6.30.2009

Zambales Getaway

Kala nyo sa kin, pang iskwater lang?! Me kazozyalan din naman akong taglay kahit konti... Mayaman kaya ako, wala lang sa amoy! Ahehehe...

Sa opis pa lang excited na kaming lahat. Bale team building chararat kasi iteklaboo ng team ketch sa jofisina, in short inuman, lakwatsa tsaka warlahan. Wag ka, bago kami gumora eh namburaot muna kami ng stocks sa pantry. Tissue na singkapal ng fez ko, ice galore ning kahit matutunaw lang yun sa byahe, mga cream, choco powder pati asukal di na pinatawad. At, AT, kumapit ka ateh: plastic cups at paper cups. Todohan na to!!! (Sila lang kumuha noh, sabi ko nga, mayaman akez, choz!)

Shempre bawat road trip, may soundtrack. Laos-lovakia na yung mga RnB chorvah tsaka mga songaloo na Chris Brown at Rihanna kasi may bugbugan effect. Kaya, modern ituh. Aringkingking, dayang-dayang, sarumbanggi, pati yung kapampangan version ng single ni ateng single lady Beyonce -- if you like it then you should ating ku pung sing sing! At mawawala ba ang theme song ng Krystala?! Tsaka pala lahat ng tagalog version ng mga kantang english: aking bana-na-na, payong, low, at lahat na ng cool and uber cool na music... O divah naman panalo sa soundtrip...

"Magda-drive aketch hanggang timog, magda-drive aketch hanggang edsa, magda-drive akeiwa hanggang moon... pls pls lang i-teach nyo aketch mag-drivaloo hooohh....."

Pagdating sa shemai na resort-resortan, witchikels mga bisita! As in kahit isang ligaw na multo wai kang makikita. Pano na ang karir?! Sinong kekembangin ko ditey? Ay wit na! Team bongkang itu, di na need ang mga boys. Ang nadatnan namin dun ay ang shala-shalahang meari ng resort na galing "Keynada"... As in dahil kay Manang binalisawsaw ng dugo ang ilong -- at tenga -- ko kaka-English nya na panalo naman talaga sa grammar.

"Put yourself in plastic so you can't get wet." (anu kami, nyelpown?) "Is that for real or is that hanna?" sabay turo sa tattoo nung isang opismeyt ko. (Hanna?! Me ibang tao ba sa resort? Sino si han... ah! Henna! potah!) "I'm homesick, wanna buy this place for P20 million? I'll go home tomorrow agad." (wow! pang-tyangge naman pala presyo. Bili tayo ng sampu ipamigay sa mahihirap yung syam!) "Do you shaving that lagi? It's so theck." (yis right, my balahebo es su theck...) "You know my son in law has a tattoo here, and my daughter is over here," sabay hawak sa binti. (Anjan daughter mo lola? Nakakapit sa binti?)

Nagkaroon ng malawakang protesta lahat ng neurons namin sa katawan. Nosebleed kung nosebleed kami mga beki.

Nung maka-move on kami ke Manang, shempre inuman na. Langoy-langoy, mega practice ako ng synchronized swimming routine ko mag-isa hihihi. Kung di nyo ma-imagine pano ko magsi-synchronized mag-isa, diko rin alam! Walang basagan ng trip mga epal! Sorry, di ako galit, na keri awey lang.

Ang hina pala ng mga tuh uminom. Susko, hisang case lang ng redhorse shenglot na shila. Eh kahme phag humihinom hinaaboht ng humaga, hik! Taposh, shila hangbilish malasheng... Ay ako rin ata lasheng na..

Nun umaga, acshuali, di na ko bumorlogs. Kinarir ko na lang ang pagiging ina. Luto ng kung anik anik na ulam. Prito, saing, init, kulo, hiwa, tadtad... Kung di man ako magka-puday another day, at least panatag ako. Ikaw, panatag ka ba?
Me havs din pala akeiwa ng higante este galanteng opishmeit na mega livre saming mga dukha ng islang hopping at boating kiyeme. So gora ang mga maralita para maexperience naman ang pagkakandirit sa mga isla.

Ang taray ng lakad namin dibvah? Ang tumbling lang dun, potah lakad na literal itu! Kasi ba naman malakas daw ang alon kiyembot sa pampang namin so mega walk-a-thon kami ng isang oras ata halos para dun sa loss ang mga waves. Nakarating din naman sina Maui, Love at Chiway ng buhay. Tsaka ako rin kaya hirap na hirap. Jontis kaya aketch nowadays!

Ayun, enjoy naman sa tatlong isla de paraiso na tinalon talon namin. Ung una, para shang me bridge na sand sa gitna ng dalawang isla. Pede ka magpatintero sabay patotot, at walang mandadaya na lumagpas sa gilid kasi malalaglag ka sa tubig, eh malalim agad kaya lunod ka pwamis. Kasi naman san ka nakakita ng pampang na paglusong mo, malalim agad! Shungak davah?!

Ginawa naming rollercoaster ang bangka. Tili kung tili ang bakla lalo na pag mauga at feeling ko eh kukunin na ko ni Amang Poseidon. Baka akala ng dagat eh nagbabalik na ang anak nyang si Ariel. Or baka akala eh kasama ketch si Dugong. Either way, nashokot talaga kami kasi super maalon! Nasira pa yung makina kaya na-tow kami ng kapwa ko bangka ko.

Marami pang eksena dun na pang-xrated na ang lebeling. Kami na lang nakakaalam non, hehehe.
At, kung inaakala nyo na hindi ako lumandi sa Anawangin, pwes, korek ka jan! Pinakatodo ko ng landi yung magpose kunwari pero di naman ako ang kinukunan. Me dumaan kasing gwapo, buti nlng winner ang camera ng TM ko, nakunan si kuya. Eto sha oh, ang future bowa ko:


Sya ang destiny ko. Swear. Pamilyar kasi yung mukha nya eh. Parang nakita ko na. The man of my dreams. Wet dreams..

PS:

Kung kilala nyo sha, pakilala nyo naman sa kin. Wag selfish! Ahihihihi....
Pssst! Purple-shorts guy... call me...

6.29.2009

Moments and Snippets (Part 1)


Pansin ko sa mga songaloo na winner, laging me "moment" lalo na pag finals ng isang singing search itu... "This is the moment" ni Ate Erika, "A Moment Like This" by baklang Kelly, "In This Moment" by my Baby Bunso, David Archuleta, "From This Moment On" by Ditseng Shania Twain, etc... Wala na kong maisip kaya etc na lang ang ispluk ng bakla.

Dahil jan sa mga moments na yan, naisip kong mag-remember me this way ng mga Moments sa layfsung ni akeiwa at ipangalandakan ang mga kagagahan ketch... Here they are, my Moments and Snippets:

IMPOSSIBLE DREAM MOMENT:

"Ma!"

Me tumoktok sa door. Si Totong. Bitbit nya ang anak nya, PS2 nya, susi nya, mga gamit nya, and possibly, ang puso nya.

"Hiwalay na kami ng aswang. Magsama na tayo." Sabay ngisi ang gwapo.

Ngumisi rin ako. At kinilig. *sigh*

TUNAY NA EKSENA MOMENT:

Txt si Bakla: "Pa, san ka? Punta ka dito. Miss na kita."
Waiting for tongight si bakla na mareplayan ng "miss na rin kita."
Txt ni Pa: "Ma, wag ka muna magtxt, kasama ko ang aswang. Hawak nya yung fone."

Ouch.

INCEST MOMENT:

Havs me ng cuzin galore na nawala ng bonggang bongga. Nun mag-divorce ever ang tito ko at mamu nya, shinogo sha ng maderaka at never namin nakita, until maghayskul na akeiwa. Nun nagkita kami ulit, naging close kami nitech kasi same age bracket chorbam kami.

Sa haus ni Mother Earth ko tumira ang cuzin ko na super cutie cute cute na nung panahong iyun. Pero kahit closeness ever kami at sa rooftop lang ng haus kami bumoborlogs, at every night kaming nagchichikahan with matching magtulog ng magkatabi at magkayakap, never naman sha nagtake advantage sa kin. (sayang!)

Nun nagka-asawa na si otoko, saka lang kami naginuman at nagkaaminan na badesa nga ang pinsan nyang si ako, at havs sha ng moment na natulala, sabay ask sa kin ng:

"Cuz, inlove ka ba sa kin? Mahal mo ba ko?"

Nag-about face ako sabay blush. Di na kami nag-inuman uli.

AEGIS MOMENT:

Meron din akong kinarir nung college na effort to d max ang becky mae. Taga-Pandacan ako, kumusta naman kasi taga-Alabang sha. Every week, nagsisimba kami sa Alabang, at every week din mega nood kami ng sine -- puro Disney animation!

Sobrang close kami nitech, shempre inlavavoo ang badeth. Pinakilala na nya ako sa mga tropa ever nya, at dumalaw na rin sha sa iskulilet ko para meet nya rina ng mga tropapits ko. Mega stroll din kami sa mall at watch ng anik anik na movies with my tropa.

Birthday ko, 2003. Di talaga pumasok ang badeth at nagpunta sa iskul ng lulurki para havs kami ng moment na magkasama. Waiting for your love ang drama ko sa Mcdo hanggang matapos ang klase nya, at bonding kami sa shell, of all places. Malakas ang ulan nun, kaya mega sukob kami sa payong at magka-akbay na naglakad pauwi.

Ang baklang maton, me prepared na love letter eklaboo para sa ombre. Nung nasa jeep na kami, mega read ang boylet at nawindang.

"Bakla ka?"

Ako naman ang nawindang.

All the while pala eh akala nya straight aketch. Sumobra naman ata pagkamaton ko. Right there and then, sinabi nya na di sha interesado sa kin, and that I shouldn't txt him anymore. Umuwi akong luhaan sa mismong gabi ng kaarawan ko.

No exaggeration, nilakad ko mula Pasay Rotonda hanggang Pandacan, sa ilalim ng ulan. At habang kuma-cryola ang bakla, kinanta ko ang buong album ng Aegis.

"Ngunit anong magagawa, kung talagang ayaw mo na... Sino ba naman ako para pigilin ka. Nananaginip ng gising, nakatulala sa hangin, nagsusumidhing damdamin, kahit halik lang ang akin. Akala ko ikaw ay akin, totoo sa aking paningin, ngunit ng ikaw ay yakapin, naglalaho sa dilim... Heto ako, basang basa sa ulan! Walang masisilungan, walang malalapitan... Sana'y may luha pa, akong mailuluha. At ng mabawasan, ang aking kalungkutan..."

PART OF YOUR WORLD MOMENT:

Naalala nyo si Scott? Yung korean student ketch na umuwi na? Babaeng babae ang ffeling ko pag kasama ko yan. Hinahawakan ako sa siko pag tatawid sa kalsada, binibitbit ang bag ko pag mabigat ang daladala, binibilhan ako ng fudang pag maraming gawa sa ofis at di ako maka-buylamos.

Kaso, walang bakla sa Korea. Meron, marami, pero tago. Nasa kasulok-sulukan sila ng Narnia, nakalock ang aparador, at nilunok ng mga tomboy ang susi. Kaya walang pwede mag-come out, come out wherever you are na moment. Baka itakwil ka ng buong bansa. Kaya, di rin pwedeng maging kami. Kasi hindi sha bakla, at di sha pwedeng pumatol sa bakla.

Sa buong buhay ko, si Scott lang ang naging reason para mag-wish ako na although sirena ako, sana magkapaa na lang ako. Pero kung magkaka-paa naman ako, matitiis ko bang mawalan ng boses habangbuhay? Baka hindi.

DIWATA MOMENT:

Nung bata ako, havs ako ng delusyon na di ako totoong anak ni Bibiana, my mother dearest. May ilusyon si bakla, na nung mag-dyowa pa lang ang mudra at pudra ko, eh may isang alamat ng naganap. Gento yun.

Nag-hiking sa isang Bundok sa laguna ang magkatipan na sina Bibiana at Jaime. Graduating na ang dalawa sa kanilang kursong criminology kaya naisip nilang mag-unwind. Sa kalagitnaan ng kanilang hiking, eh may naulinigang uha ng sanggol si Bibiana.

"Ambo, parang may umiiyak na bata. May tyanak ba dito? Hulihin natin!" ani Bibiana.

"Heh! Tyanak nga eh, ibebenta mo pa. Wala kang makikitang tyanak kasi di ka naman si Janice. Baka guni-guni mo lang yun." sagot naman ni Ambo.

Pero makulit si Bibiana kaya sinundan niya ang uha ng sanggol at natagpuan nila ang bata. Nababalot ito ng shiny, shimmering splendid na pink blanket. Kinuha nya ito at kinarga. "Naku, kanino kayang anak to? Baka anak ng engkanto! Maghanap ka jan ng daga, baka ito yung kakambal ni Rio Locsin!" gawin ba kong kambal sa uma?

Biglang may lumitaw na isang babaeng nakasuot ng puting gown. Umiiyak ang babae. Sabay ispluk: "Ingatan nyo ang anak ko. Palakihin nyo sya ng tama. Di sha maaring mabuhay sa aming mundo sapagkat anak sha ng isang mortal na lalaki. Pagsapit nya sa tamang edad, tataglayin nya ang kapangyarihan na nararapat sa isang nilalang na tulad nya."

Ang taray. Ang tunay kong ina ay si Malanding Makiling.

Hinihintay ko pa rin ang "tamang edad" kung kelan mapapasaakin ang aking powers. At shempre, feel na feel ko ang tawaging "mutya".

6.26.2009

Iskwater Man May Langit Rin

Para sa isang badet, langit nga siguro ang iskwater.

Ngayong gabi lang, nag-inuman na naman ang canton boys. Me napansin ako sa kanila. Pag gutom, cantit canton ang bibilhin ng mga yan, tapos kukuha ng sandamakmak na kanin. Talu-talo na para wai na gutom pagkashopos kumain. Pagka naman numonomo ng matador o kaya eh happy horse, yung me sabaw ang buy-lamos ng mga otoko para daw pantanggal umay. Gus2 ko na tuloy palitan yung canton boys ng Lucky Me Gang. LMG. Winner! Parang frat lang...

Guy 1: Yo pare, TBS ako eh, you know?
Guy 2: Wala yan, pare. Ako LMG.
Guy 1: Wow pare, astig! Ikaw na ang member ng finest.

Itung mga canton boys, or LMG members, eh havs ng di ko makeri na hilig sa musika. Basta me tugtog kahit kung anu na lang yung masabi basta sasabayan nila yung kanta. Pero naloloka ko kasi, pag yung mga duet duet ang background songaloo, ang mga lolo mo eh yung gelay ang sinasabayan. Pati pag nagrequest, gus2 nilanchi mga kanta ni Ateng Mariah, Madam Lady Gaga, Ditseng Britney Bratinella, at si Baklang Kelly Clarkson! Yesterday and beyond! Talagang mga diva itu.

Anyway chorvah mae, tonight eh me basagan na naman ng atay. Matador galore ule ang mga boys over flowers. Sa lahat naman ng inuman, usually eh unti-unting nalalagas yan, hanggang sa matira na lang ang Bigaten. By process of elimination, shempre naiwan yung mga gwapings hehehe. Meron naman din ditey, kelangan mo nga lang titigan bago mo sabihan ng "ay kyut din pala sha."

Dahil konti na lang sila, eh di nagsuggest ang isa. "Kuya, nood na lang tayo ng bold." Ewan bakit simula pagkabata eh bold na talaga tawag nila dun. Bat indi porn? Ewan... So ayun na nga nagsalang ang becky la fea ng isang madamdaming porn cd at natahimik na ang mga lulurki. Maya maya mo, shempre usapang lalaki na toh.

Canton Boy 1: Sarap nung d*de oh.
Canton Boy 2: Oo nga sarap lamasin. (sabay gesture pa si gago)
Canton Boy 1: Amputi! Masarap yan yung bagong ligo.
Canton Boy 3: Oo, amoy safeguard.
Canton Boy 2: Ayoko ng maingay. Pag maingay kasi parang mas nakakalib*g, baka mahuli kami.
Canton Boy 3: Anu ba yan, anlaki! Parang talaba!
Canton Boy 1: Kuya, pag ikaw ba nanonood ng ganyan tinatablan ka rin?
... dedma ang bakla, kunwari naghuhugas ng plato.
Canton Boy 2: Anu ba pinapanood mo pag sa bold, Kuya?
Canton Boy 3: Tanga, eh di shempre yung t*ti ng lalaki!
Canton Boy 2: Ang ganda neto oh, kamuka ni Baklang Maton!
... dedma uli, pero kinikilig na nasusuya. Mukha akong pornstar ganun?
Canton Boy 3: Sarap magj*kol!
Canton Boy 1: Kuya, j*kol kami ha, sabay sabay.
... di ko na kaya mandedma. Lumapit na ko sa kanila.
Canton Boy 2: Kuya, sali ka!
Potah, naghyperventilate aketch dahil sa kaganapang itu.

Bigla silang tumayo at pinalibutan ako. Akala ko eh ihahampas na nila sa malaporselana kong pisngi ang mga sandata nila (parang xerex lang...) Pero bigla silang nagtawanan. Hindi natuloy ang group jekjek ng mga male species. Swear! Kasi, matapos ang standing ovation eh nagsilabas na sila ng Haus na Pink at nagpaalam na magva-vandal lang daw muna.

Walang nangyari davah? Pero di ako bitin, kasi wai rin naman akong plano na kumembot tonight. Kung ibang beki yun, malamang inarmalite na ng nguso yung mga noodles ng canton boys. Pero di ko ginawa. Una, kasi umalis sila hehehe. Hmpf! Di man lang ako pinilit ng mga walangya.

Muntik na kong gumawa ng isang bagay na mejo masama. Although wala akong papatayin, or di ako magnanakaw (mang-aagaw lang ng lakas hikhikhik), at wala namang masasaktan, wallet ko lang. Pero lately I can't bring myself to just make kembang with anyone. Gusto ko na nga yung me "pag-ibig" hallleeer. Tsaka yung sobrang masama, at mejo masama pareho lang. Bad.

Oo nga, para sa ibang badet, langit nga siguro ang iskwater. Pero para sa kin, wala sa langit ang kaligayahan ko.

Paparating pa lang. Sana nga lang, malapit na sya.

6.23.2009

Pangarap Kong Ikaw

Lahat tayo ay may dreams kemerlou na pinapangarap nung bata pa tayey. Kasabay ng pangangarap natin na maging bowa si Shaider at makita sa malapitan ang panty ni Amy. Kasabay ng dreamalou na makapulot ng bato ni Narda at sumigaw ng "Bading! Ang bato! Darna!" At shempre kasabay ng pangarap na maka-date si Papa Piolo.

Nung julilit pa lang aketch at di pa kami nakakalipat sa camella homes, gusto kong maging powerful. As in "For the Honor of Gayskull, I am Shera!" na level ng power. Acshuali, wiz ko talaga knowing kung anech ba gusto kong maging nung bata. Basta dapat malaki ang sahod. Keribells na ung ibang paktor, basta bembang na yung work.

Pero na-iba ang ihip ng kapalaran ng matuklasan ng Baklang Maton na isa pala akong beki in the making, sa totoo lang eh napunta sa iba ang focus ng badesa. Iisa lang ang naging puntirya ng badet:

PAG-IBIG.

Naka naman! Parang telenovela kung umarte si bakla. Feeling babae. Eh, gus2 ko lang ng bowa na pwede kong mabembang ng libre hehehe. Tsaka yung makaka-share ko pag emo mode ako. Pati yung makaka liptulelang ko gabi-gabi, at magpapawindang sa sistema ko ng bonggang bongga. At yung guy na magpapatulala sakin at magpapa-kuribdib ng heartbeat ko. Tunog pa lang ng paa, excited na agad ang beklush.

So far, huh... so far eh di pa ko nagtatagumpay! Haggard kaya, anumpecha pa ko naghahanap eh wai pa rin nagiging bunga ang aking sipag at tyaga... Mas walang epek yung kalandian ketch, pati yung mala-Dyosa kong katawan, at lalong di rin nakadagdag sa ganda points ko yung "substance" ko. Sabi kasi ng isang friend ko, puro daw ako substance.

Eh sus mio naman, lahat na ng abilidad itinodo ko na, loss pa rin! Lahat na ng kaharutan, ni-level up ko na, with matching pangkulot, pang-spa at pangmanikyur wichiririt talaga. Kinabisado ko na yung mga linya sa mga pocketbook ni Rose Tan, bokya, alaws, olats.

Enter Ate Bituin: "Kung aketch na lang saney ang iyung chinorvah, di ka na muling magka-cryola..." Kasi naman di ko magets why akeiwa nalalaglagan ng soen at triumph sa mga tipikal na lulurki? Bakit dili ko ma-finders keepers ang mga hunkaloo na nasa nobela? Mga bida na hunk na, kakaiba pa. Yung native ang pangalan, like Protacio, Prudencio, Makisig, Rigor, Rogaciano... Yung kakaiba ang workmanship: embalsamador, piyon, piloto, magbobote, alahero, o kaya panadero para magdamagan kaming maglalamasan ng tinapay.

Pede rin na junakis ng isang rich and fowerpul, de-kotse, keri magtransform sa gabi, me breeding, ibang lahi, blue-green ang mata -- as in blue yung right, green yung left. Napapakanta na rin tuloy akeiwa ng "Dont wanna wake up alone anymore, still believin you'll walk through my door. And I'll giiiiivvvee... ol di lab in da wold!"

E kaso super tipikal ng mga natataypan ketch. Maliit, mayabang, mahilig sa pizza, pag me libreng kembot eh kekembot. Usually yung mga karir ko eh sasama agad sa puke basta libre. Tipikal na, oportunista pa. Although I like yung feelingera ka pag inlove. Ang bilis ko pa naman ma-fall, maluwag kasi mga garter ng panties ko kaya madaling malaglag.

Flashback ako exactly one year ago. Ishoshogo ko sha sa pangalang "Bhe". Si Bhe eh naka-close ko dahil sa pagka-taratitat ko. Minsan kasi eh sinapian ako ng malanding maligno, kaya nilandi ko sha ng walang humpay. Naging barkada ko, at umabot pa kami sa point na niligawan ko na ata si Kuya.

Magkasabay kami lagi umuwi, magka-txt araw araw except pag borlogs kami, pag nasa ofis naman eh magka-chat pa rin ang mga lolo mo, sabay kami kumain at pareho kami ng kinakain. Pero magkaharap lang kami sa table indi magkatabi. "upong getting-to-know-you" muna neks taym na yung "upong magsyota".

Nung bday nya, binigyan ko sha ng ref keyk (kala ko dati sosyal to, susme graham lang pala!) Nung pauwi na kami ni Bhe, sa bus, ni-rank namin ung mga gift na natanggap nya. Panagtlo lang daw yung galing sa kin! Pokiams na toh. Eh me umakyat na manong me dalang isang bouquet ng flowers. Kinabukasan, me flowers na sha sa station. Ligaw-intsik ang bakla!

Oh ayan kilala nyo na yung ineeksenahan ko sa picture.. Itu oh!

Di pa naman ako marunong manghuli ng moment. Karaniwan ginagawa kong punchline, imbis na touching nagiging balahura tuloy yung moment. Nung minsan nasa jeep kami, me nagtxt sa kanya ng "iloveu" nagreply ba naman ng "iloveutoo" eh agent nya lang yun. Sabi ko "bakit sa kanila nag-iloveu ka, sakin never?" Nagtxt nga rin ako ng iloveu.

"Bakit pa ko magtetxt eh katabi naman kita? I love you too!" sabay blush ang gwapo.

Ateng, sa ganitong panahon dapat nag-moment na ko. Dapat me umikot ng camera sa min at naghalikan na kami diba? Wirit! Tumawa ko ng malakas at kiniliti ko sha! After five minutes ko na na-realize na wrong move pala ito. Tangang bakla, lumipas na yung kahit isang saglit segment ko.

Ending namin? Sinama ko sa Baklaran at nagpaalam kami sa isat isa habang unti unting nauupos ang kandilang simbolo ng aming pag-ibig. Sinabayan ko ng iyak ang kandila.

Sa ngayun nakaka-fourteen na ko ng kinainlaban at wiririt nag-shogumpay. Eh sabi ng friend ko hanggang fifteen lang daw. Pag pang-fifteen mo na dapat maging forever and ever na kasi pag di ka raw nakahanap ng soulmate mesh in 15 tries, magiging calypso ka na: tatanda kang mag-isa. Ewan bakit 15 lang, Bakit hindi 15000. Imagine, 8 bilyon ang population ng earth, napakaliit na percentage. Pero 15 lang daw talaga. Wag na kumeber!

Isa na lang ako. Or pwedeng yung ngayon eh sha na yun. E pano kung lumagpas ako sa limit? Pano kung di ko sha mahanap? Pano lalo kung mahanap ko nga sha, pero sha naman ang naghahanap ng iba? Lahat daw ng palayok eh me katapat na takip. Pano kung kawali pala ko? Di walang takip! Goodluck!

Lately, nagyoyosi na ko. Lately napapahithit ako kasi lagi akong kabado. Kaya mas gus2 ko ng walang boylet eh! Kasi di ako mag-iinarte, di ako mag-aasal babae, di ako made-depress. Kaso nga andaming lalake!!! Ang dami, dami, dami nila.

Ah basta! Stay put lang aketchi, waiting for tonight sa itinakda ng langit para sa kin. Magpapaka-busy sa work, mag-aaral pag Saburdey, mag-eenjoy sa balay with the canton boys. Maiiyak. Matatawa. Malalasing. Basta, magiging ako uli ako.

"Hindi sa tala sa langit
kundi sa buwang nakasilip.
Ibigay ang hiling
ng matang nakapikit."

See you soon Mr. Number Fifteen!

6.21.2009

Bakla sa Iskwater

Totoo talaga ang kasabihang "Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising na Japanese." Nagkaroon kasi ng eksena sa iskwater kagabi. Gento ang nangyari...

Championship ng liga sa barangay, ang canton boys nanalo 1st runner up... actually dapat champion kaso biglang nakashoot ng 3 points ung kalaban 10 seconds na lang... nalamangan sila ng 1 point! 1 point lang mga neng, isang libo na yung na-loss sa budget namin na nomoan cum fiesta cum salosalo.

Dahil nga winner sila sa patimpalak ng pagbobola at pagsushoot sa butas, mega nomo ang mga canton boys: si Ikong, si Dinong, si Edong, si Adeng, si Harold Kuba, si Jobert, si Ian, si Patrick, si Junior at si Bornok. O diba winner ang mga name?! Sa mga itech, yung naka-yellow shirt lang ang kinuda ko... Kasi sweetness yang si Yellow Shirt Guy, mega Prench Kess (hanudaw?!) kami nyan pag inuman. Eto sila oh:

Wichiririt na sila jumosok sa loob ng balaysung ketch kc majinit at havs ng mga bawal gawin sa bahay ng baklang maton: wai magyoyosi kasi me hika aketch, wai magno-noisy kasi ililista sa board at me multang piso, wai din makyontot kc makukulob ang smell at lahat kami baka ma-food poison. So dun lang sila stay outside the kulambo of my home sweet home...

Nun mejo me tama na ang boys over flowers ng iskwater, mega dating si Juaquin Burdado. Itong si Juaquin eh havs talaga ng time na pag shenglot feel nya lagi makipagrambulan. Naghamon ang lolo mo, suntukan daw magdamag! Churi ka, loss ang effort ng burdado kc di feel ng canton boys ang away. Nagbasag si Juaquin ng bote, nagwarla-warlahan wala talaga effect. So walkout ang siga.

Later, wai na kaming ice ice baby, so mega pautos aketch sa unang batang kalye na dumaan. Wit ako sinunod kahit me pabuya pa na tumataginting na 10 pesosesoses! Fine, buraot ka witchelles ka na mag-buysung for me. So gora ang guy. Apter payb minits, ang Juaquin mega sugod why oh why daw kami utos ever sa boylet na couzin pala nya. SO sabi ko, ako nagpautos keber nya ba.

"Di kuya eh, di raw ikaw. Ituro mo yung totoong nag-utos!"

Ay deadma sa pag-ako ko. So reiterate ang bakla. "Ako nga sabi anu bang problema mo?! Umuwi ka na nga at nag-iinuman kami dito umeeksena ka." taray... parang lalaki!

Ang lolo mong siga, sinampal ang couzin galore! Eh sa pagkrompal nya, si Yellow Shirt Guy ko, ang hinihigop na bagong lutong Lucky Me Instant Noodles Beef Flavor, nashopon sa fez nya. Ay react na talaga ang Yellow Shirt Guy ko.

"Taena mo kasi Juaquin eh, ang obnoxious mo kasi, like we're having a drink here lang naman dude and you're so fucking makulit! What's the matter ba, pare what do you want? Like, do you want to settle this outside, dude? No shit mehn, I'm gonna fight you din, like totally!" ispluk ng Yellow Shirt Guy ko na mejo zozyal.

Sa madaling sabi, ang Juaquin at ang Yellow Shirt Guy ko, nagkrompalan ever. Ay mali, suntukan pala, as in todong untugan sa pader. Pero one-sided itu, kasi si Juaquin ngenge na sa droga slash alak slash mertayolet slash toyo. Kaya inipit lang sha sa leeg, tinumba at sinakal. Wai nagawa ang lolo mo! Sabi lang nya "Pere de eke mekehenge..." (translation: Dude I can't fucking breathe.)

Nini, habang havs ng gentong kaguluhan, nasa gitna aketch ng mga sumisigaw ng "taena mo kasi di ka pa tumigil" tapos minsan "oy tama na yan" at meron ding "sige sapakin mo pa Yellow SHirt Guy ko!" ako ata sumigaw nun...

Pero biglang nag-milo marathon ang mga tao! As in 100-meter dash itu! Pati si Yellow Shirt Guy ko at si Juaquin Burdado shumakbo! Kahit ako muntik ko nang malunok yung kaluluwa ko. Kasi me dumating na bagong gising, me hawak na samurai at iwinawasiwas pa nya itu sa ere.

Walang maton-maton! Tumakbo na rin ako! Walang sinabi si Lydia de Vega at Nancy Navalta sa sprint at run ko, with matching hurdles and split sa ere! Me background song pa na "growing up with Olympic energy, growing up with Milo! Milo everyday!"

At natipon kaming lahat sa labas ng iskwater na habol ang aming mga hininga at walang tigil sa katatawa. Ang ending, nagbati sina Juaquin at Yelow Shirt Guy ko. May photo op pa pero pinauwi ko na si Juaquin Burdado. At, nasa loob na sila ng haus ko.



Pero wag ka, di ko kinaya ang comment ng isang canton boy. "Alam mo kuya, pwede ka namang maging lalaki eh. Ayaw mo lang." sabay tagay sa hawak nyang redhorse at nakipagkwentuhan sa ibang canton boy na parang walang nangyari.

Nagkaregla ko ng wala sa oras.

6.19.2009

Malapit Na...

Di ko akalain na may mga salita sa planet ray earth na sobrang magkaka-meaning sa buhay ketch... Gento yung tumbling mga badetskie... (Habang tinatype kiz itech eh mega background muzic si Kuya Bugoy... "Araw gabi, bakit naaalala kat di ko malimot-limot ang sa tin ay nagdaan... Bakit di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan...chorvah chorvah..)


Ever wonder-bra why wicheles na nasundan ang blogelya ketch with Daddy Jonel? Kasi po, nagkaron kami ng marubdob na komberseyshon ni Dada a few weeks back. Matapos ang walang hanggang inuman ng matador cum redhorse, eh na-left alone kaming duwa sa balaysung. Ay lumabas pala kami dahil mega watch ang canton boys ng "Ded na si Lolo" -- peyborit nila si Roderick.

Nako-confucius kasi ang Baklang Maton. Ang jirafee kaya nun! Ang jiraf-jiraf ng bakla ka na, lito ka pa. Asan na yung justice sa mundo nun davah naman nini? Kaya nilinaw ketch ke Daddy Jonel anu besh talaga kamesh... Bucket meal ako nag-Q&A portion ke lulurki? Kasi nga itong si Daddy Jonel eh parang kinukunsinti lang ako. Pag sabi ko pa-kiss ilalapit nya ung fez nya pero may awkward factor kc parang ngumingiwi sha or pumipikit or naiilang or napipilitan. Pag ispluk akeiwa ng pa-hug lalapit lang un balikat nyan -- walang higpit, walang ganting-yakap, wai lalo init. Basta sa bawat effort ko, kung A+ ang bakla, F ang boylet. Flangak!

Pag tinatanong ko naman sha kung nandidiri ba sha sa kin baka wit nya feel mga ginagawa ketch di naman daw ewww and yuuuck ang emotions, mejo naiilang lang daw to the highest level kasi di sha sanay. In far away LA (in fairness ahihihi) sabi mismo ng Mother Goose nya eh sa balay ko lang daw talaga kumokyombay ang junakis nya. So, bahay-school-bahay-na-pink lang daw ang routine nito.

Baklang Maton: Ano ba talaga tayo?
Daddy Jonel: Tropa.
BM: Tropa?
DJ: Oo, tropa.
BM: Bakit tropa lang?
DJ: Eh tropa naman talaga tayo eh.
Potah malapit ko nang burahin sa Fil-Eng Dictionary ang putik na word na yan!
BM: Di ba nun naglalakad tayo sa gitna ng mga paputok habang hhww-pssp tayo, sabi mo ok lang magkaron ka ng bowa na badet basta ako?
DJ: Eh, napa-oo lang ako nun eh. Di ko kasi alam na me gus2 ka pala sa kin, nalaman ko lang nung naglalakad na tayo.
BM: Ouch! Napa-oo ka lang?!
DJ: Oo... Eh di ko kasi alam kung pano hihindi sayo. Tsaka mabait ka naman sa kin.
BM: Ansakit naman nun. So ilang buwan ko na iniisip na tayo na, yun pala napa-oo ka lang?
DJ: Pasensya ka na, ngayun lang kasi tayo nagkausap ng ganito eh. Ok lang ba? Tropa?
BM: Fine. TROPA!

Nilaklak ko yung mertayolet nung gabing yun.


Ito na yung sinabi ko na pangatlong pagmu-move on ko. This time eh pinatugtog ko yung kanta ni Ateng Beyonce na "Halo" at mega emote ever akiz sa room kez. The only difference is, tatlong linggo akong nag-wallow. Kasi kahit habang kapit-tuko ako ke Daddy Jonel eh nakahold hands akechi kay Totong sa ilalim ng table, nilalaro ng toes ko yung toes ni Tatay Jepoy at nakasandal akeiwa kay Baby Magic, mejo mas malalim yung kay Jonel, kasi sa mga Aces sa buhay ko...

sya ATA yung Heart.

Ilang weeks ang lumipas naka-move na rin ako. And ngayon lang kami uli nagkasama. Di sha shumambay, di sha nagpakita, di sha nagtext. Sa gabing ito kami nagkainuman uli. Niloloko sha ng canton boys kasi musta na daw ba kami ng "tropa ko" at bakit daw di kami magkatabi, at kung na-miss daw ba ko ni Tropa.

BM: Di mo ko na-miss?
Tropa: (smile lang...)
BM: Huy!
Tropa: Mas gus2 ko yung ngumingiti lang ako, pag tahimik ako ayoko nun. Gus2 ko ung titingin ako sayo tapos nakangiti ako... (sabay smile uli ng matamis)
BM: Anu daw? Eh anu nga, miss mo ba ko?
Tropa: Miss.
BM: Ows?
Tropa: Oo... eh ngayon lang kasi ako nakalabas uli.
BM: Oo nga. Iniiwasan mo ko eh.
Tropa: Oi hindi ah. Ikaw, na-miss mo ko?
BM: (pabulong) Uu... Na-miss...
Tropa: Di ko naman marinig! Miss mo ko?
BM: Bakit kita mami-miss tropa lang naman kita.

Bitter ang bakla... pero di nakatiis...

BM: Bakit mo ko na-miss eh tropa mo lang ako?
Tropa: Ewan.
BM: Di nga, tropa pa rin tayo?
Tropa: Ewan nga...
BM: Malay mo kasi, may nagbago.
Tropa: Ewan ko talaga...
... ewan na naman?!
Tropa: Pero parang malapit na eh.
BM: Anudaw?! Anung "malapit na"?
Tropa: Basta, parang malapit na eh.

Nakakawala ata ng malay yung sobrang kilig. Sa sobrang kilig ko, natulala ako. Nasanay na ata sha na natutulala ako. Kasi nung bumalik ako sa huwisyo, nakangiti na sha uli.

Ngiting nagpakilig na naman maging sa lapay at balun-balunan ko. Pati na rin sa baga at alak-alakan ko. At shempre pa, sa puso ko. Ace of Hearts indeed.

Malapit na...

6.17.2009

Isang Dating Pag-ibig

Isang kwento ng mga "EX"... Matitiis ko ba namang indi mag-kiss and tell?! Shwempre inde davah… itong c “ex” eh ishoshogo sa pangalang SCOTT kc SCOTT naman talaga namesung nya. Wag na magpaligoy ligoy. Mahal ko naman eh… ipapamalita ko na.

Anyway gokongwei, itong c Scott eh isang kunsintidor na nilalang. Mega lafangan kami pag umaga… este mega lafang pala pag umaga. Kung anik anik ang mga pasalubong ng bayan ko sa kanya pag umeeksena ako. Kahit naka-flag ceremony pa notabells nyan ha, eh good morning na aketchi para magturo ng English. At in Fairview Quezon City, nagsusubuan kame pwamis… ng putot kutsinta, bibingka, puto bungbong, ferrero rocher (zozyal!!!) tsaka minsan strawberries in cream and hersheys… effort to the max kaya ako jan…

Pag mega analyze naman ang energizer kong jutak e di ko lubos majisip baket drawn na drawn ako sa kanya, di pa nmn ako matrona at di naman sha mukhang kolboy. Basta lang close kame sa jisat jisa, at lage kami magkadikit. Daig pa ung dinikit ng mighty bond galore.

Chemical reaction? Pheromones? Lam mo ba un? Ahihihi…un daw un mga kemikal sa shotawan ng tao na me connect sa attraction ng tao sa kapwa tao. Kumbaga eh bodily aphrodisiacs. Oh ang shala divah?! Me sariling pampa-erbog ang mga body beautiful naten.

Yan cguro mewon samen nitong c scott… kc kahit never kameng magkembutan, eh me mga moments pa rin na feeling ko eh naaakit na rin sha sa kaakit akit kong body. Enter Sailor Mars at Sailor Pluto… mga eksenadora sa buhay ketch…

Mars: ate ambisyosa ka talaga. di yun naaakit. nasusuka. Amoy lungad ka kasi ng bata.
Pluto: kinukumbulsyon ka bakla? Saksakan kaya kita ng suppository?!

Bahkeeet?! Masama ba mag-ilusyon?! Sa feeling ko naman talaga shotawan ko lang ang habol nya sa kin. Pag nakuha na nia ang kabirhenan ko eh for sure mwwlan nko ng appeal sa kanya. Bwahahaha! Ambisyosang palaka.

Minsan nga nanaginip akez eh. Shempwe kame ni Scott ang bida. Eh nun kinuwento ko na sa mga Sailor Warriors, nun napanaginipan akez c Scott, havs havs kami ng moments of saylenz na mahaba talaga, tipong shopos na ang mga commercial eh saylenz pa rin kame. Para kameng nasa palabas ni Charlie Chaplin, walang isplukan na naganap. Di naman kami black and white. Parang lakad lakad galore lang sa baywalk, tapos pagliko naming eh circle naman tapos lumiko uli sa Paco Park then kumaliwa uli sa Intramuros…

Mga nakasampung liko ata kame, kaya sampung park din ung narating namin.

Mega sharing nga ako sa kanya nun magkita kami d day after. E kc nga itong c scott eh talagang listener ang drama sa buhay ko. mga tumbling na sumbungan ever, mga cartwheel na goals and dreams and aspirations chorvah sa buhay… yan ung mga topic topican namin pag nagchi-chikahan.

Ispluk nya, ang dream ko daw cguro eh meaning na me mga bagay na knows na nya kahet di ko sabihin. At me mga things daw under the blazing sun na nage-gets nya kahit wai nang usap usap.

Aaaayyy… how sweet…..

Kaya para mang-inggit ng mga mahaderang babaylan eh mega post talaga ko ng blog. Pag nababagot sa opisina, mag internet ka! Pasok sa banga!

Ganyan umikot ang mundo namin ni Scott. Mejo abnormal ung mga eksena namin, me mga pasan pasanan, me mga sumbungan, me mga asaran, me mga sakitan, me mga meaningful converzazions, me mga walang patutunguhan., mewon din namang mga araw na walang usap usap… pero nagkaintindihan nmn kame.

Mga puso namin ang nag-usap.

Chikka lang! nang-iinggit lang ako… masama ba?!

Ayun nung nanaginip ako… wala na daw si Scott, umuwi na ng korea… ay sori na lang ako, di pala panaginip un.....umuwi na talaga sha.

At ipinasalubong nya sa magulang nya ung pinabaon kong puso ko’t kaluluwa. Un lang kaya ko ipabigay eh...

6.15.2009

Ace of Hearts

May na-meet akong magikero. Sabi nya, sundan ko lang daw kung nasaan ang Ace of Hearts and I'll win a prize. Sabi pa nya, "just pick one"... inglisero ang magikero!

"It doesn't matter kung sino, ang pinakaimportante, follow the heart. Follow your heart."

Hinalo-halo nya yung mga cards. Hinilo-hilo, pinaikot-ikot, tinumbling-tumbling at binembang-bembang.

"Just follow the heart, hijo. Your heart."

Sinundan ko ng tingin ang mga cards. Sa kaliwa, sa kanan, sa gitna, sa gilid, sa taas, sa baba. Hanggang makuntento si Manong Magikero at tumingin sa kin. "Where's the heart?"

Nahulaan ko kung nasaan ang heart. Siguro dahil promil kid akez, at dahil mahilig ako sa sakla (kasi ako ay isang bakla -- para rhyme!) Baka dahil isa akong batang may laban.. Posible ring dahil nagsasagutan kami ni Mader Hen ng kanta:

"Look at me, Mom"
"You're my number one"
"Bright as the sun..."
"You're my number one"

Pero ang punto, alam ko kung nasaan ang puso.

Alam ko kung nasaan ang puso ko.

6.14.2009

Mama Trony in the Making






Si Chupul nag-birthday....

At kahit me gatas pa sya sa labi.....


Nagsimula na kong maging matrona.

Helpness...

Havey akechi ng problem, mala end of the world ang leveling...

Uhhm, nakakahiya mang aminin, mga ateng... Di ako marunong kumuda. At bumoda. At kumembot. At bumongkang. At kumembang. At chumorvah...

ng RSS feed! Ahehehe...

Tsaka yang subscribe achuchuchu na yan para mega send na lang si Baklang Maton ng electronic sulat ever sa mga kipay ng mga ate nyo everytime me chorvah akong post ditey sa blogspot eklat ko...

Help naman mga ateng!!! Bobita Peron kasi ang ditse nyo sa ganyaners...

Paging mga sistahs kong adik-adikan sa interchuvanet... Itodo nyo na, pano ko kekembangin na personalized ang background image ng blogelya ko para naman wit sha dry and boringerzie...

Salamat in advance mga "avid readers" kung meron man akechi ng ganyonchi... Tsaka tenchu veri mats sa mga effort na mega commentator sa bawat post... akeiwa rin tatry ko magbato ng opinyon mga ateh... waiting for tonyt lang ha, busy kasi sa inuman ang Baklang Maton...

Next post ko nga pala... update ke Tatay at ke Pa... tsaka ke Daddy at ke Baby... happy family... ahihihi...

6.11.2009

Sumpa ni Calypso


Si Calypso eh junakis ni Baklang Atlas. Remember him? Sa Greek mythology mga vaklushi... Si Atlas yung inspirasyon ni Madam Shawie sa "pasan ko ang earth"... Si Atlas yung pumipigil na maghalikan ang langit at lupa para hindi magsalpukan at madurog ang pokiams na sangkabaklaan...

Itong si Atlas eh isang Titan na natalo sa digmaan, kaya me punishment si bakla na magbuhat ng langit. At itung si pokpok na Calypso eh kumampi sa tatay nya, kaya pati sha eh nadamay sa kaeklatan na parusa.

Anong nangyari ke Calypso?

Mabuhay na manag-uli sa isang isla. ALONE. Forever. Like totally!

Sa bawat isang libong taon, ang mga thunder cats na tagagawa ng kapalaran, eh magpapadala sila ng isang machong papa na magpapa-inlavavoo ke Calypso.

A man she is destined to fall. But a man who will never choose to stay.

At magiging mag-isa uli si baklita. As in mago-moment sha mag-isa kasi nabitin na naman si potah. Magtya-tyaga sha uli sa serbisyo nina Kelly Kamay at Dolly Daliri. Iiyak at magwawala at sasabunutan ang sarili at iuumpog sa pader at magpapakamatay. Pero si ateng ay jisang imortal, kaya mananakit lang lahat ng kasu-kasuan ni bakla pero never shang mamamatay.

Magtitiis na lamang si katimora at mag-eemote na mag-isa. Yun lang ang constant sa buhay ni nini.

MAG-ISA.


But I believe it works in both ways.

Destined na ma-fall si Ditse sa lalaking napadpad sa isla nya. Pero ang lulurki, destined din sang ma-inlove kay Ateng Calypso. It's inevitable.

At habang papalayo ang balsa ni kuya, habang sumasagwan sha pauwi sa kanyang pamilya, walang araw na hindi nya iisipin si Calypso.

She would always be his biggest what if.

6.08.2009

The Strawberry and the Rambutan

Mga becky mae, di to alamat ha! Nakita ko lang tong luma kong post...

Ang rambutan nananatiling nakabitin sa alanganin. hay! just wanna share the kemerlu of why i compare myself to this fruitembang...

I've read somewhere that gelays are like apples on trees. Yung mga panalong panalo at best ones e nasa top of the tree. yung mga boy-china wit nila bet mag-reach for the good ones. kasi daw they are nashoshokot na jumogsak and mapilayan ever. bagkus (wtf?!), mega pulotboys na lang cla ng mga mansanas na jumogsak sa ground... di ganung kaganda pero madaling makuha.

So yung mga apples na nasa tuktok ng ikapitong sanga, nagse-self pity na ang mga bakla. naisip nila, something's wrong with them. pero ang trulili as in ispluk itu ni Jojo Acuin, super amazing extravagant at bonggacious cla. kelangan lang magwaiting for tonight sila sa tamang lulurki na para sa kanila, the one who's brave enough to climb all the way to the top of the tree.

Eto na problema... ang lola mo...indi mansanas! RAMBUTAN ang hitad... kaya pag me umaakyat sa puno ng mansanas, hindi sha pinipitas! nagtataka lang ang mga hombre kung bakit me rambutan sa puno ng mansanas. kaya ayun! up to now, ang ganda ko nananatili sa puno... hindi pinipitas, wala man lang nagtatangka.

Yung mga umaakyat, gus2 lang para ma-experience ang buhay Tarzan. Gus2 lang nilang makita kung totoo bang may himala, pero "Walang Himala! Ang himala ay nasa puso ng tao... ang himala ay nasa puso nating lahat." At shempre, dahil ang kapatid ko ay hindi baboy! Rambutan sha! Rambutan!!!

Sana strawberry na lang ako...o kaya tomato para me lycopene! Iwas kanser..

I'm so confused. I know I conditioned myself to feel this way. its my fault i let myself feel more than what's right. Ang dami na nila dito sa blog ko eh. Me Pa, me Daddy, me Tatay, me Baby... lahat sila mga apple-pickers na nangolekta ng apple sa puno ko, pero ako mismong nakabitin sa sanga eh nanatiling nakabitin...

Ayun ang rambutan hinimas lang ng apple-picker kala pipitasin na sha. hindi rin pala. kc puno na pala basket nya. hay! sana talaga strawberry na lang ako. para isang yuko lng pwede na ko mapitas. nasa baguio pa ko... hay! kundi man ako magiging strawberry, sana na lang... MAHILIG SHA SA RAMBUTAN! ahihihi...




Oi in faraway fairview, dati ko pang post toh. Two years ago pa, sa multiply. Pero waing nagbago sa lifesung ni akelya. Nakabumburumbei pa rin akechi. Naka-hanging by a moment pa rin ang baklang maton sa puno ng iskwater. Pero kahit wichikels nila aketchi pitasin, enjoy naman ako sa paghimas nila eh... so keri na yun.

Choosy pa ba ko? Bakla na, choosy pa? Pero sabi nga ni Ateng Wanda (paging ate Wanda!!! Nasan ka na ber?! nakulong ka ba sa time space warp mo bakla?!) yun nga, sabi ni ateng Wanda, hindi ako mag-iinarte, kasi alam ko, kasi tanggap ko. pero hindi ko rin maipapangako sa sarili ko o kahit kaninuman, na hindi ako masasaktan...

6.07.2009

Ang Alamat ng Baklaran


Me interesting na alamat ang Baklaran courtesy of my fwend's mother dear. Sabi nya, dati daw eh walang pangalan yung lugar, basta part lang daw ng Pasay. Then, me american na madalas magsimba dun at may nakilala si Kano na Badet. Nainlavavoo silang duwa sa jisat jisa at madalas silang magtagpo sa church na yun. Sa sobrang pagmamahal ni Dave kay Bakla (yesterday! Dave ang namesung ni Kano at Audrey ang screen name ni badet -- Adriano in real life) pero mas sanay shang tawaging "Bakla" si Audrey.

Dave: Bakla, I miss you!
Audrey: I miss you too...

Dave: Bakla, do you love me?
Audrey: Yes Dave, I soooo love you.

Dave: Bakla, ch*pain mo ko!
Audrey: *^@#$&&!@# Buti naman ang shugal na natin ngayun ka lang nagyaya! Dive na ang Bakla!!!

Yun nga, sa sobrang pagmamahal ni Dave eh ninenok nya ang papremyong magic sing ni Willie sa Wowowee. Hilig kasi ni Audrey ang kumanta ng matataas (at mahahabang) nota. Eh nabukelya si Dave, kaya tinutugis sha ng mga Zaido.

One day, while nakaluhod si bakla -- nagdarasal -- eh biglang nag-arrive ang si Green Zaido, Blue Zaido at Red Zaido upang hulihin si Dave. Nag-panic si Kano kaya binulungan nya si Audrey para tumakas na at iwan sha. "Bakla, run!" Eh si Bakla, pag nakaluhod, todo concentrate yan kaya di nya narinig yung bulong ni Dave. Kaya bumulong uli si Dave: "Bakla, run!!" pasigaw na bulong ni Dave kung pano sha bumulong ng pasigaw, wa ko idea how. Eh kaso, nabengga na ata tenga ni Bakla, di uli narinig. Kaya napalakas na ang bulong:

"Bakla, RUN!!! Bakla, RUN!!! Bakla, RUN!!!"

At shumakbo ang Bakla, ala-Nancy Navalta.

Never na silang nagkita ule. Na-deport na si Dave at si Audrey eh nakuhang double ni Robin sa Totoy Bato.

Pero ang mga nakasaksi sa pangyayaring ito ay super touched kaya minabuti nilang magbigay tribute kina Dave at Audrey. Mula nga non ay shinowag na Baklaran ang lugar na ito.

Break na Tayey!

Pano ka Kumembot sa Haggard na Break Up?

Mega survey sa ofis ang mga pasaway na ofismate ko. "How did you survive your last break up?" Kumusta naman ang topic, mashadong related sa workaloo. Pero kahit na, sangkatutak talaga "mapag" sa mundo... as in MAPAGPATOL. So shempre nakisali ako, pumatol din ako sa sarvey ni Kuya Goma.

Nakakawindang ang mga sagot! May uminom, umiyak at naligo sa ulan. May kumanta ng "halik" "ulan" at "luha" shempre by Aegis. San ka pa, may sumandal sa dingding at humagulhol habang dahan dahang napapaupo. May nangolekta ng krayola at itinapon ang lahat ng kulay maliban sa black kasi daw "wala ng kulay ang mundo pag wala sha".

Napaisip tuloy ako. How did I survive my own breakup?

Tatlo pa lang masasabi kong breakup na naranasan ko. Yung pangatlo ikukwento ko sa next blog. Parehong ikinasal naman yung dalawang nauna. Mga walangya!

Yung una, mega iyakan kami sa car habang nagda-drive sha. Hinahabol kami gn hagad pero wa ako care. Crylaloo lang along the kahabaan ng kalye ni Epifanio delos Santos (EDSA ateng, wit ka naman slow davah) Kelangan na namin mag-babye moment kasi jontis na ang fiance ng lolo mesh. Tumuloy kami sa Baklaran before kami maghiwalay. Baklaran talaga?! Pwamis trulili itech.

Tinupad nya yung wish ko na makapagsimba kasama yung taong mahal ko at maiharap sha sa dambana. Dahil knowings ko naman na wichiririt nya ko mapapakasalan, eh di the next best thing na lang. Yung maipakilala ko lang sha dun sa nasa Itaas na gumawa sa kin.

Walang sinabi ang baha sa espana nung gayahin nya yung pinaka-iniyakan kong linya sa Love of Siam: "Hindi man pwedeng maging tayo, hindi ibig sabihin non na hindi kita mahal." Ganda ko davah?!


Hindi man kami ikinasal, at least nasabi ko sa Dyos na "Lord, eto sha oh. Kung sa kin talaga, ibigay mo na pls, now na! Kung hindi naman akin, bawiin mo na habang kaya ko pa."

Binawi nga... si Lord talaga di na mabiro.

Yung pangalawa, ineexpect ko na rin kasi nga nagpakasal na rin, ako pa daw gagawing witness sa kasal. Utot nya! Pagkatapos magpakasal, nanganak naman. Dun pa sa araw na pupunta kami dapat sa Puerto.

Basta na lang sha nawala. Tangay nya yung susi sa bahay ko. saka susi sa puso ko. Pati ata susi ng puday ko, ahihihi...

Dun sa dalawang instances na yun, umiyak lang ako ng umiyak. Binigyan ko ng taning ang sarili ko. 10 days. Nag-wallow ako sa pag-eemote.

Bumili ako ng asukal. Nagmatamis ako.

Bumili ako ng sampalok na hilaw, kamyas, balimbing, santol, manggang hilaw at datu puti. Nagmaasim ako.

Bumili rin ako ng ampalaya at poster ni Bitter Ocampo. Anu pa ba eh di nagbitter-bitteran ako.

For ten days, as in pamper to the max.

Nung tenth day, evaluation. Keri ko na ba mag-cartwheel ule? Ang 10-20 at one by one, two by two magagawa ko na ba with grace? Makakapag-cheerdance na ba ko with matching pep bloom? carry ko na ba mag-production number kasayaw ni Kuya Dick at Ate Vi?

HINDI PA.

So, five days ule.

Buysung ule ng pampatamis, pampaasim at pampapakla. Bumili rin ako ng maraming krayola para magkaron ng kulay ang mundo ko. Chararat!

After five days, tapos na... no extensions, tama na ang pag-iinarte.

Kaya nakipagkembangan ako ule ng bonggang bongga. Nakipagkembutan ako ng galore na galore. At nakipag-chukchaktienes ako ng panalung-panalo.

Yan ang style ko.

Hindi ako swan. Kalmadong kalmado sa ibabaw pero haggard na haggard na pala kakakawag sa tubig para mega floating ang baklang swaninella. Hindi rin ako si Krystala este Juday na me timing ang bawat patak ng luha. Hindi ako lalo si Charlie Chaplin na pag umiiyak eh nagtatago lang sa ilalim ng julan para hindi mahalata.

Pag gus2 kong mag-cryola, ka-cryola talaga ko. pag gus2 kong kumembang (o magpakembang) shushuwad akechi. at pag betty la fea kong mag-concert -- eh di kakanta ko! sa tonong mga becky mae lang ang makakasabay.

Ikaw? Pano ka bumabangon sa lusak? Wahehehehe.....

6.03.2009

Just for Tonight

Just for tonight, I'll come to existence.
I'll be me.
I dare myself. I dare my soul.

Only for tonight I'll look you in the eye.
I'll muster the courage, I'll be fierce, I'll be proud.
I know there's nothing, I'm banking on an empty space.
But still, I bet, I won't regret.
Someday you'll see, someday we'll be.

Just for tonight I'll surely say,
What my eyes have told, what my lips deny.
Can't wait for tomorrow, gotta do it tonight.
Shout to the stars, shout to the skies.

You stab my heart, you tug at my soul.
I'm yours, I'm yours... Will you be mine?

Just for a night, let me be the one.
Let me fill you, let me hug you.
Only for a night hold me close...
So close yet so far
Hold me, let me...

Just for one night
Be my baby
Be my maybe
Be my what if
Be my should have been
Be my all...

Only for one night
Realize what I realized
I never said that I love you
So now I'm telling you.

I'm yours!
I'm yours!
I'm yours!

Just for tonight
Be my forever
Be my constant
Be my always
Be mine...

'Coz I am yours tonight
And all the nights to come.


Kala nyo wholesome noh?! Ahihihihi.....

Me Tatay Pa...

Wag nyo sanang isipin na napakalandi ko ha.... ayoko lang maging madamot. Kung gusto nila kong tikman, eh di tikman nila ko di ba? Be generous! Spread love! Populate! (as if naman dadami ako). Eh kahit mabasa ako ng tubig di ako dadami ala-gremlin. Asexual ata ang pagre-reproduce naming mga badet.

Pasintabi sa kalndian ko, kasi... Me bagong cast... si Tatay...


Intro ulit tsaka preface tsaka foreword.

His name is Jeffrey. Jepoy nickname ng lolo mo. Pero tawag ko sa kanya "Tatay" at ako naman si "Mamay". Halos kaedad ni Magic. Mas matangkad nga lang sha. At mas malambing. At mas sweet. At mas showy. At mas expressive. At mas possessive. At mas romantic. At in fairness mas sexy.

Bayaw si Tatay ng pamangkin ko. So again not related to me hehehe. Pero lagi sha andun sa haus ng pamangkin ko kasi close silang magkuya. Dumadaan-daan din lang sha dito nung nakilala ko. Pero shy type ang lolo mo kaya di ako pinapansin ngumingiti lang sha pag nagha-hi ako.

Then nung bday ni Jonel, andun yung kuya nya and sinama sha sa inuman. Lasing-lasingan ang drama ng mga canton boys. In fairness marami akong pulutan non. Mga manginginom hehehe.

Pagdating pa lang nya pa-sweet na ang drama ng lolo mo. Shempre tabi kami eh kaso super sikip ng venue so share lang kami sa armchair. Nun magkatabi na kami nagulat ako kasi me number ako sa phone nya. Yun pala, nung minsang nalasing ako at sinugod ko si Totong (ibang kwento yun) eh nakasalubong ko pala sha at 30 mins ko daw pinindot ang phone nya para lang ilagay yung number ko. At nagtetext daw sha kaso di nagpakilala kaya deadma ako.

Bakit ako magrereply eh di ko naman kilala yung number. Ano ko? Kaladkarin?! Hindi ah!

Dun sa party, subo sha ng subo sa kin... ng pulutan! Share kami sa Lala, chicharon, balat ng baboy, tenga ng baboy, pati sa buntot ng baboy. At lahat ng yun eh isinusubo nya ha. Mega punas din yan sa lips ko pag uminom ako at nabasa ang labi ko. Gamit ang kanyang mga daliri. Parang eksena sa pelikula, tapos may background song na"Multong Bakla".

Me isang hilig sha na di ko mawari pero nasasakyan ko naman. Me candy sha lagi. Max na pula. Pag medjo kalahati nlng, sasabihin nyan "May, kendi" tapos isusubo yung kendi na kalahati sa kin, at ang daliri na nalawayan ko eh sisipsipin nya. Hay! Pag gumaganon sha feeling ko yung hair ko eh umaabot ng Antipolo. Tapos after mga five minutes pag maliit na yung kendi eh hihingin nya ule, kukunin nya sa bibig ko at isusubo sa bibig nya.

Nung minsan, bday nung apo ko na pamangkin ni Tatay, eh kaming dalawa ang bumili ng cake. Ang nakasulat, "Happy 2nd bday Kaila, love Tatay and Mamay" Shempre sa inuman tabi kami. Eh naparami sha ng inom kaya umuwi muna ang lolo mo para mahulasan.

Enter the original bowa. Si Pa dumating at nakiumpok sa min. Naturalmente (anudaw?!) eh sya ang katabi ko davah? Soa yun bulungan na kami ni Pa ng sweet nothings (mas lamang yung nothing kesa sa sweet)... biglang dumating ang Tatay. Kinuha ang kamay ko, at hinila ko sa tabi nya. At saka ako kinamkam. As in bawal tumayo, bawal umalis ng di ko sha kasama, at bawal makipag-inuman sa iba. Me sarili kaming bote, churi ka.

Kaumpok din namin ang ama ko. As in biological father mga ateng. Si Ambo. Aba, tinuro ko, sabi ko "Tay, yun ang tatay ko." aba windang na kung windang, maski si Totong natulala, nung sumagot si Tay ng "Ay musta po, sir. Ako po pala si Jepoy, dyowa po ng anak nyo."

After that, naupo kami uli sa pwesto namin, at biglang kumanta si Tina Paner. Because we kissed. Full. On the mouth. With tongue. Yung makapigil-hiningang kiss. Yung parang me camera na umiikot sa min. Yung kiss na parang walang hanggan. Pero isang saglit lang yun. Ang tamis ng una naming halik.....

Kami pa rin ngayon. Fortunately, sweet pa rin sha. Cuddly pa rin. We still kiss, though not as hot and as passionate unlike nung first.

Nothing beats the first kiss talaga. Kahit di namin first time pareho, it was the first kiss we shared, and it wouldn't be the last.

Mabuhay si Tina Paner! Mabuhay!