8.15.2010
Ang Lalaki ni Mutya
Believe it or not, minsan sa buhay ko eh tinawag akong Mutya...
Akshuali ang tawag nya sa kin eh "Kuya Mutya". Kung nagbabasa ka ng mga luma kong blog, sha yung nandito. Bago pa ko bumalik ng iskwater, bago pa ko maging manager ng canton boys, bago pa ko mamayagpag sa carpeted eskinita, at bago pa ko naging BM, ako muna si Mutya.
Si Waldo eh nakilala ko 3 years ago sa isang team building camp sa Tanay. Impertinenteng bata, kasi ihing ihi na raw sha kaya lumaktaw sa kin sa upuan kahit borlogs pa ko. Eh mukha pa naman akong suicide bomber pag bagong gising. Naloka ang gwapo at mega sorry.
"Ano ba?! Di mo ba nakikita na tulog ako?! Di mo ba nakikitang... ang cute mo at okay lang na istorbohin mo ko?!"
Nung napansin ko na me itsura ang lolo mo, ay wit na sa anger! Make peace not war agad ang slogan, sabay kaway na pang Mutya ng Pilipinas at bulong ng "world peace..."
Mejo hawig nya si Borgy, the one who likes to punch pipol; at si Van Pojas ng PDA. Pero mas totoy ang itsura ng lolo mo, mas may angas, pero may sense kausap at maraming maraming erbogelya sa katawan. Di nga lang sa kin nakatutok ang elya ng bagets, nasa mga babaylan. Damn!
Member sha ng isang all-male org na nagmi-miting at nagfo-formation tuwing byernes, at nagdo-DOTA gabi-gabi. Gusto ko na ngang matutong mag-DOTA eh para makadutdutan ko na sha kahit minsan. Tsaka duda ko sa org neto eh... Feeling ko konting himas mapapasakin buong grupo nila!. Mga batang "attainable" hihihi.
Since sa church org kami nagkakilala, witchicirit ang todong landi at lantarang pangangarir. Dapat eh mejo demure at pa-sweet. Kaya puro asar lang ang hirit ko at puro pakyut. Partida pa-sweet pa ko humirit nyan...
***
- Kuya Mutya masahe naman jan pls. Libre tsansing!
- Pwede naman. Ayoko nang nakadapa, gusto ko laging nakatihaya.
- Ulul, masahe mo na lang kuyukot mo, kupal.
- Kuya Mutya, libre ka naman ng lunch.
- Sure. Pakainin kita tapos pakainin mo ko. Hihihi.
- Di bale na me asin pa ko sa bahay, magdidildil na lang ako kupal.
- Kuya Mutya pa-DOTA ka naman.
- Sige ba, tapos pa-dutdot ako ha.
- Sangla ko na lang brip ko sa Cebuana, kupal.
- Kuya Mutya na-try mo na bang magbayad ng lalaki?
- MAGKANO?! (potah eager na eager lang.) Tuition?! Scooter?! Laptop?! Trip to Bora?! Magkano?! Magkano?!
- Gago di ko sinabing bayaran mo ko. Tanong lang ulul. Hehehe... Kupal!
Lagi lang talaga kong talo sa lolo mo. Lumalaban naman ako madalas. Iba lang talaga humor ng mga lalaki noh? Kahit corny, basta makasagot lang, talo ka na nun. Kasi sila sila ng mga barkada nya, matatawa lahat.
In three years, masasabi kong tanggap na tanggap naman nya lahat ng kabaklaan ko. Pag me kailangan ako, nasasandalan ko namanang lolo mo. Humihirit pa rin ako ng mga kalandian tuwing nagkikita kami.
Pag me mga ibang tao, bigla akong hahawak sa kamay nya sabay hilig sa balikat sabay ngiti. Pag nagkikita kami eh "hi baby" agad ang bati ko sabay attempt ng halik sa cheeks na kadalasan eh bokya. Pag pauwi na eh hihirit pa uli ng beso-babye pero masosopla uli. Pag ol sa fb eh magmi-missyou at loveyou too sa chat.
Nung Sunday eh nalambingan ko si Waldo na samahan akong maghanap ng bahay sa Malibay para pag dun ako lumipat, malapit na ko sa kanya. Mga 15 mins pa lang kami naghahanap eh bumongga na ng ulan with matching kidlat on the side and some kulog for garnishing. Binaybay pa rin namin ang kahabaan ng Malibay, kung pahaba man yun, at naghanap-bahay.
Habang naglalakad, shempre sukob kami sa isang payong at nakaakbay ako sa kanya. Close kung close! Minsan lang to. Oportunista! Ewan ko nga ba, pag ako madalas nangangalay akong payungan ang sarili ko. Pero nung kaming duwa, waley na sa pagod at kiber na sa ngawit. Sabay emote ng "sukob na, halika na! Sabay tayo sa payong ko..."
"Anu ba yan, Waldo, tatlong taon na kitang pinagnanasaan di mo pa rin ako pinagbibigyan. Di ka ba naaakit sa alindog ko?! Kita mo naman alagang-alaga ka sa piling ko. Ni hindi ka nasasayaran ng ulan." diga ng bakla.
"Asa pa rin?" buska ni gago.
"In fairness to me, naka move on naman na ko ng bonggang bongga after kitang iyakan nun noh. Naka-move on na ko!"
"Katawan ko lang naman habol mo." sabay ayuda ng talong na parang nang-aakit.
"Sige na, ikaw na masarap. Kasi naman, patikim lang ayaw pa. Subo lang naman!"
"Di rin. Sapakan na lang!"
"O sige, sapakan tayo. Pero bawal ang kamay. Dapat etits lang gagamitin mo sa kin. Magpapabugbog pa ko sayo magdamag."
"Gusto mo kasi bine-baseball bat ka ng etits eh noh?" na-imagine ko naman bigla yun parang exciting.
"Gento na lang. Isang sapak ka, isang subo ako." hihihi.
"Ayoko nun lugi ako. Pag sapak ko sayo, isang tama lang yun eh. Pag subo mo wala nang bitawan eh."
"Iluluwa ko naman ng buo. Promise." maniwala sana...
"Mamaya higupin mo lahat eh. Ayoko ng vacuum! Para kang vacuum cleaner. Hihigupin mo lahat! Vinacuum mo ang lahat sa akin!"
Ganyan lagi tema namin pag nag-aasaran. Minsan pa eh ginagawan ko sha ng alamat.
"Balang araw mapapasaakin ka rin. Isinusumpa ko." Sabay luhod sa baha. "Isang araw, magigising ka na lang na wala na yang baseball bat mo sa pantalon. At kahit kumatok ka sa gate ng bahay na pink, hinding hindi mo mababawi ang baseball bat mo! Para mawala ang sumpa... Halik ng tunay na pag-ibig!" hihihi. Di nya alam nasa bibig ko lang ang hinahanap nya.
Pag kasama ko si Waldo, buhay na buhay lang talaga hasang ko. Pero kung pano ko sha binubuyo na magpariwara sa mundo ng mga bekimon, sige naman sha sa pagbubuyo sa kin na mamechay at magdildil ng mani. Para sa kanya, porever na kong magiging articulate. Maarte na makulit pa.
Sabi nung tropa nya pag nag-inuman daw kami vetsinin ko na. Wit! Hindi ko maintindihan yung mga baklang nanggagapang ng tulog o lasing na kaibigan. Wala ka bang ganda teh?!
Si Waldo, balang araw, babagsak rin yan sa mga palad ko. I'd like to view our relationship as definite, on its way, in the long run, and inevitable. Naghihintay lang ng tyempo kumbaga. Bidding his sweet time to claim what's rightfully his!
He may not know it yet, pero ako sure ako. Balang araw, maririnig ng sambayanan ang sigaw ng bakla... HOMERUN!
churva ka naman mare...
ReplyDeletehina mo naman e... kakainis ka..
kung ako nasa katayuan mo... first day palang nakahome run nako sa kanya... hmp
it's now or never dapat ang drama
bongga teh!!!
ReplyDeletewag kang magalala...malapit ka na makaHOMERUN!
P.S. Ang vetsin ay di laging effective.
P.P.S. Not based on experience yan ha. But from a very reliable source. Hihihi
mare, beautiful nga siya. he is worth the wait. hehe! :)
ReplyDeleteSabi nga ni Confucious, If you do not change the direction in which you are going, you will end up where you are headed.
ReplyDeleteGo lang teh. Balang araw maaani din ang itinanim! :)
i hope segue lang to para sa next post mo -- HOMERUN NA :)
ReplyDeletego gurl have a happy period.
ReplyDeletehahaha.. tama si Désolé Boy ang vetsin ay hindi laging effective.. bubula lang ang bibig.. nyahahha.. excited na ako sa next entry mo..
ReplyDeletewell, more often than not, it's the guys you don't bed that make fierce friends... this is one interesting take on some straight guy-gay guy dynamic...i'm interested in seeing what else happens..hehehe
ReplyDeleteVery good writing. Enjoyable, fun, laugh trip. Opinion ko lang - di to possible kahit pa magantay ka ng buong buhay mo, ang lalake ay lalake, babae pa rin ang hahanapin nyan. maaring matikman mo sya, pero yun lang yun.
ReplyDeletewin!
ReplyDeletekilala ko din xa!!! ang tagal mo na din xang pantasya huh... umaatend pa ba sya ng meeting/activity?
ReplyDeletei love this one. so funny and nakakakilig. i hope his really worth the wait. :)
ReplyDeletecurious naman ako sa blog mong ito, want to experience what you are having. hirap lang basahin ang mga sward speak kafatid, lumuluha ang mga eyes ko sa pagbasa!sana may pictures dito sa mga stories mo!
ReplyDelete