstar.Eto si Buknoy, the Wonder Ball!
Shaider, ang Pulis Pangkalawakan
Speaking of Shaider... Ahem! Alexis, Annie, Ida, Puma Ley-ar, mga amasonistas, at ang universal themesong ng ating henerasyon! Kamay sa dibdib! Um shigi shigi waka mu shigi uuuuuwaaa... SHigi shigi! Um shigi shigi waka mu shigi uuuuuwaaa... SHigi shigi! Koto koto koto uwauuu... SHigi shi! Uwa! Shigi shi uwa! Oh pustahan nag-hum ka. AT itinaas ang kamay na parang nasa concert ng eheads.
Mukhain natin (let's face it hihihi! Oo na! Corny na! Blog ko toh!) Mabalik tayo, mukhain natin, talagang influential ang Shaider sa GenX. Walang panama yang si Green, Blue at Red Zaido. Orig pa rin si Alexis, ang pulis pangkalawakan! Naaalala ko pa yung episode na nawalan ng powers yung Shaider Super Slash nya at kelangan nyang hatiin yung water falls. Kurik! Water falls talaga itu... At nakipagbakbakan mag-isa si Annie kasi nga walang powers si Kuya.
Pati yung mga tagaibang planeta na pulis pang-milky way din, panalo yung mga birdman tsaka yung bossing nya na lagi nyang kausap sa video conference. O diba?! Me 3G na noon 80's pa lang. Naalala ko rin yung episode na sinilid sa sako si Annie tapos hinulog sa bangin at bumagsak sa dagat, tapos binuksan nya yung sako gamit ang kanyang fake na kuko. Creative di ba?! At pokpokita! Ang tulis ng nails!
Impernes di sha alien ha. Archeologist sha na taga earth talaga. Meron shang Blue Hawk kasi laging dinadala ni Ida sa ibang address yung monster -- the land of Ngayundin, Time SPACE Warp City ata yung place. Meron din si Alexis na tank na pwede mag-drill pag nasa ilalim yung kalaban. Tsaka yung Babylos na pwede maging baril tapos super sigaw sha ng "Kokrompalin kitang monster ka!" ay ng "Matrix Projection" pala. Pede ring maging robotina si Babylos. O di ba all in one magic sarap si Shaider?! Kaya kahit laging kita panty si Annie, nawili pa rin aketchi. Dito ata nagsimula pagiging maton ko eh! Blame it on Shaider.... and Annie's panties!
Bioman
Sinong makakalimot kina Red One, Green Two, Blue Three, Yellow Four at Pink Five?! aba naman lahat ata ng kaedaran ketch eh tumambling sabay sigaw neto davah? Shempre havs sila lagi ng formation after the transpormeyshon para me pose sa camera ni yellow four.
AT malilimot ko ba naman ang kamatayan ni Yellow Four?! Binuhat pa sha ni Red One at kuma-cryola talaga ko neto. Kasi ba naman kundi sha bobita, makipag-boogie wopnderland ba naman sa mga halimaw gamit ang kanyang powerful na CAMERA! Oi iniyakan ko yun ha. Nagresign daw itu dahil wala ng budget si Peebo.Dalawa lang yung parts ng robot nila. Tsaka me mga weapon sila na "Bio Xray, Bio Beam, Bio Jekjek (tatalsik ka ata sa shumod nung robot, choz!) Tsaka me Bio shulangot din yung robot, pag pinitik sayo mamamatay ka sa pandidiri.Di ko nagustuhan yung remake ng GMA, kasi wala naman silang remake ahihihi (Shaider pala yun! Sori direk!) Shempre mga kalaban nila si Farrah the Cat, Si Mason, tsaka yung mga MechaClones na pag sinipa ng Biomen eh warak agad yung bungo. In fairmart sa kalaban ha, me human size, me robot size na monster. O di ba mayaman sa mumu ang empire?! Di ko rin alam ending neto, panonoorin ko mamya sa iyutube. Pero lagi ko naaalala yung nililinis nila yung robot dun sa ending theme song.Eto yung mga kalaban na more funny kesa more scary... Agree?!
And of course, our very own Pinoy versions:

Biokids
Si AiAi talaga kung saan san na lumabas, mula sa pagiging kidnapper, kinain ng undin sa inodoro, naging Tanging Ina ng lahat, at andito din sha sa Biokids! Ewan ko lang kung anong role ha pero nasa moveeng itu rin si RR Herrrrrrrerrrrra... Ewan ko na kung sino pa, baka sina Herbet, Hero at Harlene ang ibang bida? Hehehe. Napanood ko tih sa TV na pero di ko na maalala as in. Kahit internet di na rin maalala!Kabayo Kids
Nyahahaha! The infamous TVJ having their own verzion, just like Joey having his own Starzan, Sheman, Barbi at Long Ranger at Tonton. Dito sa Kabayo kids, nalaglag talaga ko sa upuan sa namesung ng hero nila: Orange Juice, Green Mango at Yellow Banana! Basta dahil sa pelikulang toh, naaliw na kong sumakay sa motor, or umangkas sa motor. Tsaka mangabayo... at magpakabayo. Sarap! Hehehe.
Marami ng nagemerge na mga gentong heroes, merong nag-click, merong dumayb sa pagka-flop. Pero eto ang abangan nyo: Baklang Maton and the Canton Rangers!
It's morphin time!

7.05.2009

Tayo nang Mag-Baliktanaw...

TRIBUTE sa mga Cartoon Character

Dati ko pa bet gawin toh eh. Sandamakmak na blogelya na kasi ang nabasa ko na mega reminisce ng mga cartoon na fave nila nung bata pa.. Dahil jan, makikisakay ako sa bandwagon... Paramihan nga tayo ng naaalalang cartoon characters! Mapa-anime man yan, mangga man o melon, kahit pakwan pa, enumerate natin. Presenting, mi trece favoritos:

Peter Pan -- kasama sina Wendy, Tinkerbell, Luna, TigerLily. Tsaka yung mga bugoys! Hihihi... Pinapalabas dati pag 10 am. Shempre patungo sa mundo ng Neverland. Feel ko tumira ditey, at hahanapin namin yung mga floating na blue rocks para nakalutang din ever ang bangka. Tsaka impernes naorkot talaga ko sa lola ni Luna ha. Remember the name? Hmm... Sinistra.
O di ba kakaorkot?!
Lottie at Ermengard -- mga sidekick na Mama Sarah na laging kuma-cryola dahil sa malditang si Lavinia. Pero kahit ni-revive itu ng Dos, at gumanap pa yung batang nanalo sa Star Circle, mas feel ko pa rin yung cartoons na super mulaga ang mata. Havs pa ng nauso noonchi na songlilet ng mga baklang maliet:
Sarah, Sarah prinsesa
Lavinia, Lavinia inggitera
Lottie, Lottie iyakin
Ermengard, Ermengard bobohin (me word bang ganun?)
Ms. Amelia, mukhang (di ko maalala!)
Ms. Minchin, mukhang pera!
Sabay pose ang mga babaylan na pang Ms. U... oh im sure nakikanta ka rin... hihihi! Hanggang ngaun kinakanta pa nila itu...

Blink at Kakeru -- ang naaalala ko lagi eh yung line ng lolo mong ponylet na "Kakeru! Bibigyan kita ng tapang!" Minsan ata binibigyan nya rin ng puto, kutsinta, sapinsapin, putoseko, sundotkulangot at ampaw si Kakeru. Pag naduduwag eh yun ang gini-giblab ni Blink. Eh pano pag sumobra sa tapang? "Kakeru! Magiging duwag ka uli!" ganun ba yun? At alam nyo ba kung ano ang istorya neto? Hinahanap nial yung na "adultnap" na tatay ni Kakeru.

Zenki -- isang bratinellang demonyo na nagiging powerful na warrior pag nabuset kay yaya. Badet ata tong anime na toh, kasi yung mga weapon ni bakla, Palakol ni Diva, Kuko ni Diva, mega call pa sha sa assistance ni Dakilang Bajula. Baklang-bakla davah? AT sinong Diva kaya ang backer nya?! Si Mariah C? Whitney H? Baka naman local, Regine V? Charice P?
Remi -- itu bata pa lang eh tranny na. Kasi dalawang version itu, nung una eh lalaki to, sumpa man mamatay ka man kahit now na. Tapos after a few years eh may remake si ateh, at potek talaga, naging babae na si bakla! Operada! Thank you doc ang drama nya. Tsaka kita mo naman ang chosen profession ni ATeh, street performer! Showgurl davah? Kasama nya sina Jolicor, Dolce, Zerbinop at Capi. Dun sa gurlaloo version eh me sumikat shang single na "aking mudra, ang love mo mudra, hugs and kisses mo sa akin, finding ever ko chorvam" na sumikat sa mga emoterang tulad ko.
Eto yung gurlaloo... naka skinny jeans pa ang hitad!At ito naman sha bago ang operasyon... O di ba? Winner! Sa Malaysia, singganda pero di singmahal!
Nelo at Patrasche -- nahirapan aketch ispilengin nametag ng askal na sosyal! pero knowings nyo sha davah? Oi lumuha ako ng semento dito. Tsaka ni-try ko rin lumilok ng aso gamit ang knife cuts like a knife namin sa haus. Nasugatan lang akesh. Nakrompal pa ni maderakka kasi inukitan ko yung paa ng rattan na sopa namin. Nagbebenta si Kuya ng gatas (ay parang bet kong bumili) tapos si Patrasche yung taga hila ever. Super dukha talaga si Nelo, kaya relate na relate ang mga bata sa iskwater. AT nung na-tegi sila dahil sa sobrang lamig, ngumalngal talaga akeiwa ng bonggang bongga.
X-men -- halleeer di mo kilala ang tropang itu? Ang hunk na si Cyclops, ang bruskong si Wolverine, ang negritang si Storm, ang playgirl na si Jean Gray/Phoenix, ang husky voice na si Rogue, ang kalbong si Prof X... At lahat ng sentinels na kinalaban nila, with matching Magneto. Davah nga ako pa si Wolverine at si Totong si Gambit? Kaya nga nung napanood ko yung xmen origins, naiyak ako kasi nandun na si Gambit. O divah talagang we go way back.
Eto ko oh...At eto kame ni Pa...
Julio at Julia -- ang incest ng tadhana. Si Pudong at Reyna Dowager, ang pagho-holding hands para me pwoer sila at ibaibang level pa yan ng firepower ha. Basta yung pinakamalakas eh level 7 ata.
Tom at Huck -- remember the chant "bahay ni Huck, ginagawa, ginagawa, ginagawa. Bahay ni Huck ginagawa, magagawa na rin." Tapos yung isang leg ng pantalon nya eh nakataas hanggang tuhod. Yung ke Tom eh wala na ko maalala.
Mr. Bogus -- di toh anime. Care ko! List ko toh! Made of clay tong si manong, pero keri nya mag tumbling at kumembot habang nakaturo ang isang daliri sa side. Tsaka puro skit lang ang eksena nya lagi. Basta cute to kaya sinama ko.
Rainbow Brite -- badeth din tong series na to pwamis... Yung horse nya, rainbow ang juntot at hairlaloo, may star pa sa noo. Ang assistant nya, "twink" ang namesung, me headband pa na may star din! Ang mga julalay nya rainbow colored din. At sine-save nya ang mundo para wag mawalan ng color. O diba winner? Pupusta ko, ang hobby neto eh maglaro ng color game sa perya.
He-man at She-ra -- Mag-utol na parehong violent pag naka-drugs. Yung lulurki eh me pet na tigresa na dwakang (duwag). Playboy itu, kahit di kagwapuhan at napakakapal ng bangs. Showoff pa kasi laging nakatrunks. At least si Superman me tights naman. Si She-ra naman eh lagi kong ginagaya nung julilit akiz. Lagi kong ispluk yung "For the Honor of Grayskull, I am She-ra!" sabay open ng payong, kunwari yun yung sword kez.
And lastly, my favorite:

Romeo at Alfred -- itu ang talagang iniyakan ko nung pinapalabas pa lang. Sila yung mga tagalinis ng chimineya. Ang mga "Itim na Magkakapatid" kasama ang mga batang lobo ata yun or mandirigmang lobo. Nakatuluyan nya si Bianca, ang shupatembang ni ALfred, pero duda ko kung di na-tegi onor si boylet eh sila magiging magbowa ni Romeo.

Nung bata, havs kami ng mga tokatoka na role at ang napili ko eh si Nikita. Churi ka, badesa talaga akeiwa kasi si Nikita pala ay nagkukunwari lang na lulurki! Babaita pala itu!!! Super iyakan talaga kami ng mga tropa ko nung nilibing si ALfred at todo birit ang chimineya boys ng "kami ang itim na magkakapatid, magkakasama, laging masaya..." Kakaiyak itu pwamis!
Ikaw, beki? Anung mga kertoons pinanood mo sa shupetbahay mez? For sure sibubaybayan mo ang Sailor Moon?! Hehehe... Badet ka nga kung gayon... Di ka bagay maging maton!