12.12.2012

The Final Separation

Totong... Salamat...

Pa. Payat. Kagawad. Daungan. Kaibigan. Kumpare. Kapitbahay. Kababata. Gambit. Ang lalaki sa panaginip. Ang lalaki sa tore. Ang lalaki sa iskwater. Ang lalaki sa barangay hall. Salamat.

Bibitaw na ko. Kasi ako na lang ang nakakapit. Bumitaw ka na, dati pa... Para sa pagkapit mo dati, Salamat.



11.29.2012

Happy Birthday PB!

Sis,


I remember.


I love you!




 

10.02.2012

Mini Separation 3.5: Freedom of Expression

With lawmakers like ours, who needs terrorists?!


Itim muna, bilang protesta sa kalokohan ng Senado. gusto ko mang ma-rape gabi-gabi, ayoko naman ma-rape sa selda noh! I want to be able to write and say anything that I want, dahil di naman ako iresponsableng blogger. How dare them take that away from me?!

Bekilandia, stand up for your right! Wititit na itey about sa otoliz, wiz na itechi dahil sa landi, at witchikels lang mga beki ang affected.

Lahat tayey.

Blogger ako noon, kriminal ako ngayon.

Ganun ba dapat ang peg?! Nasaan naman ang flamboyance at pagka-fab jan?! Anu outfit, orange jumpsuit?! Di ba pwedeng pink sa akin?! Susko naman, di pa ba sapat ang mga eksenang kinekembot natin sa araw-araw bilang beki ng bayan?! Inequality, injustice at discrimination nga davah?! Ngayunchi, pati fb at twitter?! At ang mas nakakaloka, may kulong pang kasama! Anong peg, flowerpuff girl ng city jail?!

Anyareh, Inang Bayan kong mahal?! Pano na ang reputasyon mo?! Emphasis on 'puta' na naman ba?! Sino ba kasing mga shungaers ang nagsiboto sa cybercrime law na itey?!

It's not so much about just the law. More on why it was passed, and who actually benefits it.

Pano ba ipinasa yun?! Ano yun, di nagbasa mga senador?! Nung nag-react na ang taong-bayan, saka lang nagsipag-statement?! Weh julie vega na mam! Napirmahan na, pasado na, effective na nga bukas! Kalurkey! Anu yun, nabasa lang nila na pag me sinabi against them eh kulong kulong agad ang emote, pirma agad?! Pero kapag nangopya sa internet keri lang?! Sumo-Sotto ganun?!

Anu to, power tripping to the highest level?! "Nangopya si Sotto. Bumili ng pirated DVD si Estrada. Nangabayo si Lapid." Boog! Mutya ng mga kakosa agad ang kalalabasan mo. Di lang nagustuhan ang comment, at ni-like lang ng friendship, pak na, cellmates na kayo sa Presinto Otso.

Whatever happened to the good old blocking button?! Ganun na ba kagrabe ang insecurities mo at di mo na kinayanan na ipagtanggol ang sarili mo sa mga cyber bullies?! At di ka lang nagsumbong ke Mommy ha, ke Atorni agad. Para san pa ang Face to face ni Tiyang Amy kung di na uso ang baranggayan?!

Sa Iskwater, di ganung affected sa Cyber Law. Duh, yung 15 pesos na ibinayad mo sa pagrenta ng isang oras sa computer at internet, uubusin mo pa ba sa paghahanap kung sinong ididimanda mo?! Wit na di ba?! Upload ka na lang ng songs para sa MP4 or MP5 player mo, mag-post ng profile pictures, at magbasa sa blog ni Baklang Maton. Kaso, dahil sa cybercrime law na yan, pati yung ginamit ni Kokey at ni Orak na computer sa pagla-like at pag-comment sa status ni Aljur-rog na inaasar nya si Jericho (aka Jerry Kuba) pwedeng ma-sequester kapag nagkademandahan. Damay na rin lahat ng nag-like.

Kung gento inaatupag ng mga kumag na tagagawa ng batas, weh anu pang silbi ng computers?! Bawal mag-download, bawal mag-blog ng offensive, bawal mag-like, bawal mag-comment, bawal mag-share. Abetting na daw yun. Mga websites, pwedeng ipa-close. Mga torrent at songs, di na pwede makuha online. Ang mga kalandian, di na pwedeng i-blog!

Nakakaloka.

Pinas, anyareh?!

Bilib talaga ko sa tagline ni Professional Heckler. The problem with political jokes is they get elected. Naku, baka ikakulong ko pa to. Buti sana kung hindi applicable sa magaganda ang batas. Eh kaso, mukhang applicable sa lahat, except sa mga sumusunod sa Golden Rule -- if you have gold, you make the rules.

Sa US nga, di umubra ang SOPA at PIPA. Sa Pinas, napa-tumbling ako. Di ko talaga kinaya ang power ni Sotto! Anu nang nangyari sa RH Bill?! Ex-Japan na agad, years bago magkaron ng desisyon, PARA LANG SA BUDGET PAMBILI NG CONDOM?! Bawal ba bumili ng condom?! Samantalang si Cybercrime Law ha, palos ang arrive, walang nakaramdam, biglang boog! Pirmado agad! Kayo na! Kayo na talaga! #repostlangtowalaakongkinalamansapinagsasasabikowagnyokongikulongPLEASE

Wala na, Bekilandia. Pag in effect na ang kalokohang ito, magsama-sama na lang tayo sa selda.

Nakakadismaya ka, Pinas.

Pag pumayag ka sa gento, tama nga lang ba na iniwan na kita?


Uuwi pa ko dyan...

Wag ka namang magpaka-puta.

9.28.2012

Paysung Republique

What prompted me to write this blog was one person. What prompted me to finish it was an entirely different story. Humaba ng humaba, ang blogelya na nasa isip ko eh platform ko lang uli ng mga misadventures at kalandian ko bilang BiEm, eh naging full-blown article na pang-Docu at iWitness, choz! I wanted to post this blog nung March 7, bilang yun ang 3rd Birthday ko bilang si Bi-Em Pascual, bilang si Baklang Maton, bilang blogger. Pero di ko kinayang tapusin, mejo mahirap kasing gawan ng realistic na ending.

Until I went to Batangas...

9.18.2012

Mini Separation 3 -- 50 Shades of Semi-Glossy Razzmatazz

Kakahanap ko ng mga beki colors, I came across this word: Razzmatazz. Bongga di ba?! Beking beki lang, invented by Crayolang pagkalandi-landi. Masabi lang na aabot sila sa 96 colors, gawa-gawa ng kulay?! Kaya gawa-gawa rin ako ng dahilan para makapag-blog hihihi...

http://www.finnishdesignshop.com/bathroom-towels-nimikko-bath-towel-redpink-p-3261.html

Sinasamantala ko lang ang aking kasipagan, and I'm trying to translate it into blogs. I found my niche in writing, so itinotodo ko na habang wala pa kong work, at nganga pa ko during summer break. Wag na kayong choosy kung wala mang life lesson mga post ko nowadays. I'm sure gustong gusto nyo rin naman mga hitad! Ina-unleash ko lang ang aking inner remate/toro/bulgar/abante contributor hihihi.


9.07.2012

Mini Separation 2 -- 50 Shades of Copper

Eto na ang part 2 ng aking kalandian. Part 2?! Agad-agad?! Kasi naman, while I'm writing this post, literally, may duwang mag-jowa na nagkekembangan sa harap ko. Channeling my inner Anastasia Beaverhausen! Sinalin ko na lang yung pandidiri sa kalandian nila sa pagre-reminisce sa aking malanding nakaraan.

Pansin ko lang, andaming comment mga beks?! Porke me scenes  for mature audiences, ansisipag mag-comment pag titillating?! Hihihi... Mga potah kayo pag ito konti lang ang comment, di na ko magpo-post ulit! Nyahahahaha... #alamNa

Paalala Ulit: Ang inyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong gabay at patnubay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, kalibugan, kabaklaan, kalandian, kaeklatan, horror o droga, na hindi angkop sa mga bata.

Paumanhin: Walang picture na makikita DITO. Simbolismo lang ang mga ito. Naghanap na lang ako ng kamukha nung dalawa, na kabilang sa roster ng mga outsourced boylets ni bakla. Hiya ko naman dun sa dalawa kung ipo-post ko pa mga fez nila davah?! Kailangang protektahan ang mga lolo mo. Ang mga pagkatao ng mga karakter sa blogelyang ito ay sinadyang baguhin at itago sa mga alyas para sa kanilang proteksyon. Anumang pagkakatulad sa tunay na buhay, pangalan, pangyayari, lugar, o boylet ay hindi sinadya at maaaring nagkataon lamang. Maliban na lang kung isa ka sa mga... Altar Boys!


9.03.2012

Mini Separation 1 -- 50 Shades of Potah Pink

Tapos na kong gumawa ng fairy tale, meron na ring alamat... Kwentong Tiktik naman!

Paalala: Ang inyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong gabay at patnubay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, kalibugan, kabaklaan, kalandian, kaeklatan, horror o droga, na hindi angkop sa mga bata.

Sa isang maliit na sulok ng Quezon City, sa isang maliit na pamayanan na kung tawagin ay Iskwater. Ang mga naninirahan sa Iskwater ay mahihirap, palaaway, magugulo, palasugal, at maiingay. Still, ang mga taga-Iskwater ay mapagmalasakit, mapagbigay, malinis, at nagtuturingan na parang pamilya.

Dito nakatira ang isang baklang maton, na may mabuting kalooban. Ubo! Nasasamid kahit written?! Anyhoo, si Biem ay isang beki na pagkaganda-ganda, pagkalandi-landi, at pagkalibog-libog. Lapitin si bakla ng mga otoko. Mga otoko na kailangan ng release. O kaya eh mga otoko na kailangan ng sagip-buhay assistance. Sila ang mga bida sa kwentong ito. Ang mga fling na hindi ko magawang i-unflung. Ang mga affairs na lagi kong mare-remember. Ang mga happy meal ng modernong bakla. Ang mga recipient ng tawid-pahada card.

They say forming a habit takes three weeks to form. Try 4 years. No, try 25 years! I have always believed being beki is a lifestyle. A decision. A choice. The things that I do, the words that I say, the choices that I make, yun ang bumubuo sa pagkatao ko, sa pagkabakla ko. Yung mga nakasanayan ko, yung mga kinalakhan ko, yung mga kinagawian ko, lahat yun nagtatakda kung ano ba ang magiging pundasyon ng kung sino ba si Baklang Maton.

Sa itinagal ng blog na to, lagpas tatlong taon na rin, di ko akalain na may mga bagay pa rin pala akong hindi naisali.. May mga lalaki pa pala akong hindi naipakilala. May mga experience pa pala akong hindi naikwento. May mga kuda pa pala akong hindi naikembot. Bilang hindi ko naman na kering gawin tong mga gento ditey sa bago kong balur, reminisce na lang ang gagawin kez. Reminder po, R-18 ang post na to. As in!


8.12.2012

Eighth Separation: Soulmate for Life

One funny conversation I had with my Soulmate. Read on...

7.27.2012

7.12.2012

Sixth Separation: The Love that Never Was

Here's a man I haven't mentioned in this blogelya. And we go way back. Way, way, way back. Like 13 years. More than enough for him to be part of my separations.

He calls me Bee, I call him Baby.





6.30.2012

Fifth Separation: Magic and I

I have stopped blogging about Magic, but our friendship continued as it is. Sya yung cutie na nagpaka-Mama Trony akez! Di ko lang sha bina-blog kasi selosa ang misis ng lolo mo. Plus, Chupul and I became really good friends, nawala na yung landian at kembutan. Wala ng naganap na kembangan, minsan na lang choz!

6.10.2012

Fourth Separation: BLMDM

It's 404 now! 404 followers, despite my absentee posting... =) At dahil pasok na ko sa "Circle of Four", here's my fourth separation... Hihihi!

5.29.2012

Third Separation: A Tale of a Goddess

It took me more than 10 drafts, a year, and a different country to finish this blog. I simply wanted this to be one of the best I'll write... ever. Because leaving her is probably one of the hardest things I've ever done in my life. Because our friendship meant more than any other kembot. Because it's so damn hard to say goodbye. And because the person I'll write this for, she's simply... epic.


I've mentioned her a few times already. Isa sa closest friends ko since HS. Di pa ko beki, friends na kami. In fact, sya ang dahilan kung bakit ako naging beki -- at least in theory. A great influence in most of my decisions. Kunsintidor sa lahat ng kalandian, kabaklaan, kagagahan, at lahat ng "ka-han" sa buhay ko.

My Personal Goddess of a friend.

5.09.2012

Second Separation: Si Utoy

Going to Batangas has never been the same because of Utoy. I always look forward to going there, para makabuo ng moments sa manggahan at sinigwelasan. Kahit anong okasyon, kahit sinong namatay, kahit kaninong birthday, kahit fiesta lang ng kabilang baryo, basta pwedeng umuwi, umuuwi ako. Because that means I get to see him again. And the trees. And the grass. And the river.

This time it was different. I came to say goodbye.


4.29.2012

First Separation: Team Budwire

Karamihan sa friends ko na nakilala or nabasa na si Budwire sa blogelya, sya ang gustong makatuluyan ko. Not Totong, not Jonel, not Magic, not Marvin, not Papa El, and definitely not any of the canton boys. But if I were to choose one, malamang hindi si Budwire ang piliin ko.

Conceited much?! Di ko narealize, I was becoming one of those proverbial people na nasa harap na ang kailangan eh hindi pa pahalagahan at di pa ipaglaban.

Ewan ko ba, may mga eksena lang sa buhay love notes namin ni Budwire na alam kong hindi swak.

3.29.2012

The Multiple Degrees of Separation from BiEm Pascual

Ate na ang panganay ni Totong. Me baby na si Magic - inaanak ko rin. Ka-birthday ni Utoy ang panganay nya. Sabay kapag naliligo sina Jonel at ang "boo" nya. Ang Marvin may Facebook account na. Si Jepoy bikini open veteran. Most of the canton boys namomroblema sa pambili ng bear brand panggatas ng mga junakis. Even Waldo, me girlfriend na rin, katabi pa nya sa profile pic. Kahit si Papa El me tinatawag ng "mahal ko" sa mga comments. Si "fifteenth" nalaglag na sa countdown ng tuluyan. I also confirmed that Daduds already has a wife. An expected twist of fate -- 2 years late.

In time for my new journey.

Lahat sila nag-move on na. Ako na lang ang hindi. Pero teka, ambilis ko ata. I'm getting ahead of myself. Bat di ko muna ikwento ang istorya ko? Bat di ko ikembot ang landi ko? Bat di ko iladlad ang kapa ko? Bat di ko basagin ang banga ko? (titingin ng direcho sa camera...) Sasabihin ko na... Lahat...

I wanted to write my Nine Separations. Unfortunately, I had no time but to write it on my head, and hope that I would be able to relay them to you. Lahat ng eksena, lahat ng kembot, lahat ng luha. Too many words, too many stories, too little time.


I'm going away. I might blog again, I might not return as BM, but I will ALWAYS write. I apologize if ever you won't be able to read them yet. Soon, I hope. For now, let me open my arms and give you the warmest hug I could ever give.

"This is the beginning of the end...pasok na sa banga!" Yan ang intro nung unang ginagawa kong kabaklaan.

"No more hiding. Beki and proud." Yan naman sana ang last words ever.
Sa tuwing nakaharap ako sa keyboard, tumatakbo ang utak ko kung pano ko isusulat lahat ng kabaklaan na pwedeng mahagilap sa mundong ibabaw. Pag naglalakad, pag nanonood, pag kumakain, pag tumatae, pag umuutot, pag nakikipagkembangan, pag naiinlove, pag kinikilig, pag natatakot, pag tulala. Lahat ng ginagawa ko, iniisip ko kung pano ko magandang maiikwento.

Saying goodbye to the people who matter is never an easy thing for me. Sa dinami-dami ng blogelya na naisulat ko ditey, obvious na obvious na kung gano ko kabilis ma-attach, at kung gano ko katagal ma-detach. Me dobol lock lagi ang puso ni Bi-Em sa mga taong mahal nya at mahal sha. It's just how I roll.

With the previous blogs that I posted and the next blogs that I'm gonna post in preparation for Bi-Em's death, please bear with me. Mamamaalam lang ang Baklang Maton sa mga taong di ko maatim na iwan, pero kailangan.

I hope God can give me the courage to write the things that I should write. These may not matter to you, mga readers. Chikka lang, it would matter to the people who matters to me, so keri bam bam na rin.


Think of this as Bi-Em's epitaph.
Ngayon, kailangan ko munang magpahinga.

Sa lahat ng nagtiwala sa akin minsan, sana magtiwala kayo ulit. Pag kaya ko nang sumugal uli, pag kaya ko nang maging maton ulit. Pero ngayon, I would have to say "gorabelles muna aketch". Life goes on. Isasara ko muna ang banga. Para pag handa na kong magsulat ng panibagong kabanata, makita nyo. Ako pa rin to.

I will always be Bi-Em.




Bakla. Maton. Masaya.


But for now, I'll see you soon...





Separation is almost over...

3.14.2012

A Happiness of Gays

Shrewdness of apes. Congregation of alligators. Unkindness of ravens. Battery of barracudas. Piteousness of Turtle doves. Flamboyance of flamingoes. Yung pinakahuli siguro ang pinakabongga. Napaisip ako ng semi-malalim. Pano sa grupo ng mga bektaz?

3.02.2012

Paru-Parong Beki

Bago ang post, eto muna ang link sa aking twitter mga beks. Alam nyo naman mas active ang Bi-Em dun, follow nyo na lang akez.

As I have my countdown to my 3rd anniversary sa blogelya, itey ang isang alamat mula sa baul. Si Butterina, at ang Mahiwagang Sirena, mga alamat na walang konek sa isa't isa.

Source: http://s677.photobucket.com/profile/FoxyTisha/index

2.01.2012

Bite Me

Magpapakagat ka ba?

Eto isa pang nakabaon sa baul. Wala ng social relevance pero kalkalin ko na rin para mabawasan ang drafts ko davah?! October 30 pa ata tong premiere night na to hehehe... Wag na umangal, gusto ko mag-movie review eh hihihi... This will just be a prelude to another blog I'm working on... Ang buhay pag-ibig, sa perspective ng Aswang sa buhay ni Biem. Exciting!

1.31.2012

Super Mario and the Golden Beki

Wow, 201st first ko na itey! Salamat sa lahat ng nagbabasa, salamat sa lahat ng bumabalik, salamat sa lahat ng nagse-share, salamat sa lahat ng andun sa gilid at nag-subscribe hihihi, at salamat shempre sa lahat ng kabaklaan na binigay sa kin ni Lord. Without this, malamang wala akong blogelya nowadays. Hemingway, opening salvo para sa Blogelya Number 201... The ultimate showbiz encounter of my 2011... Light topic muna para madaling isulat. Slowly, gogora akez ulet sa mga hard na ekzema hiii. For now kalandian muna ha.

1.30.2012

200

It's a Heartbreak.

1.29.2012

All Stars

Everyday, I'm gonna be the best beki that I can be.

1.28.2012

Hay Naku Papa El

I am having a hard time to write. As in wala akong matapos. Kaya hinayaan ko muna ang aking inner beki na manahimik at wag mag-blog. Para naman mapahinga ang pagal at kamura-mura kong katawan. Beki pa rin naman ako inside and out, pero di ko muna tina-translate sa salita. For almost two months, i was just a normal beki, i wasnt the blogger beki.

Buti na lang, nanjan si Papa El... Dahil sa recent naming eksena, di ko kinayang hindi magsulat... Hay Blink! Binigyan mo na naman ng tapang si Kakeru...Ü

1.09.2012

Lucid Dream

I just had a very vivid dream. Super lucid, kasi nakokontrol ko ang nangyayari.

Tumawag daw ako sa isang kakilala ng kakilala, and I ended up talking to a publisher. In order to publish, bilang super puno na daw ang line up nila ng books for this year and next year, ilang milyang tumbling at ilang toneladang kembot ang kinakailangan ko para matuloy. But they would take care of everything. Kelangan ko lang I-finalize kung ano bang gusto kong ilimbag.

That dream was very lucid. I wasn't even sleeping when it happened. Oh wait, that wasn't just a dream. Pangarap sa panaginip? Panaginip na pangarap? Anubey?!

What do u think, Bekilandia? Should I go for it?

1.03.2012