Pano ba simulan yung sulat ng pamamaalam? Pano ba uumpisahan yung kahuli-hulihang sulat na ibibigay mo sa taong naging buhay mo? Sabi nila mahirap magmahal kasi kaakibat nun yung sakit, yung sugal na pwede kang masaktan. Pwede kang mamatay.
Talo na ko eh.
Sa sulat na to, aaminin ko na. Sa sarili ko, higit kaninuman, aaminin ko nang wala talagang kapag-a-pagasa na maging tayo. Wala talagang posibilidad na mahalin mo rin ako. Lalaki ka. Bakla ako. Di pwedeng maging tayo.
Alam ko minamaliit ako ng mga tao. Baklang habol nang habol. Baklang asa nang asa. Baklang ilusyunada. Baklang ambisyosa. Baklang pathetic.
Ano nga ba ang laban ko sa babae? Wala akong puke, wala akong matres, wala akong obaryo. Kahit magkaron pa ng synthetic na reproductive organ sa Ebay, hindi ko naman maa-afford yun. Ang pinanghawakan ko dati, mahal mo ko. Operative word: DATI.
Dati ang tapang ko eh. Akala ko kakayanin kong makita ka na masaya sa piling ng iba, nagtataguyod ng sarili mong pamilya. Akala ko walang puwang sa buhay ko ang negatibong emosyon. Akala ko madali kong matatanggap kapag hindi na ako ang naghahatid ng ngiti sa mga labi mo. Akala ko makakaya kong pairalin ang utak at hindi ang puso ko pagdating ng oras na kailangan na kitang palayain. Akala ko tanggap ko nang balang-araw, magbabago ang lahat.
Kasi kahit may ganyang disclaimer at posibilidad na iwan mo ko, alam ko mahal mo ako.
You were in love with my soul. Tuwing tatanungin ako ng mga kaibigan ko bat ako kapit nang kapit sa kung anuman ang meron tayo, yan ang sinasagot ko. Our love transcends all boundaries. Nagawa mo nga akong mahalin sa ganitong pagkatao eh. Feeling ko soulmates tayo, nakatakdang magmahalan, nakatadhanang walang iwanan, nakasulat na sa mga tala na magkakasundo at magkakalapit tayo, nakalaan para sa isa't isa. Baka nagkaron lang ng mixup sa langit, nailagay ako sa maling hulmahan.
Pero ngayon ko na-realize, napa-oo ka lang. You went through the motions. Nagpatianod ka sa tindi ng agos ng pagkakaibigan natin, hanggang sa mag-blur na yun linya ng magkaibigan sa hindi. Yung layo ng itinalon natin mula sa "wala lang" papunta sa "transition", kahit ako di ko mapaniwalaan. Kaso di mo pala kayang panindigan. Nung tinanong kita dun sa sinabi mo dati na "let's cross the bridge when we get there" ang sagot mo lang, "natrapik".
Masyado akong naniwala sa mga salita mo. Masyado akong nakampante sa mga reassurances mo. Masydo akong nabulag sa rason. Masyado akong naging tanga sa pagmamahal sayo. Kaya nung dumating yung oras na kailangan mo nang mamili -- ako o ang pagkalalaki mo -- dun ko nakita kung ano ba talaga ang halaga ko sayo.
Dinurog mo ko eh. Nang paunti-unti, paulit-ulit.
Yung pagdurog na nagmumula sa kaibuturan ng buong puso't kaluluwa ko. Yung pagdurog na sa sobrang sakit, nagma-manifest na sya sa bawat kilos at galaw ko. Yung pagdurog na ubos na ubos na ang tiwala ko sa sarili ko. Yung pagdurog na nakakabobo, nakakagago, nakakatarantado. Yung pagdurog na nakakamatay.
Sirang sira na ako. Andaming masasaktan sa ginagawa kong to, pero yung taong gusto kong pumigil sa kin, di naman nakakaramdam. You don't even know the gravity of the pain that you're causing me unintentionally. Hindi mo sinadyang magpaasa. Hindi ko rin sinadyang maging mahina.
Kaya mo kahit nakikita mo akong araw araw na nauupos. Kaya mo kahit bawat minutong pinipili mo sya, pinipili ko ring kalimutan ang sarili ko. Kaya mo kahit para akong robot, para akong doormat, para akong de-susi. Kaya mo kahit nakikita mo akong nasasaktan at nahahati sa dalawa. Kaya mo palang patayin ang kaluluwa ko.
Kaya sigurado ako, kaya mo rin kahit wala ako. Kaya mo kahit di na tayo magkita ng habang panahon. Kaya mo kahit mag-iba na ang mundo ko. Kaya mo kahit magiba na ang lahat ng pundasyon sa pagitan natin. Kaya mo kahit mawala na yung "tayo". Kakayanin mo ring wala na ko.
Hanggang dito na lang pala ang kaya ko. Kung anong nangyari bakit nauwi sa kamatayan ang pagmamahal na dati mong iningatan, siguro ang Diyos na lang ang makakaalam.
Ganito pala kung pano mo tatapusin ang sulat ng pamamaalam. Kapag nasimulan nang bumuhos ang dam ng hinanakit at sakit, kapag nagdire-direcho nang umalpas lahat ng taghoy at hinagpis ng pusong sinugatan, kapag lumarga na lahat ng emosyon at damdamin, kapag nagsanga-sanga na lahat ng salita at titik at obra at ekspresyon, wala palang makakapigil sa pagkamatay ng pusong iniwan.
Now let me live my life. Broken, soulless, lifeless.
You were in love with my soul.
My soul has died.
Someday soon, so will I.
Come back soon. I love your stories. And hope by the time that you're here, you already have a smile on your face. :)
ReplyDeleteSUSMARYOSEP!!!!
ReplyDeleteBakit ngayon ko lang nakita tong blog na to. Hahahaha
Binabasa ko lahat from the start. Nasa 2010 pa lang ako e. Pero tawa 'ko ng tawa. Tinatanong na nga ako ng mga offficemate ko, sabi ko: "Pakelam niyo ba? Ako ang BEDA!
Ahahahahaha
Bakit tuwing magbabalik ka may kalungkutan sa tono ng mga sulat mo? Tama nga sila, mas magandang magsulat kapag malungkot at habang hinahabi mo ang mga letra, para mo na ring tinutuklap ang mga sugat na malapit nang matuyo. Binubuhay. Pinadurugo pang lalo.
ReplyDeleteBM! We miss you!
Balik ka agad kapag kaya mo na!
Ngiti po!